Dalumat Reviewer

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

REVIEWER

GNED 12 DALUMAT

Ano ang DALUMAT?


• Malalim na pag-iisip at interpretasyon.
• Kaalaman at abilidad upang maihukom ang partikular na sitwasyon o paksa.
• Interpretasyon sa isang bagay kung paano bigyang paliwanag ang isang paksa.

Ano ang SAWIKAAN?


• Samahan
• Nagsimula noong2004 upang subaybayan ang pag-unlad ng Wikang Filipino batay sa
umiiral nagamit ng mga salita sa diskurso nglipunan.
•Isang taon ng pagpili ng Salita ng Taon.

Mga Pamantayan sa Pagpili ng Salita ng Taon:


• Mga salitang bagong naimbento.
• Mga salitang hiram mula sa katutubo o
banyagang wika.
• Lumang salita ngunit may bagong kahulugan o
patay na salitang muling nabuhay.

Mga Isinasaalang-alang sa Pagpili ng Salita ng Taon:


• Ang pagsasalamin nito sa kalagayan ng lipunan.
• Ang lalim ng saliksik ukol sa ipinasang salita.
• Ang paraan ng pagpepresenta nito sa madla.

FIT – Filipinas Institute of Translation, Inc.


• Nagsimula ito noong taon ng:
- 2004 - 2005
- 2006 - 2007
- 2010 - 2012
- 2014 - 2016

Salita ng Taon
Mga itinanghal na salita ng taon, mula sa iba’t ibang taon.

2004 - Canvass nominated by Prof. Randy David


2005 - Huweteng nominated by Roberto Añonuevo
2006 - Lobat ng SAWIKAAN
2007 - Miskol ng SAWIKAAN
2010 - Jejemon nominated by Prof. Roland Tolentino
2012 - Wang Wang nominated by Dabid Michael San Juan
2014 - Selfie by Direk Jose Javier Reyes at Noel Ferrer
2016 - Fotobam ng SAWIKAAN
2018 - Tokhang ni Mark Angeles
2020 - Pandemya

Sa mga panahong walang Sawikaan, idinaos ng FIT ang Ambagan—ang


kumperensiyang nakatuon naman sa mga ambag na salita ng iba’t ibang wika sa
Filipinas para sa pag-unlad ng wikang pambansa.

Salita ng Taon 2018


Labing-isang nominadong salita ng taon

1. TOKHANG
-Bisayang salita: “TOKTOK” (Katok) “HANGYO” (Pakiusap) Nanalong salita ng taon
Oktubre 24, 2018 ni: Mark Angeles

Salitang Gamit:
Kapag napapatay ang suspek sa drugs

2. DENGVAXIA
Ni: Ralph Fonte at Ari Santiago

Bakuna laban sa Dengue. Naging kontrobersyal nang aminin ng Sanofi Pasteur na may
malalang epekto ito sa hindi pa nagkaka impeksyon

3. DDS
Ni: Schedar Joson

Orihinal na tinutukoy:
Davao Death Squad. Ginamit na pangangampanya ng Duterte Diehard Supporters
noong 2016

4. DILAWAN
Ni: Jonathan Geronimo at John Robert Bautista

Pangungutya sa Yellow Crowd. Mga tagasuporta ng pamilya Aquino at ng Liberal Party

5. FAKE NEWS
Ni: Danilo Arao

Kasinungalingan o mapanlinlang na
impormasyon na kinokopya ang format ng balita. Tawag ng mga tao sa tunay na balita
na hindi nila gusto.

6. FEDERALISMO
Ni: Xavier Alvaran
Isang sistema na naghahati ng kapangyarihan sa pagitan ng pambansa at lokal na
pamahalaan. Sistemang isinusulong ng administrasyong Duterte.

7. FOODIE
Ni: Mykel Sarthou

Taong mahilig kumain o mahilig sumubok


ng mga bagong putahe. Kadalasan, kinukuhanan din nila ng litrato ang kanilang
pagkain

8. QUO WARRANTO
Ni: Aileen Sicat

Petisyong kumukwestiyon sa kwalipikasyon ng opisyal sa isang posisyon

9. RESIBO
Ni: Zarina Joy Santos-Eliserio
Ebidensya o Katunayan

10. TRAIN
Ni: Junilo Espiritu

Acronym para sa Tax Reformfor Acceleration and Inclusion Law. Batas na nagbaba ng
income tax rate pero nagpataw ng buwis sa ilang produkto at serbisyo

11. TROLL
Ni: Roy rene Cagalingan

Social media user na nang-iinis o


nanghahamon para sumagot nang pagalit ang nag-post o iba pang nagbabasa.

AMBAGAN NG MGA SALITA

Mga Salitang Iluko


Nina: Cles Rambaud at Ariel Tabag
Ayon sa kanila, tiyak na makakikita ng terminong Iluko na hindi tuwirang maisalin o
mabigyan ng eksaktong kahulagan sa wikang Tagalog kahit hindi naman nagkakalayo
ang mga kultura nito.

Ayon pa kina Rambaud at Tabag, ang mga salitang nais iambag sa wikang Filipino ay
mula sa mga nailimbag na obra ng mga Ilukong manunulat sa magasing Bannawag at
sa mga librong inilathala ng GUMIL Filipinas, isang publikasyong Iluko.

Mga Salitang Pampanga


Nina: Lucena Samson

Inulat ni Lucena Samson ang tungkol sa


kasaysayan, kultura at wika ng Pampanga.

Isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas ang Kapampangan. Masasabing patuloy pa


rin itong nililinang ‘pagkat nanatiling buhay ito sa mga Kapampangang mananaliksik at
dalubwika. Katulad ng marami pang wikang nagtataglay ng kakaibang katangian, ang
wikang ito ay tiyak na makapag-aambag rin spagyaman ng ating talasalitaan.

Mga Salitang Tagalog-Batangas


Nina: Renerio Concepcion

Isinalaysay niya ang mga katangian ng wika ng Batangas at ang kaibahan nito sa ibang
mga wika sa bansa. Nasa malimit na pataas-tono ng puntong Batangas ang matitinding
damdamin. Isa sa mga pekulyaridad ng salitang Batangas kapag winiwika na ay ang
matitigas na diin habang pumupunto ang nagsasalita.

Mga Salitang Mansaka


Ni: Marilyn Arbes

Isa sa mga katutubong nagtataglay ng sariling kultura at may wikang nagagamit sa


pakikipagkomunikasyon. Matatagpuan sa Rehiyon XI.

Mga Salitang Kinaray-a


Ni: Genevieve Asenjo

Lumalakad ito sa kasalukuyang panahon, kahit pa ba hinay-hinay, na may kamalayan


sa kaniyang maragtas, mulat sa kanyang konteksto, at nakikisali, sumusugal, sa mga
posibilidad ng pag-aakda ng bansa sa
pamamagitan ng pagtatayo ng sarili nitong pampanitikan-wika-kultural na infrastraktura

Pinatunayan niya na kahit na hindi gaanong bantog ang wikang ito, ang
Kinaray-a ay patuloy sa pag-unlad.

MGA HALIMBAWA:

Mga Salitang Iluko:


Kubus- kabilugan ng buwan
Murmuray- panunumbalik sa normal ng mga sentido pagkagising
Kibin- magkahawak-kamay habang naglalakad

Mga Salitang Pampanga:


Manucluan - iskwater
Tangi- pag-aaring nakuha sa panahon ng                                                    
pagpapakasal ng magpasawa
Sibul ning Lugud - walang hanggang pagmamahal

Mga Salitang Bikolano:


Hablondawani - bahaghari
Tunton-Balagon - alitaptap
Mangindara - sirena sa lawa

Mga Salitang Tagalog-Batangas:


Baysanan- kasalan
Himatlugin - laging antukin at patungo sa pagtukog ang kilos at gawain
Mali-mali - makakalimutin

Mga Salitang Kankana-ey:


Gait- kasama
Benge- palamuti sa buhok ng mga kababaihan
Inayan- pagpigil sa isang tao sa paggawa ng isang bagay

Mga Salitang Higaonon:


Buuy- lola sa tuhod
Kapu-un- pinagmulan ng lahi
Kaamulan- pyestang kultural

Mga Salitang Mansaka:


Taklay - mga pulseras
Bunong- pagbibinyag
Bayok- pagsasalaysay sa nangyari sa nakaraan

Mga Salitang Hiligaynon:


Pangayaw - dayuhan
Inday - pantawag sa mga mahal sa buhay na babae

Mga Salitang Aklaonon:


Panakayon - biyahe
Panaad - pangako
Ilis - palitan

Mga Salitang Tagalog-Laguna


Waswas - ubos na ubos
Kinis - pamumula't pamamawis
Himpil -  paghuhugas ng pinggan

Mga Salitang Kinray-a


Pinalinpin-  palay na walang laman
Bungkag-  paghiwalayin
Pasi-  trumpo

Bagong Tampok na Salita


 Malaki ang impluwensiya ng pagbabago ng panahon at teknolohiya upang makabuo
ng mga bagong salitang
nagiging dahilan upang magkaroon ng
dagdag na salita na pwedeng gamitin sa
pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon.

Ngunit mayroong mga salita tayong hindi


natin alam na pwede palang gamitin upang maghayag ng mga bagay na nais nating
sambitin sa isang salita. Naglabas
ang National Commission for Culture and the Arts ng mga salita mula sa iba’t ibang
lenggwahe na maaaring gamitin sa
paglalarawan ng mga bagay.

You might also like