Untitled

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

MGA PANGUNAHING LIKAS YAMAN NG BANSA


IKAPITONG BAITANG

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa


paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

 Malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao


sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

 Nailalarawan ang mga Yamang Likas sa bansa. AP7HAS-Ie1.5 (unang kwarter)

I. Mga Layunin:
A. Naiisa-isa ang tatlong panguhaning likas na yaman ng bansa.
B. Nailalarawan ang yamang-lupa, yamang-tubig, at yamang mineral ng
bansa.
C. Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga sa mga likas na
yaman.

II. Paksang Aralin:


A. Paksa- Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa
B. Sanggunian- Asya:Pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba P.40-42
C. Kagamitan- visual aids, picture,chart, gunting, scotch tape

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
PANALANGIN
 Bago ang lahat, hinihiling to na tayong  Amen.
lahat ay magsitayo para sa ating
panalangin.
PAGBATI
 Isang maganda at makasaysayang  Magandang umaga rin po ma’am!
umaga sa inyong lahat!
PAGSASAAYOS NG SILID
 Bago kayo umupo, maaari bang  (At kanilang pupulutin ang mga kalat
pakitingnan at pakipulot ang mga at isasaayos ang mga upuan)
kalat na nasa ilalim ng inyong mga
upuan, at pakiayos narin ang inyong
mga upuan.
PAGTATALA NG LIBAN
 Wala po ma’am.
 Mayroon bang lumiban sa ating klase?
 (Papalakpak ang mga mag-aaral)
 Very Good! Palakpakan ninyo ang
inyong mga sarili.
ALITUNTUNIN
 Bago tayo magsimula sa ating
talakayan ay mayroon lamang akong
iilang alituntunin para sa ating klase
ngayong araw.
1. Maupo ng maayos.
2. Makinig ng Mabuti sa guro at sa
kaklaseng nagsasalita.
3. Itaas ang inyong kamay kung
gustong sumagot o magtatanong.
 Opo ma’am
4. Lumahok sa mga gawain at
talakayan sa klase.
 Pakatandaan ninyo at gawin ito
hanggang sa matapos ang ating klase.  Opo ma’am
Malinaw ba class?
 Handa na ba kayo para sa ating
bagong aralin ngayong umaga?

B. Pagganyak: HULA-RAWAN!
 Magaling! Dahil handa na kayo, may
mga larawan akong ipapakita at
inyong huhulaan kong ano ang mga
ito. Ito ay may kinalaman sa ating
paksain
ngayon.
 Ako po ma’am
 Hagdan-hagdang palayan po at mga
gulay at prutas ma’am.
 Okay class, ano ang inyong nakikita sa  Yamang- lupa po ma’am.
unang larawan?
 Yes Jonas.

 Tama! Ano naman kayang uri ng likas


na yaman ang larawang ito?  Yamang- tubig po ma’am.

 Ver good! Ano naman ang ikalawang


larawan?

 Magaling!  Yamang mineral po ma’am.


Ano naman
ang ikahuling larawan?

 Tungkol po sa mga likas na yaman ng


ating bansa.

 Yes, tumpak ang lahat ng inyong mga


sagot. Batay sa mga larawan na inyong
nakita, ano kaya ang ating tatalakayin
ngayong umaga?
 Tama!

C. Paglalahad
 Ang ating tatalakayin ngayong umaga
ay tungkol sa “Mga pangunahing likas
na yaman ng bansa.”

D. Pagtatalakay
Likas na yaman- ang likas na yaman
ay tumutukoy sa mga bagay na
makukuha natin mula sa kalikasan,
tulad ng lupa, dagat at mineral. Dito
nakasalalay ang lahat ng
pangangailangan nating mga tao.
Isa sa mga likas na yaman ng bansa ay
ang:
1. Yamang-lupa – tumutukoy ito sa
mga bagay o pagkain na
karaniwang nakikita sa mga
anyong lupa.
-Dito itinatanim ang lahat ng
halaman na ating ikinabubuhay
tulad ng palay, gulay at prutas.
Lupa rin ang inaasahan ng mga
magsasaka at mga hayop.
-Ang kagubatan ay bahagi rin ng
yamang-lupa na tirahan ng mga
maiilap na hayop tulad ng unggoy,
baboy-ramo, at tamaraw.
-dahil sa yamang lupa ay
pumapangalawa ang Pilipinas sa  Ang yamang-lupa po ma’am.
buong daigdig sa pagluluwas ng
pinya. Ang pataniman ng pinya ay
matatagpuan sa lalawigan ng
Cotabato at Bukidnon

 Ano daw ulit ang inaasahan ng mga


magsasaka at hayop?
 Tama! Dito naman tayo sa ikalawang
pangunahing likas na yaman ng ating
bansa.
2. Yamang-tubig- ito ay tumutukoy sa
likas na yaman na makukuha sa
ating mga anyong tubig tulad ng
dagat, ilog, lawa at iba pa.
-isang archipelago ang bansang
Pilipinas kaya naman ang yamang-
tubig nito ay ginagawang  Hindi po ma’am.
pangisdaan, pinagkukunan ng
inumin, paliguan, at daanan ng
mga sasakyang pantubig.
-ang mga likas na yaman na
makukuha sa tubig ay tulad ng
isda, corals, perlas at jelly fish.
 Sa inyong palagay, mabubuhay kaya
ang mga isda kong walang anyong-
tubig?
 Tama! Dahil ang mga isda ay nilalang
ng Diyos na mabubuhay lamang sa
katubigan.
 Dito naman tayo sa panghuling likas
na yaman.
3. Yamang mineral- likas na yaman
na namimina o nahuhukay sa
ilalim ng lupa. Ito ay may dalawang
uri.
a. Mineral na metal- tulad ng mga
ginto, dyamante, pilak at iba pa.
b. Mineral na di-metal-tulad ng  Metal at di-metal po ma’am.
langis, petrolyo at geothermal
na pinagkukunan ng
elektrisidad.
-dahil sa yamang-mineral, ang  Yes ma’am.
Pilipinas ay panlima sa
pinakamayamang deposito ng  Yamang-lupa, yamang-tubig, at
nickel sa buong mundo. yamang mineral po ma’am.
 Ano na nga ang dalawang uri ng  Sa lalawigan po ng Bukidnon at
mineral class? Cotabato.
 Very Good!  Isda, perlas at corals po ma’am.

E. Paglalahat  Ang halimbawa ng mineral na metal


 Naintindihan na ba ang ating pinag- ay ginto, pilak at dyamante. Ang
halimbawa naman ng mineral na di-
aralan ngayong umaga?
metal ay langis, petrolyo, at
 Ano-ano na nga ang mga pangunahing geothermal.
likas na yaman ng bansa?
 Saan naman matatagpuan ang
malawak na pataniman ng pinya?
 Ano-ano ang halimbawa ng yamang-
tubig?
 Magbigay ng halibawa sa mineral na
metal at di-metal.
F. Paglalapat Yamang mineral
Yamang- Yamang-
di-
 Very good class. At dahil alam na lupa tubig metal
metal
ninyo ang mga pangunahing likas na gulay korales bakal langis
yaman ng ating bansa, maging ang hayop isda tanso
mga halimbawa nito ay magkakaroon Halaman talon chromite petrolyo
tayo ng isang gawain. g gamot
bulaklak ilog sulphur
burol
Gawain 1: Basahin ang mga
sumusunod na mga likas na yaman ng
bansa. Idikit ito sa tamang kolum sa
talahanayan.
Yamang
Yamang- mineral
Yamang-lupa
tubig di-
metal
metal

Bakal hayop
Korales halamang gamot
 Kung tayo ay magtutulong-tulong sa
Gulay bulaklak pangangasiwa sa likas na yaman, hindi
Isda burol natin ito aabusuhin at sisirain.
Langis petrolyo Magkaroon ng tamang disiplina sa
Tanso chromite paggamit ng ating likas na yaman.
Talon sulphur
Ilog

G. Pagpapahalaga
 Paano natin mapapangalagaan ang
ating kapaligiran at likas na yaman?

 Tama! Lagi nating tandaan na ang


bansang Pilipinas ay biniyayaan ng  Opo ma’am
masaganang yamang-lupa, yamang-
tubig, at yamang mineral. Sa mga  Wala na po ma’am.
yamang ito tayo kumukuha ng lahat ng
ating ikinabubuhay kong kaya’t
marapat lamang na ito ay ating
ingatan, palaguin at pagyamanin sa
pamamagitan ng tamang pagkonsumo
at paggamit ng mga ito.
 Lubos naba ninyong naunawaan ang
ating pinag-aralan?
 Sino sa inyo ang may mga
katanungan?

IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng smile ang bilang kong ito ay nagpapakita ng tama at
matalinong paggamit ng likas na yaman, at sad kung hindi.

1. Hagdan-hagdang pagtatanim
2. Pagsunog ng plastik
3. Bio-intensitive gardening
4. Reuse, Reduce, Recycle, and Repair
5. Pagtatanim ng punong-kahoy
6. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
7. Pagputol ng mga puno
8. Pagtapon ng basura sa ilog
9. Maglinis sa kapaligiran
10. Pagpatay ng mga appliances kong hindi naman kinakailangan.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng slogan/poster na nagpapakita ng tamang paraan ng
pangangalaga sa ating likas na yaman. Gawin ito sa bond paper.

Inihanda ni:
JINKY Z. CABAÑERO
Student Teacher

You might also like