Paksa Baitang Takdang Oras Developer Mga Kasanayan Sa Pagkatuto (Learning Competencies) at Layunin (Objectives)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Paksa Florante at Laura Kabanata 10-12

Baitang Baitang 8
Takdang oras 2 oras
Developer
Mga kasanayan sa Pagkatuto (Learning Competencies) at Layunin ( Objectives)

Kasanayan sa Pagkatuto/
Learning Competency:
Layunin/Objectives: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

F8PN-IVc-d-34: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang Aralin.


F8PT-IVf-G-36: Nabibigyang Kahulugan ang mga piling salita na di-lantad ang
kahulugan batay sa pagkakagamit sa pangungusap.
F8PS-IVd-e-37: Nabibigkas nang madamdamin ang mga sauladong berso ng
Florante at Laura.

PAGPAPAMALAS/ISAGAWA

Jasper, Maaari mo bang pangunahan ang panalangin sa araw na


ito? Opo Maam: ……..Amen

Magandang hapon klas! Mag-aaral: Magandang hapon po Titser


Marcy.
Meron bang lumiban sa araw na ito?
Mag-aaral: Wala po titser.
Mabuti! Bigyan natin natin an gating sarili ng Dionesia Klap

Ano nga ulit ang kabanatang ating tinalakay noong nakaraang


araw?
Gin: Ito po ay ang kabanata 7-9 Titser.

Mabuti at naaalala niyo pa.


Sinu-sino ang mga Pangunahing Tauhan sa Kabanatang ating
itinalakay noong nakaraang araw?
M1: Si Florante po Titser.
M2: Si Laura Po.
M3: Si Aladin po Titser.

Mahusay mga Bata. Ako ay nagagalak at natatandaan niyo pa


ang ating itinalakay noong nakaraang araw.

PAKIKIBAHAGI/ISALI

Ngayon, meron akong inihandang isang aktibi at kinakailangan


na meron kayong kapares dito.
Panuto: Maglalaro tayo ng tinatawag nating “Pinoy Henyo”. Isa
sa inyo ang magsisilbing taga hula at ang isa naman ay
magsisilbing taga-sagot.

Handa naba ang lahat? May kapares naba? Opo Titser.

Ngayon Pumili na ng isang taga hula at isang taga sagot.


Tapos na po Titser Marcy.

Simulan na natin ang Laro.

Bigyan natin ng Baranggay Klap sina Jasper at Gin dahil sila


ang may pinaka-madaling oras sa paghula.
PAGTUKLAS/TUKLASIN

Ngayon mga Bata, maaari niyo bang ibahagi kung ano ang mga
salita na inyong hinulaan?

Clyde? Anong salita ang iyong hinulaan?


Clyde: Ito po ay tao, at si Florante Po ito
Titser.
Cathy? Ano naman ang sayo?

Cathy: Ito po ay hayop, at Leon po ito Titser.


Ano naman ang sayo Kim?
Kim: Ito po ay Lugar, at Kagubatan po ito
Titser.

Ngayon Klas, Basi sa inyong mga hinulaan, ano kaya ang Mag-aaral: Ang pagpapatuloy po sa kabanata
tatalakayin natin sa araw na ito? 10-12 ng Florante at Laura Titser.

Tama! Ipagpapatuloy natin sa araw na ito ang kabanata 10-12


ng Florante at Laura.
PAGPAPALIWANAG/PALIWANAG
(Ang mga Mag-aaral Ay babasahin ang Buod ng Bawat
Kabanata)

‘’Florante at Laura Buod Kabanata 10: Ang Paglaban ni


Aladin sa Dalawang Leon’’

Nakita ni Aladin ang dalawang leon na mukhang gutom na. Ito


ay may mga nagngangalit na ngipin at matatalas na kuko na
kahit na anong oras ay maaaring makapatay. Paglaon ay biglang
nang-akma ang mga leon ngunit dali-daling umatake na din si
Aladin na parang may lumitaw na marte mula sa lupa.
Bumabaon ang bawat pagkilos ng tabak na hawak ni Aladin at
napatumba niya ang dalawang leon.

Tauhan:
Florante
Aladin

Tagpuan:
Kagubatan

Talasalitaan:
Nagngangalit – galit
Paglaon – paglipas
Akma – tama, angkop
Marte – Si Mars, diyos ng pakikipaglaban
Tabak – espada

Aral sa Kwento:
Kahit gaano pa kahirap at kadelikado ang isang bagay kung
meron tayong tiwala sa ating sarili ay malalagpsan natin ito. At
sa lahat ng oras ay maari tayong maging bayani at makatulong
sa ating kapwa tao kagaya na lamang ni Aladin.

“Florante at Laura Buod Kabanata 11: Ang Mabuting


Kaibigan”

Nang mapagtagumpayan ni Aladin ang nagbabadyang panganib


na dala ng dalawang leon ay agad niyang pinakawalan ang
nakagapos na si Florante. Ito ay walang malay at ang katawan
ay malata na parang bangkay. Gulong-gulo ang kanyang loob
ngunit muling napayapa ng idilat ni Florante ang kanyang mga
mata. Sa kanyang pagdilat ay agad niyang sinambit ang
pangalan ni Laura.

Tauhan:
Florante
Aladin
Laura

Tagpuan:
Kagubatan

Talasalitaan:
Nagbabadya – nagbabanta
Nakagapos – nakatali
Malata – nanlalambot
Pagdilat – pagbukas ng mata
Sinambit – sinabi, binanggit

Aral sa kwento:
Wag tayong mawalan ng Pag-asa sa ating buhay.

“Florante at Laura Buod Kabanata 12: Batas ng Relihiyon”

Nang magising si Florante ay nagitlahanan kung bakit siya nasa


kamay ng isang moro. Agad namang nagpaliwanag si Aladin na
siya ang tumulong at nagligtas sa kaniya kung kaya’t hindi siya
dapat mabahala. Si Florante ay taga-Albanya at si Aladin
naman ay taga-Persya. Ang dalawang bayan na ito ay
magkaaway ngunit sa ginawang pagtulong at pagkalinga ay
naging magkatoto sila.

Tauhan:
Florante
Aladin

Tagpuan:
Kagubatan

Talasalitaan:
Nagitlahanan – nagtaka
Moro – muslim
Mabahala – mag-alala
Pagkalinga – pag-aalaga
Magkatoto – magkaibigan
Aral sa Kwento:
Hindi Porket magka-away na ang bawat isa dahil sa kanya-
kanyang paniniwala ay hindi na magtutulungan. Nasa tao pa rin
ito kung anong pipiliin niya. Kagaya na lamang sa Kabanata 12
na kahit na magkaaway o magkalaban ang bayan nila Florante
at Aladin ay hindi ito naging hadlang.

Dahil nangingibabaw pa rin kay aladin ang pagiging


matulungin sa kapwa tao.

Mga Katangiang Taglay ng Tauhan:


Florante- Gerero at tagapagtanggol ng kaharian ng Albanya;
mabait na anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca;
pinakamamahal ni Laura. Isang makisig at Magiting na Lalaki.

Laura- Prinsesa ng Albanya; anak ni Haring Linceo;


minamahal ng lubos ni Florante.

Aladin- Gererong moro ng Persiya; anak ni Sultan Ali Adab;


nagligtas sa buhay ni Florante; nakaisang-dibdib ni Flerida.
May angking Husay at galing sa pakikipaglaban at matulungin.

PAGPAPALAWAK/PALAWAKIN

Ano nga Ulit ang mga kabanatang ating tinalakay sa araw na


ito?

Mahusay Elyza! Ating bigyan ng Royal Klap si Elyza mga


Elyza: Ang Kabanata 10-12 po Titser.
Bata.

Ano naman ang Pamagat ng Bawat Kabanatang ating tinalakay?

James: Ang Kabanata 10 po ay Ang


Paglaban ni Aladin sa Dalawang Leon.
Aliyah: Ang Kabanata 11 po ay Ang
Pagsaklolo.
Allen: Ang Kabanata 12 naman po Titser ay
ang Batas ng Relihiyon.
Mahusay mga Bata, Talagang nakinig kayo sa ating tinalakay sa
araw na ito.

Ano naman ang kahulugan ng salitang ito?


Nagtaka
Nagitlahanan
Muslim
Moro 
Mag-alala
Mabahala 
Pag-aalaga
Pagkalinga 
Magkaibigan
Magkatoto 
Mahusay mga Bata.

Sinu-sino naman ang mga Pangunahing Tauhan sa Mga


Kabanatang ating itinalakay?

Xyrynn Maari kang Sumagot.

Xyrynn:
Sina Florante, aladin at Laura po.
Magaling Xyrynn, Bigyan natin siya ng Baranggay Klap.

Ano naman ang mga mahalagang pangyayari sa Kabanata 10-


12?
Mag-aaral 1: Ang mga Pangyayari po sa
Kabanata 10 ay nilabanan ni Aladin ang
dalawang leon na gusting kainin si Aladin po
Titser Marcy.

Mag-aaral 2: Sa kabanata 11 naman po ay


tinanggal na ni aladin ang nakataling lubid sa
katawan ni Florante. At inakala po ni Aladin
na wala nang buhay si Florante dahil ang
katawan nito ay para napong isang lantang
Gulay. Pero laking pasalamat po niya ng itoy
magmulat ng mata at binanggit ang Pangalan
ni Laura.

Mag-aaral 3: Ang Mahalagang pangyayari


po sa Kabanata 12 ay Kung paano
tinulungan at inaruga ni Aladin si Florante
po Kahit na sila ay Mag-kaaway. At dahil po
ditto ay naging maagkatoto po sina Aladin at
Florante.

Magaling Mga Bata!


Ako ay nagagalak at kayo ay may natutunan sa ating tinalakay
sa araw na ito.

PAGTATAYA/SURIIN
Gawain I.
Panuto: Ibigay ang Tamang sagot sa bawat Tanong. 2puntos
MAG SAGOT:

1. Ano ang pamagat ng Kabanata 12? ANG BATAS NG RELIHIYON


2. Sino ang tumulong kay florante? ALADIN
3. Ano ang kasingkahulugan ng Moro? MUSLIM
4. Saan natagpuan ni Aladin si Florante na nakagapos? KAGUBATAN
5. Anong hayop ang akmang kakain kay Florante? LEON
6. Ano ang kasingkahulugan ng Marte? DIYOS NG PAKIKIPAGLABAN
7. Sino ang unang binanggit ni Florante ng siya ay LAURA
magkamalay?
8. Ano ang kasingkahulugan ng Nagngangalit? GALIT
9. Ano ang kahulugan ng Talasalitaan na Magkatoto? MAGKAIBIGAN
10. Saang Bayan nagmula si Aladin? PERSYA
11. Ano ang pamagat ng Kabanata 10? ANG PAGLABAN NI ALADIN SA
DALAWANG LEON
12. Saang bayan naman nagmula si Florante? ALBANYA
13. Ano ang Kasingkahulugan ng Nagbabadya? NAGBABANTA
14. Ano ang Pamagat ng Kabanata 11? ANG MABUTING KAIBIGAN
15. Magbigay ng Tauhan sa Kabanata 10. ALADIN O FLORANTE

Gawain II.

Panuto: Bumuo ng isang Grupo na may 4 lamang na miyembro.


Pumili kung sino ang taga-sulat, lider at taga bahagi. Isulat sa
isang buong Papel ang mga mahahalagang Pangyayari sa Bawat
Kabanata at Ilahad sa Buong Klasi ang naisulat o nagawa.
10puntos.

PAGPAPALAWIG/PAHABAIN

Pangkatang Gawain.

Ang mga Mag-aaral ay hahatiin sa dalawang Grupo.

Panuto: Buohin ang mga salitang nasa ibaba sa loob ng isa’t


kalahating minuto. Kung sino man ang makapagbubuo sa
madaling minuto ay siyang magkakaroon ng Sampung Puntos.
1. O L F N A T E R
2. D I A L A N
3. U R L A A
4. N O E L
5. K A M A
6. L A G P A O N
7. I D T A G P L A
8. M A N T I S B I
9. Y N O E R H I L I
10. U S M M I L

TAKDANG ARALIN:

Panuto: Sa Isang Buong Papel, Gumawa ng Repleksyon o


isulat ang mga mahahalagang Aral tungkol sa mga Kabanatang
Tinalakay sa Araw na Ito. 20puntos.

MGA SANGGUNIAN:

1. Buod ng bawat kabanata ng Florante at Laura


https://pinoycollection.com/florante-at-laura-buod-ng-bawat-
kabanata/

7E’s Banghay- Aralin sa Filipino


Inihanda ni: Ms. Marcy Mae B. Ecoy

You might also like