Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Mga Uri ng mga Tagapakinig

Ang mga tagapakinig ay maaaring mauri batay sa kanilang mga reaksyon habang nakikinig lalo na
isang klase o talakayan. Karamihan sa mga uring ito ay higit na aplikable sa mga pormal na kapaligirang
pangklasrum, ngunit maging sa ibang sitwasyon at pagkakataon ay maaaring makakita tayo ng isa o ilan sa
mga sumusunod na uri:

a. Eager Beaver. Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may
nagsasalita sa kanyang harapan. Ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang narinig ay
isang malaking tanong. Makikita kasi sa kanyang mga mata ang kawalan ng pokus kahit pilit
na pilit ang pagpapanggap niya na siya’y masugid na nakikinig. Pilit niyang pinapaniwala
ang iba, sa pamamagitan ng kanyang mga reaskyong mapagkunwari, na siya ay mabuting
tagapakinig.

b. Sleeper. Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala
siyang tunay na intensyong makinig. Sa katunaya'y naiinis pa nga siya kapag may nagiingay.
Dahan-dahan niyang ipipikit ang kanyang mga mata habang inihihilig ang ulo at maglalakbay
sa daigdig ng panaginip.
c. Tiger. Siya ang tagapakinig na laging handang magreak sa anumang sasabihin ng
nagsasalita. Lagi siyang naghihintay ng maling sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat
pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.

d. Bewildered. Siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig.
Kapansinpansin sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o
pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.

e. Frowner. Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa.
Makikita sa kanyang mukha ang pagiging atentibo, ngunit hindi lubos ang ang totoo,
kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay
ang oportunidad na makapagtanong para makapagpaimpres.

f. Relaxed. Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano'y kitang kita sa kanya ang
kawalan ng interes sa pakikinig. Madalas, nauupo siyang para bang nasa sala ng sariling
bahay at itinutuon ang atensyon sa ibang bagay o tao. Walang makikitang iba pang
reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.
g. Busy Bee. Isasiyasa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat. Hindi lamang siya
hindi nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa
katabi, pagbabasa ng libro o magasin, pagsusuklay o iba pang gawaing walang kaugnayan
sa pakikinig. Kung tutuusin, hindi siya talaga tagapakinig, kung ang pagbabatayan natin ay
ang istriktong kahulugan ng pakikinig. Siya ay isa lamang kaptib na tagapakinig, ayaw niya
man o gusto.

h. Two-eared Listener. Siya ang pinakaepektibong tagapakinig. Nakikinig siya gamit hindi
lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya
sa gawain ng pakikinig. Obhetibo ang reaksyon niya sa mensaheng kanyang naririnig.
Makikita rin sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig. Samakatwid, siya ang uri ng
tagapakinig na dapat tularan ng lahat.

Ikaw, ano'ng uri ka ng tagapakinig?

You might also like