Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANUKALANG PROYEKTO

Pamagat: PANUKALAPARA SA PAGPAPAGAWA NG SIMBAHAN(CHAPEL) SA SITIO BARING

Mulakay Marjon E. Anatos

Sitio Baring

Barangay Silum

Magdiwang, Romblon

Ika-17 ng Nobyembre 2022

Haba ng Panahong Gugugulin: Humigit kumulang limang buwan

I. Pagpapahayag ng suliranin

Ito ay isang proposal para sa itatayong chapel / kapilya Sa Sitio Baring, Barangay Silum. Ang kapilya ay
itatayo sa harap ng kalsada sa gilid ng daycare center, upang hindi na bumyahe ang mga mamamayan ng
Sitio Baring upang makapagsimba sa ibang kapilya.

II. Layunin

Ipinapanukala ang pagpapatayo ng bagong chapel/kapilya upang magagamit ng barangang/sitio upang


hindi na nila uukupahin ang stage ng plasa at daycare para lamang makapagmisa. Madadagdagan ang
establishimento ng sito upang may kapakinabangan ang espasyo ng lugar dito.
III. Plano na dapat gawin

A· Pag-ipon ng pondo.

B. Pag-suri ng lugar na pagtatayuan.

C. Paggawa ng Plano kasama ang mga Inhinyero.

D. Paghahanap ng boluntaryong tutulong sa pagpapatayo ng proyekto.

E.Pagbili ng mmga kinakailangang materyales para sa proyekto.

F. Paggamit at pagsusuri kung maayos ang mga ito.

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

1. Mga materyales na kakailanganin P400,000


sa pagpapatayo ng proyekto.

2. Sahod para sa Inhinyerong P350,000


itinalaga sa proyekto. (pati na rin
ang mga construction workers)

3. Meryenda ng mga itinalaga at P10,000


mga nagbolutaryong tumulong sa
pagpapagawa ng proyekto.

Kabuuang halaga: P760,000

V. Benipisyo ng proyekto at makikinabang nito

Ang kapilya ay isang kristiyanong lugar ng pagdarasal at pagsamba na karaniwang pinapatayo sa mga
barangay. Ang Sitio Baring ay walang sariling kapilya kung kaya't ang pagpapatayo nito ay malaking
tulong para sa mga nagsisimba upang hindi na sila bumyahe pa. Maaaring suportahan ng simbahan ang
mga taong dumadanas ng kahirapan, o kung ano pa mang pinagdaraanan. Ang simbahan ay tumutulong
para panatilihin ang kapayapaan ng mamamayan.

You might also like