Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin Tungkol sa Wika na Ginagamitan ng Iba’t-ibang Palatunugan

(Diin, Intonasyon, Hinto at Haba) sa Baitang 10


Gamit ang Modelong ASSURE

Inihanda ni : Aizel Ann B. Catapang, Batsilyer ng Edukasyong Pangsekundarya


Medyor sa Filipino-2201

Titulo: Wika na Ginagamitan ng Palatunugan (Diin, Intonasyon, Hinto at Haba)


Asignatura: Filipino
Antas ng Mag-aaral: Baitang 10

1. Analisahin ang iyong mga mag-aaral (Analyze Learners)

Pangkalahatang Katangian (General Characteristics)


Ang paksang ito ay inihanda at nakadisenyo para sa mag-aaral na nagmula sa
baitang 10 ng Integrated School. Binubuo ang klase ng dalawampu’t limang
mag-aaral lamang na kung saan ay masisigurado ang pag-intindi, pag-unawa at
ang pagkatuto sa paksang bibigyan ng pansin.

Pambungad na Katangian (Entry Characteristics)


Inaasahan na sa klaseng ito ay mayroong iba’t-ibang pamamaraan sa larangan
ng pagkatuto. Sa pamamagitan ng kanilang pamamaraan, tiyak na mayroon na
silang pauna o pangbungad na kaalaman pagdating sa larangan ng wika na
ginagamitan ng iba’t-ibang palatunugan tulad ng diin, intonasyon, hinto at haba
na magagamit sa magiging talakayan.

Istilo ng Pagkatuto (Learning Style)


Ang araling ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng iba’t-ibang pamamaraan.
Tulad berbal, biswal, solitary, lohikal at sosyal na pamamaraan. Magkakaroon
din ng mga indibidwal at mga pagkatang gawain o aktibidad upang masukat ang
natutunan ng mag-aaral sa magiging talakayan.

2. Ilahad ang mga Layunin sa Pagtuturo (State Objectives)

Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:


a. Nabibi gayang-linaw ang bawat salita at wika sa larangan ng iba’t-ibang
uri ng palatunugan.
b. Natutukoy ang tamang antas ng diin, tono, intonasyon at haba sa bawat
salita o wika.
c. Nagagamit sa tamang pamamaraan, istilo at pangungusap ang bawat
salita o wika na may tamang palatunugan.
3. Pumili ng Angkop na Metodo, Midya at mga Materyales (Select Methods,
Media, and Materials)

Metodo

Magsisimula ang talakayan sa pamamagitan ng pagbibigay paunang kaalaman


ng guro. Bibigyang paliwanag at pansin ng guro ang mga mahahalagang salita o
wika na tutukuyin sa magiging talakayan. Magkakaroon ng mga aktibidad o
gawain tungkol sa wika na ginagamitan ng iba’t-ibang palatunugan, na kung
saan ay masusukat ang kaalaman at kakayahan ng bawat mag-aaral. Bibigyang
pagkakataon ang bawat isang mag-aaral upang magkapaglahad at
makapagbahagi ng mga kaalaman tungkol sa wikang may palatunugan.

Midya at Materyales

Gagamit sa talakayang ito ng iba’t-ibang midya at materyales, upang ang


pagkatuto ng bawat isang mag-aaral ay tiyak na maisasakatuparan.

Tulad ng libro at internet na kung saan maari kumuha ng karagdagang kaalaman


na maibabahagi sa bawat mag-aaral. Gagamit din ng mga kagamitang pangturo
tulad ng chalk, blackboard, laptop, projector, PowerPoint Presentation, speaker,
at iba pa upang mas maging maayos, madali at makabuluhan ang pagtuturo ng
mga guro at pagkatuto ng bawat mag-aaral.

4. Gumamit ng Midya at mga Materyales (Utilize Media and materials)

Suruin ang mga Materyales (Preview the Materials)


Kinakailangan na ang guro ay nagkaroon ng pananaliksik o paunang pag-aaral
tungkol sa paksang bibigyang pansin, bago ituro o ibahagi sa mga mag-aaral sa
darating na talakayan. Dapat nagkaroon siya ng mga pagsasanay o pagsusulit
sa kaniyang sarili, upang magkaroon ng wastong kaalaman o pagtatama sa
darating na talakayan o pagtuturo. Mahalaga na mapag-aralan ang bawat paksa,
para kung may mga katanungan man ang mga mag-aaral ay mabibigyang
kasagutan.

Ihanda ang mga Materyales (Prepare the Materials)


Bago magsimula ang talakayan, ihahanda ng guro ang bawat materyales na
kakailanganin, gaya ng mga presentasyon na inihanda para sa pagkakaroon ng
makabuluhang pagtuturo at pagkatuto. Kakailanganin din ang mga kagamitan na
may malaking katungkulan sa talakayan na magaganap sa klase.
Isasakatuparan din ang pagkakaroon ng bawat mag-aaral ng libro o aklat na
naglalaman ng mga impormasyon na kinakailangan.
Ihanda ang Kapaligiran (Prepare the Environment)
Sisiguraduhin ng guro na ang bawat isang mag-aaral ay may kani-kanilang libro
na magagamit upang makasunod sa talakayan na magaganap. At isa pa,
bibigyang pansin din ang silid-aralan kung may sapat na espasyo, kagamitan
tulad ng upuan o lamesa, at iba pa para mas epektibong pagtuturo at pagkatuto.

Ihanda ang mga Mag-aaral (Prepare the Learners)


Bago magsimula ang talakayan, ang guro ay magbibigay paunang talakay sa
mga mag-aaral patungkol sa mga bagay na dapat at hindi dapat gawain habang
may nagaganap na talakayan. Bibigyang panuto o babala ang bawat mag-aaral
sa loob ng klase, para maging maayos at matagumpay ang magiging talakayan.
Ipapaalala sa bawat mag-aaral na kailangan ingatan ang mga kagamitang
panturo na kanilang gagamitin. At ang mahalaga ay ang magkaroon ng respeto
sa pagitan ng mga mag-aaral at guro.

5. Hingin ang Partisipasyon ng mga Mag-aaral (Require Learner Participation)


Ang partisipasyon ng mga mag-aaral ay maaring maipakita sa pamamagitan ng
malaki at maliit na pangkatang gawain, ngunit may pagkamalikhaing
magaganap.

Pagkatapos ng magiging talakayan tungkol sa wika o salita na ginagamitan ng


iba’t-ibang uri ng palatunugan, ang guro ay may inihandang gawain para sa
bawat mag-aaral. Ang gawaing ito ay ang magiging basehan ng guro kung may
natutunan ba ang bawat mag-aaral sa naganap na talakayan. Ang klase ay
hahatiin ng guro sa dalawang (2) pangkat, na kung saan ang bawat grupo ay
makikiisa sa pagkatang gawain na pinamagatang “ITAMA MO ANG SALITA AT
WIKA KO”. Ang gawaing ito ay tumutukoy sa mga salita at wika na bibigayang
tamang palatunugan, para makagawa ng maayos at magandang pangungusap.
Magkakaroon ng pagkakataon ang dalawang grupo na magbahagi ng kanilang
natutunan sa talakayan, upang magkaroon ng maayos at matagumpay na
akitibidad.

6. Suriin at Rebisahin (Evaluate and Revise)


Napakahirap na maging perpekto ang isang talakayan, kahit gaano na katagal
ang guro sa pagtuturo ay may magtatagpuan at mapapansin pa rin na kahinaan.
Sa ganitong uri ng talakayan, maaring gumamit ang guro ng kanilang personal
recorder na magagamit niya upang masukat ang naging bunga ng talakayan.

Ang talakayan ay magtatapos sa pamamagitan ng pagbibigay kasagutan ng mga


mag-aaral sa katanungan na inihanda ng guro. At ito ang magiging daan o
paraan para maisagawa ang pagsusuri at pagrerebisa.
Ang mga katanungan ay ang sumusnod:
1. Ano-ano ang iba’t-ibang uri ng palatunugan na ginagamit sa bawat
salita o wika?
2. Gaano kalahalaga na malaman ang tamang palatunugan sa bawat
salita o wika?
3. Malaki ba ang naging tulong sa iyo ng talakayang ito? Bakit?

Sanggunian

Avena, L. (2000). Batayang Aklat ng Wika at Panitikan. JGM & S Corporation.


Heinich, R. (2002). ASSURE Model of Learning.

You might also like