Dapit Hapon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“DAPIT-HAPON”

Maganda ang tanawin sa aming hardin tuwing dapit-hapon, ang pagka putlang kulay
kahel ng langit habang lumulubog ang araw ay sadyang kanais-nais sa mga mata. Sa
Tuwing ako ay may pinag dadaanan nagmimistulang sandigan ko ang hardin, bawat
patak ng luha ay pinapagaan ang aking damdamin.
Isang matiwasay na dapit-hapon habang pinapanuod ko ang paglubog ng araw, may
isang lalake na tila ba naliligaw at lumapit sa bakod ng aming hardin, “magandang hapon
binibini ako ay naliligaw alam mo ba ang daan patungo sa nayon” ika nya. “Oo,
magpatuloy kang maglakbay sa silangan at mararating mo ang nag iisang nayon sa
bundok na ito.” Ika ko naman. “Maraming salamat binibini” ika nya. Napalingon siya sa
aking minamasdan na paglubog ng araw at sumandal sa aming hindi gaanong katangkad
na bakod, “ang ganda nito ay hindi mapapantyan ng kahit ano mang bagay sa mundo”
pabiro nya itong sinabi habang lumilingon sa akin.
Nag usap kami hanggang sa di na kita ang araw at maya maya siya ay nagpatuloy sa
kanyang paglalakbay, “paalam kaibigan, nawa’y maligaw ulit ako sa iyong hardin.”
Pabiro na naman nya itong sinabi.
Sa sumonod na paglubog ng araw nakita ko na naman siya sa mga bakod ng aming
hardin, “isang napakagandang trahedya ang maligaw sa ganitong tanawin, pipiliin ko na
maligaw sa bawat dapit-hapon kapag sa iyong hardin ako napunta” pabiro nya itong
sinabi habang nakatingin sa akin. Pinanood ulit naming ang paglubog ng araw habang
nagkwekwentohan. Nagpatuloy itong nangyari sa sumunod na mga dapit-hapon.
Isang normal na dapit-hapon habang naghihintay sa kanya na magpakita muli, lumubog
na ng tuluyan ang araw ngunit wala paring senyales na siya ay darating. Sa sumunod na
mga dapit-hapon ay wala parin ang aking estrangherong kaibigan.
Lumipas ang isang taon at kami ay lumipat na sa isang lungsod, sa aming bintana sa
bagong bahay ko na lang minamasdan ang dapit-hapon, sadyang napakagadana parin
nito ngunit hindi ito kasing gandang tanawin kagaya ng sa aming hardin.
Lumipas ang maraming taon nagtataka parin ako kung ano ang nangyari sa aking
estrangherong kaibigan, Hindi ko man lang nalaman ang kanyang pangalan. Hanggang
sa ngayon hindi ko pa rin alam kung siya ay bumalik o babalik, ngunit isa lang alam ko, sa
isang dapit-hapon may nakilala akong isang kaibigan, isang estrangherong di ko ina-
akala na magiging isang kaibigan, kahit ilang taon ko na siyang hindi nakikita ituturing at
mananatili parin siya na kaibigan, isang estrangherong kaibigan.

You might also like