Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 113

ISSN: 2507-8348

Inilalabas nang dalawang beses bawat taon ang isyu ng dyornal.


Copyright © Ateneo de Manila University
Ang Katipunan ay isang open-access na dyornal, na inilalathala ng Ateneo de Manila
University. Ang mga nilalaman nito ay hindi maaaring kopyahin o ipadala sa email o iba
pang paraan sa iba’t ibang website at ipaskil sa isang listserv nang wala ang isang nakasulat
na permiso mula sa may-ari ng copyright. Maaaring ma-download at ma-print ang mga
artikulo para lamang sa indibidwal at di-pangkomersiyong gamit. Para sa higit pang
paggamit ng akdang ito, maaaring maabot ang tagapaglathala sa katipunan@ateneo.edu.
Alang-alang sa kalayaan, nananatili sa mga awtor ang copyright ng kanilang mga akda,
bagamat hinihikayat silang hindi ulitin ang katulad na bersiyon sa iba pang lathalain.

Kasaysayan ng Dyornal
Unang inilabas ang dyornal noong 1971, na may pamagat na Katipunan: Dyurnal ng
Panlipunang Sining at Agham, sa ilalim ng pamamatnugot ni Nicanor Tiongson, at mga
katuwang na patnugot na Bienvenido Lumbera at Virgilio Almario. Bahagi ito ng mga
publikasyon sa ilalim ng Paaralan ng Sining at mga Agham ng Pamantasang Ateneo de
Manila. Nakapaglabas ang dyornal ng apat na isyu, at itinigil ang pagpapatakbo nito sa
pagtatapos ng taong 1971.
Alinsunod sa tunguhing panindigan at payamanin ang araling Filipino at mga
lokal na kaisipan at pag-aaral, nilalayon ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang
Ateneo de Manila na ipagpatuloy ang mga pagsisikap para sa aralin at pananaliksik na
Filipino na pinasimulan ng dating dyornal, sa pamamagitan ng mga interdisiplinaryo
at multidisiplinaryong dulog sa pagharap sa mga kaisipan at isyung kaugnay sa wika,
panitikan, sining, at kultura.

Tuon at Saklaw
Bilang isang dyornal na dumaan sa pagkilatis ng mga kapwa dalubhasa, naglilimbag
ang Katipunan ng pinakabagong pananaliksik na isinusulong ang paggamit ng wikang
Filipino sa kritikal na pananaliksik at akademikong diskurso, at nililinang ang larang ng
araling Filipino. Higit pa sa paglalapat ng pampanitikan at kritikal na teorya, tinuturol
ng paninindigang interdisiplinaryo ng dyornal ang pagkaunlad ng kabang kaalaman
na gumagamit sa karanasang Filipino sa pag-unawa ng mga kategorya ng global at
internasyonal. Inilalabas nang dalawang beses bawat taon ang isyu ng dyornal.

Hinggil sa Proseso ng Pagpapasa at Paglalathala


Bisitahin ang https://ajol.ateneo.edu/katipunan/contribute

ii | Katipunan 10 (2022)
Katipunan 10
2022
ISSN: 2507-8348

https://ajol.ateneo.edu/katipunan

Tagapaglathala
Kagawaran ng Filipino
3/F Dela Costa Hall
School of Humanities
Ateneo de Manila University
Loyola Heights, Quezon City
Telepono: +632 426 6001 loc. 5320
Telefax: +632 426 6001 loc. 5321
Email: katipunan@ateneo.edu

Komiteng Patnugutan
Alvin B. Yapan (Pangkalahatang Patnugot)
Christian Jil R. Benitez (Katuwang na Patnugot)

Lupong Patnugutan
Genevieve A. Clutario (Harvard University)
Martin F. Manalansan III (University of Minnesota)
Robert G. Diaz (University of Toronto)
Christine B. Balance (Cornell University)
Allan P. Isaac (Rutgers School of Arts and Sciences)
Lucy Mae S.P. Burns (University of California, Los Angeles)
Shi Yang (Peking University)
Ruth Elynia Mabanglo (Professor Emeritus, University of Hawaii at Manoa)

Mga Kawani
Harvey James G. Castillo (Copyeditor)
Aunard B. Rabe (Layout at Dibuho ng Pabalat)
Rosalinda M. Gatchalian (Tagapag-ugnay)
Allan A. De Vera (Tagapag-ugnay)

Katipunan 10 (2022) | iii


Tungkol sa Pabalat
Kuhang larawan ni Clefvan S. Pornela ng mga hinulmang barya ni Alejandro Levacov
ng Portable Monument to Anonymous Emigrant Filipino Workers, 2021. Imahen mula
sa Ateneo Art Gallery. Kabahagi ang likhang sining ng eksibit na Muntadas: Exercises
on Past and Present Memories ni Antoni Muntadas na muling ilulunsad ng Ateneo Art
Gallery sa ika-25 Marso hanggang 3 Hulyo 2023.

iv | Katipunan 10 (2022)
Nilalaman

Mga Panimula
Ang Dayuhang Sarili 1
Alvin B.Yapan

Mga Artikulo
Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 4
at Pananaliksik ng Pilipinas sa Tsina
Current Pedagogy on the Filipino Language and Research on the
Philippines in China
Yi Huang

Ilang Konseptong Kultural sa Filipino Mula 15


sa Perspektiba ng Rusong Estudyante
Some Cultural Concepts in the Filipino Language from the
Perspective of a Russian Student
Victoria Zakharova, Danila Simonenkov, Dmitry Pamikov,
at Ekaterina Baklanova

Pagtuturo ng Wikang Filipino sa Pransiya 27


Teaching the Filipino Language in France
Raissa Cabrera

Katipunan 10 (2022) | v
Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik sa Panggitnang 37
Wika ng mga Hapones, Koreano, at Tsinong Mag-aaral ng
Wikang Filipino
Cross-Linguistic Influences in the Interlanguage of Japanese,
Korean, and Chinese Learners of the Filipino Language
Ronel O. Laranjo

Apat na Tanong Tungkol sa Pagtuturo ng Wikang Filipino 56


sa Bansang Hapon
Four Questions on Teaching the Filipino Language in Japan
Naonori Nagaya

Ateneo Art Awards 2022


Gawad Purita Kalaw-Ledesma sa Suring-sining
Nanalong Lahok sa Filipino
Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 64
ng Nagpapatuloy na Kasaysayan sa Global na Lipunan:
Pagturing sa Eksibisyong Gintong Liwayway: Sining ng
Progresibong Pagbabago
Memory as a Global Consciousness of Continuing History
in Global Society: Considering the Exhibition Gintong Liwayway:
Sining ng Progresibong Pagbabago
Gian Carlo Delgado

Mga Rebyu

Ang Marami Naming Sála 88


Our Many Trespasses
Eileen Legaspi-Ramirez

vi | Katipunan 10 (2022)
Pakikipanahong Pagbasa: Rebyu sa Isang Dalumat ng
Panahon ni Christian Benitez
Contemporaneous Reading: Review of Christian Benitez’s Isang
Dalumat ng Panahon 98
Nathanielle John Torre

Katipunan 10 (2022) | vii


viii | Katipunan 10 (2022)
Yapan | Panimula 1

Ang Dayuhang Sarili


Alvin B.Yapan

Bilang ikasampung isyu mula nang muling ilunsad ang dyornal na Katipunan noong 2016,
isang espesyal na isyu ang naririto ngayong “Global na Filipino.” Minarapat ng patnugutan
na itanghal ngayon dito ang mga pagpupunyagi ng iba’t ibang institusyon na pag-aralan at
pagyamanin ang wikang Filipino, at linangin ang larang ng Araling Filipino sa iba’t ibang
panig ng mundo. Kinikilala ng ganitong galaw sa pananaliksik ang halaga ng kapanabay
na pag-aaral ng/sa Filipino nang palabas sa bansa, at hindi lamang paloob sa paglinang
naman ng iba’t ibang wika sa kapuluan. Nararapat lamang na magkasabay ang ganitong
mga galaw ng pananaliksik nang hindi rin maging makitid ang pagkaunawa at pagkaunlad
ng larang ng Araling Filipino. May pangangailangang ipakita na hindi lamang sa maraming
wika ang matatagpuan sa loob ng kapuluan, bagkus na marami ring mga wikang Filipino
batay sa pagkakaunawa at pagkakagamit nito sa pakikiugnay sa iba pang mga wikang
pandaigdig. Hindi lamang iisa ang wikang Filipino, sa loob man o sa labas ng bansa.
Ipinagmamalaki ngayon ng kasalukuyang isyu na maitanghal dito ang mga pag-aaral
sa wika at kulturang Filipino sa Rusya, Pransiya, Bahrain, Estados Unidos, Timog Korea,
Tsina, at Japan. Mahalagang mabasa dito kung paano yumayabong ang interes sa wika
at araling Filipino sa kalakhang Asya. Nanguna dito ang programa ng Araling Filipino na
itinatag sa Peking University noon pang 1985. Binuksan naman sa Tokyo University of
Foreign Studies (TUFS) ang unang kurso sa wikang Filipino sa Japan noong 1992 sa ilalim
ng programang Southeast Asian. Nanguna sa Europa ang Institut National des Langues
et Civilisations Orientales (INALCO) sa pag-aaral sa wika at kabihasnang Filipino, nang
maitatag ni Marina Pottier-Quirolgico ang seksiyon sa pagtuturo ng wikang Filipino noong
1965. Nakatutuwa na may dalawa ring programa sa wikang Filipino ang bansang Rusya,
kabilang na dito ang nasa Moscow State University (MSU) na mababasa sa kasalukyang
isyu. Nagtuturo na ng mga klase sa Filipino sa MSU noon pang 1957 sa pangunguna ni
Vladimir Makarenko. Maganda ring mabanggit dito na may kakatatag pa lamang na
programa ng Araling Filipino sa Germany nito lamang 2019 sa Institute of Asian and
African Studies sa Humboldt University. Namamayagpag din ang mga pag-aaral sa wikang
Filipino sa Gitnang Silangan, sa mga paaralan katulad ng Filipino Institute at Philippine
School Bahrain. Hindi naman siyempre pahuhuli ang napakaraming programa sa wika at
araling Filipino sa Estados Unidos, kabilang na dito ang programa sa wika at kulturang
Filipino sa University of Hawai’i sa Mānoa. Matagal na ring may ugnayan ang Kagawaran
ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Peking University, sa Advanced Filipino
Abroad Program (AFAP) ng University of Hawai’i sa Manoa, at sa Casa Bayanihan ng
University of San Francisco. Umaasa lamang ang Kagawaran ng Filipino na higit pang
dumami ang ganitong pakikiugnay ng pamantasan sa iba’t ibang programa ng wika at
araling Filipino sa iba pang mga institusyon.
Nakagugulat marahil sa mga mag-aaral na Filipino na may ganitong interes sa wika
at kulturang Filipino sa ibang bansa, gayong sa sariling bansang Pilipinas mismo hindi
makita ng karaniwang estudyante ang praktikal na kapakinabangan ng pag-aaral nito.
Maganda rin kung gayon obserbahan kung saan nakaugat ang interes ng ibang bansa sa
ating wika at kultura. Una, nandiyan ang pagpapatibay ng kultural na ugnayan tungo sa

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Yapan | Panimula 2

negosyo at pakikipagkalakalan. Nagiging mahalaga ang pag-aaral sa iba pang mga wika
upang maunawaan ang kanilang kultura’t likaw ng pag-iisip. Hindi gaano nahahalata
ang ganitong pangangailangan sa bansa dahil sa pagsalalay natin sa wikang Ingles sa
pakikiugnay sa ibang dayuhang kultura. Ngunit kapansin-pansin sa mga mababasa ditong
sanaysay na may higit na epektibong pamamaraan sa pakikiugnay sa ibang dayuhang
kultura, at ito ang pagtatangka parati na maging multi-lingguwal. Makikita ang ganitong
takbo ng pag-aaral tungo sa pagtatanghal ng global sa pamamagitan ng pagsusuri sa lokal
sa ginawang pagtatasa ni Gian Delgado sa eksibit pansining na Gintong Liwayway: Sining
ng Progresibong Pagbabago, maging sa naging rebyu ni Nathanielle Torre sa librong
Isang Dalumat ng Panahon ni Christian Benitez. Nakalulungkot na masasabi nating
multi-lingguwal ang mga Pilipino sa loob ng bansa niya, ngunit hindi pagdating sa labas
ng bansa. Magandang pangarapin sa mga mababasa ditong sanaysay ang pakikiugnay na
multi-kultural nang hindi ipinadadaan lamang ang nasabing multi-kulturalismo sa iisang
wikang Ingles. Kapansin-pansin ang ganitong motibasyon sa isinalaysay ni Yi Huang
sa pag-aaral ng wikang Filipino sa Peking University, at ni Naonori Nagaya sa Tokyo
University of Foreign Studies.
Ikalawa, nandiyan naman ang pag-uugat sa wikang Filipino bilang pamanang wika
para sa mga migranteng Filipino o anak ng mga Pilipino na nakapangasawa ng mga
dayuhan. Kapansin-pansin naman ang ganitong mga motibasyon sa pagsasalaysay ni
Raissa Cabrera sa Institut National des Langues et Civilisations Orientales (INALCO).
Hindi nakapagtataka kung ganito rin ang magiging obserbasyon sa mga institusyong pang-
edukasyon sa Gitnang Silangan. Kapansin-pansin na mga Overseas Filipino Worker (OFW)
o mga anak nila ang kalakhang populasyon ng mga mag-aaral ng wikang Filipino sa Filipino
Institute at Philippine School of Bahrain. Masasabing sa pagiging globalisado ng paggawa
ng mga Pilipino, nagiging mahalaga rin na makasabay dito ang pagiging globalisado rin
ng pag-aaral sa wika at kulturang Filipino. Sa ganitong tunguhin nagiging mahalaga na
mapasama rin sa kasalukuyang isyu ang naging kritikal na ebalwasyon ni Eileen Legaspi-
Ramirez sa eksibit na Manila-Sevilla: Exercises on Past and Present Memories ni Antoni
Muntadas, na nagbibigay-pansin sa pangingibang-bayan ng mga Pilipino.
Nang ilabas ng dyornal ang bukas na panawagan para sa mga papel sa “Global
na Filipino,” inaasahan naming makatutulong ang mga mababasa ditong artikulo sa
komparatibong pagpapahalaga sa magkakaibang direksiyon, tuon at metodo ng araling
Filipino sa iba’t ibang panig ng mundo. Naging mahalaga na sa pagtanggap namin sa mga
ipinasang artikulo dito na hindi namin pakialaman ang mga nakasanayan at natutuhan
nang sintaks at diksiyon ng mga ipapasang artikulo, na isinulat ng mga iskolar, guro, at
mananaliksik sa kani-kaniyang partikular na kultural na kalagayan. Sa halip na baguhin at
rebisahin tungo sa estandardisasyon ng wikang Filipino, magiging maganda at mabunga
kung oobserbahan at pag-aaralan ang pag-aangkop ng wikang Filipino upang ilarawan
ang ibang mga kultural na kalagayan, na ipinadadaloy sa ibang dila. Sa ganitong gana,
napakagandang basahin ang artikulo nina Victoria Zakharova, Danila Simonenkov, Dmitry
Pamikov, at Ekaterina Baklanova upang obserbahan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
kulturang Filipino at Ruso.
Bilang panghuli, magiging maganda ring sanggunian ang kasalukyang isyu ng dyornal
sa kung anong mga libro ang binabasa sa iba’t ibang bahagi ng daigdig upang unawain ang
kulturang Filipino. Makikita rin dito ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo ng wikang
Filipino bilang dayuhang wika. Halimbawa, nagiging mahalaga ang artikulo ni Ronel

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Yapan | Panimula 3

Laranjo sa pagbibigay-pansin sa larang ng pag-aaral sa pagkakalikha ng interlanguage


sa pagkatuto ng wikang Filipino ng mga estudyanteng Tsino, Hapon, at Koreano. Hindi
malayong sabihin na nandito sa pagkakalikha ng interlanguage nagaganap ang mga
negosasyong kultural at panlahi sa pagtatagpo ng iba’t ibang wika na humahantong sa
pagdanas ng heterogeneity. Ibig sabihin, nakatutuwang matuklasan sa kasalukuyang
isyu ng “Global na Filipino” na hindi lamang natin makikilala ang sarili natin mula sa
mga mata ng dayuhan, kung hindi mararamdaman din natin sila sa kung paano nila tayo
tinitiningnan bilang isang lahi; kumbaga, may ibang kaalaman ding nalilikha na makilala
natin ang ating mga sarili bilang isang dayuhan, at hindi lamang sa mga mata ng dayuhan.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Huang | Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 4

Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino


at Pananaliksik ng Pilipinas sa Tsina
Current Pedagogy on the Filipino Language and Research on the Philippines
in China

Yi Huang
Peking University
huangyi@pku.edu.cn

Abstrak
Sa mga nagdaang taon, ang domestikong pangangailangan para sa pagsasanay sa talento
ng pagsasalita ng Filipino pati na ang pag-aaral nito ay sumisikat. At ang iba’t ibang
kagawaran, negosyo, at institusyon ay may agarang pangangailangan para sa nasabing
mga talento. Ang Peking University ang unang unibersidad sa Tsina na nagturo ng wikang
ito. Sa ilalim ng pamumuno ng nasabing unibersidad, ang mga programa ukol sa wika
at kultura ng Pilipinas ay umusbong sa Tsina. Ang ganitong modelo ng propesyonal na
konstruksiyon at ang pag-unlad na nag-uugnay sa mga domestikong unibersidad ay
nagdala ng bagong sigla sa mga pananaliksik ukol sa Pilipinas.
In the previous years, the domestic need for developing talent in speaking, including research,
in Filipino is on the rise. And various departments, businesses, and institutions have urgent
needs for these talents. Peking University is the first university in China to teach this language.
Under the leadership of this university, the programs on the language and culture in the
Philippines developed in China. This model of professional construction and development
linked to domestic universities brought new interest to research on the Philippines.

Mga Susing-salita
wikang Filipino, pagtuturo, pananaliksik, unibersidad
Filipino language, teaching, research, university

Tungkol sa May-akda
Si Yi Huang, PhD ay isang lektor sa Seksiyon ng Pagtuturo at Pananaliksik ng Wikang
Filipino sa School of Foreign Languages, Peking University. Ang kaniyang pangunahing
larangan ng pananaliksik ay ang wikang Filipino, kasaysayan at mga panitikan ng Pilipinas.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Huang | Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 5

Paunang Salita
Sa konteksto ng patuloy na pagsulong ng pagkukusang “Belt and Road” sa Timog-
Silangang Asya, ang pangangailangan para sa mga talento na marunong sa mga wikang
di-palasak ay lumalakas. Ang bansa namin ay may malawak na kooperasyon sa maraming
bansa sa mga larangan ng agrikultura, enerhiya, proteksiyon sa kapaligiran, konstruksiyon
ng impraestruktura, turismo, pananalapi, pamumuhunan, information technology, atbp.
Nangangailangan ang bansa ng malaking bilang ng mga dalubhasa na may talento sa
mga wika. Higit na maganda pa nga kung kabilang sa mismong pamayanang pangwika
ang dalubhasa, at may kahusayan sa isa pang tiyak na larangan. Isaalang-alang natin
ang mga kolehiyo at unibersidad na nag-aalok ng wikang Filipino. Bago ang 2017, ang
Peking University lamang ang may Philippine Studies Program sa Tsina. Mula noong 2017,
maraming kolehiyo at unibersidad na ang nagtatag ng Philippine Studies majors, at ang
bilang ng pagrekrut ng mga mag-aaral sa mga programang ito ay patuloy na lumawak.
Ang pagpapatibay ng mga mapagkukunan ng wika sa inisyatibang “Belt and Road,”
na layong magreserba ng mga talentong mahilig sa mga wikang di-palasak ay hindi
lamang isang pambansang misyon, ngunit isang pagkakataon na rin para sa mga kolehiyo
ng wikang banyaga na palawakin ang kanilang puwang sa pag-unlad. Ang pangunahing
tanong sa pagsasaliksik ng artikulong ito ay ang kasalukuyang sitwasyon ng pagtuturo ng
wikang Filipino at ang pananaliksik ng Pilipinas sa Tsina. Natuklasan ko at natunghayan
na may pagpipilit ng pag-unlad ng mga wikang di-palasak sa bansa, at may pagtaas ng
pangangailangan sa mga propesyonal na Pilipino sa pangkalahatang kapaligiran. Dapat
natin kung gayon palakasin ang ganitong nagaganap na konstruksiyon upang matutugunan
ang mga pangangailangang panlipunan at makisabay sa tulin ng pambansang kaunlaran.

Ang Kasalukuyang Kalagayan ng Philippine Studies Program


sa Tsina
Ang “Philippine Studies Program” ng Peking University ay kabilang sa Kagawaran ng
Pag-aaral sa Timog-Silangang Asya (dating Kagawaran ng Oriental Studies) ng School of
Foreign Languages, Peking University. Ito ang unang yunit na nagsagawa ng Philippine
Studies sa mga kolehiyo at unibersidad sa Tsina. Itinatag noong 1985, ang programa ay
orihinal na tinawag na Programa ng Wikang Tagalog. Binago ito sa kasalukuyan nitong
pangalan noong 1988. Ito ang unang institusyon sa Tsina na nagtuturo ng wikang Filipino
at isa sa ilang institusyong nagdadalubhasa sa Pilipinas. Ayon sa programa ng propesyonal
na pagsasanay, ang programa namin ay pangunahing nililinang ang mga talento ng mga
diplomat, mangangalakal sa dayuhan, namamahala ng negosyo na nauugnay sa dayuhan,
mga nagsasahimpapawid sa radyo, mga nauugnay sa pagtuturo, at mga nagsasaliksik at
nagsasalin ng Filipino para sa bansa. Ang mga pangunahing kurso ay ang mga sumusunod:
wikang Filipino, Filipinong pasalita at pakikinig, pagsusulat, gramatika, pagsasalin at
iba pang mga kasanayan sa wika. Pati na rin ang mga propesyonal na kurso tulad ng
kasaysayan, kultura, at panitikan, ay kabilang sa kurikulum namin.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Huang | Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 6

Oras/
Kurso Semestre
Linggo

Basic Filipino 1 10 Ika-1 sem

Basic Filipino 2 10 Ika-2 sem

Basic Filipino 3 10 Ika-3 sem

Basic Filipino 4 10 Ika-4 sem

Basic Filipino 5 4 Ika-5 sem

Basic Filipino 6 4 Ika-6 sem

Audiovisual Filipino 1 2 Ika-3 sem

Audiovisual Filipino 2 2 Ika-4 sem

Audiovisual Filipino 3 2 Ika-5 sem

Audiovisual Filipino 4 2 Ika-6 sem

Filipino Pagsasalin 1 2 Ika-5 sem

Filipino Pagsasalin 2 2 Ika-6 sem

Filipino Balarila 2 Ika-6 sem

Filipino Pagsuslat 2 Ika-5 sem

Pangkalahatang Kalagayan ng Pilipinas 2 Ika-2 sem

Kulturang Pilipino 2 Ika-4 sem

Katutubong Kaugaliang Pilipino 2 Ika-7 sem

Relihiyon ng Pilipinas 2 Ika-7 sem

Kasaysayan ng Pilipinas 2 Ika-4 sem

Makabagong Kasaysayan ng Pilipinas 2 Ika-7 sem

Politika at Ekonomiya ng Pilipinas 2 Ika-5 sem

Folk Literature ng Pilipinas 2 Ika-5 sem

Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas 2 Ika-6 sem

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Huang | Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 7

Mga Piling Babasahin ng Panitikang Pilipino 2 Ika-8 sem

Mga Piling Babasahin ng Maikling Kuwento ng


2 Ika-8 sem
Pilipinas
Kasaysayan ng Mga Komunikasyon sa Pagitan ng
2 Ika-8 sem
Tsina at Pilipinas

Mga Isyung Tsino ng Pilipinas 2 Ika-8 sem

Mga Napiling Babasahin sa Mga Pahayagang Pilipino 2 Ika-6 sem

Pagsasaliksik ni Rizal 2 Ika-7 sem


Talahanayan 1. Listahan ng mga kurso sa Philippine Studies Program ng PKU

Noong nakaraan, ginagamit ng major namin ang mga aklat na mula pa sa Pilipinas.
Kabilang na rito ang Conversational Tagalog, Alpabeto ng Balarila, Pilipinas: Bayan Ko,
Let’s Converse sa Filipino, atbp. Mula noong 2017, ang Peking University ay naglathala na
ng kauna-unahang teksbuk sa Filipino na Wikang Filipino. Ang teksbuk na ito ay binubuo
ng apat na volume. Ang unang tatlong volume ay nailimbag noong 2017 at 2018. At ang
ikaapat na volume ay nailimbag naman noong Setyembre 2021.
Sa dumaraming pangangailangan para sa mga talento ng Filipino sa iba’t ibang
industriya, ang bilang ng mga nagmamajor sa Filipino sa bansa ay mabilis ding lumago.
Kasabay nito, ang mga pag-aaral ng Filipino ay mabilis ding umunlad. Noong 2017, sunod-
sunod na itinatag ng Beijing Foreign Studies University at Yunnan Nationalities University
ang mga major nito sa Filipino. Noong 2018, nagtatag din ang Xi’an International Studies
University ng mga kurso sa Filipino. Upang matugunan ang mga pangangailangan ng
nasabing mga institusyon sa posisyon, ang ilang mga yunit ay direktang pumili ng mga
mag-aaral mula sa Peking University na hihirangin para sa pagsasanay. Sa ngayon, tatlong
kolehiyo at unibersidad pa sa buong bansa ang naitatalang nagtatag ng mga Philippine
Studies Program. Kasabay nito, malinaw na ipinahayag din ng Shanghai International
Studies University, Guangdong University of Foreign Studies, Yunnan University, at
iba pang mga unibersidad, ang kanilang mga plano na magtayo ng Philippine Studies
Program sa mga susunod na taon. Bilang karagdagan, ang Peking University, Jinan
University, Guangxi University, Guangxi University para sa Nasyonalidad, Hainan Normal
University, at iba pang mga unibersidad ay nagtaguyod din ng mga sentro ng pananaliksik
ukol sa Pilipinas upang itaguyod ang domestikong pananaliksik sa politika, ekonomiya at
panlipunang kondisyon ng Pilipinas. Kaugnay nito, kung paano gagawing mas mahusay
ang pag-unlad ng propesyon sa nasabing mga institusyon, kung paano mapapabuti ang
kalidad ng mga talento sa umuusbong na mga propesyon, at kung paano itataguyod pa ang
mga pag-aaral sa bansang Pilipinas, ay naging pangunahing mga pagsasaalang-alang din
para sa Philippine Studies Program ng mismong Peking University.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Huang | Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 8

High-Quality Compound Filipino Talent Training Model


sa PKU
Magtatag ng Paraan para sa mga Talentong Internasyonal
May matagal nang nagsisiyasat ng pagtuturo para sa mga undergraduate ng Philippine
Studies Program ng PKU. Sa mga unang batch, dahil sa limitadong bilang ng mga guro,
ang mga guro ay taga-Pilipinas. Ang kalamangang idinulot nito ay naging mahusay sa
pakikinig at pagsasalita ang mga mag-aaral. Ngunit ang kanilang pag-unawa sa kulturang
Filipino ay hindi naging lubusan at obhektibo. Dahil ang mga full-time na gurong taga-
Pilipnas ay kadalasang mahusay sa wika, panitikan at iba pang larangan, ang pagpapakilala
sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas ay naging simple at may kahahalataang personal
na ugnayan. Pagkatapos nito, binago ang modelo ng pagtuturo. Ang mga gurong taga-
Pilipinas ay responsable sa pagtuturo ng mga kasanayan sa wika para sa mga freshman. At
ang mga gurong Tsino ay responsable sa pantulong na pagtuturo. Higit sa lahat, ipinakilala
ng mga gurong Tsino ang mga kursong pangkultura kagaya ng Pangkalahatang Kalagayan
ng Pilipinas, at kasaysayan ng Pilipinas sa mga mag-aaral.
Pagkatapos ng ilang taong paggalugad, iniulat ng mga mag-aaral na ang pagpapakilala
ng mga gurong Filipino ng gramatika ng Filipino sa pamamagitan ng wikang Ingles at
Filipino ay hindi umaayon sa mga kaugalian sa pag-aaral ng wikang banyaga ng mga mag-
aaral na Tsino. At ito ay naging sanhi ng kaalaman ng gramatika ng mga mag-aaral na
relatibong nakalilito at hindi matatag; at ang teorya sa pagsasanay ay hindi naging sapat.
Bilang resulta, binago ng programa ang pag-iisip nito sa pagtuturo. Sa ilalim ng
background ng reporma ng unibersidad ng undergraduate studies, ang ilang mga
kursong Filipino ay naisiksik, at ang mga mag-aaral ay mas hinimok na tanggapin ang
General Education strand at pumili ng mga kurso mula sa iba pang mga kagawaran. Sa
mga propesyonal na kurso, responsable ang mga gurong Tsino para sa pagtuturo ng mga
kursong wika na may mababang antas na maglalatag ng isang matatag na pundasyon
para sa mga mag-aaral sa simula. Ipakikilala pagkatapos ang mga gurong Filipino sa mga
sophomore upang mapabuti ang kanilang kasanayan sa wika. Ang mga junior student
naman ay bibigyan ng pagkakataon upang mag-aral mismo sa Pilipinas. Kapag umabot na
ang kanilang kahusayan sa wika sa tugatog, babalik sila sa kampus para sa paghahanap ng
trabaho, pagpasok sa postgraduate na paaralan, atbp. Sa usapin ng hanapbuhay, ang mga
mag-aaral na graduate sa amin ay nagtataglay hindi lamang ng matibay na kasanayan sa
komunikasyon, pamilyaridad sa kasaysayan, kultura, at kaugalian ng mga piling bansa,
ngunit mayroon din silang kakayahang magturo ng Tsino sa mga inaral nilang wikang
banyaga. Ito ay magandang paraan upang mapalawak ang direksiyon at puwang para sa
pagtatrabaho ng mga mag-aaral.
Para sa mga postgraduate, hinihikayat ng programa ang mga mag-aaral na mag-aral ng
kultura ng Timog-Silangang Asya, na hindi lamang nakatuon sa Pilipinas, ngunit inilalagay
ang Pilipinas sa pananaw ng Timog-Silangang Asya mismo, ng Asya at maging ng buong
mundo. Bilang karagdagan, kapag ang mga mag-aaral sa antas masterado ay nagsusulat
na ng kanilang tesis, hinihikayat sila na pumunta sa kanilang target country. Isa sa mga
pakinabang nito ay upang mapanatili ang antas ng kanilang wika, sapagkat relatibong
kaunti ang kursong pangwika sa master’s degree, at ang kakayahan sa wika ng mga mag-
aaral ay may posibilidad na humina kung hindi ganap na maeensayo. Nagbibigay sa kanila

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Huang | Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 9

ng mahusay na pagkakataon ang fieldwork upang muling magsanay. Pangalawa, ang pag-
aaral sa antas masterado ay hindi na maaaring tumigil lamang sa simpleng pagsusuri ng
paksa. Kailangan nilang magkaroon ng isang mas malalim na pag-unawa sa object ng
pananaliksik, at kinakailangan ng higit na pangmatagalang pagsisiyasat sa larangan.
Para sa mga mag-aaral ng antas doktorado, ang pagsasanay para sa kanila ay mas
malapit sa pagsasanay ng mga batang guro. Una, hihikayatin silang mag-aral sa target
country o sa iba pang mga unibersidad sa ibang bansa sa loob ng anim na buwan hanggang
sa higit sa isang taon. Maghahanap din sila ng mga angkop na superbisor sa ibang bansa.
Magsasagawa sila ng malalim na teoretikal at kaugnay na mga pag-aaral sa larangan, at
iiwasan ang tinatawag na akademikong “in-breeding.” Sa buong panahon ng pag-aaral
ng doktor, kinakailangan silang maging masigasig sa pagsulat at aktibong lumahok
sa iba’t ibang journal, kabilang ang mga SSCI (Social Sciences Citation Index) journal,
upang malinang ang kanilang mga kasanayan sa akademikong pagsulat. Isasama rin
ang mga mag-aaral ng doktorado sa iba’t ibang proyekto sa pagsasaliksik na isinasagawa
ng mga superbisor. Hahanapin ang angkop na punto sa pagitan ng kanilang sariling
interes at direksiyon ng pananaliksik ng kanilang mga superbisor. Magsasagawa sila ng
magkasamang pagsasaliksik, at magbabahagi ng mga nagawa. Gagabayan ang mga mag-
aaral na doktorado na lumahok sa paghahanda ng ilang mga undergraduate na kurso,
pumunta sa mga kaugnay na kolehiyo at unibersidad para sa panandaliang pagtuturo o
lektura, at lumahok sa mga komperensiyang pang-akademiko.

Daan sa Pagbuo ng mga Ugnayan


Sa nagdaang ilang dekada, ang Peking University lamang sa Tsina ang nagtatag ng
Filipino undergraduate na major. Ngunit ang sitwasyong ito ay nagbago noong 2017,
at tinapos ng Peking University ang “monopolyo” nito. Naiintindihan namin na upang
mas mapayaman ang major, nararapat ang pagtataguyod ng sarili nitong kaunlaran, at
pagtataguyod ng patuloy na pag-unlad ng mga Filipino major sa iba’t ibang unibersidad.
Kung kaya, nangunguna rin ang aming Philippine Studies Program sa larangan ng mga
wikang di-palasak. Sa larangan na ito, ang karamihan ng mga kolehiyo at unibersidad
at ang mga batang guro ay may mababa pang antas akademiko. Ang mga gurong may
awtoridad at impluwensiya ay kakaunti. Sa kaibahan, ang programa sa PKU ay gumanap
ng nangungunang papel sa pareho nitong akademikong antas at pagpapabuti ng antas
akademiko ng mga domestikong guro. Sa kasalukuyan, may anim na guro na nakikibahagi
sa first-line na pagtuturo ng Filipino sa Tsina, na pawang nagtapos mula sa Peking
University. Kabilang sa mga ito, lima ang may digring doktorado at isa ang may masterado;
lima ang nagpunta sa Estados Unidos para sa isang buong advanced na pag-aaral; at anim
ang nag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas.
Dahil sa naging malapit ang ugnayan ng Tsina at Pilipinas, ang hiling para sa mga
talento sa iba’t ibang industriya ay tumaas. Habang sinusubukan na matugunan ang mga
pangangailangan ng mga employer, natuklasan din nila ang ilang suliranin. Halimbawa,
noong nakaraan, ang pagtuturo ng mga propesyonal na talento ay naging masyadong
matagal at maselan, na nagresulta sa kakulangan ng supply ng mga nagsipagtapos. Sa
puntong ito, hindi ganap na natugunan ang mga pangangailangan ng bansa. Ngayon,
sapagkat maraming unibersidad ang nagtatag na ng major sa Filipino, natapos na nito
ang “monopolyo” ng Peking University. Ngunit ito ay isang “magandang pakinabang.”

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Huang | Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 10

Ang mga talento na nalinang ng iba’t ibang unibersidad sa nagdaang ilang taon ay
matutugunan ang mga pangangailangan ng iba’t ibang industriya sa iba’t ibang antas. Ang
bawat unibersidad ay may kani-kaniyang katangian at pokus ng pagsasanay, at maaaring
matuto mula sa bawat isa at matuto mula sa lakas ng bawat isa. Noong 2017, nailimbag
ng Peking University ang unang serye ng mga teksbuk ng Wikang Filipino sa Tsina. Sa
proseso ng pag-edit at pagproofread ng mga teksbuk, ang mga guro mula sa ibang mga
unibersidad ay nagbigay ng napakahalagang mga mungkahi. Ito ay isa pang halimbawa ng
kooperasyon ng mga propesyonal sa mga programang Filipino.

Kasalukuyang Katayuan ng Pagsasaliksik ng Pilipinas sa


Tsina
Ang mga institusyong nagtuturo ng wikang Filipino at pananaliksik ukol sa Pilipinas ay
maaaring mahati sa dalawang kategorya. Ang mga nabanggit sa itaas ay nabibilang sa
unang kategorya na nagtuturo ng wika. Kabilang na rito ang Peking University, Beijing
Foreign Studies University, at Yunnan Nationalities University. Ang nilalaman ng
kanilang pagtuturo ay paghahasa sa mga kasanayan sa wika gaya ng pakikinig, pagsasalita,
pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalin. Ang ikalawang kategorya naman ay batay sa
pagtuturo ng kultura, kasaysayan, politika, ekonomiya, at ugnayang panlabas ng Pilipinas.
Kabilang sa mga nakatuon dito ang Peking University, Nanyang Research Institute Xiamen
University, Sun Yat-sen University, Jinan University, Asia-Pacific Institute of Social
Science, Institute of Modern International Relations ng Konseho ng Estado at iba pang
mga institusyon. Kasama sa nilalaman ng pagtuturo ang iba’t ibang mga makasaysayan at
praktikal na isyu ng Pilipinas, kabilang na ang parehong pangkalahatang pagpapakilala at
malalim na pagsasaliksik sa mga madadaanang paksa.

Sa larangan ng kasaysayan
Ang pananaliksik tungkol sa kasaysayan ay ang pinakaunang uri ng pananaliksik ng aming
bansa ukol sa Pilipinas. Ang pag-unlad kung gayon ng nasabing larang ay mas mahusay,
at ang mga pananaliksik na napapabilang dito ay ang pinakamalalalim. Karamihan sa mga
unibersidad at institusyon ng pananaliksik na nakikibahagi sa pagsasaliksik ng Pilipinas ay
nakikibahagi sa pagsasaliksik sa larangang ito.
Ilan lamang sa mga naisulat na aklat ukol sa pangkalahatang kasaysayan ng Pilipinas ay
ang The History of the Philippines (1977), Isang Maikling Kasaysayan ng Pilipinas (1977),
History of the Philippines (1990), at The History of the Philippines at ang Nakaraan at
Kasalukuyang Mga Relasyong Sino-Pilipinas (1968). Ang ilang pananaliksik naman
ukol sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas ay ang mga sumusunod: Pagsasama-sama ng
Impormasyon Tungkol sa Pilipinas sa Mga Sinaunang Tsino na Libro (1980), at Primitive
Culture and Art of Philippine Island (1982). Hinggil sa mga espesyal na kasaysayan,
naririyan naman ang Immigration of the Eastern Sea Route: Marine Immigration in
the Ming and Qing Dynasties (1998), at History of Overseas Chinese in the Philippines
(1987); hinggil sa relatibong modernong panahon, naririyan ang The Philippine War of
Independence (1987), The History of the Philippine National Independence Movement

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Huang | Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 11

(1989), at The Philippines under Marcos (1983). Bilang karagdagan ang ilan pang
mga gawa naman sa Pilipinas tungkol sa kasaysayan, na naisalin sa Tsina, ay ang mga
sumusunod: The Philippine Revolution (Gregorio F. Zaide, 1979), History, Government
and Civilization of the Republic of the Philippines (Gregorio F. Zaide, 1979), Philippine
Society and Revolution (Amado Guerrero, 1972), at Filipino Workers Movement (Ge Yi
Levinson, 1959).
Kaalinsabay nito, malaking bilang din ng mga tesis ang nailimbag sa larangan ng
pangkasaysayang pagsasaliksik, na sumasaklaw sa napakalawak na hanay ng nilalaman
ukol sa Pilipinas, at halos sumasaklaw sa mga pangunahing isyu sa kulturang Filipino.
Ang saklaw ng mga nabanggit na akda at tesis ay relatibong malawak, mula sa
pangkalahatang kasaysayan hanggang sa partikular na kasaysayan. Kabilang sa mga ito,
ang pagsasaliksik sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas ay madalas ding nagsasangkot
sa iba pang disiplina ng pananaliksik tulad ng arkeolohiya, etnolohiya, at antropolohiya.
Kabilang sa mga pananaliksik sa kasaysayan ng Gitnang Panahon at ng modernong
kasaysayan ang kasaysayan ng pag-unlad ng kultura, kolonyalismo, at kilusan sa
pambansang pagpapalaya. Kabilang din sa mga pananaliksik sa modernidad ang
pinagsamang pampolitika at pang-ekonomiyang pananaliksik. Ang lahat ng pag-aaral na
ito, sa kabuoan, ay may ginagampanang mahalagang papel.

Sa larangan ng kultura
Ang mga pananaliksik ng aming bansa sa kultura ng Pilipinas ay nagsimula sa mga aklat
na tungkol sa mga pangkalahatang idea. Sa pagsulong ng malapit na palitan sa pagitan
ng Tsina at ng Pilipinas, layunin ng nauna na mapabuti ang pag-unawa sa huli, kaya’t
ang isang malaking bilang ng mga buod na monograp ay nailimbag nang sunod-sunod.
Sa partikular, naririyan ang Philippines Today (1991), Philippines (1995), Contemporary
Philippines (1994), Philippines (2004), Philippines: Dancing on Water Lily (2006),
Southeast Asian Nations: Malaysia, Singapore, Indonesia, Brunei, and the Philippines
(2006), at National History • Philippines (2007).
Ang mga gawang ito ay batay sa isang komprehensibong pagpapakilala sa kultura,
lipunan, ekonomiya, politika, at mga tradisyon sa kasaysayan ng Pilipinas, na ibinubuod
sa larangan ng kultura gamit ang isang malawak na pagpapakahulugan. Bagamat hindi
sapat ang lalim sa tukoy na paglalarawan ng pangkalahatang idea ng isang bansa, mayroon
pa rin silang halaga sapagkat ipinakikilala nila ang mga natatanging katangian ng mga
panahon.
Ang mga madalas na pananaliksik ng aking bansa sa kultura ng Pilipinas ay higit
na nakatuon sa larangan ng pagpapalitan ng kultura, at ang mga kaugnay na iskolar ay
naglathala na rin ng maraming bilang ng katulad na mga tesis at pananaliksik. Kasama
rito hindi lamang ang mga palitan sa pagitan ng Pilipinas at iba pang bahagi ng Timog-
Silangang Asya, Pilipinas at ng Kanluran, kundi pati na rin ang pag-aaral sa palitan ng
kultura sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, alinsabay sa mga pag-aaral na diachronic at
synchronic.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Huang | Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 12

Sa larangan ng politika
Ang mga pananaliksik sa politika ng Pilipinas ay maaaring mahati sa dalawang bahagi:
monograp at pagsasalin. Hinggil sa mga nilalaman, pangunahing kasama rito ang
mga talambuhay, ulat, dokumentaryo, pangkalahatang pagpapakilala sa kasaysayang
pampolitika, atbp. Halimbawa ng mga ito ay ang The Bizarre Philippine Politics - Observations
and Reflections on Philippine Democracy by Senior Chinese Journalists (2002), Records
Before and After Marcos (1992), Reminiscences of Philippine Political Circles (1992),
Babaeng Pangulo si Aquino (1987), Lady, Good Wife, President: Mrs. Aquino (1988), Into
the Malacañan Palace: Philippine President Arroyo, The Biography of the Lady (2005),
at Ang Kasaysayan, Pamahalaan at Kabihasnan ng Republika ng Pilipinas (1979). Ang
mga librong ito sa politika ng Pilipinas, sa isang banda, ay gumagamit ng makatotohanan
at pampanitikang mga diskarte upang bigyan ang mga mambabasa ng pangkalahatang
pag-unawa sa proseso ng pag-unlad ng politika sa Pilipinas. Gayunpaman, ang kaunting
kakulangan ay ang mga librong ito ay walang komprehensibong pag-unawa sa paraan
ng pagpapatakbo ng Pilipinas sa sarili nitong politika. Ang pagpapakilala ng Pilipinas
ay hiwalay sa pagpapakilala ng mga katangian ng sistemang pampolitika. Ilan sa mga
isyung pampolitika sa Pilipinas na namutawi ay ang isyu ng mga Muslim sa katimugan
ng kapuluan, halalan at pagbabago sa konstitusyon, ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at
Estados Unidos, at ilang kabanata tungkol sa politika sa Timog-Silangang Asya at politika
ng mundo.

Sa larangan ng relihiyon
Ang Pilipinas ang nag-iisang bansang primaryang Katoliko sa Asya. Samakatuwid,
ang pagsasaliksik sa kulturang relihiyoso ng Pilipinas ay isang mahalagang bahagi ng
pagsasaliksik sa nasabing bansa. Kabilang sa mga ito, ang pananaliksik ni Shi Xueqin ng
Nanyang Research Institute Xiamen University ang sa ganang akin ay pinakamahalaga.
Pangunahing isinama sa pananaliksik ni Shi Xueqin tungkol sa relihiyon ng Pilipinas
ang dalawang aspekto: ang kasaysayan ng pag-unlad ng Katolisismo sa Pilipinas, at ang
impluwensiya ng Katolisismo sa kultura ng bansa. Maraming iskolar ang nagbigay pansin
din sa mga hidwaan sa relihiyon sa Pilipinas, at pinag-aralan ang mga hidwaan sa mga
relihiyon na ito mula sa pananaw ng palitan ng relihiyon at mga pangkat etniko.

Sa larangan ng mga Overseas Chinese


Ukol sa pananaliksik tungkol sa mga Tsinoy sa Pilipinas, ang pananaliksik ni Zhou Nanjing
ng Peking University ang naging mas kilala. Nailimbag niya ang Encyclopedia of Overseas
Chinese. Sa mga librong ito, inilalarawan ang kasaysayan ng kilusang kontra-Hapon ng
mga Tsinoy sa Pilipinas, pati na rin ang post-war na nasyonalismo ng mga Tsino sa ibang
bansa na sumusuporta sa pakikibaka ng mga mamamayan ng inang bayan. Kabilang
din na naitala rito ang mga makabayang Tsinoy sa Pilipinas na aktibong sumusuporta
sa pagtataguyod ng inang bayan, at ang katapatan at pagkamakabayan ng mga bumalik
na Tsinoy. Mayroon ding ilang libro bilang huli na nakatuon sa mga tanyag na Overseas
Chinese sa Pilipinas, tulad ng Lucio Tan (2001).

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Huang | Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 13

Mula sa inilarawang kalagayan ng pananaliksik sa itaas, makikita na sa mga nagdaang


taon, ang pananaliksik ng mga Overseas Chinese sa lipunang Filipino ay hindi nakatanggap
ng pangkalahatang pansin mula sa lipunan. At ang nilalaman ng pagsasaliksik ay naging
relatibong simple. Karamihan sa antas ng mga pagsasaliksik ay mananatili pa rin sa gitna
o unang kalahati ng ika-20 siglo. Ang Encyclopedia of Overseas Chinese na inilathala ni
Zhou Nanjing na ang may higit na praktikal na kahalagahan.
Bilang karagdagan, pinag-aralan ng mga lokal na iskolar sa Pilipinas ang mga Overseas
Chinese dito sa loob ng maraming taon. Kabilang sa mga ito, ang heritage center na Kaisa
Para sa Kaunlaran ay naglathala na rin ng maraming kaugnay na libro.

Sa larangan ng ekonomiya
Kung tungkol sa pag-aaral ng ekonomiya ng Pilipinas ang pag-uusapan, masasabing
kakaunti ang mga aklat tungkol dito. Marami sa kanila gayunman ang nag-aral ng iba’t
ibang bansa sa Timog-Silangang Asya, at ang ilan sa kanila ay nagpapakilala sa ekonomiya
ng Pilipinas. Halimbawa nito ang The Economic and Trade Law Guide of the Republic
of the Philippines, at The Economic and Trade Laws of the Republic of the Philippines
na kabilang sa Southeast Asian Countries Economic and Trade Legal Research Series
(2006). Kasama rin sa korpus ng mga pag-aaral ang 1987 Constitution of the Republic of the
Philippines, 1987 Comprehensive Investment Law, Philippine Foreign Investment Law
of 1991, Philippine Special Economic Zone Law of 1995, Contract Law, Contemporary
Philippine Economy (1999), at Contemporary Ekonomiks ng mga Bansang Timog
Silangang Asya.
Kaugnay nito, kasama sa itinatalang korpus ang mga iskolar na kitang-kitang
nagsasaliksik kasama si Jiang Xiding ng Xiamen University, dating direktor ng Political
and Economic Research Office ng Nanyang Institute Xiamen University. Ang punong
patnugot ng seksiyon ng World Economics, sa World Journal, ay may higit na pagkaunawa
sa sitwasyong pang-ekonomiya sa Pilipinas at naglathala na rin ng mas marami pang
monograp at papel.
Noong dekada 1980, ang karamihan sa mga artikulo’t pananaliksik sa ekonomiya
ng Pilipinas ay pinag-aralan kung bakit ang ekonomiya ng Pilipinas ay nananatiling
mabagal. Ang mga artikulo pagkatapos ng dekada 1990 ay higit na ipinakilala naman ang
estrukturang pang-ekonomiya ng Pilipinas. Mula noong natapos ang ika-20 siglo, ang mga
artikulo ay kadalasang inilalagay na ang Pilipinas sa pandaigdigang sistemang ekonomiko
para sa kaukulang mga pagsusuri at paghahambing.

Sa larangan ng panitikan
Noong mga unang dekada, ang pagsasaliksik sa panitikan ng Pilipinas ay nakatuon
sa pagsasalin at pagpapakilala sa mga akdang pampanitikang Filipino. Sa paglaon, unti-
unting lumitaw ang mga gawang pananaliksik at kritikal na papel. Ang pagsasalin at
pagpapakilala ng pambansang panitikan ng Pilipinas ay nakatuon sa mga akda ni Jose
Rizal. Halimbawa nito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang inilabas
noong 1977, at nagkaroon ng bagong salin noong 1988. Isinalin din ang ilang moderno at
napapanahong mga akdang pampanitikan ng Pilipinas, tulad ng Selected Philippine Short

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Huang | Kasalukuyang Pagtuturo ng Wikang Filipino 14

Stories (1989). Kasama sa mga gawang pananaliksik sa mga panahong ito ang Rizal at
China (2001).
Alinsabay sa pag-aaral ng katutubong panitikan ng Pilipinas ay ang pag-aaral ng mga
panitikang Tsino sa bansa. Sa paglipas ng mga taon, malaking bilang ng mga ginawa at
inedit na panitikang mula sa parehong mga mainland na iskolar at Pilipino-Tsinong iskolar
ay nailimbag na sa Tsina. Ang pag-aaral ng panitikan ng mga Tsinong nakatira sa Pilipinas
ay tradisyonal na bentahe rin namin, at isinasagawa ito sa konteksto ng mga pag-aaral
ng Tsino sa ibang bansa. Ang mga miyembro ng akademikong komunidad ay madalas na
nakikipag-usap din sa panitikang Tsino mula sa Pilipinas, mula sa mga Malay-Chinese,
Thai-Chinese, Indonesian-Chinese, at iba pang Timog-Silangang Asyano na Tsino. Ang
panitikan ay isang mapaghambing na pag-aaral. Ang panitikan ng mga Filipino-Chinese ay
nagbibigay ng isang mahalagang sanggunian para sa ganap pang pag-unawa sa larangang
ito.
Sa mga nagdaang taon, sa pagtaas ng pagsasaliksik sa folklore, ang pagsasalin at pag-
aaral ng panitikang bayan ay unti-unting naging isang bagong larangan sa pag-aaral ng
panitikang Filipino.

Kongklusyon
Matapos ang humigit tatlumpong taon na konstruksiyon at pagpapaunlad, ang Philippine
Studies program ng Peking University ay nagbigay na ng maraming talento sa Filipino
para sa media, mga negosyo, institusyon, at unibersidad. Ang mga graduate ay aktibo sa
iba’t ibang larangan sa buong Tsina, lalo na sa larangan ng pagtuturo ng wikang Filipino.
Maraming batang guro ang sinanay, na naglalagay naman ng pundasyon para sa ibayong
pagsasaliksik at pagtuturo ng wikang Filipino. Ang iba’t ibang institusyon ng pananaliksik
ay sumibol din, na nagdadala ng mga bagong pagkakataon para sa pagtuturo ng wikang
Filipino at kaugnay na mga larang.
Sa kabuoan, ang mga Filipino majors sa Tsina ay nasa isang mabuting sitwasyon. Dapat
samantalahin ng programa namin ang mabuting opurtunidad na ito upang makagawa ng
magandang trabaho sa paglinang ng mga batang guro para sa buong bansa. Mainam na
hikayatin silang lumabas, pagbutihin ang kanilang mga nagawang propesyonal, isama
ang kanilang pagsasaliksik sa mga platapormang pang-internasyonal, at palawakin pa
ang kanilang global na reputasyon. Mainam ding makilahok sila sa pagsasanay sa mga
kumperensiyang pang-akademiko, makinig sa mga mungkahi ng iba pang dalubhasa, at
gumuhit ng inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon. Makipag-usap nang epektibo
sa mga kapatid na kolehiyo at unibersidad. Magbigayan ng mga kinakailangan. Tulungan
ang iba at ang sarili sa paglinang ng mga talento, at sama-samang paunlarin at palawakin
ang Filipino major at ang pagsasaliksik ng Pilipinas sa Tsina.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 15

Ilang Konseptong Kultural sa Filipino Mula sa


Perspektiba ng Rusong Estudyante
Some Cultural Concepts in the Filipino Language from the Perspective of a
Russian Student

Victoria Zakharova, Danila Simonenkov, Dmitry Pamikov, at Ekaterina Baklanova


Moscow State University
vika.zaharova.2001@yandex.ru, simonenkovdz@gmail.com, dvpamikov@gmail.com,
baklanova@gmail.com

Abstrak
Noong unang kalahati ng ika-20 siglo sa malayong bansa ng Rusya (noon ay Unyong
Sobyet) ay may pinasimulang sistematikong pagsusuri ng Pilolohiyang Filipino at wikang
Filipino (noon ay Tagalog) ang mga pilologong Sobyet ng Mosku at Saint Petersburg. Mula
noong dekada 1960 hanggang ngayon, itinuturo na ang Tagalog o Filipino bilang isa sa mga
wikang Asyatiko sa Institute of Asian and African Studies (IAAS) ng Lomonosov Moscow
State University, at sa Oriental Faculty ng Saint Petersburg State University. Ang mga
awtor ng kasalukuyang papel na ito ay kumakatawan sa IAAS ng Moscow State University.
Nakapokus ang papel sa kung paano natatanggap ng mga Rusong estudyante ng Philippine
Studies ang ilang katangiang kultural na Filipino at kung paano nila ito isinasalamin sa
wikang Filipino. Sinubukan ding magkompara ng ilang konseptong kultural na Filipino sa
mga katumbas nito sa Ruso.
In the first half of the 20th century in Russia (then USSR) systematic studies of Philippine
Philology and of the Filipino language (then Tagalog) were started by a few Soviet Philologists
of Moscow and Saint Petersburg. From the 1960s up to the present, Tagalog or Filipino has
been taught as one of the Asian languages at the Institute of Asian and African Studies (IAAS)
of Lomonosov Moscow State University, and also at the Oriental Faculty of Saint Petersburg
State University. The authors of this paper represent the IAAS of Moscow State University.
The paper focuses on how Russian students of Philippine Studies perceive some of the Filipino
cultural traits and their reflections using the Filipino language. An attempt is also made to
compare some Filipino cultural concepts to their Russian counterparts.

Mga Susing-salita
Filipino, kultura, konseptong kultural, Ruso, wika
Filipino, culture, cultural concept, Russian, language

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 16

Tungkol sa mga May-akda


Si Victoria Zaharova ay estudyante ng BA sa Institute of Asian and African Studies
(IAAS) ng Lomonosov Moscow State University, Rusya. Interesado siya sa mga usaping
pangkabuhayan, sa social sciences, at nag-aaral siya ng Filipino. Ang kaniyang BA research
ay nakapokus sa “puwersa ng lakas-paggawa sa Pilipinas, at mga OFW,” ngunit interesado
din siya sa ibang mga paksang nauukol sa ekonomiya ng Pilipinas, at sa wika’t kultura
nito. Nakilahok na si Zaharova sa ilang student conferences, at may layuning pumunta sa
Pilipinas para sa internship program.
Si Danila Simonenkov ay estudyante ng BA sa Institute of Asian and African Studies
(IAAS) ng Lomonosov Moscow State University, Rusya. Nag-aaral siya ng Filipino at
nagmamajor din sa kabuhayan at social science. Ang kaniyang BA research ay nakapokus
sa epekto ng pag-unlad ng kabuhayan sa kalikasan sa Pilipinas. Interesado din siya sa iba
pang mga aspekto ng kabuhayang Filipino, at sa kultura at wika ng bansa. Nakilahok na si
Simonenkov sa ilang student conferences, at may layuning pumunta sa Pilipinas para sa
internship program. 
Si Dmitry Pamikov ay estudyante ng BA sa Institute of Asian and African Studies (IAAS)
ng Lomonosov Moscow State University, Rusya. Nag-aaral siya ng kabuhayan at wikang
Filipino. Ang paksa ng pananaliksik niya ay ang kahalagahan ng dayuhang pamumuhunan
sa kabuhayan ng Pilipinas. Sa kaniyang BA research, nakatuon si Dmitry sa panahon mula
noong simula ng ika-20 siglo hanggang kasalukuyan. Interesado din si Dmitry sa iba’t
ibang aspekto ng buhay ng mga Filipino, mula politika, isports, relihiyon at iba pa. Umaasa
din siyang makabisita sa Pilipinas sa hinaharap.
Si Ekaterina Baklanova, PhD ay propesor ng Filipino at mananaliksik ng lingguwistika
at panitikan ng Pilipinas sa Institute of Asian and African Studies (IAAS) ng Lomonosov
Moscow State University, Rusya. Ang kaniyang PhD Thesis (2009) ay nauukol sa
mga hiram na salitang dayuhan at impluwensiya ng mga ito sa Tagalog. Kabilang sa
kaniyang kasalukuyang mga interes sa pananaliksik ay ang mga epekto ng wikang
dayuhan sa gramatika ng Tagalog/Filipino, morpolohiya ng Tagalog/Filipino, panitikang
kontemporanyo ng Pilipinas, at iba pa.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 17

Panimula
Matagal nang nananatili sa lingguwistika ang konsepto ukol sa pagkatali ng wika at
kultura ng anumang bayan (Whorf; Lakoff). Kaya hindi maaaring tanggalin ang pag-aaral
ng isang wika sa pag-aaral din ng mga katangian at konseptong kultural ng sambayanan.
Isinalarawan ang mga katangiang kultural na Filipino sa iba’t ibang nauna nang pagsusuri
gaya ng kina Jocano, Enriquez, Rodell, at Gripaldo, at sa libro ng isa sa mga naunang
Rusong dalubhasa sa Philippine studies na si Igor Podberezsky na pinamagatang
Сампагита, крест и доллар o sa Filipino ay Sampagita, Krus at Dolyar. Nagtatalakay
kami sa kasalukuyang papel ng natutumpok na pagkakaiba at pagkakatulad ng ilang
konsepto’t ugaling kultural ng mga Filipino at ng mga Ruso mula sa perspektiba ng mga
nagsasalita ng wikang Ruso.

1. Kasalan
Walang dudang nagkakaisa ang mga taga-Rusya at taga-Pilipinas sa pagpapahalaga
sa relasyong pampamilya. Ang karaniwang pagkalikha ng pamilya ay sa pamamagitan
ng seremonya ng kasal. Kristiyano ang 80.9% ng mga Pilipino ayon sa census ng 2014
(PSA), at nangingibabaw ang sampalatayang Katoliko sa kapuluan mula noon pang ika-16
siglo na panahon ng pananakop ng mga Español, kung kaya’t para sa karamihan ng mga
taga-Pilipinas ang paraan ng kasal ay natatali sa seremonya sa simbahan.
Sa Rusya, mas matagal ang pananatili ng Simbahang Orthodox kaya hanggang sa
taong 1918 (na simula ng panahon ng rehimen ng mga Bolshevik) ay mga relihiyosong
seremonya ng kasal ang kinikilala ng mga awtoridad at ng lipunan. Ang pagdating sa
kapangyarihan ng mga Bolshevik ay minarkahan ng isang bagong yugto sa ugnayan sa
pagitan ng Simbahan, lipunan at ng estado. Sa loob ng mga dekada ng rehimeng Sobyetiko
ay ipinagbawal ang relihyon at pagsisimba, kaya ang kasal o svad’ba ay ipinarehistro sa
mga pangasiwaang sibil lamang. Pagkatapos ng rehimen ng Unyong Sobyet noong 1991
ay dahan-dahang lumaki ang interes ng mga Ruso sa simbahan at sa sampalatayang
Kristiyano (Fagan; Mandelstam Balzer). Ayon sa tantiya ng mga sosyologo, ang porsiyento
ng mga taong Orthodox Christian ay 68%; 7% ang Muslim; at 6% lamang ang mga ateista
(Levada Center). Ngayon, parami na nang parami ang bilang ng mga magkatipang may
gustong magkaisang-dibdib sa simbahan. Gayunpaman para opisyal na mapatunayan ang
bagong status ng tao, kailangan pa ring magparehistro muna ng kasal sa pangasiwaan.
Kaya dagdag at opsiyonal lang ang seremonya sa simbahan (venchaniye) sa opisyal na
kasalang sibil sa Rusya.
Kahit nagkakaiba ang batayan ng kasal sa Rusya at Pilipinas, may ilang parehong
katangian ang mga kaugalian ukol dito sa dalawang bansa. Una rito’y ang kaugalian ng
panliligaw: ang pamamanhikan ay tradisyong Filipino at ang katapat nito ay svatovsto
sa Rusya. Ang dalawang ritwal ay kapwa nauukol sa paghingi ng opisyal na pagsang-
ayon ng pamilya ng nobya para sa kasal. Sa Rusya, ang mga svati (mga magulang ng
nobyo) ay pumupunta sa bahay ng mga magulang ng nobya nang may dalang mga regalo,
prutas at alak. Ang tradisyonal na pagbati nila ay: “Kayo’y may paninda at kami nama’y
may mangangalakal.” Ang kahulugan ng pariralang ito ay: “Alam naming may isang

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 18

paralumang nakatira rito, mayroon kaming isang mabuting binata para sa kaniya.” Nag-
iiba naman ang kaugalian ng pamamanhikan sa Pilipinas, dahil naiuugnay ito sa kaugalian
ng paninilbihan. Mula sa pananaw ng isang Ruso, ito ay katulad ng dote na dapat bayaran
ng nobyo upang kunin ang dalaga mula sa bahay. Ngunit ang dote ng lalaking Filipino ay
hindi lamang pera o mahahalagang bagay, kundi pati ang sariling paggawa at pagtulong
sa bahay ng kaniyang magiging asawa. Sa aming paningin, ito ay isang napakainam na
tradisyon sapagkat nagkakaroon ang mga magulang ng nobya ng pagkakataong makita
kung masipag ba ang kanilang magiging manugang.
Ang mga kasalan ay nagkakaiba rin sa uri ng kasuotan ng magkabiyak. Hindi na
isinusuot ng mga nobyo’t nobya sa Rusya ang mga tradisyonal na Rusong kasuotan para sa
kasal. Sa kasalukuyan ay isang klasikong suit para sa nobyo at puting damit na pangkasal
para sa nobya ang nauuso sa Rusya. Sa kasalang Filipino nama’y tradisyonal na barong at
magandang damit na estilong Filipiniana ang mga pinipili.
Nagkakatulad naman sa Rusya at sa Pilipinas ang ritwal ng “pagsasama-sama” ng
magkabiyak. Sa Pilipinas, ito ay seremonya ng belo’t yugal. Sa Rusya nama’y ang mga kamay
ng bagong kasal ang itinatali ng isang tuwalyang may burda bilang tanda ng pagmamahal
at pagkakaisa. Ang burda ay nagsisilbing pangontra sa ali o masamang espiritu. Bukod
dito, sa parehong bansa ay hinahagisan ang bagong kasal ng barya o bigas upang akitin ang
kayamanan tungo sa mag-asawa.
May iba pang mga seremonya gayunman sa kasal na Filipino na hindi pangkaraniwan
para sa  mga Ruso. Halimbawa, nakatataka para sa mga Ruso ang malaking bilang ng
mga “isponsor” o mga taong may mga espesyal na tungkulin sa kasalang Filipino. Sa
kasalang Ruso, tig-isang “saksi” o “kaibigan” lamang mula sa panig ng nobyo’t nobya ang
magkakaroon ng tanging tungkulin sa seremonya. Sa Pilipinas naman, nakaugaliang akitin
ang iba’t ibang isponsor para sa bawat ritwal o pagdiriwang. Tumutulong ang mga ito
upang palakasin ang ugnayan ng mag-asawa at akitin ang ibayong pagtataguyod mula sa
kapwa isponsor na karaniwang mayayaman o may impluwensiya sa lipunan (Podberezsky;
Wendt). Kasama ng ninong at ninang sa kasal na Filipino ay may inanyayahan ding
komadre at kompadre; at, bukod dito, may mga isponsor ng labintatlong arrahe, ng
belo, ng yugal, at pati na ng mga kandila para sa dambana (Ava). Sa kasalang Ruso, ang
karamihan ng mga responsabilidad na ito ay ipinapatong sa dalawang “saksi ng kasal” na
matalik na kaibigan ng nobyo at nobya: tagabili ang saksing binata ng palumpon para sa
nobya at tagadala rin ng mga singsing; ang saksing dalaga nama’y katulong sa pagbibihis
ng nobya, atbp. Kasama ng iba pang mga kaibigan ay puwede nilang subukan din ang
kakayahan ng nobyo na lampasan ang ilang kakatwang tanong o hamon para sa nobya,
dagdag sa pagsasabi nila ng tagay para sa mga bagong kasal. 
Marami-rami rin ang magagandang sayaw na pampista sa tradisyon ng kasalang
Filipino. Sa Rusya naman, bihira na ang mga tradisyonal na sayaw: iisang sayaw na mala-
balse lamang ang hinihiling ng mga bisita mula sa bagong kasal, pagkatapos ay magdidisco
na lang ang mga gustong sumayaw. Ang lahat ng ito ay nagpapakita na mas magaling na
nailigtas ng mga Pilipino ang kanilang mga tradisyong pangkasal.
Sinasalamin din ang mga kaugalian sa kasal ng mga salawikain. Heto ang halimbawa
ng ilan na nagkakatumbas ang kahulugan sa Filipino at sa Ruso: (1) Sa Filipino: Ang
pag-iisang dibdib ay hindi parang kanin na puwedeng iluwa kapag mainit. Sa Ruso
(literal na salin): Zhena ne rukavitsa, s ruki ne sbrosish’ (Hindi isang guwantes ang

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 19

asawa, hindi ito madaling alisin mula sa kamay). (2) Sa Filipino: Ang pili nang pili ay
natatapatan ng bungi. Sa Ruso: Esli dolgo vybirat’, zamuzhem ne byvat’ (Kung pili
nang pili, kailanma’y hindi makakasal). (3) Sa Filipino: Walang matimtimang birhen sa
matiyagang panalangin. Sa Ruso: Kto hochet zhenitsa, tomu noch’ ne spitsa (Kung sino
ang may gustong magpakasal ay siyang hindi natutulog nang magdamag [ibig sabihin,
hindi natutulog sa pag-iisip ng paraan na makaakit sa dalaga]).

2. Pamilya
Napakahalaga sa mga kultura ng Rusya at Pilipinas ang papel ng pamilya. Gayunpaman,
para sa mga Pilipino, ang konsepto ng pamilya ay mukhang mas malawak kaysa mga Ruso.
Ang depinisyon ng pamilya ayon kina Lamanna at Riedmann ay: “anumang pangkat ng
mga tao na pinagbuklod ng mga ugnayan ng kasal, dugo, o pagkukupkop, o anumang
maselang relasyon, kung saan (1) ang mga tao ay pinag-isa ng malapit na ugnayan, (2) ang
pagkakakilanlan ng mga kasapi ay nakasalig sa pangkat, at (3) ang pangkat ay may sariling
pagkakakilanlan” (19).
Para sa mga Filipino, ang itinuturing na kapamilya ay hindi lang malapit na kamag-
anak na gaya ng pinsan o tiyo, kundi napakalayo ring mga relasyon, at kung minsa’y
pati matatalik na kaibigan ng pamilya (Jocano; Medina; Tarroja). Para sa isang Ruso,
itinuturing na sobrang malayo na ang ganitong relasyon na tinatawag ding “ikapitong
tubig”; ibig sabihin, ang dugo ng mga ganitong kalayong kamag-anak ay may napakaliit
na lang na bahagi ng dugo ng pamilya. At ganyan din kung gayon kahina ang ugnayang
espiritwal na nagtutulak sa pakikipagkapwa sa mga malayong kamag-anak.
Ang pamilya para sa mga Pilipino at mga Ruso ay maaasahang sandigan ng tulong at
proteksiyon kung may kahirapan. Pero nakamamangha sa Ruso kung gaano kalakas ang
tungkulin sa pagitan ng mga saling-angkan ng pamilyang Filipino. Sa karaniwan sa Rusya,
ang panganay ay tumutulong nang kaunti lamang sa mga magulang sa pag-aalaga sa bunso,
ngunit naiiba ang ugali sa Pilipinas. Ang mga kuya’t ate ay dapat na tumulong sa kanilang
mga nakababatang kapatid, at kung minsan sa kanilang mga pamangkin. Ito ang isa sa
kanilang pangunahing tungkulin sa gawaing-bahay (Go). Sa palagay namin, mainam ito sa
pag-aalaga sa malaking pamilya. Ang kasalukuyang Pilipino ay mukhang mas kumikiling
din sa pagtutulungan kaysa mga Ruso, at mas mahalaga para sa kanila ang pakiramdam ng
espiritwal na pagkakamag-anak kaysa relasyong pandugo (Jocano; Torres). Halimbawa,
ang ugaling bayanihan ay katulad sa lumang tradisyon ng mga magsasaka sa Rusya, na
ang buong nayon ay tumutulong sa pamilya sa pagtatayo ng bahay, at sa mga gawain sa
bukid kung kinakailangan. Pero sa kasalukuyan, halos nawala na ang ganitong tradisyon
sa Rusya.
May tanging papel sa mga Pilipino ang pagbibinyag, habang sa Rusya ngayon ang
pagkakaroon ng mga ninong at ninang ay isang pormal na ugali at paggalang na lamang sa
tradisyon. Ang mga taos-pusong nananampalataya na lamang ang lubos na nagsasagawa
ng mga tungkulin ng ninong at ninang. Kaiba ito sa Pilipinas kung saan mahalaga pa
rin ang papel ng mga nabanggit, kung kaya’t pinipili mula sa mga maimpluwensiya o
mayamang tao ang mga ito na makatutulong kung kailangan. Ang ninong o ninang mismo
ay may karapatan ding umasa sa suporta at tulong, hindi lamang mula sa kaniyang anak-

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 20

sa-binyag, ngunit mula sa lahat ng kaniyang mga kamag-anak (Podberezsky; Torres).


Ang malalaking pamilyang Filipino ay kadalasang nakatira sa iisang bahay dahil sa
kawalan ng lugar at pera. Madalas na may maraming tahanan sa iisang lupain upang
ang lahat na kamag-anak ay maaaring manirahan nang magkakasama. Sa Rusya, kahit
gusto ng mga batang mag-asawa na mabuhay nang hiwalay sa kanilang mga magulang,
kadalasang nakikitira pa rin sila kasama ng magulang dahil sa kawalan ng ibang tahanan.
Ang mga lolo’t lola ay mahalaga rin ang papel sa mga pamilyang Filipino, katulad din
sa Rusya. Kung kapwa kailangang magtrabaho ang mga magulang, malimit na lolo’t lola
ang tagapag-alaga sa kanilang mga apo, lalo na kung walang pera para sa yaya. Kung dati,
laging ama ang pinuno ng pamilyang Filipino at ganoon din sa pamilyang Ruso habang ang
tungkulin ng babae ay sa gawain sa bahay, ngayo’y maraming babaeng Filipina na ang may
trabaho at kumikita ng pera, pati sa ibayong dagat, at kung minsa’y sila pa ang nagpapakain
sa buong pamilya (Alcantara). Ganito na rin ang sitwasyon sa Rusya (Clements).
Nagkakaiba ang sistema ng mga katawagan ng pagkamag-anak (kinship terms) sa
wikang Filipino at Ruso na maipapakita sa susunod na Talahanayan 1:

Antas ng Katawagan sa Katawagan sa Ruso


pagkamag-anak Filipino (transkripsiyon)
lolo o lola ng lolo o pra-pra-dedushka / pra-pra-
lolo / lola sa talampakan
lola babushka
mga lolo’t lola ng
lolo / lola sa tuhod pra-dedushka / pra-babushka
mga magulang
mga magulang ng
lolo / lola dedushka / babushka
ama / ina
anak ng anak apo vnuk (masc.) / vnuchka (fem.)
pravnuk (masc.) / pravnuchka
anak ng apo apo sa tuhod
(fem.)
mga magulang ng
mga biyenan svekr (masc.) and svekrov’ (fem.)
asawang lalaki

mga magulang ng
mga balae / mga biyenan test’ (masc.) and tieshcha (fem.)
asawang babae
asawa ng anak manugang zyat’ (masc.) / nevestka (fem.)

kapatid na lalaki ng shurin (kapatid ng babae) /


bayaw
asawa dever’ (kapatid ng lalaki)
kapatid na babae ng zolovka (kapatid ng lalaki) /
hipag
asawa svoyachenitsa (kapatid ng babae)
kapatid ng isa sa mga dyadya (kapatid na lalaki) /
tiyo (masc.) / tiya (fem.)
magulang tyotya (kapatid na babae)
anak ng mga tiya o
pinsan kuzen (masc.) / kuzina (fem.)
tiya

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 21

plemyannik (masc.) / plemyannitsa


anak ng kapatid pamangkín
(fem.)
Talahanayan 1. Mga katawagang pangkamag-anak (kinship terms) sa Filipino at Ruso

Ang unang dahilan ng kaibahan ay pagkakaroon ng kasariang gramatiko sa Ruso, na


humahantong sa nagkakaibang katawagan ng mga kamag-anak na babae’t lalaki. Bukod
dito, sa sistema ng mga katawagang pangkamag-anak na Ruso, ang mga kamag-anak
sa panig ng asawang lalaki at sa panig ng asawang babae ay nagkakaiba rin. Sa palagay
namin, ang kaibahang ito ay nababatay sa katangian ng relasyon sa pamilya. Sa Rusya,
kung kulang ang pagkakaunawa ng mga magulang ng babae o lalaki sa asawa niya ay
puwedeng humantong ito sa iba’t ibang uri ng away. Hindi bawal ang ganitong negatibong
relasyon sa pamilyang Ruso. Para sa pamilyang Filipino naman, mistulang mahalaga na
sundin ang kaugalian ng pakikisama at pakikiramay upang maiwasan ang anumang alitan.
Mahalagang pakitunguhan nang magalang ang lahat ng kasapi ng malawak na pamilya
(Jocano; Podberezsky; Enriquez; Medina). Malamang ito ang dahilan kung bakit hindi
kailangan sa wikang Filipino ang pagpapatangi sa mga kamag-anak sa panig ng bawat
asawa.
Ang mga salawikain ay nagsasalarawan din ng relasyong pampamilya. Heto ang
ilang halimbawa ng salawikain na may parehong kahulugan at kung minsan pareho ring
talinghaga sa Ruso’t Filipino: (1) Sa Filipino: Kung mahusay ang binhi, mahusay din
ang ani. Sa Ruso: Dobroye semya, dobriy i vshod (Kung mahusay ang binhi, mahusay
din ang punla). (2) Sa Filipino: Madaling tuwirin ang kawayan, kung mura pa at ‘di
gulang. Sa Ruso: Gni derevo, poka gnetsa, uchi ditya, poka slushayetsa (Baluktutin mo
ang puno habang maibabaluktot ito, turuan mo ang bata habang sumusunod pa siya). (3)
Sa Filipino: Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nakabigkis. Sa Ruso: Odin palets ne
kulak (Hindi kamao ang isang daliri).
Sa aming paningin, ang mga pamilyang Ruso at Filipino ay marami-raming katangiang
magkapareho. Para sa dalawang kultura, ang importante sa buhay ay ang pamilya na may
kaisahan at paggalang sa isa’t isa. Gayunpaman, nananatiling mas malalakas ang ugnayan
sa malawakang pamilya sa Pilipinas at naiiba ito sa Europa, Estados Unidos at Australia
kung saan humihina na raw ang mga ugnayan sa pamilya at lumalakas ang panlabas na
ugnayan sa lipunan (Höllinger at Haller), at ganoon din ang sitwasyon sa Rusya.

3. Pista
Mahalagang-mahalaga ang papel ng mga pista sa kulturang Filipino, at ang karamihan
nito ay may kaugnayan sa relihiyon. Batay sa ulat ng National Statistics Office (NSO), ang
humigit-kumulang na 85% ng mga Pilipino ay mga Katoliko, at dahil dito hindi nakatataka
ang kaukulan ng maraming pista sa Kristiyanismo. Pagkagara ng ritwal ang isang tanyag
na katangian ng pistang Filipino. Ito ay bunga ng trabaho ng mga misyonerong Español
mula noong ika-16 siglo na sinikap akitin ang mga katutubo sa simbahang Katoliko sa
pamamagitan ng masasaya at magagandang pagdiriwang, mga awitin, pagtatanghal,
magagandang prusisyon, pati na mga rebentador. Alay-alay ang mga pista noon sa mga
pintakasi, kina Kristo o Birheng Maria (Wendt). 

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 22

Sa Rusya ang mga pista ay importante rin, at nagbubuhat din ang mga ito sa relihiyon.
Pero sa karamihan ng mga mamamayang Ruso, nawala ang kaugnayang ito ng mga
pista sa paniniwala sa Diyos noong panahon ng rehimeng Sobyet (1922-1991) sapagkat
ipinagbawal ang pagdarasal at pagsisimba ng pamahalaan ng USSR. Halimbawa,
ipinagbawal ng gobyerno ang halalan ng arsobispo ng Rusya mula 1925 hanggang 1943.
Isinara ang kalahati ng mga simbahan sa bansa hanggang sa gitna ng dekada 1960. Umiiral
pa ang tatlong seminaryo bagamat noong unang panahon ay may siyam na seminaryo sa
Imperyong Ruso. Bukod dito, nagpropaganda rin nang matindi ang pamahalaan ng USSR
laban sa relihiyon (Fagan; Mandelstam Balzer). Kung ihahambing ang porsiyento ng mga
Kristiyano noong panahon at sa kasalukuyang Rusya, gayunman, mas marami na ang mga
taong nagsasaad na naniniwala sila kay Kristo ngayon. Mga 68% ng mga mamamayan ang
nagpahayag na Kristiyano sila (Levada Center). Pero kaunti pa rin ito kaysa porsiyento ng
mga Kristiyano sa Pilipinas, gaya ng binanggit sa itaas.
Ang isa sa mga pinakamahalagang pista sa Pilipinas ay Pasko, habang sa Rusya
ang papel ng Bagong Taon ngayon ay mas importante. Gayunpaman, ang maraming
kaugalian ng pagdiriwang ng Bagong Taon sa Rusya ay galing sa dating tradisyong Pasko.
Pinagsekularisa ng mga Komunista ang mga tradisyong Kristiyano, at katumbas ang
paraang ito ng pagpapalit ng mga kultong pagano sa Pilipinas sa mga kultong Kristiyano
noong panahon ng mga prayleng Español (Constantino; Wendt). At kahit na ang kaugalian
ng pagpapalamuti ng Christmas tree ay nananatili pa sa Rusya, tinatagurian nang “New
Year tree” ang dating pampaskong punong-kahoy o fur tree na ito (Dreyer). Ang isa pang
ugaling Filipino na pareho sa tradisyong Ruso ay pagpapaputok ng mga rebentador.
Nagmula ang tradisyong ito sa Tsina at noong kauna-unaha’y itinuturing bilang pampagulat
at pampaalis sa masasamang espiritu (Dela Piedra). Gayunpaman, sa Rusya, ang tradisyon
ng pagpapaputok sa pista ng bagong taon ay itinakda ng Rusong Emperador na si Peter I
The Great noong 1699 ayon pa sa tradisyong Europeo, at itinuturing itong isang libangan
lamang (Maggs).
Ang isa pang kaibhan ng kulturang Filipino at Ruso ay ang paraan ng pagbibigay ng
regalo. Binibigyan ang mga bata sa Rusya ng mga regalo ni Lolo Frost na Rusong kapalit
ni Santa Claus. Ngunit hindi relihiyoso ang ugaling ito, at hinahandugan ang mga bata
ni Lolo Frost tuwing Bagong Taon lamang. Ibang-iba ang tradisyon ng pagreregalo sa
Pilipinas. Karaniwang tinatanggap ng mga nakababata ang mga regalo mula sa mga mas
matatandang kamag-anak nila sa pampamilyang salo-salo na tinatawag na “noche buena”
(Del Castillo at Carbayan). Kataka-taka sa mga Ruso kung paano tinatanggap ng mga
Pilipino ang mga regalo. Sa Rusya agad na binubuksan ng tao ang handog sa harap ng
nagbigay upang maipakita na nagugustuhan niya ang handog. Kaya kakatwa sa isang Ruso
na karaniwang hindi binubuksan ng mga Pilipino ang mga regalo sa harap ng ibang mga
bisita. Kailangan pang malaman ng isang taga-Rusya ang konseptong Filipino ng “hiya”
(Enriquez; Salazár; Gripaldo) para maunawaan na hindi titingnan ng Pilipino ang regalo
nang kara-karaka kasi ayaw siyang makasakit sa damdamin ng naghandog kung halimbawa
ay mas maliit ang regalo niya kaysa mga handog ng iba, o kapag hindi nagustuhan ang
regalo (Podberezsky; Baklanova, “12 salitang nagtutulong”).
May iba pang mga kaibhan sa pagdiriwang ng Pasko sa Rusya at sa Pilipinas.
Halimbawa, may pampamilyang salo-salong noche buena sa bisperas ng Pasko sa Pilipinas,
at nagsisimba ang mga Pilipino sa ika-25 ng Disyembre. Samantalang sa tradisyon ng
Rusong Simbahang Orthodox, nagbibihilya ang mga tao hanggang sa bisperas ng Pasko.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 23

Kapag sa gabi lumitaw na ang unang bituin sa langit, nagaganap ang hapunan. Kumakain
ang mga tao ng pambihilyang pagkain kasama ang kutya na lugaw na may kanin, pasas
at ibang mga sangkap. Pagkatapos ay tumutungo ang mga Ruso sa simbahan sa misa
ng Pasko. Ibig sabihi’y  nagsisimba sila tuwing noche buena mismo, at inihahain ang
masasarap na pagkaing pampista sa araw lamang ng Paskong Orthodox na sa Rusya ay
itinakda sa ika-7 ng Enero. 
Gaya ng sa Rusya, paganismo at animismo ang nanatili rin sa Pilipinas bago ang
Kristiyanismo. Ayon sa mga dalubhasa, nananatili pa rin ang mga bakas ng ganitong
paniniwala sa kulturang Filipino. Makikita ang paghahalo ng Kristiyanismo at ng mga
dating sampalataya, halimbawa, sa mga seremonya ng pagdiriwang (Roces; Wendt;
Stanyukovich). Malinaw ang kaugnayan ng mga sobrenatural na bagay at pang-araw-
araw na buhay sa Asya, at mas munti ang kaugnayang ito sa mga bansa sa Kanluran
(Rodell). Mayroon pa ring mga bakas ng animismo sa mga pista ng Rusya, kahit na
kakaunti lang. Halimbawa, nananatili pa ang mga tradisyonal na kantang pampasko na
tinatawag na kolyadki. Inaawit ang mga ito ng mga taong nakabalatkayo na dumadalaw
sa mga kanayon. Sa mga kantang ito humihingi sila ng masaganang ani sa susunod na
taon, at nagbubunyi sila sa mga maybahay na hinihingian nila ng mga munting regalo. Sa
karaniwan, ang handog para sa mga umaawit ay mga kukis na hugis-hayop, o kaya’y barya
(Ivanits). Ngayon nawalan na ang mga kolyadki ng sinaunang kahulugan nito at nagiging
libangan na lamang ito para sa mga kabataan.
Katulad ng sa Pilipinas, sa Rusya ang Pasko at Bagong Taon ay panahon ng reunion
ng mag-anak. Gayunpaman sa Rusya, hindi ganito kahalaga ang family reunion gaya ng
sa Pilipinas. Madalas na ipinagdiriwang ng kasalukuyang kabataan ang mga pistang ito
kasama ng mga kaibigan nila lamang. Dahil mas malakas ang kolektibismo sa kultura ng
Pilipinas, mas mahalaga sa mga Pilipino ang ganitong pagsasama-samang pampamilya.
Ang nagsisidalo sa mga pagdiriwang na ito ay hindi lamang mga magulang at anak nila,
kundi mga lola’t lolo, mga tiyo’t tiya, atbp. Bumabalik sa inangbayan kahit na ang mga
OFW upang makipagkita sa mga kapamilya nila. Maaaring sabihin na bagamat importante
sa mga Ruso ang pamilya nila, ang mga kaugaliang nauukol dito ay mas buhay sa Pilipinas
kaysa Rusya.
Maaaring makita ang maraming katangian ng mga kulturang pampista na Filipino’t Ruso
sa mga salawikain ng dalawang bansa. May mga salawikaing relatibong magkakatumbas,
pero maraming totoong nagkakaiba. Halimbawa, ang sumusunod na salawikaing Filipino
ay may katumbas sa Ruso. Sa Filipino: Kung may ibinitin, may titingalain. Sa Ruso:
Lyubish’ katat’sya, lyubi i sanochki vozit’ (Kapag ibig mong magsakay sa sledge, ibigin
mo ring hilahin ito).
Mayroon namang ibang salawikaing nagpapakita ng kaibhan sa tingin sa kagandahang-
loob ng mga Ruso’t Pilipino. Ayon sa mga Pilipino, “ang tunay na anyaya, sinasamahan ng
hila” na ibig sabihi’y hindi sapat na bigkasin lamang ang pag-anyaya, kailangan pa rin ang
gawa o sikap para ipahiwatig sa iniimbita na taos-puso ang anyaya. Kung sa mga Ruso
ito, hindi nila binabalewala ang anyaya kahit na minsan lang ito sinabi. “Huwag mong
tanggihan ang tinapay at asin,” ang sabi ng Ruso. Ang iba pang kaibhan ay sinasalamin ng
susunod na paris ng salawikain. Sa palagay ng Pilipino, “kahit wala nang pera, mangutang
para sa bisita.” Ang mga Ruso nama’y magsisisi sa ganitong maybahay na “kumakain siya
ng tinapay lamang at umiinom siya ng kvass [isang maasim na inumin na gawa sa malt o

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 24

tinapay] lamang, pero nag-aanyaya naman sa amin.” Sa palagay ng mga Ruso hindi tama
ang paggastos sa salo-salo at para sa mga bisita kung walang sapat na pera para pakainin
ang sarili. Sa ganoon, nagsasalalarawan ang dalawang wika ng nagkakaibang konsepto ng
mga Pilipino at ng mga Ruso ukol sa tamang antas ng kagandahang-loob. Ayon sa aming
pagkaintindi, gustong-gusto ng mga Pilipino ang pagdiriwang; mahalaga ang pista para sa
kanila. Kahit na mahirap ang isang Pilipino, pagagandahin pa rin niya ang tahanan niya
para sa pista, susubukang magluto ng masasarap na pagkain at uutang pati siya ng pera
para makapag-anyaya ng mga bisita. Karaniwang hindi ginagawa ng mga Ruso ang ganito;
mas praktikal kami sa ganitong aspekto.
Sa kabuoan, ang impresyon namin ay mas minamahalaga ang mga tradisyon at mga
ugali sa Pilipinas kaysa sa kasalukuyang Rusya. Siguro maaaring sabihin na hindi lamang
mas madalas na sumusunod ang mga Pilipino sa mga relihiyosong tradisyon, kundi mas
taos-puso ang pagsunod ng mga Pilipino sa mga kaugalian nila. Bukod dito, mukhang
mas indibidwalista ang mga kaugaliang Ruso. Sa Pilipinas naman, ang mga katangian
ng pakikisama, pakikipagkapwa-tao, hiya, at iba pa (Podberezsky; Enriquez; Salazár;
Gripaldo) ay nalalantad sa magagandang tradisyong Filipino. 

Mga Sanggunian
Alcantara, Adelamar N. “Gender Roles, Fertility, and the Status of Married Filipino Men and
Women.” Philippine Sociological Review, tomo 42, blg. 1/4, 1994, pp. 94–109.
Ava, Laboy Capo. Wedding Traditions from Around the World. AuthorHouse, 2013, pp.
191-192; 205-207.
Baklanova, Ekaterina. “12 слов, помогающих понять филиппинскую культуру” (“12
salitang nagtutulong na maintindihan ang kulturang Filipino”). Arzamas Academy,
2020, https://arzamas.academy/mag/795-philippines.
---. “From Makiling to Rosales: Philippine literary studies in Russia.” UNITAS, tomo 93, blg.
2, 2020, pp. 89–106.
Clements, Barbaba Evans. “Gains and losses, 1991–2010.” A History of Women in Russia:
From Earliest Times to the Present, Indiana UP, 2012, pp. 286-315.
Constantino, Renato. The Philippines: A Past Revisited. Tala, 1975.
Del Castillo, Fides, at Antonio Carbayan. “Christmas in the Philippines: Beyond Popular
Religious Tradition.” Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, 2020.
Dela Piedra, Mark Clayton. “A Filipino Tradition: The Role of Fireworks and Firecrackers in
the Philippine Culture.” TALA, tomo 1, blg. 1, Setyembre 2018, pp 141-153. 
Dreyer, Robin Redmon. Christmas Traditions, Legends, Recipes from Around the World.
AuthorHouse.
Enriquez, Virgilio G. “Filipino Psychology in the Third World.” Philippine Journal of
Psychology, tomo 12, blg. 5, 1977, pp. 3-18.
Fagan, Geraldine. Believing in Russia – Religious Policy after Communism. Routledge, 2012.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 25

Go, Stella P. The Filipino Family in the Eighties. SDRC, De La Salle U, 1993.
Gripaldo, Rolando M. “Filipino Cultural Traits.” Philippine Philosophical Studies, tomo
III, 2005.
Höllinger, Franz at Max Haller. “Kinship and social networks in modern societies: a cross-
cultural comparison among seven nations.” European Sociological Review, tomo
6, blg. 2, Setyembre 1990, pp. 103–124.
Ivanits, Linda J. Russian Folk Belief. M.E. Sharpe, 1992.
Jocano, F. Landa. “Filipino Social Structure and Value System.” Filipino Cultural Heritage,
lecture series blg. 2, Philippine Women’s U, 1966. 
Lakoff, George at Mark Johnson. Metaphors we live by. U of Chicago P, 1980.
Lamanna, Mary Anne at Agnes Riedmann. Marriages and families: Making choices
throughout the life cycle, ikalawang edisyon, Wadsworth, 1985.
Levada Center. “Attitudes to Religion.” Marso, 03, 2020, https://www.levada.ru/en/2020/03/
19/attitudes-to-religion/.
Maggs, Barbara Widenor. “Firework Art and Literature: Eighteenth-Century Pyrotechnical
Tradition in Russia and Western Europe.” The Slavonic and East European Review,
tomo 54, blg. 1, 1976, pp. 24–40.
Makarenko, Vladimir. “Teaching Tagalog in Russia.” Philippine Approaches, tomo I, blg.
4, Abril 1968.
Mandelstam Balzer, Marjorie. Religion and Politics in Russia. Routledge, 2015.
Medina, Belen. The Filipino Family, ikalawang edisyon, U of the Philippines P, 2001.
Podberezsky, I.V. Сампагита, крест и доллар (Sampaguita, Krus at Dolyar). Nauka, 1974.
PSA. “Philippines in Figures.” Philippine Statistics Authority, 2014, https://psa.gov.ph/
content/2014-philippines-figures-0.
Rodell, Paul. Culture and Customs of the Philippines. Greenwood Publishing Group, 2002.
Roces, Alejandro R. Fiesta. Vera-Reyes, 1980.
Salazár, Zeus. “Wika at Diwa: Isang Pansikololinggwistikang Analisis sa Halimbawa ng
Konsepto ng “Hiya”.” Ulat ng Ika-labindalawang Seminar sa Sikolohiya ng Wika,
pinatnugutan ni S. Ortega, 7 Pebrero 1981, pp. 38-43.
Silverio, Julio F. Mga Sala-Salawikain. M & L Licudine Enterprises, 1997.
Stanyukovich, M.V. “Пляски плодородия: церковь Пресвятой Девы рыболовной
сети, Танцующего св. Пасхалия и св. Клары Ассизской на Филиппинах и ее
языческое наследие” (“Fertility dance: the church of Our Lady of a Fishnet, of
Dancing St. Pascual and of St. Clara of Assisi (the Philippines) and its ancient pagan
heritage”). RSUH/RGGU Bulletin, blg. 5, 2020, pp. 112–139.
Stanyukovich, Maria. “Philippine Studies in Russia: View from St. Petersburg.” Pilipinas
Muna! The Philippines is a Priority! In Honor of Gennadiy Yevgenyevich Rachkov,
Maclay Publications, blg. 4, edisyon ni M. V. Stanyukovich, 2011, pp. 21-59.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Baklanova | Ilang Konseptong Kultural sa Filipino 26

Tarroja, Maria Caridad. “Revisiting the definition and concept of Filipino family: A
psychological perspective.” Philippine Journal of Psychology, tomo 43, blg. 2,
2010, pp. 177-193.
Torres, Amaryllis. “Kinship and social relations in Filipino culture.” Sikolohiyang Filipino:
Isyu, Pananaw at Kaalaman, pinatnugutan nina A. Aganon & A. David, NBS,
1985, pp. 487-509.
Whorf, Benjamin. Language, Thought, and Reality: Selected Writings of Benjamin Lee
Whorf, pinatnugutan ni John B. Carroll, MIT P, 1956.
Wendt, Reinhard. “Philippine Fiesta and Colonial Culture.” Philippine Studies, tomo 46,
blg. 1, 1998, pp. 3–23.
Zabolotnaya, Natalia. “Philippine Linguistic Studies in Russia.” Papel na itinanghal sa 10th
International Conference on Austronesian Linguistics, 17-20 Enero 2006, Palawan,
Philippines, http://www.sil.org/asia/philippines/ical/papers.html.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Cabrera | Pagtuturo ng Wikang Filipino 27

Pagtuturo ng Wikang Filipino sa Pransiya


Teaching the Filipino Language in France

Raissa Cabrera
Institut National des Langues et Civilisations Orientales (INALCO)
raissa.cabrera@inalco.fr

Abstrak
Tinatalakay sa artikulong ito ang mga karanasan ng isang gurong Filipino na nagtuturo ng
wikang Filipino bilang wikang banyaga sa mga mag-aaral na Pranses sa Institut National
des Langues et Civilisations Orientales, o Pambansang Surian ng mga Wika at Kabihasnang
Silanganin sa Asya. Sa unang bahagi ng sanaysay, inilalahad ang mga materyales na kalakip
sa paghahanda sa pagtuturo ng wikang Filipino. Ipinakikilala naman sa ikalawang bahagi
ang mga uri ng mga mag-aaral at ang kanilang mga motibasyon sa pag-aaral. Sa huli,
ibinabahagi ng manunulat ang mga estratehiyang kaniyang ginagamit sa pagtuturo ng
wikang Filipino kasama na rin ang mga pagsubok sa pagtuturo ng iba’t ibang kurso na may
kinalaman sa wika tulad ng pagsasalita, balarila, at pag-aaral ng mga akdang moderno.
This article recounts the experiences of a Filipino teacher who teaches Filipino as a foreign
language to French students at the Institut National des Langues et Civilisations Orientales, or
the National Institute of Oriental Languages ​​and Civilizations. At the beginning of the essay,
the author reports her experience in preparing the lessons and teaching materials used. The
second part describes the different students in the Filipino section and their motivations for
learning the language. The third part presents the different strategies used by the author and
the difficulties encountered in teaching subjects such as oral expression, grammar, and the
study of modern texts.

Mga Susing-salita
pagtuturo, Filipino bilang wikang banyaga, balarilang Filipino, estilong komunikatibo
teaching, Filipino as a foreign language, Filipino grammar, communicative approach

Tungkol sa May-akda
Si Raissa Cabrera ay naging guro ng wikang Filipino nang anim na taon sa Institut
National des Langues et Civilisations Orientales (INALCO) o Pambansang Surian ng mga
Wika at Kabihasnang Silanganin sa Asya sa Paris. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Arte ng
Wikang Europeo sa Unibersidad ng Pilipinas, at Masterado sa Pagtuturo ng Pranses bilang

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Cabrera | Pagtuturo ng Wikang Filipino 28

banyagang wika sa Unibersidad ng Côte d’Azur sa Pransiya. Sa kasalukuyan, nagtuturo


siya ng Cebuano o Binisaya sa INALCO, at Pranses sa mga migranteng Filipino sa Paris. Sa
tuwing hindi siya nagtuturo, mahilig siyang magbasa ng libro sa parke habang kumakain
ng pain au chocolat.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Cabrera | Pagtuturo ng Wikang Filipino 29

Simula pa noong bata ako, exposed na ako sa mga banyagang wika. Maliban sa Ingles,
madalas na akong nakaririnig ng mga salitang Español dahil sa mga usong-usong
Mexicanovela noong unang panahon. Mahilig din akong manood ng mga animé at kantahin
ang mga pang-umpisa nilang kanta sa wikang Nihonggo. Wala akong naiintindihan sa
mga lyrics pero aliw na aliw pa rin ako sa mga ito. Natuto na rin ako ng mga salita at
mga simpleng pangungusap sa Hangul o wikang Koreano dahil sa mga Koreanovelang
ipinapalabas noon tuwing hapon. Naaalala ko rin ang pagkadeskubri ko ng wikang Pranses
noong bata ako dahil sa mga palabas na Princess Sara at Madeline. Sa dinami-rami ng
wikang nakasalamuha ko sa paglaki ko, nagpasya akong mag-aral ng wikang Pranses
bilang kurso sa Unibersidad ng Pilipinas noong 2010. Makalipas ang apat na taong
pag-aaral, ninais kong linangin pa ang mga kakayahan ko sa mismong bansa kung saan
ito sinasalita at siyempre, maranasan ang mga pakikipagsapalaran ni Madeline. Bago
magtapos, sinubukan kong kumuha ng scholarship upang makapag-aral ng Masterado sa
Pransiya. Sa kabutihang-palad, nakuha ito.
Taong 2014 noong nagtapos ako ng Masterado sa pagtuturo ng Pranses bilang
banyagang wika sa Unibersidad ng Nice na matatagpuan sa timog ng Pransiya. Bagamat
desidido akong bumalik sa aking bansang pinagmulan upang magturo ng Pranses,
nagkaroon ako ng isang pambihirang pagkakataong makapagtrabaho sa Paris—bilang
guro ng Filipino. Ilang buwan bago ang pag-alis ko, nakita ko ang anunsiyo ng Institut
National des Langues et Civilisations Orientales (INALCO) o Pambansang Surian ng
mga Wika at Kabihasnang Silanganin na naghahanap ng bagong guro ng Filipino. Sa
totoo lang, labis akong nagulat nang malamang mayroon palang paaralang nagtuturo ng
Filipino sa Pransiya. Ayon sa artikulong isinulat ni Elisabeth Luquin, puno ng seksiyon ng
Filipino sa INALCO, tanging ang pamantasang ito lamang ang naghahandog ng kursong
Araling Filipino sa buong Europa. Dali-dali akong nagpadala ng aking résumé at liham na
nagpapahiwatig ng aking interes sa inaalok na trabaho. Sino nga bang magpapalampas pa
sa ganitong pambihirang pagkakataon?
Bagamat wala akong sapat na karanasan sa pagtuturo bilang katatapos lamang ng aking
pag-aaral, nasiyahan ako sa ideang maaari akong maging isang aktor sa pagpapalaganap
ng wika at kultura ng Pilipinas sa ibayong dagat. Isa pa, mag-aaral ako ng wikang banyaga.
May karanasan ako sa pag-aaral ng wikang puwede kong maibahagi sa mga magiging
mag-aaral ko. Sa kabutihang palad, natanggap ang aplikasyon ko. Habang sabik na sabik
na akong simulan ang pagtuturo sa lungsod na tinuguriang “City of Love,” may parang
maliit na boses na bumulong sa aking tenga, “Sandali nga lang, paano nga ba ituro ang
wikang Filipino bilang banyagang wika?” Oo nga’t napag-aralan ko sa aking Masterado
kung ano-ano ang iba’t ibang teorya at estratehiya ukol sa pagtuturo ng Pranses bilang
wikang banyaga, ngunit hindi ko alam kung magagamit ko nga ba ang mga ito sa pagtuturo
mismo ng Filipino. Isa pa, lumaki ako sa probinsiya ng Bulacan. Filipino ang aking inang
wika at ito ang pangunahing ginagamit ko sa pang-araw-araw na pamumuhay: sa bahay,
sa eskuwela at kahit saan man ako pumunta. Natuto akong magsalita ng wikang ito mula
sa aking nanay at nahasa nang husto noong ako’y nagsimulang mag-aral. Ngunit ngayong
matanda na ako, tila ba nakalimutan ko na kung paano ako nag-aral ng Filipino noong
ako’y bata pa. Malaking hamon talaga ito ngunit mas nangingibabaw pa rin ang hangarin
kong, wika nga nila, itaas ang bandila ng mga Pilipino.
Dalawang buwan bago ang pasukan noong natanggap ko ang mensaheng natanggap ako
sa INALCO. Bilang paghahanda, humiram ako ng mga librong ginagamit ng mga guro

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Cabrera | Pagtuturo ng Wikang Filipino 30

ng seksiyon ng Filipino. Naging malaking tulong sa akin ang libro ni Jonathan Malicsi
na pinamagatang Gramar ng Filipino, at ang Tagalog Reference Grammar nina Paul
Schachter at Fe Otanes na ginamit ko upang araling mabuti ang gramatikang Filipino.
Mayroon din kaming kopya ng akda ni Luzviminda Ganzon na Filipino Basic Course.
Pinukaw nito ang aking interes dahil naglalayon itong ituro ang wikang Filipino sa
mga sundalong Americano na nakadestino sa Pilipinas lalo na noon. Naglalaman ito ng
intensibong paglalahad ng mga panuntunan ng balarilang Filipino at iba’t ibang praktikal
na pagsasanay upang magamit ang mga napag-aralan. Kinailangan ko ring piliing mabuti
ang mga ehersisyong ibabahagi sa mga estudyante dahil karamihan sa mga pagsasanay na
naisulat ni Ganzon ay nasa kontekstong militar. Mayroon namang isang aklat na naisulat
sa wikang Pranses na may motibong ituro ang balarilang Filipino sa publikong Pranses.
Ang akdang ito’y pinamagatang Parlons tagalog (Magsalita tayo ng Tagalog) na isinulat
ng yumaong si Marina Pottier-Quirolgico noong 1999. Ayon sa nabanggit kong sanaysay
ni Luquin, si Marina Pottier-Quirolgico ang kauna-unang Pilipinong guro sa INALCO
(225). Mayroon ding isinulat na mga leksiyon ukol sa balarila ang kasalukuyang pinuno
ng seksiyon na si Elisabeth Luquin, ngunit sa ngayon, hindi pa nailalathala ang kaniyang
mga akda. Naging malaking tulong sa aking pagrerepaso ng mga panuntunan sa balarilang
Filipino ang mga sulatin nina Pottier-Quirolgico at Luquin. Unang-una sa lahat, siksik ang
mga ito ng mga kaalaman tungkol sa wikang Filipino, at talagang detalyado ang bawat
paliwanag. Pangalawa, nakasulat ang mga ito sa Pranses kung kaya’t mas madali para sa
aking mahanap ang mga salitang teknikal sa dalawang wika. Pangatlo, sa aking palagay,
mas madaling maiintindihan at maisasaisip ng mga estudyante ang bawat panuntunan
kung nakasulat ito sa kanilang inang wika.
Maliban sa pag-aaral muli ng balarilang Filipino, naging palaisipan naman sa akin kung
paano ituturo ang wikang ito gamit ang estilong komunikatibo. Isa sa mga paksa na dapat
kong ituro ay ang expression orale o pagsasalita. Alam naman nating malaki ang maitutulong
ng kaalaman sa balarila upang makabuo ng mga pangungusap at makapagsulat ng mga
talata, ngunit iba pa rin ang mga panuntunan sa pananalita. Kailangang matuto ang mga
mag-aaral na magsalita ngunit higit sa lahat, kailangan nilang matutong makipag-usap sa
iba’t ibang konteksto. Paano makipagkilala? Paano bumili sa palengke? Paano umorder sa
restoran? Paano ikuwento ang nakalipas na bakasyon? Puwede nating sabihing “Okay lang
iyan, mag-Ingles na lang sila sa Pilipinas!,” ngunit hindi ito ang punto. Layunin ng kursong
matutuhan ng mga mag-aaral ang makipag-usap at makihalubilo sa mga tao sa Pilipinas
sa pang-araw-araw na konteksto. Sa kabutihang palad, may mangilan-ngilang akdang
nailathala na nakasentro sa estilong komunikatibo. Kabilang sa mga akdang nagamit ko sa
pagtuturo ay ang Tagalog for Beginners at Intermediate Tagalog ni Joi Barrios, at Tara!
Mag-Tagalog Tayo! nina Jiedson Domigpe at Nenita Domingo. Naglalaman ang mga ito
ng mga araling may iba’ ibang tema, mula sa pagpapakilala hanggang sa pagkukuwento ng
mga paboritong destinasyon sa Pilipinas. May mga diyalogo rin na maaaring gamitin ng
mga mag-aaral bilang inspirasyon sa pagsasagawa nila ng sarili nilang diyalogo. Nais kong
banggitin na mahirap bilhin ang mga librong nabanggit sa Pransiya. Karamihan sa mga
ito ay nabili pa sa Pilipinas, at ang ilan ay nabili pa mula sa Estados Unidos. Sa ilang taon
kong pagtatrabaho sa INALCO, kinailangan ko ring gumawa ng sarili kong mga materyales
o kaya ay maghanap kung saan-saan ng mga bidyo at mga dokumentong maaari kong
gamitin sa klase.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Cabrera | Pagtuturo ng Wikang Filipino 31

Matapos kong ilahad ang mga preparasyong isinagawa ko para ihanda ang aking mga
materyales sa pagtuturo, ibabahagi ko naman ngayon ang iba’t ibang uri ng mga mag-aaral
na nakasalamuha ko sa INALCO. Marahil ay nagtataka kayo kung sino-sino ang mga nais
mag-aral ng Filipino sa Pransiya. Kung ikokompara sa ibang seksiyon ng Departamento
ng Timog-Silangang Asya tulad ng seksiyong Vietnamese at Thai, kakaunti lamang ang
mga estudyanteng nag-eenrol sa amin. Nabibilang sa lima hanggang labinlima ang mga
pumapasok sa unang taon. Sa kabila nito, nakatutuwa pa ring malamang may mga taong
interesadong pag-aralan ang wika at kultura ng bayan kong sinilangan. Pero sino nga ba
ang mga nagnanais na mag-aral ng wika at kulturang Filipino sa Pransiya? Tunay namang
samot-sari ang uri ng mga estudyanteng nakasalamuha ko sa anim na taon kong pagtuturo.
Mula sa edad, pinanggalingan, estado ng buhay, hanggang sa kanilang karanasang
propesyonal, para bang sari-sari store ang sitwasyon sa aming silid-aralan. Karamihan sa
mga estudyanteng pumapasok sa unang taon ay iyong mga nagtapos ng high school. Sa
pangkalahatan, mga labingsiyam o dalawampung taong gulang sila. Paminsan-minsan,
mayroon ding mga kasalukuyan nang nagtatrabaho at ang iba pa nga’y matatanda’t
retirado na. Sa unang araw ng eskuwela, walang mintis kong itinatanong kung bakit nga ba
nila napiling mag-aral ng Filipino. Maliban sa kagustuhang malaman ang mga motibasyon
nila para maiugnay at maiangkop ang mga aralin ko, interesado rin akong malaman kung
bakit nga ba Filipino ang kanilang interes. Bakit hindi Mandarin? O kaya’y Nihonggo?
Base sa mga nakuha kong kadahilanan, maibubuod sa tatlong grupo ang mga pumipili
ng wikang Filipino bilang kurso sa kolehiyo. Sa isang panig, may mga mag-aaral na walang
kaugnayan sa Pilipinas at nais lamang nilang mag-aral ng “kakaibang” wika para sa kanilang
BA (may isang estudyante na pumikit pa nga, ipinaikot ang kaniyang globo, at nagpasyang
pag-aralan ang wika ng bansang matuturo ng kaniyang daliri). Kadalasan, hindi pa sila
kailanman nakapunta sa Asya at wala talaga silang kaalaman tungkol sa ating kapuluan.
Pagdating naman sa ikalawang pangkat, ang iba sa kanila’y may asawa o kasintahang
Filipino at gusto nilang matutuhan ang wika ng kanilang kabiyak. Mayroon ding mga
nakapaglakbay na sa Pilipinas at nagnanais na mapalawig ang kanilang kaalaman tungkol
sa lengguwahe at pamumuhay sa bansa. Sa madaling salita, may sapat na kaalaman na
ang grupong ito tungkol sa Pilipinas. Sabi nga ng isa kong estudyanteng nakapangasawa
ng Pilipino, ginusto niyang mag-aral ng Filipino upang maintindihan ang asawa niyang
galit at hinahabol siya ng walis. Sa huli, karamihan sa mga pumapasok sa INALCO ay
mga batang ipinanganak na sa Pransiya na maaaring may isa o dalawang mga magulang
na Pilipino. Sa madaling sabi, Filipino (mayroon ding ibang wika tulad ng Kapampangan
at Ilokano) ang wika ng kanilang mga magulang ngunit Pranses ang ipinapalagay nilang
inang wika. Ayon sa ilan, hindi sila natutong magsalita ng wika ng kanilang mga magulang
dahil sa Pransiya naman daw sila nakatira at wala naman daw maidudulot ang pagsasalita
ng Filipino. Sa aking palagay, nakadidismaya na may ganitong pag-iisip ang ilan sa
mga migranteng Filipino, hindi lamang sa Pransiya ngunit sa ibang bansa na rin, dahil
ipinagkakait nila sa kanilang mga anak ang pagdeskubri sa kanilang pinanggalingan. Kaya
nama’t nakatataba ng puso kapag mayroon akong nagiging mga mag-aaral na naglalayong
matuklasan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng aming mga klase.
Matapos ang paglalarawan ng mga mag-aaral ng INALCO, dumako naman tayo ngayon
sa aking karanasan sa pagtuturo mismo ng wikang Filipino. Sa bahaging ito, kikilalanin
ko na rin ang mga pagsubok na naranasan ko sa pagtuturo ng mga klase ko. Binubuo
ng tatlong taon ang programang Batsilyer sa Araling Filipino sa aming paaralan. Bawat

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Cabrera | Pagtuturo ng Wikang Filipino 32

taon nama’y nahahati sa dalawang semestre. Sa unang taon ng kurso, nahahati ang mga
asignatura sa tatlo. Malaking bahagi ng klase ng mga estudyante ay binubuo ng pag-
aaral ng mismong wika. Mayroon silang klase sa “Balarila,” “Pagsasalita sa Filipino,” at
“Pagsusulat sa Filipino.” Pagdating sa ikalawang bahagi ng programa, naglalaman naman
ito ng mga klaseng obligadong kunin ng mga mag-aaral na patungkol sa sibilisayon
ng Timog-Silangang Asya. Sa ikatlong bahagi, malaya ang mga estudyanteng pumili
ng dalawang asignatura na naaayon sa kanilang interes. Sa ikalawang taon ng kurso,
madadagdagan ang kanilang mga klase sa Filipino ng isa pang subject: “Pag-aaral ng
mga akdang moderno.” Maliban sa mga klase nila sa wika at sibilisasyon, puwede na rin
silang kumuha ng kanilang minor. Ilan sa mga pagpipilian ay “Ugnayang pandaigdig,”
“Kalakarang pandaigdig” o kaya nama’y “Pagtuturo ng banyagang wika.” Tanging ang mga
klaseng patungkol sa wika lamang ang itinuturo gamit ang wikang Filipino. Lahat ng natira
ay itinuturo gamit ang wikang Pranses. Hinawakan ko ang mga klaseng sumusunod, mula
sa una hanggang ikatlong taon: “balarilang Filipino,” “pagsasalita sa Filipino,” “pagsusulat
sa Filipino,” at “pag-aaral ng mga modernong teksto.” Nagturo din ako ng wikang Cebuano
para sa mga estudyanteng nasa ikatlong taon na ng pag-aaral.
Pagdating sa pagtuturo, pinakasuntok sa buwan para sa akin ang pagtuturo sa mga
estudyante sa unang taon. Gaya nga ng sabi ko tungkol sa uri ng mga taong pumapasok sa
INALCO, iba’t iba ang mga nakakaharap ko taon-taon. May isang taong halos puro Pilipino
ang mga naging estudyante ko. Mayroon namang puro banyaga ang mga dumating. May
panahon ding kalahating mga Pilipino at kalahating banyaga ang mga nakaharap kong
estudyante. Dahil dito, taon-taon ko ring binabago ang mga ginagamit kong materyales
para maiayon ang mga ito sa antas ng mga mag-aaral. Nagbibigay din kami sa kanila ng
diagnostic exam upang masukat ang kaalaman nila sa wikang Filipino. Kung mataas ang
grado ng isang estudyante, maaari siyang hindi na pumasok sa klase at gumawa lamang ng
mga pagsasanay sa bahay at sa huli’y mag-exam. Puwede na rin niyang sundan ang mga
klase sa ikalawang taon kung talagang mataas na ang kaniyang antas, ngunit madalang
ang mga ganitong kaso. Base sa aking obserbasyon, karamihan sa mga estudyanteng
may mga magulang na Pinoy, magaling sila sa pananalita ngunit hirap sila sa pagsusulat,
lalong-lalo na sa paggamit ng tamang balarila. Kumbaga, malawak na ang bokabularyo
nila ngunit hindi nila gamay ang tamang paggamit ng mga salita dahil natuto sila ng
Filipino sa pakikinig lamang sa mga magulang nila. Sa ganitong sitwasyon, pinapapasok
pa rin namin sila sa klase. Talagang halo-halo ang antas ng katatasan ng mga estudyante
sa unang taon. Minsan problematiko dahil may tendensiyang mainip ang mga may alam
na sa wika tuwing nagsisimula kami sa mga aralin. Sa kabilang banda naman, naiilang ang
mga baguhan dahil magaling nang magsalita ang iba nilang mga kasamahan. Sa ganitong
pagkakataon, bilang guro, kailangan kong sundan ang ritmo ng mga baguhan at ipaalala
sa mga estudyanteng maalam na maging matiyaga. Madalas din akong nagpapagawa ng
mga aktibidad kung saan iginugrupo ko ang mga baguhan sa mga matatas na para sila’y
makapagtulungan at makipagpalitan ng mga kaalaman.
Hindi rin madali ang pagtuturo mismo ng balarila sa mga estudyante sa unang taon.
Gaya ng nabanggit ko sa unang bahagi ng tekstong ito, mayroon lamang akong ilang buwan
para balikan at irepaso ang lahat ng kaalaman ko tungkol sa balarilang Filipino. Hindi lang
iyon, kinailangan ko ring aralin ang mga teknikal na salita sa Pranses para maipaliwanag
ko ang mga alituntunin sa gramatikang Filipino. At para lalong pakomplikahin ang mga
bagay-bagay, karamihan sa mga ibinibigay kong photocopy ng mga aralin ay galing sa

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Cabrera | Pagtuturo ng Wikang Filipino 33

mga akdang nakasulat sa Ingles na nabanggit ko sa unang bahagi ng artikulong ito. Oo,
nagtuturo ako ng balarilang Filipino gamit ang wikang Pranses kasabay ng paggamit ng
mga materyales na nakasulat sa Ingles. Sabayan mo pa ng mga salitang hiram mula sa
Español na ginagamit sa Filipino. Nakakahilo talaga. Biro ko nga sa mga estudyante ko,
sulit ang pag-aaral nila sa wikang ito, hindi lamang sila matututong managalog, magiging
matatas din sila sa Ingles at Español.
Kung pag-uusapan naman ang mga alituntunin sa balarila, isa sa pinakaunang hamon
para sa mga estudyante sa unang taon ay ang pagbuo ng pangungusap. Sa unang semestre,
inuuna naming ituro ang pagbuo ng mga pangungusap gamit ang mga panaguring di-
berbal at mga panaguring berbal gamit ang mga pandiwang hindi nababanghay tulad ng
mga pandiwang eksistensiyal at paari (may, mayroon/meron, wala), at mga pandiwang
ugat na panaguri (gusto, ayaw, puwede, alam, at iba pa). Iniiwasan pa namin sa puntong ito
ang paggamit ng mga pandiwang nababanghay upang masanay muna ang mga mag-aaral
sa pagbuo ng simpleng pangungusap. Sa wikang Pranses, katulad ng Ingles, nagsisimula
ang pangungusap sa paksa, sinusundan ng pandiwa at nagtatapos sa panaguri. Sa Filipino,
itinuturo namin ang kabaliktaran—magsisimula muna sa panaguri at nasa huli ang paksa.
Oo nga’t puwede namang magsimula sa paksa at gumamit ng ay, ngunit mas sinusundan
namin ang naunang paraan. Nagugulat ang mga mag-aaral na puwedeng magsulat ng
mga panaguring di-berbal o walang pandiwa sa Filipino. Wala itong “stative” na pandiwa
gaya ng to be sa Ingles. Mabait si Ana. Matalino ang mag-aaral. Katulad ng Ingles ang
Pranses, kailangan ng pangungusap ng pandiwang être. Ana est gentille. L’étudiant est
intelligent. Madalas ko ring pinaaalalahanan ang mga estudyanteng iwasan ang paggamit
ng salitang ay sa Filipino upang hindi nila isiping katumbas ito ng pandiwang to be at
upang masanay na rin sila sa pagkakasunod-sunod o syntax ng pangungusap. Isa pang
konsepto na mahirap isaulo para sa mga Pranses ang paggamit ng pang-angkop o linker sa
Ingles dahil wala nito sa kanilang wika. Upang masanay ang mga estudyante sa ganitong
estruktura, maraming ehersisyo ang ibinibigay namin tuwing klase at nagbibigay din kami
ng mga takdang-aralin upang mabalikan ang mga naaral. Sa pangkalahatan, ginagamit ng
aming seksiyon ang grammar-translation method para ituro ang balarilang Filipino. Isa
ito sa mga metodolohiyang tradisyonal kung saan nakasentro ang pagtuturo sa teknikal na
bahagi ng wikang inaaral. Pinalawig ang paggamit nito sa Europa noong ika-18 siglo para
sa pag-aaral ng mga klasikal na wika tulad ng Latin at Greek (Kim 330). Bilang pagsunod
sa pamamaraang ito, ginagamit namin ang Pranses, ang inang wika ng mga estudyante,
para ituro sa umpisa ang mga alituntunin sa pagbuo ng mga salita at pangungusap sa
Filipino. Pagkatapos, kailangan nilang tandaan ang mga ito upang makagawa sila ng
mga halimbawang pangungusap. Isasalin nila ang mga pangungusap na ginawa nila sa
Pranses o kaya nama’y isasalin nila ang mga halimbawa sa Filipino. Bagamat makalumang
pamamaraan ito, napansin kong epektibo ang grammar-translation method sa mga
estudyante sa unang taon, lalong-lalo na sa mga baguhan. Base sa aking karanasan,
nababawasan ang kanilang stress sa pag-aaral ng bagong wika dahil itinuturo ito sa wikang
alam nila.
Bilang karamihan sa mga aktibidad sa klaseng ito ay nakasentro sa paulit-ulit na
pagbabasa, pagsasalin, pagkakabisa at pagsusulat, madalas akong nagpapalaro sa aking
mga estudyante sa huling bahagi ng kanilang klase. Marami nang naisulat tungkol sa mga
mabuting dulot ng paglalaro sa pag-aaral ng gramatika ng isang banyagang wika (Bush
17-29). Sa kadahilanang panghapon ang klase ng mga estudyante ko, bakas madalas sa

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Cabrera | Pagtuturo ng Wikang Filipino 34

kanilang mga mukha ang pagod sa tuwing nag-aaral kami ng gramatika. Para itaas ang
enerhiya ng klase, ipinapagawa ko sa kanila ang mga tipikal na laro tulad ng “mime” at
“pictionary.” Mabisang paraan ito upang marepaso at maisaulo ang mga bagong salitang
natututuhan nila sa klase. Naglalaro din kami ng “Sino ito?” o “Guess Who?” sa Ingles
upang maaral ng mga estudyante ang paggamit halimbawa ng may, mayroon at wala.
Ginagawa rin namin ang larong gustong-gusto ko noong ako’y nasa high school pa noon
sa Pilipinas tulad ng “Pinoy Henyo,” para masanay sila sa pagtatanong sa Filipino, at
“P.A.N.T.S.” (o Places, Names, Things at Score) para masukat ang antas ng kanilang
bokabularyo at lalong mapalawig pa ito. Sa kahit anong taon, mapabata man o matanda,
talaga namang ginaganahan ang mga mag-aaral sa tuwing sinasabi ko, “Okay! Maglaro
tayo!”
Sa ikalawang semestre ng unang taon namin itinuturo ang mga pandiwa sa Filipino. Dito
namin ipinapaliwanag ang konsepto ng aspekto, pagbabanghay, at ang iba’t ibang pokus
ng pangungusap. Halos pito ang karaniwang ginagamit na tenses sa wikang Pranses
kung kaya’t magandang balita naman para sa mga estudyanteng malaman na tatlong
aspekto lamang ang kailangan nilang tandaan sa Filipino: aspektong pangnagdaan,
pangkasalukuyan, at panghinaharap. Samantala, nahihirapan naman sila sa konsepto
ng mga pokus dahil dalawa lamang ang mayroon sa Pranses: pokus sa aktor, at pokus
sa layon. Sa Filipino, anim na pokus ang itinuturo namin. Sa unang taon, pokus sa aktor
at layon ang nadedeskubri nila. Nahihirapan din sila sa mga unlapi gaya ng ma-, um- at
mag- dahil maliban pa sa paiba-ibang alituntunin sa pagbabanghay ng mga ito, kailangan
din nilang kabisaduhin ang mga salitang-ugat na dapat ikabit sa mga panlaping ito upang
makabuo ng pandiwa. Madalas nila akong tinatanong kung paano malalaman kung ang
isang salitang-ugat ay gumagamit ng um- o ma- o mag-. Madali ko ring sinasagot na walang
teknik o clue para malaman, ang tanging paraan ay kabisaduhin lahat. Magreklamo man
sila’y wala rin naman silang magagawa. Dagdagan pa ito ng mga panlaping -in at i- para
sa pokus sa layon, at talaga namang pigang-piga na ang utak nila pagkatapos ng klase.
Upang mabawasan ang pagkabalisa ng mga estudyante tungkol sa balarila, palagi ko silang
pinapaalalahanan na hindi nila kailangang dibdibin ang mga alituntunin ng balarila at
himayin na tipong nasa klase kami ng lingguwistika. Mas mahalaga pa ring matutuhan ang
mga alituntuning ito upang maintindihan ang estruktura ng wikang Filipino at makabuo
ng mga pangungusap tungo sa pakikipagkomunikasyon.
Sa ikalawang taon, tinatalakay namin sa klase ng gramatika ang iba pang mga
pokus tulad ng pokus sa ganapan o lokatib, pokus sa gamit o instrumental, pokus sa
tagatanggap o benepaktib, at pokus sa rason. Lumalawak na ang bokabularyo ng mga
estudyante sa puntong ito kung kaya’t nahihirapan na silang kabisaduhin ang tamang
pagbabanghay. Inaaral din namin ang iba pang mga modo gaya ng mga pandiwang
abilitative na gumagamit ng mga unlaping maka- at makapag-; at ang mga pandiwang
social participative na gumagamit ng mga unlaping maki- at makipag-. Kung madali
lang para sa mga estudyante ang mga naunang pokus (aktor at layon) dahil mayroon
nito sa kanilang wikang Pranses, mahirap naman unawain para sa kanila ang ibang mga
pokus dahil wala nito sa Pranses. Para sa kanila, hindi natural na gawing pokus ang
instrumento o kaya nama’y magpalipat-lipat ng pokus. Maigi na ring marunong akong
mag-Pranses dahil naiintindihan ko ang mga problemang hinaharap nila. Ngunit gaya
nga ng palagi kong sinasabi sa kanila, walang wikang madaling matutuhan. Bawat wika
ay may kani-kaniyang alituntunin at may kani-kaniyang kadalian o kahirapan. Kailangan

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Cabrera | Pagtuturo ng Wikang Filipino 35

din minsan ng maigting na kontekstuwalisasyon para maipaliwanag ang ilan sa mga


elemento sa balarila. Halimbawa na lamang ay ang mga pandiwang social participative.
Sa aking palagay, napakainteresante ng mga pandiwang ito dahil sinasalamin nito ang
kulturang Filipino at ang mentalidad na pagiging kolektibo. Sa kabilang banda naman,
hindi madaling ipaliwanag ang konseptong ito sa mga banyagang malayo ang kultura
sa pagiging kolektibo. Paano mo nga naman isasalin sa wikang Pranses ang pandiwang
makikain? O kaya nama’y makiligo? Makiluto? Oo nga’t maaari siyang maisalin nang
literal ngunit walang direktang salitang katumbas ang mga pandiwang ito sa Pranses.
Base sa karanasan ko dito sa Pransiya, hindi itinuturing na social ang pagkain. Walang
konsepto ng makikain. Kung ano ang pagkain mo, iyon ang kakainin mo. Kumbaga, hindi
uso ang makihati at makikain. Kung wala kang pagkain sa bahay o sa trabaho, kailangan
mong bumili sa grocery store o magtake-out sa restoran. Kung wala ka namang tubig sa
bahay, hindi ka puwedeng makiligo sa kapitbahay. Baka nga tumawag pa sila ng pulis kung
kumatok ka at magtanong kung puwedeng makiligo. Kailangang ipaliwanag nang mabuti
sa mga mag-aaral ang aspektong sosyal ng mga pandiwang ito upang magamit nila ito sa
mga pangungusap.
Maliban sa pangkalahatang pag-aaral ng balarilang Filipino, nahihirapan din sila sa
pagtanda ng mga pagbabagong morponemikong nagaganap sa tuwing bumubuo sila ng
mga salita. Una na rito ang nagaganap na pagpapalit ng ponema kung saan ang letrang
d na matatagpuan sa gitna ng dalawang patinig ay nagiging r (madumi = marumi). Isa
pang halimbawa ang konsepto ng asimilasyon. Makikita ito sa pagbabanghay ng panlaping
mang-, kung saan kailangang isaulo ang mga pagbabagong nangyayari sa ng- ayon sa
unang letra ng mga salitang-ugat (mang + tahi = manahi, o mang + loko = manloko).
Mayroon namang nagaganap na metatesis sa tuwing nagbabanghay gamit ang hulaping
-in at ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa letrang l o y (lutuin = niluto). Idagdag na
rin natin pagkakaltas ng ponema sa ilang mga salitang-ugat na gumagamit ng hulaping -an
(takip + an = takpan, o bukas + an = buksan). Sa ilang taon kong pagtuturo ng gramatikang
Filipino, tunay na napakarami kong natuklasan at natutuhan sa sarili kong inang wika.
Masasabi ko pa, bilang dating mag-aaral ng wikang Pranses, na mas mahirap at mas
komplikado pa pala ang balarila ng Filipino.
Kung pag-uusapan naman natin ang pagtuturo ng pagsasalita, binibigyang pansin
namin sa umpisa ng unang taon ang pagtuturo ng sistema ng ponolohiya sa Filipino. Hindi
ako ang may hawak ng klase sa pagsasalita sa unang taon pero tinatalakay ko pa rin ito sa
klase ko ng gramatika. Tinatalakay namin ang dalawampu’t isang ponema sa Filipino na
binubuo ng labing-anim na mga katinig at limang mga patinig. Sa wikang Pranses naman,
may dalawampung katinig at anim na patinig. Pinagtutuonan namin ng pansin ang
pagbigkas ng mga ponemang nakikita sa dalawang wika ngunit ibang-iba ang pagbigkas.
Isa nang halimbawa rito ang ponemang h na hindi binibigkas sa wikang Pranses. Kung
ipapabigkas mo sa kanila ang salitang hamon, magiging amon ito. Kailangan din naming
magsanay sa tamang pagbigkas ng patinig na u na binabanggit na parang yu sa Pranses.
Hamon din sa mga estudyante ang pagbigkas ng mga diptonggo tulad ng iw, aw at uy.
Idiniriin din namin ang tamang pagbikas ng katinig na ng dahil wala nito sa wikang Pranses.
Kung ipapakita ko ang mga salita tulad ng ang o ng sa isang Pranses, sigurado akong hindi
niya ito mababanggit. Paulit-ulit akong nagbibigay ng mga salitang gumagamit ng mga
ponemang ito para masanay sila sa tamang pagbigkas. Idiniriin ko rin mula sa umpisa ng
klase na lahat ng letra sa isang salita ay binabanggit. Kahit na ang salita ay may tatlong

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Cabrera | Pagtuturo ng Wikang Filipino 36

sunod-sunod na patinig. Halimbawa, “maaari.” Sa Pranses, paminsan-minsan, hindi lahat


ng letra sa salita ay binabanggit. Kung kaya’t pinapaalalahanan ko ang mga estudyanteng
banggitin lahat ng letra sa Filipino.
Sa ikalawang taon ng mga mag-aaral sa INALCO, ako na ang humahawak ng klase ng
pagsasalita sa Filipino. Kaugnay ng napag-aralan ko sa pagtuturo ng Pranses, ginagamit
ko ang pamamaraang komunikatibo upang malinang ang mga kakayahan ng aking mga
estudyante sa pakikipag-usap. Nakabatay ang pamamaraang ito sa prinsipyo na ang wika
ay isang instrumento ng komunikasyon, ngunit gayundin ng social interaction (Canale
at Swain 1-47). Sa madaling sabi, layunin ko bilang guro ng klaseng ito na malinang ang
kakayahan ng mga esudyante sa wika sa tulong ng paggamit ng mga interaksiyong may
makabuluhang konteksto. Malayo ito sa grammar-translation method na ginagamit
namin upang magturo ng balarila kung saan isinasalin namin ang lahat sa Pranses, at
maraming ehersisyo ang aming ibinibigay na nangangailangan ng paulit-ulit na pagsusulat
at pagsasaulo. Una sa lahat, sa klaseng ito, nagtuturo na ako kadalasan gamit ang
wikang Filipino. Paminsan-minsan, inuulit ko ang sinasabi ko sa Pranses o kaya nama’y
binabagalan ko ang pananalita sa Filipino.
Upang ituro ang pakikipag-usap sa Filipino sa iba’t ibang konteksto, hinahati ko ang
mga klase ko sa iba’t ibang tema. Ginagamit ko rito ang mga nabanggit kong libro ni Joi
Barrios, Jiedson Domigpe at Nenita Domingo. Gustong-gusto kong ginagamit ang mga
librong ito dahil may mga diyalogong nakabatay sa tunay na buhay. Dito ko kinukuha
ang mga temang ginagamit ko sa pagtuturo: pamimili o shopping, pagkain at pagluluto,
pagbisita sa doktor, at pagbabakasyon. Sa bawat tema, natututo ang mga mag-aaral ng mga
bagong bokabularyo at mga ekspresyong ginagamit lang sa tuwing nagsasalita. Kasama na
rito ang paggamit ng mga fillers tulad ng “ah,” “eh,” o kaya naman “gano’n.” Pati na rin ang
mga interjections tulad ng “naku!” “uy!” at “ay!” Kung natural lang sa mga mag-aaral na
lumaki sa pamilyang Filipino ang paggamit ng “ah” at “eh,” nahihirapan naman ang mga
Pranses sa paggamit ng mga ito sa sarili nilang mga diyalogo. Wala ring katumbas ang mga
ito sa wika nila kung kaya’t lumalabas na hindi natural ang pagbanggit nito.
Sa puntong ito, mayroon na silang sapat na kaalaman sa gramatika kung kaya’t kaya
na nilang umunawa at bumuo ng mga pangungusap. Sa pakikinig at panonood ng mga
diyalogong sumasalamin sa pang-araw-araw na interaksiyon sa buhay, nadadagdagan
pa ang kanilang kaalaman sa pagdeskubri ng mga bagong salita at mga ekspresyon, at
higit na nalilinang ang kanilang kakayahan sa pakikinig at pag-unawa. Madalas din akong
magpagawa ng role playing sa mga estudyante para magamit nila ang mga ekspresyong
natutuhan nila sa malikhaing pamamaraan. Halimbawa, may isang estudyanteng
magpapanggap bilang tindero/a at ang isa naman ay magiging tagabili. O kaya naman,
ang isa ay doktor at ang isa ay kaniyang pasyente. Isa itong nakawiwiling paraan kung
saan sabay na nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipag-usap, at naaaral
ang mga tuntunin sa gramatika. May mga mag-aaral na naiilang sa mga ganitong klaseng
ehersisyo dahil natatakot silang magkamali pagdating sa balarila o kaya nama’y nahihiya
sa iba nilang kaklaseng mas matatas. Sa totoo lang, hindi ako masyadong mahigpit sa
gramatika sa klaseng ito. Palagi kong inuulit sa aking mga mag-aaral na malaya silang
magsalita sa klase at hindi na bale kung magkamali sila nang kaunti. Pinakamahalaga sa
akin ang maunawaan nila ang kanilang kausap at maunawaan sila ng kanilang kausap
din. Ayon nga kay Savignon, propesor ng lingguwistika at isa mga tanyag na tagasulong
ng kakayahang komunikatibo, ang pinakapunto ng pakikipagkomunikasyon gamit

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 37

Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik


sa Panggitnang Wika ng mga Hapones,
Koreano, at Tsinong Mag-aaral ng Wikang
Filipino
Cross-Linguistic Influences in the Interlanguage of Japanese, Korean, and
Chinese Learners of the Filipino Language

Ronel O. Laranjo
Unibersidad ng Pilipinas Diliman
rolaranjo@up.edu.ph

Abstrak
Sa pagtuturo ng wikang Filipino sa mga unibersidad sa loob at labas ng bansa, mapapansin
mula sa mga obserbasyon ng mga Pilipino at banyagang guro at mananaliksik na may mga
feature ng gramar ng Filipino ang mahirap ituro sa mga mag-aaral, kaya naman hirap din
ang mga estudyante sa pagreprodyus ng mga ito. Nagbibigay ng bagong perspektiba ang
pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagtutok naman sa mismong proseso ng pagkatuto
at pagtamo ng Filipino bilang ikalawang wika. Isa sa mga pamamalagay sa larangan ng
Second Language Acquisition o Pagtamo ng Ikalawang Wika ang Teoryang Interlanguage
o Panggitnang Wika, kung saan pinaniniwalaang ang mga mag-aaral ay nakalilikha ng
kanilang sariling sistema sa pag-aaral ng ikalawang wika, at ginagabayan ito ng mga
lingguwistikong prinsipyo. Layunin ng pananaliksik na ito na una, mailahad ang mga
impluwensiyang kros-lingguwistik ng mga wikang Mandarin, Hapones, at Koreano, sa
panggitnang wika ng mga banyagang mag-aaral ng wikang Filipino. Ikalawa, ipakita ang
mga estruktura ng panggitnang wika na natukoy mula sa mga pangungusap na wastong
naprodyus ng mga mag-aaral at batay din sa pagsusuri sa mga kamalian. Pumili ng mga
kalahok at nangalap ng mga datos mula sa Yunnan Minzu University (YMU) sa Tsina,
Tokyo University of Foreign Studies (TUFS) sa Japan, at Busan University of Foreign
Studies (BUFS) sa South Korea. Naobserbahan mula sa mga nalikhang pangungusap ng
mga banyagang mag-aaral ang tatlo sa labing-isang epekto ng unang wika na inilahad
nina Larsen-Freeman at Long. Natuklasan din ang pitong mga impluwensiyang kros-
lingguwistik sa panggitnang wika ng mga banyagang mag-aaral. Natukoy rin bilang huli
ang mga manipestasyon ng impluwensiyang kros-lingguwistik sa estruktura ng mga
pangungusap ng mga mag-aaral na Tsino, Hapones, at Koreano.
In teaching the Filipino language in universities within and outside the country, certain
features of the Filipino grammar, based on observations of Filipino and foreign teachers,
become apparently difficult to teach to students, which in turn makes it difficult for students
to reproduce. This research lends a new perspective on this concern by focusing on the actual
process of learning and acquiring Filipino as a second language. One of the propositions in
the field of Second Language Acquisition is the Interlanguage Theory where students create

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 38

their own system of learning the second language, but are still guided by linguistic principles.
It is the goal of this research to first illustrate the cross-linguistic influences of the languages
of Mandarin, Japanese, and Korean as interlanguages for foreign students learning the
Filipino language. Second, show the structure of the interlanguage identified through
sentences correctly produced by students, and also based on learning from their mistakes. The
participants were chosen and data collection was carried out from Yunnan Minzu University
(YMU) in China, Tokyo University of Foreign Studies (TUFS) in Japan, and Busan University
of Foreign Studies (BUFS) in South Korea. Three of the eleven first language effects enumerated
by Larsen-Freeman and Long appeared in the sentences produced by foreign students. Seven
cross-linguistic influences also emerged in the interlanguage of foreign students. Finally,
manifestations of cross-linguistic influences were also identified in the sentence structures of
Chinese, Japanese, and Korean students.

Mga Susing-salita
Filipino bilang ikalawang wika, impluwensiyang kros-lingguwistik, panggitnang wika
Filipino as second language, cross-linguistic influence, interlanguage

Tungkol sa May-akda
Kasalukuyang kawaksing propesor si Ronel Laranjo sa Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Nakamit niya ang kaniyang PhD sa Filipino (Istruktura ng Wikang Filipino) sa nasabi ring
departamento. Naging visiting fellow at researcher siya sa Shizuoka University (Japan)
at visiting professor sa Yunnan Minzu University (Tsina) upang magturo ng Filipino sa
mga estudyanteng Hapones at Tsino. Nagtapos siya ng MA Applied Linguistics sa Korea
University sa ilalim ng fellowship ng Korea Government Scholarship Program. Nakuha
niya ang kaniyang Batsilyer sa Arte sa Filipino sa UP Diliman at nagtapos bilang magna
cum laude. Nagtuturo din siya sa mga dayuhang nais matuto ng wikang Filipino, alinsabay
sa pagsasalin ng mga dokumento sa wikang Ingles, Filipino, at Koreano. Nakapaglathala
na rin siya ng mga pananaliksik tungkol sa gramar ng wikang Filipino, pagtamo ng Filipino
bilang ikalawang wika, sikolingguwistika, multikulturalismo, at discourse analysis.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 39

I. Introduksiyon
Matagal nang itinuturo at pinag-aaralan ng mga banyagang mag-aaral ang wikang Filipino
bilang ikalawang wika sa loob at labas ng bansa. Sa labas ng Pilipinas, itinuturing nang
internasyonal na wika ang wikang Filipino dahil itinuturo at inaaral na ito sa iba’t ibang
unibersidad sa mga bansang Estados Unidos, United Kingdom, Rusya, at iba pa, bilang
banyaga o ikalawang wika.
Sa mga bansa sa Hilagang-Silangang Asya, unang itinuro ang wikang Tagalog sa Tsina
noong 1985 sa Peking University, na sinundan naman ng Communication University of
China (Laranjo, “Mapping Philippine Studies” 115). Nadagdagan pa ang mga unibersidad
sa Tsina (Yunnan Minzu University at Beijing Foreign Studies University) na nagtuturo
ng wikang Filipino noong 2017 dahil sa programa ng pamahalaang Tsino na One Belt,
One Road Initiative na naglalayong ikonekta ang Tsina sa iba’t ibang bansa sa daigdig.
Ayon din kay Laranjo, sa bansang Japan, sinimulang ituro ang wikang Filipino sa Osaka
University of Foreign Studies noong 1984 (na ngayo’y Osaka University) na sinundan
ng Shizuoka University noong 1987, at Tokyo University of Foreign Studies noong 1992.
Itinuturo rin sa iba pang unibersidad sa Japan ang Filipino partikular na sa Takushoku
University, Kagoshima University, Nagoya Gakuin University, Sophia University, Wayo
Women’s University, at Miyagi Gakuin Women’s University. Sa bansang South Korea
naman, sinimulan na ring ituro ang wikang pambansa sa mga unibersidad ng Hankuk
University of Foreign Studies, Sogang University, at Busan University of Foreign Studies
simula 2010. Dahil sa mga katangiang global ng wikang pambansa na Filipino, tinawag
itong Global Filipino na unang ginamit sa 1st International Conference on Filipino as a
Global Language sa University of Hawaii (Yap).
Sa pagtuturo ng wikang Filipino sa mga unibersidad sa loob at labas ng bansa,
mapapansin mula sa mga obserbasyon ng mga Pilipino at banyagang guro at mananaliksik
na may mga feature ng gramar ng Filipino ang mahirap ituro sa mga mag-aaral, kaya
naman hirap din ang mga estudyante sa pagreprodyus ng mga ito. Kaya naman karamihan
sa mga pananaliksik kaugnay nito ay nakapokus sa pedagohiya o kung paanong epektibong
maituturo ang Filipino sa mga banyagang mag-aaral. Nagbibigay ng bagong perspektiba
ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagtutok naman sa mismong proseso ng
pagkatuto at pagtamo ng Filipino bilang ikalawang wika.
Ang larangan ng Second Language Acquisition o Pagtamo ng Ikalawang Wika ay
partikular na nakapokus sa paglalarawan at pagpapaliwanag sa penomenon ng pagtamo
at pagkatuto ng ikalawang wika. Isa sa mga pamamalagay sa larangang ito ang Teoryang
Interlanguage o Panggitnang Wika kung saan pinaniniwalaang ang mga mag-aaral ay
nakalilikha ng kanilang sariling sistema sa pag-aaral ng ikalawang wika, at ginagabayan ito
ng mga lingguwistikong prinsipyo. Ipinapalagay na mapatototohanan ang mga prinsipyong
nabanggit sa pagtamo ng ikalawang wika anuman ang unang wika ng mag-aaral dahil sa
mga unibersal na katangian ng Panggitnang Wika.
Batay sa mga naunang pag-aaral na may lenteng behaviorist sa Larangan ng Pagtamo
ng Ikalawang Wika, may dalawang uri ang epekto ng unang wika: ang positibong paglilipat
(positive transfer), at negatibong paglilipat (negative transfer). Simplistiko ang pananaw
ng behaviorist na lente kung saan kapag pareho ang mga estruktura sa una at ikalawang
wika, magkakaroon ng positibong paglilipat na nagpoprodyus ng mga tamang estruktura

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 40

sa target na wika. Kung magkaiba naman ang gramatikal na feature ng una at ikalawang
wika, may negatibong paglilipat naman na nangyayari at ito ang nakalilikha ng mga
kamalian. Napasubalian naman na gayunman ng teoryang pangkognitibo sa pagtamo ng
ikalawang wika ang nabanggit na simplistikong pananaw. Batay sa mga pag-aaral, mas
komplikado ang papel ng unang wika sa pagtamo ng ikalawang wika, at hindi ito kasing
negatibo tulad ng naunang inilahad.
Ayon kina Larsen-Freeman at Long, may labing-isang epekto ang unang wika sa
panggitnang wika. Una, maaaring mahadlangan ng unang wika ang pagsisimula ng lagusan
patungo sa isang sequence o sunuran; at ikalawa, maaari rin itong makadagdag ng iba
pang estado o sub-stages sa isang sunuran. Ikatlo, maaari rin naman itong makapagpabilis
ng lagusan patungo sa isang sunuran; at ikaapat, maaari rin itong makapagpatagal sa
panahon ng pagkakamali ng mag-aaral sa pagprodyus ng isang feature lalo na’t kung may
tipolohikal na kaibahan ang una at ikalawang wika. Ikalima, maaari ring mapahaba ng
unang wika ang paggamit ng isang form na resulta ng pag-unlad (developmental form)
na maaaring magbunga ng fossilization o pagiging permante. Ikaanim, maaari rin nitong
mapalawig ang sakop ng isang estrukturang resulta ng pag-unlad o developmental
structure. Ikapito, mas mataas ang posibilidad ng paglipat o transfer ng mga di-markadong
porma (unmarked forms) kaysa sa markadong porma (marked forms); at ikawalo, maaari
lamang magkaroon ng paglipat ang markadong porma kung markado rin ang pormang
ito sa ikalawang wika. Ikasiyam, ang kahirapan sa pagkatuto ay resulta ng pagkakaiba ng
una at ikalawang wika na may kinalaman sa mas pagiging markado ng ikalawang wika.
Tumutukoy ang pagiging markado o di-markado sa kompleksidad, relatibong dalas ng
paggamit o pagbalikwas mula sa mas batayan, tipikal o kanonikal sa isang wika (Larsen-
Freeman at Long 101). Ikasampu, naaapektuhan ang paglipat o transfer ng persepsiyon
ng mga mag-aaral sa distansiya ng una at ikalawang wika, at ang inaasahang pagkakalipat
ng isang aytem batay sa digri ng pagiging markado; at panghuli, dahil sa limitasyon ng
ikalawang wika, nagbubunga ito ng pagiging dependent ng mga bagong mag-aaral at mas
nakapaglilipat ng mga markado at di-markadong mga aytem. Kung gayon, ang unang wika
ay maaaring makatulong o makapagpabilis sa pagkatuto ng ikalawang wika at maari din
naman itong makahadlang o makapagpabagal sa pagtamo ng ikalawang wika; posible rin
ang kombinasyon ng dalawa.
Maliban sa terminolohiyang transfer, ginagamit din ang terminolohiyang interference
na tumutukoy sa negatibong paglipat ng ilang feature na panggramar ng unang wika
sa target na wika. Ipinanukala naman nina Smith and Kellerman ang terminolohiyang
cross-linguistic influence o impluwensiyang kros-lingguwistik na mas masaklaw at
neutro na terminolohiya sa paglalarawan ng penomenon ng kontak ng mga wika kabilang
na ang pagtamo ng ikalawang wika. Gagamitin sa pag-aaral na ito ang terminolohiyang
impluwensiyang kros-lingguwistik.
Layunin ng pananaliksik na ito na una, mailahad ang mga impluwensiyang kros-
lingguwistik ng mga wikang Mandarin, Hapones, at Koreano, sa panggitnang wika ng
mga banyagang mag-aaral ng wikang Filipino. Ikalawa, ipakita ang mga estruktura ng
panggitnang wika na natukoy mula sa mga pangungusap na wastong naprodyus ng mga
mag-aaral at batay din sa pagsusuri sa mga kamalian. Mula sa mga ito, ilalarawan ang
impluwensiya ng unang wika ng mga banyagang mag-aaral.
Pumili ng mga kalahok mula sa Yunnan Minzu University (YMU) sa Tsina, Tokyo
University of Foreign Studies (TUFS) sa Japan, at Busan University of Foreign Studies

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 41

(BUFS) sa South Korea. Ang mga nasabing unibersidad ay may matatag na kurso sa wikang
Filipino kung saan sinasanay ang mga mag-aaral na magamit ang Filipino sa akademya.
Dagdag pa, inihahanda rin ng mga unibersidad ang mga estudyante sa pag-aaral sa
Pilipinas nang isa hanggang dalawang semestre. Kaya naman, mula sa mga mag-aaral ng
mga nabanggit na unibersidad, pumili ang mananaliksik ng mga kalahok na nakapag-aral
ng wikang Filipino sa kani-kanilang bansa at nakapag-aral na rin ng Filipino sa Pilipinas.
Mula sa pamantayang ito, siyam na Tsinong estudyante ng YMU na nag-aaral ng BA
Filipino ang lumahok sa pananaliksik na ito. Nagmemedyor naman sa TUFS ng Philippine
Studies ang pitong mag-aaral na Hapones. At panghuli, nag-aaral ng Philippine Track sa
Busan University of Foreign Studies (BUFS) ang pitong Koreanong mag-aaral na kalahok
sa pag-aaral na ito. Walong mga mag-aaral ang may mababang nibel ng kasanayan, sila ay:
apat na Tsino at tig-dalawang Hapones at Koreano, at nakapag-aral nang hindi bababa sa
96 oras at hindi hihigit sa 324 oras. Siyam na mga mag-aaral naman ang may gitnang nibel
ng kasanayan: tigtatatlong Tsino, Hapones at Koreano, at ang panahon ng pag-aaral nila
ng Filipino ay mula 96 oras hanggang 366 na oras. Ang anim na mag-aaral (tigdadalawang
Tsino, Hapones at Koreano) na may mataas na antas ng kasanayan ay nakapag-aral ng
wikang Filipino nang hindi bababa sa 144 na oras at hindi hihigit sa 366 na oras.
Nangolekta ng pasulat na sampol ng wika ng mga banyagang mag-aaral ang
mananaliksik mula sa mga nabanggit na kalahok mula Nobyembre hanggang Disyembre
2019. Batay sa mga estrukturang pare-parehong natutuhan at natamo ng lahat ng mga mag-
aaral na Tsino, Hapones, at Koreano, bumuo sila ng mga pangungusap na gramatikal at
di-gramatikal. Pinabasa sa mga kalahok ang mga pangungusap at itinanong sa kanila kung
tama o mali ang gramar ng mga pangungusap. Sa pagkakataong mali ang pangungusap
batay sa palagay ng mag-aaral, ipinasulat sa mga estudyante ang sa palagay nila’y tamang
anyo ng pangungusap. Kailangang husgahan ng mga estudyante ang gramatikalidad ng
isang pangungusap sa loob ng 20 segundo. Ang ganitong uri ng instrumentasyon ay isang
uri ng binagong pagsusulit sa paghatol ng gramatikalidad (modified grammaticality
judgement test). Sinusukat ng pagsusulit sa paghatol ng gramatikalidad ang kutob o
intuition ng mga mag-aaral sa gramatikalidad ng isang pangungusap. Gayundin, ayon
kina Ellis at Barkhuizen, kapag ipinatama sa mga mag-aaral ang mga di-gramatikal na
pangungusap, nagsisilbi itong instrumento sa pagkalap ng panggitnang wika ng mga mag-
aaral.
Ikalawa, para naman sa pangkalahatang datos (general sample), gamit ang Google
Forms, nagpasagot ang mananaliksik sa mga kalahok ng tatlong gawain. Ang unang gawain
ay ang pagpapasulat ng sanaysay. Ginawa ito upang makakalap ng mga pangungusap na
gumagamit ng mga panghalip at pangngalan. Nagpakita rin sa mga mag-aaral ng tatlong
larawan, at nagpasulat ng hindi bababa sa limang pangungusap na deskripsiyon ukol
dito. Ang mga larawan ay idinisenyo upang makapagprodyus ang mga mag-aaral ng mga
pangungusap na naglalaman ng pangngalan, pang-uri, at pandiwa. Ang huling gawain
naman ay pagsagot sa tatlong tanong kung saan inaasahang magsusulat ang mga kalahok
ng hindi bababa sa limang pangungusap na may pandiwang nasa aspektong perpektibo,
imperpektibo, at kontemplatibo. Ang mga panuto sa bawat gawain ay isinulat sa Ingles
dahil lahat ng mag-aaral ay marunong nito at isinalin din ang mga ito sa mga wikang
Mandarin, Koreano, at Hapon. Hindi gumamit ng wikang Filipino sa anumang tanong o
panuto sa mga gawain upang hindi makaimpluwensya sa mapoprodyus na estruktura ng
mga kalahok.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 42

II. Mga Lokal na Pag-aaral sa Impluwensiyang Kros-Linggu-


wistik
Sa pag-aaral ni Laranjo (“An Error Analysis”), dalawang grupo ng mga mag-aaral
ng wikang Filipino ang kasangkot: ang mga heritage learners, at mga Koreanong
mag-aaral sa tatlong unibersidad sa Pilipinas na may mga espesyal na klase ng
wikang Filipino (mababa, gitna at mataas na nibel) para sa mga banyaga at di-
taal na tagapagsalita. Inilapat ng mananaliksik ang metodolohiyang iminungkahi
ni Corder sa pagsusuri ng mga kamalian na: 1) pagkolekta ng sample ng wika ng
mga mag-aaral; 2) pagtukoy sa mga kamalian; 3) paglalarawan sa mga kamalian; at
4) pagpapaliwanag sa kamalian. Sinuri niya ang mga sanaysay na ginawa ng dalawang
grupo ng mga mag-aaral at natukoy ang bilang at uri ng iba’t ibang kamalian sa
ortograpikal, morpolohikal at sintaktikal na nibel. Inuri rin ng mananaliksik ang mga
kamalian sa interlingual na salik na nakatuon sa epekto ng estruktura ng unang wika at
intralingual na salik na mula naman sa estruktura ng wikang Filipino. Batay sa kaniyang
kongklusyon, nakaapekto sa mga kamalian ang wikang Ingles sa mga heritage learner
samantalang wikang Koreano at Ingles naman ang nakaapekto sa pagpoprodyus ng
wikang Filipino ng mga mag-aaral na Koreano. Mula sa mababa hanggang mataas na
nibel na klase sa Filipino ang dalawang grupo ng mga mag-aaral; sila ay 1) nagkaroon ng
pagdadagdag at pagbabawas ng gitling sa ortograpikal na nibel; 2) hindi naglalagay ng
pang-akop na –g/ng/na sa morpolohikal na nibel; at 3) may maling pormasyon ng mga
pandiwa sa morpolohikal na nibel. Kapansin-pansin naman na sa nibel ng sintaks mas
kaunti ang kamalian ng mga heritage learner kaysa sa mga Koreanong mag-aaral dahil sa
mas maagang pagka-expose ng mga ito sa wikang Filipino kaysa sa mga Koreanong mag-
aaral. Nailarawan ng pag-aaral na ito ang estruktural na katangian ng interlanguage sa
pasulat na anyo ng dalawang pangkat ng mag-aaral, at lumitaw din hindi lang ang epekto
ng unang wika kundi maging ang iba pang wikang alam ng mga mag-aaral sa kanilang
panggitnang wika. Pangunahing pokus ng pananaliksik na ito kung gayon ang pagsusuri
sa kamalian at preliminaryong obserbasyon sa epekto ng unang wikang Koreano at Ingles
sa pag-aaral ng Filipino. Sa kasalukuyang pag-aaral, bukod sa pagsusuri sa kamalian,
susuriin din ang mga tamang pangungusap na napoprodyus ng mga banyagang mag-aaral
ng Filipino, at mula dito, aalamin kung anong mga feature na panggramar ang una at
huling natatamo. Gayundin, ilalahad ang iba’t ibang epekto ng unang wika ng mga kalahok
na mga banyagang mag-aaral.
Inilahad naman ni Oue (“Ang Pagpapahusay sa Pagtuturo ng Filipino”) ang mga
suliranin sa pag-aaral ng wikang Filipino ng mga Hapones na mag-aaral sa Osaka
University. Inilahad niya ang mga problema sa pagbigkas sa patinig at katinig sa Filipino
na may mga kahalintulad na tunog, at maging mga tunog na wala, sa wikang Hapones;
problema kaugnay ng estandardisasyon sa pagbaybay ng mga salita sa at gramatika ng
wikang Filipino; kahirapan ng mga mag-aaral na Hapones sa sistema ng pokus sa pandiwa
ng Filipino, at maging ang malakas na impluwensiya ng Ingles sa wikang Filipino na
nagreresulta sa hindi pagdevelop ng estudyante sa Filipino. Bagamat pedagohikal na
aspekto ng pagkatuto ng ating wikang pambansa ang tuon ng artikulo, nakapaglahad ang
awtor ng mga halimbawa ng estruktural na kamalian at kahirapan ng mga mag-aaral na
Hapones sa pag-aaral ng wikang Filipino. Ang mga ibinigay na halimbawa ng may-akda sa
kahirapan sa pagbigkas ng mga mag-aaral na Hapones sa ilang patinig at katinig sa wikang

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 43

Filipino dulot ng unang wikang Hapones ay pumapailalim sa interlingual na aspekto,


habang ang mga kahirapan naman sa ispeling at pokus ng pandiwa ay usaping intralingual.
Ang mga obserbasyon ni Oue ay maituturing na pangunang datos sa panggitnang wika ng
mga mag-aaral na Hapones na nag-aaral ng wikang Filipino.
Batay kay Luquin, taong 1965 nang mag-umpisa ang pagtuturo sa wikang pambansa
sa mga estudyanteng Pranses sa Institut National des Langues et Civilisations Orientales
(INALCO). Itinuturo dito ang wika, panitikan, kasaysayan, heograpiya at antropolohiyang
Filipino. Sa pagtuturo ng wikang Filipino, gramatika ang tutok sa unang taon mula sa mga
simpleng pangungusap hanggang sa mga komplikadong pangungusap sa mga susunod
na taon. Inilahad ni Luquin na pinakamahirap ituro sa mga mag-aaral na Pranses ang
topikalisasyon dahil nagpapalit ang paksa o simuno batay sa pokus, at ibang-iba ito sa
katangian ng wikang Pranses. Dagdag pa niya, nahihirapan din ang mga mag-aaral
sa paggamit ng panlaping distribyutib na mang- at -an na ginagamit para sa lokatib at
direksiyonal na pokus; pagkakaiba ng mag- at -um- at mga aspekto sa wikang Filipino.
Batay sa may-akda, nagmumula ang kahirapan ng mga mag-aaral at maging ang pagtuturo
ng mga nabanggit na feature ng wikang pambansa dahil kaiba ito sa mga feature ng wikang
Pranses. Maiuugnay rin ang mga obserbasyong ito sa naunang binanggit na tala sa mga
mag-aaral na Hapones na nag-aaral ng wikang Filipino.
Sa pagsusuma ng mga naisagawang pag-aaral kaugnay ng wikang Filipino bilang
ikalawang wika sa mga heritage learner at banyagang mag-aaral, nakaaapekto hindi lang
ang una nilang wika kundi maging ang iba pang wika na alam nila sa pagpoprodyus ng
wikang Filipino. Nagreresulta ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng mga feature ng
gramar ng unang wika nang negatibo sa pagtamo ng wikang Filipino. Pinatutunayan ng
mga obserbasyong mula sa mga pag-aaral na ito na nakaaapekto nga ang unang wika ng
mga mag-aaral sa pagpoprodyus nila ng estruktura ng wikang Filipino na kanilang inaaral.

III. Mga Unang Wika ng mga Banyagang Mag-aaral


Wikang Mandarin, Hapones at Koreano ang unang wika ng mga banyagang mag-aaral
na kabilang sa pananaliksik na ito. Nabibilang ang wikang Mandarin o 汉语 (Hànyŭ)
sa pamilya ng mga wikang Sino-Tibetan. Batay sa Ethnologue na inilabas noong 2019,
kasalukuyang may 918 milyong katutubong tagapagsalita ang wikang ito. Ayon naman kay
Ruhlen, ang mga wikang Hapones o日本語 (Nihongo) at Koreano o 한국어 (Hangugeo)
ay mga hiwalay na wika (isolated) ngunit ibinibilang ito kasama ang pamilya ng Altaic
languages na kinabibilangan ng mga wikang Turkish, Mongolian, Kazakh, Uzbek,
Azerbaijani, Tatar, Uighur, Turkmen at iba pa. Sa kasalukuyan, may higit sa 128 milyon ang
mga tagapagsalita ng wikang Hapones habang higit sa 77 milyon naman ang nagsasalita
ng wikang Koreano sa buong mundo. Bagamat hindi kabilang sa iisang grupo ng wika ang
Mandarin, Hapones at Koreano, marami itong pinagsasaluhang mga parehong gramatikal
na feature dahil sa pagkakaroon ng kontak ng mga ispiker nito. Malaki ang naging epekto
ng wikang Mandarin sa mga wikang Hapones at Koreano at vice versa dahil sa lokasyon,
kolonisasyon, at iba pang mga sosyo-politikal na pangyayari. Bilang introduksiyon,
tatalakayin ang pangkalahatang katangiang gramatikal ng mga wikang nabanggit ngunit sa
pagsusuri, magbabanggit ng iba pang mga gramatikal na feature na maaaring nakaapekto
sa pagprodyus ng mga banyagang mag-aaral sa wikang Filipino.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 44

Batay kina Ross at Sheng Ma, ang pangunahing ayos ng pangungusap ng wikang
Mandarin ay Paksa + Simuno + Panaguri kung saan ang Panaguri ay maaaring maging
Pangngalan, Pang-uri, o Pandiwa. Kung Pandiwa ang Panaguri, sinusundan nito ang
ayos na Simuno + Pandiwa + Objek. Ang pandiwa ay hindi nagbabago ng anyo at hindi
minamarkahan ang mga sangkap ng pangungusap. Isa pa sa natatanging katangian ng
wikang Mandarin ang pagkakaroon nito ng apat na tono, kung saan ang bawat tono ay
makabuluhan at maaaring makapagpabago ng kahulugan ng isang salita. Tinatawag na
汉字 (Hànzì) ang sistema ng pagsusulat sa Mandarin, at Pīnyīn naman ang sistema ng
pagsusulat ng parehong wika sa alpabetong Romano.
Ang wikang Hapones din ay may padron na Paksa + Simuno + Panaguri. Ngunit kaiba
sa wikang Mandarin, kapag ang panaguri ay pandiwa, nauuna ang layon kaysa sa simuno
at sinusundan ang ayos na Simuno + Objek + Pandiwa. Maaari ring maging pang-uri ang
panaguri. Batay kina Akiyama at Akiyama, ang pandiwa at pang-uri ay kinakabitan ng
mga panlapi at minamarkahan din ang simuno at objek. Inilalagay pagkatapos ng simuno
o objek ang pangmarka dito. May tatlong sistema ng pagsulat ang wikang Hapones: 1)
漢字 (Kanji) na batay sa sistema ng pagsulat ng Mandarin; 2) ひらがな (Hiragana) na
ginagamit sa mga katutubong salita at mga salitang gramatikal; at 3) カタカナ (Katakana)
na ginagamit upang isulat ang mga hiram na salita. Romaji naman ang tawag sa
romanisasyon ng mga salitang Hapones.
Tulad ng wikang Hapones, Paksa + Simuno + Panaguri rin ang estruktura ng
pangungusap ng wikang Koreano. Sinusunod din nito ang ayos na Simuno + Objek +
Pandiwa kapag pandiwa ang panaguri. Maaari ring maging pang-uri ang panaguri.
Agglutinative din ang wikang Koreano kaya naman maaaring magkabit ng mga panlapi
sa mga pandiwa at pang-uri nito. Batay kay Sohn, naglalagay rin ng marker o pananda sa
hulihan ng simuno at layon sa wikang Koreano. Hangeul (한글) ang tawag sa sistema ng
pagsulat sa wikang ito.
Tulad ng nauna nang nabanggit, unang itinuro ang wikang Filipino sa Yunnan
Minzu University sa Tsina noong 2017 habang sa Japan naman, itinuturo ito sa Tokyo
University of Foreign Studies noon pang 1992. Sinimulan namang ituro ang wikang
Filipino sa Busan University of Foreign Studies sa Korea noong 2015. Batay sa pagsusuri
ni Laranjo (“Mapping Philipine Studies”) sa sistema ng pagtuturo ng wikang Filipino sa
mga nabanggit na bansa, lumitaw na itinuturo ang gramar ng wikang Filipino ng mga guro
na katutubong tagapagsalita nito, gurong gumagamit ng Ingles o kaya ay ng unang wika
ng mga mag-aaral. Dagdag pa, may mga banyagang guro din na nagtuturo ng gramar ng
wikang Filipino sa mga banyagang mag-aaral. Ang mga gurong ito ay nakapag-aral din ng
wikang Filipino at itinuturo ang gramar gamit ang kani-kanilang unang wika.

IV. Epekto ng Wikang Mandarin


Sa mga batayang pangungusap, batay sa mga datos mula sa mga naunang kabanata, ang
mga mag-aaral na Tsino ang may pinakamababang bahagdan ng kawastuhan sa lahat ng
pangkat (36.7%). Sa pagsusuri sa kamalian, mapapansing sa siyam na mag-aaral, pito ang
nakapagprodyus ng maling aspekto habang anim ang may kamalian sa pagpili ng panlapi
ng pandiwa. Naobserbahan mula sa mga pangungusap na naprodyus ng mga Tsinong

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 45

mag-aaral, mula sa may mababa hanggang mataas na nibel ng kasanayan sa Filipino, ang
kawalang pagbabanghay sa ilang pandiwa sa batayang pangungusap na may Pandiwang
Panaguri na Nababanghay tulad ng nasa 1-5:

1. *Balik kami sa UP sa Linggo.


2. *Inom niya ang tubig kanina.
3. *Inom niya tubig kanina.
4. *Inom tubig siya kanina.
5. *Bihis si Maria ngayon.

Maaaring maipaliwanag ang mga kamalian kaugnay sa hindi pagbabanghay ng


pandiwa sa wikang Mandarin. Sa Mandarin, ang panauhan o tense at aspect o aspekto
ay ipinapahayag sa pamamagitan ng mga ekspresyon ng panahon o oras at mga particle o
kataga, at hindi ipinapahayag sa mismong pandiwa (Po-Ching at Rimmington 102), tulad
ng:

6. 他写了一首诗(tā xiě le yī shŏu shī)


siya-sulat-pangatnig-pamilang-tula
Sumulat siya ng isang tula.

Sa pangungusap 6, ang pandiwa ay 写 (xiě o sulat), at ipinapahayag ang aspektong


perpektibo ng pangatnig na 了(le o katumbas ng na). Tulad ng nabanggit sa itaas,
mapapansin sa Mandarin na walang morpolohikal na pagbabago sa pandiwa tulad ng
paglalagay ng panlapi. Makikita rin ang ganitong katangian sa mga pangungusap 7-8 sa
ibaba. Mahihinuha mula rito na naprodyus ng mga Tsinong mag-aaral ang mga nabanggit
na pangungusap dahil sa epekto ng ganitong estruktura sa kanilang unang wika. Kaugnay
nito, naobserbahan sa dalawang Tsinong mag-aaral na may mataas na nibel ng kasanayan
sa Filipino na binabanghay nila ang pandiwa batay sa aspekto, at nilalagyan ng na ang
aspektong perpektibo kahit na hindi naman ito kailangan tulad ng makikita rin muli sa
mga susunod na bahagi.
7. Naglinis na ako ng dorm ko noong Linggo.
8. Tumakbo na ako noong Linggo ng gabi.

Maaari ring masabing epekto ng Mandarin ang mga pangungusap na naprodyus ng


mga Tsinong mag-aaral mula sa mababa hanggang gitnang nibel, tulad ng mababasa sa
9-13:

9. *Pumunta sa amusement park.


10. *Bibili ng mga magandang regalo.
11. *Mag-aaral nang mabuti.
12. *May dalawang kapatid na babae pero wala kapatid na lalaki.
13. *Magbabasa ng mga nobela.

Sa mga pangungusap sa itaas, mapapansin na walang sabjek ang mga ito. Batay sa mga
mag-aaral, tinatanggal nila ang sabjek sa pangungusap lalo na kung tungkol sa kanila ang
pangungusap o kung sila ang sabjek. Sinususugan din ito ng mga librong panggramatika
tungkol sa Mandarin na nagsasaad na sa mga pangungusap sa nasabing wika, kalimitang
inaalis ang simuno kung nauunawan na ito mula sa konteksto ng pangungusap (Ross at

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 46

Sheng Ma; Po-Ching at Rimmington).


Sa wikang Mandarin, hindi minamarkahan ang sabjek at objek kaya naman makikitang
nailipat ng mga Tsinong mag-aaral sa lahat ng nibel ang katangiang ito sa kanilang
panggitnang wika, tulad ng makikita sa mga sumusunod na pangungusap:

14. *Gusto estudyante ang bolpen.


15. *Gusto estudyante ng bolpen.
16. *Gusto ng estudyante bolpen.
17. *Manonood TV sina Joy at Jay.
18. *Ayaw ko rin tag-init.
19. *Uminom siya tubig kanina.

Mapapansin sa mga pangungusap sa itaas na iisa lang ang minamarkahan ng mga


Tsinong mag-aaral, ang sabjek o objek. Masasabing hindi naman ito lubos na naililipat
dahil gumagamit sila ng mga pananda kaya mahihinuhang nakaaapekto lang sa pagprodyus
ng mga marker sa kanilang panggitnang wika. Maoobserbahan din ang ganitong epekto sa
pagpili nila ng marker kung saan pareho nilang nilalagyan ng pananda ang sabjek at objek,
ngunit may kamalian sa piniling mga marker tulad ng makikita sa 20-25.

20. *Siya si hukom.


21. *Bumabasa ang libro si Maria.
22. *Nagbabasa ang estudyante sa libro.
23. *Nagtuturo si Juan sa kanyang mga mag-aaral na A B C.
24. *Tumatawag siya sa Kristina.
25. *Papasyal ako ng bundok ng Tsokolate.

Sa paggamit ng pang-angkop na na/-ng maoobserbahan na ang pangkat ng mga


Tsinong mag-aaral ang may pinakamababang bahagdan ng kawastuhan. Kung titingnan
ang wikang Mandarin, mayroon din itong ginagamit na pang-angkop partikular sa pagitan
ng pang-uri at pangngalan tulad ng makikita sa pangungusap 26.

26. 幽静的环境(yōujìng de huánjìng)


tahimik-kataga-kapaligiran
tahimik na kapaligiran

Ang katagang 的 (de) ang inilalagay sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. May


pagkakatulad itong katangian sa Filipino, ngunit may dalawang manipestasyon ito: isa
bilang di-malayang morpema na ikinakabit sa unang salita kung nagtatapos sa patinig
(-ng), at ang isa ay malayang morpema na isinusunod sa salitang nagtatapos sa katinig
(na). Napoprodyus rin ito ng mga Tsinong mag-aaral sa kanilang panggitnang wika
ngunit hindi konsistent dahil tinatanggal o idinadagdag nila sa pang-uri ang mga ito
(27). Naobserbahan din na mas mataas ang bahagdan ng kawastuhan nila sa paggamit sa
pormang na kaysa sa -ng.
27. *May apat kapatid ko.
28. *Mas mahal ang asul damit kaysa sa dalandan kulay damit.
29. *May maliit bolpen ang lalaki.
30. *Mataas, matabang at mabait siya.
31. *Masayang ang tatlong bata.
32. *Magandang ang tsinelas.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 47

33. *Mahabang ang buhok ko.


34. *Mas mahabang ang bolpen kaysa sa pencil.

Nakita sa mga datos ng mga Tsinong mag-aaral na may gitnang antas ng kasanayan
sa Filipino ang direktang pagsasalin ng mga parirala mula sa wikang Tsino, tulad ng nasa
35-36:

35. *Kakainin ko ang pagkain ng Tsina na gumawa ang sarili. (自己做的zìjǐ


zuò de)
36. *Mas maitim ang balat ko kaysa sa Tsina kasi malakas ang araw
ng Pilipinas. (菲律宾太阳很强Fēilǜbīn tàiyáng hěn qiáng)

V. Epekto ng Wikang Hapones


Ang wikang Hapones ay mayroon ding mga morpolohikal na proseso sa pandiwa na
nagpapahayag ng panauhan at aspekto (Akiyama at Akiyama 93). Batay sa pagsusuri sa mga
naprodyus na pangungusap ng mga mag-aaral na Hapones, nakatulong ang pagkakaroon
ng ganitong estruktura sa wikang Hapones sa pagprodyus ng mga pangungusap sa
wikang Filipino dahil isang mag-aaral lamang (na may mababang nibel) ang nakitaan ng
pagkakamali, tulad ng sa 37:

37. *Pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko sa (bakasyon).

Karamihan ng kamalian ng mga mag-aaral na Hapones ay nakita sa pagpili nila ng


panlapi na mas maiuugat sa intralingguwal na kamalian.
Nakitaan din ang dalawang mag-aaral na may gitnang nibel ng kasanayan ng
pagtatanggal sa sabjek, partikular ng panghalip na ako, tulad ng makikita sa 38-39:

38. *Nag-aaral sa Pilipinas ngayon kasi gusto kong malaman Filipino language
at sayaw.
39. *May ate at younger sister.

Batay kina Akiyama at Akiyama, sa wikang Hapones kasi ay karaniwang tinatanggal ang
paksa o simuno lalo na sa kontekstong malinaw ang mga ito. Kaya naman maipapaliwanag
ang mga kamalian sa mga pangungusap sa itaas sa pamamagitan ng katangiang ito ng
wikang Hapones.
Sa wikang Hapones, walang pang-angkop na ginagamit sa pagitan ng pang-uri at
pangngalan kapag nagtatapos ang pang-uri sa -ai, -ii, -oi, o -ui tulad ng sa 40. Ngunit
kapag hindi naman nagtatapos sa mga nabanggit, kailangang magkabit ngな (na) sa pang-
uri upang maging panuring sa pangngalan tulad ng sa 41:
40. いい人 (ii hito)
mabuti-tao
mabuting tao

41. 静かな部屋 (shizukana heya)


tahimik-pang-angkop-kwarto
tahimik na kwarto

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 48

Isang mag-aaral lang na may gitnang nibel ng kasanayan sa Filipino ang nakitaan ng
pagkakamali sa paggamit ng pang-angkop tulad ng sa 42-43. Batay sa mag-aaral, gumamit
siya ng na sa dalawang pangungusap dahil nagtatapos sa I at e ang mga salita bago ang
pang-angkop. Mahihinuhang sinunod naman ng mag-aaral na Hapones ang tuntunin sa
Filipino dahil sa mataas na bahagdan ng kawastuhan, ngunit nagdagdag siya ng tuntunin
na mula sa wikang Hapones na may kinalaman sa mga salitang nagtatapos sa e at i. Ang
mga ito ay katanggap-tanggap pa rin sa wikang Filipino partikular sa pasalitang anyo.
Mayroon ding dalawang mag-aaral na may gitnang nibel ang nagtanggal ng pang-angkop
sa pagitan ng dalawang pangngalan tulad ng sa 43-44:

42. ?Kasi maraming mabuti na Sake sa Hiroshima.


43. Mas mahal ang berde na damit kaysa sa pulang damit.
44. 21 taon gulang po ako
45. *Kakain ako ng mga Pinoy pagkain sa bahay ng kaibigan ko.

Kumpara sa mga mag-aaral na Tsino at Koreano, ang mga mag-aaral na Hapones ang
pangkat na may pinakamaraming ginamit na kultural na salita mula sa kanilang unang
wika tulad ng makikita sa 46-49:

46. Maghahanda po kami ng nanay ko ng osechi para sa New


Year
47. Nagkendo po ako noong Sabado
48. *Kasi maraming mabuti na Sake sa Hiroshima.
49. Kakain kami ng mga osechi.

VI. Epekto ng Wikang Koreano


Maoobserbahan na lahat ng mga Koreanong mag-aaral ay may kamalian sa pagpili ng
aspekto ng pandiwa. Ginamit nila ang kontemplatibong aspekto para sa perpektibo (50-
51) at perpektibong aspekto para sa imperpektibo (52-555) at kontemplatibo (56-57):

50. *Pupunta ako sa koreanong simbahan. (kahapon)


51. *Manonood siya ng basketbol kanina.
52. *Pumunta ako sa eskwelahan. (araw-araw)
53. *Dumating ako sa bahay ko ng alas siyete ng hapon. (araw-
araw)
54. *Kumain ako ng tanghalian kasama si Cindy. (araw-araw)
55. *Umuwi ako ng alas-5:30 ng hapon. (araw-araw)
56. *Sumakay ako ng eroplano ng Enero 4.
57. *Pumunta ako sa Pilipinas. (sa bakasyon)

Batay kay Sohn, sa wikang Koreano, ipinapahayag din ang aspekto at panauhan sa
pamamagitan ng pagkakabit ng panlapi sa pandiwa. Mapapansing katulad din ito ng feature
ng mga pandiwa sa Filipino. Mas marami naman ang mga pangungusap na naprodyus
nila nang may tamang aspekto. Sa pagkakataong ito, masasabing hindi lubusang nailipat
at nailapat ng mga mag-aaral na Koreano ang konsepto ng aspekto sa target na wika na

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 49

nagresulta ng kamalian. Kaugnay ng pagbabanghay at paglalapi, kumpara sa mga Tsinong


mag-aaral, mas kaunting mga Koreanong mag-aaral ang hindi nagbanghay sa pandiwa
tulad ng makikita sa mga sumusunod na pangungusap:

58. *Inom siya ng tubig kanina.


59. *Miss po ko mga kaibigan doon.

Nabibilang din sa agglutinative na uri ng mga wika ang wikang Koreano tulad ng
wikang Filipino. Maaaring mahinuha na malay dito ang karamihan ng mga mag-aaral na
Koreano kaya kaunti lang ang nakaprodyus ng nasabing kamalian.
Kapansin-pansin rin na hindi tulad ng wikang Mandarin, gumagamit ng mga
pananda ang wikang Koreano sa simuno, layon, at komplemento. Ngunit makikita na
nakapagprodyus pa rin ang dalawang Koreanong mag-aaral na may mababa at gitnang
kasanayan ng pangungusap na walang marker sa sabjek tulad ng sa 60. Kapansin-pansin
din na hindi nilagyan ng ilang mag-aaral ng marker ang Pangngalang Panaguri na
pantangi tulad ng makikita sa 61-62. Sa wikang Koreano, hindi posible ang pagkakaroon
ng pangngalan bilang panaguri kaya naman maaaring ipinapalagay ng mga mag-aaral
na hindi kailangan ng marker para sa mga pangngalang pantangi kapag predicate ito.
Maliban sa mga pangungusap na nabanggit sa ibaba, gayunman, mataas ang bahagdan ng
kawastuhan ng mga Korenaong mag-aaral sa paggamit ng mga marker.

60.*Ayaw negosyante ng tsinelas.


61. *Rosita ang mataba.
62. *Maria ang tindera.

Makikita rin ang pang-angkop sa pagitan ng pang-uri o pandiwa at pangngalan sa


wikang Koreano, at may dalawa itong porma. Kapag nagtatapos sa patinig ang pang-uri
o pandiwa, ~은(eun) ito; at 는 (neun) naman kapag katinig, tulad ng makikita sa 63-64.

63. 예쁜 여자 (yebbeun yeoja)


maganda-pang-angkop-babae
magandang babae / babaeng maganda

64. 맛이 없는 음식 (mashi eopneun eumshik)


hindi masarap-pang-angkop-pagkain
hindi masarap na pagkain /pagkaing hindi masarap

Maoobserbahan na magkapareho ang estruktura ng pang-angkop ng wikang Koreano


at Filipino kaya naman mataas ang porsiyento ng kawastuhan sa paggamit ng mga pang-
angkop ng mga mag-aaral na Koreano kumpara sa mga Tsino. Ngunit mayroon pa rin
silang pagkakamali sa pagprodyus nito. Makikita sa 65-66 na hindi sila (may mababa at
mataas na nibel ng kasanayan) naglagay ng pang-angkop, habang sa 67-68, ang pormang
ng ang kanilang (may gitnang nibel ng kasanayan) ginamit. Mapapansin sa huling
dalawang pangungusap na sa halip na di-malayang morpemang ng ang ginamit, naging
malayang morpema ito.

65. *May apat kapatid ako.


66. *Ito ang red tsinelas.
67. *May anim ng isda.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 50

68. *May maliit ng bolpen ang lalaki.

Isang Koreanong mag-aaral na may mababang kasanayan sa Filipino ang gumamit ng


Hangeul o sistema ng pagsulat ng wikang Koreano, tulad ng makikita sa pangungusap na
Pangatlo pupunta ako sa 여수 (Yeosu) kasama ang mga magulang.

VII. Epekto ng Wikang Ingles


Kapansin-pansin na sa lahat ng mga banyagang mag-aaral, may naprodyus silang mga
pangungusap kung saan gumamit sila ng mga Ingles na salita (69-79), parirala (80-85), at
mga salitang Ingles na nilalagyan ng panlaping Filipino (86-88):

69. *May tatlo lalaki drivers.


70. Lawyer ang trabaho ni nanay.
71. Gumagawa ako ng mga assignment.
72. Kumain ako ng pizza at fried chicken.
73. Si Juan ang teacher.
74. Pen ito.
75. Justice ang importante sa mga tao.
76. Nagturo po ako sa mga begginers.
77. Bumasa ako ng mga papel tungkol sa linguistics ng mga wika
sa pilipinas.
78. May tatlong lalaki sa picture.
79. Pupunta ako sa Philippines.
80. *Englishing pangalan ko ay beckey
81. ?Umuuwi kami sa bahay ko tapos kumain kami ng kimchi \
fried rice ng gabi.
82. Nagluto kami ng mga traditional Chinese foods.
83. Bumili kaming lahat ng swimming goggles.
84. ?Nag-aaral sa Pilipinas ngayon kasi gusto kong malaman
Filipino language at sayaw.
85. Panganay po ako at mayroon po akong young sister.
86. Nag-rehearsal kami para sa Ternocon sa CCP ngayong linggo.
87. Naglulunch po ako sa area 2.
88. *Itinetext namin ng kaibigan ko.

Batay sa panayam ng mananaliksik sa mga mag-aaral, lahat sila, maliban sa isang


mag-aaral na Hapones, ay nag-iisip sa kanilang unang wika kapag gumagawa ng mga
pangungusap sa wikang Filipino. Ngunit kapag hindi nila alam ang salin ng isang salita
sa Filipino, wikang Ingles ang ginagamit nila dahil may impluwensiya ang wikang ito
sa Filipino. Lahat din ng mga banyagang mag-aaral na kalahok sa pag-aaral na ito ay
nakapag-aral ng wikang Ingles sa kani-kanilang bansa mula elementarya hanggang
kolehiyo. Ang mga kasanayan nila ay mula sa parehong mababa hanggang mataas na
antas. Sa pangkalahatan, masasabing sa morpolohikal na nibel lamang nakaaapekto ang
wikang Ingles sa panggitnang wika ng mga mag-aaral.
Bagamat hindi na sakop ng pag-aaral na ito ang ponolohikal na katangian ng
panggitnang wika, mahalagang banggitin na sa pasulat na anyo ng panggitnang wika ng

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 51

mga banyagang mag-aaral, naililipat ng mga banyagang mag-aaral ang tunog mula sa
kanilang unang wika, tulad ng makikita sa ilang salita sa mga sumusunod na pangungusap:

89. May isang mahabang bolpen at isang maikling labis sa


larawan. (lapis)
90. Matangkad, mabait at matapa siya. (mataba)
91. Mas mahal ang berdeng damit kaysa sa dalandang gulay na
damit. (kulay)
92. Mas mula ang pulang damit kaysa sa berdeng damit. (mura)
93. Mas makapal ang librong Filipino kaysa sa Ingres. (Ingles)
94. Mas mula po ang T-shirt kaysa sa shirt. (mura)
95. May tsineras. (tsinelas)

Sa wikang Mandarin, ang mga tunog na /k/ at /kh/ ay nirerepresenta sa pinyin ng


letrang g at k. Masasabi kung gayon na alofown o nagpapalitan ang mga tunog na [k]
at [g] sa wikang Mandarin kaya naman naprodyus ng mga Tsinong mag-aaral ang 89-
91. Sa kaso naman ng wikang Koreano at Hapones, alofown din ang mga tunog na [r] at
[l] kaya naman naprodyus ng mga mag-aaral na Koreano at Hapones ang mga salita sa
pangungusap 92-95.

VIII. Kongklusyon
Naobserbahan mula sa mga datos ang tatlo sa labing-isang epekto ng unang wika na
inilahad nina Larsen-Freeman at Long sa unang bahagi ng papel na ito. Una, napapatagal
ang panahon ng pagkakamali ng mga Tsinong mag-aaral sa pagprodyus ng paglalapi
sa pandiwa sa Pandiwang Panaguring Nababanghay dahil sa tipolohikal na kaibahan
ng Mandarin at Filipino. Lumabas na mula mababa hanggang mataas na nibel, may
mga pagkakataon pa ring hindi naglalapi ng mga pandiwa ang mga estudyanteng Tsino
dahil wala ang ganitong feature sa unang wika nila. Dagdag pa rito ang kamalian nila sa
pagdadagdag at pagbabawas ng mga pananda dahil walang ganitong sistema sa Mandarin.
Ikalawa, ang posibilidad ng paglipat o transfer ng mga di-markadong porma (unmarked
forms) kaysa sa markadong porma (marked forms) ay naobserbahan din sa mga Tsinong
mag-aaral. Mas mataas ang bahagdan ng paggamit ng mga estudyanteng Tsino ng pang-
angkop na na kaysa sa -ng dahil di-markado ang na na katumbas ng pang-angkop na 的sa
wikang Mandarin na di-markado rin. Dahil sa magkaparehong sistema ng pang-angkop ng
wikang Filipino at Koreano, parehong nailipat ng mga estudyanteng Koreano ang markado
at di-markadong feature ng wikang Koreano sa Filipino. Patunay ang datos na ito sa
ikawalong epektong inilahad nina Larsen-Freeman at Long na maaari lamang magkaroon
ng paglipat ang markadong porma kung markado rin ang pormang ito sa ikalawang wika.
Bilang paglalahat, narito ang mga nakitang epekto ng mga impluwensiyang kros-
lingguwistik sa panggitnang wika ng mga banyagang mag-aaral. Una, nakaapekto ang
kawalan ng aspekto at kawalan ng paglalapi sa pandiwa ng Mandarin sa pagprodyus ng mga
Tsinong mag-aaral sa mga pangungusap na may Pandiwang Panaguri na Nababanghay.
Ikalawa, hindi nakatulong ang pagkakaroon ng aspekto ng wikang Koreano dahil hindi ito
konsistent na nailapat ng mga Koreanong mag-aaral sa kanilang panggitnang wika, ngunit
nakatulong naman ang pagiging agglutinative nito tulad ng wikang Filipino sa pagprodyus

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 52

ng mga panlapi. Ikatlo, sa kaso naman ng mga mag-aaral na Hapones, nakatulong ang
pagkakaroon ng feature para sa aspekto at paglalapi sa pandiwa ng wikang Hapones sa
pagprodyus nila ng pangungusap sa wikang Filipino. Ikaapat, masasabing nakaapekto ang
kawalan ng pananda ng wikang Mandarin sa pagprodyus ng mga kinakailangang marker
sa wikang Filipino. Ikalima, kakaunti lang ang kamalian sa paggamit ng pananda ng mga
Koreano at Hapones na mag-aaral kaya mahihinuhang nakatulong ang pagkakaroon ng
pananda ng kanilang mga unang wika sa pagtamo ng Filipino. Ikaanim, pare-parehong may
pang-angkop ang mga wikang Mandarin, Koreano, at Hapones, ngunit pinakanakatulong
ang feature na ito sa mga Hapones, na sinundan ng mga Koreano, at panghuli ng mga
Tsinong mag-aaral. At bilang wakas, makikita sa lahat ng pangkat ng mga banyagang mag-
aaral na may salita at parirala silang nagagamit sa kanilang panggitnang wika na galing
sa kanilang unang wika at iba pang alam na wika tulad, partikular na, ng wikang Ingles.

Mga Sanggunian
Antonio, Lilia F. “Paano Mabisang Maituturo ang Wika sa mga Hapones?” Daluyan: Journal
ng SWF sa Talakayang Pangwika, tomo 8, blg. 1-2, 1997, pp. 49-59.
Akiyama, Nobuo at Carol Akiyama. Japanese Grammar. Barron’s Educational Series, 2002.
Barrios, A. at A. Bernardo. “The Acquisition of Case Marking by L1 Chabacano and L1 Cebuano
Learners of L2 Filipino: Influence of Actancy Structure on Transfer.” Language
and Linguistics, tomo 13, blg. 3, 2012, pp. 499-521.
Brown, H. Douglas. Principles of language learning and teaching, ika-5 edisyon. Prentice
Hall, 2007.
Catabui, Sacrificia. “Problems in Learning Pilipino among the First Year High school students
of the Cagayan Valley Institute of Technology.” Tesis sa antas masterado, Kolehiyo
ng Edukasyon, U ng Pilipinas Diliman, 1969.
“Commission on Higher Education Memorandum No. 59 Series of 1996.” https://ched.gov.
ph/wp-content/uploads/2017/10/CMO-No.-59-Series-of-1996-New-General-
Education-Curriculum-GEC.pdf.
Ceña, Resty. Sintaks ng Filipino. National Commission for Culture and the Arts, 2012.
Ceña, Resty at Ricardo Nolasco. Gramatikang Filipino Balangkasan. U of the Philippines
P, 2011.
Constantino, Pamela, patnugot. “Pagpaplanong Pangwika at Intelektuwalisasyon.” Filipino
at Pagpaplanong Pangwika: Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL. Sanggunian
sa Filipino, 2005, pp. 232-243.
Constantino, Pamela, et al., mga patnugot. Salindáw: Varayti at Baryasyon ng Filipino. UP
Sentro ng Wikang Filipino, 2012.
Corder, Stephen. Error Analysis and Interlanguage. Oxford U P, 1981.
Cubar, Ernesto at Nelly Cubar. Writing Filipino Grammar: Traditions & Trends. New Day,
1994.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 53

Delima, Purificacion D. “Emerging Filipino variety as interlanguage among native and non-
native speakers: a descriptive analysis.” PhD Disertasyon, Kolehiyo ng Edukasyon,
U of the Philippines Diliman, 1993.
Dougthy, C. at M. Long, mga patnugot. The Handbook of Second Language Acquisition.
Blackwell Reference Online, 2007.
Dulay, H., et al. Language Two. Oxford UP, 1982.
Ellis, R. The Study of Second Language Acquisition. Oxford U P, 2008.
Ellis, R. at G. Barkhuizen. Analysing Learner Language. Oxford U P, 2005.
Enriquez, Ma. Althea T. “Ang Pagtuturo ng Gramatikal na Filipino sa mga Banyaga: Diin
sa Guro at sa Verb.” Philippine Journal for Language Teaching, tomo 43, 2004,
pp. 51-59.
Eberhard, David M., et al., mga patnugot. Ethnologue: Languages of the World, ika-25 edisyon,
SIL International, 2022, http://www.ethnologue.com.
Galang, Rosita. “Acquisition of Tagalog Verb Morphology: Linguistic and Cognitive Factors.”
Philippine Journal of Linguistics, tomo 13, blg. 2, 1982, pp. 1-16.
Gass, S. at L. Selinker. Second Language Acquisition: An Introductory Course, ika-3 edisyon.
Routledge, 2008.
Gonzales-Garcia, Lydia. Makabagong Gramar ng Filipino, rebisadong edisyon. Rex
Bookstore, 1999.
Gonzalez, Andrew. Acquiring Pilipino as a First Language: Two Case Studies. Linguistic
Society of the Philippines, 1984.
Igno, Jay-ar. “Contrastive na Pag-aaral sa mga Basic Sentence ng Wikang Filipino at
Koreyano.” MA tesis, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, U ng Pilipinas
Diliman, 2015.
James, Carl. Errors in Language Learning and Use: Exploring Error Analysis. Longman,
1998.
Laranjo, R., at S. Shin. “Patterns of errors in composition of Korean learners of Filipino
language.” The Southeast Asian Review, tomo 26, blg. 4, 2016, pp. 365-404.
Laranjo, Ronel O. “An Error Analysis of Interlanguage of Heritage Learners and Korean
Learners of Filipino Language.” MA Tesis, College of Liberal Arts, Korea U, 2015.
---. “Panimulang Pagsipat sa Panggitnang Wika o Interlanguage ng mga Mag-aaral ng Wikang
Filipino na May Lahing Pilipino o Heritage Learners.” Diwa E-journal, tomo 4,
2016, pp. 73-86.
---. “Mapping Philippine Studies in North East Asia: A SWOT Analysis of Southeast Asian
Studies Programs from China, Japan, and Korea.” SUVANNABHUMI, tomo 12,
blg. 1, 2020, pp. 111-130.
Larsen-Freeman, D. at M. Long. An Introduction to Second Language Acquisition Research.
Longman, 1991.
Luquin, Elisabeth. “Ang Pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga Pranses (Panayam).” Daluyan:
Journal ng Wikang Filipino, tomo 22, blg. 1-2, 2016, pp. 224-232.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 54

Mabanglo, Ruth Elynia S. “Pagpapahusay ng Filipino sa mga Filipino/ Di-Filipino sa Labas


ng Filipinas.” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika, tomo 8, blg.
1-2, 1997, pp. 35-48.
Malicsi, Jonathan. Gramar ng Filipino. Sentro ng Wikang Filipino, 2013.
Mangulabnan, Juvy. “Acquisition Order of the English grammatical morphemes in the oral
responses of grade two students.” PhD Disertasyon, Kolehiyo ng Edukasyon, U ng
Pilipinas Diliman, 2001.
McLaughlin, Barry. Theories of second-language learning. Edward Arnold, 1987.
Meisel, J. First and Second Language Acquisition: Parallels and Differences. Cambridge
U P, 2011.
Myles, Florence. “Theoretical Approaches.” The Cambridge Handbook of Second Language
Acquisition, pinatnugutan nina Herschensohn, J. at M. Young-Sholten, Cambridge
U P, 2013, pp. 46-70.
Peregrino, J., et al. Panimulang Pag-aaral ng Wikang Filipino / (Basic Filipino Language).
Interactive book app format, Busan U of Foreign Studies, 2016.
Oue, Masanao. “Ang Pagpapahusay sa Pagtuturo ng Filipino sa mga Estudyanteng Hapones:
Mga Suliranin at Solusyon.” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika,
tomo 8, blg. 1-2, 1997, pp. 21-34.
Pambid-Domingo, Nenita. “Panimulang Pag-aaral ng Wikang Filipino sa UCLA: Kasalukuyang
Lagay at Direksiyon.” Hasaan: Journal ng Unibersidad ng Santo Tomas, tomo 4,
blg. 1, 2017, pp. 38-60.
Paz, Consuelo. Ang Wikang Filipino Atin Ito. Sentro ng Wikang Filipino, 2005.
Paz, Consuelo, et al. Ang Pag-aaral ng Wika. U of the Philippines P, 2003.
Po-Ching, Y., at D. Rimmington. Chinese: A Comprehensive Grammar. Routledge, 2004.
Quirolgio-Pottier, Marina. “Ang Pagtuturo ng Filipino sa mga Pranses sa Unibersidad ng Paris
(Institut National des Langues et Civilisations Orientales/INALCO).” Daluyan:
Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika, tomo 8, blg. 1-2, 1997, pp. 11-20.
Ramos, Teresita at Ruth Mabanglo. Southeast Asian Language Teaching: The Language
Learning Framework for Teachers of Filipino, espesyal na isyu, 2012.
Resuma, Vilma M. “Mga Pamamaraan at Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino.” Daluyan:
Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika, tomo 8, blg. 1-2, 1997, pp. 49-59.
Richards, Jack C., patnugot. Error Analysis: Perspectives on Second Language Acquisition.
Longman, 1974.
Ross, Claudia at Jing-heng Sheng Ma. Modern Mandarin Chinese Grammar: A Practical
Guide.
Routledge, 2006.
Ruhlen, Merritt. A Guide to the World’s Languages: Classification. Stanford U P, 1991.
Saville-Troike, M. Introducing Second Language Acquisition. Cambridge U P, 2006.
Schacter, Paul at Fe Otanes. Tagalog Reference Grammar. U of California P, 1972.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Laranjo | Mga Impluwensiyang Kros-Lingguwistik 55

Selinker, Larry. Rediscovering Interlanguage. Longman, 1992.


Sohn, Ho-Min. The Korean Language. Cambridge U P, 1999.
Trawinski, M. An Outline of Second Language Acquisition Theories. Krakow, 2005.
White, L. Second Language Acquisition and Universal Grammar. Cambridge U, 2003.
Yamashita, M., et al. 大学のフィリピノ語 Komprehensibong Tekstbuk ng Filipino. Tokyo U
of Foreign Studies U P, 2018.
Yap, Fe Aldave. Global Filipino Crossing Borders. De La Salle U Publishing House, 2012.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Nagaya | Apat na Tanong Tungkol sa Pagtuturo 56

Apat na Tanong Tungkol sa Pagtuturo ng


Wikang Filipino sa Japan1
Four Questions on Teaching the Filipino Language in Japan

Naonori Nagaya
Unibersidad ng Tokyo
nagaya@l.u-tokyo.ac.jp

Abstrak
Ang artikulong ito ay sagot ko sa apat na tanong tungkol sa pagtuturo ng wikang Filipino sa
Japan, bilang isang Hapong lingguwista at titser ng Filipino: (i) bakit marunong ka ng Filipino?;
(ii) paano itinuturo ang wikang Filipino sa Japan?; (iii) bakit pinipili ng mga estudyante
ang kursong Filipino sa Tokyo University of Foreign Studies o TUFS?; at (iv) ano ang mga
dapat gawin para sa kinabukasan ng pagtuturo ng wikang Filipino sa Japan?
This article is my answer to four questions regarding teaching the Filipino language in Japan
as a Japanese linguist and Filipino teacher: (i) why do you know Filipino?; (ii) how do you
teach Filipino in Japan?; (iii) why do students choose the Filipino course in TUFS?; and (iv)
what should be done for the future of teaching the Filipino language in Japan?

Mga Susing-salita
Filipino, Pilipino, Japan, pamantasan, pagtuturo, wikang pamana
Filipino, Pilipino, Japan, university, teaching, heritage language

Tungkol sa May-akda
Si Naonori Nagaya ay Associate Professor at Tagapangulo ng Lingguwistiks sa Unibersidad
ng Tokyo sa Japan. Nagsasaliksik siya sa Filipino at mga ibang wikang Austronesian na
sinasalita sa Timog-Silangang Asya. Titser din siya ng Filipino at nakapagturo na sa Tokyo
University of Foreign Studies (TUFS) nang anim na taon. Binigyan siya ng Linguistic

1 Nagpapasalamat ako kina Florinda Palma Gil (Tokyo University of Foreign Studies), Ria Rafael
(Unibersidad ng Pilipinas Diliman), at Aldrin Lee (Unibersidad ng Pilipinas Diliman) sa mga tulong
na ibinigay nila sa akin. Katitser ko ng Filipino si Ma’am Flori sa TUFS at palagi ko siyang kausap
tungkol sa pagtuturo ng wikang Filipino sa Japan. Marami akong ideang nakuha habang nag-uusap
kami. Tumulong naman sina Ma’am Ria at Sir Aldrin sa pag-aayos ng artikulong ito at nagbigay din sila
ng magagandang puna. Isinalin ni Sir Aldrin ang salitang “heritage language” para sa artikulong ito.
Itong artikulong ito ay may suporta ng Japan Society for the Promotion of Science KAKENHI Grant
Number JP21K00522.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Nagaya | Apat na Tanong Tungkol sa Pagtuturo 57

Society of the Philippines nito lamang 2021 ng Br Andrew Gonzalez FSC Distinguished
Professorial Chair in Linguistics and Language Education.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Nagaya | Apat na Tanong Tungkol sa Pagtuturo 58

I. Bakit Marunong ka ng Filipino?


“Bakit marunong ka ng Filipino? Pilipina ang nanay mo ‘no?”
Ito ang tipikal na tanong sa akin ng mga Pilipino sa Japan kapag kinakausap ko sila sa
Filipino. Ilang libong beses na yata itong naitanong sa akin. Hindi ko na mabilang.
Para sa akin, madali itong sagutin. Ako ay isang associate professor ng lingguwistika
sa isang pamantasan sa Japan. Pananaliksik ng mga wika ang trabaho ko. Sa partikular,
nagsasaliksik ako sa Filipino at iba pang wikang Austronesian na sinasalita sa Timog-
Silangang Asya. Gumagamit ako ng Filipino sa pang-araw-araw kong pag-aaral at
pagsusuri. At saka titser din ako ng wikang Filipino. Nakapagturo na ako ng wikang
Filipino sa Tokyo University of Foreign Studies o Unibersidad ng Araling-Pandaigdig
ng Tokyo (TUFS), at Kanda University of International Studies (KUIS). Kaya madaling
sagutin ang nasabing tanong. Trabaho ko kasi. Kahit Hapon ang parehong mga magulang
ko at wala akong asawang Filipino, marunong akong mag-Filipino dahil trabaho kong
magsuri at magturo ng wikang Filipino.
Kung ganoon, bakit tinatanong ako ng mga Pilipino kung bakit marunong ako ng
Filipino? Batay sa karanasan ko, itinatanong ito ng mga Pilipino sa Japan dahil akala nila,
wala namang Hapon na nagfi-Filipino kundi ang mga may magulang o kamag-anak na
Pilipino. Baka nagtataka rin sila kung bakit kailangan pang mag-aral ng Filipino ang mga
Hapon kung wala naman silang asawa o katipang Filipino.
Pero mali ang akala nilang walang Hapon na nag-aaral ng wikang Filipino. Marami
namang Hapon na natutuwang matuto ng wikang ito dito sa Japan. Siyempre mas maraming
Hapon ang nag-aaral ng wikang Ingles o Intsik. Gayunpaman, mas maraming nag-aaral ng
wikang Filipino higit pa sa inaasahan ng mga Pilipino. Kapag bumisita kayo sa mga malaki-
laking tindahan ng libro sa Tokyo, makikita ninyo na ibinibenta ang iba’t ibang aklat-aralin
sa wikang Filipino. May ilang pamantasan pa nga kung saan itinuturo ang Filipino bilang
isang core subject, at maraming estudyanteng Hapon ang masayang-masaya sa pag-aaral
nito. Itong mga unibersidad na ito ay kabilang sa mga pinakaprestihiyosong unibersidad
sa Japan. Maraming gustong mag-aral ng wikang Filipino sa Japan.
Kung ganoon, bakit gusto ng mga Hapon na matuto ng wikang Filipino? Paano itinuturo
ang Filipino sa Japan? At ano pa ba ang dapat gawin para mas lumago ang pagtuturo ng
Filipino sa Japan? Ang artikulong ito ay sagot ko sa mga tanong na ito bilang isang Hapong
lingguwista at titser ng Filipino.

II. Mga Pilipino sa Japan


Bago pag-usapan ang pagtuturo ng wikang Filipino sa Japan, obserbahan muna natin ang
kalagayan ng mga Pilipino sa bansang ito. Ang mga Pilipino ay ikaapat na pinakamalaking
grupo ng mga dayuhan na nakatira sa Japan, sunod sa mga Tsino, mga Koreano, at mga
Vietnamese. Mahigit 290,000 ang mga naitalang Pilipino sa Japan sa taong 2022. Marami
namang Pilipino ang nakatira sa Japan pansamantala upang mag-aral sa mga di-gradwado
at gradwadong programa, o kaya ay para magtrabaho sa mga kompanyang Hapon. Pero ang
karamihan ng mga Pilipino sa Japan ay “permanent resident/s,” “long-term resident/s,”

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Nagaya | Apat na Tanong Tungkol sa Pagtuturo 59

o kaya ay “spouse or child of Japanese national/s” na. Kaya naging maayos na ang buhay
nila sa Japan. Maraming Pilipino rin ang ikinasal na sa Hapon. Ibig sabihin nito ay marami
na ring Japanese national ang may lahing Filipino. Marami na ring Pilipinong isinilang sa
bansang Japan na parehong Pilipino ang mga magulang.
Ang Tokyo ang prepekturang may pinakamaraming Pilipino sa buong bansa. Pero
hindi lang sa Tokyo nakatira ang mga Pilipino. Marami rin sa Aichi prefecture, Kanagawa
prefecture, at Saitama prefecture. May ilang kilalang Filipino community sa bansang
Japan. Halimbawa, ang Takenotsuka district ng Adachi Ward sa Tokyo ay tinatawag na
“Little Manila” dahil maraming kainan at inuman na Pilipino ang may-ari. Marami-rami
ring Pilipino sa Kawasaki ng Kanagawa prefecture.
Marami na ring celebrity at professional athlete na may lahing Filipino na bentang-
benta sa mga Hapon. Halimbawa, si Elaiza Ikeda ang isa sa mga sikat na artista, modelo, at
mang-aawit na ipinanganak sa Pilipinas at lumaki sa Japan. Kilalang-kilala rin sina Sayaka
Akimoto, Maryjun Arazas Takahashi, at Yuki Kimura (Yukipoyo). Walang araw na hindi
lumalabas ang mga Pilipinong Hapon na artistang nabanggit sa TV ngayon. Mayroon na
ring Pilipinong Hapon na YouTuber katulad ni Zawachin.
Hindi lang sa showbiz, aktibo din ang mga Pilipinong Hapon sa sports. Maraming
sumo wrestler na may lahing Filipino, halimbawa sina: Takayasu (Akira Takayasu),
Mitakeumi (Hisashi Omichi), at mayroon pang iba. Kilalang-kilala rin ang professional
golfer na si Yuka Saso. Pilipinong Hapon din siya. Mayroon ding basketball player, boxer,
soccer player, professional wrestler, at figure skater. Magagaling silang lahat.
Kaya puwede natin sabihing maraming Pilipino sa bansang Japan at aktibo sila sa iba’t
ibang anyo sa lipunang Hapon. Kapag ganito, hindi siguro nakagugulat na kailangan o
gusto ng mga Hapon na mag-aral ng wikang Filipino. Ngayong marami nang Pilipino sa
Japan, may malaki nang pangangailangan sa pag-aaral ng wikang Filipino.

III. Paano Itinuturo ang Wikang Filipino sa Japan


Paano itinuturo ang wikang Filipino sa bansang Hapon? O paano nag-aaral ng wikang Filipino
ang mga Hapon? Sa tingin ko, may tatlong paraan para mag-aral ng Filipino sa loob ng Japan:
(i) unibersidad/pamantasan, (ii) language school, at (iii) self-study.

i. Unibersidad/Pamantasan
Itinuturo ang wikang Filipino sa mga unibersidad sa Japan. Isa ito sa mga subject na
banyagang wika sa mga unibersidad katulad ng Sophia University at Takushoku University.
Mayroon ding dalawang pamantasang nagbibigay ng degree ng wikang Filipino: ang
Unibersidad ng Araling-Pandaigdig ng Tokyo (Tokyo University of Foreign Studies o
TUFS), at Unibersidad ng Osaka (Osaka University).
Ang Unibersidad ng Araling-Pandaigdig ng Tokyo kung saan ako nagturo ng Filipino
nang anim na taon ay ang pinakamatandang pamantasan sa bansang Japan na itinatag
para sa araling pandaigdig. May apat na taong di-gradwadong programa para sa pag-
aaral ng dalawampu’t walong wika, katulad ng mga wikang Europeo (Ingles, Español,

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Nagaya | Apat na Tanong Tungkol sa Pagtuturo 60

Pranses, Aleman, atbp.) at wikang Asyano (Tsino, Koreano, Arabic, Turkish, Hindi, atbp.).
Nasa ilalim ng Southeast Asian program ang Filipino major, kabilang ng ibang wika sa
Timog-Silangang Asya (Indonesian, Malay, Thai, Lao, Burmese, Cambodian, Vietnamese).
Mahigit 60 na estudyante ang nag-aaral ng Filipino. Hindi lang wikang Filipino kundi pati
social sciences at humanities ng Pilipinas ang pinag-aaralan nila. Itinatag ang programang
ito noong 1992. Kaya may 30 taon na ang kasaysayan nito. May parehong Pilipino at
Hapon na mga faculty dito.
Ang mga estudyanteng Filipino major ay kailangang kumuha ng apat na unit ng
Filipino class kada semestre habang nasa junior pa sila, at dalawang unit kada semestre
kapag senior na sila. Sumasali rin sa exchange program ang karamihan ng mga estudyante.
Maaari silang mag-aral sa mga pamantasan sa Pilipinas, katulad ng Pamantasang Ateneo
de Manila, Pamantasang De La Salle, at Unibersidad ng Pilipinas. Kaya nagiging mahusay
ang mga estudyante sa wikang Filipino pagkatapos nilang mag-aral sa Unibersidad ng
Araling-Pandaigdig ng Tokyo.

ii. Language School


Kahit maganda ang programang Filipino sa mga nasabing unibersidad, hindi maaaring
mag-enrol doon ang lahat ng mga gustong mag-aral ng wikang Filipino. Kaya kailangan
nilang matuto nito sa pamamagitan ng language school at/o self-study.
May ilang language school sa Japan kung saan itinuturo ang wikang Filipino.
Halimbawa, ang Unibersidad ng Araling-Pandaigdig ng Tokyo ay nagbubukas ng
extramural na mga klase ng wikang Filipino para sa publiko. TUFS Open Academy ang
tawag sa extramural na klase na ito. Mayroon ding English language school na nag-ooffer
din ng Filipino class dahil mayroon silang mga Pilipinong titser ng English.

iii. Self-study
Kapag walang mahanap na language school malapit sa bahay, puwede rin namang mag-
self-study ng Filipino. Dahil mahilig mag-aral ng banyagang wika ang mga Hapon,
ibinibenta ang iba’t ibang aklat-aralin sa wikang Filipino sa mga malaki-laking tindahan
ng libro. Nakasulat pa sa wikang Hapon ang ilan dito. Mura rin ito kompara sa pagpasok sa
pamantasan o sa language school. Pero siyempre, hindi madaling mag-self-study ng isang
wika. Mawawala agad ang gana kung walang titser o kausap sa pinag-aaralan mong wika.
Puwede siguro ito kung mataas lamang ang motibasyon ng nag-aaral ng wika.

IV. Bakit Pinipili ng mga Estudyante ang Kursong Filipino sa


TUFS?
Bakit gustong mag-aral ng wikang Filipino ng mga Hapon? Kapag ordinaryong tao ang
tatanungin, depende sa tao. Siguro may asawang Filipino. Siguro kailangan nila sa trabaho.
Siguro gusto lang nilang makipag-usap sa mga kaibigan nilang Pilipino.
Kung ganoon, ano kaya ang dahilan kung bakit pinipili ng mga estudyante sa TUFS
(Tokyo University of Foreign Studies o Unibersidad ng Araling-Pandaigdig ng Tokyo)

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Nagaya | Apat na Tanong Tungkol sa Pagtuturo 61

ang kursong Filipino? Maraming wika sa mundong ito at may dalawampu’t walong kurso
para sa mga wika sa TUFS. Bakit kursong Filipino pa ang pinipili nila? Sa bahaging ito,
magbibigay ako ng limang dahilan batay sa karanasan ko sa pagtuturo sa TUFS.

i. Relatable
Una sa lahat, relatable ang Pilipinas, mga Pilipino, at wikang Filipino para sa mga
kabataan sa Japan ngayon. Magkalapit naman din kasi ang Pilipinas at Japan. Apat na
oras lang ng flight ang kailangan para pumunta sa bansa ng isa’t isa, at isang oras lang
ang time difference. Siguro alam ng karamihan ng Hapon kung nasaan ang Pilipinas sa
mapa ng Asya, kahit hindi nila alam kung nasaan ang Texas sa mapa ng Estados Unidos.
Kilalang-kilala na rin ang Boracay at Cebu bilang tourist spots. Mayroon ding high school
na nagpapadala ng mga estudyante nila sa Pilipinas para matuto ng wikang Ingles.
Pagdating sa pagkain, nakatikim na sila ng halo-halo dahil ibinebenta ito sa Ministop
sa Japan. May tatak na “Pilipinas” ang karamihan ng saging na ibinebenta sa Japanese
supermarket, dahil madalas inaangkat ang mga ito galing sa Pilipinas. Bata pa lamang sila,
nakikita na nila ang tatak na “Philippines” tuwing naggogrocery sila.
At saka, tulad ng mga nasabi sa itaas, marami ngang Pilipino o Japanese national
na may lahing Filipino sa bansang Japan. Kaya madalas silang may kaibigan, kaklase, o
kilalang Pilipino. Lalo na ngayong maraming Filipino celebrity na bentang-benta sa TV at
social network services o SNS, nagiging pamilyar sa mga kabataang Hapon ang Pilipinas.
Bukod dito, may ilang estudyanteng nakapagstay na sa Pilipinas noong bata pa sila dahil
sa trabaho ng pamilya nila at iba pang dahilan.
Kaya para sa mga kabataan sa Japan, ang Pilipinas ay bansang naririnig araw-araw.
Natural na natural na magiging interesado sa wikang Filipino.

ii. Paglago ng Ekonomiya sa Timog-Silangang Asya


May estudyanteng pumipili ng kursong Filipino dahil interesado sila sa Timog-Silangang
Asya at paglago ng mga ekonomiya nito. Sa Japan, maraming estudyanteng nagugustuhan
ang kasaysayan at kultura ng Timog-Silangang Asya. Umuunlad ang ekonomiya at
dumarami rin ang pagkakataon sa pagnenegosyo. Alam na alam ng mga estudyanteng
maganda at masigla ang kinabukasan ng rehiyong ito. Kaya ngayon sa bansang Japan,
lumalakas din ang pangangailangan ng mga eksperto sa Timog-Silangang Asya. Gusto ng
mga estudyanteng mag-aral ng wikang Filipino para magkaroon ng kaalaman, karanasan,
at kasanayan dito para magtagumpay sa buhay. Makatutulong sa kanila ang kahusayan sa
wikang Filipino.

iii. “English-speaking country”


Ang Pilipinas ay kilala rin sa bansang Japan bilang isang “English-speaking country.” Kaya
mayroon ding mga estudyanteng pinipili ang kursong Filipino dahil gusto nilang pumunta
sa Pilipinas at maging mahusay sa wikang Ingles. Tama naman ang iniisip nila. Mahusay
na mahusay ang mga Pilipino sa wikang Ingles; maraming Pilipino na titser ng Ingles sa
Japan, at maraming magagandang English language schools sa Pilipinas.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Nagaya | Apat na Tanong Tungkol sa Pagtuturo 62

Hindi yata ito ang pinakamagandang dahilan kung bakit nag-aaral ng wikang Filipino
ang ilang Hapon, pero ang nakatutuwa rito, maraming estudyanteng nagiging interesado
sa Pilipinas at matututo ng wikang Filipino habang nag-aaral sila ng Ingles.

iv. Heritage Language o Wikang Pamana


Sa TUFS, mayroon ding ilang estudyanteng Hapon na Pilipino ang nanay o tatay pero
hindi marunong ng Filipino. Kahit nakaririnig na sila ng Filipino sa bahay nila o sa bahay
ng mga kamag-anak nila, hindi sila gumagamit ng Filipino dahil sa Japan na sila nakatira.
Dahan-dahang lumilipat ang wika nila sa mas ginagamit na wikang Hapon. Nakalilimutan
na din nila ang mga salitang Filipino.
Sayang naman ito. Para sa kanila, “heritage language” o wikang pamana ang wikang
Filipino dahil ipinamana ito ng magulang nila sa kanila. Nakalulungkot naman na
mawawalan sila ng wikang pamana. Siyempre sa loob ng Japan, mas ginagamit nila ang
wikang Hapon, at pagpunta nila sa Pilipinas puwede rin silang mag-Ingles sa mga kamag-
anak nila. Pero wika ng mga ninuno nila ang wikang Filipino. Parte ito ng pagkatao nila.
Kaya natutuwa akong may mga estudyanteng Hapon na pumipili ng kursong Filipino
sa TUFS para bawiin ang wikang pamana nila. Masaya rin silang mabawi ang wikang
pamana nila. Ang saya raw na makipagkuwentuhan sa kamag-anak nilang Pilipino sa sarili
nilang wika!

v. Nagkataon Lang
Nabanggit ko na ang apat na dahilan kung bakit pinipili ng mga estudyante ang kursong
Filipino sa TUFS. Iba’t iba ang dahilan nila. Pero sa katunayan, para sa karamihan ng mga
estudyante, wala namang espesyal na dahilan. Nagkataon lang na pumili sila ng kursong
Filipino. Puwede silang pumili ng wikang Español o Thai. Pero trip lang nila.
Sa tingin ko, maganda rin itong dahilang ito. May kani-kaniyang kagandahan at
kasiyahan ang bawat wika sa mundo, at hindi natin masasabi kung aling wika ang
pinakamaganda para sa kanila. Kung ganoon, hayaan na lang natin ang naramdaman nila.
Kahit ano man ang dahilan ng pagpili ng kurso, magugustuhan nila ang pinili nilang wika
habang pinag-aaralan nila ito.

IV. Ano ang Dapat Gawin para sa Kinabukasan ng Pagtuturo


ng Wikang Filipino?
Katulad ng naobserbahan natin sa artikulong ito, maaari nating sabihin na masigla ang
kalagayan ng pagtuturo ng wikang Filipino sa Japan. Lumalago ang pangangailangan sa
wikang Filipino sa loob ng nasabing bansa, dumarami na ang dahilan kung bakit kailangan
ang Filipino sa lipunang Hapon, at mayroon namang mga pamantasan kung saan itinuturo
ang wikang ito.
Pero sa tingin ko, may dalawang malaking problema sa pagtuturo ng wikang ito:
(a) kakulangan ng learning materials para sa mga masang Hapon, at (b) kawalan ng

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Nagaya | Apat na Tanong Tungkol sa Pagtuturo 63

suporta para sa mga Pilipinong Hapon. Ano ba ang dapat gawin para sa mas magandang
kinabukasan ng pagtuturo ng wikang Filipino sa Japan kundi tugunan ang mga ito?
Una, kulang pa ang learning materials ng Filipino para sa masa. Marami na ring
introductory na textbook na nakasulat sa Hapon, at puwedeng gamitin itong mga ito para
matuto ng batayan ng gramar ng Filipino. Pero kaunti na lang ang learning materials para sa
pag-uusap/kumbersasyon at pagbabasa na nakasulat sa Hapon. Hindi naman ito problema
para sa mga estudyanteng nag-aaral sa pamantasan. Marunong din kasi sila ng wikang
Ingles at maaari silang gumamit ng mga materyal na nakasulat sa Ingles. Pero hindi
naman lahat ng Hapon ay marunong mag-Ingles. Hindi sapat ang pagpipiliang learning
materials para sa kanila. Nagiging balakid ang wikang Ingles para sa mga masang Hapon
na gustong mag-aral ng Filipino.
Pangalawa, hindi sapat ang suporta sa mga heritage learner ng Filipino. Katulad ng
mga nasabing estudyante sa TUFS na may lahing Filipino, maraming Pilipinong Hapon na
nakatira sa Japan na hindi marunong ng Filipino, at nawawalan sila ng wikang pamanang
Filipino. Okay lang siguro kung iyan ang tunay na gusto nila. Pero magkakaroon ng
malaking problema kapag gusto na nilang bawiin ang wika nila ngunit wala silang mahanap
na suporta o tulong.
Siyempre kung mataas ang grado nila sa high school, puwede silang mag-apply sa
TUFS o Osaka University, pero kaunti lang ang natatanggap sa mga pamantasang ito
dahil lubhang mataas ang kompetisyon sa mga nabanggit na pamantasan. Sa kasamaang
palad, mukhang hindi ito para sa lahat ng Pilipinong Hapon. Napansin ko rin na may
ilang volunteer work na tumutulong sa mga Pilipinong gustong matuto ng Filipino.
Mukhang maganda ang gawain nila, pero limitado ang volunteer work. Bukod dito, batay
sa karanasan ko, ang mga Pilipinong Hapon na hindi marunong sa Filipino ay hindi rin
marunong sa Ingles. Kaya katulad ng mga masang Hapon, wala silang mahanap na angkop
na learning materials na nakasulat sa Hapon. Hindi nila maaccess ang wika nila kahit
gusto nila. Malaki itong problema.
Kaya may dalawang malaking problema sa pagtuturo ng wikang Filipino sa Japan at
magkaugnay naman itong mga ito. Upang lutasin itong mga suliraning ito, isa ang mga
titser ng Filipino (na katulad ko) sa mga dapat magsikap at maghanda ng magagandang
learning materials na nakasulat sa Hapon. Kailangan din ang ibayong pagsasaliksik. Kung
tutuosin, wala pa namang sistematikong pagsusuri ng Filipino bilang wikang pamana sa
bansang Japan. Kaya ito ang naiisip kong dapat na magiging susunod na proyekto ko.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 64

Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan ng


Nagpapatuloy na Kasaysayan sa Global na
Lipunan: Pagturing sa Eksibisyong Gintong
Liwayway: Sining ng Progresibong Pagbabago
Memory as a Global Consciousness of Continuing History in Global Society:
Considering the Exhibition Gintong Liwayway: Sining ng Progresibong
Pagbabago

Gian Carlo Delgado


Unibersidad ng Pilipinas Diliman
gfdelgado@up.edu.ph

Abstrak
Layon ng papel na ito na suriin ang mga sining na naglalahad ng mga konsepto ng gunita sa
eksibisyong Gintong Liwayway: Sining ng Progresibong Pagbabago ng UP Artists’ Circle
Fraternity, na ginanap sa Anima Art Space. Ang mga konseptong ito ng gunita ay itinuturing
na kaakibat ng pagsasapantaha ng pagbabago na ipinaparating sa paglikha ng isang
imagined world. Ang imagined world ay kinikilala bilang isang pandaigdigang kamalayan
na nakaugnay sa Social Realism, na isang masining na paraan ng pagpapahayag ng
paghihimagsik. Tinuturol ng pagturing na ito sa eksibisyon ang konsepto ng gunita bilang
aspekto ng buhay at impluwensiya ng mga materyal na bagay sa loob ng isang global na
lipunan, sa relasyon ng kapatirang bumubuo ng eksibisyon at espasyong kinalalagyan nito,
at sa gawi ng mga manlilikha bilang mga artista ng bayan. Ang mga artista ng bayan dito ay
kinikilala bilang mga karakter sa mga lipunang may patuloy na kasaysayan ng malikhaing
pakikibaka. Ito ay pagkilala sa manlilikha bilang isang mamamayang may gampanin sa
kaniyang lipunan na gamitin ang sining bilang armas para sa progresibong pagbabagong
panlipunan. Nais tingnan ng papel ang partikular na kondisyon ng Global South bilang
pandaigdigang komunidad na sinasalamin ng mga likhang sining, na siya ring danas ng
partikular na mga uri ng mamamayan. Ang kamalayan ng mga manlilikha na bahagi ng
eksibisyong Gintong Liwayway sa mga uring panlipunan ay iniuugnay sa kondisyon at
katangian ng ilang mga bansang kabilang sa Global South. Ang pagturing sa eksibisyon
ay pagsuri rin sa likhang sining bilang mga produktong ang hatid ay isang pandaigdigang
kamalayang nauukol sa diwa ng kapatiran, espasyong kinalalagyan, at pagiging mga artista
ng bayan, na silang bahagi ng ideolohiya at pagkilos para sa pagbabagong panlipunan.
This paper aims to analyze the concepts of memory expressed by the artworks included in
the exhibition Gintong Liwayway: Sining ng Progresibong Pagbabago, held at Anima Art
Space. Such concepts of memory are associated with imagining change that is conveyed
through the creation of an imagined world. An imagined world is recognized as a global
consciousness linked with Social Realism, which is a movement concerned with artistic
expressions of being rebellious. The exhibition delineates concepts of memory as an aspect

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 65

of life and as influenced by material objects within a global society, through the works and
practices of the artists as artists of the people. This notion of being artists of the people
also refer to their roles in societies that have continuous histories of struggle even in the
creative domain. This is likewise a recognition of artists as citizens who have active parts
to fill in society, utilizing their art as a weapon for progressive social change. This paper
seeks to look into specific social conditions of the Global South as a global community,
through the experiences of particular social classes reflected in various artworks.
The awareness of the artists who are part of the exhibit Gintong Liwayway on social classes is
linked with the conditions and characteristics of some countries belonging to the Global South.
To consider the exhibit therefore is to examine as well the artworks as products engendering a
global consciousness, evoking themes of fraternity, emplacement, and becoming artists for the
people, which all in all contributes to the ideology and movement for social change.

Mga Susing-salita
artista ng bayan, Social Realism, Global South, pagpapalagay ng pagbabago, gunita
artists of the people, Social Realism, Global South, imagined world, memory

Tungkol sa May-akda
Si Gian Carlo Delgado ay isang mananaliksik at museum worker. Nagtapos siyang Cum
Laude sa kursong BA Aralin sa Sining sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Kasalukuyan
siyang kumukuha ng masterado sa Art History sa parehong unibersidad. Ang kaniyang
pangunahing interes sa pananaliksik bilang kritiko at iskolar ng sining at kultura ng
Pilipinas ay nakatuon sa pampublikong sining at sa kasaysayan, kondisyon, at relasyon ng
mga sosyo-politikal na sining sa bansa.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 66

Ang pagsasapantaha ng pagbabago ay hindi lamang nangangahulugang pagpapakita ng


isang imagined world. Kaakibat nito ang malay na paggunita sa katotohanan ng isang
masalimuot na kasalukuyan na kinapapalooban ng mga materyal na bagay, espasyo, at
hindi malilimutang kasaysayan. Ang gayong paglalahad at pagbabalik-tanaw sa realidad
ng mga ito ay bahagi ng pagpapalagay ng pagbabago o ng imagined world—isang
pagpapalagay na malay at batay sa kalagayan at kinakailangan ng panahon. Ito ay isang
global na pagpapalagay ng pagbabago na kaakibat ang gunita bilang pandaigdigang
kamalayan. Ang pagsasapantahang ito ay isinisiwalat sa pamamagitan ng mga likhang
sining na bahagi ng eksibisyong Gintong Liwayway: Sining ng Progresibong Pagbabago.
Ang eksibisyon ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng UP Artists’ Circle
Fraternity o AC—isang kapatiran ng mga manlilikha ng sining na binuo noong 1972 sa
Kolehiyo ng Sining Biswal sa Unibersidad ng Pilipinas. Itinatag ang kapatiran na may mga
prinsipyong kaakibat ang diwa ng katapatan, kababaang-loob, at matibay na hangarin. Ang
mga miyembro nito ay may hangaring paglingkuran ang komunidad, pagsumikapan ang
akademiko at propesyonal na tagumpay, at tamasahin ang panghabambuhay na kapatiran.1
Isang taon matapos ang Diliman Commune at ilang buwan bago ang pagdedeklara ng Batas
Militar sa Pilipinas, umusbong ang AC na may mga hangarin para sa “kabataan ng bayan
at ng daigdig” sa diwa ng kapatiran. Maiuugnay ang esensiyang ito sa pahayag ni Socrates
na “I am a citizen of the world” na nagpapahiwatig ng pagiging mamamayan ng daigdig—
isang aktibong miyembro ng malawak na kabuoang komunidad ng mga tao at may lubos
na kamalayan sa kaniyang tungkulin at lugar dito. Ang pagkamamamayan ng manlilikha
ay isinasaad din sa konteksto ng VIVA Excon, isang Visayas-wide biennale na nagsimula
noong 1990. Para sa VIVA Excon sa taong 2020 na may pamagat na Kalibutan: The
World in Mind, at sa pangunguna ni Patrick Flores bilang pinunong curator, ang tema ay
nagmumula sa pagsuri sa konsepto ng kalibutan na salitang Bisaya na nangangahulugang
daigdig at kamalayan, at ang binarismo sa pagitan ng dalawang diwa na ito. Wika ni Flores:
The subsidiary title “The World in Mind” pertains to the state of being in the
world, thinking through the world, and finally looking after it with care as
well as with anxiety, affection, or even obsession. Mindfulness of the world
acknowledges complicity in its production as well as the indeterminacy of its
vastness. (Flores 2)

Ang mga napiling manlilikha sa VIVA Excon ay napili sa kanilang pagpapahiwatig ng


pagsuri, paghanap, at paglipat ng Visayas sa iba’t ibang paraan at praktika ng mga ito. Ang
mga manlilikha ay itinuturing na citizen-artist kung saan sila ay hindi lamang manlilikha
ng sining na nakakulong sa kani-kanilang mga silid-gawaan o mga sariling propesyon;
bagkus, sila ay mga manggagawa din sa lipunan, mga guro, mga manggagawang kultural na
nakikisalamuha at gumagawa kasama ang iba’t ibang komunidad pansining, kolektibo, at
institusyon (Flores 19; sariling salin). Sila ay bahagi ng pinakamalaking bahagi ng lipunan,
mula sa kanilang bayan hanggang sa global na komunidad. Ito ay maiuugnay sa prinsipyo
at pananaw ng UP Artists’ Circle Fraternity bilang mga tinatawag na “artista ng bayan.”
Ang pagtanaw bilang mamamayan ng daigdig ay ang pagpapalalim sa interes ng kabuoan
o nakararami at pakikiisa sa malawak na mayorya ng sambayanan. Ito ay isinasalarawan at
ginugunita ng mga likhang sining sa eksibisyon na tinuturol ang pandaigdigang kamalayan
sa patuloy na tunggalian sa lipunan sa nagpapatuloy na kasaysayan para sa pagpapalagay
ng pagbabagong panlipunan.
1 Maaaring tingnan ang website ng UP Artists’ Circle Fraternity sa talasanggunian para sa kasaysakay ng
kapatiran.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 67

Larawan 1. Isang espasyo sa eksibisyong Gintong Liwayway: Sining ng Progresibong


Pagbabago.Dokumentasyon mula sa Anima Art Space.
Ang Gintong Liwayway ay matutunghayan sa Anima Art Space na matatagpuan
sa ikalawang palapag ng Chanca Building, isang gusali sa abenida ng Commonwealth,
lungsod ng Quezon. Sa dulo ng ikalawang palapag ay makikita ang dalawang glass door
papasok sa isang kuwarto. Sasalubong ang patatuhan ng Don Antonio Tattoo pagpasok
sa loob ng silid. Kailangang bagtasin ang gilid ng patatuhan kung saan nakaupo ang mga
marahil ay naghihintay na kustomer upang marating ang entrada ng Anima Art Space. Sa
pagbukas ng isa pang glass door ay mararating ang galeriya nito kung saan matatagpuan
ang higit tatlumpung likhang sining ng dalawampu’t dalawang artista ng bayan para sa
eksibisyon. Ang pagpapahayag sa mga manlilikha bilang “artista ng bayan” ay hango sa
tradisyonal na katawagan na “iskolar ng bayan” na gamit bilang identidad sa mga mag-
aaral ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay isang denotasyon na iniuugnay sa kalagayan ng
UP bilang pamantasan ng bayan. Ngunit bukod dito, may ilan ding mga konotasyon ang
pagiging iskolar ng bayan. Ito ay nagdadala rin ng prestihiyosong pagkakakilanlan para sa
iba sa kadahilanang kilala ang Unibersidad ng Pilipinas bilang isa sa mga nangungunang
pamantasan sa bansa. Sa kabilang banda, ang pagturing sa isang mag-aaral bilang iskolar
ng bayan ay nagpapahiwatig ng pagkakaugnay ng sarili sa lipunan—isang pagtingin
sa mag-aaral bilang isang mamamayang may panlipunang pananagutan. Bagamat sa
malaking bahagi ng lipunan umiiral ang pahayag na “artista ng bayan,” sa pagturing
sa isang manlilikha bilang ganito ay lubos nang naikakabit ang iba pang kaakibat na
kontekstong sosyo-politikal. Ideolohikal ang pagturing bilang isang artista ng bayan. Ang
katawagang ito ay ginagamit din ng mga progresibong mag-aaral at mga organisasyong
pansining sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Unibersidad ng Santo
Tomas (UST), at Pamantasang Ateneo de Manila (ADMU). Ito rin ay gamit ng iba’t ibang
pangmasang organisasyon na naniniwala sa kakayahan ng sining na paglingkuran ang
sambayanan tulad na lamang ng Concerned Artists of the Philippines, UgatLahi Artist
Collective, Tambisan ng Sining, at iba pa. Artista ng bayan din ang turing sa mga lumad,

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 68

manggagawa, magsasaka, o manininda na naniniwala at isinasapraktika ang sining bilang


armas ng pagbabagong panlipunan. Ang identidad ng mga artista ng bayan ay hindi rin
maikukulong sa isang espesipikong gawi sa paglikha, bagamat maiuugnay sa estilo o
tradisyon ng Social Realism ang kalakhan sa kanilang obra, sapagkat umiiral ang ideolohiya
at pananaw ng mga ito kadikit ng lipunan. Nakakamit ang sosyorealistang pananaw na ito
sa pagsali o pakikinig sa mga pangmasang organisasyon na silang nagbibigay ng pag-aaral
at pagtalakay sa kalagayan ng lipunan, na siyang itinuturing din ng nasabing mga artista na
malakolonyal at malapiyudal ang katangian. Ang diwang ito marahil ay maihahalintulad
sa UP Artists’ Circle Fraternity. Ngunit ang kasaysayan nito bilang kapatiran ay naglalagay
dito sa isang komplikadong katayuan sa kadahilanang nabuo ang mga fraternidad
bago ang pagdedeklara ng Martial Law, o bunga ng kolonyal na impluwensiya pa nga.
Hindi rin maikakaila na dikit ang mistulang magkasalungat na diwa ng ingklusibidad at
institusyonalisasyon sa katayuan ng isang kapatiran. Nariyan din ang estigma sa mga ito
lalo na sa isyu ng hazing at fraternity wars. Malaki rin ang impluwensiya ng nepotismo
pagdating sa kultura ng kapatiran, lalo na sa kalagayan ng lipunan na macho-piyudal kung
ituring. Ngunit hindi pumapaloob ang esensiya ng kapatiran ng AC sa mga nabanggit na
usapin. Sa malawak na usapin ay itinuturing na isang uri ng organisadong samahan ang
kapatiran na nagpapalakas sa nagkakaisang mga alyansa ng mga aktibista at artista ng
bayan sa labas ng kolehiyo kung saan ito nagmula. Makikita ang manipestasyon nito sa
mga kamakailan lamang na mga proyekto tulad ng Bigas Drive para sa mga jeepney driver
noong 2020, Community Kitchen at Pantry noong 2021, at mga pahayag ng pakikiisa
ng kapatiran para sa isyu ng “Academic Ease” katuwang ang Rise for Education sa UP,
Patac-Patac para sa Paglaya! para kay environmental defender Daisy Macapanpan, at sa
pagpapalaya sa mga aktibistang sila Kara Taggaoa at Larry Valbuena.
Ang alyansa ng kapatiran ay hindi limitado sa fraternidad bagkus ay kinabibilangan
ng mas malawak na hanay ng mga artista ng bayan. Maiging banggitin din na ang salitang
“iskolar” ay pinalitan naman ng salitang “artista”2 bilang pagbibigay ng partikular na
identidad sa mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Sining Biswal3 kung saan itinatag ang UP
Artists’ Circle Fraternity. Sa ganitong gawi, eksklusibo ang kapatiran na mayroong mga
pamantayang dapat makamit upang makasali—ang pagiging mag-aaral sa Kolehiyo ng
Sining Biswal sa UP at sa usapin din ng kasarian. Sa kabilang banda ay mayroong UP Artists’
Circle Sorority para sa mga kababaihan na itinatag noong 1977—limang taon matapos
maitatag ang fraternidad. Ang gayong mga aspekto ang pumapalibot sa komplikadong
identidad ng kapatiran bilang isang organisasyong may tiyak na ideolohiya at panlipunang
pananagutan bilang mga artista ng bayan. Ito ay nagpapatuloy sa konteskto ng partikular
na pananagutan gamit ang kakayahan at kasanayan sa paglikha ng sining. Ang artista ng
bayan ay isa ring iskolar ng bayan na mamamayan ng lipunan. Bilang artista ng bayan, ang
paglikha ng sining ay may kaakibat na paglilingkod sa sambayanan. Sa paninindigan sa
pananagutang panlipunan, ang manlilikha ay sumasandig at nakikiisa sa masa upang ang
kaniyang sining ay makapagsiwalat ng kalagayan ng pakikibaka ng bayan, na makatutulong
sa inaasam na tunay na paglaya ng lipunan (Guillermo 20; sariling salin).

2 Ito ay nangangahulugan bilang taong may kasanayan sa sining at inihahalintulad sa isang


alagad ng sining.
3 Ang katawagang “artista ng bayan” ay ginagamit din ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Arte at
Literatura.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 69

Ang mga likhang sining na bahagi ng Gintong Liwayway ang manipestasyon ng


panlipunang kamalayang nakasandig sa kalagayan ng malawak na kabuoang komunidad.
Nagsisilbing paghinumdom ng personal at kolektibong alaala ang mga likhang sining
na kabilang sa eksibisyon. Direkta at literal ang mga hugot at gunita ng metaporikong
pagsasalarawan at mga hango sa tinipong mga tala ng karanasan na silang itinuturing
bilang pandaigdigang kamalayan ng tekstong ito. Maihahambing ang diwa ng gunita
ng eksibisyon sa programang Memory Project ng Concerned Artists of the Philippines
(CAP). Ito ay serye ng mga aktibidad na binuo upang ipagpatuloy ang pakikitungo sa at
pagbuo ng mga artsibo, obhetibo, naratibo, at mga pahayag na nagpapatotoo sa madilim
na panahon at pangyayari sa ating kasaysayan lalo na sa panahon ng diktadurang Marcos,
at sa kasalukuyang red-tagging ng estado sa mga paaralan, organisasyon, at komunidad
simula 2018. Ang programa, na binubuo ng palitan ng mga diskurso at panonood ng mga
pelikula at dokumentaryo na bunga ng kolaborasyon ng iba’t ibang artista ng bayan, ay
panawagan sa mamamayan at mga makasining na maglakas-loob na lumaban at makiisa
sa pakikibaka. Ang katatapos lamang na huling aktibidad ng serye ay nakasentro sa
paggunita kay Leonilo “Neil” Doloricon. Pinamagatan ang pampublikong talakayan at mga
pagtatanghal na Graded Recitation, na kaugnay naman ng eksibisyon din ni Doloricon na
Kamao Ang Hugis ng Puso: Neil Doloricon Retrospective na matatagpuan sa Fine Arts
Gallery ng Unibersidad ng Pilipinas. Si Doloricon ay isa mga haligi ng Social Realism sa
Pilipinas na marahil ay nahubog ang kamalayan, sa kondisyon ng malawak na komunidad
at lipunan, bilang isang miyembro ng UP Artists’ Circle Fraternity. Ito ay makikita sa
mga likha niya na mga gunita ng pakikibaka, tulad ng kaniyang 1998 rubbercut print
na “Continuing Revolution,” na paglalarawan ng mga pangyayari sa kasaysayan, sa mga
katauha’t imahen ng mga bayani at ng uring manggagawa. Nariyan din ang dalawang
miyural ni Doloricon na ginawa noong 2010 na ibinabahagi ang larawan ng mga mukha ng
mga aktibistang mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa tabi ng uring manggagawa.
Makikita sa ilang likhang sining ang pagtingin sa buhay ng materyal na bagay bilang
obhetibo at independiyenteng produkto ng daigdig kung saan nagsisimula ang kamalayan
ng tao sa pag-ugnay nito sa kaniyang sarili at sa lipunan. Sa “Mga Entablado ng Digma”
ni Alexis makikita ang dalawang guhit ng mapang binubuo ng mga biluhabang hugis at
kurbadong linya, na tanda naman ng pagmamarka at paglolokasyon. Kasama nito ang
tatlong pirasong papel na nakadikit sa dingding gamit ang masking tape. Naglalaman ito
ng mga instruksiyon ukol sa paggamit ng mapa; listahan ng mga kakailanganing bagay
na nakaayos at nakapangkat batay sa halaga ng mga ito; at isang anonimang liham ng
pag-ibig. Sa kabilang banda, inuusisa sa “Eli XIV: The Voyeurs’ Notions of Space” ni
Benjamin Meamo III ang kalagayan ng lungsod ng Baguio. Nakasulat ang tala ukol sa
komersyalisasyon ng espasyo sa isang malaki at itim na kambas gamit ang puting tisa.
Mayroon ding sulat sa kuwadro ng dalawang maliit na itim na kambas. May nakadikit na
tiket ng bus sa isa sa mga ito habang isang salamin ang nasa gitna ng isa pa. Magkakakawing
ang tala sa tatlong kuwadrong itim. Higit na mapapansin ang maikling pangungusap sa
itaas na bahagi ng isa sa mga maliliit na kambas: “Space is political.” Marahil ang esensiya
ng pahayag na ito ay mailalapat din sa espasyo ng Anima Art Space kung saan bahagi ng
eksibisyon ang likha ni Meamo. Ipinakikilala ng Anima Art Space ang sarili nito bilang
isang “art space” at “initiative” na lumilikha ng iba’t ibang proyektong nakaangkla sa diwa
ng pakikipag-ugnayan o pakikibahagi sa pamamagitan ng kolaborasyon sa iba pang mga
manlilikha o organisasyon. Bukod sa pagkakaroon ng mga eksibisyon, isa sa mga programa
ng espasyo ang tinatawag na “Paper Nest” kung saan inaanyayahan ang mga manlilikha,

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 70

Larawan 2-3. Sa kaliwa, ang likhang “Mga Entablado ng Digma” ni Alexis. Sa kanan, ang
“Eli XIV: The Voyuers’ Notions of Space” ni Benjamin Meamo III. Dokumentasyon mula
sa Anima Art Space.
mag-aaral, at grupo mula sa iba’t ibang larangan na magbahagi ng kani-kanilang
koleksiyon ng mga materyales na babasahin tulad ng mga journal, zines, komiks,
pahayagan, at iba pa. Mayroon ding ibang aktibidad sa tuwing mayroong “Paper Nest”
tulad ng mga performance, live dj set, at pop-up booths kung saan maaaring bumili ng mga
lokal na produkto ng mga maliliit na negosyo o publiksayon. Makikita sa diwa ng espasyo
na kolektibo ang pagturing nito sa pagkakaroon ng diskurso ukol sa sining at kultura.
Ang espasyo ay bukas din sa publiko at walang bayad kung bibisita rito. Ipinapakita ng
espasyo kung gayon ang kahalagahan ng komunidad sa paglikha. Marahil ay pinipili din
ng espasyo ang mga organisasyong iniimbitahan o nagiging bahagi ng mga programa
nito. Bagamat hindi kasi lahat ng nakapaglulunsad ng proyekto dito ay may tunguhing
sosyo-politikal, makikitang maingat at malay ang pagpili ng Anima Art Space sa mga
pauunlakang publikasyon, organisasyon, at maliliit na negosyo, na maaaring mga kakilala
na nito o mayroong koneksiyon na rito. Sa kalagayan ng Anima Art Space at UP Artists’
Circle Fraternity, ideolohiya ang nagbubuklod sa parehong grupo upang mailagak ang
eksibisyon.
Bilang pagpapatuloy, sa “Genesis I: The Evolution of Eli’s Notions of Space” ni Meamo
makikita ang mga anotasyon ng kaniyang paglalakbay. Binubuo ito ng mga litrato ng
kaniyang tinahak na mga lugar kasama ang mga materyal na bagay na nagsisilbing bakas
o alaala ng paglalakbay, na pinagsama-sama sa isang kahoy na pininturahan ng itim. May
mga pulang aspileng nakatusok sa kabuoan ng kaniyang likha na pinag-uugnay ng pulang
sinulid. Ang likha ni Meamo ay pagmamapa ng personal na pagninilay-nilay sa diwa at
buhay ng espasyo, at paghahanap ng kasagutan ukol sa katangian at kakayahan ng mga ito
sa pagpapatuloy at pagpapanatili ng kaniyang buhay na karanasan. Ang mga bagay na ito
ay mga produkto ng pagbabago sa lipunan at kinapapalooban ng mga gunita.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 71

Larawan 4. Likhang “Genesis I: The Evolution of Eli’s Notion of Space” ni Benjamin


Meamo III. Dokumentasyon mula sa Anima Art Space.

Ang Imahinasyon ng Gunita at ng Gintong Liwayway


Kaugnay ng pamagat ng eksibisyon na Gintong Liwayway, ang gunita una sa lahat ay
nakapaloob sa pagtalakay ng isip. Ang gunita ay ang kakayahan ng isipan na umalala ng
nakaraang pangyayari habang ang gintong liwayway ay pagpapahiwatig ng imahinasyong
nagmumula sa isip at ninanais gawing realidad—ang pagpapahiwatig ng pag-asa at
pagbabago. Bagamat magkaiba ang pinagmumulan ng gunita at gintong liwayway sa serye
ng proseso at direksiyon ay nakapaloob naman ang mga ito sa iisang kalagayan pagdating
sa diwa ng imahinasyon at sa katayuan ng mga ito bilang bahagi ng kasalukuyan—na
siyang partikular na panahon kung saan nag-uugnay ang imahinasyon ng paggunita at
pagpapalagay ng pagbabago. Isinasaad nila Nikos Papastergiadis at Gerardo Mosquera
ang diwa ng imahinasyon sa relasyon nito sa estetika at sa lipunan:
We commence with the proposition that the act of the imagination is a means
of creating images that express an interest in the world and others. Imagination
is the means by which the act of facing the cosmos is given form. Imagination –
irrespective of the dimensions of the resulting form – is a world picture-making
process. (Papastergiadis at Mosquera 20)

Ang gunita ang nagsisilbing wika ng eksibisyon upang magpahiwatig ng pandaigdigang


kamalayan na nakaugnay sa imahinasyon bilang pagpapalagay ng pagbabago, habang
ang identidad ng mga manlilikha bilang artista ng bayan ay paglulugar sa sarili bilang
isang mamamayan ng daigdig na aktibo sa kaniyang pagbatid sa diwa na paglingkuran
ang sambayanan sa pamamagitan ng sining. Ang pagturing sa gunita at manlilikha ay

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 72

pagtalakay din sa kondisyon at relasyon ng mga ito sa diwa ng kapatiran, produksiyon


ng sining, at ng galeriya bilang espasyo ng mga likhang sining. Nakapaloob ang diwa ng
paggunita ng kasaysayan ng lipunan sa konteksto ng UP Artists’ Circle Fraternity bilang
grupo ng manlilikha, at ng Anima Art Space bilang espasyo ng eksibisyon. Bagamat
ang tunguhin ng representasyon ng imahinasyon at gunita ay hindi partikular sa mga
miyembro ng kapatiran lamang, maiging pagnilayan ang ugnayang ito at ikonteksto ang
mga gawa sa kung paano naibabahagi at naisasalarawan ng mga ito ang kondisyon ng
lipunan. Ang kinalalagyan ng galeriya bilang espasyong nakapaloob sa isang tatuhan ay
siyang komentaryo rin sa eksibisyon sa usapin ng aksesibilidad para sa mga bisita nito.
May partikular na interes ang maaaring pumukaw sa isang panauhin upang bisitahin o
sadyain ang gusali kung saan matatagpuan ang espasyo ng eksibisyon. Marahil ay may
tiyak ding kaalaman o koneksiyon sa AC ang mga posibleng panauhin, na maaaring mga
brod, kaibigan, o kasama na ng fraternidad. Ideolohikal ang ugnayan sa pagitan ng mga
likhang sining at mga panauhin nito. Ang partikular na ideolohiyang ito ang siyang gawi
sa paggunita na isinasalarawan ng mga likhang sining sa pagbahagi ng pandaigdigang
kamalayan at kondisyon ng lipunan. Ito ang siyang ibinabahagi sa diwa ng gunita sa
usapin ng gintong liwayway. Ang pagkilala sa gintong liwayway bilang gunita ay kaugnay
ng pagkilala sa kapatiran at sa kaisipan ng partikular na ideolohiyang isinasabuhay ng mga
artista ng bayang bahagi nito. Ang pagbabalik-tanaw ay bahagi ng alaala ng kapatiran sa
kasaysayang ginugunita ng kanilang isinasapraktikang ideolohiya na siyang malikhaing
isinasalin sa estilo ng Social Realism. Muling binubuhay ang gunita mula sa ugnayan ng
partikular na kaisipan at mga gawi sa sining. Ito ay pinapalalim sa pagsipat sa konteksto
ng espasyo ng eksibisyon at diwa ng artista ng bayan na lumilikha ng mga sining. Sa
mga diwang ito, ang bawat likha ay bahagi ng materyal na daigdig, at ng mga relasyong
nakapaloob dito, na siyang tinuturing na may walang-hanggang pagbabago at nabuo mula
sa mga idea ng tao sa kaniyang nakikita at nararanasan sa paligid. Ang sining ay produkto
ng manlilikha sa patuloy niyang pag-unlad sa pag-unawa ng kapaligiran sa pamamagitan
ng mga praktikal na ugnayan sa mga bagay na bahagi nito, at sa panlabas na mga salik
na silang impluwensiya sa buong proseso ng pag-unlad. Ang mga bagay ay tinuturing na
nagbabago dahil sa tunggalian o kontradiksiyon sa loob at labas ng mga ito. Sa kalagayan
ng mga manlilikha, ang tunggalian ng mga uri ang siyang impluwensiya sa pag-unlad ng
pag-unawa nila sa lipunan. Mababatid sa mga likhang sining na bahagi ng eksibisyon ang
kahalagahan ng paggamit ng partikular na tradisyon ng sining upang ipahiwatig ang iba’t
ibang pagtanaw ng mga manlilikha sa paggunita ng mga alaala ng tunggalian sa lipunan,
at sa pakikibaka na siyang imahinasyong lumilikha ng rebolusyonaryong pagsasapantaha
ng pagbabago sa daigdig.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 73

Larawan 5-6. Sa kaliwa, likhang “Sakto Lang” ni Antonio Pagaran, Jr., habang sa kanan
ay ang likhang “Siyang Pinaulanan ng Bala at Taga” ni Mherlo Mahinay. Dokumentasyon
mula sa Anima Art Space.

Mga Gunita sa Kondisyon ng Nagpapatuloy na Kasaysayan


Ang likhang larawan na “Sakto Lang” ni Antonio Pagaran, Jr. ay interpretasyon na halaw
sa naratibo at karanasan ng aping masa—uring magsasaka at manggagawa na karaniwang
mga biktima ng kawalang-katarungan sa kasalukuyan. Ang madalumdum na sapit ng mga
ito ay ipinahahayag sa mga manggagawang ang mga paa o katawan ay pawang kinakain
ng maitim na lupang kanilang kinatatayuan. Makikita ang isang obrero na nagtatapal ng
mortar sa ladrilyong hugis tatsulok sa gitna ng larawan. Natatangi ang pagpapahayag at
pagpapakita ng kalagayan ng proletaryado sa mga likhang sining sa eksibisyon. Makikita
din ang paglalahad na ito sa “Siyang Pinaulanan ng Bala at Taga,” na lilok ni Mherlo
Mahinay sa polimer na luwad. Isang imahen ng nakaluhod at sugatan na tao na may mga
mahahaba at matutulis na salaming nakatayo sa likod nito ang kabuoan ng eskultural
na likha ni Mahinay. Parehong putol ang magkabilang braso ng tao na may malaking
biyak sa ulo. May nakabaon naman na bala ng baril sa kaniyang kanang mata. Mayroong
mga pulang lubid na pawang mga sumirit na dugo o mga ugat na tila nakakabit sa mga
salamin at lupang niluluhuran nito. Sa kaniyang butas na sikmura ay makikita ang batang
nakasilip na tila nagdadalamhati sa mala-kulungan nitong lagakan. Ang mga masalimuot
na karanasang ito ang malinaw na pinagninilayan ng mga likhang sining sa eksibisyon.
Ang representasyon ng proletaryado ay isang sikolohikong pagpapatuloy ng
kontemporaryong artista ng bayan sa mithiin at inaasam na kalayaan mula pa noong
panahon ng kolonyalismo sa bansa (Guillermo 7). Ito ay patuloy na nakikita sa mga
likhang sining sa paggunita at pagsisiwalat ng mga danas ng mga ito. Isang ganap na
representasyon nito ay ipinakikita sa likhang digital print na “Dekadang Inhustisya” ni
Gerald Vince Dillera. Isang taong nakaupo at nakapiring ang sentro ng likha. Ang kaniyang
mga kamay ay nakatali sa kinauupuan sa isang madilim at makalat na silid. Siya ay
direktang nasisinagan ng liwanag na nanggagaling sa mataas na bintana ng silid. Ang sinag
ay nagbibigay lamang ng limitadong linaw sa identidad ng indibidwal liban sa kaniyang
silweta at pulang piring. Marahil ito ay pagpapakita na walang natatanging mukha ang
inhustisya at ang anonimang kalagayan ang pagsasalarawan sa bawat biktimang nawalan

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 74

Larawan 7. Likhang “Dekadang Inhustisya” ni Gerald Vince Dillera. Dokumentasyon


mula sa Anima Art Space.
ng mga pangalan sa lipunan. Ang gayong representasyon ay mainam para sa patuloy na
tunguhin ng mga artista ng bayan na isiwalat ang kondisyon ng masang api. Ayon kay
Susan Sontag, ang pagsasalarawan ng pagdurusa ng iba ay isang partikular na pasakaling
pananaw (Regarding the Pain of Others). Dagdag pa niya na ang bawat tao ay kailangang
pagnilayan ang relasyon ng ating pribilehiyo sa pagdurusa ng iba. Ipinahihiwatig nitong
kaisipan ni Sontag ang papel ng isang artista ng bayan bilang manlilikha sa kaniyang
lipunan, na may gampanin sa pagsisiwalat ng nagpapatuloy na sikolohikong kalagayan ng
masang api bilang uri sa lipunan. Ang gampaning ito ang isa sa mga pribilehiyo ng mga
manlilikha ng sining. Kabilang ito sa kanilang kakayahan o pangangailangang gamitin
ang sining bilang pangkabuhayan at para sa pansariling pakinabang. Ang masalimuot na
kondisyong ito ang kinapapalooban ng isang artista ng bayan. Marahil maaari din itong
tingnan bilang isang hamon sa paglikha na siyang paraan sa paglilingkod sa sambayanan.
Ang sining na nililikha ay isang gawi upang pagsilbihan ang mamamayan at hindi para
sa sariling kapakanan. Ang paggunita at pagturing sa proletaryado ay isang hamong
ipinagpapatuloy sa gitna ng tunggalian ng manlilikha sa pakikibahagi sa lipunan at sa
mundo ng sining kung saan nalilimitahan ang imahen ng uri bilang pawang materyal
lamang. Sa konteksto ng eksibisyon, ang gunita ng manlilikha ay nasa pagitan ng gampanin
ng pagsasalarawan sa partikular na kaalaman nito sa kondisyon ng masang api, at sa
pagbahagi ng kakayahang gumawa ng sining para sa kapakanan ng eksibisyon.
Tulad ng diwa ng sikolohikong pagpapatuloy na binanggit ni Guillermo, mahihinuha
sa pamagat ng likhang sining ni Dillera ang nagpapatuloy na kasaysayan ng kawalang-
katarungan sa lipunan. Ngunit ang paggunita ay hindi lamang sumesentro sa nakalipas
na karanasan sa buhay, bagkus ay kaakibat din nito ang alaala sa mga nilalang na dating
nabubuhay. Ang brass sculpture ni Paolo Felices na “Tinatanim Sila” ay tila isang paggunita
sa mga namatay na maiuugnay sa pagtatanim, bilang pagpupugay sa mga yumao. Ang mga
bulaklak o dahon sa kaniyang likhang sining ay tila kumakatawan sa kamatayan bilang
bahagi ng nagpapatuloy na proseso ng pagkabuhay. Sa kabilang banda, ang kaniyang

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 75

“Lahat ng Tao ay Mamamatay” ay nagsisilbing paalala sa pansamantalang buhay ng tao


sa paggamit ng mga gintong balahibo. Maiuugnay ang paggamit ng balahibo sa kultura
ng mga katutubo sa Ifugao kung saan pangunahing dekorasyon ang mga ito sa isinusuot
na palamuti sa ulo (headdress) ng mga babaylan. Sagrado ang paggamit sa balahibo
hindi lamang bilang palamuti, bagkus sapagkat ito ay kadikit sa diwa ng ritwal at kultura.
Mapapansin din ang paggamit ng ginto bilang pangunahing kulay sa mga likhang sining.
Ang ginto ay karaniwang kulay na iniuugnay sa pagpapakita ng yaman o kasaganahan sa
kulturang Filipino. Ang pagkakaroon din ng ginto bilang materyal na bagay at dekorasyon
ay nagpapahiwatig ng kapangyarihan at mataas na katayuan sa lipunan, na isang pagtingin
simula pa lamang noong panahon bago dumating ang mga Español. Ang maliit na bulaklak
na nakaambang mamukadkad, at ang mga balahibong tila lumilipad, ay nagsisilbing
mga gunita sa bawat indibidwal na naging bahagi ng nagpapatuloy na paglaban para sa
pagkamit ng kalayaan ng sambayanan. Ang gayong pagturing ay nagbibigay marahil ng
mataas na pagtingin sa mga yumao dahil sa kanilang ambag o pakikibahagi sa paglaban sa
lipunan. Ang ganitong pagtingin ay repleksiyon ng ideolohiyang nakaugnay sa paglilingkod
sa sambayanan. Ang karangalan at kahalagahan ng buhay ay tinitingnan sa kakayahan at
gawi ng tao pagdating sa kaniyang pagkilos at ambag, o ng kawalan ng mga ito, para sa
pagbabagong panlipunan. Ito rin marahil ay paggunita sa kahalagahan ng buhay ng tao sa
relasyon nito sa mga materyal na bagay at sa lipunan nito.

Larawan 8-9. Mga sining ni Paolo Felices. Sa kaliwa, likhang “Tinatanim Sila.” Sa kanan,
likhang “Lahat ng Tao ay Mamamatay.” Dokumentasyon mula sa Anima Art Space.

Ang Malikhaing Paggunita sa Pamamagitan


ng Social Realism
Malinaw ang pagsasalarawan ng gunita na maiuugnay sa diwa ng Social Realism bilang
masining na estilo na lantad sa mga likhang sining sa Gintong Liwayway. Hindi lamang
nagsisilbing malikhaing paraan ang Social Realism, bagkus ito rin ay isang global na pagkilos
at pampolitikang pahayag ng mga manlilikha ng sining sa patuloy na nagaganap na mga
isyu sa lipunan na bahagi ng nagpapatuloy na kasaysayan. Ang gunita ay bahagi nitong
pagkilos sa gawi ng Social Realism bilang paglalarawan ng nagpapatuloy na kasaysayan na
nararanasan sa nailalantad na mga kontemporaryong kaganapan. Ang artista ng bayan ay
lumilikha sa gawi ng Social Realism hindi bilang isang pasibong tagapakinig o tagapanood
ng mga pangyayari sa kaniyang paligid. Siya ay isang aktibong kalahok sa kaniyang lipunan

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 76

bilang isang mamamayang nakikiisa at nakikibaka para sa demokratikong karapatan at


tunay na kalayaan sa gitna ng nagpapatuloy na kasaysayan. Ang unti-unting nailalantad
na kasaysayan ay dinamiko at walang katiyakan ang hangganan (Guillermo 23; sariling
salin). Ang mga likhang sining na kabilang sa koleksiyon ng Ateneo Art Gallery, ang kauna-
unahang museo ng modernong sining sa Pilipinas, ay ilan lamang sa mga likhang sining
na ang gawi ay Social Realism. Ang 1984 na likhang “Krista (Female Christ)” ni Pablo Baen
Santos ay pahiwatig sa kalagayan ng Pilipinas bilang kolonya sa konteskto ng paniniwala.
Ang 1985 naman na likha ni Anna Fer na “Oppose State Terrorism” ay isang tahasang
panawagan upang labanan ang terorismo ng estado sa kaniyang mamamayan. Ito rin ay
isang disenyong inilimbag para sa isang gabi ng pagpupugay sa mga biktima ng karahasan.
Ang mga sining nila Santos at Fer ay nilikha sa loob ng panahon at mga taon ng batas
militar sa bansa, sa ilalim ng diktadurang Marcos. Ang kontekstong ito ng mga sining ay
pahiwatig ng kanilang kakayahang gunitain ang nagpapatuloy na kasaysayan ng pang-aapi
sa lipunan.

Larawan 10. Isang bahagi ng likhang “Miniature Barong-Barong” ni Raphael Reyes.


Dokumentasyon mula sa Anima Art Space.
Ipinahihiwatig din ng mga likhang sining sa eksibisyon ang gunita ng mga pangyayari
sa kasaysayan bilang isang matinding pahayag ng pagtanggi sa lumalalang kontemporaryo.
Ipinakikita ng mixed media na “Miniature Barong-Barong” ni Raphael Reyes ang literal na
paglalahad ng kondisyon ng naghihirap na Pilipino sa karaniwang espasyong ginagalawan
nila. Ang likha ay isang makatotohanang pagsasalarawan ng isang uri ng tirahan na gawa
sa tagpi-tagping materyales—bahay iskuwater kung tawagin. Ang mga kasangkapan,
kalidad, at kontrol sa paligid at loob ng espasyo ang siyang impluwensiya sa pagbuo ng
danas ng isang tao.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 77

Larawan 11. Likhang “Bihag ng Siklo” ni Raphael Reyes. Dokumentasyon mula sa


Anima Art Space.
Kaugnay ng pagsasalarawan ng espasyo, ang 2022 digital print “Bihag ng Siklo”
naman ni Reyes ay isang pagpapakita ng dinamikong pagpapatuloy ng kasaysayan
sa diwa ng pambansang halalan. Makikita sa likha ang isang matandang lalaking
nakasilip sa maliit na awang na tila nagbabantay ng kaniyang sari-sari store—isang
uri ng tindahan na tipikal na matatagpuan sa mga kalsada at mga komunidad sa
Pilipinas. Ang sari-sari store sa likha ni Reyes ay isinalarawan gamit ang barang kahoy
at metal na bintana. Masisilip sa likod ng bintana ang nakaayos na mga paninda: mga
de-lata, mga nakakarton at nakaboteng kondimento at sarsa, at mga sitsirya. Ang tindahan
ay napalilibutan ng iba’t ibang mga plakard o paskin ng mga nakaraang kandidato sa
politika o sa nakalipas na mga pambansang eleksiyon. Marahil ay ipinahihiwatig ng sari-
sari store ang kontradiksiyon ng pagbabago sa lipunan, na bagamat patuloy na nagpapalit
ng mga nakaupong opisyal ang pamahalaan ay hindi naman nagbabago ang kalagayan
ng isang ordinaryong manininda—o sa kalakhan, ng ordinaryong mamamayan. Makikita
sa likhang sining ang interpretasyon sa kalagayan ng isang ordinaryong mamamayan
na nananatiling nakakulong sa isang maliit na espasyo at pawang sa isang butas lamang
niya masisilip ang mga pangyayari sa labas ng tindahan. Tila pagpapakita ito na bagamat
napalilibutan ng mga lingkod-bayan, na silang nangangako ng pagbabago sa lipunan o
pag-ahon sa kahirapan, ay nananatiling nakapiit ang ordinaryong mamamayan sa isang
masikip na espasyo, at sa maliit na puwang lamang natatamasa ang munting kaginhawaan,
kung mayroon man. Ang interpretasyong ito sa likha ni Reyes ay manipestasyon na ang
pag-usbong at pananatili ng mga sari-sari store sa bansa ay palatandaan ng kahirapan. Ito
ay sa kadahilanang ang mahirap na mamamayan ay pilit na nabubuhay sa bawat araw na
lumilipas. Ang kakayahang bumili ay abot lamang sa mga tingi-tinging produkto na siyang
naibibigay ng sari-sari store. Ito ang kahalagahan ng tindahan bilang integral na bahagi ng
bawat komunidad, at bilang kabuhayan ng mga tao sa micro-level ng lipunan. Ang buhay
at danas ng mga sari-sari store ay maihahalintulad sa isang mahirap kung saan lubos
na nakabatay ang pagpapatuloy nito sa pangaraw-araw. Kadalasang nagsasara ang mga

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 78

tindahang gaya ng nasa likhang sining kapag nakararanas ng hindi inaasahang pangyayari
ang mga may-ari, o hindi kaya ay bunga ng kakulangan ng sapat na kita (Boquet 199).

Larawan 12. Likhang “Mulat Naman Ako” ni Glenn Gonzales. Dokumentasyon mula sa
Anima Art Space.
Bukod pa rito, ang Social Realism ay maaaring tingnan sa gawi ng paggamit nito ng
midyum na kaugnay ng ideolohiya o kondisyong nais nitong ipahiwatig. Ang 2022 na
likha gamit ang akrilik at gouache ni Glenn Gonzales na “Mulat Naman Ako” ay isang
kontemporaryong moda halimbawa ng Social Realism. Ang likha na patayo at parihabang
larawan ay nagpapakita ng isang imahen ng indibidwal na dilat na dilat ang mga mata at
mayroong dalawang kamay na tumutulong sa pagbuka ng mga talukap nito. Mayroon ding
dalawang kamay sa bandang ibaba na may hawak na gadyet o remote control. Ang mga
balintanaw ng indibidwal ay ipininta na tila mga static na iskrin ng telebisyon. Sa kaniyang

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 79

likod ay may tumpok pa ng mga telebisyon; ang ilan dito ay nakabukas at nagpapakita
ng dagdag na static sa mga iskrin, alinsabay sa makukulay na bar na nagpapahiwatig
na walang signal ang mga ito. Makikita rin sa iba’t ibang bahagi ng likha ang mga bitak
at basag sa salamin. Madilim ang pagkulay sa ilang bahagi ng larawan na ginamitan ng
pula, bughaw, at itim na mga pinturang mala-gradient ang pagkakalapat. Ang parihabang
oryentasyon ng kambas ay tila isang pahiwatig din sa hugis ng iskrin ng selpon; naaakma
lamang ito gayong ang paksa ng mismong likha ay mga kahalintulad na teknolohiya.
Sa puntong ito, marahil ay maiging tingnan ang sining sa kabuoan sa pagturing
nito sa Social Realism bilang anyo sa kontemporaryo. Nagpapatuloy ang paggamit ng
pintura sa mga nabanggit na likha at ito ang nagsisilbing pangunahing midyum ng mga
manlilikha sa paglalarawan sa Social Realism sa mga sining biswal. Bagamat mayroon
ding mga manlilikhang gumagamit ng new media ay tila malaki pa rin ang impluwensiya
ng tradisyonal na pamamaraan sa naturang estilo upang lubos na ipahiwatig ang mga
gunita at ang kalagayang panlipunan. Kontemporaryo ang isyung inilalarawan halimbawa
ng likhang “Mulat Naman Ako” na siyang gumagamit ng nakasanayang midyum. Ang
diwang ito ay maiuugnay sa partikular na sosyo-politikal na ideolohiyang isinasabuhay
ng mga manlilikha bilang mga artista ng bayan. Maaaring tignan ang pagpili sa pintura
bilang midyum sa sining biswal bilang pinakamabisa at pinakamadaling paraan upang
maipahiwatig ang nais mailarawan sa paglikha, kung ikukumpara halimbawa sa new
media na gumagamit ng iba’t ibang teknolohiya. Marahil naipahihiwatig ng pintura ang
partikular o ninanais na emosyon at manipulasyon ng mga imahen sa isang larawan na iba
sa pamamaraan ng new media. Ang hagod, bigat, at kapal ng akrilik at gouache ay nagbibigay
ng tekstura sa mga imahen na maaaring wala sa ibang pamamaraan. Ang identidad na
ito ang siyang pumapalibot sa usapin ng kontemporaryong moda ng Social Realism na
karaniwang nananatiling tradisyonal ang mga kasangkapang ginagamit sa paglikha. Ito ay
tila representasyon ng paggunita, pagtingin, at paniniwala na ang kondisyon ng lipunan ay
nagpapatuloy pa rin kahit ano man ang nalilikhang bagong materyal sa lipunan.
Ang likha ni Gonzales ay isa ring tugon sa problemang kinahaharap ng bansa
patungkol sa midya, na pangunahing sangay ng komunikasyong pangmadla, at sa mga
mamamayan bilang konsumer ng impormasyon. Kabilang na rito ang pagpapakalat
ng mga maling impormasyon, mga isyu sa karapatan sa malayang pamamahayag, at
pagkontrol o pagpapatahimik sa mga istasyon o kompanyang pangmidya. Bagamat mulat
ang mga mamamayan ay hinahamon sila sa palagian ng disimpormasyon at red-tagging
ng estado. Ang depinisyon ng mulat ay higit sa pagtukoy ng pagbukas ng mata. Ito ay
tumutukoy sa pagkakaroon ng bukas at malay na kaisipan at kaalaman sa mga isyung
panlipunan. Ito ay kahalintulad sa konsepto ng pagiging “woke” sa wikang Ingles. Ang
karanasan sa disimpormasyon at red-tagging ay danas din ng mga bansa sa Global South
kung saan nakikita ang malaking ambag ng mainstream media sa pagkalat ng huwad na
mga impormasyon. Ilang mananaliksik na rin ang naglahad ng partikular na mga kaso ng
disimpormasyon, gaya na lang nina Herman Wasserman at Dani Madrid-Morales sa libro
nilang Disinformation in the Global South. Sa isa pa ngang pag-aaral ay inilahad naman
ang kultura ng fake news sa India kung saan ito ay iniuugnay sa malaking populasyon na
gumagamit ng WhatsApp (isang aplikasyon sa smartphone na pagmamay-ari ng Facebook).
Ang pagkalat diumano ng fake news sa WhatsApp ay nagdulot ng iba’t ibang kaso ng
karahasan sa India. Ang pagkalat na ito ay labis na iniuugnay hindi sa interpretasyon ng
katotohanan, kundi bagkus sa paglikha, manipulasyon, at produksiyon mismo ng maling

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 80

impormasyon sa India (Kumar 26). Ipinahahayag kung gayon ng mga likha nina Reyes at
Gonzales na ang diwa ng mga likhang sining sa estilo ng Social Realism ay nakasalalay sa
paglalahad nito ng mga isyung panlipunan, kagaya ng fake news, disimpormasyon at red-
tagging, na kinahaharap ng tao sa nagpapatuloy na kasaysayan.
Tulad na lamang ng likhang “Lockdown” at “Frontliners” ni Neil Doloricon na kaniyang
interpretasyon sa kondisyon ng Pilipinas sa panahon ng pandemya, ang paggamit ng
Social Realism ay kagyat na pagpapahiwatig sa totoong kondisyon ng lipunan. Ang mga
likhang ito ay kaniya ring komentaryo sa militarisasyon bilang pangunahing tugon ng
pamahalaang Duterte upang supilin ang COVID-19, alinsabay sa pagkilala sa kabayanihan
ng frontliners tulad ng mga doctor, nars, at iba pang manggagawang medikal, na nagpakita
ng dedikasyon at katapangan upang pangalagaan ang mga Pilipino sa gitna ng pandemya.
Makikita sa “Frontliners” ang silweta ng mga taong nasa himagsikan na pagkukumpara sa
frontliners bilang mga mandirigma sa kasalukuyan. Lumalawig ang talakayan ng gunita
samakatuwid sa pagpupugay sa kabayanihan ng frontliners bilang sentro ng ilan sa mga
likhang sining sa panahon ng isang krisis pangkalusugan.

Mga Gunitang Panlipunan, Kalagayan sa Global South, at


Pahayag ng Pagbabago
Ang karanasan ng Global South bilang global na komunidad pagdating sa kasaysayan
ng kolonisasyon, at ang hindi magandang epekto ng globalisasyon at kapitalismo dito,
ay ang pangunahing pinaghuhugutan ng gunita ng mga likhang sining na sinusuri ang
kani-kanilang kontemporaryong kalagayan bilang bahagi ng nagpapatuloy na kasaysayan.
Ang gayong imahinasyon ay ipinagsasama ang tinatawag na rebolusyonaryong
romantisismo at rebolusyonaryong realismo ni Mao Tse Tung. Ito ay nagmula sa kauna-
unahang pagtanggap ng Tsina sa diwa ng realismo mula sa mga kanluraning bansa. Sa
kabuoan, ang rebolusyonaryong romantisismo kasama ng rebolusyonaryong realismo ay
tumutukoy sa iisang mithiin para sa isang ideal na pagsasapantaha ng daigdig kaakibat
ng makatotohanang pagbabago. Ito ay ang pagbaka ng idealismo at pagsasapraktika ng
materyalismong diyalektiko na pinapansin ang halaga at ugnayan ng bawat bagay sa
daigdig. Ang diwa ng rebolusyonaryong romantisismo kasama ng rebolusyonaryong
realismo ang isinasalarawan ng mga likhang sining ng mga artista ng bayan sa global na
komunidad na Global South, na ang hangarin ay makamit ang pagbabagong panlipunan
sa hinaharap. Ang paggunita sa kalagayan ng nagpapatuloy na kasaysayan at kasalukuyang
lipunan ay bahagi ng pagsasapantaha ng pagbabago na may diwa ng pag-asa at optimismo.
Sa konteksto ng eksibisyong Gintong Liwayway, tapat at malinaw ang mensahe nito
simula pa lamang sa mga kataga sa pamagat nito na “Sining ng Progresibong Pagbabago.”
Inihahayag ng mga likha ang pagsusulong ng pagbabagong panlipunan gamit ang
pagsisiwalat ng kasalukuyang mga kondisyon at malikhaing paggunita. Ipinapakita ng
2022 digital print sa kasong ito na “m@k!b*k4***” ni Gabriel Cruz ang nagpapatuloy
na rebolusyonaryong pag-iisip at pagkilos sa panahon ng digital age. Makikita ang mga
elemento ng teknolohiya sa mala-chess board at pixel na background sa bandang itaas,
mga linyang grid na pumapalibot sa larawan ng indibidwal na mistulang kina-crop (ibig
sabihin, pinuputol o ginugupit sa isang aplikasyon sa computer), at mga waring lalong

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 81

pixelated pa na bahagi ng katawan ng indibidwal. Ang larawan ay nagpapakita rin ng


isang indibidwal na nakatayo habang itinataas ang kaliwa niyang kamao. Ang pagtataas ng
kamao ay itinuturing na isang pandaigdigang simbolo ng pakikibaka laban sa pang-aapi,
pang-aabuso at/o maging sa pasismo (National Geographic).
Sa mga likhang gawa sa akrilik na “Mga Balintataw na Gustong Kumawala” ni Romeo
Nungay III at “I’m a Fire and I’ll Keep Your Brittle Heart Warm” ni Nicholas Jalea,
ipinahihiwatag naman ang apoy bilang simbolo ng nag-aalab na damdamin. Ang likha
ni Nungay ay nagpapakita ng iba’t ibang mukha na may samot-saring emosyon na tila
isinalarawan din na pawang mga santelmo—isang uri ng espiritung apoy sa mitolohiyang
Filipino. Sa likha naman ni Jalea ay makikita ang pagyayapos ng isang puso at ng lumiliyab
na apoy. Ang mga ito ay inilarawan na tila mga imahen ng dalawang taong mahigpit
ang pagkakayakap. Makikita sa apoy na tila buhok ng isang babae ang pag-usbong ng
iba’t ibang mga karakter na karaniwan sa kathang-isip. Nagtatagpo ang mga elemento
ng realidad at kathang-isip sa dalawang likhang sining upang ipahiwatig ang diwa ng
paglikha sa pamamagitan ng pagturing sa ugnayan ng emosyon, pantasya, at imahinasyon.
Maihahambing ang mga likhang sining na ito sa 2021 na likha naman ng manlilikha
na tubong Mozambique na si Cassi Namoda. Ang likha ni Namoda ay nagpapakita ng
paggunita at pagpapalagay sa mga mamamayan ng Silangang Africa kaugnay ng epekto
ng lumalalang pagbabago sa klima sa diwa ng imahinasyon. Sa kaniyang likha na “Lovers
with ardent desires and strong will face obstacles along the way, safety in new lands are few
and far between,” makikita ang dalawang indibidwal na naglalakbay patungo sa kanilang
paroroonan. Ang lalaki ay may dalang bisikleta habang siya ay sinusundan ng isang babae
sa kaniyang likuran. Mauunawaan ang paggamit ng mga kulay lila at ginto sa kalakhan
ng gawa na maaaring iugnay sa pagpapakita ng kahalagahan ng buhay at kalikasan sa
kultura ng Africa. Para naman kay Elia Nurvista, isang manlilikha mula sa Yogyakarta,
Indonesia, ang kaniyang praktika sa paglikha ay nagmumula sa kaniyang patuloy na
pagtalakay at pagsuri sa kawalang pagkakapantay-pantay sa lipunan dahil sa nananatiling
politikal at ekonomikong kapangyarihan ng iilan. Ang kaniyang proyekto na “Tremors
Ground: A Study of the Land” ay isang mixed media art na binubuo ng dalawang single-
channel na bidyo para sa isang dokumentaryo at isang video work, miyural na pagmamapa
sa mga kaganapan sa kasaysayan ng globalisasyon, at instalasyon ng mga sako ng bigas
na may mga panawagan ng reporma sa lupa sa wikang Filipino at Bahasa. Ang likha ni
Nurvista ay naging bahagi ng eksibisyong Cast But One Shadow: Afro-Southeast Asian
Affinities noong 2021 na pinangasiwaan nila Kathleen Ditzig at Carlos Quijon, Jr. bilang
mga curator. Ayon kay Nurvista, ito ay kaniyang imbestigasyon at pag-aaral sa iba’t ibang
panlipunang institusyon, mga programang pang-ekonomiya, kilusang reporma sa lupa,
at kasaysayan ng Global South hanggang sa usapin at politika ng pagdating ng suplay ng
pagkain sa Indonesia.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 82

Larawan 13. Likhang “m@k!b*k4***” ni Gabriel Cruz. Dokumentasyon mula sa Anima


Art Space.
Ang usapin ng nagkakaisang kalagayan ng Global South ay naipahihiwatig din sa mga
miyural na nilikha sa panahon ng krisis pangkalusugan. Iba’t ibang miyural ang bumalot
sa mga lansangan o dingding ng mga gusali na silang mga gunita ng mga mamamayan
sa lipunan sa panahon ng pandemya. Sa India, ilan sa mga miyural ay nilikha bilang
pagsaludo sa frontliners tulad ng likhang matatagpuan sa Harish Mukherjee Road sa
Kolkata, sa Bengaluru na siyang pinakamalaking miyural sa lugar, at sa Delhi kung saan
makikita ang isang imahen ng isang frontliner na tila maingat na inaalagaan ang isang
bagay na kinulayan ng mga kulay ng watawat ng India sa kaniyang kamay. Iba’t ibang
bahagi rin ng Malaysia ang kakikitaan ng mga miyural na ang pangunahing paksa ay mga
frontliner. Isa na rito ay matatagpuan sa Clinic Ajwa sa Shah Alam kung saan makikita
ang tatlong indibidwal na magkakayakap habang nakagayak ng mga kasuotang medikal
na pamprotekta sa sarili. Mayroon ding likha sa isang dingding sa labas ng isang kainan sa
Kota Damansara na nagpapakita ng frontliners tulad ng iba pang medikal na manggagawa,
sundalo, pulis, at food delivery riders. Sa isang dingding ng gusali sa Jalan Leong Sin Nam
ay may makikita ring miyural na ginugunita at pinupugayan ang sakripisyo ng frontliners
sa paglaban sa panahon ng pandemya. Mayroon din sa Mumbai, India, na miyural ng isang
manggagawang pangkalusugan na ipininta na parang isang Hindu Goddess. Sa Bogota,

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 83

Colombia, naman ay makikita ang isang miyural na tampok ang mga salitang “insister,
persistir, resistir, y nunca desistir” (“insist, persist, resist, and never give up”) sa suot na
face mask ng babae sa miyural. Sa Tegucigalpa, Honduras, may miyural ng isang pulis at
manggagawang medikal; at sa pader ng isang apartment building sa Mombasa, Kenya,
makikita ang miyural na larawan ng dalawang frontliners habang may mga katagang
“We’ll Protect You” at “We Salute You.”
Ang mga likhang nabanggit na may kinalaman sa pandemya ay nagpapakita ng
kahalagahan ng uring manggagawa sa panahon ng krisis, at ng uring manggagawa
bilang hindi matatawarang uri sa lipunang global. Bilang mga taong bahagi ng linya ng
produksiyon at mga taong nagseserbisyo sa lipunan, ang karaniwang manggagawa, lalo
na ang proletaryado, ang isa sa mga lubos na apektado ng pananamantala at pang-aapi
sa lipunan. Hindi maikakaila ang mahirap na danas ng frontliners, ng mga medikal na
manggagawa at iba pa, noong kasagsagan ng matinding epekto ng pandemya; alinsabay pa
ito sa hindi magandang pagtrato ng pamahalaan sa health workers ng bansa (Tomacruz).
Ang kamalayan ng artista ng bayan sa paglikha ng sining bilang gunita ng nagpapatuloy na
kasaysayan at ng kontemporaryong kondisyon ng lipunan ay manipestasyon ng kakayahan
ng likhang sining bilang materyal na bagay na pag-ugnayin ang realidad at ang ating
imahinasyon (Guillermo 26; sariling salin). Ang imahinasyong ito ng isang indibidwal na
kadikit ng realidad ay dala rin ng kaniyang pagkilala sa mga uri sa lipunan. Dagdag pa ni
Ernst Fischer noong 1963: “The whole of reality is the sum of all the relationships between
subject and object, not only past but also future, not only events, but also subjective
experiences, dreams, forebodings, emotions, fantasies” (106). Samakatuwid, ang paggunita
ay hindi lamang partikular para sa isang indibidwal, o isang grupo, o isang panahon. Ang
bawat bagay ay magkakaugnay dahil sa masalimuot at komplikadong relasyon ng bawat
isa sa loob ng kani-kaniyang partikular na mga lipunan at kabuoan ng lipunang global.
Ang 2011 pyrographic na sining sa compressed na mga ipa na pinamagatang “Salaknib
Ti Masakbayan” (“Protecting The Future”) ni Julian Almirol ay pagpapakita naman ng
relasyon ng tao sa kalikasan, at ng ugnayan ng bawat bagay sa mundo. Isa itong paggunita
sa kahalagahan ng lupa at kalikasan bilang mapagkukunan ng kabuhayan at likas na yaman
sa daigdig. Ang likha ni Almirol ay naglalarawan ng isang mag-amang nagtatanim. Ang
bata sa imahen ay may hawak na isang tubo ng kawayang may tubig. Sa tubo ay tila may
nakaukit na baybayin. Sa kaniyang kaliwang kamay ay may hawak siyang papel, na may
guhit ng agila, na mistulang inaabot sa lalaking nagtatanim ng halaman. Ang dalawang
karakter ay kapansin-pansing magkaparehas ang suot, may dahon na nakadikit sa gitna
ng mga damit, at may sumbrerong gawa sa pinagsama-sama at tinaling mga dahon.
Mayroong makikitang iba’t ibang mga hayop tulad ng ibon, baka, at balyena, na inilarawan
na mistulang mga karakter sa pantasya. Ang lalaking nagtatanim ay tila nagbubungkal
din ng isang lupang may mga guhit ng mga gusali tulad ng mga kabahayan, pabrika, at
iba pang estrukturang pangkomersiyo at pang-industriya. Ang paggunita sa kalikasan ay
pagpapakita sa kahalagahan ng mabuting ugnayan ng bawat materyal na bagay at ng mga
bagay na may buhay, na siyang tinitingnang mahalagang aspekto rin para sa tunguhin ng
pagbabagong panlipunan.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 84

Larawan 14. Likhang “Salaknib Ti Masakbayan” (“Protecting The Future”) ni Julian


Almirol. Dokumentasyon mula sa Anima Art Space.

Ang Hamon ng Gunita sa Pagkamit ng Gintong Liwayway


Nagsisilbing repleksiyon at paggunita ang likhang sining ng lumalalang kontemporaryo,
alinsabay sa pagsusuri nito sa mga kaisipan at katanungang nagmumula sa mga materyal
na bagay o espasyong mga salik sa pagbuo ng mga manlilikha. Ang eksibisyon ay hindi isang
pagtatanghal ng isang daigdig na mula sa pawang imahinasyon lamang, bagkus ay paglalahad
ito ng kasalukuyan. Mula ang imagined world sa mga katotohanan at kondisyong dapat
maranasan, na hango naman sa mga katotohanan at kondisyong nararanasan. Mayroong
pagitan sa gitna ng paggunita ng nagpapatuloy na kasaysayan at pagsasapantaha ng
pagbabago o ng imagined world. Ang pagitan na ito na siya ring nabanggit na panahon na
nagsisilbing tagpuan ng imahinasyon ng paggunita at pagpapalagay ng pagbabago ay ang
mismong kasalukuyan. Ang kahalagahan ng kasalukuyan ay hindi lamang pagsasalugar
ng ugnayan ng gunita at imagined world, bagkus ito rin ay isang panahong nakapaloob
sa nagpapatuloy na kasaysayan na huhubog naman sa kinabukasan. Mula sa kabuoang
pamagat ng eksibisyon na Gintong Liwayway: Sining ng Progresibong Pagbabago,
mahihiwatigan na ang mga likhang sining ay pagkilos din ng mga mamamayang global
upang makamit ang progresibong pagbabago at inaasam na gintong liwayway. Ang
pagturing sa paghubog ng mga likhang sining mula sa mga gunita, imahinasyon, at
pantasya, bilang bahagi ng nagpapatuloy na kasaysayan sa loob ng realidad ng materyal na
daigdig ay kabilang sa pandaigdigang kaisipan hinggil sa gampanin ng sining bilang armas
ng pagbabagong panlipunan. Ang pagturing sa sining bilang armas ay pagpapahayag din
ng aktibong partisipasyon nito sa lipunan bilang materyal para sa pakikipaglaban. Ang mga
gunita at imahinasyon ng mga sining na ang gawi ay nakaayon sa estilo ng Social Realism
ay hindi lamang pagpapatuloy ng masining at makasaysayang uri ng pagpapahayag. Ayon
kay Patrick Flores, ang realismo sa diwa ng Social Realism ay may partikular na modang

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 85

“pedagogical and polemical.” Ito ay nagbibigay ng kaalaman sa mga isyung panlipunan


at isa ding mapangahas na kritisismo kung saan ang katotohanan ng mga kondisyon at
isyu, at ang kanilang halagang nangangailangan ng agarang pansin, ay bukas para sa
publiko. Ito ay upang makabuo ang lahat ng isang masiglang ugnayan at aksiyong may
pagkiling sa partikular na tunguhin (Flores; sariling salin). Ang pagkilos upang makamit
ng pandaigdigang komunidad ng Global South ang pagbabago sa lipunan ay hindi upang
makamit ang isang unibersal at global na tunguhin na siyang layunin ng globalisasyon;
bagkus, ang diwa ng progresibong pagbabago ay nagmumula sa pambansang pagkakaisa
at rebolusyonaryong kulturang makamasa. Ang mga likhang sining ay hindi lamang
pagtanaw sa isang gintong liwayway na ginugunita ang nagpapatuloy na kasaysayan, kundi
ay isang hamon din na dapat lakbayin.
Maingay ang mga danas at alaala ng kasaysayan at kondisyon ng lipunan sa loob ng
nakabibinging katahimikan ng galeriya ng Anima Art Space. Sa paglabas ng espasyo ng
eksibisyon ay unti-unti namang maririnig muli ang ingay ng mga abalang indibidwal
sa tatuhan. Marahil isang pagtingin din ito sa gintong liwayway na inaasam—malayo at
tahimik ngunit nananatiling buhay ang liwanag sa paligid. Ang antas ng pagbahaging ito
ng eksibisyon ay salik na mainam na pansinin sa aspektong pedagohiko at polemiko na
binabanggit ni Flores. Pedagohiko ito sa paggamit ng Social Realism bilang pundasyon
ng masining na paglikha at pagbabahagi ng gunita, at sa pagkiling nito sa ideolohiyang
Marxista bilang tradisyon at kaisipan sa paglalarawan ng mga imahen. Polemiko naman
ito sa pagpili ng paggunita sa dahas at dusa ng aping masa at sa pagsusulong sa pakikibaka
bilang solusyon sa pagkamit ng pagbabagong panlipunan. Ang mga ito ang lakas ng
eksibisyon. Itong diwang matatag ang prinsipyong nagbubuklod sa mga tinalakay na
sining. Sa kabilang banda, sila rin ay naghahandog ng hamon sa konteksto ng praktika,
espasyo, at kasalukuyang panahon. Paano nakatutulong ang eksibisyon upang ipagpatuloy
ang aktibo at kritikal na prinsipyo at magsilbing pangontra sa disimpormasyon at
ideolohiyang nangingibabaw mula sa naghaharing uri? Ang hamon ay kung papaanong
maipagpapatuloy ang ganitong mapagpalayang diwa at ideolohiya sa loob ng bawat relasyon
sa materyal na daigdig—mapa-espasyo man ng paglikha, sa loob at labas ng grupong ito
ng mga kapwa artista ng bayan, o sa praktika mismo ng Social Realism—upang hindi
makompromiso at mapaloob lamang sa institusyonal o tradisyonal na kumpormidad. Ang
hamon din ay para sa eksibisyon, bilang anyo na aktibong lumalahok sa pagsasakatuparan
ng ideolohiya, na maiwasan ang pagkakahulog sa kumunoy ng eksklusibidad. Ito ay upang
higit pang mapalawak ang pakikipag-ugnayan na isinusulong mismo ng espasyo ng Anima
Art Space. Ang eksibisyon ay nagsisilbi at nananatiling pandagdag at hindi pangunahing
moda ng pagsusulong ng ideolohiya. Pinalalakas nito ang panawagan sa pakikibaka at
paggunita sa kasaysayan ng pakikibaka, alinsabay sa paggunita sa anibersayo ng isang
kapatiran. Ang hamon ay pakilusin ang konsepto ng pagiging progresibo na esensiya
ng eksibisyon at ng mga sining dito. Ang mga ito ang hamon upang hindi manatiling
pag-aasam, pagsasapantaha, o paghaharaya na lamang ang imagined world na pagbabago.

Mga Sanggunian
Ateneo Art Gallery. “Collections.” Ateneo Art Gallery, https://ateneoartgallery.com/
collections. Binuksan 10 Oktubre 2022.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 86

Boquet, Yves. “Emerging Tiger? The Paradoxes of the Philippine Economy.” The Philippine
Archipelago. Springer International, 2017.
Concerned Artists of the Philippines. “Memory Project.” Facebook playlist, facebook.com/
watch/216155061729544/758055848109260. Binuksan 9 Oktubre 2022.
---. “Memory Project 13: Graded Recitation.” Facebook event, 01 Oktubre 2022. facebook.com/
photo/?fbid=660504248779375&set=a.233663178130153. Binuksan 9 Oktubre
2022.
“Coronavirus inspires world graffiti.” USA Today, 17 Enero 2022, https://www.usatoday.
com/picture-gallery/news/world/2020/03/24/coronavirus-inspires-world-
graffiti/2910639001/. Binuksan 11 Oktubre 2022.
Das, Jareh. “South South is a new platform for art from the Global South.” Wallper Magazine,
24 Pebrero 2021, https://www.wallpaper.com/art/south-south-platform-southern-
hemisphere-art. Binuksan 11 Oktubre 2022.
Dixit, Mrigakshi. “COVID-19: Graffiti Saluting Frontline Workers, Spreading Awareness
on Safety Measures Pops-Up Across India.” The Weather Channel, 04 Disyembre
2020, https://weather.com/en-IN/india/coronavirus/news/2020-12-03-covid-
19-graffiti-pops-up-across-india-to-salute-frontline. Binuksan 11 Oktubre 2022.
Fer, Anna. Oppose State Terrorism. Ateneo Art Gallery, Lungsod Quezon, 1985.
Fernandez, Edgar Talusan. Sining Kalayaan. Ateneo Art Gallery, Lungsod Quezon, 1987-1997.
Fischer, Ernst. The Necessity of Art. Harmondsworth, Penguin Books, 1963.
Flores, Patrick D. General Introduction for VIVA Excon 2020. Microsoft Word file, 2021.
---. “Social Realism: The Turns of a Term in the Philippines.” Afterall Journal, tomo 34,
blg. 2, Oktubre 2013, https://www.afterall.org/article/social-realism-the-turns-
of-a-term-in-the-philippines. Binuksan 12 Oktubre 2022.
Guillermo, Alice. Social Realism in the Philippines. ASPHODEL Books, 1987.
Kumar, Sangeet. “Manipulated Facts and Spreadable Fantasies: Battles Over History in the
Indian Digital Sphere.” Disinformation in the Global South, John Wiley & Sons,
2002.
Mao Tse Tung. Selected Readings Part II. Anglo-Chinese Educational Institute, 1971.
Namoda, Cassi. Lovers with ardent desires and strong will face obstacles along the way,
safety in new lands are few and far between. 2021.
Native Hope. “The Feather: A symbol of high honor.” Native Hope, 01 Abril 2020, https://
blog.nativehope.org/the-feather-symbol-of-high-honor. Binuksan 12 Oktubre 2022.
Nurvista, Elia. Tremors Ground: A Study of Land. Marso 2021.
Papastergiadis, Nikolas at Gerardo Mosquera. “The Geopolitics of Contemporary Art.” Ibraaz,
06 Nobyembre 2014, https://www.ibraaz.org/essays/109/?fbclid=IwAR22NZ4S
QzFyPQf7zpdbtfJ372c4bK-DxOyO27rnkCkb63aWG_IwSk5FZgQ. Binuksan 27
Setyembre 2022.
Santos, Pablo Baen. Krista (Female Christ). Ateneo Art Gallery, Lungsod Quezon, 1984.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Delgado | Gunita Bilang Pandaigdigang Kamalayan 87

Scott, William. The Discovery of the Igorots. New Day Publishers, 1974.
Sontag, Susan. Regarding the Pain of Others. Farrar, Straus and Giroux, 2003.
Stout, James. “The history of the raised fist, a global symbol of fighting oppression.”
National Geographic, https://www.nationalgeographic.com/history/article/
history-of-raised-fist-global-symbol-fighting-oppression. Binuksan 11 Oktubre
2022.
Tomacruz, Sofia. “Philippine government must support health workers, WHO says.” Rappler,
25 Agosto 2021, https://www.rappler.com/nation/who-says-philippine-
government-must-support-health-workers/. Binuksan 11 Oktubre 2022.
UP Artists’ Circle Fraternity. “UP Artists’ Circle.” https://artistscircle.wordpress.com.
Binuksan 11 Oktubre 2021.
Wasserman, Herman at Dani Madrid-Morales, mga patnugot. Disinformation in the Global
South. John Wiley & Sons, 2002.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Legaspi | Ang Marami Naming Sála 88

Ang Marami Naming Sála


Our Many Trespasses

Eileen Legaspi-Ramirez
Unibersidad ng Pilipinas Diliman
eileen.legaspi.ramirez@gmail.com

Tungkol sa May-akda
Isang Associate Professor si Eileen Legaspi-Ramirez sa Unibersidad ng Pilipinas (UP)
Diliman, Department of Art Studies. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa loob ng
programa ng Social Development ng UP kaugnay ng pangmatagalang pananaliksik sa mga
inisyatiba ng panlipunang sining na nakaugat sa mga espesipikong lunan. Nang may higit
at kamakailan lamang na pagtuon sa mga aspektong afektibo ng kultural na paggawa,
patuloy siyang nagtatrabaho sa mga larang ng kritisismo at kasaysayang pansining.
Kasalukuyan siyang nakaupo bilang kasapi ng kolektibong pampatnugutan ng dyornal na
Southeast of Now: Directions in Contemporary and Modern Art in Asia.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Legaspi | Ang Marami Naming Sála 89

Muntadas, Antoni. Manila-Sevilla: Exercises on Past and Present Memories. 24 Nobyembre


2021 – 12 Marso 2022, Ateneo Art Gallery, Areté, Pamantasang Ateneo de Manila.

Humapon sa Maynila ang Manila-Sevilla: Exercises on Past and Present Memories ni


Muntadas (24 Nobyembre 2021 hanggang 12 Marso 2022)1 sa gitna ng nakalalasong
kakoponiya ng pagpapalayaw sa mga nagbabalatkayong katotohanan. Pumaimbulog ang
gaslaw at lason nito noong papalapit ang eleksiyon ng Mayo at magmula noo’y tumindi
pa ang nakatayâ para sa mga manghahabi ng naratibo. Naganap ang nakabibinging
pagmamaniobra ng kahina-hinalang sabwatan ng mga partido politikal bago mag-
eleksiyon, nagpatuloy ang militarisasyon ng retorika sa pandemikong kalusugan at
kaligtasan na nagbunsod ng paniniil sa mga puwersa ng oposisyon sa kaliwa at kaliwa
ng sentro, nagtatanghal pa rin ang mga naghaharing bansa ng kanilang kapangyarihan
sa mga rehiyonal at pandaigdigang entablado, at ang lahat ng ito ay umaalinsabay pa sa
agaw-pag-asang bigat ng pagsisikap na mairaos man lang ng ordinaryong tao kahit ang
isang araw. Hindi kalayuan, dumaraing din ang India, Indonesia, Thailand, at Myanmar
dahil sa nakapanlulumong dami ng namatay at nagkasakit sa COVID-19, na pinaliliit pa
ang totoong bilang, kaya’t naging absurdo ang anumang pakiramdam na may sinadyang
kapabayaan. Madaling matuksong kuwestiyunin ang saysay ng pakikipagtuos sa mga
kolonyal na bakas habang walang awa at walang kurap na tumititig sa atin ang lubos na
kakagyatan ng gutom, kamatayan, at paralisis.
Gayunpaman, nagpupumilit ang mga tirang ubod ng esperang kultural na magpatuloy
sa mga kumpas ng paggana. Ang isipin na mapangahas ang pagtatayâng ito na gawing
nagdedekolonisang tropo ang mga kolonyal na imahen ang pinakamatipid nating masasabi
sa naturang tangka.
Nagmukha pa ring paimbabaw lang na platapormang paglulunsaran ng mga
postkolonyal na panaghoy ang mapilit na paggiit sa pagdiriwang ng 500 taon ng
‘Tagumpay at Sangkatauhan’ na hinabi bilang naratibo ng estado ng Pilipinas para sa
nasabing quincentennial noong 2021. Hindi rin nakatulong na dinaig itong proyektong
sibil ng ‘500 taon ng Kristiyanismo’ ng kontrapuntal na Simbahang Katolika sa loob ng
hypersensitibong sensoryum sa tunog-dagitab ng global na pandemya na nakikipagkiskisan
sa iba pang kahindik-hindik na tunog-dagitab. Paano kaya nakapagtatayâ ng pakikinig ang
isang masalimuot na kilos sa loob ng gayong nakasasakit na ingay?
Sa isang banda, hindi na bago sa Catalang alagad ng sining na si Antoni Muntadas
ang paglulunsad ng mga meta-kumbersasyong hayag sa kaniyang mga matagalang
proyekto tulad ng On Translation, Between the Frames, at About Academia. Kahit na
hindi tiyak na nagsaanyo itong pagreperensiya sa sarili sa kasalukuyang pagkakataon,
madaling maharayang umiinog patungong ‘Tungkol sa Imperyo’ ang pagtatanghal na
ito sa Pamantansang Ateneo de Manila sa kabila ng banayad na katangian ni Muntadas.
Sa lahat ng pagka-tapos at pagka-ngayon na pinalilitaw ng isang Catalan (posibleng
pinakamadalang na nagalugad ni Muntadas na panandang identitaryo) bilang mailap na
kahalili ng estadong Español na siyang dumadagan sa proyekto, maaaring nakapagpataas
ng balahibo ang Manila-Sevilla: Exercises on Past and Present Memories sa mga dating
nasasakupan ng monarkiyang Español tulad natin. Posibleng naisaanyo rin ng lahat ng

1 Muling ilulunsad ng Ateneo Art Gallery ang eksibit na Muntadas: Exercises on Past and Present
Memories sa ika-25 Marso hanggang 3 Hulyo 2023.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Legaspi | Ang Marami Naming Sála 90

walang patid na paghuning ito sa kalangitan ang ‘Tungkol sa Di-/paggalaw’ habang patuloy
na urong-sulong na pinipigilan mismo si Muntadas ng COVID-19 na bumalik sa Maynila at
kung gayon ay pinanatili siyang nakaliban sa kaniyang presentes.2 Ngunit ang naipararating
na nakadistansiya at hayagang nakapamagitang pakikipag-ugnayan ay nakatindig sa
isang moda ng pagpapahayag na maipagtatanggol sa pinakaetikong paraan sa kabila ng
limitadong kalagayan sa pagtatanghal. Maaaring pangatwiranan na ang ibinunga ng hindi
pagkanaririto ng alagad ng sining ay walang dudang nakapaglaan ng espasyo para sa higit
na pagsasalimbayan ng mga pagbasa at pagpapahaba ng panahon upang namnamin ang
sining ng publiko. Sa loob ng proyektong ibinubungad ang migrasyon ng kahulugan (na
palagiang tropo sa oeuvre ni Muntadas), hindi hinahadlangan ang mga pagpaparito at
pagpaparoon at maaari pa ngang inihahandog ng laya rito ang hinaharayang sirkularidad
ng espasyo para sa pagmamalay sa mga nagugunitang katahimikan na mapanuksong
minamarkahan ng mga nakapaligid na bangkông batbat ng teksto, na naghihintay sa
mga uupong bisita sa mga galeriya ng Ateneo. At hindi naman siyempre ito basta bagong
direktiba sa pagbasa. Bilang mag-aaral, madalas tayong pinaaalalahanan tungkol sa
pagbibigay ng pantay na pansin sa kung ano ang hindi sinasabi at sa kung ano ang talagang
nakatalâ.
Gayong nahahawan ng di-nababaling mapag-usisang pandama ni Muntadas ang
sanga-sangandaang ito sa panahon at espasyong maligalig, marahil nakapupukaw rin ito
ng masiglang eseptisismo sa gitna ng malawakang klima ng pandaigdigang pagkawala
ng paniniwala. Sa pagbulusok ng kumpiyansa sa lahat ng anyo ng opisyal na retorika,
patuloy na naghahalo ang nakalulunod na dosis ng pagdududa sa mga sityo ng kalusugan
at pamahalaan sa iba’t ibang hanay. Gaano kaposible na matapatan ng sinag ng sining ang
gayong araw-araw na pagtatanghal ng walang kabuluhan? Paano kaya tatangkain ng alagad
ng sining, na nakadarama nang malaliman sa mga pangako at kalabisan ng pagbabatí
ng katotohanan sa daigdig ng midya, ang pag-ambag sa talakayan ng ating nakalalason
nang kamanhiran? Paano kaya makapagpapabaling ang mga nakapaskil na apinidad ng
alaala palayo sa pagnanasang kalimutan ang sakít at sákit sa Imperyo at kanilang iba pang
sumunod na pagkakasála?
Tandang-tanda ko pa, halos isang dekada na ang nakalipas, tinanong sa akin ng
bumibisitang taga-Romaniang kurador, na tumira nang maraming taon sa España, kung
bakit ginugunita ng mga Filipino si Lapulapu bilang bayani gayong pumatay siya ng tao,
si Ferdinand Magellan, bilang tiyak na halimbawa? Aaminin ko na noon, nagitla ako sa
tanong na iyon na binanggit na parang wala lang, at kahit ngayong inaalala ko nang muli
ay binabagabag pa rin ako at napaiisip kung papaanong nagkakakulay at nagkakaugat
ang mga truismong binibigyang-layaw ng kasaysayan nang dahil mismo sa pagtingin dito
gamit ang mga lenteng repraktado. Walang muwang ang kaibigan kong taga-Romania sa
pagkatigatig ko, ngunit tumimo nang malalim ang alaala nitong nakahihiyang sandali bilang
langib na ayaw magpatungkab. Pinaparito ko itong sumasaisip at sumasakatawang pilat
sa pagsasaalang-alang sa pagninilay kamakailan ng iskolar ng Araling Timog-Silangang
Asya na si Ramon Guillermo tungkol sa mga tendensiyang reaktibo ng nasyonalismong
Filipino, na madalas pa ring lumilitaw sa ispektrum ng natibismo o kulturalismo, mula
sa mga pinakahilaw hanggang sa pinakasopistikado nitong indikasyon (“Ang Kris ni

2 Ginagamit ito rito nang espesipiko sa impleksiyon nitong Catalan at/o Latin, tinutukoy ang
isahang indikatibo o maramihang anyo ng pandiwang presentar (magpasailalim, at gayundin,
palitawin sa pamamagitan ng pagsasadula o pagtatanghal ng presentasyon).

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Legaspi | Ang Marami Naming Sála 91

Lapulapu” 4; 6). Sa unang bahagi ng kaniyang teksto, itinuturing niya ang paggupo sa mga
kongkistador na nakakuwadro bilang Magellan-Elcano (gayong ang huli ang natitirang
buhay na nakatatandang tripulante) bilang panlalambong, sa kaibuturan, sa paglaban sa
mga mananakop, gayong maligalig na umaaligid ang di-winiwika sa pagitan ng gitling na
iniipit ng pangalan ng mga nabegador.

Larawan 1. Manuel J. Ocampo, 同時 / Meanwhile / Mientras tanto, 2021. Acrylic and


silkscreen on canvas, Artist’s Collection. Imahen mula sa Ateneo Art Gallery. Kuhang
larawan ni Clefvan S. Pornela.
Sa pagsasaanyo ng internal na lohika ng alagad ng sining na binuo mula sa kadulasan
ng mga simbuyong pandamang pinamamagitan ng wika, nararamdaman natin kung
paano gumalaw si Muntadas sa Manila-Sevilla: Exercises on Past and Present Memories
habang nilalaro niya ang mga kontemporanyong imahen sa mga gawang artifact at
kinathang alaala. Sa kasalukuyang sandali, hinangga niya ang mga mantones (panyuwelo),
malas hierbas (damo), at mga itinatanging medalyong komemoratibo na pinanday mula
sa sahod ng mga Filipinong nakikipagsapalaran sa mga ibayong malayo sa tinubuang lupa.
Itong mga ipinanunukalang engkuwentro sa pagitan ng kongkistador at indio na may
sari-sari at apektibong gunita ay di-maiiwasang paulit-ulit na sinusunan ng masidhing

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Legaspi | Ang Marami Naming Sála 92

bilis at lawak ng mga ibinungang ugnayan matapos ang pananakop ng España. Gayong
nasa may tuktok ang mga Filipino sa mga indibidwal na pinakamapaglakbay sa daigdig—
halimbawa, mga marino, manggagawang pangkalusugan, guro, alagad ng sining, at iba
pang manggagawa ng lahat ng uri, na nagbubunuan para sa espasyo sa lahat ng kontinente
ng mundo—maaari ngang makapaglaan ng espasyo ang pandama at pandalumat na ubod
ng pagtatagpo para sa nagtatagisang huntahan at higit na napaglimiang paggunita lalo na
sa sarili nating mga hanay.

Araw-araw na Pagsasabutil
Sintomatikong tinatahak ni Muntadas ang lihis na ruta ng panunuliranin hinggil sa
imperyo, impluwensiya, at pakikibaka. Nakikita natin halimbawa na tinatalunton niya
ang tropo ng mapangangatwiranang dekolonyalidad sa pagtutuon sa mga mapanakop na
uri ng halaman—kung paanong ang ilahas, at kung gayon ay hindi mapamamahalaang
aspekto ng imperyo sa pamamagitan mismo ng kung paano iniuugat ng malas hierbas
ang sarili nito, ay sumusuot nang halos hindi nakikita at halos hindi nahahadlangan sa
mga teritoryong hindi naman nito dapat tinutubuan. Hindi na kaiba sa mapagpunyaging
Pilipino ang matutong mabuhay sa mga guwang at siwang na kaalinsabay ng hindi kanais-
nais na kondisyon. Sa eksibisyon, ang mga inangkop na imahen ng mga hindi inimbitang
gulay at yerbang ito, na nakapinta sa set ng seramikong yari sa Seville, ay iniayos sa isang
multong handaan sa mga bisitang-wala-rito na nagsasalo sa espasyong binakante ng mga
kilabot na dulot ng pandemya. Ang bahaging ito, sa lahat ng susing-seksiyon ng eksibisyong
Manila-Sevilla, ang maigigiit kong pinakamalakas na nagpapalutang sa ideang hindi
payapa at madalas na hindi patas ang kalakalan. Ang magkakahambing na kapalaran ng
mga buhay at sumakabilang-buhay na katawang-taong naisaboy sa mga lupaing sinakop
at legal na pinanghimasukan ay naghahain ng kahanay na pambubulabog sa kalakalan ng
kahulugan na pinalalayag ng Manila-Sevilla: Exercises on Past and Present Memories
habang nakatakda itong bumiyahe mula Ateneo de Manila tungong Centro Andaluz de
Arte Contemporaneo sa Seville.
Dito sa Pilipinas, ang inaasahan nang nasyonalistang multo na nagmumuhon sa
500-taong pagmamarka sa pagdaong ng Armada de Maluco sa Visayas ay pinakamadali
siyempreng mahiwatigan sa hindi gaanong nasusulat at gayunpama’y nahuling naisamitong
imahen ni Lapulapu—siya na muling ipinakikilala ni Pambansang Alagad ng Sining
Resil Mojares, sa kaniyang introduksiyon sa aklat ni Vicente Gullas na Lapulapu: The
Conqueror of Magellan, bilang ‘halos wala’ sa mga opisyal na artsibo ng kolonyalismong
Español. Kahit pa nga napaliit sa iisang bapor na lang ang lakas ng hukbong pandagat,
maraming di-bininyagan na nagbabasa nito ngayon ang magugulat pa rin habang
binabalikan ni Mojares kung paanong nanatili ang pagtingin kay Lapulapu, sa isang nibel,
bilang “kontrabida ng kasaysayan,” ang suwail na nagpabagal sa Kristiyanisasyon ng
Pilipinas sa kaniyang pagpatay sa unang magiting na kongkistador (Gullas 42-49; isinalin
mula sa Ingles). Mahirap pabulaanan ang sinasabing ito ni Mojares habang nakikita
natin sa ating pagbabalik-tanaw, na ang dalumat kay Lapulapu sa kabila ng kakapusan ng
datos sa kaniyang persona ay patuloy na walang pakundangang inaangkop nang paulit-
ulit, isinasalin at maling isinasalin sa ngalan ng mga idinadambanang dakilang layunin
mula sa prekolonyalidad ng Srivijaya hanggang sa kapapanumbalik na pag-angkin sa

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Legaspi | Ang Marami Naming Sála 93

pinagmulan niyang pagka-Tausug na nakasandig sa dangal ng Bangsamoro.3 Ang ganitong


lokal na pagkalikot sa kataimtimang pangkasaysayan ang di-sadya ngunit interesanteng
sumusuhay sa tinangkang maisakatuparan ni Muntadas mula sa ibayo, subalit mahusay
na binigyang-daan ng pangkat ng Ateneo de Manila Art Gallery na nagpaandar mula sa
malayo ng mga ubod ng produksiyon sa Pampanga, Lumban, Seville, at New Delhi.
Bumubuo itong hindi nakikitang paghuhubog ng sirkito ng paglikha at muling
paglikha ng nakapaligid na himig sa kabuoan ng proyektong Manila-Sevilla sa iba’t ibang
antas kagaya na lamang ng tuloy-tuloy na teksto sa eksibit at iba pang kontekstuwal na
palamuting humihikayat sa ritmo ng pag-iisip. Kahit pagkaraan ng kalahating siglo,
nananatili pa ring palaisipan si Lapulapu na nabitag sa bukas-sa-lahat na pag-aalok ng
kahulugan. Siya ang primerang anti-kolonya, ang pananda ng katapangan para sa mga
Bisaya at hanggahan ng teritoryo, pinaghuhugutan ng mga histo-kultural na turista sa
ekonomiya ng karunungang salig sa ikonograpiya, at marami pang iba bukod sa palasak
at mamahaling putaheng isda. Maikakatwirang ang paggunita sa kaniyang katawan ay
nagbubunsod ng siklo ng pagpupuno at pagbabakante ng kahulugan kasabay ng pagtaog
at pagkati ng mga alon ng pagsasanaratibo. Sa ganitong pagbaling, si Lapulapu, ang
palasuway na katutubo at dapat sanang isusubheto ng imperyo ay nananatili bilang
nakasusuyang tanawing hungkag tulad ng mga hindi pa natatahing mantones na nilikha ni
Muntadas para sa kasalukuyang pagsasalaysay na ito. Unang binalak tahiin sa Pampanga,
napunta ang mga tela at binordahan sa Lumban, Laguna, hanggang sa mayari ang putol sa
India. At dito makikita ang panibagong kabanata ng mga mantones na may bakas pa rin
ng Maynila bagamat sa Seville nananatiling malawak ang sirkulasyon nito. Kung gayon,
sa pagkakataong ito, kahit pa sumasakay ang mga nakapaloob na biswal na reperensiya
sa kasaysayan ng mga Pilipino, ang pagbubuo ng mga bahagi rito ay naglalahad ng panig-
transmodal ng globalisadong pagkatha ng kahulugan at obheto dito sa pagtutuos ng
pagtutuos, sa magkakahiwalay na tagpuan.

Larawan 2. Kuha ng instalasyon ng silid ng mantones sa eksibisyon ng Muntadas:


Exercises on Past and Present Memories, 2021. Imahen mula sa Ateneo Art Gallery. Ku-
hang larawan ni Clefvan S. Pornela.

3 Pansinin ang mga pampublikong palitan na ito, halimbawa, sa artikulong “Cebuano Historian
Challenges Duterte” ni Semilla.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Legaspi | Ang Marami Naming Sála 94

Ang mga isinakasaysayang katawan at bagay na ginawang mga koda na lumilitaw sa


pagsasanaratibong ito ay makikita rin sa pagbaling ni Muntadas sa dokumentasyon ng mga
Pilipinong nasa ibayong dagat. Silang mga nandarayuhang Pinoy, na sálítang pinupulaan
at labis-labis na pinupuri sa lipunan, ang patuloy pa ring sinasandigan at bumubuhay
sa ekonomiya ng Pilipinas sa tulong ng kanilang padalang pera at regalong mula sa
migrante at diasporikong paggawa. Lalo itong naging malinaw nang magkapandemya
at bumulusok ang lokal na pananalapi. Sa isang pagtingin, kumakatawan ang bawat
medalyon sa tinatayang 10 milyong buhay-migrante at diasporiko na may kaniya-kaniyang
indibidwalidad. Samantala, kontrapunto rito ang pagkakaroon ng di-maitatatwang proseso
na pinangangasiwaan ng komunidad sa mobilisasyon ng mga migranteng Pilipino upang
maghirang sa kanilang hanay ng magiging batayan ng mga ikoniko at portabol na bantayog
para sa pagtatanghal. Hindi maikakailang nagbibigay ng sari-saring antas ng signipikasyon
ang mga simbolikong artifact na ito. Hayagan ang reperensiya ng mga medalyon sa tiyak
na mga indibidwal kahit pa pahapyaw ang pagkakaguhit sa kanilang mukha at maigigiit na
nananatili silang anonima. Hindi katulad ng opisyal na salapi, na nananatiling reserbado
para sa paggunita ng mga kabayanihang kinikilala ng estado, itinataas naman nitong
mga simbolikong-medalyon ang pag-alala sa mga tagpo ng arawang pakikibaka kahit pa
katiting ang kuwenta nitong numismatika sa pandaigdigang palitang halaga.
Interesante na sa pagsipat sa pagkontra ng estado ng Pilipinas sa mga nagkakaisang
odang sumusulsol sa Imperyo, matutuklasan din natin na inilunsad sa panahon ng
paggunita sa quincentennial ang aklat ni Felice Prudente Sta. Maria na Pigafetta’s
Philippine Picnic: Culinary Encounters During the First Circumnavigation, 1519-1522.
Hindi maitatatwang mapangrahuyong interteksto sa kasalukuyang pagdidiskurso ang
paghahain ng mga eksena ng sangkatauhang lumalamon at lumalasap para matighaw ang
paglalaway ng Imperyo (at ng estado, bilang ekstensiyon nito). Na pinili ni Muntadas na
maghain ng mga biyolohikong guhit ng mapanakop na putahe sa mga palamuting pinggang
umaalingasaw sa mapagdiwang na sandali ay nagpapalapot sa semyotikang sopas.

Ang Nag-ugat Bilang Gubót na Tropeo


Kung babalikan ang pananalinghaga ni Muntadas sa malas hierbas bilang mapanakop,
mapangkubkob, at puwersang mapanluwal (tulad ng agave sa kalakhang America at mga
angkat na palaka at susô sa Asya) na lumalago at nabubuhay nang walang sinumang
nangangalaga, mahalagang turulin ang mga pagninilay ni Sta. Maria hinggil sa panlasa na
nakatuon sa kung papaanong ang ganid at hayag na pagkonsumo ng mga mangangalakal
sa Europa ay itinuturing noon bilang sadyang pagtataguyod sa dayo o kaiba. Ayon pa sa
kaniya: “Hinikayat ng mga tituladong residente gaya ng kilalang pamilyang Medici ang
pagtatanim ng mga banyagang halaman sa kanilang mga lupain gamit ang mga binhi at
buko na dinala pa sa Republika ng Florence” (Pigafetta’s Philippine Picnic 10; isinalin).
Kung gayon, maaaring tingnan ang kasalukuyang pagpapanipis ng ahensiyang kolonyal
bilang pananabotahe sa anumang masinop na ehersisyo ng paninisi. Tunay, trahikong
namamalas natin sa patuloy na mga tagpo ng global na lisyang pag-aalaala na maging
ang mga pinakamabisa at pinakamakapangyarihang puwersa ng pamahalaan ay hindi
kayang matyagan ang bawat sulok ng kanilang teritoryo. Patunay na rito ang mga politikal
na sigalot ngayong panahon ng pandemya. Malaon bago pa man tutulan ng publiko ang

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Legaspi | Ang Marami Naming Sála 95

tusong panghihimasok ng mga organismong manipulado ang henetika, at kung papaano


ito naging puhunan sa mga negosasyon sa pandaigdigang kalakalan, hindi maliit na bagay
ang pagsasabing ang teritoryalisasyon at reteritoryalisasyon ng species ay nanatiling
malaking bahagi ng pagbubura sa pagkakaiba ng mga produktong agrikultural at paraan
ng pamumuhay sa pangkalahatan.

Mga Binhi ng Deskontento, Pagkabunot, at Muling Pagruruta


Paumbok na lumilitaw ang pertinenteng bahagi ng teksto ni Sta. Maria sa kabanatang
“Saffron and Spices” dahil pinalulutang nito kung paanong binubuo o sinisira ang isang
putahe ng mga katiting ngunit malakas makapagpabagong sangkap. Magagamit din
natin ito bilang hudyat sa pagdalumat sa malas hierbas, kung paanong ang kakarampot
na kurot o budbod ay nakapagpapabago ng sari-saring kimika—ng lupa, ng pagkain, ng
potensiya, at kalikutan ng pagsasalikop at transpormasyon. Ang mga lamat na idinudulot
ng mikroskopikong protinang umaagnas sa napasok na selula ng tao ay isa na namang
suson na kailangang tuosin sa mga pagtanaw na kasalukuyang isinasalaksak sa atin habang
pinag-iisipan natin ang COVID-19.
Tinatalakay ni Sta. Maria kung paanong nag-uugat sa bocho ang “fetish ng babaeng
tagapagtatag” at mga kaugnay nitong alamat (32; isinalin); nangingibabaw dahil natatangi,
at sa gayon ay pag-iral na humahamon sa kapangyarihan na lumigalig sa imperyal na
gahum sa mga unang taon ng pagtapak sa mga islang ito. Bagamat hindi naman direktang
tinutukoy itong mga ubod ng naiwang kapangyarihan ng mga babaylan sa panawagan
sa nakaraang lumilingkis sa kasalukuyan, ang mga sanga ng ‘Me Too’ at ng kaalinsabay
nitong pagkakatangi at pagkamalabis ay mahaharaya pa rin bilang mga pinatahimik
na tropo sa himig na dinadala ng global na pandemonyum bilang di-maitatangging iba
pang pinagmulang salaysay sa pagtatanghal ni Muntadas ng Manila-Sevilla. Kung gayon,
lumilitaw ang paggigiit ng eksibisyon sa pagpapasalimuot sa repraktibong paglalantad na
ito bilang pantambis sa walang katapusang daluyong ng pandaigdigang pananakop na
nagbabadya sa mga kapritso ng panahon bago at matapos ang pandemya.

Panlalansi sa Mapagdiwang na Paglilihis


Bilang huli, ito na nga ang siste: sa mga sugal na tulad nitong eksibisyon na magkasabay
na diskursibo at espasyal na proyekto, nalilirip natin kung paanong nakaaahon nang
halos walang sugat ang mga alagad ng sining at institusyon sa gitna ng mga panganib
ng pagpapailalim. Tiyak na hindi isahan ang daloy at hindi iisa ang lunsaran ng pagtayâ.
Habang tuluyang nagkakahugis ang pagtigil sa Maynila ng proyekto ni Muntadas sa
Loyola Heights, nakapagtipon din si Kidlat Tahimik, isa pang Pilipinong Pambansang
Alagad ng Sining, ng sarili niyang laging walang pakundangang latag sa galyon bilang
tanda ng pang-imperyong sasakyang post-truth. Isinagawa sa suporta ng Reina Museo
Sofia sa Parque del Retiro, Palacio de Cristal, naghain ang Magellan, Marilyn, Mickey, &
Fr. Damaso. 500 Years of Conquistador Rockstars ni Kidlat ng isa na namang kahanay
na salaysay na nagpapasalimuot sa mga banghay na nagpapaandar sa 500 taong gulang

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Legaspi | Ang Marami Naming Sála 96

na mga makinang nagluluwal ng mito. Gaya ng inaasahan, ang pagtatanghal ni Kidlat ay


nagsilbing nananagad na pang-uyam na tinatambisan ang mas matimpi sa emosyon at
mas di-tuwirang panawagan ni Muntadas sa mapagmuning lagay ng pag-iisip.
Na walang iisang pangkalahatang naratibong tiyak na nagtatahi sa mga maramihang-
sityo at magkakaiba-ang-pagkalikhang daplisan na mababasa bilang paghahabi (o hindi!)
ang mismong pinupunto ng Manila-Sevilla—ang paghubog sa maulap na uniberso ng
mga salpukan ng kahulugan at intensiyon na paulit-ulit na pinagbibilaran ng likha ni
Muntadas. Makahulugan ang ginawa niyang pag-imbita kay Manuel Ocampo, alagad ng
sining na dating nakabase sa Seville, na tumahak kasama niya sa batuhang pang-espasyo
ng Ateneo gamit ang pagsasabit ng mga rebisyon ng kartograpiyang anyo. Ang maluwag
na pagkakabit-kabit ni Ocampo ng latag ng mapanakop na mga puwersang Español, Tsino,
at Americano sa isang impresyon ng benerableng mapang Murillo-Velarde ng Pilipinas ay
nagpapahiwatig na maaari pang bigyan ng espasyo ang ibang artikulasyon kahit na bilang
pangarap o bilang parodiya.
Walang gaanong pumapansin sa impormasyong sa gitna ng paglagapak sa zero ng
antas ng paglago ng ekonomiya ng España noong 2011, nagawa ng Pilipinas ang kakatwang
pagtawid sa kategorya ng net International Monetary Fund creditor state. Kung titingnan
ang kinalalagyan ngayon ng Pilipinas at partikular ang madilim na prognosis ng mga
internasyonal na manunuri ng pag-unlad sa kanilang tantiya na ang bansang ito ang mahuhuli
sa mga estadong Asyano sa pagbangon mula sa COVID-19, ang anumang superpisyal na
pag-akὸ sa mas mataas na antas ng pag-unlad ay magmumukhang pagbubulag-bulagan.
Kaya nga, ideal nating sinisipat ngayon ng mga mata, ilong, at taingang pinadunong ng
limang siglo. Napagtanto na na taong-tao ang mga dinambanang kongkistador-prayle,
sa kabila ng mga kompleksidad ng sirkunstansiya at mga intensiyon. Ngayon, patuloy
na iginigiit ng rehiyon ng Catalan ang awtonomiya habang parehong itinataas ng hilaga
at timog ng Pilipinas ang sulo ng mga simbuyo para tumayâ sa awtonomiya sa gitna
ng pangangailangang iwasto ang kasaysayan ng paglabag na pinarurupok pa ng mga
krisis ng kawalang-katarungan. Siyempre, hindi dapat magkaroon ng anumang pinatag
na pagtutulad dito at gayundin, hindi natin dapat ikahon ang posisyong pansubheto ni
Muntadas bilang Catalan lamang dahil bilang mga Pilipino, nagagawa nating lampasan
ang iisang posisyonalidad sa iba’t ibang sangandaan. Marami talagang masasabi pa sa
mga lantad na apinidad sa mga uri, lahi, pananampalataya, at kapalaran na sumasagka sa
parehong tayâ ng imperyo at dating kolonya. Samantala, nagkakasya tayo sa pagtitimpla
ng maraming saray ng sarili, pumaparoo’t parito mula sa mga espasyong pinabubuway sa
maraming paraan, nang napakaraming katawang nakatatawid sa kung ano lamang ang
abot-kamay.
Sirkumnabigasyon ng alay na paggawa. Siyam na gatlang lampas sa hindi nababantayang
tubigan. Gumigiwa’t bumabagbag sa mga unos ng “tuloy-tuloy na (kawalang)kasaysayan”
(Zulaika 35; isinalin). Lahat ng hindi matatakasang buhol at kalas na mga kaluluwa
sa magkakabigkis na pakana ng pinapangarap na pagkakalag. Mga pagkaantala at
pagbabagong-landas. Mga ligaw na atlas na namamalimos ng muling pagkatha.

Isinalin nina John Carlo Gloria, Yolando Jamendang at Mark Benedict Lim

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Legaspi | Ang Marami Naming Sála 97

Mga Sanggunian
Guillermo, Ramon. “Ang Kris ni Lapulapu at ang Unang Sirkumnabigasyon ng Daigdig.” Papel
na binasa sa Philippine International Quincentennial Conference: Pagpapahayag
at Paggigiit ng Punto de Bistang Pilipino, 2021, pp. 4 at 6.
Gullas, Vicente. Lapulapu, The Conqueror of Magellan: A Novel. U of San Carlos, 2018,
pp. 42-49.
Semilla, Nestle. “Cebuano Historian Challenges Duterte: Prove Lapulapu was Tausug.”
Inquirer, 13 Mayo 2021, https://newsinfo.inquirer.net/1431074/cebuano-historian-
to-duterte-prove-lapulapu-was-tausug. Binuksan Setyembre 2021.
Sta. Maria, Felice Prudente. Pigafetta’s Philippine Picnic: Culinary Encounters During the
First Circumnavigation, 1519-1522. Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng
Pilipinas, 2021, pp. 10.
Zulaika, Joseba. Empty Bilbao in Muntadas: La Ciudad Vacia/The Empty City Catalogue,
Fundacion BBVA, 2021, pp. 35.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Torre | Pakikipanahong Pagbasa 98

Pakikipanahong Pagbasa: Rebyu sa Isang


Dalumat ng Panahon ni Christian Benitez
Contemporaneous Reading: Review of Christian Benitez’s Isang Dalumat ng
Panahon

Nathanielle John Torre


Marikina Polytechnic College
nytorre@up.edu.ph

Tungkol sa May-akda
Kasalukuyang nagtuturo si Nathanielle Torre ng Art Appreciation sa Marikina Polytechnic
College alinsabay sa pagiging freelance content writer sa theAsianParent PH. Nagtapos
siya ng AB/BSE Literature sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, at nagmamasterado
ng Panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas. Kabahagi siya ng Aliguyon UP
Folklorist, at nakatuon ang kaniyang pag-aaral sa pagmumuni sa mga pagmumulto sa
Marikina bilang mga naratibong nagtatangkang bumuo ng diskursong panlungsod.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Torre | Pakikipanahong Pagbasa 99

Benitez, Christian Jil. Isang Dalumat ng Panahon. Ateneo de Manila U P, 2022.

Sa Isang Dalumat ng Panahon, naglahad si Christian Benitez ng isang pananaw at


paraan ng pagbasa, kritisismo, pagpapaliwanag at pag-unawa ng kamalayang Filipino na
nakabatay sa sangkabagayan at ekolohiyang Filipino. Naikikintal ng aklat na ito na ang
“dalumat ng panahon ay pagiging panahon para sa anumang bagay” (43). Ang kaniyang
pagtatangkang bumuo ng proyekto ng panunuring kultural at pampanitikan ay iniukol
niya sa pagbabalaybay at ‘muni’ sa tinatawag na (pakiki)bagay at (pakiki)panahon. Ang
ganitong interes at idyosinkrasya ng proyekto sa paksang tangan nito ay nauugnay sa
posthumanismo na may pagbabatid na dinamikong ekolohikal. Hindi nito isinasantabi
ang tao, ngunit ibinabagay ang tao bilang bahagi ng sangkabagayan at pagkakataon, bilang
nalalangkapan ang mga ito ng aspektong kultural.
Bagamat naiiangkla ang proyektong ito sa pag-aaral na kanluranin, nagbigay ng
pagdiin si Benitez sa bawat kabanata ng kaniyang dalumat ng panahon ng mga resolusyon
sa suliranin ng pagbubuo ng nasyon-estado at aspektong akademiyang may tuon sa araling
Filipino, at bago o kontemporanyong pagsisinsin sa wika, panitikan, at kasaysayang
pagtalakay upang ibalik ang ahensiya ng interpretasyon at produksiyon ng kamalayan sa
mga Filipino. May kaakibat ding pagbasa sa kaniyang aklat na isa rin itong proyekto na
nagtatangkang idekolonisa ang kaisipang Filipino.
Tatampukin ng rebyu at pagbasang ito ang ilang piniling mahahalagang tala sa
proyekto ni Benitez ukol sa panahon at bagay. Idiriin din kung paano dumating si Benitez
sa dalumat na ito bilang pagkamit ng bagong pananaw sa pagbasa, maging sa pagsulat ng
alinmang panitikan at kritika. Tutungo ang pakikipanahong pagbasang ito sa pagpapalagay
ng dalumat ni Benitez na mailapat sa isang malaanekdotang akda ng taga-rebyu, at paano
hahantong sa pagbubukas ng usapin gamit ang dalumat ng panahon sa manakanakang
isyu ng pagbubuo ng diskursong bayan; ang isyung ito ay isang bahagi lamang ng proyekto
upang makatugon muli ang Filipino sa pag-aaral ng kasaysayan at kultura, tungo sa
pagdedekolonisa ng kamalayan. May pagsasaalang-alang din sa sariling pagbasa, akda, at
karanasan na tatangkaing makibagay sa kaisipang nabuo sa aklat.

Kumakatawan sa Isang Dalumat ng Panahon


Ang mga susing konsepto na hindi dapat hayaang mawaglit habang binabasa ang bawat
kabanata ay ang talinghaga, panahon, at siyempre, ang bagay. Sa mga susing konseptong
ito hinimay-himay at inisa-isa ni Benitez ang pagtatalunton sa diskurso ng estetika at
poetika, at ang pagninilay-nilay sa sangkabagayan—kung paanong ang bawat materya o
bagay ay nagiging bahagi nito, at kung paanong nakikipanabay ang bawat isa.
Isa rin sa natatanging pagkilala sa koleksiyon ng mga pagmumuni na ito ni Benitez
ay ang paglalangkap niya ng masaganang anotasyon na bagamat mga batis, ay nabigyan
niya ng pag-aangkop sa pagbasang Filipino. Sa bibliyograpiyang ito niya mas naidiin ang
pagtatangkang angkinin ang panahong Filipino, katuwang ng sangkabagayang Filipino
na umaalpas sa pagtatakdang banyaga. Mahigpit din ang naging pagbabasa ni Benitez sa
bibliyograpiya niyang ito, na naging isang proyekto rin ng intelektuwalisasyong pangwika
at ng pagsasalin. Mas nagiging malapit at matalik ang mambabasa habang nakikipanahong

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Torre | Pakikipanahong Pagbasa 100

bumabasa nitong aklat sa tulong ng mga naging pagsasalin ni Benitez maging ng mga
susing salitang ginamit niya upang buoin ang proyekto.
Naging panapos na kabanata ni Benitez ang pagdadalumat sa tinatawag niyang
“Duterte Standard Time.” Dito nailapat ang halaga ng dalumat ng panahon, at kung paano
niya nakita ang pagiging kritikal ng mga Filipino sa hindi pakikinabay at pakikitaon ng
iilang nagtatakda ng ahensiya ng panahon at bagay, tulad ng naunsiyaming “change is
coming.”

Bugtong, Isang Pakikitaon at Pagkabagay


Sa pagtuon ni Benitez sa bugtong na “Bongbong kong liuanag/ Kung gab-I ay dagat” na
may tuod o “paliwanag sa sinasabi” na banig, ipinukol niya dito na maaaring ang banig
ay puwedeng maging ibang bagay o materya, na may katulad na tuod. Batay sa mga
naitalang bugtong ni Damiana Eugenio, sa pagtatala ni Benitez, halimbawa, maliban sa
pagiging bumbon at dagat ng banig, maaari din itong maging lampin at kandila, o panulat
at sinusulatan (256).
Mahalaga ang idea ng pakikipanahon at pagkabagay kung bakit nasabi ni Benitez na
maaaring maging ibang bagay ang sinasabing bumbon sa bugtong. Sa pagsipi niya kay
Almario sa kahulugan ng bugtong, ito ay binigyang-depinisyon bilang “nagpapamalay
[nga] ng di pa alam na kilates ng isang bagay na kung tutuosin ay alam na alam na” (253),
na kung saan, ang bugtong ay pagpapaliwanag ng isang bagay batay sa danas at pakikitaon
ng tao-makata sa kaniyang ginagalawang espasyo-temporal na kaayusan, na may langkap
na rubrik ng aspektong kultural at kasaysayan. Sa ibang salita, may posibilidad na ang
ipinapaliwanag na bagay ay paparating pa lamang, na sa tagpong masagot ito o hindi ng
taga-tugon, ay magbabatay siya sa pagtatasa niya ng ginagalawang espasyo at oras.
Dito tinalakay din ni Benitez ang ilang pagbasa niya sa pagtatalunton ng talinghaga,
bilang ang talinghaga ay mahalagang retorika at tayutay sa alinmang panunula,
halimbawa, sa bugtong. Para sa tao-makata, ang ginagamit niyang talinghaga, ayon
din sa pagsipi ni Benitez ng pagpapalagay ni Almario, ay paghuli at paggagap (sariling
paliwanag), o “pangangasiwa ng mga bagay, sa pamamagitan na rin ng kanilang pagtatali
sa hiwaga ng mga ito” (241). Kung iisipin, ito ang pagsusog ni Benitez sa ‘pagtali sa hiwaga’
bilang “panahon” upang [mai]’bigkis,’ [mai]’gapos’ sa mga materya, batay sa kung paano
ito maipaliliwanag ng “tao-makata” alinsunod sa maka-agham na pagpapaloob niya dito
(241). Ang pagtali na ito ay alinsunod sa pagnanasa ng tao-makata na pag-unlad, bilang
ang mga bagay ay “hindi na naiiwang likas” o absolutong puro, kundi, “maalamat” o “na-
transforma” na.
Ngunit, ang pagtataling ito ng hiwaga, sa pagpapatuloy ni Benitez at pagsipi kay
Jacobo, ay maaaring masasabi ring “kumpas ng paglulubid ng buhanging” dudulas, na
masasagsag mula sa kaniyang pagkakahawak dito. Na sa pagtataling ito ng buhangin, tulad
ng pananalinghaga sa panunula at bugtong, ang tao-makata ay aalpas pa sa sandali ng
pagkuyom niya sa mga buhangin, o sa pagsasakatawan ng bagay. Dahil hindi imposible
ang pagdating ng iba pang bagay, at pagtaon ng tao-makata sa anupamang pagkakataon
(256).

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Torre | Pakikipanahong Pagbasa 101

Buhangin at Panahon bilang Bagay


Sa kaniyang paliwanag, nailatag ni Benitez na ang bagay ay nagkakaroon ng kahulugan
bilang “nauubos na kwantidad, o bilang gamit, o naisakatuparang tungkulin”, at bilang
maalamat, o “pagkakataon ng mga ito para maging kung anupamang bagay” (87). Naidiriin
ng parikalang ito ng kahulugan ng bagay na hindi lamang nanatili bilang iisang bagay o
natatapos bilang iisang bagay ang isa ngang bagay o materya, kundi, posibleng dumating o
mangyari ang anumang pagkabagay, sa anupamang pagkakataon, kahit pa na makamit na
nito ang tinatayang tungkulin o gamit at kuwantidad.
Sa sariling karanasan habang binabasa ang muni ni Benitez sa ‘bagay’ bilang paparating,
mababasa sa maikling tala ng realisasyon ko noong 2018 na “Mga Dagliang Realisasyon:
Buhangin at Panahon” ang diskurso ng talinghaga na sinipi ni Benitez kay Jacobo hinggil
sa pagtali na hindi tuluyang pagtali o paglubid ng mga buhangin:
bilang na bilang na ang oras ng pagkapit sa mapanakit na alaala - tulad ng
buhanging nauubos sa pahigpit na pahigpit na pagkuyom ng palad sa mga ito.
isang araw, mawawala rin ang buhangin sa palad at kusang isasaboy sa
pumapalaot na alon ng dagat.

Ang tinutukoy na pagbibilang ng oras sa mapanakit na alaala ay isinakatawan bilang


buhanging nauubos kahit na kuyom-kuyom ang mga ito ng palad. Hindi man ito pakikitaon
ng teksto bilang bugtong, nagpapamalas ito ng talinghaga, pagsasa-literal na paghuli
at pagtatali ng buhangin sa loob ng nakakuyom na palad. Ngunit, ang mga buhanging
ikinuyom ay nauubos mula sa palad; na ang alaala ay bagay na ibinigkis sa pagkakataon na
iyon ay may posibilidad na mawaglit, maubos, kumawala, o muling bumalik sa kung saan
man ito nanggaling.
At sa kasidhian ng akda, bigla itong na-transforma na darating ang panahon na
“kusang isasaboy sa pumapalaot na alon ng dagat.” Maaaring ang inaasam na pagkawala
ng tao-makata sa akdang ito ay ang darating na kusang pagsaboy ng buhangin. Na ang
ipinahihiwatig ay pagpapatuloy niya sa buhay, dahil posibleng babalik at babalik pa rin
ang mga buhangin dahil sa “pumapalaot na dagat” niya ito isasaboy—sa pagkabagay ng
buhangin, o alaala, maaaring mabago ang mga buhangin sa dalampasigan, dahil aanurin
ito palayo ng dagat.
Dagdag pa, tukoy lamang ang ikinuyom na buhangin sa palad, tukoy ang alaalang ito
ng tao-makata. Bahagi lamang ito ng sangkabagayan ng buhangin, o ng mga darating pa
na alaala sa buhay. Ibig-sabihin, ang alaala, o buhanging paparating, ay pagbibigay-diin sa
pagiging “maalamat ng bagay” batay sa pagpapaliwanag ni Benitez.
Maging sa pagpaparikala ni Jacobo mula sa pagsipi dito ni Benitez hinggil sa tropiko o
matimpi, pasensiyosong pagnanasa ang makikita hinggil sa kontemporanyong panahon,
na ang pagpapahalaga sa saldang o araw, sa lahat ng kumpas ng pagkaramdam dito, mula
sa liwanag hanggang sa dampi sa katawan ng sinag nito, habang nasa panahon ng taglamig,
ay pagkunwa’y hindi naiiwan sa limitasyon ng kontemporanyo bilang ‘nakikipanabay’ sa
‘salukoy’ o nangyayari. Ang matimping paghihintay na ito sa mga posibilidad na darating,
at ang pagiging hindi tiyak kung aabot ba ang saldang sa balat ng sinumang naghihintay, ay
naghaharaya, nakalilikha ng iba pang mga posibleng mangyari. Na hindi mapaliliit lamang
ang tagsaldang, o tag-init, sa kinatitindigan nitong kasalungat, kundi kung paanong ang

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Torre | Pakikipanahong Pagbasa 102

pagtataon na ito, bagay na hinihintay ng naghihintay, ay mabuwal, magbanyuhay, sa


tagsaldang ngunit hindi aktuwal at hindi rin birtuwal na tagsaldang (136-139).
Sa mala-anekdotang akda ko noong 2018, ang panahon ng kusang pagsaboy sa buhangin
sa pumapalaot na dagat ay maaaring dumating, o kung hindi man, ay pagpapahayag ng
salitang kusa, ay dadating nga ang pagkakataong ito, pero hindi rin nangangahulugang
ipipilit ang pagsaboy ng buhangin, at hindi rin tiyak na papalaot lamang ang dagat.
Kung lulublob sa aktuwal na galaw ng dagat, na nakikiayon sa paggalaw ng mundo, at ng
umiinog na buwan sa paligid nito, at ng pag-inog din ng mismong mundo, ang unti-unting
nauubos na buhangin, na hinihintay ko na kusang isasaboy, sa nalalapit na oras, ay isang
pagbubukas ng posibilidad, na ang dagat, o daluyong ng dagat, ay pumapalaot, bumabalik
sa dalampasigan, sa pakikibagay nito at pakikitaon sa galaw ng lupa, ng mundo.
Dagdag pa ang alaala rin na nakataon sa pagkakataong pagkapit ko rito, tulad ng
pagkuyom ng buhangin sa palad, ay isang hiwaga na sa panahong iyon ay itinali niya,
kontemporanyo sa sakit na nararanasan niya. At tulad ng buhanging ipinaliwanag ni
Benitez, upang ang tao-makata ay mag-asam na mailubid ang hiwaga ng mundo, ay patuloy
na sasagsag. Sa akdang iyon, na tukoy lamang ang alaala sa partikular na salukoy na iyon,
ay sasagsag pa sa ibang banyuhay ng maraming larawan ng sangkabagayang alaala.

Ang Dating at Filipino Time bilang Pag-angkin (muli)


sa Komunidad
Tumuon ang pagdalumat ni Benitez sa teorya ng Dating ni Lumbera, sa palasak na
konsepto ng Filipino time, at sa kritikal na pagturing na ang mga bagay na ito ay
kadalasang itinatakda ng ahensiyang Americano at mapagsamantalang iilan upang itali
ang sangkabagayang Filipino sa mga pamantayang hindi nakikitaon at nakikibagay.
Ang Filipino time, na unang kinilala noong panahon ng pananakop ng America, ay pag-
uuyam sa mga Filipino bilang laging nahuhuli sa oras—sa gawain at trabaho at iba pang
may kinalaman sa oras at panahon. Sa pagninilay ni Benitez, ang Filipino time ay maaari
ring ipakahulugan bilang pagiging “hindi sibilisado, hindi tulad ng panahong itinakda ng
Amerikano.” Na sa ganang ito, ang panahong itinakda ng mga Americano ay nakabatay
sa panahon ng nagmamadaling industriyalisasyon at makapaminsalang kapitalismong
dala-dala ng mga dayuhan, at naging pang-orasan, kalendrikal, mula sa napagpatung-
patungang salalayang pangkamalayan ng mga Filipino na panahon, bilang naka-tuod
sa paraan ng pakikipanahon ng ating mga ninuno sa kalikasan, bilang sangkabagayan.
Bagamat umiiral ang ganitong mapanupil na pagturing sa ating panahon, nananatili pa rin
ang tinatawag na “pagkahuli” ng mga Filipino, ngunit nanatili ito hindi dahil nahuhuli ang
komunidad, kundi nanalaytay ang ating pakikibagay sa ating sangkabagayang Filipino.
Sa kabilang banda, maiuugat ang paglikha ni Lumbera ng pagteteoryang estetika,
at binigyang pagpapakilala niya ito bilang dating. Ang dating ay nangangahulugang
paparating, tulad ng pagtalakay ng kabanatang may tuon hinggil sa bagay bilang
paparating. Sa pagsipi ni Benitez kay Lumbera, mababasa na ang pamantayan ng estetika
ay maaaring maiugat sa mapanakop na sistemang pang-edukasyon ng mga Americano.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Torre | Pakikipanahong Pagbasa 103

Sa pag-uugnay ng Filipino time at dating at kung paano sila itinakda ng nabanggit


na ahensiya, makikita na ang mga bagay na ito ay hindi nakikibagay at nakikitaon sa
sangkabagayang Filipino. Kung gayon, mas nilinaw ni Benitez na ang estetikang Filipino at
Filipino time ay hindi naman talaga nag-ugat sa pamantayang dayuhan, kundi nakatarak
na ito sa kamalayan ng mga Filipino, at sa pagdating ng anomang panahon, nagbabago rin
ang estetika at pananaw sa Filipino time.
Ibinabalik ngayon ni Benitez ang ahensiya ng estetika at panahon sa mga taong
mapagtimping nakikitaon at nakikibagay sa dalumat na ito. Dagdag pa niya hinggil
sa estetika, sa paggamit ng persepsiyong makita, maamoy, madinig, maramdaman,
hindi lumulutang ang estetika sa pagtingin sa mga sining at pagbasa ng panitikan. Ito
ay dumarating, o nakabagay sa bagay at panahon kung kailan binabasa at tinitingnan
ang mga ito ng mambabasa at tagamasid na Filipino, batay sa alinmang pagkakataon.
Gayundin sa pagbawi ng Filipino time, na ito ay nakabagay sa panahon, ng mga bahagi o
nasa lawas ng sangkabagayan. Sa paghihimay ni Benitez ng panahon bilang pang-taon,
pang-dahon, panauhin, hanggang sa salitang nahon, maiisip na ang Filipino time ay
panahong [naka-]”tuod” sa sangkabagayang Filipino, na maaaring magbago batay sa mga
bagay na paparating na nararanasan at nasusumpungan ng komunidad.
Bilang susog sa ganitong pagsasalansan ni Benitez upang tangkaing angkinin at
idekolonisa ang kamalayang Filipino time at estetika o dating, itinampok ni Lefebvre
sa kaniyang talinghaga ng urban possible ang positibong pagtanaw sa espasyo, na ito ay
birtuwal, tangkain mang ilubid o itali ng iba’t ibang ahensiya ng pag-unlad, at tiyak na
hindi ito blangkong lulan ng pamantayan para ikulong o igapos ito sa rubrik ng pag-unlad
ayon sa linear na pag-ikot-ikot ng oras. Mariing tinawag ni Lefebvre na ang urban possible
o espasyo ay bunga ng mga repaso, ng fragments ng mga gawi, kamalayan, pagtataya,
karanasan ng mga bagay at tao sa komunidad. Ito ay isang oeuvre, salitang Pranses na
nangangahulugang likhang sining, na binuo sa sangkabagayan ng isang tao, sa kaniyang
panahon. Kaya ang panukala ni Lefebvre na right to the city ay kritikal na maitutuod din sa
tangkang pag-angkin ni Benitez sa Filipino time at panunuring dating. Nagiging katangi-
tangi ang mismong dalumat ni Benitez, labas sa lawas ng kamalayang Pranses ni Lefebvre,
bilang ang pakikibagay ng Filipino sa kaniyang sangkabagayan ay naka-ugat na simula
pa noong panahong nakibagay at nakipanahon ang mga kolonisador na Español. Kuyom-
kuyom na ng proyekto ni Benitez ang pakikipanahon at pakikibagay bilang pag-aangkin na
mismo ng sangkabagayan, sa pagkabagay nito, na hindi na kailangang maging ‘birtuwal’
ng pag-aangkin ng nasyon-estado, ng bayan, o komunidad, ng Filipino time, bagkus, ito ay
tradisyong malay ng mga Filipino.
Pagmumuymoy nga ni Benitez sa panghuling pananalita niya, “… na sa panahon,
maaari din palang, halimbawa, umatras ang agos [ng sapa]” (307), na nagbubukas siya
ng isang aktuwal at birtuwal na posibilidad para tumigil sandali ang sangkabagayan sa
salukoy na ito, upang balikan, pagmunihan, at muling makitaon at makibagay ang bawat
isa. At ang kamalayang ito sa proyekto ni Benitez ay kritikal, ngunit nagpapaalala sa atin
ng pagpapakumbaba, bilang kumakatawan sa sangkabagayan, ng ating panahon.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Torre | Pakikipanahong Pagbasa 104

Mga Sanggunian
Benitez, Christian Jil. “Panahon at Bagay.” Isang Dalumat ng Panahon. Ateneo de Manila
U P, 2022, pp. 13-50.
---. “Hinggil sa bagay, Bilang paparating.” Isang Dalumat ng Panahon. Ateneo de Manila
U P, 2022, pp. 87-118.
---. “Kontemporaneo I: Sa Tropikalidad.” Isang Dalumaat ng Panahon. Ateneo de Manila
U P, 2022, pp. 119-150.
---. “Pagpapasagsag sa bugtong: Talinghaga’t pagmamahal.” Isang Dalumat ng Panahon.
Ateneo de Manila U P, 2022, pp. 227-266.
---. “#DuterteStandardTime: Pamamahalang pamanahon.” Isang Dalumat ng Panahon.
Ateneo de Manila U P, 2022, pp. 227-308.
Lefebvre, Henri. Urban Revolution, isinalin ni Robert Bonnono. U of Minnesota P, 2003.
Torre, Nathanielle. “Mga Dagliang Realisasyon: Buhangin at Panahon.” Isang Iglap
na Pagsirit, 17 Mayo 2018, avenge13.blogspot.com/2018/05/mga-dagliang-
realisasyon.html. Binuksan 19 Disyembre 2022.

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>
Torre | Pakikipanahong Pagbasa 105

Katipunan 10 (2022) © Ateneo de Manila University


<https://ajol.ateneo.edu/katipunan>

You might also like