Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Moncada National High School
Camposanto 1 Norte, Moncada, Tarlac

Panukalang Proyekto
I. Pamagat: Tumbler Para Sa Kalikasan Program
(Basura ka ba? Papalitan kita!)
Proponent: Danica Giane N. Bagorio
Beneficiaries: Mag-aaral ng Moncada National High School
Venue: Moncada National High School

II. Deskripsyon ng Proyekto

A. Panimula

Ang Tumbler Para Sa Kalikasan Program ay naglalayong makapagbigay


ng sariling Tumbler sa mga mag-aaral na hindi abot kaya ang pagbili nito. Sa
kabilang dako, ito rin ay ang magsusugpo sa problema sa basura sa
eskwelahan tulad ng plastic bottles, kalat na papel, at iba pa. Ang paraan ng
pangangalakal ng iba't-ibang basura na matatagpuan sa paaralan ay
magsisilbing paraan sa pagpapaikot ng pera. Ang halagang makukuha mula sa
pangangalakal ay magagamit sa pagbili ng tumbler para sa mga estudyante.
Batid nitong makatulong sa mga mag-aaral at maging sa ating inang kalikasan.

Ang proyektong ito ay magpapangaral sa mga estudyante ng Moncada


National High School kung gaano kahalaga ang pagbawas sa paggamit ng
plastik. Matututunan nila ang importansya ng pagiging isang eco-friendly na
mag-aaral, hindi lamang sa loob ng silid aralan at eskwelahan,
kundi maging sa tahanan at komunidad.

Bilang konklusyon, maganda ang dulot nito sa ating kalikasan tungo


sa pagbuo ng malinis at maaliwalas na kapaligiran. Ito rin ay makatutulong
sa pagsugpo ng sakit na maaaring makuha sa maduming basura.
Matututunan ng mga estudyante kung gaano kahalaga ang paggawa ng maliliit
na paraan, na ito ang magdadala ng malaking pagbabago sa ating mundong
ginagalawan.
B. Rationale

Laganap pa rin ang mga plastic na makikita sa paligid. Hindi maayos ang
waste segregation at marami pa rin ang hindi binibigyang pansin ang basurahang
nasa kanilang mga harapan. Hanggang ngayon ay problema pa rin ng ating
bansa ang sandamakmak na basura. Quezon City ang kilalang may
pinakamaraming naglalabas ng basura sa Pilipinas. Sa bayan ng Moncada, hindi
maipagkakaila na ito rin ay isang malaking problema. Ang proyektong ito ay
nagmula sa pagnanais na masolusyonan ang problemang tayo lang din naman
ang siyang aagap. Nais ng proyektong ito na manguna sa paggawa ng maliit na
hakbang bilang pagtulong sa malaking problemang ito sa pamamagitan ng isang
wais na aksyon. Ninanais din ng proyektong ito na maibalik ang isang malinis
na kapaligiran, lugar na kung saan malayo sa sakit.

Sa pamamagitan ng paggamit ng tumbler, isa itong masusing hakbang sa


pagbabawas ng paggamit ng plastik. Sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral
ay hindi na kailangan pang gumamit ng cups o plastic bottle, nang sa gayon ay
mabawasan ang basura na nasa paaralan. Ang mga basura na nasa loob ng silid-
aralan na maaaring maibenta ay dadaan sa proseso ng pangangalakal upang
makalikom ng pera sa pagbili ng tumbler sa bawat estudyanteng hindi abot kaya
ang makabili nito. Hindi lamang ito maganda sa kalikasan, ito rin ay matipid at
masusing ginagamit ang maaaring pagkakitaan ng pera sa paligid tungo sa
kagustuhang makatulong sa kapwa estudyante.

C. Mga Layunin ng Proyekto

a. Mabawasan ang bilang ng basura sa paaralan.


b. Makatulong sa paglilinis at pagpapaganda ng kapaligiran.
c. Makatulong sa estudyanteng hindi abot kaya ang pagbili ng tumbler.
d. Mahikayat silang maging isang eco-friendly na mag-aaral.

D. Estratehiya

A. Planning Stage
-Pagpupulong ng mga miyembro tungkol sa proyekto.
-Pagsasaayos ng sulat ng pag-apruba ng proyekto.
-
B. Pre-Implementation Stage
-Paghahanda sa schedule ng mga estudyanteng planong bigyan ng
tumbler.
Strand sa paraan ng pangangalkal.
-Pagplano Grade 11 Grade 12
GAS 8 7
C. Implementasyon
HUMSS 8 7
-Paglulunsad ng Tumbler Para Sa Kalikasan Program.
-Pangongolekta
ABM ng mga basurang8 maaaring maibenta. 7
-Pangangalakal ng mga basura.
STEM ng pera mula sa pangangalakal.
-Paglikom 8 7
ICT at pagbibigay ng tumbler
-Pagbili 8 sa mga mag-aaral mula sa 7
nalikom na pera.
SMAW 8 7
D. Post-Implementation Stage
-Pagsasaalang-alang sa mga estudyante na palaging gamitin ang tumbler

at matutunang gumamit ng reusable na mga kagamitan.

E. Program Chart

Listahan ng mga estudyanteng hindi abot kaya ang pagbili


ng tumbler o walang tumbler (estimated)
F. Time Frame

Ang proyektong ito ay magtatagal ng mahigit isang buwan mula November


14, 2022 hanggang December 16, 2022 sa Moncada National High School – Senior
High School. Magaganap ang pag-iipon ng basura at pangangalakal lingo-linggo
upang makalikom ng malaking halaga at makamit ang target na bilang ng
estudyanteng mabibigyan.

G. Pagbabadyet

Aytem Bilang mga mga mag- Halaga ng Tumbler Total


aaral bawat strand (Estimated) (Estimated)
(Estimated)

Tumbler 90 na mag-aaral 60 php 5,400 php

You might also like