Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANUKALANG PROYEKTO:

Pamagat: PANUKALA PARA SA PAGPAPAGAWA NG WAITING SHED SA BAGUMBAYAN

Mula kay Abner Yasser Perez

Poblacion

Magdiwang Romblon

Ika-17 ng Nobyembre

Haba ng panahong gugugulin: Humigit kumulang 2 buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin:

Ang Poblacion ay isa sa mga pinakamalaking barangay sa lungsod, na may malaking populasyon at dami
ng mga tao na nangangailangan ng proteksyon sa panahon ng pag-ulan at init. Sa kasalukuyan, ang mga
tao ay kulang sa mga lugar na maaring pagtulugan habang naghihintay sa transportasyon.

II. Layunin:

Ang layunin ng proyektong ito ay magbigay at magdagdag ng ligtas at komportableng lugar para sa mga
tao na naghihintay sa transportasyon sa Baumbayan at mapabuti ang kalagayan ng mga tao sa
paghihinatayn ng transportasyon.

III.Plano ng dapat Gawin:

A. Pagg-aaral ng lokasyon at pagpapasiya kung saan ang pinakamainam na lugar para sa waiting shed.

B. Pagpapagawa ng mga plano at disenyo para sa waiting shed.


C. Pagbili ng mga materyales at kagamitan para sa pagpapagawa.

D. Pagpapagawa ng waiting shed.

E. Pagtitipon at pagpapahalaga sa mga benipisyo ng proyekto.

IV. Badyet:

Ang kabuuang badyet para sa proyektong ito ay nagkakahalaga ng P350000 na binubuo ng mga
sumusunod:

I. Pagbili ng lupa: P40,000

II. Pagbili ng mga materyales at kagamitan: P120,000

III.Pagbabayad sa mga manggagawa: P140,000

V. Benepisyo ng Proyekto at Makikinabang Nito:

Ang proyektong ito ay magdudulot ng mga sumusunod na benepisyo:

A. Magkakaroon ng ligtas at komportableng lugar para sa mga tao na naghihintay sa transportasyon sa


Bagumbayan.

B. Mapapabuti ang kalagayan ng mga tao sa pag-aantayan mg transportasyon.

C. Magiging daan ito upang mapabuti ang imahe ng Bagumbayan sa mga tao na nakikipagkalakalan dito.

D. Makikinabang ang mga tao na nangangailangan ng proteksyon sa panahon ng pag-ulan at init.

E. Ang proyektong ito ay mapapakinabangan ng lahat ng mga tao sa Bagumbayan, at ang resulta nito ay
magiging positibo para sa kabuuan ng komunidad.

You might also like