Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1

5TH SUNDAY IN LENT


Sermon Manuscript
Prepared by: Pastor Joshua V. Limon
Date: March 26, 2023

Text: John 11: 1-45


Theme: Who is God in the midst of death?

Introduction:
Nakabalita na ba kayo ng taong namatay ngunit muling nabuhay? Maaring
mayroon na tayong mga napanood sa tv o sa ating social media na pangyayari ng
muling pagkabuhay ng isang tao na kahit ito’y patay na. Ngunit hindi naman tayo
sigurado kung ito’y totoo o gawa-gawa lamang para magpasikat o sa panahon natin
ngayon upang dumami ng views sa kanilang social media account. Subalit kung ating
iisipin ano kaya ang ating magiging reaksyon kung ito’y makita natin ng mukhaan?
Sa panahon ng ating Panginoon Hesus ay mayroong taong nag-ngagalang
Lazaro ang muling binuhay ng ating Panginoong Hesus upang kanyang patunayan
ang katotohanan na siya’y Anak ng Diyos ng pagkabuhay at buhay at para ipakita rin
ang mga bagay na nagbibigay kalakasan sa panahon ng kapighatian.

Who is Jesus (God) in the midst of Death?

A. Jesus is a Friend
Sa panahon ng pagdadalamhati, (kung tayo man ay mawalan ng mahal sa
buhay o may problema) ay napakahalaga ng may kasamang makikinig at daramay.
Sinasabi mula sa verses 3-5, 3  nagpasabi kay Jesus ang magkapatid, “Panginoon, ang
minamahal ninyong kaibigan ay may sakit.” 4  Nang marinig ito ni Jesus ay sinabi niya,
“Hindi niya ikamamatay ang sakit na ito. Nangyari iyon upang maparangalan ang

Diyos at sa pamamagitan nito'y maparangalan ang Anak ng Diyos.” Mahal ni Jesus
ang magkakapatid na Martha, Maria at Lazaro. Ang mga talatang ito ay nagpapakita
na mahal ni Hesus ang magkakapatid na Marta, Maria, at Lazaro dahil sila’y kanyang
kaibigan. Kaya naman, sinasabi rin sa verse 35 na “Tumangis si Hesus” at nasabi ng
mga tao na totoong mahal niya ang mga ito.
Sinasabi ng Biblia na tayo’y itinuring na kaibigan ng ating Panginoon Hesus.
Ibig sabihin lamang nito, sa panahon na kailangan natin ng karamay sa ating buhay
dahil sa mga pagsubok na ating pinagdaraan ay mayroon tayong malalapitang
2

kaibigan na siyang handang makinig at dumamay upang tayo’y makaahon sa


pagsubok ng buhay.
Sinasabi sa verse 7, 7  Pagkatapos nito, sinabi niya sa kanyang mga alagad,
“Magbalik tayo sa Judea.” Pupuntahan ka ni Hesus kaibigan at bibigyan ka ng panahon
dahil kaibigan ka niya! Ganyan ang ginawa niya sa mga magkakapatid na ito at dahil
dito’y sila ay nakaranas ng pagkilos ng Diyos sa kanilang buhay. Pangalawa,

B. Jesus is a Positive Influencer

Sa ating henerasyon ngayon, marami ng mga social media influencers sa


Facebook, YouTube, Instagram, TikTok etc. Ngunit hindi lahat ay positibo o
maganda ang epekto nila sa mga tao lalo na ang mga may content ng pag-aaway,
malalaswang bagay at maging “prank” na minsan hindi na rin ito nakakatuwa o
nagiging masamang halimbawa pa ito sa mga manonood.

Si Jesus ang ating Panginoon ay mayroong positibong epekto sa buhay ng


mga tao, sa kanyang mga alagad, at sa tatlong magkakapatid na sina Marta, Maria at
Lazaro. Sinasabi mula sa verses 11-15, 11 
Idinugtong pa ni Jesus, “Natutulog ang
kaibigan nating si Lazaro. Pupunta ako upang gisingin siya.” 12  “Panginoon, kung

natutulog lang po siya ay gagaling siya,” sagot ng mga alagad. 13  Ang ibig sabihin ni
Jesus ay patay na si Lazaro, ngunit ang akala ng mga alagad ay talagang natutulog

lamang ito.  14  Dahil dito'y tuwirang sinabi ni Jesus, “Patay na si Lazaro;  15  ngunit dahil
sa inyo, ako'y nagagalak na wala ako roon, nang sa gayon ay sumampalataya kayo sa

akin. Tayo na, puntahan natin siya.” Makikita natin sa mga talatang na ito na nagdulot
ng positibong isipan sa mga alagad ang sinabi ni Hesus na “natutulog lang si Lazaro”
kahit na ito’y patay na. Naniniwala ako na sinabi ito ng ating Panginoon Hesus upang
magbigay ng lakas ng loob sa kanyang mga alagad. At ganun din naman ang kanyang
ginawa sa magkapatid na Marta at Maria, sabi ng verses 20- 22 20  Nang mabalitaan ni
Martha na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito, ngunit si Maria nama'y naiwan sa

bahay.  21  Sinabi ni Martha, “Panginoon, kung narito po kayo, hindi sana namatay ang
kapatid ko.  22  Subalit alam kong kahit ngayo'y ipagkakaloob sa inyo ng Diyos ang

anumang hingin ninyo sa kanya.” At sa verses 32-33, 32 


Pagdating ni Maria sa
kinaroroonan ni Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito at nagsabi, “Panginoon, kung
33 
narito po lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.” Nahabag si Jesus at
3

nabagbag ang kanyang kalooban nang makita niyang umiiyak si Maria, pati ang mga

Judiong kasama nito. 23 “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” sabi ni Jesus.

Naniniwala akong dahil sa presensya ng ating Panginoong Hesus ay


nagkaroon ng lakas ng loob ang magkapatid na ito upang sila’y maniwala at
magtiwala sa kayang gawin ng Diyos sa kanilang buhay.
Bawat isa sa atin ay naghahanap ng kaibigan na mayroong positibong epekto
sa atin lalo na sa panahon ng pagsubok. Kapatid, ang ating Panginoong Hesus ay
nagdudulot ng kalakasan at kaaliwan sa ating buhay. Maniwala lamang tayo at
magtiwala sa kanyang layunin dahil tayo’y kanyang kaibigan. Pangatlo at huli,

C. Jesus is the Resurrection and Life


Sinasabi mula sa verses 23-25, 23  “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” sabi
24 
ni Jesus. Sumagot   si Martha, “Alam ko pong siya'y mabubuhay muli sa huling
(C)

25 
araw.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang

sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay. Ang


magandang balita para sa ating mga mananampalataya ay kahit may kamatayan sa
mundong ito ay may bagong buhay naman na inilaan ang ating Panginoong Hesus
para sa ating lahat. Dahil siya ang buhay o nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
Ang tanong sa bawat isa, kapag po ba tayo ay nawala na sa mundong ito ay
nakatitiyak po ba tayo na muli tayong mabubuhay at tatangapin ang buhay na walang
hanggan na pangako ng ating Panginoong Hesus? Kung opo, sumampalataya tayo
katulad ni Marta at Maria sa ating texto ngayong umagang ito.
At dahil tayo’y sumampalataya, tayo ngayon ay bago ng nilalang na
kailangang mamuhay na tayo ayon kalooban ng ating Panginoong Hesus tulad ng
sinasabi ng Roma 8: 11, 11 
Kung  naninirahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang

muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang muling bubuhay sa inyong mga katawang
may kamatayan, sa pamamagitan din ng kanyang Espiritung naninirahan sa inyo.

D. Conclusion

Sa pagkamatay ng ating Panginoong Hesus, namatay narin ang ating mga


kasalanan. Sa kanyang muling pagkabuhay, ay nagkaroon tayo ng pag-asa na muling
mabubuhay pagkatapos ng kamatayan sa buhay na ito. Kaya naman mga kapatid,
katulad ng ginawa ni Marta at Maria, sumampalataya sila sa ating Panginoong Hesus
4

at kanilang nakamtan ang katagumpayan mula sa kamatayan. Tayo rin naman, kung
ating ipapahayag ating pananampalataya ay tiyak na makakamtam din natin ang
buhay na walang hanggang na pangako ng Diyos sa bawat isa.
Si Hesus ay ating kaibigan, siya ay nagdudulot sa ating ng positibong epekto
upang tayo may makapanatili sa paglilingkod. Sa gayon, ating mararanasan ang
muling pagkabuhay at ang buhay na walang hanggang Amen.

You might also like