Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

HEKASI 5

Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik nito sa inyong papel.
1. Ito ay lugar na binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya. Pinamumunuan ito
ng isang Datu.
A. Sultanato B. Sitio C. Barangay
2. Alin ang sakop ng isang barangay?
A. Ang buong bansa
B. Isang Bayan o municipyo
C. Mga sitiong may 30 hanggang 100 na pamilya
3. Alin ang HINDI gawain ng datu sa isang barangay?
A. Tagagawa ng mga batas
B. Tagapagtupad ng mga batas
C. Tagahatol
D. Tagapayo ng mga lupon
4. Alin ang kabuuang tungkulin o gawain ng isang datu sa isang barangay?
A. Pangasiwaan at pangalagaan ang kapakanan ng isang barangay.
B. Pagnakawan ng pera ang mga miyembro ng pamilya.
C. Ibigay ang lahat ng pagkain at damit ng lahat ng pamilya.
5. Sa isang barangay noon hanggang ngayon, alin ang sinusunod ng mga tao
at opisyal?
A. Utos ng Diyos sa Bibliya
B. Utos ng isang lider sa barangay
C. Nakasulat at hindi nakasulat na mga batas
6. Sino ang nagpapaalam ng mga batas sa mga tao sa barangay?
A. Umalahokan B. Umalohokan C. Umilahakan
7. Kapag ang isang tao noon ay gumawa ng kasalanan o “bahul”, alin ang
isinasagawa upang mapatunayan kung sino ang totoong nagkasala?
A. Magpapakulo ng tubig at lalagyan ng bato sa loob at saka aabutin
ng isang pinaghihinalaang nagkasala.
B. Puputulin ang isang daliri nila
C. Ikukulong ng isang taon.
8. Ang isang uri ng pamamahalang ipinakilala ng mga Muslim ay ang _______.
A. Sultan B. Sulatan C. Sultanato
9. Ano ang tawag sa pinuno sa isang sultanato?
A. Datu B. mayor C. Sultan
10. Ang lugar na dapat pinamumunuan ng isang sultan ay _______kaysa sa
barangay.
A. mas maliit B. mas malawak C. mas malinis
11. Saan nakabatay ang mga batas na sinunsunod ng mga taong
pinamumunuan ng isang sultan?
A. Koran B. Bibliya C. Batas ng ibang bansa
12. Ang mga taong walang ginagawang kasalanan batay sa mga batas ay
maaaring tawaging _____________________.
A. Masuwayin B. Matapang C. Masunurin
13. Upang makipagkapatiran, makipagkaibagan ang mga sinaunang Pilipino
sa ibang lugar o sa ibang tao, isinasagawa nila ang __________________.
A. Paglalaban-laban B. Sanduguan C. Pag-iinuman ng alak
14. Alin sa mga panahanan ang HINDI tinirhan ng mga sinaunang Pilipino?
A. Kuweba B. Kagubatan C. Sementadong bahay
15. Ang mga taong palipat-lipat ng tahanan ay tinatawag na ________________.
A. Anthropologist B. Nomadic C. Ninuno
16. Ang mga taong ibinibilang na pinakamababa sa lipunan ay ____________.
A. Datu B. Alipin C. Timawa
17. Ang mga datu ay kinikilalang bayani dahil sila ay matapang na ___________.
A. Mandirigma B. Mangingisda C. Mangangaso
18. Ang timawa naman ay mga taong ________________.
A. Nakakulong B. Malalaya C. Mahihirap
19. Alin ang isang kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunan?
A. Sila ang nanganganak upang dumarami ang mga tao sa lipunan.
B. Sila ang naghahanapbuhay para sa mga anak at asawa
C. Sila ang tagapag-alaga ng mga hayop tulad ng kalabaw at kambing
20.Alin ang isa pang gawain ng isang babae sa lipunan?
A. Pagtatanim at paag-aani ng palay
B. Pagsisibak ng mga punong paggatong
C. Nagbibigay ng pera sa mga anak
21. Aling wika ang hindi ginamit ng mga sinaunang Pilipino?
A. Tagalog B. Ingles C. Ilokano
22. Alin ang pinagsusulatan ng mga sinaunang Pilipino?

A.Notebook at pad paper


B.Balat ng puno, dahon ng saging at kawayan
C.Balat ng mga hayop

23. Ano ang sinasambang diyos sa paniniwalang pag-aanito?


A. Allah B. Yahweh C. espiritu
24. Sa pag-aanito, sino ang kinikilalang tagapamagitan sa mga espiritu?
A. Katalonan o babaylan B. Pastor at pari C. Matandang lalaki
25. Sa mga kalanguya, ang tagamapagitan sa mga espiritu ay tinawag na
_____.
A. “mabaki” B. “mapuyod” C. “mabngaw”
26. Sa mga Bisaya, ang paganismo ay paniniwala sa mga ______________.
A. diwata o diyos at diyosa
B. mga datu at sultan
C. mga ninuno

27. Sa mga Tagalog, ang tawag sa kanilang tagapaglikha ay ____________.


A. “Meknengan” B. Bathala C. “Apo Diyos”
28. Sa paniniwalang Islam, ang Diyos nila ay si Allah at ang unang propeta o
tagapagturo nila ay si__________________.
A. Manalo B. Muhammad C. Abu Bakir
29. Alin ang HINDI pinaniniwalaan ng mga Muslim?
A. Ang mga anghel ay hindi diyos kaya huwag natin silang sambahin.
B. Ang kabilang buhay ay nangyayari sa mga taong namatay dito sa lupa.
C. Si Jesus ang tagapagligtas ng bwata tao dito sa mundo.

30. Bakit tinawag na prehistoriko ang panahon ng mga sinaunang Pilipino?


A. Hindi nakasulat ang mga kasaysayan ng buhay nila
B. Nakasulat na ang mga pangyayaring naganap sa buhay nila
C. Nakalibro na ang mga kasaysayan ng buhay nila

31. Kung ang mga tao ay nagsimula sa pamumuhay sa paggamit ng mga


tinapyas at matulis na bato, ito ay panahong ___________________.
A. Metal B. Neolitiko C. Paleolitiko
32. Alin ang uri ng pamumuhay sa panahong neolitiko?
A. Gumagamit pa rin sila ng mga matulis at tinapytas na bato
B. Kumakain pa sila ng mga ligaw na prutas at hindi lutong pagkain
C. Nagtatanim na sila ng mga halaman at niluluto na nila ang mga
kinakain

33. Bakit sinabing maunlad ang buhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahon
ng Metal?
A. Sila ay gumagawa ng mga palamuti, sandata, at kuwintas.
B. Sila ay gumagamit ng matulis na bato at puno.
C. Sila ay nag-aalaga ng mga hayop at halaman.

34. Alin sa mga hanapbuhay ang HINDI ginawa ng mga sinaunang Pilipino?
A. Pagsasaka at Pagmamay-ari ng lupa
B. Pangingisda at pangangaso
C. Pagiging empleyado

35. Alin sa mga mabubuting asal ang ipinakita ng mga sinaunang Pilipino?

A. Nag-aagawan sila ng mga pagkain at gamit.


B. Ayaw nilang umunlad ang pamumuhay nila.
C. Masisipag at matitiyaga sila sa kanilang mga gawain.

A= India at Indonesia

D=Thailand

B=China

36. E=Hapones Paninda tulad ng Kristal, abaloryo, pulseras


at kasangkapang gawa sa
C. Arabe
metal ay galling sa bansang ____________.
37. Malalaking tapayan, salamin, timbangan, barya at jade ay dinala ng mga
_______________ sa Pilipinas.
38. Ang mga tanso, tapete at seramika ay produktong galing sa _______.

39. Ang seramika ay galing sa bansang ________________.

40. Ang mga kasangkapang pambukid, mga sandata, alahas at lalagyan ng


tubig at alak ay galing sa mga _______________.
Prepared by:
BENILDA C. DUYAPAT

You might also like