A Re-Enactment of The New Way of The Cross: "Dakilang Pag-Ibig"

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

“DAKILANG PAG-IBIG”

A Re-enactment of the New Way of the Cross 


(Good Friday-Morning)  

OFFICIAL SCRIPT

By: The Seminarians of the Father Hannibal Formation Center


formation year 2021-2022

Inspired and was guided by the book “Pasko and Cueresma” on the
Passion Play; “Ganito Magmahal ang Diyos” written by Antonio Maria
Rosales.
Introduction
Ito  ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.  13  Ang pinakadakilang pag-ibig na
maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila

-Juan 15: 12-13

SIMULA: Harapan ng Lugar ng Porter: Last Supper (Tableau…)

(Pupuwesto ang dalawang Narrator sa harapan ng Last Supper na Tableu)

Narrator 1: Papuri kay Hesus at Kay Maria… Tayo ngayon ay


nagtitipon tipon upang samahan ang ating Panginoon sa Kanyang Pasyon:
Ang kanyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus tanda ng Kanyang
pagmamahal sa atin.
Narrator 2: Ang kanyang pagmamahal na walang katulad at walang
kapantay. Ang pagmamahal na labis niyang ibinigay sa atin ay ang
pagmamahal na gusto niyang iparating at ipadama sa atin sa krus…
Narrator 1: Kaya naman, pagmamahal din ang utos niya sa atin. Tayo
lahat ay magmahalan at matutong gumawa ng kahit kakaunting sakripisyo
na sapat na bilang pakikibahagi sa pinakamalaking pagsasakripisyo na
Kanyang inihandog sa atin.
Narrator 2: Kaya naman, samahan natin Siya ngayon ng may taos pusong
pagmamahal mula sa Kanyang Huling Hapunan, Pagpapakasakit
hanggang sa kanyang Pagkamatay sa Krus at sa Kanyang Muling
Pagkabuhay. Ito ang mga dahilan ng Pag-ibig Niya sa atin. Ito ang
Dakilang Pag-ibig…
Narrator 1: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong
Hesukristo.
(Mag-gegenuflect ang lahat na sisimulan ng mga narrator)

Narrator 2: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling


Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
STATION I: Ang Huling Hapunan (front of the Porter’s Area)
SCENE 1
OPENING SONG: “PAGKAKAIBIGAN” Sem._____ and Sem. ______
(Habang kinakanta ang Pagkakaibigan, dahan-dahang isinasadula ng mga actor ang typical na eksena sa huling
hapunan tulad ng pagtaas ng tinapay at alak, at paghuhugas ng paa. Itatansya nilang gawin lahat habang
nagpapatuloy ang buong kanta... at pagkatapos ng kanta agad na magsasalita si HESUS…)

Hesus: Alam niyo ba, na isa sa inyo ang magkakanulo sa akin?


(Magiging gulat na gulat ang mga apostol… at magsisitinginan sila sa bawat isa…)

Santiago (JAMES THE APOSTLE): Sino po ba iyan Guro?!


(Mag-uusap usap ang mga apostol, at takang taka sila na magtatanong…)

Lahat ng mga Apostol: Sino kaya??... Sino kaya?? (O ano mang salita na
nagtatanong or nagtuturo sa isa’t isa kung sino ba sa kanila ang magtratraydor)

Narrator 1: Para manahimik na ang mga apostol sa kanilang pagtatanong


at pagtataka, direkta nang ipina-alam ni Hesus ang magkakanulo sa
Kaniya.
(May kukunin na tinapay si Hesus na isasasay niya sa baso o alak)

Hesus: Ang bibigyan ko nito, ang siyang sinasabi ko sa inyo.


(Ibinigay ni Hesus ang tinapay kay Judas at magiging gulat na gulat siya dito)

Judas: A-ko?
Hesus: Ikaw na nga! Kung ano man ang binabalak mong gawin, gawin
mo na ngayon.
(Agad tumayo si Judas at umalis sa kanila…titigil si Judas sa gitna at ilalabas ang maliit na sako ng pera na
ibinigay sa kanya para ipagkanulo si Hesus…habang nagsasalita si Judas tahimik na aalis ang mga apostol
habang maiiwan na mag-uusap usap sina Hesus Pedro, Juan at Santiago para sa pagpunta nila sa halamanan )

Judas: Ito? kapalit ang aking Guro? Sigurado na ba talaga ako dito?
(Maiisipang bumalik ni Judas kaya tatalikod siya sa kanila pero biglang dumating ang diablo…)

Diablo: Huwag ka nang bumalik pa, Hudas! Ituloy mo na ang binabalak


mong gawin. Diba hinayaan ka naman ng iyong guro? Sige na! kumilos ka
na! (Question… Pano matatapos yung scene? Mag freeze ba or what?
ispi kung pano kung eexit sila ganun, kung san sila exit)
-Matatapos ang scene sa pag-exit ni Judas, at sa pagpunta nina Hesus,
pedro, Juan at Santiago sa Garden of Gethsemane

STATION II: ANG PAGDURUSA NI HESUS SA HALAMANAN


SCENE 2
(Left Wing of the Seminary)
(Susundan ng lahat na pumunta sina Jesus, Pedro, Juan at Santiago sa halaman. Pagdating doon agad na
luluhod si Hesus at malakas na magdarasal habang sina Pedro, Juan at Santiago ay mananatili sa isang tabi at
maantok hanggang sa makatulog…)

(So dto bago pumunta sa scene 2, dat parctisin ung unti unting pag exit ng ibang apostol… kase tatlo lang
naman kasama dun) (suggestion ko, ngayon pa lang, mag prepare na ng mga background music na maganda sa
bawat scene ganun) alam ko meron ako nun before… kung kaylangan at gusto nyo I am willing to share it
naman.. ) YES PLEASE BAKA NAMAN… pero kung gusto nyo maghanap din mas okay….. basta mas mabuti kung
merong background music) tas dapat hiwalay yung control ng background music kesa sa ibang need ng
sounds….. sana may speaker dedicated lang for background ganun… tas isipin na din mga mag gaganap as
backstage men….. sila mga magaassist ganunn…. WE’LL SEE…

Hesus: Ama! Naghihirap ang kaluluwa ko! Alisin mo ang paghihirap


kong ito! Ngunit ang kalooban Mo ang masusunod hindi ang akin!
(medyo mahirap yung scena na toh… need ng emotion talaga na malalim
ganun, I hope willing talaga yung mag He Hesus,,, ) hehe sana mafinalize
as soon para makapag internalize sya ganun ) SI ANGEL NA TALAGA,
NG PRESINTA KSE SYA… YUN, SIYA NA LANG TALAGA
(Habang nakayuko si Hesus at dahan dahang iiyak biglang magpapakita ang diablo at tatawa habang
maglalakad lakad sa paligid ni Hesus)

Diablo: Ama! Ama!... Sige! Tawagin mo lang ng tawagin ang Ama mo!
Naririning Ka niya kaya?... Bakit hinahayaan ka Niyang maghirap ng
ganito? (biglang tatawa) Kung Ikaw nga talaga ang anak ng Diyos, hindi
ka Niya hahayaang mapahamak!
Anghel: Manahimik ka Satanas! Hindi makaDiyos ang pinapairal mo,
kundi maka-Mundo! Nasasabing huwag mong ipahamak ng ganyan ang
Diyos!
Diablo: Hahahaha! Hamak na anak ng isang karpintero! Kung hahayaan
Niya lamang ang sarili niya na magdusa sa kamay ng tao, parang
binalewala niya na rin ang kanyang pagiging Anak ng katas-taasang
Diyos! Ano? Ganun ganun na lamang ito? Wala na ba Siyang magagawa?
Hahayaan Niya na lang ba itong magyari ng basta basta sa sarili Niya??
Hahahaa!...
(Lalapit ang anghel kay Hesus para yakapin)

Anghel: Hindi mo alam ang sinasabi mo! May plano ang Diyos kaya
hinahayaan niya itong magyari sa anak ng tao!
SCENE 3
(Tatayo si Hesus mula sa pagkakaluhod at pupuntahan niya sina Pedro, Santiago at Juan para gisingin…)

Narrator 1: Nang matapos nang magdasal si Hesus. Nilapitan niya agad


ang kanyang mga alagad at naabutan niya sila na natutulog.
Hesus: Bumangon kayo! Bakit kayo natutulog? Hindi niyo ba kong
magagawang samahan kahit isang oras lang? At hindi rin ba na sinabihan
ko kayang manalangin upang malabanan ninyo ang darating na tukso??
Tunay ngang ang Espiritu ay sabik pero ang katawan ay mahina!
(saan lalabas mga kawal? suggestion ko dun sila manggaling sa likod ng
volleyball court para gulat talaga mga tao… at maayos ang pasok… SIGE,
NOTED!
(Maglalakad palapit ang mga dadakip kay Hesus, at isa sa mga pariseo ang tuturo sa kanila)

Kawal 1: Iyon sila! Dali…


Hesus: Narito na sila!
Santiago: Sino po sila Guro?
Hesus: Dumarating na ang magkakanulo sa akin.
Kawal 2: Sino sa inyo si Hesus na taga-Nazaret?
Hesus: Ako Siya.
(Hihilain nila si Judas at patulak na ilalapit sa kanila hanggang sa bumagsak siya sa lupa. Agad siyang lalapitan
ni Hesus sa lupa.)

Kawal 3): Judas, ituro mo sa amin kung sino talaga ang hinahanap natin
para makasigurado tayo.
Judas: Gu-ro… (hahalikan si Hesus)
Hesus: Judas, ipagkakanulo mo ba ako sa pamamagitan ng isang halik?
(Ilalabas bigla ni Pedro ang kanyang espada at ihahampas niya sana iyon kay Judas pero biglang humarang si
John Mark, at matatangalan siya ng tenga at babagsak din sa lupa)

Kawal 4): Aray ko!!! (parang iiyak)


Hesus: Tama na! Pedro! Ibalik mo yang espada mo! Ang gumagamit ng
patalim ay sa patalim rin magtatapos!
(pagagalingin ni Hesus ang tenga ni Mark)

Hesus: Ako ang kunin Ninyo! Pabayaan niyo sila!

STATION III: SI HESUS SA HARAPAN NG SANEDRIN


SCENE 4
(GYMNASIUM-BACK)
(Susunod ang lahat sa pagkakadakip kay Hesus papunta ng Gym kung nasaan si Caiphas. Maabutan ng lahat na
nag-iingay ang mga pariseo at may mga sinasabi tungkol kay Hesus na parang mga bintag sa kanya. Maya-
maya biglang magsasalita si Caiphas…)

Caiphas: KATAHIMIKAN!... Ikaw nga ba ang Mesisyas, ang Anak ng


Kataas-taasan?
(lalapit siya kay Hesus at titignan siya ng derestyo…)

Hesus: Ako nga.


(Bigla niyang pupunitin ang kanyang suot at malakas niyang sasabihin…)

Caiphas: Hindi na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na ang


nakarinig ng kanyang kalapastanganan sa Dios! Ano ang pasya ninyo?
Pariseo (Mark): KAMATAYAN!
Pariseo (Michel R.): IPAKO SIYA SA KRUS!!
(bigla niyang hahampasin si Hesus sa mukha…)

Caiphas: Dalhin natin siya kay Pilato upang mahusgahan!


Narrator 2: Napagpasyahan ng mga Pariseo na dalhin si Hesus kay Pilato
upang mahatulan agad ng Kamatayan sa kasong paglalaspatanagan na
kanilang inihatol agad sa Kaniya.
SCENE 5
(dadalhin na nina Caiphas at ng dalawa pang pariseo; sina Tatel, Junwy at Robin papasok agad si Pedro at
maghahanap hanap sa kanyang guro)

Pedro: Nandito kaya ang Guro?


Pariseo (Junwy): Ikaw… Oo! Ikaw nga!
Pedro: Ako yung alin?
Pariseo (Junwy): Hindi ba isa ka sa mga alagad ng taong dinakip?
Pedro: Hindi… Pasensya na… Wala akong kaalam-alam sa sinasabi mo.
Pariseo (Tatel): (kakalabitin niya si Pedro) Kasama ka niya hindi ba? Isa
ka sa kanyang alagad! Nakita kitang kasama niya nuong siya’y nadakip!
Hindi ako dapat magkamali!
Pedro: Hindi ako iyon! Nagkakamali kayo!
Pariseo (Robin): Hindi maari! Kilala mo Siya! Isa ka sa mga kasamahan
niya hindi ba?!
(magtitingin-tignan ang mga pariseo at magsasabi ng “Oo nga” ng paulit ulit)

Pedro: (Nagagalit) Sinabi ko na sa inyo na hindi ko siya kilala! Hindi!!!


(Dahan-dahang lalayo ang mga pariseo at aatras ng kaunti si pedro)


Pedro: Ano yung ginawa ko?... Tama nga Siya, tatlong beses ko siyang
itatatuwa bago tumilaok ang manok! (uupo at tatakpan ang mukha at
iiyak)
(biglang lalabas ang dalawa pang pariseo at itutulak si Judas sa lapag.)

(sa same scene ba toh?)

Judas: Ilabas niyo Siya!!! Ayoko na ng pera ninyo! Ibalik niyo ang guro
namin!
(itatapon niya ang pera sa kanila)

Pariseo (Mark): Hindi mo na maaring bawiin ang naibigay mo na sa


amin! Umalis ka na!
Pariseo (Regala): Alam mo bang hindi katangap-tanggap na itapon mo
ang pera na binagay namin sayo ng ganyan dito!
Judas: (sisigaw) Sa inyo na ulit yung pera niyo!! Huwag niyong sasaktan
ang guro namin! Nasaan siya?! Ibalik niyo siya sa amin! (sasabihin ng
paulit-ulit)
(Sana talaga umiyak ung gaganap ditto) hahaha.. SIGE LANG, CARRY
YARN!
Pariseo (Mark): Huli na ang lahat! Wala na kaming magagawa sa guro
niyo! Naroon na siya kay Pilato!
(biglang aalis ang mga pariseo at maiiwan sina Judas at Pedro. Biglang lilingod si Pedro at makikita si Judas
agad niya siyang lalapitan at hahawakan sa damit dahil sa galit.)

Pedro: IKAW?! ANONG GINAWA MO SA GURO NATIN A?! HINDI


MO BA ALAM NA PINAHAMAK MO SIYA DAHIL SA MGA
PINAGAGAWA MO! TRAIDOR KA!!!”
Judas: Hi-ndi ko si-na-sad-ya!!! (iiyak..) pase-nsya na!!! (uulitin habang
patuloy na iiyak..)
Pedro: Bakit??... Bakit mo siya pinagkanulo ng ganito?? Tatlomput piraso
ng pilak, kapalit ng buhay ng guro natin?? (iaalis bigla ni Pedro ang
kamay niya kay Judas) Teka… May ginawa rin akong kasalanan sa kanya.
Itinatwa ko siya ng tatlong beses tulad ng sinabi niya. Binigo ko rin siya
tulad mo Judas. Kaya tara, sundan natin siya kay Pilato at-at magsisi tayo!
Humingi tayo ng tawad sa kanya!
(maamo niyang hahawakan o yayakapin si Judas.)

Judas: Ayoko na! (iiyak) bitawan mo ko! lumayo ka sa akin!... LAYO!


Pedro: Judas!!! Saglit!!!
Narrator 1: Hindi nakayanan ni Judas ang labis na pag-gugulo ng
kanyang konsensiya. Kaya naisipan niyang kunin na agad ang sariling
buhay.
(bigla lalayo si Judas kay Pedro at makakakita siya ng isang tali na nakasabit somewhere at doon niya ilalagay
ang kanyang ulo para magbigti. Pagkatapos nun, aalis na si Pedro. Susunod na ang mga tao sa susunod na
istasyon sa stage.)

(Sana mainclude yung moment ni Judas sa tali…. tas saka sya tatakbo pa layo…. saka mag nanarrate ganun.)

WALA NA PALANG NARRATOR, AYAW NI FR. TJ. SA SIMULA LNG SAKA SA ENDING YNG MGA NARRATORS..

CGE INCLUDE NAMIN YUNG NKATALI SI JUDAS….

STATION IV: ANG PAGHAMPAS AT PAGPUPUTONG NG


KORONANG TINIK
SCENE 6
(GYMNASIUM-STAGE)
Narrator 2: Pagkatapos na mahatulan ng mga Pariseo si Hesus. Dinala
nila siya kay Pilato ngunit walang makita na dahilan si Pilato upang
mahatulan niya ng kamatayan si Hesus. Kaya naisip niyang ipahagupit si
Hesus upang masiyahan ang mga Pariseo at mga Judio na labis ipinipilit
ang kaparusahang kamatayan kay Hesus na inakusahan nilang
nagpapanggap na hari at mesiyas.
(ilang minutong ipapakita ang paghahagupit ng paulit ulit kay Hesus)

Romano (Dexter): Iyan! Hagupitin niyo pa yan! Kulang pa yan!


Romano (Andrei): Kulang pa? E duguan na duguan na nga siya e!
Romano (Dexter): Wala akong pakialam! Gawin na lang natin ng maayos
ang trabaho natin! HUWAG KA NANG MAGREKLAMO PA! SIGE!
KILOS! HAGUPITIN NIYO PA YAN NG MABUTI!!!
(habang patuloy na hinahagupit si Hesus bigla naming maglalakad lakad ang diablo.)

Diablo: HAHAHAHA! Kawawa naman ang anak ng kataas-taasang


Diyos!... HAHAHA! ITO BA? ITO BA ANG MESISYAS? ANG
MAGLILIGTAS SA BUONG SANLIBUTAN?! ITO BA?!!!
HAHAHA!!!
(biglang papasok ang tapat na sundalo ni Pilato)

Romano (Ace): Gusto na siyang makita ni Pilato! Tama na yan!


Romano (Chris): Teka lang! Di pa kami tapos… May isusuot pa kami sa
ulo niya… (ilalabas ang koronang tinik at agad na isusuot kay Hesus. Tapos tatawanan nila siya at
kukutyaing hari ng mga hudyo!)

Romano (JB): IYAN! Bagay na bagay! Ito pa… Ito pa…


(ilalagay ang pulang balabal sa kanyang likod tapos luluhuran nila siya ng luluhuran at patuloy na kukutyaing
hari siya ng mga hudyo..)

Romano (Chris): Yan! Ayos! Pwede na siyang ilabas… hahahaha…


Romano (Dexter, JB, Chris): (mag-bobow habang papalakad si Hesus
papunta ng stage) Mabuhay ang hari ng mga hudyo! (paulit-ulit)
Narrator 1: Ipinakita si Hesus sa harapan ng mga tao at patuloy silang
sumisigaw na ipako siya sa krus. Ngunit si Pilato…
Pilato: Narito ang Tao!
Mga Tao: IPAKO SIYA SA KRUS! IPAKO SIYA SA KRUS!
Pilato: Ipapako ko ba ang inyong hari??
Caiphas: (Ituturo si Hesus) HINDI NAMIN SIYA HARI! SI CEASER
ANG AMING HARI!... IPAKO SIYA SA KRUS!!!

Mga Tao: IPAKO SA KRUS! IPAKO SA KRUS!


Pilato: Pero wala siyang ginawang masama!
Caiphas: Ayon sa batas namin dapat lang sa kanya na maparusahan ng
kamatayan dahil tinuturing niya ang kanyang sarili bilang anak ng Diyos!
(lalapit si Pilato kay Hesus para kausapin…)

Pilato: Taga-Saan ka ba talaga?... Bakit ayaw mong sumagot? Hindi mo


ba alam na may kapangyarihan akong palayain ka o ipapako sa krus?
Hesus: Ang kapangyarihan mo sa akin ay buhat sa itaas.
Pilato: Wala akong alam sa mga bagay na ito, ang mga kababayan mo ang
nagdala sa iyo dito. Ano ba talaga ang ginawa mo? Ngayon, sabihin mo sa
akin ikaw nga ba ang hari ng mga hudyo??
Hesus: Tinatanong mo ba iyan sa iyong sarili o dahil may mga nagsabi sa
iyo niyan tungkol sa akin?
Pilato: Kung gayon, hari ka nga?
Hesus: Ikaw na ang may sabi… Ang kaharian ko ay wala sa mundong ito,
ito ang dahilan kung bakit ako naparito sa mundong ito upang magbigay
saksi sa katotohanan.
Pilato: Ano ang katotohanan?
(matapos ang ilang minutong pananahimik ni Hesus titingin ulit si Pilato sa mga tao)

Pilato: Ayon din sa inyong kautusan may dapat akong palayain alang-
alang sa inyong okasyon ng Pascua. Nais niyo bang palayain ko si Hesus
na taga-Nazaret ang inyong hari?
Caiphas: Hindi siya kundi si Barabas!
Pilato: At ano naman ang gagawin ko sa inyong hari? (Ituturo si Hesus)
Mga Tao: Ipako siya sa krus! (Paulit-ulit)
Pilato: Gusto niyong palayain ko ang isang criminal? (titingin kay
Barabas)
Mga Tao: Palayain si Barabas!!! (Paulit-ulit, palakas ng palakas…)
Caiphas: KATAHIMIKAN!... Kung papalayain ni Pilato si Hesus siya ay
traidor kay Ceasar! Dahil ang nagpapangap na hari ay kaaway ng
imperador!
Mga Tao: Tama! Tama! (paulit-ulit)
Narrator 1: Natakot si Pilato dahil imbis makakuha siya ng simpatiya sa
mga tao, nagkakaroon lang ng gulo unti-unti. Kaya naman…
Pilato: SIGE! Ibigay niyo sa kanila si Barabas! Ipako siya sa Krus!
(ituturo kay Hesus) Ako ay inosente sa dugo ng taong iyan.
(huhugasan ni Pilato ang kanyang mga kamay sa harap nila)

Caiphas: Kami na ang mananagot sa dugo niya! Kami at ang aming mga
anak!
Mga Tao: Tama! Tama!

STATION V: TINANGGAP NI HESUS ANG KANYANG KRUS


(going to the BACK OF THE SEMINARY)
SCENE 7
Narrator 2: Pinapasan kay Hesus ang isang mabigat na krus para dahil sa
Golgotha o ang lugar ng mga bungo.
SECOND SONG: “DAKILANG PAG-IBIG”
Sem._____ & Sem.________
(Tahimik na susundan ng mga tao si Hesus. Para sa pagkasunod-sunod sa paglalakad: mauuna muna ang
dalawang tulisan na kasamang ipapako sa krus. Si Hesus, at ang mga kawal, ang ibang mga karakter sa kwento
kasama ang mga pariseo at ang diablo at ang iba pang mga dadalo.)

STATION VI: SI HESUS AY NADAPA SA BIGAT NG KRUS


(Front of School Office)
(biglang madadapa si Hesus at babalik ulit ang diablo)
Diablo: Nasaan na ang kapangyarihan mo anak ng Diyos? Gamitin mo
ang kapangayarihan mo! Hahaha! Kung ikaw ang anak ng Diyos lumaban
ka! Hahaha!
Romano (Chris): Ano ka ba naman! TAYO!!! Kaya mong pagalingin ang
iba KRUS LANG DI MO PA MAKAYA?! HAHAHA!
STATION VII: TINULUNGAN NI SIMON SI HESUS SA
PAGPASAN NG KRUS
(Front of School Office)
(biglang makikita ni Dexter si Simon na may hawak na dayami at ituturo…)

Romano (Dexter): IKAW!!...


Simon: (lilingon-lingon) A-ko?
Romano (Dexter): Oo! Ikaw nga! Wala nang iba! Tara dito, tulungan mo
ang iyong hari na buhatin ang kanyang krus!...
Simon: Ako? Bakit ako?
Romano (Chris): Dali na! Kilos na!...
(hihilain nila si Deo sa lupa kasama si Hesus na hindi pa makatayo. Papasanin ni Simon ang krus kasama si
Hesus)

Hesus: Anong pangalan mo?


Simon: Ako si Simon na taga-Cirineo. Ama ako nina Alejandro at Rufo.
Kagagaling ko lang ng bukid.
Hesus: Isa kang mag-aani?... Marami ang aanihin, pero kakaunti ang
tagapag-ani. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng
anihin, na magpadala siya ng mga tagapag-ani.
(taray naisingit pa toh)hahaha nice … Gusto kse ni Fr. Tj Rogate Version.

STATION VIII: NASALUBONG NI HESUS ANG (o ang mga anak


ng mga) KABABAIHAN NG JERUSALEM
(Right wing)
(makikita ni Hesus na nakapuwesto na ang mga anak ng mga kababaihan ng Herusalem na umiiyak kasama
ang anghel kanina na gumagabay na ngayon sa kanila)

Hesus: Sabihin Ninyo sa inyong mga nanay na huwag ninyo akong


tangisan. Ang tangisan nila ay kayo at ang kanilang mga sarili-
Romano (Dexter): Ano ba! Kilos na! Tama na yan!...
STATION IX: SI HESUS AY IPINAKO SA KRUS
(Soccer Field)
SCENE 8
(Magtutungo ang lahat sa Soccer field kung saan magaganap ang mga natitira pang istasyon.)

Narrator 1: Tinangalan nila ng damit si Hesus at ipinako agad sa krus.


(Maaaring sumigaw dito ang Hesus sa sakit habang pinapako. Habang ang mga magpapako gamit ang kanilang
mga martilyo ay ihahampas ito ng malakas sa kahoy na ginamit bilang krus ng may pag-iingat.)

Diablo: Iyan! Iyan ang napapala ng pag-aalay ng sarili sa iba! Sa bagay


mas maigi na nga na may magdusa na isa kaysa sa magdusa ang marami!
(Pagkatapos na ipako ng mga sundalo si Hesus dederetsyo agad sa pagsusugal ang mga Romanong sundalo
para sa damit ni Hesus. At biglang magsasalita ang isa sa mga pariseo…)

Pariseo (Junwy): Sabi niya anak raw siya ng Diyos, bakit hindi niya
patunayan ngayon?
Pariseo (Tatel): TAMA! Bumaba ka diyan sa krus!
Pariseo (Mark): Oo nga! Bumaba ka sa krus para maniwala kami sa iyo!
Hesus: Ama! Patawarin mo sila pagka’t di nila alam ang kanilang
ginagawa!
STATION X: ANG NAGTITIKANG MAGNANAKAW
Masamang Magnanakaw: Kung ikaw nga talaga ang Mesiyas, ilagtas
mo ang sarili mo pati na rin kami!
Mabuting Magnanakaw: Hindi ka ba natatakot sa Diyos sa mga
pinagsasabi mo a? Nararapat lang sa atin ito! Pero siya… (titingin kay
Hesus) Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.
Hesus: Ngayon rin, isasama kita sa Paraiso.
STATION XI: SINA MARIA AT JUAN SA PAANAN NG KRUS
Narrator 2: Naroon din sa paanan ng Krus ang kanyang ina at ang
kanyang pinakamamahal na alagad na sumunod sa kanila sa daan ng krus.
Juan: Guro, narito ako kasama ng iyong Ina-
Hesus: Ginang, ito ang iyong anak, anak ang iyong ina.
STATION XII: SI HESUS AY NAMATAY SA KRUS
Narrator 1: Napansin ng lahat ng naroon na unti-unting dumidilim ang
kalangitan at tila sasama ang panahon. Habang nagaganap ang mga ito
nakadama bigla ng uhaw si Hesus.
Hesus: Nauuhaw ako!
Romano (Andrei): Nauuhaw daw siya.
Romano (Dexter): Edi painumin mo!
Romano (Chris): Kumuha ka ng sibat doon ng may spongha ng alak at
iyon ang ipainom mo sa kanya! At huwag mo na kaming istorbohin dito
hindi mo ba nakikita na nagsusugal kami?!
(kukunin ni Andrei ang sibat o stick na may nakatusok na spongha o sponge sa tuktok nito, itaas niya iyon sa
labi ni Hesus at ididkit ni Hesus dun ang kanyang labi.)

Hesus: Naganap na!...(Malakas) Ama, sa iyong mga kamay inihahabilin


ko na ang aking espiritu!
Romano (Andrei): Tunay ngang ang taong ito ang anak ng Diyos!
Narrator 2: Tayo ay manahimik ng ilang sandali…
(Moment of silence…)
STATION XIII: SI HESUS AY INILIBING
(From Soccer field going to Main Chapel)
THIRD AND FINAL SONG: “There’s no greater Love”
Sem._____ & Sem.________
Soccer Field
(Pagkatapos ng katahimikan, agad na papasok ang panghuling kanta. At lalapit bigla sina Nicodemus at si Jose
ng Arimatea para ibaba si Hesus sa krus. May hawak ang dalawang magtatangal kay Hesus ng tela na ibabalot
sa katawan niya. Tutulog sa pagbaba, pagbabalot, pagdadala hanggang sa paglilibig kay Hesus sina Simon
Cireneo, ang mga anak ng kababaihan ng Jerusalem, si Juan pati ang iba pang mga maaring tumulog… Sa
parteng ito mananatiling nakapikit at hindi kikilos ang Hesus…. Magyayari ang lahat habang nagpapatuloy lang
ang buong kanta… Kapag nababa na si Hesus at nalagyan na ng tela maari nang maghanda agad ang
magdadala sa kanya sa libingan. Agad silang maglalakad kasama ng lahat papunta sa main chapel kapag
nadala na nila si Hesus.)

Front of Main Chapel


(Pupunta agad ng mga nagdala kay Hesus sa libingan. Ihihiga nila si Hesus sa lamesa na magsisilbing libingan
niya habang nakabalot siya ng tela. May isang platform sa harapan ng pinto ng chapel na magsisilbing pinto ng
libingan niya. Isasara ito pagkatapos ilagay si Hesus sa lamesa. Bago iyon, maaring yakapin ng Maria ang labi ni
Hesus, iyon ay kung nais niya…Hahayaan nila doon si Hesus. At maari nang mag handa ang Hesus para sa
susunod na istasyon. Papasok siya sa loob ng main chapel at doon may mga magbibihis at maghahanda sa
kanya)

STATION XIV: ANG MULING PAGKABUHAY NI HESUS


(Front of Main Chapel)
SCENE 9
(Pupuwesto ang dalawang narrator sa harapan ng bukas nang libingan ni Hesus at wala na si Hesus doon)

Narrator 1: Pagkatapos ng araw ng pamamahiga, tatlong araw na ang


nakalipas mula nang ipako si Hesus sa krus. Agad na sumugod ang dalawa
sa mga alagad ni Hesus, na si Juan at si Pedro para tignan ang libingan ni
Hesus. Pagkadating nila doon, naabutan nilang wala ngang laman ang
libingan ni Hesus.
(Agad na tatakbo sina Juan at Pedro sa libingan)
Pedro: Tama nga sina Maria Magdalena at ang mga kababaihang nauna
nang nagtungo dito!
Juan: Nasaan na ang ating Guro? (kukunin ang naiwang tela sa lamesa ng
libingan) Ito na lang ang nandito!
(Biglang lalabas ang anghel sa gilid at magpapakita sa kanila. Magugulat ng sobra sina Pedro at si Juan.)

Anghel: Bakit Ninyo hinahanap ang buhay sa gitna ng mga patay?


Juan: Sino ka?
Pedro: Alam mo ba kung nasaan ang aming guro?
Hesus: SUMAINYO ANG KAPAYAPAAN!
Pedro at Juan: Guro!!!
(Bigla nilang lalapitan si Hesus at luluhod silang yayakap sa magkabila niya. Hahawakan naman sila ni Hesus at
titignan. Ilang saglit lang ay magpapause sila or mag-tatableu na lang)

Narrator 2: “Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O


kamatayan, ang iyong kamandag?” Ang kamandag ng kamatayan ay ang
kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan.
Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo'y binibigyan niya ng
tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!” (Corinto
15:55-57)
Pangwawakas
(Short message or prayer of a priest…)
Or
Narrator 1: Manalangin tayo; makapangyarihan at walang hanggang
Diyos, namatay at matagumpay na muling nabuhay ang Iyong Bugtong na
Anak para iligtas kami sa aming mga kasalanan. Sa Iyong kabutihan, muli
mong buhayin ang Iyong mga tapat na nananampalataya upang makiisa sa
kanya sa buhay na walang hanggang sa langit, kung saan nabubuhay siya
at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen!
Narrator 2: Para sa mga kahilingan ng Santo Papa… Ama namin… Aba
ginoong Maria… Luwalhati… O Panginoon…
Final Blessing… (if possible)

(okay maganda naman ung kabuuan) medyo madami talagang dapat na


ihanda at alalahanin para maging successful toh) kaya yannnnn.
THANKS!

WAKAS

You might also like