Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jefferson H.

Holasca BSGE-3A
FIL 002: Pagbasa at Pagsulat sa Ibat-ibang Disiplina
SANAYSAY; Pambansa, Pampanitikan at Lalawiganin

Wika, alam naman nating lahat na ang wika ay isa sa pinakamahalagang aspeto sa
isang komunidad o grupo ng mga tao. Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na
ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Ang wika ay mayroong ibat-ibang antas ng paggamit. , ang antas ng wika ay ang
iba’t-ibang paraan ng pagsasalita ng isang wika. Ito ay ginagamit ng iba’t ibang klase o lebel
ng tao sa kani-kanilang pang-araw-araw na buhay. Sa paraang ito, maaari nating sabihin ang
ating niloloob, ideya, opinyon, at mga suhestiyon. Sa bawat lugar o rehiyon ay may
pinapairal na wika kung saan ito ang kanilang ginagamit upang magkaintindihan. Ito ay
mahalaga sa isang partikular na lugar o rehiyon upang lubusang magkaintindihan ang mga
miyembro ng isang komunidad at ang mga taong naninirahan dito. Ang wika o ang mga
salitang ito ay tinatawag na lalawiganin. Sa halos libo-libong mga pulo ng Pilipinas at
magkakaiba’t iba man ang kultura, etniko, o lokal na wika ay pinag-iisa tayo ng bigkis ng lahi
sa pamamagitan ng ating pambansang wika ang Filipino. Wikang ginagamit at pinapaunlad
ng bawat Pilipino dahil ito ang sumisimbolo sa ating pagkakilanlan. Pampanitikan naman ang
wikang ginagamit ng mga manunulat sa pangkatha ng dula at iba pang likhang pampanitikan.
Ito ay wikang sumusunod sa batas na balarila at retorika. Ang wikang ito ay kadalasang
ginagamitan ng mga malalalim, matatalinhaga, masisining at makukulay na salita upang
magbigay buhay sa mga akda ng mga manunulat, makata, tagapag-ulat, at mga
mamamayahag. Kaya’t, kung walang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan,
paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa
isa’t isa?
Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng
galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na
katotohanan sa isang intensyon, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang
nais na iparating ng sinuman. Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan
ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.

You might also like