Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

6

Filipino
Ikatlong Markahan_Modyul-4:
Pagbibigay ng Impormasyon ng
Nakalarawang Balangkas

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan_Modyul-4: Pagbibigay ng Impormasyon ng
Nakalarawang Balangkas

Unang Edisyon 2020


Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan
ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria, CESO V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6


Writer : Norlina B. Pumbagul
Illustrator and Layout Artist: Del Cagang
Proofreader, In-House Content and Language Editors:
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Rosemarie T. Macesar, Ph.D.
Assistant Schools Division Superintendent
Members Maria Eva S. Edon, Ph.D., -CID Chief
Monisa P. Maba, Ph.D., EPS-Filipino
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Joselito C. Epe, Ed.D., PSDS
Editha M. Tawantawan, School Principal I
Justina T. Sanchez, School Principal I
Anisa D. Sangulingan, Ph.D., Head Teacher III
Lawanun S. Mohammad, HT-III
Anisa A. Maruhom, HT-III

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Filipino 6
Ikatlong Markahan_Modyul-4:
Pagbibigay ng Impormasyon ng
Nakalarawang Balangkas

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga piling guro,


punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid pansangay sa Departamento ng
Edukasyon - Dibisyon ng Lanao del Norte. Hinihikayat ang lahat ng guro at mga
stakeholders sa edukasyon sa pamamagitan ng pag-email sa kanilang mga puna,
komento o mungkahi to the Deped-Lanao del Norte Division at
lrmdsldn@gmail.com .
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER:


Ang modyul na ito ay para sa mga hangaring pang-edukasyon lamang. Ang
mga hiniram na materyales (halimbawa, mga kanta, kwento, tula, larawan, pangalan
ng tatak, trademark, atbp.) na kasama sa modyul na ito ay pagmamay-ari ng
copyright holders. Ang publisher at mga may-akda ay hindi kumakatawan o nang-
aangkin ng pagmamay-ari sa kanila. Taos-pusong pagpapahalaga sa mga
nakagawa ng makabuluhang mga kontribusyon sa modyul na ito.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Page

COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TABLE OF CONTENTS

Aralin 4 - Pagbibigay ng Impormasyon ng nakalarawang balangkas.

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 6
Pagyamanin 7
Isaisip 8
Isagawa 8
Mensahe para sa Guro
Tayahin 9
Karagdagang Gawain 11
Sanggunian 12
Susi sa Pagwawasto 12
Aralin Pagbibigay ng Impormasyon ng
4 Nakalarawang Balangkas

Alamin

Panimula:

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Filipino!


Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong Markahan, Ika-apat na Linggo. Ito ay
ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral
sa mga paksa sa Filipino 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob
ng isang linggo.

Kasanayang Pampagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;

Naibibigay ang impormasyong hinihingi ng nakalarawang balangkas (F6EP-IIIa-I-8)

 Nakapagbibigay ng impormasyon sa iba’t ibang sitwasyon.


 Nakabubuo ng isang nakalarawang balangkas.
 Naisasabuhay ang aral na mapupulot sa isang talambuhay.

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda ng modyul
na ito.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong ng bawat bilang sa ibaba. Isulat ang
titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang ____________ ay binubuo ng mga pangunahing diwa ng talata, kwento o anumang
seleksyong binasa at ang mahahalagang detalyeng sumusuporta o lumilinang dito.
a. tauhan
b. detalye
c. tagpuan
d. balangkas

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga uri ng balangkas?


a. Pasalitang balangkas
b. Patalatang balangkas
c. Palarawang balangkas
d. Pangungusap na balangkas

1
3. Basahin ang talata.

Hindi sapat na mabuhay lamang tayo para sa sarili. Kailangan din nating mahalin ang
kapwa at ang ating bayan. At higit nating pakamahalin ang ating Poong Lumikha.

Alin ang pangunahing diwa sa talata?


a. Mahalin lamang ang kapwa.
b. Nawala na ang lahat sa mundo.
c. Tama na ang mabuhay sa mundo
d. Mahalin ang sarili, kapwa, bayan at Poong Maykapal.

4. Sino ang Dakilang Ama ng Bayan?


a. Manuel L. Quezon
b. Rodrigo R. Duterte
c. Diosdado P. Macapagal
d. Benigno Simeon C. Aquino

5. Alin ang angkop na pamagat?


Malimit na pinagmulan ng sakit ang maruming kapaligiran. Ang kanal na
pinamamahayan ng mga lamok ay di-pansin ng mga taga-nayon. Sa ilang mga liblib
na pook ay kulang pa rin sa palikuran.
Bakit hindi tayo magsama-sama? Hihintayin pa ba nating dumami ang
magkakasakit? Kumilos ang lahat at linisin ang kapaligiran!

a. Sakit
b. Nayon
c. Polusyon
d. Kapaligiran

Balikan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay nagpapahayag ng mga ebidensya at dahilan upang maipagtanggol


ang katwiran ng isang panig.
a. argumento
b. paglalahad
c. pasalaysay
d. pangangatuwiran

2. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong
ako sa inyo.” Ano ang posibleng epekto ng pangangatuwiran ni Daga?
a. luluhod si Leon kay Daga
b. mas lalong magalit si Leon
c. paparusahan ni Leon si Daga
d. palayain si Daga at makatulong balang araw

2
3. Ano ang nag-udyok kay Leon upang kainin ang munting daga?
a. galit siya sa mga daga
b. nagkasala ito sa kanya
c. gutom na gutom si Leon
d. paparusahan ni Leon si Daga

4. Bakit tinulungan ni Daga si Leon mula sa pagkakakulong?


a. matalik silang magkaibigan
b. mayroon silang pinagsamahan
c. tinupad niya ang kanyang pangako
d. napilitan lang si Daga sa pagtulong kay Leon

5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahiwatig ng argumento


maliban sa isa. Alin dito ang hindi argumento?
a. Naisip niya marunong tumupad sa pangako ang daga.
b. “Ako’y nagugutom, kahit paano’y baka makabusog ka sa akin.”
c. “Huwag po ninyong dungisan ng dugo ang munting daga ang marangal
ninyong mga kuko.
d. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y
makatulong ako sa inyo.”

Tuklasin
\
Panuto: Basahin ang kwento at unawaing mabuti ang bawat detalye upang masagot
mo ang mga sumunod na tanong.

Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan

Narinig na ba ninyo ang pangalan ko? Marahil nais ninyong malaman ang aking
makulay na talambuhay. Maging inspirasyon sana sa mga kabataan ang aking karanasan.
Diosdado Pangan Macapagal ang tunay kong pangalan. Isinilang ako noong ika-28
ng Setyembre, 1910 sa nayon ng San Nicolas, Lubao, Pampanga. Galing ako sa maralitang
angkan. Sina Urbano Macapagal at Romana Pangan ang aking mga mga magulang. Ang

3
aking ama ay isang manunulat ng mga dulang pantanghalan sa wikang Kapampangan na
walang palagiang kita. Ang aking ina ay galing din sa mahirap na pamilya. Hindi siya
marunong bumasa’t sumulat. Kumikita siya paminsan minsan sa paglalabada.
Nagtaguyod ako ng North Diversion Road at South Expressway, pabahay para sa
mga sundalo at mga kawani ng pamahalaan at ang pagtatag ng Philippine Veterans Bank.
Sumulat din ako ng mga aklat. Ilan sa mga ito ang; Democracy in the Philippines
noong 1976; Memoirs of a President. A New Constitution for the Philippines at Land Reform
in the Phiippines.
Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin ko ang kapakanan ng
karaniwang tao, kaya’t binansagan akong “Kampeon ng Masa.” Nahirang din akong isa sa
“Sampung Natatanging Mambabatas” mula 1949-1957.
Tinagurian akong “The Best Lawmaker” mula 1954-1957.
Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi hadlang ang kahirapan sa pagkakamit ng
tagumpay. Kailangan natin ang maalab na hangaring umunlad. Ang naranasan kong pagsala
sa pagkain, pangingisda sa gabi at araw na walang pasok at iba pang kahirapan ang nagtulak
sa akin upang marating ang tagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na batang tulad
ko ay maging Pangulo ng Bansang Pilipinas.

Suriin

Gawain I
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat ang titik ng iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang pamagat ng akda?


a. Ang Ama
b. Diosdado P. Macapagal
c. Ang Daiklang Ama ng Bayan
d. Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang
2. Ilang pangunahing paksa mayroon ang seleksyong iyong binasa?
a. 1
b. 2
b. 3
d. 5
3. Ano ang unang pangunahing paksa?
a. Ang mga nagawa ni Diosdado P. Macapagal bilang pangulo ng bansa.
b. Ang kapanganakan at magulang ni Pangulong Diosdado P. Macapagal.
c. Ang pamagat ng mga aklat na naisulat ni Pangulong Diosdado Macapagal.
d. Ang mga karangalang natanggap at natamo bilang isang pangulo ng bansa.
4. Ano-ano ang mga detalyeng sumusuporta sa unang pangunahing paksa?
a. petsa at lugar
b. tungkol sa ina
c. tungkol sa ama
d. lahat ng nabanggit

4
5. Paano mo isasabuhay ang aral ng buhay ng pangulong Diosdado Macapagal?
a. Kailangan natin hindi na mag-aral.
b. Kailangan natin ang hindi na mag-aral.
c. Kailangan natin ang hindi pagtangkilik sa ating produkto.
d Kailangan natin ang maalab na hangarin at magtrabaho ng maayos.

Pagyamanin

Gawain II

Panuto: Bumuo ng balangkas batay sa iyong binasang seleksyon at isulat sa


sagutang papel.
I. Ang Kapanganakan at Magulang ni Diosdado P. Macapagal
A. _____________________
B. _____________________
C. _____________________

II. Ang Kanyang Nagawa Bilang Kawani ng Pamahalaan


A. _____________________
B. _____________________
C. _____________________

III. Ang Isinulat na Aklat


A. _______________________
B. _______________________
C. _______________________

IV. Ang mga Karangalang Natamo


A. _______________________
B. _______________________
C. _______________________

V. Ang Karanasang Paghihirap


A. _______________________
B. _______________________
C. _______________________
D.

Isaisip

Ang balangkas ay binubuo ng mga pangunahing diwa ng talata, kwento o anumang


seleksyong binas at ang mahahalagang detalyeng sumusuporta o lumilinang dito. May iba’t
ibang itong uri. Maari itong pangungusap, patalata o palarawang balangkas.

5
Halimbawa:

I. Ang Kapanganakan at Magulang ni Diosdado P. Macapagal


A. Petsa at lugar
B. Tungkol sa ama
C. Tungkol sa ina

Isagawa

Gawain III
Panuto: Gumawa ng balangkas tungkol sa iyong gawain sa bahay at paaralan. Hatiin
sa limang pangunahing paksa.

I. Mga Gawain Bago Pumasok sa Paaralan


A. _______________
B. _______________
C. _______________

II. Mga Gawain sa Paaralan


A. ________________
B. ________________
C. ________________

Tayahin

Panuto: Batay sa binasang seleksyon ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang balangkas ay binubuo ng _______________ ng talata, kwento o anumang
seleksyong binasa at ang mahahalagang detalyeng sumusuporta o lumilinang dito.
a. tauhan
b. tagpuan
c. pangyayari
d. pangunahing diwa
2. Ano ang unang pangunahing paksa sa seleksyong binasa?
a. Ang mga karangalang natanggap
b. Ang pamagat ng naisulat na mga aklat
c. Ang mga nagawa bilang kawani ng Pamahalaan
d. Ang kapanganakan at Magulang ni Diosdado P. Macapagal

3. Ibigay ang sumusuportang detalye sa Ang Kapanganakan at Magulang ni Diosdado


P. Macapagal.
a. Ang mga aklat na ito ay ang Democracy in the Philippines, New Constitution of the
Philippines at ang Land Form in the Philippines.
b. Mga proyektong nagawa tulad ng Diversion Road, South Expressway at ang
pabahay para sa mga sundalo.
c. Isinilang noong ika-28 ng Setyembre 1910 sa Nayon ng San Nicolas, Lubao,
Pampanga. Sina Urbano Macapagal at Romana Pangan ang aking mga magulang.

6
d. Kampeon ng masa, natatanging mambabatas mula 1949-1957 at Best Law Maker
mula 1954-1957.

4. Alin ang pangunahing diwa sa talata?

Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion Road at South


Expressway, pabahay para sa mga sundalo at kawani ng pamahalaan at ang
pagtatag ng Philipine Veterans Bank.

a. Ang mga proyektong nagawa.


b. Ang pagtatag ng Philippine Veterans Bank.
c. Nagbigay ng pabahay para sa mga sundalo.
d. Ang mga nagawa bilang kawani ng pamahalaan.

5. Alin ang pangunahing diwa sa talata?

Maraming mga pulitiko ang nagangako sa mga mamamayan. Karamihan sa


kanilang pangako ay di natutupad. Binigyan ang mamamayan ng karapatang
bumoto. Piliin ang tapat na pinuno. Isang pinuno na nakikita ang kailangan ng
mahirap.

a. Kailangan ang pinunong makasarili.


b. Mabuti ang mangako kaysa sawala.
c. Tayo’y may karapatang pumili ng pinuno.
d. Karamihan sa mga pulitiko ay nangangako at di natutupad ang kanilang pangako.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang seleksyon at gumawa ng balangkas tungkol dito. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Iligtas ang Mundo

Paiba-iba ang lagay ng panahon. Sobrang init ang naranasan ng tao kung tag-araw. Kung
minsan naman mababalitaan na may bagyong darating gayong panahon naman ng tag-araw.
Kung tag-ulan naman, bihirang umulan. Isinisisi ang pangyayaring ito sa sobrang kapabayaan
ng tao sa kapaligiran. Walang tigil ang tao sa pagtatapon ng basura sa ilog at iba pang anyong
tubig. Dahil ditto dumdum ang tubig na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga isda at iba
pang lamang- dagat. Idagdag pa rito ang pagkakaroon ng red tide.

Ano ang kakainin natin? Maging ang mga estero sa lungsod ay nagbabara. Kaunting ulan
lamang ay bumabaha. Maging ang tubig na iniinom natin ay di na rin ligtas. Maging ang
hanging ating nilalanghap sa araw-araw ay marumi na rin. Masangsang ang amoy ng hanging
nagmumula sa tabing ilog at dalampasigan. Ang sobrang kapal at maitim na usok na
nagmumula sa mga sasakyan ay nagpapahirap sa mga tao. Tulad din ng walang tigil na
pagbuga ng usok mg mga pabrika na siyang nagpapadilim sa kalangitan. Dahil sa polusyon
sa hangin, ang pagduming kapaligiran ay hindi maitatangi. Isa ang epekto nito ay paghina ng
ating baga at iba pang sakit na dulot ng maruming hangin.

Ang mga kagubatan ay unti-unting nakakalbo. Walang ingat ang ginawang pagpuputol
sa mga puno. Patuloy ang pagsasagawa ng sistemang kaingin. Patuloy ang pasunog ng mga

7
kainginero sakagubatan. Ginagawa nila itong lupang mapagtataniman. Unti-unting gumuguho
at nawawala ang matatabang lupa. Dahil ditto wala nang makapitan ang mga ugat ng puno.
Ang mga ugat ng puno ang sumisipsip sa tubig sa kabundukan kapag umuulan. Napipigil nito
ang pagguho ng lupa at pagbaha ng lupa sa mababang lugar. Dapat tayong makiisa sa
pagpapanatiling malinis at luntian ng ng kapaligiran. Labanan ang polusyon sa tubig at hangin.
Isipin ang mundo at ang kalagayan ng susunod na salinlahi. Ligtas natin ang ating kalikasan
upang matamo ang pinapangarap na mundo sa hinaharap.

Iligtas ang Mundo


I. ___________________________________________

A. _________________________________
B. _________________________________
C. _________________________________

II. ____________________________________________

A. _________________________________
B. _________________________________
C. _________________________________

III. _____________________________________________

A. _________________________________
B. _________________________________
C. _________________________________

IV. ______________________________________________

A. __________________________________
B. __________________________________
C. __________________________________

V. _______________________________________________

A. __________________________________
B. __________________________________
C. __________________________________

8
Susi sa Pagwawasto

5. c 5. d 5. a 5. d
4. d 4. d 4. d 4. c
3. c 3. a 3. c 3. d
2. d sagot sagot 2. d 2. d 2. a
1. d Iba’t ibang Iba’t ibang 1. d 1. a 1. d
TAYAHIN PAGYAMANIN ISAGAWA SURIIN BALIKAN SUBUKIN

Sanggunian:

Lazaro, Isagani L. mga Dakilang Lider na Pilipino, Binagong Edisyon


Metro Manila, National Bookstore, Inc. 1994, pp.78-93

The Inquirer – Sunday – April 28, 1997

https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6795

9
Para sa mga katanungan, maaaring sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com

10
11

You might also like