Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SAN ANTONIO SCHOOL


ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


GRADO 7
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.4
Panitikan: Maikling Kuwento
Teksto: “Pagislam”
Wika: Retorikal na Pang-ugnay
Bilang ng Araw: 7 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-If-g-4


 Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong
napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-If-g-4


 Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Mindanao.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-Id-e-4


 Natutukoy at naipaliliwanag ang kawastuan/ kamalian ng pangungusap batay
sa kahulugan ng isang tiyak na salita.

PANONOOD (PD) F7PD-Id-e-4


 Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story.

PAGSASALITA (PS) F7PS-Id-e-4


 Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

PAGSULAT (PU) F7PU-If-g-4


 Naisusulat ang buod ng binasang kuwento nang maayos at may kaisahan ang
mga pangungusap.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F7WG-If-g-4


 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda
(kung, kapag, sakali, at iba pa).

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) F7EP-If-g-4


 Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol
Unang sa paksang
Markahan |1
tinalakay.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-If-g-4


 Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan.

PANONOOD (PD) F7PD-Id-e-4


 Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story.

II. PAKSA

Panitikan: Pagkilala sa Maikling Kuwento at Elemento Nito


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: (WORD HUNT)


Paunahan ang bawat pangkat na maghanap ng mga salita sa loob ng kahon na
maaaring kaugnay ng paksang tatalakayin.
l bws
s i m u a k
k t a u h a npt a
t a g p u a nbi s
g a t e s r yn u
n a s uc k
w p u
a h s y asw d
t a
k i a n yao u
g u
Unang Markahan | 2 a n r n gnp l
q e
s i a nin a
u l r
k a k a l a san N
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

Gabay na Tanong:

a. Ano ang mapapansin ninyo sa mga salitang inyong nakita sa loob ng


kahon?
b. Paano ninyo ilalarawan ang bawat bahagi o elemento ng maikling kuwentong
inyong naisa-isa?
c. Gaano kahalaga ang mga elementong ito sa isang akda? Ipaliwanag.

Pag-uugnay ng guro ng aktibidad na ginawa sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Gaano kahalaga para sa isang akda lalo’t higit sa maikling kuwento ang
pagtataglay nito ng iba’t ibang elemento?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: (WATCH AND ANALYZE)


Bukod sa maikling kuwento, ang mga dokyu film ay isa ring uri ng akdang
pasalaysay at mayroon ding elementong katulad ng isang maikling kuwento. May
ipapanood munang dokyu-film ang guro na siyang paghahanguan ng mga tanong
hinggil sa mga elementong nakapaloob sa napanood.

A-BA-KA-DA-EDUKASYON – A DOCUMENTARY
https://www.youtube.com/watch?v=gHlJ_WiafAk

Mungkahing Estratehiya: (DIAGRAM NG MGA ELEMENTO)


Sa tulong ng diagram sa ibaba, susuriin ng mga mag-aaral ang napanood na dokyu-
film batay sa mga elemento ng maikling kuwento. Ang bawat elemento na nasa
diagram ay may kaakibat na tanong. Sasagutin ng maswerteng mag- aaral na
mabubunot ang tanong na iyon.

MGA TAUHAN BANGHAY TAGPUAN


Ibuod ang akda
Ilarawan ang mga tauhan ayon sa tamang Saan naganap ang mga
sa napanood na dokyu- pagkakasunod- pangyayari sa inyong
film. sunod ng mga napanood?
pangyayari.
Unang Markahan | 3
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

ANALISIS

1. Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang mga elementong nabanggit sa itaas?


2. Ano kaya ang mangyayari sa isang akda kung kulang ang elementong
nabanggit sa taas?
3. Bakit dapat ding magtaglay ang isang dokyu-film ng mga elementong tulad ng
mga pasulat na mga akda?

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N- (FOR YOUR INFORMATION)

MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa


madali, maikli at masining na paraan. Karaniwang ang isang kuwento ay natatapos
sa isang upuan lamang. Ito ay nagdudulot ng mga aral sa buhay. Ayon naman kay
Genoveva Edroza-Matute, ang maikling kuwento ay isang maikling kathang
pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang
tauhan, may isang pangyayari, at may isang kakintalan.

Ang kagandahan ng isang maikling kuwento o anumang akdang pasalaysay


saan mang lugar ito nagmula ay dapat na nagtataglay ng mga sumusunod na
elemento:

Unang Markahan | 4
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

 Tauhan – Ang nagbibigay-buhay sa isang maikling kuwento. Ang tauhan ay


maaaring maging mabuti o masama.
 Tagpuan – Ang panahon at lugar kung saan naganap ang maikling kuwento.
Malalaman dito kung ang kuwento ay naganap ba sa panahon ng tag-ulan, tag-
init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o sa lalawigan, sa bundok o sa ilog.
 Banghay – Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

Mga Bahagi ng Banghay:

 Simula – Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging


ito. Dito ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento.
 Tunggalian – Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing
tauhan sa mga suliraning kanyang haharapin.
 Kasukdulan – Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito
ang pinakamaaksyon. Sa bahaging ito, unit-unting magtatagumpay ba ang
pangunahing tauhan o hindi.
 Kakalasan – Sa bahaging ito, bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay
nagbibigay ng daan sa wakas.
 Wakas – Ang kahihinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya
o malungkot.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: (CONCEPTUALIZE THROUGH KEY WORDS)


Gamit ang mga susing salita sa ibaba, ay bubuo ang mga mag-aaral ng mga
pangungusap na maglalahad ng pangkalahatang konsepto ng tinalakay.

MAIKLING KUWENTO LALONG PAGKAUNAWA

ELEMENTO AKDA

MAHALAGA

Unang Markahan | 5
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: (SUM ACCORDING TO ITS ELEMENTS)


Babasahin ng mga mag-aaral ang komiks sa ibaba at susuriin ito at ibubuod batay sa
mga natalakay na elemento ng isang maikling kuwento.

IV. KASUNDUAN

1. Magbasa ng isang maikling kuwento at ibahagi ang buod nito sa klase.


2. Basahin ang maikling kuwentong pinamagatang “Pag-islam”. Humanda sa
talakayan.
3. Paano mo ikokompara ang paraan ng pagbibinyag ng mga Muslim sa paraan
ng pagbibinyag na ating nakagisnan bilang mga Kristiyano?
Unang Markahan | 6
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-If-g-4


 Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Mindanao.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-Id-e-4


 Natutukoy at naipaliliwanag ang kawastuan/ kamalian ng pangungusap batay
sa kahulugan ng isang tiyak na salita.

PAGSASALITA (PS) F7PS-Id-e-4


 Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

II. PAKSA

Panitikan: Elemento ng Maikling Kuwentong “Pagislam”


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: (4PICS 1WORD)


May mga salitang tinutukoy sa bawat set ng mga larawan sa ibaba. Gamitin ang apat na
larawang ito upang mahulaan ang salita. Maaari itong gawing pangkatang gawain kung saan
ang grupo na makakakuha ng tamang sagot ang magkakaroon ng puntos. Ang
pinakamaraming puntos ang tatanghaling panalo.

Unang Markahan | 7
Holy Oil
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

Puting Kandila

Puting Damit

Holy Water

https://goo.gl/images/dOHUfK https://goo.gl/images/ENRVwj https://goo.gl/images/qIoQ0h


https://goo.gl/images/hFnkEk
https://goo.gl/images/eeVt6c https://goo.gl/images/lX6J3k https://goo.gl/images/HEq0cY https://goo.gl/images/ClPNpS
https://goo.gl/images/jmtklB https://goo.gl/images/t8dHym
https://goo.gl/images/OCDJsjhttps://goo.gl/images/57eMWm
https://goo.gl/images/zl8el1 https://goo.gl/images/5kgPKEhttps://goo.gl/images/zM9W90 https://goo.gl/images/OcifKt

Gabay na Tanong:
a. Ano ang kapansin-pansin sa mga larawan na kaugnay ng inyong mga
nahulaang salita?
b. Sa anong sakramento ginagamit ang mga ito? Kailan ito karaniwang
isinasagawa? Naranasan mo na ba ito?

Pag-uugnay ng guro ng aktibidad na ginawa sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain. Pagbibigay ng
guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang mga elemento ng maikling kuwentong “Pagislam”?


Unang Markahan | 8
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya: (CARE TO EXPLAIN)


Susuriin ng mga mag-aaral kung ang pangungusap ay wasto o mali batay sa
kahulugan ng salitang may diin sa bawat bilang. Ipaliliwanag din kung bakit wasto o
mali ang naging sagot.

1. Napasugod ang lalaki sa kanilang tahanang nang malamang nanganak na


ang kanyang maybahay.
2. Marahas na inalalayan ng lalaki ang kanyang asawa pabalik sa kama
matapos nitong makapanganak upang hindi ito masaktan.
3. Sa sobrang tuwa ay nasumpa ng mag-asawa ang isa’t isa nang sila’y
mabiyayaan ng isang malusog na anak.
4. Nasaksihan ko ang lahat ng seremonyang naranasan ng aking anak mula
nang siya’y isilang hanggang sa kanyang pagpapakasal kaya’t wala siyang
malilingid sa akin.
5. Abot-abot ang pasasalamat ng mag-asawa sa mga bisita at kakilalang
lumiban sa seremonya ng penggunting sa kanilang anak.

4. Paghinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (CONCEPT MAP)


Magbibigay ng hinuha ang bawat mag-aaral ukol sa salitang Pagislam sa
pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga salita na maaaring iugnay dito.

PAGISLAM

Upang mas maunawaan ang ibig babasahing akda, magbibigay muna ang guro ng
impormasyon o trivia sa kung ano ang nagaganap sa ritwal ng Pagislam. (Maaaring
talakayin na lamang ng guro o maaaring gamitin ang video presentation tungkol
dito.)

PAGISLAM
https://www.youtube.com/watch?v=oIhFBqm_kT0

Unang Markahan | 9
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

5. Pagpapabasa ng Akda

Mungkahing Estratehiya (DUGTUNGANG PAGBASA)


Babasahin ng ilang piling mag-aaral ang maikling kuwento.

Pagislam

Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang


maramdaman niya ang rumaragasang yabag ni Tarhata, ang kanyang kapatid. Kipkip nito
ang isang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag- iihit ngunit maliit na tinig
ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na… dumating na ang kanyang hinihintay.
Parang gusto niyang lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay… Hindi na
niya napigil ang kayang sarili. Napasugod siya. Totoong sabik na sabik makita ang bata at
si Aminah.
‘Lalaki at malusog na malusog!’ matiginting na wika ng panday habang
binibihisan ang bagong silang na sanggol.
‘Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang ating
panalangin,’ wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.
Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng
panday. Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang makita niyang parang
nagpupumiglas ang sanggol sa pag-iyak.
‘Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kayang ama.’
Bulong sa sarili ni Ibrah.
Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinasabi ng
kayang ina.
‘Mas mainam siguro kung susunduin muna ang Imam upang maisagawa na ang
bang,’
Hindi na pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob na
tinungo niya ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng
asawa at magalang na inimbita ito para sa seremonyang dapat isagawa para sa isang
bagong silang na anak ng Muslim. Ikinagalak ito ng Imam at dali-daling hinagilap ang
kayang dasalan para sa gagawing seremonya. Tahimik na nakamasid ang mga
kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinubulong ng Imam sa kanang tainga ng
sanggol ang bang.
‘Allahu Akbar, Allahu Akbar
‘Allahu Akbar, Allahu Akbar
Ash-hadu, Alla la Ilaaha Ash-
hadu, Alla la Ilaaha
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.
Unang Markahan | 10
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

‘Ngayon isa kanang ganap na alagad ni Allah, nawa’y panatilihin mo ang magagandang aral niya.’
Dugtong pa ni Imam.

‘Kailan naman ang paggugunting?’ nakangiting tanong ni Imam. ‘Tulad po

ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon,’ sagot ni Ibrah.

Masuyong inilalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kayang tirahan

Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa.Totoong di nila


maatim ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa mahandugan ng buo nilang kaya.

Ilang araw bago sumapit ang paggugunting, napag-usapan ng mag-asawa ang ipapangalan
sa anak.

‘Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak?’ sabik na tanong ni Ibrah kay Aminah.

‘Kaygandang pangalan, Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak,’ pagmamalaki ni


Ibrah.

At sumapit ang araw ng pagguting. Sa bahay ay marami ng tao; halos naroon nang lahat
ang mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at ilang katulong ang limang
kambing na sadyang inihanda bilang alay pasasalamat sa pagkakaroon nila ng supling. Samantala,
ang kababaihan nama’y abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na
kakainin para sa mga panauhin.

Ilang sandali pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng balyanji, isang
katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam kay Abdullah na kasalukuyang
kalong ng ina at gumupit ng kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na buhok ay maingat na inilgay
ng Imam sa isang mangkok ng tubig. Tahimik na pinagmasdan ito ng lahat.

“Wala ni isa man hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!’ sigaw ng karamihang
nakapaligid.

Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan sa kanilang
mga puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang
hinaharap nito sa buhay.

Ipinagbunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa mga
panauhin ay nagbigay ng pera at regalo para sa bata. Siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang
nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggugunting kay Abdullah.

‘Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng pagislam ni
Abdullah,’ wika ng isang panauhin.

‘Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah?’ biro ng isa pa.

‘Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,’ nakangiting sagot
ni Aminah.

‘Tiyak iyon,’ halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong pinagmamasdan


ang inaantok na si Abdullah.

Unang Markahan | 11
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (IKUWENTO MO)


Magkakaroon ng masining na pagkukuwento ang isang mag-aaral sa bawat pangkat
batay sa mga bahagi ng banghay ng maikling kuwento na nakasulat sa story ladder
sa ibaba.
WAKAS

PABABANG AKSYON

KASUKDULAN

PATAAS NA AKSYON

SIMULA

7. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (GRUPO KO, BIDA SA ARAW NA ITO)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa maikling
kuwentong binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa:Tagpuan
Paksa:Tauhan at ang Kanilang
Katangian Mungkahing
Estratehiya: CHARACTER 1
Mungkahing Estratehiya:
PAINT A PICTURE 2
PARADE
Sa pamamagitan ng tableau, ipakita
Iparada ang mga tauhan sa kung kailan at saan naganap ang
maikling kuwento at isa-isahin mga pangyayari sa akda (tagpuan).
ang kanilang mga katangian.

4
Paksa: Buod Mungkahing
3
Paksa:Mensahe
Estratehiya: SUM IT UP! Mungkahing Estratehiya:
BREAK IT DOWN!

Sa pinakamabilis at Ilahad ang mensahe o aral ng


pinakamaikling paraan, ipakita akdang binasa sa pamamagitan ng
ang buod ng akda gamit ang rap.
Unang Markahan pagsasadula.
| 12
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga
kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan
o Mensahe(4) iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
manonood (4) manonood (2)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon pangkat sa
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)
Kaisahan ng Lubos na nagpamalas Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Pangkat o ng pagkakaisa ang pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat
Kooperasyon bawat miyembro sa bawat miyembro pagkakaisa ang miyembro sa kanilang
(3) kanilang gawain (3) sa kanilang bawat miyembro gawain (0)
gawain (2) sa kanilang gawain
(1)

8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na
ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Sino ang pangunahing tauhan sa akdang binasa? Ilarawan ang kaniyang


katangian.Saan naman ang tagpuan sa kuwento?
2. Paano nagsimula ang kuwento? Ano naman ang pangyayaring pinakahihintay ni
Ibrah na maganap sa kanyang buhay? Ilarawan ang kanyang naging reaksyon.
3. Ipinakita ba sa akda ang pagpapahalaga ng mag-asawang Ibrah at Aminah sa
kanilang tradisyon at paniniwala? Paano?
4. Paano nagkakaiba ang kaugalian sa pagbibinyag ng mga Muslim at Kristiyano?
Sa iyong palagay, dapat bang manatili o isabuhay hanggang sa kasalukuyan ang
mga ganitong uri ng paniniwala?
5. Anong uri ng akda ang iyong binasa? Patunayan.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (SURIIN)


Susuriin ng mga mag-aarang ang akdang Pagislam batay sa mga elemento nito.

Unang Markahan | 13
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

TAUHAN:
TAGPUAN:
BANGHAY:
MENSAHE:

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (MGA TAUHAN AY TULARAN)


Isalaysay ang bahagi ng akdang nagpapakita ng pagpapahalagang Muslim na maaari
mong magamit sa iyong araw-araw na pamumuhay. Matapos maisalasyay ay bumuo
ng slogan hinggil dito.

Halimbawa: Si Ibrah ay tularan Paniniwala’t


tradisyon, ating pahalagahan.

EBALWASYON

Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari batay sa akdang binasa. Gamitin ang titik A-
E bilang tanda ng pagkakasunod-sunod.

1. Pinangalanan nilang Abdullah ang kanilang anak ilang araw bago sumapit ang
paggugunting.
2. Pitong araw matapos ang seremonyang bang, handa na ang Imam at iba pang
pandita upang isagawa ang seremonya ng paggugunting.
3. Lubos ang kagalakan ni Ibrah sa pagkasilang ng isang malusog na malusog na
lalaking sanggol na anak nila ng asawang si Aminah.
4. Ipinagbunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya, wala ni isang
hibla sa ginupit na mga buhok ang lumubog sa tubig, nagpapakitang magiging maganda ang
kinabukasang haharapin ng bata.
5. Nagtungo si Ibrah sa Imam upang ibalita ang panganganak ng kanyang asawa at
magalang niyang inimbitahan ito para sa seremonyang (bang).

Sagot:
C D A E B

Pagkuha ng Index of Mastery


SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng iba pang maikling kuwentong may kinalaman sa pagbibigay halaga sa


mga magulang. Basahin ito at ibuod ang mga pangyayari.
2. Ano ang mga
Unang Markahan retorikal na pang-ugnay. Isa-isahin ito.
| 14
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

PAUNLARIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F7WG-If-g-4


 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda
(kung, kapag, sakali, at iba pa).

II. PAKSA

Wika: Mga Retorikal na Pang-ugnay


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (SABAYANG PAGBASA)


Babasahin ng klase ang maikling salaysay sa ibaba nang malakas at may
damdamin.
Ang Talinghaga sa Dalawang Anak
Ano ang palagay ninyo ukol sa kuwentong ito? May isang tao na may
dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, “Anak, lumabas ka sa
ubusan at magtrabaho sa ubasan ngayon.” “Ayoko po,” tugon niya. Ngunit nagbago ang
kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa anak na bunso at gayundin
ang kanyang sinabi. “Opo,” tugon nito. Datapwat hindi naman siya naparoon. Para sa
iyo, sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?

Gabay na Tanong:
a. Pansinin ang mga salitang nakasulat nang madiin, ano ang masasabi ninyo hinggil
sa mga salitang ito?
b. Paano nakatutulong ang mga nasabing salita sa pag-uugnay ng mga salita/ sugnay
sa loob ng mga pangungusap? Unang Markahan | 15

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

2. Pokus na Tanong
Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Bakit mahalaga ang paggamit ng mga retorikal na pang-ugnay?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (MANOOD AT MAGTALA)


Magpapanood ang guro ng mga sumusunod na video clip. Habang nanonood ay
magtala ng mga pagkakaiba ng iba’t ibang pang-ugnay na mapapanood sa nasabing
video clip.
PANG-UKOL
http://youtu.be/gBEBoJBs32k

PANG-ANGKOP
http://youtu.be/dlJUFH3QBWY

GAMIT NG “AT” BILANG PANG-UGNAY


http://youtu.be/dlJUFH3QBWY

ANALISIS

1. Bakit kailangang gumamit ng pang-ukol sa isang pangungusap?


2. Saan kadalasang matatagpuan ang mga pang-ukol sa isang
pangungusap?
3. Kailan ginagamit ang mga pang-angkop? Anong pang-angkop ang ginagamit
kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig? Katinig?
4. Bukod sa “at”, ano pang mga pangatnig ang maaari ninyong maidagdag bilang
halimbawa?
5. Gaano kahalaga ang mga pang-ugnay sa isang pangungusap?

Pagbibigay ng Input ng Guro

DAGDAG KAALAMAN- (FOR YOUR INFORMATION)


RETORIKAL NA PANG-UGNAY

Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga


upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng
teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng
pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.
Unang Markahan | 16
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

1. Pang-angkop – Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at


salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang
pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.
 Pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang
nakadikit sa unang salita. (Hal., mapagmahal na hari)

Kapag ang salita nama ay nagtatapos sa titik n, tinatanggal o


kinakaltas ang n at ikinakabit ang –ng (Hal.,huwarang pinuno)
 Pang-angkop na –ng ay ginagamit kung ang unang salita ay
nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita. (Hal.,
mabuting kapatid)

2. Pang-ukol – Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa


iba pang mga salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga/ pariralang
malimit na gamiting pang-ukol.
 sa, ng, kay/kina, alinsunod sa/kay, laban sa/kay, ayon sa/kay,
hinggil sa/kay, ukol sa/kay, para sa/kay, tungkol sa/kay

3. Pangatnig sa mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang


salita, parirala o sugnay
 Pangatnig na pandagdag (at, pati)
 Pangatnig na pamukod (o, ni, maging)
 Pagbibigay sanhi/dahilan (dahil sa, sapagkat,
palibhasa)
 Paglalahad ng bunga o resulta (bunga, kaya o kaya
naman)
 Pagbibigay ng kondisyon (kapag, pag, kung, basta)
 Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat (ngunit,
subalit, datapwat, bagama’t)

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 ni Elma M. Dayag et.al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (JIGSAW PUZZLE)


Buuin ang puzzle upang mabuo rin ang pangkalahatang konsepto ng tinalakay.

Mahalaga ang paggamit ng mga pag-ugnay sa pagpapahayag, pasalita man o pasulat,


upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto.

Unang Markahan | 17
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (EXERCISE YOUR BRAINS)


Gamit ang natutunan mula sa araling tinalay, tukuyin ang mga pang-ugnay na ginamit
sa bawat pangungusap.

1. Alinsunod sa kalooban ng Diyos ang kanyang magiging pasya.


2. Ang matapat na pinuno ay mahal ng taong bayan.
3. Dahil sa sipag at tiyaga’y umuunlad siya sa buhay.
4. Ang lahat ng ating ginagawa ay dapat nakatuon para sa kabutihan ng ating
kapwa at bansa.
5. Ang matiwasay na pamumuhay ay hangad ng lahat.

EBALWASYON

Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pang-ugnay ng mga salitang nakasulat nang
madiin sa bawat pangungusap. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
A. Pang-angkop B. Pang-ukol C. Pangatnig

_1. Ang pusong maunawain ay madaling makapagpatawad.


_2. Bagaman mayaman ay nagawa niyang makisalamuha sa mga simpleng
tao.
_3. Maraming magagandang oportunidad ang naghihintay sa isang matalinong
mamamayan.
_4. Maging maingat sa lahat ng iniisip at ginagawa upang hindi
makapanakit ng damdamin ng iba.
_5. Mahirap maging kaibigan ang mga taong sinungaling at mapaggawa ng
kuwento kaya’t maging maingat sa pagpili ng kaibigan.

Sagot:
A C B B C

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN
1. Sumulat ng 5 pangungusap na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng mga pang-ugnay.
2. Humanda para sa pagsulat ng Output 1.4. Magdala ng sipi ng isang maikling
kuwento na sinasaliksik sa internet.

Unang Markahan | 18
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) ) (F7WG-If-g-4)


 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda
(kung, kapag, sakali, at iba pa).

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F7EP-If-g-4)


 Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa paksang
tinalakay.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.4


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (MAGSALIKSIK)


Gamit ang laptop o anumang materyales sa pananaliksik ay maghahanap ang
bawat isang mag-aaral ng isang maikling kuwentong Tagalog na gagamitin sa
pagsulat ng output. Matapos ay magbabahaginan ang mga mag-aaral ng mga
kuwentong kanilang nasaliksik.

Unang Markahan | 19

https://pixabay.com/p-158648/?no_redirect
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS


GOAL: Naisusulat ang buod ng binasang kuwento nang maayos at may
kaisahan ang mga pangungusap.

ROLE: Mayroon kang sariling blog sa internet at maraming


tumatangkilik sa iyong website. Maraming readers sa blog mo
ang nagmungkahi na magsalaysay ka ng buod ng isang
kuwentong talagang iyong naibigan na maaari mong ibahagi sa
kanila.
AUDIENCE: Mga mahilig magbasa ng blogs sa internet tungkol sa panitikang
Filipino.

SITUATION: Bilang isang blogger, nais mong tugunan ang mungkahi ng


nakararami mong mambabasa na magsalaysay ka ng buod ng maikling
kuwento na iyong pinaka-naiibigan.

PRODUCT: Buod ng maikling kwentong sinaliksik

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDA ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
D AT nilalaman ng buod. (4) nilalaman ng buod. mga naisulat nang mga
NILALAMAN (3) buod. (2)
(4)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit pagpili sa mga mahusay ang naging
SALITA sa buod. salitang ginamit sa pagpili ng mga
(3) (3) buod. salitang ginamit sa
(2) buod. (1)
Lubos na kinakitaan nang Kinakitaan nang maayos Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG maayos at organisadong talata maayos at organisadong maayos at organisadong
TALATA ang naisulat na buod. (3) talata ang naisulat na buod. talata ang naisulat na buod.
(3) (2) (1)

KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN
1. Manood sa youtube ng pagsasadula ng ilang maikling kuwentong tagalog.
Isulat ang buod nito.
2. Ano ang dula? Paano ito naiiba sa ibang uri ng akdang pampanitikan?
3. Basahin ang dulang, “Ang Mahiwagang Tandang”.
Unang Markahan | 20

You might also like