Wala tayong ka muwang-muwang noong ipinanganak tayo dito sa ating
mundo, pero may mga taong handa tayong alagaan, mahalin at ibigay kung ano ang ating pangangailangan at walang iba kundi sila ang tinatawag na pamilya. Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Hindi matatawag na pamilya, kung may kulang ito. Dapat lamang nga kumpleto Ang mga miyembro nito. Ang mga magulang ang nagtuturo ng magandang asal at dapat ay may takot sa Diyos palagi. Sila ang huhubog sa mga anak na maging mabuti ang mga ito. “Pamilya”, sila yung mga taong ibibigay satin ang lahat sa abot ng kanilang makakaya na kahit na para na sa kanila ay ibibigay pa nila ito sa iyo para maging masaya ka lamang. Sila rin ang sandigan natin sa lahat ng oras. Sila ang dadamay sa atin kung ano mang pagsubok na dumating satin. Umulan man o bumagyo, hindi tayo iiwan ng pamilya natin. Sila ang ating inspirasyon sa ating mga ginagawa araw-araw. Para sa kanila ang mga ginagawa natin palagi. May pagkakataon na wasak o hinang-hina tayo at hindi makabangon sa hamon ng buhay na dumating satin. Mga pagkakataon na akala natin katapusan na natin at hindi na natin kayang ipagpatuloy pa ang buhay, andyan palagi ang ating pamilya, Hindi tayo pinabayaan nila. Ipinaglaban nila tayo. “Pamilya”, sila yong taong bibigyan tayo ng magandang pangaral na dapat natin alagan at pasalamatan palagi silang nandiyan para umalalay satin na makabangon muli mula sa lugmok na buhay. Iwanan man tayo ng lahat, mga kaibigan man, kainuman, o ka-ibigan o kahit sino pang malapit satin, pero hindi ang ating pamilya. Hindi tayo binigo ng ating pamilya. Hindi natin maiiwasan na mayroong pagkakataon na ang pamilya ay nag-aaway-away, nagkakatampuhan, at nagkakasagutan, pero sa huli andyan parin sila sa isa't isa na na handang dumamay sa mga nangangailangan at kung ang may isang miyembro ng pamilya na nagdadanas o di kaya'y nasa mabigat na problema at may pinagdadaanan, hindi nila ito kayang tiisin, dadamay at dadamay sila at sa huli. Sila pa ang hahanap Ng solusyon sa mga problema. Sabi nga ng kasabihan, “blood is thicker than water”. Ibig sabihin, kahit anong mangyari, mas lamang talaga nag kadugo kaysa sa hindi mo kadugo. kumbaga. Ang pamilya talaga ang magdadamayan o magtutulungan. Kahit ano mang away at tampuhan ng isang pamilya, sa huli sila rin ang magdadamayan at magtutulungan. Madaling takbuhan ang ating pamilya kumpara sa ibang mga tao. Mas nakakakilala ang pamilya satin kumpara sa mga di naman kadugo. Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng isang lipunan pero mas dito mo makikita Ang mas malawak at malaki ang pag uunawa at pagmamahal. Sa pamilya rin makikita ang tunay na kasiyahan. Mas masaya kung sama sama ang pamilya. Mas maganda ang takbo ng buhay kung nagtutulungan ang pamilya. Kaya dapat na ingatan at pahalagahan natin tinatawag na pamilya. Huwag lang sabihin "pamilya lamang", kundi "pamilya talaga". Ang pagkakaroon pamilya ang pinakamagandang nangyari sa buhay Ng tao lalong lalo na kung Ang pamilya ay sobrang saya.