Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

Kingfisher School of Business and Finance

Mac Arthur Highway, Lucao District, Dagupan City 2400, Philippines


S.Y. 2022-2023

Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga


Estudyanteng Senior High School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Isang Pamanahong Papel sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik

na iniharap kay:
Denson D. Padlan
Tagapayo

na iniharap nina:
Dalisay, Althea Fatima
Dela Cruz, Jahneia Rysa
Takeda, Maveler
Mga Mananaliksik

Marso 2023
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksyon

Ang career path ay isang mahalagang aspeto sa buhay ng mga indibidwal. Ito ay higit
pa sa pagpapasya ng kung anong propesyon ang dapat tahakin, sapagka’t ito ay isa ring
mahabang proseso na nangangailangan ng mainam na pagsasaalang-alang. Sa gayon, ang pagpili
ng propesyon ay isang sanhi ng mga serye ng desisyon, transaksyon, at pagbabago sa loob ng
mga taon at sa konteksto ng maraming mga salik na nakakaimpluwensya (Leung, 2008). Ayon
kay Granger et al. (2007), inilalarawan nito ang kabuuang gampanin ng isang tao sa kanyang
buhay. Napakaraming dahilan ang nakaaapekto sa mga desisyon ng mga mag-aaral ng mataas na
paaral na nag-iiba mula sa sariling pagkakakilanlan hanggang sa mga dahilang panlipunan tulad
ng ekonomiya at ang mga taong nakapaligid sa mga mag-aaral. Halimbawa na lamang ng mga
ito ay ang pamilya, grupo ng mga kasamahan, at mga support system na nakakaimpluwensya sa
pagtugis ng mga layunin sa propesyon ayon kay Betz (1989). Samakatuwid, ang paggawa ng
mga desisyon ay hindi isang diretsong proseso, ngunit binubuo ito ng interplay ng maraming
impluwensya na lahat ay konektado sa isa't isa.

Isinaad ni Onyejiaku (1980) sa kanyang pag-aaral na "Occupational Choice Among


Nigerian Youths and The Need For Guidance Counselors" na ang mga indibidwal ay
nagkukulang sa produktibidad at kahusayan sa propesyon. Nabanggit din sa pag-aaral na ang
propesyon ay isang paraan ng pamumuhay na maaaring magpabago ng personalidad ng isang
indibidwal, matukoy ang katayuan nito sa lipunan, mahulaan ang posibleng kita nito sa
hinaharap, at mapasiya ang magiging pangkat nito sa lipunan. Sa gayong dahilan, ang halaga ng
isang career path ay hindi dapat makaligtaan ng mga taong-bayan, dahil makakaimpluwensya ito
sa kanilang buong buhay.

Ang pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng


mga estudyanteng nasa senior high school ay makapagbibigay ng tamang kaalaman,
makatotohanang pananaw, at nagbibigay-daan sa kanila upang maiplano ang kani-kanilang mga

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


1
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

propesyon sa hinaharap sa pinaka maayos na paraan sabi nina Sarwar and Azmat (2013). Kaya
naman, ang paggawa ng angkop na desisyon ay maaaring humantong sa kinabukasang iyong
ikalulugod.

Kaugnay rito, nabuong konsepto nina Lent et. al (1994) ang isang bagong teorya na
nais ipaliwanag ang tatlong magkaka konektadong aspeto ng career development: pinaunahan
nito ang kung papaano yumayabong ang mga interes ng mga indibiduwal sa pag-aaral at trabaho,
pangalawa ay ang kung papaano gumagawa ng mga desisyong pang-akademiko at pang-trabaho,
at pangatlo ay ang kung papaano nakakamit ang pagtatagumpay sa pang-akademiko at
pang-trabaho. Ito ay isang modelong nakabase sa Social Cognitive Theory ni Bandura (1986) na
kung saan iminungkahi niya na ang interes ng isang tao ay konektado sa paniniwala sa kanyang
kabisaan sa sarili at inaasahang resulta. Ang kabisaan sa sarili ng tao ay nakabatay sa kaugaliang
kailangan sa iba-ibang vocational domains. Isang halimbawa, ang isang tao ay maaaring may
malakas na kumpiyansa sa kanyang kakayanan na matapos ang gawaing may kaugnayan sa
larangan ng sining, ngunit maaaring may kaunting kumpiyansa sa sarili sa kakayahang gumawa
at mapagtagumpayan ang siyentipikong larangan tulad ng medisina. Dagdag pa rito, ang mga
aspetong individual input (tulad ng kasarian, lahi, at etnisidad) at environmental variables
(pang-sarili, pang-lipunan, pang-kultura, pang-ekonomiya) ay mayroon ring epekto sa mga
oportunidad o karanasan sa pag-aaral, na kung saan ito ay may kaakibat na epekto sa kabisaan ng
sarili at inaasahang resulta.

Ayon kay Bandura n a napagpatibay ng sinabi ni Brown(2020), ang social learning


theory ay isang teoryang cognitive-behavioral ng pag-aaral na kung saan minumungkahi nito na
tayo ay nakakakuha ng mga bagong pag-uugali gamit lamang ang pag-obserba sa pag-uugali ng
kapwa habang inaalam din ang mga nakaakibat na resulta. Ang pag-obserba ng pag-uugali ng
isang tao ay maaaring makaimpluwensya sa pag-uugali ng nagoobserba dahil ang kaugalian ng
isang tao ay nakadepende sa mga nakapaligid dito. Ayon kay Miller N. at Dollard J. sa kanilang
nailabas na librong “Social Learning Theory” na ang mga simbuyong pang-biyolohikal ay
gumaganap bilang isang stimulus sa ugali ng isang tao na maaaring mapagpatibay ng
pakikipaghalubilo sa ibang tao.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


2
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Biglaang karagdagan, ang career path ay nagpapakita kung papaano


nakikipag-ugnayan ang isang indibidwal sa mga partikular na aktibidad tulad ng pagpili ng tiyak
na landas pangpropesyon ay maaaring maapektuhan sa pamamagitan ng pag-iisip ng isang tao.
Ang Social Cognitive Theory ay nagpapakita rin kung paano maaaring maimpluwensiyahan ng
kanilang interes, pagpili at kagagawan ang kanilang mga pagkakaiba sa iba pang mga
indibidwal. Sa katotohanan, ang pagtupad sa pagtugis ng mga pangarap ay talagang mahirap
makamit. Ang paggawa ng desisyon tungkol sa trabahong tatahakin ng isang indibidwal ay may
malaking papel sa kanilang mga buhay. Samakatuwid, ang pagtutuunan ng pansin ng
pananaliksik na ito ay kung papaano gumawa at nakarating sa mga pinal na desisyon ang mga
mag-aaral ng senior high school na konektado sa kanilang career path.

Layunin Sa Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magbigay ng mga salik kung paano nakarating
ang mga mag-aaral ng senior high school sa Tapuac Road sa siyudad ng Dagupan sa kanilang
tiyak na desisyon hinggil sa kanilang pagpili ng kurso na nakaiimpluwensiya sa kanilang
hinaharap. Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, ang mga sumusunod na katanungan ay
ginawa upang mapunan ang mga sumusunod:
1. Ano ang profile ng mga impormante sa mga tuntunin ng:
a. Pangalan;
b. Edad;
c. Kasarian;
d. Antas ng taon;
e. Kurso;
f. Paaralan; at
i. Dagupan City National High School
ii. Lyceum Northwestern University
iii. Mother Goose Special Science High School
g. Income ng nagpapaaral

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


3
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

2. Bakit kinakailangang timbangin ng mga estudyanteng senior high school ang lahat ng
kanilang opsyon para sa kanilang trabaho sa hinaharap?
3. Ano ang mga pangunahing salik na kailangang isaalang-alang ng mga estudyanteng
senior high school sa paggawa ng desisyon?
4. Paano nakaapekto ang mga salik na nabanggit ng mga estudyante ng senior high school
sa kanilang pagpili?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay tukuyin ang mga salik na


nakakaapekto sa career path ng mga estudyante sa senior high school. Kasama rito ang mga
naturang salik kung paano nagbibigay ng makabuluhang epekto ang kanilang career path sa
pangkasalukuyan at sa hinaharap. Sa gayon, ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng
karagdagang impormasyon tungkol sa mga dahilan sa likod career decision-making ng isang
mag-aaral, partikular na ang mga estudyante sa senior high school. Bukod pa rito ay nais ring
itatag ng pananaliksik na ito ang kahalagahan ng career path, at bigyan diin ang kamalayan ng
mga mag-aaral, guro, at magulang.

Ang mga Estudyante. Ang pangunahing layunin at paksa ng pag-aaral ay ang mga
mag-aaral. Inilalarawan ng pananaliksik na ito ang kanilang mga pangunahing karanasan
pagdating sa mga pangyayaring kinakaharap nila sa paggawa ng career decision, at ang mga
salik na nakaiimpluwensya rito. Samakatuwid, makabuluhan ang epekto ng pag-aaral na ito sa
mga mag-aaral sapagka’t ito ay magsisilbing tulong o gabay sa pagkakaroon ng mas mahusay na
pag-unawa tungkol sa kanilang career decision-making; upang maliwanagan ang mga mag-aaral
sa kung paano sila naaapektuhan ng mga kursong kanilang kinuha, tulad ng kanilang
kasalukuyang pagganap, pagganyak, at hilig– at upang matulungan ang mga mag-aaral na
maunawaan kung gaano kahalaga ang isang career path sa kanilang paraan ng pamumuhay.

Ang mga Mananaliksik. Ang mga susunod na mananaliksik na nais ding suriin ang
paksa ay maaaring gawing instrumento ang pananaliksik na ito bilang isang mapagkukunan at

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


4
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

batayan sa kanilang pag-aaral. Sa gayon, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing literatura na


makapag-uugnay sa paksang nais suriin ng mga mananaliksik na may kinalaman sa paksa ng
career decision-making ng mga mag-aaral.

Ang mga guro. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging kasangkapan para sa mga
guro upang matulungan ang kanilang mga mag-aaral na nakakaranas ng kalituhan sa kung aling
landas ng propesyon ang kanilang tatahakin. Sa pamamagitan nito, maaring makapagbigay ang
mga guro ng higit na pag-unawa at pagkabatid sa kung bakit nakarating ang mag-aaral sa
ganitong career decision. Hindi lamang dito kundi pati na rin ang tulong na maaaring ipaabot ng
mga guro sa problemang kinakaharap ng mga mag-aaral sa kanilang landas propesyon.

Ang mga Magulang. Upang maliwanagan ang mga magulang kung paano
matutulungan ang kanilang mga anak sa pagpili ng tamang landas propesyon. Ang pag-aaral na
ito ay magbibigay-daan sa mga magulang na mag-isip ng kritikal at isaalang-alang ang mga
opsyon na gustong kunin ng kanilang mga anak. Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga
magulang na magkaroon ng paunang kaalaman sa pananaw ng mga bata tungkol sa pagpili ng
kanilang career path. Bilang isa sa mga pinaka-maimpluwensyang tao sa buhay ng mga
mag-aaral, nararapat sa mga magulang na magbigay tulong sa kanilang mga anak sa pag-abot ng
kanilang makakaya.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga salik na maaaring makaapekto sa pagpili ng


desisyon patungkol sa trabahong tatahakin ng mga senior high school na estudyante sa mga
eskuwelahang nag-aalok ng K-12 curriculum. Ang mga salik na matatalakay sa papel ay ang
mga intrapersonal na aspeto tulad ng pananaw ng isa tungkol sa kanyang sarili, abilidad, at
interes; at panlabas na aspeto tulad ng kalagayang pang-ekonomiya ng estudyante, inaasahang
sahod at oportunidad, mga pangkat panglipunan, at mass media. Ang pananaliksik na ito ay
sumasaklaw ng kabuoan na 30 na estudyante sa tatlong magkakaibang institusyonal
pang-akademya. Sampo bawat paaralan ang magiging impormante. Ang mga impormante ay

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


5
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

mga senior high school na estudyante na asa ikalabing-isa at ika-labindalawa na taon ng kanilang
pag-aaral; limang impormante bawat taon, sa gayon ay sampo bawat institusyon. Ang mga lugar
kung saan isasagawa ang panayam ng mga impormante ay: La Salette School, Lyceum
Northwestern University, at Mother Goose Special Science High School na lahat ay matatagpuan
sa Tapuac Road sa siyudad ng Dagupan. Lahat ng paaralang ito ay nagaalok ng K-12 curriculum
sa mga estudyanteng nasa ikalabing-isa at ika-labindalawang taon ng pag-aaral.
Nilimitahan ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa paraan ng pagpokus sa mga
mag-aaral na asa ikalabing-isa at ika-labindalawang taon ng pag-aaral dahil sila ang susunod na
pipili ng kani-kanilang mga kurso sa kolehiyo. Sa pagsasagawa ng mga panayam, ang mga
mananaliksik ay limitado lamang sa mga paaralan na nasa Tapuac Road sa siyudad ng Dagupan.
Ang mga impormante ay pipiliin sa paggamit ng random sampling kung saan ang mga
mananaliksik ay random na pipili ng mga magiging impormante mula sa isang populasyon.
Isasagawa ang pananaliksik na ito sa paggamit ng open ended na semi-structured interview kung
saan magkakaroon ng mga follow-up na tanong kung kinakailangan. Bukod doon, gagamitan ng
thematic analysis ang mga datos na nalikom matapos ang pakikipanayam, kasama ang inductive
approach, na ito ay specific to general, para sa mga konklusyon na mabubuo pa.

BALANGKAS KONSEPTWAL
Ang layunin ng balangkas konseptwal ay upang mapatunayan ang mga relasyon sa
pagitan ng mga baryabol responsable para sa pagbabalangkas ng pundasyon ng pag-aaral upang
makabuo ng isang mapagkakatiwalaang resulta ng pananaliksik.

Input - Ang pundasyong magbibigay-daan upang malaman ang mga kadahilanan sa


career path na mga estudyanteng nasa senior high school sa Tapuac Road sa siyudad ng
Dagupan. Ang input ay binubuo ng layunin ng mga mananaliksik na malaman pa ang iba’t ibang
salik sa likod ng napiling kurso na makaaapekto sa trabahong kanilang tatahakin ng mga
estudyanteng nasa senior high school: pang-ekonomiya, pangkapaligiran, intrapersonal na
kalagayan, at mga grupong panlipunan. Hangad nitong malaman ang pagkakaiba mula sa
kanilang pananaw sa pagpili ng ninanais na kurso, at kung papaano ito nakakaapekto sa kanilang
kamakailang performance.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


6
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Proseso - Ang proseso ng pagkalap ng impormasyon at datos upang makagawa ng


konklusyon para sa awtput ay binubuo ng nagabayan at semi-structured, open-ended, one-on-one
na panayam upang makuha ang kinakailangang konklusyon. Ang pagbuo ng konklusyon ay
gagamitan ng inductive approach na isang klase ng thematic analysis na kung saan ang mga
mananaliksik ay gagawa ng specific to general na konklusyon. Sa paggamit ng mga nasabing
kaparaanan, ang mga proponente ng pag-aaral na ito ay magkakaroon ng mas mas mabuting
pag-unawa at kaalaman sa kung papaano nakapipili ang mga estudyante ng kani-kanilang mga
desisyon at ang mga salik na nakaakibat sa kanilang mga desisyon.
Awtput - Panghuli, ang awtput ay kung saan matutukoy ng mga mananaliksik ang mga
salik na nagbunsod sa estudyantent senior high school sa Tapuac Road, Lungsod ng Dagupan,
Pangasinan na pumili ng mga kursong humuhubog sa kanilang career. Gagamitin din ng mga
mananaliksik ang mga nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga dahilan
na nakaapekto sa career decision ng mga mag-aaral. Isinasagawa ang pag-aaral upang
matulungan ang mga mag-aaral na apektado ng prosesong ito o nahihirapan sa kanilang pagpili
ng career, na magkaroon ng kamalayan sa mga salik na nakakaapekto sa proseso ng career
decision making.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


7
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Input Proseso Awtput

Fig. 1: Dayagram ng Balangkas Konseptwal

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


8
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PANITIKAN

Ang parte ng pananaliksik na ito ay ang kung saan mahahanap at maipapakita lahat ng
mga kaugnay na literatura at pag-aaral upang suportahan ang pinakapokus at pangunahing punto.
Dito rin mahahanap ang balangkas konseptwal na makapagbibigay ng kung paano dadaloy ang
pananaliksik sa tatlong parte: input, proseso, at awtput. Ang depinisyon ng mga terminolohiyang
magagamit sa pananaliksik ay mahahanap din sa kabanatang ito.

Literaturang Banyaga

Ang trabaho ng isang tao ay ang pangkat ng opinyon at karanasan na nakapaloob sa


kabuuan ng kanilang propesyonal na buhay. Ang pagpili kung anong trabaho ang kanyang
tatahakin ay tumutukoy sa planong pangkinabukasan ng estudyante; ang desisyon na kanilang
napili ay mayroong kakayahang maimpluwensyahan ang kanilang takbo ng buhay. Ang pagpili
ng mga desisyon ay magreresulta sa bokasyon na kung saan iikot ang pokus ng estudyante, na
naisaalang-alang ang pundamental na salik sa nasabing career path.

Personalidad at Pananaw sa Sarili


Maraming mga impluwensyang nakaaapekto sa pagpili ng desisyon patungkol sa
trabahong tatahakin ng mag-aaral. Sa mga salik na maaaring makaimpluwensya sa desiyon ng
isang estudyante, ang abilidad ng isang estudyante na intindihin ang kanyang sarili ay mayroong
malaking gampanin sa kanyang pagpili. Ang sabi ni Splaver, S. (2000) sa kanyang librong “Your
Personality and Your Career” na naisagawa sa New York ay ang importansya ng pagkakaroon ng
mabuting pagkakaintindi sa personalidad at sa sarili kapag gumagawa ng maintelehenteng career
plans (p. 12). Kaya naman, kung papaano naiintindihan ng isang tao ang kanyang sarili ay
makaaapekto sa kung papaano niya nakikita ang mundo. Ito ay nagbibigay ng mas malalim na
pagkaunawa sa kung papaano nito mawawatasan ang kanyang paligid kaya nakakarating sa
desisyon na kung saang career path ang kanyang gustong tahakin.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


9
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Isa pang salik na maaaring makaapekto sa pagpili ng desisyon ay ang interes. Ayon kay
Sandra Godman Brown (2002) sa kanyang librong nagngangalang “Nothing Is Going to Stop Me
Now: Obstacles Perceived By Low-income Women As They Become Self-sufficient” na
naisagawa sa Boston, Massachusetts, na ang pagpili ng career path na nakahilera sa kanyang
personalidad ay may mataas na posibilidad na humantong sa magandang kapalaran at kasiyahan.
Kaya, ang pagpili ng desisyon ng isang estudyante ay maaaring nakabase sa kung papaano niya
namumungkahi ang kaniyang sarili, na naisaalang-alang ang mga trabaho na nasa ilalim ng mga
kategorya at kung saan sila nababagay. Habang nag-iisip ng paraan kung papaano gagawa ng
desisyon ang isang estudyante, sila ay sumasailalim sa mahirap na proseso sa pagtutugma ng
kanilang trabaho sa kanilang kakayahan, kung saang klasipikasyon sila nababagay. Ang
kapaligiran ng estudyante ay ang pangunahing salik na nakaiimpluwensya sa kanilang pag-iisip.
Ang bawat estudyante ay nakatambad sa iba-ibang klase ng kapaligiran na nagdudulot ng iba’t
ibang klase ng paraan sa pagpili ng trabaho.
Isinaad ni Bandura na ang cognition ay may malaking papel sa pag-aaral, at sa nakalipas
na 30 taon, ang social learning theory (SLT) ay naging instrumento sa kahulugan ng human
learning. Ang SLT marahil ay ang pinaka-maimpluwensyang teorya ng pag-aaral at pag-unlad.
Ito ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga teorya ng pag-aaral ng behaviorist at cognitive na
pag-aaral dahil ito ay sumasaklaw sa atensyon, memorya, at pagganyak. (Muro & Jeffrey 2008).
Iminumungkahi ng social learning theory na ang mga tao ay natututo sa isa’t isa sa pamamagitan
ng pagmamasid, panggagaya, at pagmomodelo.

Lokal na Literatura

Ang kolehiyo ay ang panahon sa buhay ng mga estudyante na kung saan sila ay
pinapayuhang maghanda sa kani-kanilang mga trabaho sa hinaharap. Sa panahong ito, sila ay
naatasang maghanda para sa kanilang trabaho sa hinaharap sa pamamagitan ng pag-eenroll sa
espisipikong kurso. Isa sa pinakamahalaga at pinakaimportanteng desisyong kinakailangang
gawin ng isang tao ay pumili ng kanilang daang tatahakin sa kanilang buhay pang-propesyonal.
Ang desisyon na ito ay may kaakibat na epekto sa kung anong gustong gawin ng isang

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


10
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

estudyante sa kanilang planong pangkinabukasan dahil dito iikot ang kanilang buhay habang sila
ay nasa saklaw ng trabahong iyon at ito ay maaaring tagapagpahiwatig ng kung sila ba ay
magkakaroon ng masaganang buhay sa hinaharap o hindi. Sa puntong ito, ang mga estudyante ay
kinakailangang suriin ang kanilang mga opsyon at humingi ng tulong upang sila ay makabuo ng
desisyong angkop na naisaalang-alang ang mga salik na makaaapekto sa kanilang desisyon. At sa
pagkakaroon ng kaalaman sa mga salik na ito, ito ay makatutulong sa mga estudyante sa
pagtukoy ng mainam na pagpili patungkol sa kanilang mga trabaho sa hinaharap.

Ekonomiya
Ang unang salik sa career choice, ang ekonomiya, ay maaaring makaimpluwensiya sa
pinili ng mag-aaral na trabaho. Hanggang sa ngayon, ang Pilipinas ay patuloy na kinokonsidera
ng klasipikasyon ng World Bank bilang isang third world na bansa. Ayon kay Salazar-Clemena
et al. (2002) sa kanilang artikulo na "Family Ties and Peso Signs: Challenges for Career
Counseling in the Philippines" na karamihan ng mga mag aaral sa Pilipinas ay nag-aalala tungkol
sa peso sign sa kanilang career path , na nangangahulugan na ang trabahong mas maganda ang
sweldo sa hinaharap ay sumisimbolo sa kanilang pasyon imbes na maging gabay lamang. Kaya,
ang salik na pang-ekonomiya ay ang pangunahing nagbibigay ng rason sa pagpili ng desisyong
praktikal ng mga mag-aaral tungo sa kanilang career path.
Mula sa economic finding ng Asian Development Bank (2010), na ang mean income ng
mga Pamilyang Pilipino batay sa Family Income and Expenditures Survey (FIES) ay bumaba ng
1.1% sa pagitan ng mga taon ng 2000 at 2006, samantalang ang kahirapan ay tumaas ng 1.8% sa
parehong panahon. Ang pananaliksik sa paggawa ng career choice ay nakatuon sa mas malaking
mga kadahilanang pangkapaligiran, na nagresulta sa malaking papel ng ekonomiya sa Pilipinas.
Dahil sa kalagayang pang ekonomiya ng bansa, madalas na nahihirapan ang mga estudyante na
pumili kung anong career path ang dapat nilang tahakin.

Pananaw sa Sarili
Ang mga salik ay hindi lamang napasailalim sa aspeto ng ekonomiya, kundi pati na rin
ang mga pananaw sa sarili ng mga mag-aaral. Gastardo-Conaco, et al. (2003) sa kanilang
artikulo na "Filipino Adolescents in Changing Times: Featured Paper for the month of July

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


11
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

2003" ay nakasaad kung paano ang mental capacity at academic achievement ay mga salik na
positibong nag-uugnay sa mga propesyonal na hangarin sa mga kabataan, habang ang pananaw
sa sarili ay matatagpuan na may kaugnayan sa pang-edukasyon na hangarin ngunit hindi sa
paghahangad sa career. Gayunpaman, ang mga hangarin sa edukasyon tulad ng pagpili ng mga
nais kurso ng mga estudyanteng nasa senior high school ay maaaring lubos na makaapekto sa
kanilang career sa hinaharap. Ang mga hangaring ito ay nabubuo sa paglipas ng panahon, sa
buong akademikong taon ng mga mag-aaral hanggang sa magkaroon sila ng mas
makatotohanang goal.
Ang mga desisyon ay maaaring maapektuhan ng mga layunin na nilalakaran ng mga
estudyante, kaya pumipili ng landas na sa palagay nila ay may kakayahan na matupad ang
kanilang mga pangangailangan at kagustuhan. Sila Gastardo-Conaco, et al. (2003) ay nagbigay
ng mga kaalaman tungkol sa mga motibo at salik sa career na nakakaapekto sa mga kognitibong
pagpili ng mga kabataang Pilipino. Ayon sa kanilang artikulo, ang mga layunin at hangarin ng
mga kabataan ay makatapos ng kanilang pag aaral, masuportahan ang kanilang pamilya, at
makahanap ng trabaho. Sa pagtingin sa kompetisyon para sa mga trabaho, at ang pagpapabuti ng
kalidad ng buhay ng isang tao, ang pagkuha ng isang degree ay may nakaakibat na importansya
sa mga mag-aaral. Upang makagawa ng mga desisyon para sa kanilang career path, ang mga
hangarin ng isang mag-aaral ay: sahod, pagkagustong makatulong sa pamilya, mga personal na
rason, impluwensya ng mga relasyon sa iba-ibang tao, at kamalayan sa mga pangangailangan ng
komunidad. Ang mga adhikaing ito ay mga elementong binubuo ng mga inaasahan at intensyon
ng mag-aaral tungo sa kanyang tiyak na layunin. Ito ay binubuo ng saloobin ng isang tao na
kumakatawan sa pagnanais na ituloy ang isang partikular na posisyon.

Mass Media
Isa pang salik ay ang impluwensya ng mga tao sa kanilang paligid gayundin sa
pamamagitan ng mga medium tulad ng mass media at word of mouth. Sa ating makabagong
panahon, ang mass media tulad ng telebisyon o TV, radyo, pahayagan, at iba pang katulad nito ay
naging malakas na ahente ng sosyalisasyon (Panopio at Rolda, 2000). Sa pamamagitan ng mga
nabanggit, ang kanilang mga kagustuhan ay madalas na naaapektuhan ng mga impormasyong
kanilang nakukuha. Ang mga detalyeng ito ay makukuha sa pamamagitan ng mga artikulo at

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


12
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

aklat na binabasa ng mga estudyante, mga pelikulang pinapanood nila, o mga podcast na
pinakikinggan nila. Tulad ng mga nabanggit, ang mga mag-aaral ay naiimpluwensyahan pati na
rin sa pamamagitan ng word of mouth, tulad ng mga tao ay may posibilidad na isaalang-alang
ang kanilang mga magulang at mga kaibigan 'opinyon bago gumawa ng kanilang pangwakas na
desisyon.

Pamilya at Mga Taong pumapaligid sa Indibidwal


Nagsagawa sila Monteflor et al. (2006) ng mga questionnaires sa panayam ng magulang
at survey sa Cebu, Pilipinas, at ginamit ito upang matukoy ang ilang labis na pagtimbang ng mga
magulang sa akademikong tagumpay sa kanilang mga anak. Sa kanilang childhood education
journal na pinamagatang "Parent Motivation Strategies and the Performance of Preschoolers in a
Rural Philippine Municipality" ay inihayag na ang pagganyak ng mga magulang ay nauugnay sa
preschool performance. Sa mga relasyon ng magulang na itinuturing bilang isang kadahilanan ng
paggawa ng desisyon ng mga mag-aaral, ang mga ito ay maaaring makatulong sa kalaunan na
paglago at pag-unlad ng mga bata, pagbuo ng kita at tagumpay sa trabaho, at mga hindi pantay
na para sa naobserbahang mga kahinaan sa kapaligiran na maaaring maging kapinsalaan ng bata.

Dayuhang Pag-aaral

Impluwensyang Pangkapaligiran
Bukod sa mga intrapersonal factors, ang mga impluwensya sa kapaligiran ay dapat ding
isaalang-alang. Kabilang na rito ay ang mga oportunidad na maaaring makalap ng isang
mag-aaral sa kaniyang hinaharap na bokasyon. Ito ay mayroong epekto sa kung ano ang
makukuhang trabaho sa larangang nais nilang pasukan. Ang mga oportunidad na makukuha ng
isang tao ay malaking impluwensya sa magiging katayuan nito sa lipunan. Halimbawa na lamang
ang isinaad ni Borchert (2002) sa kaniyang pag-aaral na ‘Career Choice Factors of High School
Students’ na ang kita ng pamilya ng isang mag-aaral ay maaaring makaapekto sa kung anong
career path ang pipiliin ng nito; kabilang na rito ang ilang mga mag-aaral na kailangang maglaan
ng pera pang edukasyon gamit ang kanilang personal na kita. Lahat ng ito ay may kakayahang

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


13
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

mag resulta sa mga salungatan sa career decision making, bilang isang aspeto sa career path ng
isang tao ayon kay Borchert (2002).

Social Groups
Karagdagan sa mga pangkapaligirang aspeto ay ang kung paano naiimpluwensyahan ng
mga social groups ang mga career choice ng mga mag-aaral. Ang pamilya ay isa sa mga
pinakapangunahing ahente ng sosyalisasyon. Ang pag-aaral na pinamagatang 'Parents' Roles in
Shaping Early Adolescents' Occupational Aspirations' nina Jodl et al. (2001) ay nagsasaad na
ang impluwensya ng mga magulang sa nais na propesyon at economic dependency ng kanilang
anak ay maaaring maimpluwensyahan ito na sumunod sa mga pagpipilian ng kanilang mga
magulang. Sina Esters at Bowen (2005) ay empirikal na napatunayan sa kanilang pag-aaral na
inilathala sa Iowa State University– pinamagatang ‘Factors Influencing Career Choices of
Urban Agricultural Education Students’ na ang mga magulang, tagapag-alaga, at mga kaibigan
ay may malakas na impluwensya sa pagpili ng trabaho ng isang indibidwal. Pinagtibay naman
nina Fouad et al. (2008) na ang mga magulang ay nagsisilbing ehemplo at samakatuwid ay
naiimpluwensyahan ang mga career decisions ng kanilang mga anak sa pag-aaral na
pinangalanang ‘Asian American Career Development: A Qualitative Analysis’ na isinagawa sa
University of Wisconsin-Milwaukee (2008).
Matututo ang mga estudyante, sa urban o rural man na lugar, mula sa mga ehemplo sa
kanilang kapaligiran. Ayon kina Ogunyewo et al. (2015) sa kanilang pag-aaral na “Academic
Profile and Career Choice of Fresh Undergraduates of Library and Information Science in a
Nigerian University of Education” na ang pamilya ay ang pinakamalapit na social group ng
isang bata. Ang mga ehemplo ay maaaring mga miyembro ng pamilya o iba pang mga
kamag-anak. Kabilang dito ang mga magulang, nakatatandang kapatid, at mga miyembro ng
pamilya tulad ng mga tiyuhin, tiyahin at pinsan. Nasa katangian ng isang pamilya ang nais na
mamuhay ng komportable at ligtas ang kanilang kamag-anak base sa kung anong opinyon nila.
Bilang karagdagan, ang mga magulang ay madalas na nagkakaroon ng stress kung ang kanilang
mga anak ay magkamali sa career choice nito. Kaya naman, ginagawa ng magulang ang lahat ng
pagsisikap upang matulungan ang kanilang mga anak na pumili ng isang kasiya-siyang
propesyon.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


14
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Higit pa rito, ang mga taong malapit sa estudyante o peers ay may mahalagang papel sa
career choice dahil sila ay nakakaimpluwensya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan. Ang
pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa mga ito ay may mahalagang papel sa kung paano iniisip
ng mga mag-aaral ang kanilang sarili (Yi-Hui, 2006). Sa kanyang pag-aaral, 'The Journal of
Human Resources and Development and Adult Learning', inihayag niya na ang mga karanasan
ng mga mag-aaral sa mga peers mula sa iba't ibang lahi at interes ay maaaring makabuo ng mga
kaisipan at paniniwala, na maaaring magresulta sa mga bagong pananaw patungkol sa mundo,
kanilang mga kapantay, at ang kanilang mga sarili. Sa pamamagitan ng kanilang
pakikipag-ugnayan sa iba, maaaring makatuklas ng mga bagong pananaw ang mga estudyante na
maaaring makaapekto sa kanilang pagpili ng desisyong patungkol sa trabahong tatahakin.
Batay sa pag-aaral nina Palos at Drobot (2010) sa kanilang pag-aaral na inilathala sa
Romania at nagngangalang, ‘The Impact of Family Influence On the Career Choice of
Adolescents’, na ang mga tao, pangunahin ang mga kabataan, ay gumagamit ng mga partikular
na katangian mula sa kanilang mga ka-edaran, tulad ng paraan ng kanilang pag-iisip. Ang
impluwensyang ito ay apektado ng kung sino ang nakapaligid sa kanilang sarili. Ito ay isang
yugto ng buhay kung saan ang mga ka-edaran o kaibigan ay may malaking papel sa paggawa ng
desisyon. Karamihan sa mga desisyon na ito ay nakasalalay sa kakayahan, edukasyon, teacher
and peer level of counseling, at maging sa kultura at pamilya ng mga kaibigan. Sa kahalagahan
ng mga impluwensya dulot sa pakikipag-ugnayan ng mga kasamahan, tinukoy ni Odirile (2012)
sa kaniyang papel na ‘The Role of Peer Counseling in a University Setting: The University of
Botswana, Gaborone’ kung paano ang peer counseling ay isang paraan ng pakikipag-usap,
pagtugon, at pagtulong na naglalayong tuklasin ang mga damdamin, ideya, at problema ng isang
tao upang makakuha ng malinaw na pag-unawa sa kapaligiran. Sinabi pa niya na ang
pangunahing layunin ng peer counseling ay tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang
halaga ng edukasyon at kung paano maunawaan ang isa't isa. Ang mga kaibigan o ka-edad ay
nakikita na isa pang malakas na salik sa pag-impluwensya ng career decision ng mga mag-aaral.
Ang mga kabataan ay madaling maapektuhan ng peer pressure dahil ugali nilang kailanganin ang
kanilang mga kaibigan na patunayan ang kanilang mga desisyon, halimbawa na ang tungkol sa
mga career decision.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


15
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Personalidad at Interes
May kaugnayan sa kapaligiran ang mga uri ng personalidad at mga interes na isa ring
salik na nakakaapekto sa career choices ng mga mag-aaral. Naeenganyo ang mga indibidwal sa
mga gawain at kapaligiran na sa kanila ay emotionally fulfilling o rewarding. Tuwing nauugnay
ang personalidad sa interes, ang self-efficacy ay aktibo. Ang pang-unawa sa kakayahan ng isang
tao na makamit ang isang ambisyon ay hindi lamang nakakatulong sa pagbuo ng mga layunin
kundi pati na rin sa pagbuo ng interes. Gaya ng sinabi ni Zhang, W. (2007) sa kanyang pag-aaral
na ‘Why IS: Understanding Undergraduate Students' Intentions To Choose an Information
Systems Major. J of Information Systems Education’ na inilathala sa Unibersidad ng
Massachusetts - Boston, ang interes na iyon ay napatunayang pangunahin at direktang
impluwensya sa pagtatakda ng layunin dahil parehong self-efficacy at mga resulta ay may
direktang ambag sa mga layunin ng mga estudyante sa pagtahak patungo sa kanilang career
path.
Ang pagkagusto sa paksa ay may pangunahing kahalagahan kapag tinitingnan ang mga
salik na nag-aambag sa professional direction na inaangkop ng mga mag-aaral Alexander et al.
(2011). Ang interes ay driving factor na nagpapahusay sa pag-aaral; nagdudulot ito ng pagkahilig
ng mga mag-aaral na gumanap nang mas mahusay. Sinabi ni Edward at Quinter (2012) sa
kanilang pag-aaral na ‘Factors Influencing Students' Career Choices Among Secondary School
Students in Kisumu Municipality, Kenya’ ay nagpahayag na ang pagkagusto ng isang indibidwal
sa isang partikular na larangan o gawain, ang kagustuhan nito para sa isang partikular na trabaho,
at tugma sa pagitan ng kanyang personalidad at mga piling propesyon ay isang mahalagang salik
na nag-aambag sa career path. Ang pagtutugma ng personal na interes sa pagpili ng career ay
sinasabing humahantong sa kaluguran sa trabaho. Ang pag-aaral ay ginawa sa Kisumu City,
Kenya tungkol sa kung paano ang personal na interes ng isang estudyante ay isang mahalagang
salik na nakakaimpluwensya sa career choice. Sa pamamagitan ng mga survey na may 332
mag-aaral bilang mga respondente, 48.3% sa kanila ang lubos na sumang-ayon na ang interes ay
maaaring humantong sa kaluguran sa trabaho, habang 22.2% ang neutral, at mas mababa sa 20%
ang hindi sumang-ayon. Ang mga resultang ito ay nagpapakita na ang mga mag-aaral ay
isinasaalang-alang ang mga interes kapag pumipili ng kanilang mga karera.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


16
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Ang mga ito ay iba't ibang mga kadahilanan na humahantong sa career choice ng isang
mag-aaral. Ang paggawa ng desisyon tungkol sa isang career ay hindi isang madaling gawain,
ngunit ang bawat isa ay kailangang pumili ng bokasyon sa isang punto. Kailangan ding
paghandaan ito ng mga mag-aaral, simulan ito, at isulong ito. Ang pinakamahalagang yugto ay
tiyak na ang puntong ito ng desisyon. Ito ay dahil ang pagpili ng maling career ay maaaring
makasira sa kasiyahan ng isang tao sa buhay dahil ito ay maaaring humantong sa career
dysfunction. Ang career dysfunction ay ang mga negatibong kuru-kuro, hindi makatwiran na
mga desisyon, pribadong tuntunin at hindi makatwiran na pag-iisip ng isang tao na maaaring
lumikha ng isang hadlang sa proseso ng paggawa ng desisyon, tagumpay, at mga layunin. Dahil
sa nasabing pahayag, mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga salik na kailangan nila
upang makagawa ng matalinong mga career decision.

Lokal na Pag-aaral
Kaugnay sa ekonomiya bilang isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng desisyon ng
mga estudyante, ayon kay Pascuala (2014) sa kanyang pananaliksik na “Factors Affecting High
School Students’ Career Preference: A Basis for Career Planning Program” na isinagawa sa
bansang Pilipinas, na may kakulangan sa pag-aaral na ginawa upang maintindihan kung papaano
makakamit ang tagumpay base sa desisyong napili ng estudyante sa kanyang career path at pati
na sa mga salik na nakaaapekto sa desisyong pinili ng mga Pilipinong estudyante patungkol sa
kani-kanilang mga career path. Sinasabi rin dito na ang mga estudyante ay hindi nabibigyan ng
maayos na gabay sa kung aling kurso ang kanilang dapat piliin na nakaakibat sa kanilang interes
at kakayahan at ito ay dahil sa tingin nila mabibigyan ng mas malawak na pagpipilian ang mga
estudyante sa hinaharap.

Ekonomiya
Kahit sa kalagayan ng ekonomiya ng ating bansa, ang mga pang-akademikong
institusyon ay nag-aalok ng tulong pinansyal sa mga ilang estudyante upang makatulong
matustusan ang matataas na gastusing pang-edukasyon na maaaring magkakaiba base sa
eligibility ng mga estudyante. Ngunit, ang pag-aaral na isinagawa ni Malubay et al. (2015) na
nagngangalang “Factors Affecting The Decision Of Freshmen Students In Pursuing Hospitality

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


17
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

And Tourism Programs In Lyceum Of The Philippines University–Laguna: Basis For


Enhancement” ay nagsasabi na ang mataas na edukasyon sa Pilipinas ay hindi basta basta
nagbibigay ng tulong pinansyal tulad ng pang-akademikong iskolarship at diskwento. Upang
makakuha ng suportang pang-pinansyal, mayroong ilang kwalipikasyon at mga kinakailangan na
dapat matugunan. Ang mga estudyanteng hindi napili ay maaaring magkaroon ng dilema sa
kanilang mga magulang upang sila ay mapagpaaral sa mataas na edukasyon.

Magulang
Ang mga magulang ay maaaring magsilbing isa sa mga pangunahing nakaiimpluwensiya
sa paggawa ng desisyon ng kanilang mga anak. Kung paano nalilinang ng mga tao ang kanilang
mga pagpipilian ay higit sa lahat ay apektado ng kanilang pakikisalamuha sa mga tao sa paligid
nila. Ang pamilya ay ang unang ahente ng sosyalisasyon (Foote, 2002). Samakatuwid, sa
pag-aaral na “Beginning Learning in the Home and School Readiness” na isinagawa ni Arriero
(2006) sa Pilipinas, sinabi nito na may dalawang pangunahing isyu na nagmumula sa dami ng
pagkakasangkot ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak sa tahanan – ang una ay
ang uri ng komunikasyon na kayang ibigay ng mga magulang sa mga anak at ang pangalawa ay
ang pangkalahatang impluwensya ng mga magulang sa tahanan sa mga tuntunin ng paglikha ng
isang kapaligiran sa pag-aaral. Ipinahihiwatig nito na ang pakikipag-ugnayan sa mga magulang
ay maaaring sumaklaw na maging positibo o purihin ang mga anak o sa negatibong
pagdidisiplina para matuto sila.
Hindi pa rin tiyak ang pagkakasangkot ng magulang sa Pilipinas dahil kailangan pa ring
pagbutihin ang mga kasanayan sa paglahok ng magulang, lalo na ang mga nagtataguyod ng
aktibong paglahok ng mga magulang sa pag-aaral ng anak sa bahay at sa paaralan. Karamihan sa
mga gawain ng mga Pilipino ay dala ng kasaysayan kabilang na ang mga paraan ng mga
magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Ang Pilipinas ay nahaharap sa iba't ibang
problema na nagdudulot at lubhang nakakaapekto sa mga pamilya. Kaya, ang ating bansa, tulad
ng ibang bansa, ay patuloy na naghahanap ng mga solusyon upang mapunan ang agwat ayon kay
Nierva (2009).
Ang pakikilahok ng mga magulang ay kritikal sa edukasyon ng mga bata. Ang mga
mag-aaral lamang ay hindi ganap na matutugunan ang kanilang mga pangangailangan upang

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


18
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

pumili ng isang career, dahil napakaraming dapat isinasaalang-alang na mga kadahilanang


magkakaugnay sa isa't isa. Dapat suportahan ng mga magulang ang pag-aaral ng kanilang mga
anak upang mabigyan sila ng matagumpay na kinabukasan. Idinagdag ni Malubay, et al. (2015)
na ang pamilya, lalo na ang mga magulang, ay talagang gumaganap ng isang mahalagang papel
sa proseso ng paggawa ng desisyon ng isang mag-aaral; ang pananaw ng isang magulang ay
palaging isinasaalang-alang.

Mass Media
Ang isa pang kadahilanan na may kakayahang makaimpluwensya sa career decision ng
mga mag-aaral ay ang mass media; ang inobasyon ng teknolohiya ay nagbibigay-daan sa mga
tao na magkaroon ng access sa halos lahat ng bagay sa internet. Ang mga impormasyong
matatagpuan sa internet ay maaari ding makaapekto sa persepsyon ng isang tao tungkol sa isang
bagay (Malubay, et al., 2015). Sa pamamagitan nito, ang kanilang mga kagustuhan ay kadalasang
naaapektuhan ng mga impormasyong kanilang nakakasalamuha. Ang dami ng impormasyon ay
pwedeng maging kapaki-pakinabang o hindi, at maaaring magkaroon ng direktang epekto sa isip
ng isang tao sa pamamagitan ng mga impluwensyang nakukuha mula sa iba't ibang plataporma
ng mass media.
Maraming mga kadahilanan ang may kakayahang mag-iwan ng epekto sa career decision
ng mga mag-aaral. Kahit na may maraming mga impluwensya tungkol sa pagpili ng isang tiyak
na kurso, ang desisyon pa rin ay nasa isang mag-aaral.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


19
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga nakalistang salita sa ibaba ay ipinaliwanag gamit ang kanilang literal na
depinisyon ayon sa kanilang kilalang kahulugan na ginamit sa pananaliksik na ito o denotasyon
ng isang direktang tiyak na kahulugan.

Career - Ang trabaho o serye ng mga trabaho ng isang indibidwal, lalo na kung patuloy na
makakakuha ng mas mahusay na trabaho at kumikita ng mas maraming pera.
Career Path - Isa sa mga tumutukoy sa kung papaano isinasagawa ng mga mag-aaral ang
kanilang paraan ng pamumuhay sa hinaharap.
Career Choice - Ang pagpili ng isang bokasyon, kadalasan ay batay sa mga salik gaya ng
patnubay ng magulang, bokasyonal na patnubay, pagkakakilanlan sa mga hinahangaang tao,
part-time na trabaho, mga pagkakataon sa pagsasanay, personal na interes, at mga pagsusulit sa
kakayahan.
Intrapersonal - Ito ay tungkol sa panloob na pag-uusap na mayroon ka sa iyong sarili. Ito ay
ginagamit upang ilarawan ang mga bagay na nauugnay sa sarili ng isang indibidwal o nangyayari
sa loob ng isip ng isang tao.
Interpersonal - Ito ay ginagamit upang ilarawan ang mga bagay na may kinalaman sa
interaksyon at relasyon sa pagitan ng mga tao—ang interpersonal skills ay tumutukoy sa mga
kasanayan sa komunikasyon o mga kasanayan sa tao.
Peer Counseling - Mga serbisyong ibinibigay ng mga indibidwal na may mga karaniwang
katangian o karanasan.
Self-efficacy - Paniniwala ng isang indibidwal sa kanyang kapasidad na magsagawa ng mga
pag-uugali na kinakailangan upang makagawa ng mga tiyak na tagumpay sa pagganap

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


20
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

TALASANGGUNIAN

Abbasi, M. N., & Sarwat, N. (2014) : Factors inducing career choice: Comparative study of
five leading professions in Pakistan, Pakistan Journal of Commerce and Social Sciences
(PJCSS), ISSN 2309-8619, Johar Education Society, Pakistan (JESPK), Lahore, Vol. 8,
Iss. 3, pp. 830-845 https://www.econstor.eu/bitstream/10419/188172/1/pjcss211.pdf

Alexander, P. M., Holmner, M., Lotriet, H. H., Matthee, M. C., Pieterse, H. V., Naidoo, S.,
Twinomurinzi, H., & Jordaan, D. (2011, May 31). Factors affecting career choice:
Comparison between students from computer and other disciplines. Journal of Science
Education and Technology. Retrieved November 15, 2022, from
https://eric.ed.gov/?id=EJ925867 https://doi.org/10.1007/s10956-010-9254-3

Arriero, M. L. (2006). Beginning Learning in the Home and School Readiness. University of
the Philippines

Bandura, A. (2000). Social cognitive theory: An agentic perspective. Annual Review of


Psychology, 52, 1-26.

Bandura, A. (2003). Self -efficacy: the exercise of control. Ed. ke-7. New York: Freeman and
Company.

Bandura, A. (2006). Toward a psychology of human agency. Perspectives on Psychological


Science, 1(2), 164-180.

Betz, N. E., & Hackett, G. (2006). Career self-efficacy theory: Back to the future. Journal of
Career Assessment, 14, 3-11.

Borchert, M. (2002, December). CAREER CHOICE FACTORS OF HIGH SCHOOL


STUDENTS. https://www2.uwstout.edu/content/lib/thesis/2002/2002borchertm.pdf

Brown, S. G. (2002). Nothing is going to stop me now: Obstacles perceived by low-income


women as they become sufficient. Journal of Public Health Nursing, 18, 364-372.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


21
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Brown, G. (2020). Difference Between Social Cognitive Theory and Social Learning Theory.
Difference Between Similar Terms and Objects.
http://www.differencebetween.net/science/difference-between-social-cognitive-theory-an
d-social-learning-theory/.

Byars-Winston, A. M., & Fouad, N. A. (2008). Math and science social cognitive variables in
college students: contributions of contextual factors in predicting goals. Journal of Career
Assessment, 16, 425-440.

Chiesa, R., Massei, F. & Guglielmi, D. (2016). Career decision-making self-efficacy change
in Italian high school students. Journal of Counseling & Development, 94, 210–224.

Edwards, K., & Quinter, M. (2012). Factors influencing students' career choices among
secondary school students in Kisumu municipality, Kenya. Journal of emerging trends in
educational research and policy studies, 2(2), 81-87.

Egunjobi, A. F., Salisu, T.M. & Ogunkeye, O. (2013). Academic profile and career choice of
fresh undergraduates of library and information science in a Nigerian university of
education. Annals of Library and Information Studies, 60:296-383.

Esters, T. L., & Bowen, E. B. (2005). Factors influencing career choices of urban agricultural
education students. Journal of Agricultural Education, 46(02), 24-35.

Fishilevich, S. (2022, February 27). Jobs: Passion vs. Practicality, Retrieved from
https://www.thebullhornnews.com/article/2022/02/jobs-passion-vs-practicality

Fizer, D. (2013, December). Factors Affecting Career Choices of College Students Enrolled in
Agriculture

Foote, Karen M., "Family structure as a primary agent of socialization and the relationship
between behavior attitude and peers" (2000). Graduate Student Theses, Dissertations, &
Professional Papers.8863. https://scholarworks.umt.edu/etd/8863

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


22
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Fouad, N. A., Kantamneni, N., Smothers, M. K., Chen, Y. L., Fitzpatrick, M., & Terry, S.
(2008). Asian American career development: A qualitative analysis. Journal of Vocational
Behavior, 72(1), 43-59.
https://www.utm.edu/departments/msanr/_pdfs/fizer_research_project_final.pdf

Gastardo-Conaco, M. C., Jimenez, M. C., & Billedo. C. J. (2003). Filipino Adolescents in


Changing Times: Featured Paper for the month of July 2003 of www.childprotection.org.
Retrieved on October 31, 2009 from
www.childprotection.org.ph/monthlyfeatures/aug2k3b.doc

Granger, M. J., Dick, G., Jacobson, C. M., & Van Slyke, C. (2007). Information systems
enrollments: Challenges and strategies. Journal of Information Systems Education, 18(3),
303-311. https://www.learntechlib.org/p/105749/

Hashim, H.M. & Embong, A.M. (2015). Parental and peer influence upon Accounting as a
subject and Accountancy as a career. Journal of Economics, Business and Management,
3(2): 252-256.

Hiyasmin Carino-Mattison (2010). Sigurado Ka Na Ba? Exploring Career Uncertainty in


Filipino College Students.
https://journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/article/viewFile/2038/1943/

Holland, J.L. (1973). Making a vocational choice: a theory of careers. Englewood Cliff, New
Jersey: Prentice Hall Inc. 30.

Holland, J.L. (1974). Self-Directed Search. Palo Alto. CA: Consulting Psychologist Press. 31.

Holland, J.L. (1978). Manual for the vocational preference inventory. Palo Alto, California:
Consulting Psychologist Press. 32.

Holland, J.L. (1985). Manual for the vocational preference inventory. Odessa, FL:
Psychological Assessment Resources. 33.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


23
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Holland, J.L. (1992). Making vocational choices: a theory of vocational personalities and
work environments (2nd ed.).

Holland, J.L. (1996). Making vocational choices: a theory of vocational personalities and
work environments. Odessa, FL: Psychological Assessment Resources. 34.

Jachimowicz, J. M. (n.d.). Passion Gaps: Why People Quit Their Job in Pursuit of Work
Passion. Columbia University. Retrieved from
https://files.osf.io/v1/resources/qj6y9/providers/osfstorage/5a2966ab3ce6c0000dcde25a?
version=1&displayName=merged-2017-12-07T16:04:59.881Z.pdf&action=download&di
rect

Jiang, W. Y. (2022). Cech, E. A. The Trouble with Passion: How Searching for Fulfillment at
Work Fosters Inequality. Administrative Science Quarterly, 67(3), NP50–NP53.
https://doi.org/10.1177/00018392221086194

Jodl, Kathleen & Michael, Alice & Malanchuk, Oksana & Eccles, Jacquelynne & Sameroff,
Arnold. (2001). Parents' Roles in Shaping Early Adolescents' Occupational Aspirations.
Child development. 72. 1247-65. 10.1111/1467-8624.00345.

Lent, R.W., Brown, S.D., & Hackett, G. (1994). Toward a Unifying Social Cognitive Theory
of Career and Academic Interest, Choice, and Performance, Journal of Vocational
Behavior, Volume 45. Pages 79-122, ISSN 0001-8791.
https://doi.org/10.1006/jvbe.1994.1027.

Leung S. A. (2008). The big five career theories. In J. A. Athanasou & R. Van Esbroeck
(Eds.), International handbook of career guidance. Dordrecht: Springer.
https://link.springer.com/chapter/10.1007/978-1-4020-6230-8_6

Magdadaro, L. R. P. (2020). Passion- based vs. Practical- based Preference of Strand in Senior
High School. International Journal of Academic Research in Business and Social
Sciences, 10(3), 144–159.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


24
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Malubay, G. J., Mercado, K. A., & Macasaet, E. (2015, September). Factors Affecting The
Decision OF FRESHMEN STUDENTS IN PURSUING HOSPITALITY AND
TOURISM PROGRAMS IN LYCEUM OF THE PHILIPPINES
UNIVERSITY–LAGUNA: BASIS FOR ENHANCEMENT retrieved from
https://lpulaguna.edu.ph/wp-content/uploads/2016/08/2.FACTORS-AFFECTING-THE-D
ECISION-OF-FRESHMEN-STUDENTS-IN-PURSUING-HOSPITALITY-AND-TOURI
SM-PROGRAMS-IN-LPU-LAGUNA.pdf

Monteflor, M. O., Williams, A. R., Williams, P. D., Go, N. O., Moriarty, J. P., Quinones, H.
W., & Bruggeman, S. K. (2006, March 31). Parent motivation strategies and the
performance of preschoolers in a rural Philippine municipality. Early Childhood
Education Journal. Retrieved November 15, 2022, from https://eric.ed.gov/?id=EJ747245

Muro, M., & Jeffrey, P. (2008). A critical review of the theory and application of social

learning in participatory natural resource management processes. Journal of

environmental planning and management, 51(3), 325-344.

Nabavi, R. T., & Bijandi, M. S. (2012, January 1). Bandura’s Social Learning Theory &

Social Cognitive Learning Theory. ResearchGate.


https://www.researchgate.net/publication/267750204_Bandura's_Social_Learning_Theor
y_Social_Cognitive_Learning_Theory

Nierva, M. (2009). Relationship between Parental Involvement and Family Status Variables of
Grade One Parents of Siena College Quezon City SY 2006-2007: Implication for the
School Shared Responsibility of the Home and the School. Ateneo de Manila University
(Thesis).

Odirile, L. (2012). The Role of Peer Counseling in a University Setting: The University of
Botswana, Gaborone. A Paper Presented at the 20th Anniversary Summit of the African
Educational Research Network at North Carolina State University Raleigh, USA on 19th
May.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


25
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Onyejiaku, F. O. (1980). Occupational choice among Nigerian youths and the need for
guidance counsellors. The Calabar Educator, 1(1), 66-70.
https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1279063.pdf

Palos, R., & Drobot, L. (2010). The Impact of Family Influence on the Career Choice of
Adolescents.

Panopio, Isabel and Realidad Rolda. 2000. Society and Culture. Quezon City: JMC Press, Inc.

Pascuala, N. (2014). Factors Affecting High School Students’ Career Preference: A Basis for
Career Planning Program.
http://www.urs.edu.ph/wp-content/uploads/2016/06/2261-4881-1-PB.pdf

Perrone, M. K. (2011). Role model influence on the career decidedness of college students.
Retrieved 10 October 2019 from www.acessmylibrary.com.

Salazar-Clemena, R. M. (2002). Family Ties and Peso Signs: Challenges for Career
Counseling in the Philippines. [ABI/INFORM Global]. The Career Development
Quarterly, 50(3).

​Splaver, S. (2000). Your Personality and your career. NewYork, NY: Julian Messner

Vallerand, R.J., Mageau, G.A., Ratelle, C., Le´onard, M., Blanchard, C., Koestner, R., &
Gagne´, M. (2003). Les Passions de l’Aˆ me: On Obsessive and Harmonious Passion, p.
757.

Yi-Hui, H. (2006). The impact of interaction with peers on college students’ development.
The Journal of Human Resources and Development and Adult Learning, 81-87.

Zhang, W. (2007). Why Is: Understanding undergraduate students' intentions to choose an


Information Systems major. J of Information Systems Education, 18(4), 447-458.

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


26
Mga Salik sa Paggawa ng Desisyon Patungkol Sa Trabahong Tatahakin ng mga Estudyanteng Nasa Senior high
School sa Distrito ng Tapuac sa Siyudad ng Dagupan

Dalisay, A. F., Dela Cruz, J. R., Takeda, M.


27

You might also like