Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

____1.

Anong pahayag ang nagbibigay ng wastong paglalarawan


sa karapatang pantao?

a. Pangkalahatan at legal na garantiya na dapat matamasa ng


lahat ng mabuting tao.
b. Ito ay para sa lahat at hindi maaaring ipagkait kahit sa
anumang pagkakataon.
c. Lahat ng karapatan na mahalaga para sa pangangalaga ng
dignidad ng isang tao.
d. Kondisyon kung saan magagawang malinang ang pagkatao
sa katamtamang antas.
____2. Ano ang pinakamahalagang layuning itinataguyod ng
karapatang pantao?

a. Pangalagaan ang dignidad ng tao


b. Matamasa ang kaunlaran ng bansa
c. Pagyamanin ang kakayahan ng tao
d. Makamit ang pagkakapantay-pantay
____3. Ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan, maging malaya at
mabuhay ng mapayapa ay bahagi ng karapatang
____________________________.
a. kultural c. panlipunan
b. pangkabuhayan d. sibil

____4. Anong bahagi ng Saligang Batas 1987 makikita ang


Katipunan ng mga Karapatan ( Bill of Rights )?

a. Artikulo II c. Artikulo XIII


b. Artikulo III d. Artikulo XV

____5. Ano ang pinakatanyag at pangunahing dokumento sa


mundo na nagtataguyod sa karapatang pantao?

a. Bill of Rights
b. Declaration on the Rights of Man and Citizen
c. Magna Carta

d. Universal Declaration of Human Rights

____6. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng epekto ng


paglabag sa karapatang pantao sa saykolohikal na aspekto?

a. Pagkakaroon ng trauma at depresyon


b. Tuwirang pananakit at panghahahalay
c. Kawalan ng sapat na kabuhayan
d. Pagdudulot ng kapahamakan
____7. Ang karapatang mabuhay, karapatan sa kalusugan,
karapatan sa pamilya at karapatan sa maayos na pamumuhay ay
kabilang sa karapatan ng kabataan na inuuri bilang
________________________________.
a. developmental rights c. special protection rights
b. participation right d. survival rights

____8. Alin sa mga hakbang ang isang paraan ng preventive


measure upang maiwasan ang mga kaso ng pang-aabuso sa
paaralan?

a. Pagbuo ng isang komite


b. Pag-iimbestiga sa insidente
c. Pagtugon sa reklamo o sitwasyon
d. Pagbibigay ng referral o resolusyon

____9. Anong suliranin ang hatid ng paglabag sa karapatang


pantao ang may kaugnayan sa pagkawala ng mga dating pisikal
na kakayahan at produktibidad?

a. Estruktural c. Pisikal
b. Pangkabuhayan d. Sikolohikal
____10. Paano nakakaapekto sa komunidad ang malawakang
paglabag sa karapatang pantao?

a. Nagkakaroon ng magkakatunggaling pananaw


b. Nagkakaroon ng disiplina bunga ng pagkatakot
c. Nagdudulot ang mga sigalot at karahasan

d. Nagdudulot ng medikal na suliranin

____11. Anong pangkat sa Mindanao ang nananawagan para sa


karapatan sa kanilang ancestral land na naaapektuhan ng sigalot
sa pagitan ng NPA at Hukbong Sandatahan ng Pilipinas?

a. Iranun c. Subanon
b. Lumad d. Tasaday

____12. Alin sa mga kaganapan ang nagpapakita ng pang-aalipin?

a. Pagdakip ng LRA sa Uganda ng mga bata upang sanayin na


maging sundalo
b. Pagpaslang ng Khmer Rouge sa mga intelektuwal na pangkat
sa Cambodia
c. Pagsasagawa ng suicide attack ng mga armadong pangkat
sa Afghanistan
d. Pag-iral ng di-makataong kondisyon sa isang bilangguan sa
Brazil

____13. Anong karapatan ang nilabag ng Russia ng hinadlangan ng


pamahalaan ang mga politikal na pagtutol at pinasara ang
malalayang media na tutol sa pamamalakad ng pamahalaan?

a. Karapatan sa Pagpapahayag
b. Karapatan sa Paggalaw
c. Karapatan sa Paniniwala
d. Karapatan sa di-makataong pagpaparusa
____14. Ano ang unang pinakamabisang paraan upang hindi
malabag ang karapatang pantao?

a. Dumulog sa pandaigdigang korte


b. Dumulog sa hukumang pambarangay
c. Isabuhay ang mga karapatan
d. Alamin ang mga karapatan
____15. Anong ahensiya ng pamahalaan ang tanggapan para sa
mga hinaing na may kinalaman sa paglabag sa karapatang
pantao na isinagawa ng mga may kapangyarihan?

a. Civil Service Commission c. Department of Justice


b. Commission on Human Rights d. Office of the Ombudsman

____16. Anong oryentasyong sekswal ang may atraksiyon sa


indibidwal na nabibilang sa opposite sex?

a. bisexual c. homosexual
b. heterosexual d. transgender
____17. Si Travis ay naniniwala na dapat ang lalaki ang nasusunod
at may awtoridad sa pamilya. Anong uri ng diskriminasyon ang
ipinapahayag dito?
a. edad c. kulay ng balat
b. kasarian d. lahi

____18. Anong salik ang sumusuporta o nagtataguyod sa mga


patriyarkal na lipunan?

a. biyolohikal c. pisikal
b. kabuhayan d. sosyo-kultural

____19. Anong salik ang humuhubog sa gender role ng isang


indibidwal na binubuo ng mga tao na kapareho ng edad, antas at
mga interes?

a. mass media c. pamilya


b. paaralan d. peer group

____20. Alin ang HINDI kabilang sa mahahalagang probisyon ng


Reproductive Health Law?

a. Pagtatago ng impormasyon ukol sa programa at mga serbisyo


b. Pagkakaloob ng modernong pamamaraan ng pagpaplano
ng pamilya
c. Pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga health professional
d. Pamamahagi ng mga suplay para sa pagpaplano ng pamilya

You might also like