Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Praktikal ang paggamit ng wikang pambansa bilang wikang panturo.

Sa pamamagitan nito ay mabilis


na magkakaunawaan ang mga mamamayan at mas mabilis at mas malinaw rin na magkakapalitan ng
ideya, kung gayon, mas mabilis din ang magiging implementasyon ng mga planong
mapagkakasunduan. Kung naiintindihan ng mga Pilipino ang mga programang primetime na popular
sa buong bansa, tiyak na kayang-kaya rin nilang gamitin ang Filipino bilang wika ng pagkatuto at
intelektwal na diskurso.

Ang wikang Filipino ay wika rin ng edukasyon. Sa paglulunsad ng K to 12 Basic Education Curriculum
isinaalang-alang ang pangangailangan ng lipunan, global at lokal na pamayanan maging ang kalikasan
at ang pangangailangan ng mamayan. Batay sa Gabay Pangkurikulum, isasama ang Filipino bilang
disiplina sa wika kung saan nilalayon nito ang pagtuturo ng Filipino upang malinang ang kakayahang
komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip, at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang
pagkakailanlan, kultural na literasi at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig. Dagdag pa rito, isa sa mga pamantayan ng programa ay
gagamitin ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa
araling pangnilalaman, magamit ng angkop ang wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan,
damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura na nagbibigay at tumatanggap ng
mensahe (Kto 12 Gabay Pangkurikulum. 2016).

Sa kabuuan, sa paglipas ng panahon, napatunayan na ang wika ang siyang naging pinakamahalagang
sandata upang matanto ng bagong henerasyon ang mga pangyayari at kasaysayan na naging daan sa
inaangking kalayaan. Ito rin ang nagbukas ng marami pang kaalaman sa iba't ibang larangan at
malaking papel ang ginampanan at gagampanan pa sa iba't ibang anyo ng pananaliksik tungo sa mas
malawak na pagbabago hindi lamang sa larangan ng edukasyon kundi pati na rin sa pagbabagong
anyo at pagbibihis ng bayang kinagisnan.

Ayon nga kay Gimenez Maceda (1997) ang wikang pambansa ang wikang higit na nakapagbibigay-
tinig at kapangyarihan sa mga tagawalis, drayber, tindero at tindera, at iba pang ordinaryong
mamamayan ng bansa na gumagamit nito, at kaugnay nito, ang paggamit ng Filipino bilang wika ng
pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa kaalaman at makapagpapalawak sa
kaalaman at makapag-aalis.

Sa ganitong diwa binigyang-diin ni Constantino (2015) na "ang wikang Filipino ay wikang


mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na Pilipino," wikang lilikha at huhubog ng mga
Pilipinong may tiwala sa sariling kakayahan, wikang makapagpapaunlad sa sariling paraan ng pag-
iisip, hindi gaya ng wikang dayuhan na kapag ipinilit at binigyang-prayoridad ay nagiging "sagabal sa
pag-iisip," kaya't "ang pag-iisip ay nababansot o nababaog at magbubunga naman ng kulturang
bansot."

You might also like