Professional Documents
Culture Documents
Fil6 Q3 Mod8 Pag-uugnayNgKaranasanSaBinasa v5
Fil6 Q3 Mod8 Pag-uugnayNgKaranasanSaBinasa v5
Filipino
Ikatlong Markahan_Modyul-8:
Pag-uugnay ng Karanasan sa Binasa
FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: Ang modyul na ito ay para sa mga hangaring
pang-edukasyon lamang. Ang mga hiniram na materyales (halimbawa, mga kanta,
kwento, tula, larawan, pangalan ng tatak, trademark, atbp.) na kasama sa modyul na ito
ay pagmamay-ari ng copyright holders. Ang publisher at mga may-akda ay hindi
kumakatawan o nang-aangkin ng pagmamay-ari sa kanila. Taos-pusong
pagpapahalaga sa mga nakagawa ng makabuluhang mga kontribusyon sa modyul na
ito.
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
TAKIP NA PAHINA
PAHINA NG COPY RIGHT
PAHINA NG TITULO
Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Mensahe ng Guro 6
Tayahin 7
Karagdagang Gawain 8
Sanggunian
Aralin
Pag-uugnay ng Karanasan
8 sa Binasa
Alamin
Panimula
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Filipino !
Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa ikatlong kwarter, ikawalong linggo . Ito
ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa
pag-aaral sa mga paksa sa Filipino 6 na binubuo ng mga aralin sa loob ng isang linggo.
Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito , inaasahang makakamit mo
ang mga sumusunod na layunin at kasanayan.
Kasanayang Pampagkatuto:
Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong ganda
ng modyul na ito.
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.
____1.Ano ang kadalasan ipinagdiriwang ng mga Pilipino taon taon na kung saan
nagpapakita ng pasasalamat sa mga patron?
a. Kasal
b. piyesta
c. Kaarawan
d. Araw ng Puso
____ 2.Paano ipinagdiriwang ang piyesta?
a. nagpapalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkaloob
niya sa mga tao
b. nagluluto ng masarap na pagkain
c. nagsasama-sama ang pamilya
d. lahat na nabanggit
Balikan Balikan
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod at tukuyin kung anong uri ng
pangungusap ito. Isulat ang titik ng inyong napiling sagot sa sagutang papel.
_____ 1.Opo! Nay”, “Opo! Tay
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong
_____ 2.“Jessa, anak, maaari mo bang ihanda ang agahan natin nang may
makakain tayo mamaya?
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong
_____ 3.“Shella, anak, heto ang plastic dito mo itatago ang mga mahahalagang
dokumento natin para di-mabasa”.
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong
_____ 4. “Gil, anak, pakiabot nga ng lubid at kailangan nating talian ang bubong ng
ating bahay at pakitulungan mo ako sa pagtali”.
a.Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Pakiusap
Tuklasin
Panuto: Basahin ang kuwento at unawaing mabuti upang maiugnay ang binasang
kuwento sa sariling karanasan.
ANG PIYESTA NG AGPAMAGO
“Letlet, gumising ka na!” tawag ni Lalay. Iminulat ni Letlet ang kaniyang mga
mata. Nakita niyang nag-aayos na ng higaan ang kaniyang kaibigan. “Piyesta ng
Agpamago ngayon! “
“Oo nga pala!” sabi ni Letlet, na napaupo sa kaniyang banig. Taga-Batangas si
Letlet, at inanyayahan siya ng kaniyang kaibigan na makisalo sa Piyesta ng
Agpamago. Ang Agpamago ang pinakamasayang pagdiriwang para sa mga Alangan
Mangyan sa Mindoro. Ginaganap ito tuwing Abril.
“Ano nga ulit ang ibig sabihin ng Agpamago?” tanong ni Letlet.
“ Ang Agpamago ay pasasalamat kay Kapwan. Kapwan Agalapet ang tawag
naming sa Diyos na ibig sabihin ay Tagapangalaga. O, narito na pala ang mga pinsan
ko! Halika, ipakikilala kita.”
Nang umagang iyon ay nakilala ni Letlet ang lahat ng mga lolo, lola, tiyo, tiya,
at pinsan ni Lalay. Ang ilan sa kanila ay mula pa sa ibang mga barangay. Ang bawat
pamilya ay may dalang palay na pagsasaluhan ng lahat. Masayang nagkukuwentuhan
at nagkakantahan ang matatanda habang nagbabayo ng palay, nagluluto ng pagkain,
at nakikinig sa kanila ang mga bata.
“Banggi ang tawag sa mga kantang naririnig mo,” paliwanag ni Lalay. “Sa
pamamagitan ng mga awit, natatanggap naming ang mga kuwentong o pangaral ng
nakatatanda. Minsan naman, may mga banging nagpapatawa!” Namangha si letlet sa
kaniyang mga narinig.
Pagkatapos ng kainan, tumayo sa gitna si Aking Jose. Siya ang pinakamatanda
sa kanilang pamayanan. Iginagalang ng lahat ang kaniyang kabutihan at dunong.
Ayon sa kaniya, magiging mabuti ang kalusugan, kabuhayan, at samahan ng lahat.
Sinabi rin niya na dapat maging masipag ang bawat isa upang maging masagana ang
buhay ng buong pamayanan.
Pagsapit ng hapon, nagpaalam na sa isa’t isa ang mga kamag-anak ni Lalay.
Masayang-masaya ang lahat dahil naipagdiwang nila ang kanilang magandang
samahan at ang tapat na pag-aalaga ni Kapwan. Masaya rin si Letlet dahil sa
kakaibang karanasan na hinding-hindi niya malilimutan. Napakarami niyang
maikukuwento sa kaniyang mga kapatid pag-uwi niya sa Batangas.
Suriin Suriin
Gawain I
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang kwento. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Pagyamanin
Gawain II
Panuto: Batay sa mga pangyayari sa kwento, isulat sa sagutang papel ang bilang 1-
5 ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.
Isaisip Isaisip
Isagawa
Gawain III
Panuto: Gamit ang mga pangyayari na nasa loob ng kahon, punan ang graphic
organizer ng mga ang tauhan at tagpuan, kahalagahan ng pangkatauhan at
pagkasunod-sunod ng pangyayari ayon sa kwentong “Ang Piyesta ng
Agpamago” Isulat sa Fan-Fact Analyzer.
Ipinagdiriwang ang Agpamago sa pamamagitan ng pagdala ng palay
bawat pamilya na pagsasaluhan, pagkukuwentuhan, pagkakantahan
habang nagbabayo ng palay, nagluluto ng pagkain, at nakikinig ang mga
bata sa kwento.
Tuwing Abril ang mga Alangan Mangyan sa Mindoro ay nagdiriwang ng
Agpamago bilang pasasalamat kay Kapwan.
Ang mga Alangan Mangyan ay umawit ng Banggi. Ito ay isang kuwento
o pangaral sa nakakatanda na kung saan iginagalang ang kabutihan at
dunong ng pinakamatanda sa pamayanan dahil magiging mabuti ang
kalusugan, kabuhayan, at samahan ng lahat.
Pagsapit ng hapon, nagpaalam na sa isa’t isa ang mga kamag-anak ni
Lalay.
Nang umagang iyon ay nakilala ni Letlet ang lahat ng mga lolo, lola, tiyo,
tiya, at pinsan ni Lalay.
Tayahin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang simula, gitna at wakas ng mahalagang kwento
sa yung buhay sa pagdiriwang ng mahalagang araw sa iyong pamayanan.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Agarrado, Patricia Jo C. et al. (2016) Alab Filipino V, pahina 68-69. Pilipinas ng FEP
Printing Corporation
Para sa mga katanungan maaaring sumulat o tumawag sa :