Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

 

INAASAHANG BUNGA

Sa parteng ito ng aming konseptong papel inilahad ang mga inaasahang resulta o
bungang kinalabasan ng aming pananaliksik tungkol sa paksang “Epekto ng
Kahirapan sa Sector ng Edukasyon: Libreng Matrikula sa mga Pampublikong
Paaralan, sapat nga ba?”

Sa inaasahang bunga o resulta ng aming pananaliksik ay matututunan lalo ang


kahalagahan ng ang edukasyon at ito ay para sa lahat.

Ang Kongreso at ang Ehekutibo ang nagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng


pampublikong paaralan mapa- elementarya, sekondarya, kolehiyo at unibersidad.
Malaki ang naitutulong neto sa mga mag-aaral na nahihirpan mag bayad ng
matrikula dahil sa kahirapan. Nakakatulong ito upang makapag-tapos ang
kabataan na may taglay na baguhin ang kinabukasan ng ating bansa.

Ang mga pondo ay dumadaan sa Kagawaran ng Edukasyon bagama't ang ibang


mga pederal na ahensya ay nangangasiwa ng ilang pagpopondo para sa mga
aktibidad na nauugnay sa edukasyon. Sa pamamagitan ng Kagawaran ng
Edukasyon ng Pilipinas, ang pederal na pamahalaan ay nagkakaloob ng halos 1
bilyong piso sa isang taon sa mga programa sa primarya at sekondaryang
edukasyon. Ngunit kung iisipin, sapat nga ba ang ibinibigay na pondo ng
pamahalaan upang matustusan ang pag-aaral ng mga estudyante sa
pampublikong pamahalaan?

Sa isang buong Akademikong taon, tila ba kinukulang pa rin ang pondo na isang
bilyon sa dami ng estudyanteng nag-eenroll para makapasok sa pampublikong
paaralan. Bukod pa roon, nagkukulang din sa mga guro,  establesimiento, at
classroom para mapunan ang kalidad na pag-tuturo. Sa madaling salita, hindi pa
rin sapat ang libreng matrikula sa pambublikong paaralan dahil marami pang
pagkukulang upang makabuo ng isang maayos pagtuturo. Ang ilan sa mga isyu sa
pagpopondo ng paaralan ay isang malaking problema sa atin. Ang mga paaralang
may mas maliliit na badyet, na kadalasan ay hindi maaaring mag-alok ng maliliit
na klase at mas mahusay at maayos na mga programa, ay nakikita ang mas
mababang tagumpay ng mag-aaral, na lumilikha ng isang socioeconomic sa
edukasyon.

Maraming nagtatapos ng pag-aaral ang nagiging matagumpay sa buhay ngutin


hindi ito madaling makamit. Maaari nating sabihin na naitataguyod ng
pamahalaan na gawing libre ang matrikula, ngutin marami pa ring butas na
kailangan pagtuunan ng pansin para masabi itong matagumpay. Maaaring
dagdagan pa ang pondo para sa edukasyon para mas maisaayos ang mga
kailangan, at pagtuunan pa lalo ng pamahalaan ang usapin tungkol sa edukasyon
para sa ating bansa. Kung maisasaayos ito agad ay mas lalaki pa ang porsyento na
ma-iahon ng mga mag-aaral ang kanilang pamilya sa kahirapn pag dating ng
panahon.

You might also like