Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Roxas Chelsy Kate A.

Petsa: Febrero 9, 2023


Kurso: BSE Mathematics 3 Gawain 03

“How to Find Love”


Quark Henarez

Nagsimula ang palabas na ito sa dalawang magkaibigan na nasa isang resto at pareho
silang abala sa kanilang mga telepono, nang biglang mapansin ni Chris ang isang magandang
babae sa social media ay agad niyang tinanong ang kanyang kaibigan. Nagkataon naman na
ito ay kilala ng kanyang kaibigan at agad na binigay ang pangalan ng babae Christine Esguerra.
Tiningnan ng dalawa ang mga post sa social media account ni Christine upang ma kumpirma
na ito ay wala ng nobyo at ng kanilang makumpirma ay agad na nag pa reto si Chris. Sa
tinatawag na Facebook app ay nag upload si Casas ang kaibigan ni Chris ng picture nila at
naka tag doon si Christine kahit hindi naman ito kasama sa litrato base sa kwento ni Christine
sa kanyang kaibigan dahil doon nag umpisa ang pag uusap ni Chris at Christine sa telepono.
Ang dalawa ay parehong tinitingnan ang profile ng isa’t isa sa iba’t ibang social apps hanggang
sila ay nagkaroon ng pagkakataon na magkita at magkakilala ng personal.

Makikita ang iba’t ibang elemento ng pelikula sa palabas at masasabi ko na ito’y lubos
na nakatulong sa pelikula binigyang diin ng mga ito bawat eksena. Una akong napabilib sa
sinematograpiya dahil angkop lang ang mga ginamit na ilaw para sa eksena, ang pagkakalagay
ng ilaw sa usapan ng dalawang lalaki bagay lamang dito dahil ito ay medyo madilim at angkop
sa seryosong usapan. Sa dalawang babae naman ay maliwanag ang mga ilaw sapagkat
masayang nag uusap ang dalawang mag kaibigan at maganda ang pag kakapokus ng camera
sa bawat karakter na nagsasalita. Ang tunog na ginamit ay tamang tama lamang upang
mabuhay ang palabas, ang bawat mensahe o paglabas ng mga imahe na kuha sa cellphone ay
ginamitan ng sound effects kung saan hindi ito nakaka sagabal sa eksena. Ang lugar na pinag
ganapan ay tama para sa bawa’t eksena dahil kahit sa totoong buhay ay mas madalas na
magkita ang mga magkakaibigan sa mga kainan sa labas. May kanya kanyang gamit ang mga
elemento ng pelikula ngunit lahat ng ito ay nag kaka talo talo pag pinagsama sama na sa isang
eksena. Sa labas kung ating papansinin sinin na mabuti pag nasa eksena ng dalawang
magkaibigang lalaki na may pag ka seryoso ang pag uusap ang ilaw ay hindi gaano kataas
ginagamitan din ito ng rock music sa background na hindi gaano kalakas upang masira ang
eksena at ang lugar na ginamit dito ay bar kung saan angkop ang mga karakter at iskrip na
ginamit dito.

Nagpapakita ang palabas na ito kung paano ang bawat tao ngayon ay makakahanap ng
kanilang pag ibig gamit ang teknolohiya at mga reto. Sa panahon ngayon ay may mga tao na
umaasa na mahahanap nila ang kanilang pag ibig sa mga reto ng kaibigan. Mayroon na din
mga aplikasyon na maaring magamit upang maka kilala ka ng tao na nais mong maka date.
Nakakakilala tayo ng iba’t ibang tao gamit lamang ang mga social media natin ultimo mga
kantang atin hilig pakinggan ay kaya ng malaman dahil sa mga lumalabas na mga aplikasyon.
Maging maingat tayo sa bawat post na ating ilalagay sa ating mga social media dahil maari
nilang malaman lahat ng impormasyon tungkol sayo kung ikaw ay hindi maging maingat sa
paggamit nito.

You might also like