Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TITSER

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-

asawang Amelita at Mauro na kapwa piniliang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus

angnaratibo sa mariing di-pagsangayon ni AlingRosa, ang ina ni Amelita, sa

pagsasamahanng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat naanak ay nakapagtapos sa

kolehiyo ng may"titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ngkursong edukasyon ng

kanyang bunso, dalana rin ng kaisipang hindi titulong

maituturingang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng

anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo,

isang binata mula sa pamilya ng mga hacienderona sumusuyo kay Amelita. Subalit

nabigo mulisi Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ngkanyang dalaga, at ito'y walang iba

kunghindi si Mauro, isang ring guro sapampublikong paaralan. Nang malaman na

ipapakasalsiya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo,agad na nagkipag-isang dibdib si

Amelita kay Mauro.

Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sapoot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa

sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak nanasa Maynila. Bagamat doon ay hindi

siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong

tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran nalamang sa sarili natalagang abala ang

mgataong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang

binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungosa Estados Unidos. Ngunit

bago mangyari itoay gumawa siya ng maitim na plano laban samga bagong kasal.

Inutusan niya ang isa samga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni
Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan

ring pinagmalasakitan nggurong si Mauro.

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang

ipinanganakang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay

kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang

anak, sa kabila nghinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi parin tumitigil ang ina ni

Amelita sa pagsasaringukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha

pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong

bata.Isang araw ay nagbalik si Osmundo saprobinsya, at nagkaroon ng

malakingpagdiriwang para sa kanyang pagdating.Doon muling nagkatagpo sina Mauro

at Osmundo, subalit kinalimutan nang dalawaang nakaraan. Taliwas naman dito ang

nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw.

Nararamdaman nitong may plano itongmasama laban sa kanyang pamilya. Hindi pa rin

nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito.

Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito

sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sakanyang hasyenda.

Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alalaang mag-asawa.

Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di

naglaon ay nagbalik rin ang bata,ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni

Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa

ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita. Nagkaroon ng

malubhangkaramdaman si Aling Rosa. Hinanap niya angkanyang mga anak


ngunit wala ni isa mangdumating maliban kay Amelita namatiyagang nag-

asikasosa kanya. Pawanggamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat

na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali

IBONG MANDARAGIT

Sa kalagitnaan ng 1944, kung saan humihina na ang hukbo ng mga

Hapones sa digmaan, napagpasiyahan nilang atakihin ang Sampitan at

tinangkang agawin din ang Infanta mula sa mga gerilyang Pilipino. Nagkaroon ng

digmaan at halos mapulbos ang mga Pilipino gerilya.

May ilan-ilan namang nakaligtas mula sa madugong digmaan at

salakayan. Isa sa mga ito ay si Mando. Nilakbay niya ang kagubatan upang

makaligtas nang tuluyan sa mga sundalong Hapon. Sa gubat ay nakita niya rin

ang dalawa pang gerilyang nakaligtas, sina Martin at Karyo.

Ang tatlo ay nagpasiyang magtungo sa bahay ni Tata Matyas na isang

gerilya rin noong kaniyang kabataan. Pinatuloy sila nito sa kaniyang tahanan.

Habang naghahapunan sina Martin at Karyo, nag-uusap naman sina Tata

Matyas at Mando tungkol sa nobela ni Jose Rizal na El Filibusterismo at Noli Me

Tangere.
Ayon kay Tata Matyas, totoo ang mga kayamanang iniwan ni Rizal. Dahil

dito ay nakumbinsi rin ang tatlo na totoo nga ito. Nakita nila ang kayamanan sa

karagatan ng Atimonan. Gayunman, nasawi naman si Karyo dahil sa pating na

sumalakay sa kanila. Si Martin naman ay pinaslang ni Mando dahil sa kasakiman

nito at nais masolo ang kayamanan.

BANAAG AT SIKAT

Tungkol ito sa buhay ng magkaibigang sina Delfin at Felipe na mayroong

magkatulad na naisin ngunit may kakaibang paraan upang maipatupad ito. Si Delfin ay

kilala bilang isang sosyalista na naghahangad na magpalaganap ng konsepto ng

sosyalismo sa lipunan. Nais niyang maging dominante ang mga mahihirap sa iba’t

ibang gawain ng kabuhayan ang mga mamamayang maralita tulad ng pangangalakal,

pagnenegosyo, at pagkakaroon ng pag-aari. Ngunit kahit malaki ang kaniyang

adhikain para sa mga mahihirap, naninwala pa rin si Delfin na kailangang idaan sa

mapayapang paraan ang pakikipaglaban para sa karapatan nito. Nag-aaral siya

ng abogasya. At isa sa paraan niya ng pagpuksa sa mayayaman ay ang pagsusulat

sa isang pahayagan. Si Felipe naman ay anak mayaman at naniniwala sa anarkismo.

Ito ay ang marahas na pagpapaalis ng mga makapangyarihan sa kanilang mga

puwesto. Kailangan daw maipadama sa mga mayayamang negosyante at may-ari ng

lupa.
Anak din siya ng isang mayaman at makapangyarihang tao na si Don Ramon

ngunit batid niya ang hindi magandang paraan ng pagyaman ng kaniyang ama. Kaya

naman umalis siya sa kanila at namuhay nang mag-isa at ipinagpatuloy ang pagtupad

sa kaniyang hangarin.

You might also like