Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

9

Filipino
Ikalawang Markahan
Sariling Linangan Kit 4:
Sanaysay
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikalawang Markahan – Sariling Linangan Kit 4: Sanaysay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit

Manunulat: Avelino T. Gapol, Emily Bayla


Editor: Phelma O. Camacho
Tagasuri: Rene P. Sultan, Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld O. Candari, Jemar D. Alinabo
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Mary Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Sangay ng Lungsod ng Davao
Daang E. Quirino, Lungsod Davao
Telepono Bilang (082) 227-4726
9

Filipino
Ikalawang Markahan
Sariling Linangan Kit 4:
Sanaysay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Matutunghayan sa SLK na ito ang sanaysay tungkol sa kababaihan ng


Taiwan na magbubukas sa ating isipan hinggil sa kanilang kalagayan, at sa
pagtatapos ng SLK na ito, inaasahang maisakatuparan mo ang sumusunod:
1. naipaliliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa at paraan ng
pagkakabuo ng sanaysay,
2. naipaliliwanag ang mga salitang di-lantad ang kahulugan batay sa
konteksto ng pangungusap,
3. naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong
isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan,
4. nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
matibay na paninindigan at mungkahi, at
5. nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa
lipunang Asya.

Subukin Natin
Magandang araw sa iyo. Ang iyong dating kaalaman ay masusubukan
sa bahaging ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Bahagi ng
pagsusulit ang pagsunod sa panuto, kaya marapat lamang na basahin ang
panuto bago ka magsimula.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa


sagutang papel.

____1. Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na “nagbago na ang tungkulin


ng mga babae at ito’y lalong naging komplikado”?
A. mapang-akit C. mapanghamon
B. mapagkumbaba D. Malaya

____2. Ano ang paksa ng sanaysay na “Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon


at Noong Nakaraang 50 Taon”?
A. kahalagahan ng kababaihan C. karapatan ng kababaihan
B. kakulangan ng kababaihan D. gampanin ng kababaihan

3
____3. Sa kompanyang Accton Inc. sa halip na tatlong buwan ang
ipinagkaloob nila sa maternity leave ay binago nila ng ilang buwan?
A. 5 na buwan C. isang taon
B. 8 na buwan D. 6 na buwan

____4. Ano ang kaisipan sa pahayag na “Tumaas ang pagkakataon para sa


mga babae pagdating sa edukasyon.”
A. nakaaangat na sila
B. nabigyan ng halaga
C. naging bukas ang isipan
D. malayang makapag-aral at umunlad
____5. Ano ang turing sa mga babae sa Taiwan sa unang kalagayan noong
nakalipas na 50 taon?
A. kasambahay C. matatalino
B. alipin D. mahalaga

Aralin Natin

Sa bahaging ito ay matutunghayan ang isang sanaysay tungkol sa


kalagayan ng kababaihan sa bansang Taiwan. Basahin mo ito nang mabuti.
Ang pagsipat sa mga detalye ng sanaysay ay kapaki-pakinabang sa lubusang
pagkaunawa sa nilalaman nito.

Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon


isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na


mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay
nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan.
Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na
karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng
kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay
makikita sa dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng
kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at
kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa


Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila
ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng

4
kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa
kanilang mababang kalagayan sa tahanan.

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging


komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan
sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang
magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita,
dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang


sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila.
Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng
babae at ang mga kinau-kulan ay handang kumuha ng mga babaeng may
kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na
umangat ang babae sa isang kompanya at nakikita na ring may mga babaing
namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating
sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas
ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa
kalalakihan makalipas ang 50 taon.

At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa


pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc.,
isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa
nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang
gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na
karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.

Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit


itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at
kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan
na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga
sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang
pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang
nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay
matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng
kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at
pantay na karapatan nila sa lipunan.
Hango sa modyul 9 (pahina 125-126) Panitikang Asyano

(posted by admin sa Free Papers: Free Essay on Women in Taiwan: Now & Fifty Years Ago)
http://women-in-taiwan-essay-htm/oct.1,2013

Nalulugod akong natapos mo ang pagbabasa ng sanaysay. Ngayon


natitiyak kong masasagot mo ang mga tanong sa ibaba.

5
Panuto: Piliin ang wastong sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ano ang paksa sa binasa mong sanaysay?


A. kahalagahan ng kababaihan C. karapatan ng kababaihan
B. kakulangan ng kababaihan D. gampanin ng kababaihan

2. Ano ang layunin ng sumulat nito?


A. layunin niyang manghikayat C. layunin niyang magpaliwanag
B. layunin niyang mang-aliw D. layunin niyang magpabatid

3. Ano ang paliwanag sa kaisipang ito: “Ang mga babae ay walang karapatang
magdesisyon dahil sa mababang kalagayan sa lipunan.”
A. ang mga babae ay itinuturing na alipin at sunod-sunuran lamang
B. walang karapatang magbigay ng sariling desisyon ang kababaihan
C. ang mga babae ay kasambahay at taga-alaga ng mga anak
D. itinuturing na mangmang at walang alam sa pagdedesisyon

4. Ano ang masasabi mo sa pagkakabuo ng sanaysay?


A. ito ay hindi seryoso at walang tiyak na paksa
B. gumagamit ng estadistika at mga nakatalang impormasyon sa
paglalahad ng mga detalye
C. seryoso at piling-pili ang mga salitang ginamit
D. malawak ang usapin at hindi madaling maunawaan

5. Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura


ng Silangang Asya?
A. Masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura kapag
ipinakilala ito sa mga mambabasa.
B. Masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura kapag
tinalakay dito ang mga pangyayaring may kaugnayan sa bansa.
C. Masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga pangyayaring may kaugnayan sa kanilang
pamumuhay, gawi, politika at pamamaraan ng pamahaalan.
D. Masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura kapag
tinalakay dito ang kasaysayan.

6
Mga Salitang Nagpapahayag ng Opinyon, Matibay na Paninindigan, at
Mungkahi

Ang kalayaang makapagpahayag ng ating saloobin ay isa sa mga


kalayaan natin bilang isang indibiduwal. Ilan sa mga halimbawa ay
pagbibigay ng opinyon, paninindigan, at mungkahi. Ginagamit natin ang
sumusunod na mga salita o pahayag upang mas maging malinaw ang
ating mensahe at maunawaan ng ating kausap ang saloobin:
imumungkahi ko, maganda sana, marahil ay, mas mabuti kung, bakit
hindi natin subukan, makabubuti siguro, naniniwala ako, para sa akin,
at sa ganang akin.
Hango sa: Gantimpala. Pinagsanib na Wika at Panitikan 9 (pahina 134) - Rivera, Ryan C.
at ng Innovative Education Materials, Inc. (2015).

Gawin Natin
Panuto: Suriin ang mga salita o pariralang may salungguhit sa loob ng
pangungusap na di-lantad ang kahulugan, pagkatapos ay hanapin sa loob ng
kahon ang binigay na paliwanag nito. Titik lamang ang isulat sa patlang.

a. may alam at kayang gawin ang mga bagay-bagay


b. gumagawa ng mga gawaing bahay
c. pagiging tuluyang malaya
d. hindi pinapahalagahan at di patas
e. mga gawaing inilaan sa kanila

___1. Ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper.


___2. Dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.
___3. Karamihan sa mga kompanya ay handing kumuha ng babaeng may
kakayahan.
___4. Mayroon ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa
mga babaeng lider nito.
___5. Malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap na karapatan nila sa
lipunan.

7
Sanayin Natin

Panuto: Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng kaisipan ng may-akda hinggil sa


binasang sanaysay.
(Hango sa modyul 9 pahina 127, Panitikang Asyano)

Magbigay ng mga patunay ayon sa


akdang binasa na nagbago na ang
kalagayan ng kababaihan sa
Taiwan ngayon at noong
nakaraang 50 taon.

Kalagayan Noon Kalagayan Ngayon

____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________

8
Tandaan Natin

Hindi sukatan ang kasarian upang paglaanan ng paggalang at


karapatan ang isang nilalang. Mababasa sa bahagi ng Banal na Aklat sa Efeso
5:22-33 ang mga pahayag na “Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa
gaya ng pagpapasakop n’yo sa Panginoon.” Ang nabanggit na pahayag ay
hindi nito ibig ipakahulugan na tanggalan ng kalayaan at karapatan ang
kababaihan at gawing alipin. Mas mainam at kanais-nais pakinggan na ang
babae ay katuwang at kaagapay sa lahat ng planong isasagawa ng isang
lalaki. Ang pagkamulat sa katotohanan hinggil sa kalagayan ng kababaihan
ay lantad na at malayo na ang narating.

Sa kasalukuyan, umangat na ang kanilang kalagayan sa lipunan at


may mga pagkakataong napantayan o di naman kaya’y naungusan na nila
ang kakayahan ng kalalakihan. Ngunit, ang usaping ito’y hindi nakasentro
sa karerahan kung sino ang matayog at nasa pedestal. Ang tunay na paksa
rito ay mabigyan ng pagpapahalaga ang kalagayan ng kababaihan at pantay
na karapatang-pantao ang bawat isa na hindi tinitingnan kung ano at sino
siya. Paggalang at respeto sa karapatang mamuhay nang tahimik at
matiwasay ang hangad ng sinoman, na kung tutuusin ay libre at madaling
maipagkaloob kung nanaisin lamang natin.

Tandaan din natin na tayo ay malaya na sa pagpapahayag ng sariling


kaisipan. Ito ay makikilala sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi.
Halimbawa nito ay sa ganang akin, makabubuti siguro, marahil at iba pa.

9
Suriin Natin

Panuto: Ipaliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa; at paraan ng


pagkakabuo ng sanaysay. Isulat sa patlang ang titik ng mapili mong sagot.

____1. Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na “nagbago na ang tungkulin


ng mga babae at ito’y lalong naging komplikado”.
A. mapang-akit C. mapanghamon
B. mapagkumbaba D. Malaya

____2. Ano ang paksa ng sanaysay na “Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon


at Noong Nakaraang 50 Taon”.
A. kahalagahan ng kababaihan C.karapatan ng kababaihan
B. kakulangan ng kababaihan D. gampanin ng kababaihan

____3. Sa kompanyang Accton Inc. sa halip na tatlong buwan ang


ipinagkaloob nila sa maternity leave ay binago nila ng ilang buwan?
A. 5 na buwan C. isang taon
B. 8 na buwan D. 6 na buwan

____4. Ano ang kaisipan sa pahayag na “Tumaas ang pagkakataon para sa


mga babae pagdating sa edukasyon.”
A. nakaaangat na sila
B. nabigyan ng halaga
C. naging bukas ang isipan
D. malayang makapag-aral at umunlad

____5. Ano ang turing sa mga babae sa Taiwan sa unang kalagayan noong
nakalipas na 50 taon?
A. kasambahay C. matatalino
B. alipin D. mahalaga

10
Payabungin Natin

A. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga salitang di-lantad ang kahulugan batay


sa konteksto ng pangungusap.

1. Nagbago ng tungkulin ang mga babae sa bansang Taiwan.


Paliwanag: __________________________________________________________

2. Hiling ng mga babae ang pantay na karapatan.


Paliwanag: __________________________________________________________

3. Tinalakay sa sanaysay ang mababang kalagayan nila.


Paliwanag: __________________________________________________________

4. Lalong naging komplikado ang gampanin ng mga babae.


Paliwanag: __________________________________________________________

5. Sa ikalawang kalagayan ng mga babae ay higit na mapanghamon.


Paliwanag: __________________________________________________________

B. Isulat sa patlang ang Tama kung sa tingin mo ay wasto ang


pagpapaliwanag sa mga kaisipan, layunin, paksa; at paraan ng
pagkakabuo ng sanaysay, at Mali naman kung sa tingin mo ay di-wasto.

_______1. Ang layunin ng sanaysay na binasa ay ang magpabatid sa tunay


na kalagayan ng kababaihan sa bansang Taiwan.

_______2. Ang uri ng sanaysay na binasa ay pormal, sapagkat ang pahayag


ay maingat na tinalakay kaya’t ito ay mabisa.

_______3. Naging magaan ang gampanin ng mga babae kung ihahambing


noon.

_______4. Tinalakay din sa sanaysay ang turing sa mga babae bilang nasa
pedestal.

_______5. Nasa katapusang bahagi ng sanaysay mababasa ang bilang ng


populasyon ng kababaihan.

_______6. Ang paksa ng binasang sanaysay ay tungkol sa mga tagumpay


na nakamit ng mga babae.

11
_______7. Sa kalagitnaan ng sanaysay matutunghayan ang dalawang
mabibigat na gampanin ng mga babae.

_______8. Ang pagbabago ng batas para sa pangangalaga ng kababaihan


ay nakikita na rin.

_______9. May mga kompanya ang nagkaroon ng posisyon para sa mga


babae.

_______10. Wala ng dapat pang baguhin hinggil sa kalagayan ng


kababaihan sa bansang Taiwan.

C. Gamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na


paninindigan at mungkahi, ipahahayag ang iyong sariling pananaw
tungkol sa isang napapanahong isyu sa talumpati ni pangulong Rodrigo
R. Duterte na nagpapahayag ng matibay na paninindigan. Basahin ang
ilang pamantayan sa pagsulat ng iyong mga puna.

“As a lawyer and former persecutor, I know the limits of the power
and authority of the president. I know what is legal and what is not. My
adherence to due process and the rule of law is a compromising. You mind
your work and I will mind mine. Malasakit, tunay na pagbabago, tinud-
anay ang kausaban. This are the words which catapulated me to the
presidency but that change if it is to be permanent and significant must start
with us and in us. Do them and we will work together. Do not do them we
will part sooner than later. Why am I here, hindi ito kasali diyan the past
tense was, I am here because I love my country and I love the people of the
Philippines. I am here why? Because I am ready to start my work for the
nation”

(https://www.youtube.com/watch?v=a6MJWtH_pHU)

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

12
Pamantayan sa Pagsulat

25 20 15 10
Hindi gaanong
Maraming
Napakahusay at Mahusay at mahusay at
kakulangan na
napakalinaw ng malinaw ang hindi gaanong
Nilalaman kailangang
pagkakalahad pagkakalahad malinaw ang
bigyan ng
ng mga puna. ng mga puna. pagkakalahad
pansin.
ng puna.
Hindi gaanong
Hindi maayos
Higit na maayos Maayos at maayos at hindi
at walang
at sistematiko sistematiko ang gaanong
Sistematiko sistema sa
ang pagkakabuo pagkakabuo ng sistematiko ang
pagkakabuo ng
ng mga ideya. mga ideya. pagkakabuo ng
mga ideya.
mga ideya.

Hindi ganong
Hindi
Organisado at Maayos at organisado at
organisado at
sinuring mabuti sinuring mabuti hindi gaaong
hindi sinuring
ang ang sinuring mabuti
Presentasyon mabuti ang
pagkakasunod- pagkakasunod- ang
pagkakasunod-
sunod ng nga sunod ng nga pagkakasunod-
sunod ng nga
kaisipan. kaisipan. sunod ng nga
kaisipan.
kaisipan.

Tama ang
Tama ang
Tama ang baybay ngunit Hindi wasto
Wastong bantas ngunit
pagkakabaybay may ilan na ang baybay at
Baybay at may ilang
at gamit ng mga hindi na gamit paggamit ng
Banta kamalian sa
bantas. ng wasto ang mga bantas.
baybay.
mga bantas.

(https://www.youtube.com/watch?v=CLSFm6RDnOA)

13
Pagnilayan Natin

Sumulat ng isang argumento o editoryal na maglalahad ng iyong


opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi tungkol sa napapanahong
isyung panlipunan na ibinigay sa ibabang bahagi. Basahin ang ilang
pamantayan sa gagawin mong argumento o editoryal.

Isyu/Paksa: Pagbabawal sa pagmimina at illegal logging.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagsulat ng Editoryal

Tatayain ang iyong editoryal batay sa sumusunod na pamantayan:


A. Mapanghikayat ………………………………. 5%
B. Makatotohanan ………………………………. 5%
C. Kaangkupan sa Paksa………………………. 15%
D. Kawastuhan ng balangkas…………………… 5%
Kabuoan…………………………………………. 25%

Binabati kita dahil natapos mo ang panlimang Sariling Linangan Kit


para sa ikalawang markahan na kung saan ito ay tungkol sa sanaysay.

14
15
Payabungin Natin Suriin Natin
B. 1. C
1. Tama 2. C
2. Tama 3. C
3. Mali 4. D
4. Mali 5. A
5. Mali
6. Mali
7. Tama
8. Tam
9. Tama
10. Mali
Gawin Natin Aralin Natin Subukin Natin
1. b 1.C 1. C
2. e 2. D 2. C
3. a 3. A 3. C
4. d 4. B 4. D
5. c 5. C 5. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Peralta, Romulo N. et.al. Panitikang Asyano (2014). 2nd Floor Dorm G,


Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600

Rivera, Ryan C. at ng Innovative Education Materials, Inc. (2015). Gantimpala


IEMI Building, 2356 Revellin St. Sta. Ana, Manila

https://www.youtube.com/watch?v=a6MJWtH_pHU.

https://www.youtube.com/watch?v=CLSFm6RDnOA

16
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like