Campaign Kit: #Realtalk

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

Campaign Kit

#RealTalk
Para All, Free to Speak
Ang kampanyang ine-encourage kang
mag-express ng iyong thoughts at feelings,
makinig at makipag-usap sa iba!
Kilalanin kami! 3
Para saan tayo? 4
Ang Pilipinas na Gusto Natin 5
Ang Salaysay ng Ating Pag-asa 6
Ang Ating Paninindigan 7

Ang Ating Kampanya


#RealTalk Para All, Free to Speak 9
Para kanino ang kampanyang ito? 10
Paano maging bahagi ng #RealTalk? 11

Table of
Mga Layunin at Sukat ng Kampanya 12
Verbal
Ang Ating Mensahe 14

Contents
Tono ng P ananalita 15
Keywords at Phrases 16
Mga Paksa at Tema 17
Hashtags at Languages 18
Visual
Logo 20
Mga Kulay 21
Iba’t-ibang Paglalarawan 22
Fonts 23
Do’s at Don’ts 23
Images 24
Illustrations 25

Templates at Applications 26

Paalala 31
Hello
Kilalanin mga kaibigan!
kami!
Kami ang Philippine Alliance for Human Rights Advocates o mas kilala
bilang PAHRA, isang samahan ng mga Pilipinong nais proteksyunan at
ipakalat ang halaga ng karapatan at kalayaan ng bawat isa sa atin.

Naniniwala kami na dapat lahat tayo ay malayang magsalita tungkol


sa ating history, culture, values at sitwasyon bilang mga Pilipino. Kapag
lahat tayo ay malayang nakakapag-usap, mas malaman at malalim ang
ating pagkakakilanlan bilang isang bayan.

Kaya iniinvite namin kayo na mag #RealTalk Para All, Free to Speak!

For more information about our alliance, mag-send lang ng message sa


@philippinehumanrights.org
3
Ang kampanyang ito ay bahagi ng kabuuang gawain ng
Para PAHRA sa pagsulong ng
saan
tayo?

Katotohanan Katarungan Pananagutan

Ang tatlong prinsipyong ito ang magsisiguro na ang kolektibong kapakanan


ng mga Pilipino ay maitataguyod at maipagtatanggol. Ito ang basehan ng ating
pagbubuklod, pakikilahok at pagtutulungan. Dahil kapag ito ang pinagkait sa
isa man o iIan sa atin, sinisira na rin ang kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan
natin bilang sambayanang Pilipino.

Sama-sama tayo sa layuning ito.


At sama-sama, maitataguyod natin ang Pilipinas na gusto natin.

4
Pare-pareho ang gusto natin para sa ating mga
pamilya, mahal sa buhay, at kapwa Pilipino!

Ang Empowered ang mga Pilipino! Gusto nating lahat

Pilipinas
na maging malalim ang pang-unawa natin sa
ating history, culture at identity bilang mga Pilipino!

na Gusto Magaling tayong makipagkpawa-tao. Open tayong


Natin! makinig sa opinyon at pinagdadaanan ng ating kapwa.

May bayanihan at suporta sa komunidad! Magkakasama


tayo, kaya sabay-sabay tayong magtutulungan para
matuto at mapalalim ang ating pagka-Pilipino.

Totoong umuunlad. Nakakapag-aral ang lahat, may


disente at marangal na mga trabaho, honest ang
gobyerno at mga negosyo sa mamamayan, at may
shared sense of identity tayong lahat!

Agree ba kayo? Kung ganito ang Pilipinas natin, lakas


talaga maka #PinoyPride!

5
Ang
Salaysay
ng Ating
Mas masaya
Pag-asa kung totoo ang
usapan!
Kung lahat tayo ay open ang pusong makinig at matuto,
mas sasaya ang ating mga usapan!

Ito ang paniniwalang nais nating tumatak sa puso at


isipan ng mga Pilipino.

Kung naniniwala tayo dito, aba, suportahan natin ang


kampanyang ito. Para mabuo ang Pilipinas na gusto natin,
kailangan totoong nag-uusap ang bawat Pilipino!

6
Ang Ating
Paninindigan Inclusive tayo!
Welcome ang lahat na maging bahagi at
magdala ng kanilang kaalaman at kakayanan.

May karapatan
ang lahat! May malasakit
Lahat tayo may karapatang
tayo sa ating
matuto, magsalita at magbahagi kapwa!
ng ating opinyon. Kaya dapat
ineencourage natin ang bawat Iniisip natin ang kalagayan at
isa na magtanong at magsalita. pinagdadaanan ng iba, hindi
lang ng ating sarili. Importante
ang truth at facts, pero dapat
natin laging isipin kung paano
ito magiging meaningful sa
mga kinakausap natin.

7
Join ka na,
Para All,
Free to Speak!
Welcome
sa ating
Kampanya!

8
Napakaraming gusto nang matigil ang bangayan
ng magkakapamilya tungkol sa pulitika o history…
totoo! Pero dapat, tuloy pa rin ang usapan.
Mahalaga ang boses ng bawat isa sa atin, dahil
pag free tayo to speak, natututo at mas lumalalim
ang ating pagka-Pilipino.

#RealTalk
Sa #RealTalk Para All, Free to Speak campaign,
magkakaroon ng mga events para mag-bonding,
mag-usap, at magkaayos ang lahat tungkol sa
kasaysayan, current events, at mga isyung
Para All, Free to Speak kinakaharap natin!

9
Para
kanino ang
kampanyang
ito?
Mga
kabataang
nag-aaral at
nagtatrabaho
Sa ating pagpapanday ng magandang
bukas, nararapat lamang himukin ang
pag-asa ng bayan!

Ang kabataang target audience natin ay ang Gen Z (15-24 years old)
at Millennials (25-39 years old) mula sa middle class at lower class
(socio-economic classes BC1C2DE) sa Cebu at Bulacan.

10
Paano React, share at comment
Oo! Kahit nasaan ka man, puwede kang magpakita ng
maging suporta sa kampanya. Kapag nakakita ka ng #RealTalk
post o video, mag-iwan ng reaction, mag-share at
bahagi ng mag-comment! Sabihin kung bakit mo sinusuportahan
#RealTalk? ang ating kampanya at mensahe.

Attend Events
Mapa-online o on-ground events man, maaari kang
umattend o mag-participate para di lang tayo natututo,
nag-eenjoy at nakakakilala pa ng mga bagong kaibigan!

Create Content
May alam ka bang interesting na impormasyon about Philippine
history and culture? Gusto naming malaman yan! Gumawa ng
story time o iba pang entertaining content (posts or videos) at gamitin
ang #RealTalk para mapanuod at ma-feature ito sa page.

11
Mga Mga
Siyempre mahalagang malaman natin kung para
Layunin ng saan ba ang kampanyang ito at kung nagagawa Sukat ng
Kampanya ba natin ang pagbabagong nais nating makita.
Kampanya

Maunawaan ng lahat na may Pagdami ng positive reactions,


kapangyarihan ang ating boses, comments at shares sa mga
at magsimulang makipag-usap content ng #RealTalk campaign
sa mga kapamilya at kaibigan
tungkol sa ating history at culture Dami ng uma-attend o nanunuod
ng online events tulad ng webinars
Magsimulang mag-participate sa
mga activities, events at mga Dami ng nagsasign-up
kampanyang may kinalaman sa sa mga workshops at forums
ating history at culture ng #RealTalk campaign

12
Verbal
Ito ang Identity
boses at tunog
ng ating
kampanya.

Kasama rito ang


slogan, tono, paraan ng
pakikipag-usap, mga
mensahe at salitang
gagamitin natin sa
kampanyang ito.
13
Ang ating
Mensahe Lahat tayo ay may kanya-kanyang punto, nararamdaman,
Common pinagdadaanan at paniniwala. Ito ang nagpapayaman sa
Ground ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Pero minsan, ang iba’t-ibang opinyon at paniniwala,


nauuwi sa awayan at bangayan. Hindi na tayo nagkakasundo
Challenge sa ating kasaysayan at kultura. Paano tayo maglu-look
forward sa isang united na Pilipinas, kung ngayon pa lang,
pinag-aawayan na natin ang nakaraan at kasalukuyan?

Tara, sumali sa #RealTalk Para All, Free to Speak campaign.


Call to Dito, walang echepwera, lahat may karapatang magsalita.
Action Nirerespeto namin ang opinyon ng bawat isa… kaya dapat
ituloy ang usapan hanggang tayo ay magkaintindihan!

14
Tono ng
Pananalita

Kuwentong
Kaibigan!
Madalas kapag pinepresenta ang facts,
history at culture sa mga tao, masyado
itong “cold” at “intelektwal.”

Sa kampanyang ito, ang ating boses ay isang


kaibigang ready makinig at makipag-usap.
Mainit ang ating pagtanggap at pagdamay sa
ating kapwa. Excited tayong makipagkuwentuhan
at lagi tayong curious for new information!

15
Keywords

Phrases
Kultura
Kasaysayan
Pagkakaisa
Katotohanan Sa totoo lang
Pagka-Pilipino
Values Isang bayan tayo.
Constitution
Nation Learn from the past,
Community look to the future.

16
Martial Law
Mga Paksa Mga bayani
Tagumpay sa harap ng pagsubok

Galing ng sambayanang PIlipino Mga Tema

17
Hashtags
Languages

Sa social media, ito ang Ito ang mga lengguwaheng


hashtags na ating gagamitin maaaring gamitin
para madaling mahanap at makalap sa ating kampanya.
ang partisipasyon sa ating kampanya.
Taglish
#RealTalk
Filipino
#FreeToSpeak
Bisaya
#PhilippineHistory
Other Local
#PhilippineCulture Languages
18
Ito ang
paglalarawan
ng ating
kampanya.

Visual
Ito ang gagamitin
nating logo, colors,
images, illustrations
at iba pang
Identity
visual elements.

19
Logo
Ang Logo natin ay binubuo ng iba’t-ibang
mga Pilipinong nag-uusap at nagri-reach
out sa isa’t-isa. Makikitang lahat sila ay
masaya, simbolo na ito ay malayang
usapan at hindi bangayan.

Nais nating ipakita ang epekto sa


komunidad kung lahat tayo ay malayang
nakakapagsalita at di natatakot na
ma-bash o maaway.

#RealTalk Magkakaiba man tayo, kayang-kaya


nating mag #RealTalk Para All,
Para All, Free to Speak Free to Speak!

20
Mga Kulay Secondary

Makulay ang ating kampanya!


Mag-combine ng primary at secondary
colors. Maaari ring bumuo ng gradients
gamit ang ating mga kulay.

Primary
21
Iba't-ibang Ito ang iba’t-ibang paggamit ng ating Logo. Gamitin ang
paglalarawan ng full color versions hangga’t maaari. Ang grayscale, black
at white versions ay para lamang sa materyales na
ating kampanya limitado ang printing ng kulay.

Full Color Grayscale Black White


Vertical

#RealTalk #RealTalk #RealTalk #RealTalk


Para All, Free to Speak Para All, Free to Speak Para All, Free to Speak Para All, Free to Speak
Horizontal

#RealTalk #RealTalk #RealTalk #RealTalk


Para All, Free to Speak Para All, Free to Speak Para All, Free to Speak Para All, Free to Speak

22
DO’s
Full Color Grayscale Black White

Fonts #RealTalk
Para All, Free to Speak
#RealTalk
Para All, Free to Speak
#RealTalk
Para All, Free to Speak
#RealTalk
Para All, Free to Speak

#RealTalk #RealTalk #RealTalk #RealTalk


Para All, Free to Speak Para All, Free to Speak Para All, Free to Speak Para All, Free to Speak

Hangga’t maaari, ito Gamitin sa Gamtin lamang kapag may limitasyon


ang gamiting version grayscale sa kulay ng printing. Gamitin ang black
ng Logo materials sa light backgrounds. Gamitin ang white
Primary - Fredoka One Regular sa dark backgrounds
ABCDEFGHIJKLM
NOPQRSTUV WXYZ
0123456789.,?!()<)"':;
Para sa headlines at maiikling text.
I-download sa
DON’Ts
https://www.1001fonts.com/fredoka-one-font.html
Cong. P20.00
Juan dela Para sa
Secondary - ABeeZee Regular cruz #RealTalk bayan!
l TaSlpkeak Para All, Free to Speak

a e to
e , Fre Sumunod na lang.
ABCDEFGHIJKLM #PaRra All Bawal magreklamo!
#RealTalk #RealTalk
NOPQRSTUV WXYZ Para All, Free to Speak Para All, Free to Speak

0123456789.,?!()<)"':; Huwag i-distort Huwag idikit ang Huwag gamitin para Huwag gamitin para
o baguhin ang kampanya sa patahimikin ang iba o kumita ng pera,
Para sa mahahabang text. proportion ng Logo politiko o partido pigilin ang kanilang lalo’t walang
I-download sa activities, lalo na kung pahintulot ng
https://fonts.google.com/specimen/ABeeZee konektado sa mga karapatan PAHRA
23
Images

Ipakita ang masayang kuwentuhan,


mga taong nakikinig, open minded,
magkakaibigan, at kapamilya. Dapat
umangat ang pagkakaisa ng iba’t-ibang
mga Pilipino.

Iwasan ang mga litratong malungkot,


nag-iisa o nag-aaway.

I-highlight ang mga Pilipinong


maalam, confident at marunong
makipagkapwa.

Ipakita ang mga benepisyo at pakinabang


ng #RealTalk campaign.

*Sample images mula sa pexels.com

24
Illustrations

Katulad ng ating logo, ang ating illustrations


ay simple at sumisimbolo sa iba’t-ibang Pilipino
gamit ang sari-saring kulay. Pinapakita ng mga
ito ang kabataang Pinoy na may iba-ibang talento,
kakayanan, nagpapakita rin ng pakikisama.

25
Templates
at Applications Maaaring gamitin at i-modify ang
templates para swak sa materyales na
nais ninyong gawin.

Para sa karagdagang tulong


Time to at impormasyon sa pagbuo ng
inyong #RealTalk Para All,
show your Free to Speak campaign materials,
creative magmessage lang sa
pahra.secretariat@gmail.com
side!

26
Templates
Profile Photos Socia Media-Square
Text
Here
Image Here
Text Here
Image
Here

Profile Frames
Social Media-Horizontal Powerpoint

Ito ang ilang templates na


Image Here
Cover Photo puwedeng pagsimulan ng
materyales para sa ating
kampanya.

Image Here Text


Here
Maaaring gumawa ng sarili pang
disenyo base sa look and feel ng
#RealTalk Para All, Free to Speak!
Socia Media-Vertical (Story)
Para sa social media posts na
Text Here
lalabas sa PAHRA accounts,
Image Here
laging magkatabi ang #RealTalk
Image Here Text Here
at PAHRA Logo.
Text Here

27
Applications Sample Poster

Pre-Launch Material
Ito ang gagawin natin para Call for Entries!
maka-build ng hype at excitement Iniimbitahan namin ang kabataang pinoy na
ipakita ang galing sa poster making, photography,
para sa launch na Talk Pinas! spoken word poetry, short story writing at
Facebook o TikTok video content creation!
ng #RealTalk Campaign. Ang theme ay:
Katotohanan, Katarungan,
Pananagutan
Individual man o group, welcome sumali!
Maaaring gamiting ang templates I-share at lagyan ang caption na #TalkPinas o
send lang sa Messenger ng PAHRA ang inyong
sa page 27 para sa paggawa ng posts, mga gawa! Last day ng submission
ay sa October 2022.
para sa pre-launch ng ating kampanya.
@philippinehumanrights.org

28
Applications Sample Freedom Wall Sample Event Poster

Launch Materials
Ano n Kwentuhang history at culture!
asa is
Maba ip mo? Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer
mabig baw man o adipiscing elit, sed diam nonummy nibh
Ito ang pinakamalaking execution sa pas
at, ven
top
t tung
welco m resent, laha
kol
t
euismod tincidunt ut laoreet dolore magna
aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim
e i-sh veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper
are!
na ating gagawin para sa #RealTalk
Campaign. Event Details
Lorem ipsum dolor sit
amet, consectetuer
adipiscing elit.

Sed diam nonummy

Gamitin ang templates sa page 27 Sample Stage Backdrop nibh euismod tincidunt

para sa paggawa ng posts, @philippinehumanrights.org

presentations, at iba pang materyales


para sa kampanya.
Sample Presentation
Narito pa ang ilang sample materials
na maaaring gamitin o paghugutan
ng inspirasyon. TikTok
Content

*Sample image mula sa pexels.com

29
Applications

• PAHRA Page Posts


- Art cards of event
Sustaining Materials - Quotable quotes
- Clips
Ito ang lista ng materials at events na - Event videos and photos
maaarming magpalawak at magpakalat • Tuluy-tuloy na roadshows at forums
ng ating #RealTalk Campaign. - Puwedeng paiba-iba yung content
base sa submissions na nakakalap
Gamitin ang templates sa page 27 • Tuluy-tuloy ang paghikayat na gumawa
para sa paggawa ng posts, ng art at content
presentations, at iba pa para sa • Comics o animated videos base sa
sustaining materials ng kampanya. spoken word poetry at short story
submissions
• Merchandise
- Zine, shirts, posters, stickers, etc.
• Habilin Teaching Guides

30
Ang campaign kit na ito ay binuo para sa PAHRA at sa
official members, supporters, partners at volunteers ng
#RealTalk Para All, Free to Speak campaign.

Paalala Ang mga elemento at impormasyon sa guide na ito ay


maaari lang gamitin kung may permiso mula sa PAHRA.

Magsend ng message sa pahra.secretariat@gmail.com kung


nais gumamit ng alinmang parte ng campaign kit na ito.

31
#RealTalk
Para All, Free to Speak

CAMPAIGN KIT
@philippinehumanrights.org

You might also like