5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Unang Markahan - Modyule 1.1

Lipunan
- Ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat
- Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin o layunin.
- Binubuo ang tao ng lipunan at binubuo ng lipunan ang tao.
- Nagkakaroon ang tao ng pagkakataong maipakita ang pagmamalasakit, ang tumulong at
magtulungan sa panahon ng pangangailangan.
- Naipapakita ang pagmamalasakit na ito sa pagdamay at bukas-palad na pagtulong sa kapwang
walang hinihintay na kapalit.
- Dahil dito umuusbong ang pagtitiwala sa kapuwa na siyang dahilan ng sama-samang pagkilos
tungo sa isang mithiin
- Nangingibabaw sa pagkakataong ganito na hindi lamnag personal na kabutihan ng indibidwal
ang nilalayon ng lipunan kundi ang kabutihang panlahat.
Komunidad
- Ginagamit ito upang tukuyin ang lipunan.
- Ito ay galing sa Latin na communis na nangangahulugang “common o magkapareho”
- Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng interes, ugali, o
pagpapahalagang bahagi ng isang particular na lugar.

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat


1. Ang paggalang sa indibidwal na tao
- Dahil ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung
hindi kikilanin at pahahalagahan ang kaniyang dignidad.
Dignidad - nakakabit ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang at hayaang gamitin ng tao sa
lipunan.
- Upang maging makatarungan ang isang lipunan, kailangang nasisiguro ng namumuno dito na
ang karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at
pinahahalagahan.
HAlIMBAWA:
● Ang paggamit ng tao ng kaniyang bokasyon tungo sa paglinang ng kaniyang sarili. Gayundin ang
protektahan ang kaniyang karapatang kumilos ayon sa dikta ng konsensiya.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat


- Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao.

- Karaniwang sinusukat ito halimbawa:


● Sa mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan
● Epektibon pampublikong pangkaligtasan at seguridad
● Kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo
● Makatarungang sistemang legal at pampolitika
● Malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang-ekonomiya.
- ng mga nabanggit ay mayroong malakas na epekto sa kapakanan ng mga kasapi ng pangkat.
- Mahalagang may mamagitan upang masigurong nakakayanan at nararating ang mga ito ng
bawat isa sa lipunan. Kapag nangyayari ito, natutugunan ang tawag ng katarungan o kapakanang
panlipunan ng pangkat.

3. Ang kapayapaan (peace)


- kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalang ng kaguluhan.
- Mayroong kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan.
- Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at
seguridad ng makatarungang kaayusan.
- Kailangang nabibigyan ng seguridad ang lipunan at ang mga kasapi nito sa mabuti at maayos na
pamamaraan.
- Gayunpaman, may pagkakataong hindi natutugunan ang kabutihan ng lahat kaya’t may mga
pagkilos sa lipunan na isinasaalang-alang ang kapakanan ng mas nakararami. Kaya sa abot ng
makakaya ay sa lahat, ngunit kailangang maunawaan ding may pagkakataong tamang ganapin
ang para sa nakararami. Hindi kailangang magresulta ito sa away o gulo at maaari itong daanin
sa diyalogo
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Unang Markahan - Modyule 1.2

Mga Institusyon ng Lipunan


1. Pamilya
- Ang pamilya ang pinaka-ugat ng lipunan na siyang pinagmulan ng lahat.
- Ito ang bumubuo ng populasyon sa bawat pamayanan.
- Mula dito ay hinuhubog ng mga magulang ang mga anak.
- Malaki ang epekto nito sa pagpapalaki ng isang indibidwal dahil dito siya nahuhubog partikular
na ang kaniyang:
● Personalidad
● Pagkakakilanlan
● Pangangailangang emosyonal o pisikal.
- Mahalaga ang pananatili ng pamilya dahil ito ang tumutugon sa maraming pangangailangan
tulad ng pangangalaga sa mga anak na kasapi nito.
- Sila ang nagsisibing gabay, tumatama sa pagkakamali, nagbibigay ng suporta at humuhubog sa
mga anak upang maging katangi-tanging indibidwal sa pamayanan.
2. Simbahan
- Ang institusyong ito ay pumapatnubay sa bawat pamilya at indibidwal upang kilalanin ang
espiritwal na pangangailangan ng bawat isa.
- Layunin nitong:
● Masapatan ang pangangailangang espiritwal ng bawat tao
● Mapanatili ang mataas na pamantayang moral
● Gabayan ang mga mamamayan na kumilos ng naaayon sa mabuti at katotohanan
● Gabayan ang tao sa tamang pamumuhay ayon sa bilin ng kinikilalang Diyos.
3. Paaralan
- Ang nagsisilbing pundasyon ng kaalaman.
- Ito ang nagsisilbing tagahubog ng kaisipan ng bawat mamamayan.
- Naglalayon ang institusyong ito na:
● Linangin
● Palawakin
● Imulat ang mga mag-aaral sa katotohanan upang magamit ito sa lipunan.
- Nagiging matatag ang isang pamahalaan kapag edukado ang bawat mamamayan.
4. Pamahalaan
- Ito ay isang institusyon ng lipunan na naglalaan ng seguridad, organisasyon para sa
mamamayan.
- Ito ay may kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo.
- Ang mga batas na ito ang nagsisilbing batayan ng mga mamamayan kung paano makibagay sa
lipunan.
5. Negosyo
- Ang mga Negosyo ay nagsisilbing makina ng ekonomiya.
- Layunin nito na mapalago ang kita na siyang nagbibigay ng positibong epekto sa lipunan- ang
kaunlaran ng lipunan.
- Gaya na lamang ng:
● Pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan
● Pagtaas ng kalidad ng produkto at iba pa.
- Ito rin ay nakakatulong sa mga taong nangangailangan ng pera para sa araw-araw na gastusin.
- Ang pagnenegosyo ay isang paraan upang makalikom ng pera ang isang pamilya.

Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat


Narito ang ilang nakahahadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang
bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito
- Ang mahalaga sa kaniya ay ang pakinabang na kaniyang makukuha sa kabutihang panlahat na
nagmumula sa malasakit at pagsasakripisyo ng iba.
- Nakikinabang lamang siya subalit walang ambag o pakinabang na nanggagaling sa kaniya.
HAlIMBAWA:
● Ang sapat na suplay ng tubig ay pinakikinabangan ng lahat ng tao. Subalit upang mapanatili ang
sapat na suplay ng tubig sa panahon ng tagtuyo, ang mga tao ay kailangang magtipid sa
paggamit nito.
- Hindi lahat ng tao ay nagnanais gawin ito sapagkat ayon sa kanila, habang may taong nagtitipid
makikinabang pa rin siya nang hindi nagbabawas ng kaniyang konsumo.
- Ang nakababahala dito ay kapag dumami ang taong may ganitong pangangatwiran, masisira ang
kabutihang panlahat na nakasalalay sa suportang manggagaling sa kanila

2. Ang indibidwalismo, ibig sabihin ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
- Ito ay ang pagnanais ng taong maging malaya sa pagkamit ng pansariling tunguhin nang walang
ibang nanghihimasok o nakikialam sa kaniya
- Ayaw ng taong ganito na magambala ang kaniyang personal na buhay – nagnanais na “mapag-
isa”.
- Hindi niya pinapakay ang pakinabang mula sa kabutihang hatid ng sakripisyo ng iba subalit ayaw
rin niyang magambala para sa kabutihan ng iba.
- Sa kulturang ito, mahirap makumbinse ang taong isakripisyo ang kaniyang kaunting kalayaan,
personal na hangarin at pansariling interes para sa kapakanan ng “kabutihang panlahat” dahil
para sa kaniya, hindi niya kailangang mag-ambag sa kabutihang panlahat kundi ang manatiling
malaya sa pagkamit ng kaniyang personal na kabutihan.
HAlIMBAWA:
● May mga taong ayaw nang manood ng balita at makialam sa mga nangyayari sa paligid dahil
mas marami siyang suliranin sa kaniyang personal na buhay na kailangang isaayos. Maaaring
ikatuwirang hindi siya makikialam sa mga bagay na hindi naman tuwirang nakaaapekto sa
kaniya.

3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa
ng iba
- Upang mapanatili ang kabutihang panlahat, hinihingi sa ilan ang mas malaki at mabigat na
pananagutan kaysa sa iba.
HAlIMBAWA:
● Upang kayanin ng mga mahihirap ang pagbili ng produkto, kailangang tanggapin ng negosyante
ang mababang tubo o kita mula sa mga produkto
● Ang pangkalusugang seguridad ay maging abot kaya ng lahat, ang health insurance ay may
mababang premiums o ang doktor ay tumanggap ng mababang sahod.
- Ang tingin ng ilan sa ganitong sitwasyon ay hindi makatarungan.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Unang Markahan - Modyule 1.3

You might also like