Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Quarter 3

SUMMATIVE TEST 2
WEEK 1-2
FILIPINO 10
Name: ________________________________________ LRN: _________________________
Teacher: ______________________________________ Section: ______________________
Score: _________
MELC/S: Mitolohiya: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia

I.Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa patlang.

_____1. Siya ang nagsalin sa Filipino ng mitolohiyang “Liongo”.


A. Rogelio O. Sicat C. Roderic P. Urgelles
B. Jose Corazon de Jesus D. Cristtina S. Chioco
_____2. Kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam.
A. Liongo C. Mbwasho
B. Haring Ahmad D. Shangha
_____3. Sa mitong Liongo, ano ang ibig sabihin o pinagmulan ng matrilinear?
A. Pamamahala ni Liogo sa Faza
B. Pamamahala ng mga kabataan
C. Pakikipaglaban ni Liongo laban sa gala
D. Pamamahala ng kababaihan sa pagsasalin ng trono
_____4. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa mitong Liongo?
A. Huwag agad magtitiwala sa iba, baka ang taong nakapaligid sa atin, sila pa ang dahilan ng
ating pagkasira.
B. Tayong mga Pilipino ay likas na mapagmahal sa ating pamilya, handang tumulong lalo na sa
panahon ng problema.
C. Ang malapit na relasyon sa pamilya ay isang likas na katangian na tipikal sa pamilyang Pilipino.
D. Ang mga nakagisnan nating Pilipino na madali tayong magtiwala lalo na sa
sa ating sariling kadugo ngunit sa huli tayo pa ang mapapahamak.
_____5. Ito ang katangiang taglay ni Liongo kaya’t siya ay naging matagumpay na mandirigma?
A. Magaling umawit C. Mataas na tulad ng higante
B. Mahusay na makata D. Hindi nasusugatan ng anumang armas
_____6. Batay sa akdang pinamagatang “Liongo” anong kultura ang ipinakita ng mga tauhan?
A. Traydor sa kalaban
B. Pagpapahalaga sa kapangyarihan
C. Paglilihim ng taglay na kapangyarihan
D. Paggamit ng agimat upang magtagumpay
_____7. Anong kaisipan ang nais bigyang- pansin sa akdang Liongo?
A. Ang kapangyarihan na nakamit sa di makatuwirang paraan ay nawawala sa gayunding
kaparaanan.
B. Ang kapangyarihan ng tao ay di maaaring maagaw ninuman.
C. Maaaring magtraydor ang sariling anak sa kaniyang ama.
D. Itinatago ng ina ang lihim ng sariling anak.
_____8. Anong uri ng panitikan ang akdang “Zahhak, Ang Pinuno ng Merkado”?
A. Dula C. Mitolohiya
B. Nobela D.Maikling Kuwento
_____9. Saan nagmula ang mitolohiyang Liongo?
A. Africa C. Amerika
B. Persia D. Pilipinas
_____10. Saan nagmula ang mitolohiyang pinamagatang “Zahhak, Ang Pinuno ng Merkado”?
A. Africa C. Amerika
B. Persia D. Pilipinas
_____11. Sino ang pumatay kay Liongo?
A. kanyang ina C. kanyang anak
B. kanyang ama D. kanyang pinsan

More downloads: https://www.depedtrends.com


_____12. Anong paligsahan ang napanalunan ni Liongo?
A. paligsahan sa pagpana C. paligsahan sa pagtakbo
B. paligsahan sa pagbaril D. paligsahan sa paglangoy
_____13. Ano ang tawag sa paglilipat sa pinagsasalinang- wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at
estilong nasa wikang isasalin?
A. Pagsasalaysay C. Pagpapaliwanag
B. Pagkukuwento D. Pagsasaling-wika
_____14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat taglayin ng isang tagapagsalin?
A. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
B. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
C. May kaalaman sa kultura ng isang bansa lamang na may kaugnayan sa pagsasalin.
D. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

Para sa bilang 15
Panuto: Ibigay ang tamang pagkakasalin sa pahayag na may salungguhit.
_____15. Ayon kay Mandela, “A winner is a dreamer who never gives up”. Ano ang tamang pagkakasalin
sa pahayag na sinalungguhitan?
A. Nananalo ang taong hindi sumusuko sa kanyang mga pangarap
B. Magtatagumpay ang taong magsisikap sa buhay
C. Aahon sa hirap ang taong may pangarap
D. Magpupursigi para sa mga pangarap
_____16. Ano ang katangiang taglay ni Liongo kaya’t naging matagumpay siyang mandirigma?
A. Mahusay na makata C. Mataas gaya ng higante
B. Magaling umawit D. Di nasusugatan ng anumang armas
_____17. Alin sa mga naging desisyon ni Liongo ang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay?
A. Panatiling lihim ang paraan kung paano siya mapapaslang.
B. Sakupin ang trono ng Pate na unang pinamunuan ng kanyang pinsan si Haring Ahmad.
C. Pagtakas ni Liongo at paninirahan sa Watwa.
D. Pagpapakasal ni Liongo sa anak ng hari.
_____18. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO ukol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa
at Persia?
A. Ang mitolohiya ng Africa at Persia ay may pagkakatulad sa mga tauhan.
B. Ang mitolohiya ng Africa at Persia ay may pagkakatulad sa tagpuan.
C. Ang mitolohiya ng Africa at Persia ay may pagkakatulad sa banghay.
D. Ang mitolohiya ng Africa at Persia ay may pagkakaiba sa tema/paksa.
_____19. Batay sa akda, anong kilos o gawi ang ipinapakita ng mga tauhan?
A. pagiging marahas upang manatili sa kapangyarihan
B. paggamit ng agimat upang magtagumpay
C. pagiging traydor sa kalaban upang magtagumpay
D. paglilihim sa taglay na kapangyarihan
_____20. Alin ang kasabihang angkop na maiuugnay sa mitolohiyang “Liongo”?
A. Walang lihim na hindi nabubunyag.
B. Ang tunay na matapang, nag-iisip bago lumaban.
C. Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.
D. Ang katotohanan ang magpapalaya sa iyong kasalanang nagawa.
_____21. Lahat ay katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin maliban sa isa. Alin ito?
A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
B. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wika.
C. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa.
D. Sapat na kaalaman sa kasaysayan ng dalawang bansa.
_____22 Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagiging kamalian o kahinaan sa pagsasalin?
A. Nagbabago ang diwa ng orihinal
B. Madaling maunawaan ang kahulugan
C. Maling pili ng terminolohiya
D. Maling anyo ng gramatika

More downloads: https://www.depedtrends.com


Panuto: Gamit ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika, piliin ang pinakamabisang salin sa mga
sumusunod.
_____23 “Tis better to have loved and lost than never loved at all.
A. Mabuti pa ang umibig kaysa masaktan lamang.
B. Mabuti pa ang magmahal kaysa ikaw ang mahalin.
C. Mabuti pa ang masaktan ngayon kaysa bukas pa roon.
D. Mabuti pa ang umibig at masaktan kaysa hindi umibig kailanman.
_____24. “ A negative mind will never give you a positive life.”
A. Ang isip na negatibo ay hindi magbibigay ng buhay na positibo.
B. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.
C. Ang negatibong pag-iisip ay hindi maghahatid ng magandang pamumuhay.
D. Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.
_____25. “Laws grind the poor and the rich man rule the law.”
A. Ang mga batas ang nagpapahirap sa mga aba habang ang mayayaman ang nagpapatakbo sa
batas.
B. Mapalad ang mga mayayaman sapagkat sila ang nakapangyayari sa mga mahihirap.
C. Walang pagkakapantay-pantay sa ilalim ng batas.
D. Ang batas ay ginawa upang lalong pahirapan ang mahihirap at pagaanin ang buhay ng
mayayaman.
_____26 Ano ang tawag sa isang natatanging kuwento na tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala
at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao?
A. nobela C. maikling kuwento
B. epiko D. mitolohiya
_____27 Alin sa mga elemento ng mitolohiya ang tumutukoy sa maraming kapana-panabik na pangyayari,
nakatuon sa mga suliranin at kung paano malulutas at magng sa ugnayan ng tao at ng mga diyos at
diyosa?
A. tauhan C. banghay
B. tagpuan D. tema
_____28 Bakit mahalaga ang mitolohiya?
A. Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkalikha ng mundo at mga natural na
pangyayari.
B. Mahalaga ang mitolohiya upang makilala ang mga diyos at diyosa.
C. Mahalaga ang mitolohiya upang makabasa ng isang kuwentong kamangha-mangha.
D. Mahalaga ang mitolohiya upang malinang ang kahusayan sa pagbasa.
_____29 Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng mitolohiya?
A. Tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap
sa araw, buwan at daigdig.
B. Walang kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon.
C. Nakatuon sa pagpapaliwanag sa mga natural na pangyayari.
D. Ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa.
_____30. Alin sa mga elemento ng mitolohiya ang tumutukoy sa pagpapaliwanag sa natural na mga
pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, paguugali ng tao, mga paniniwalang panrelihiyon, katangian
at kahinaan ng tauhan at mga aral sa buhay?
A. tauhan C. banghay
B. tagpuan D. tema

More downloads: https://www.depedtrends.com


ANSWER KEY
1. C
2. A
3. D
4. B
5. D
6. B
7. A
8. C
9. A
10. B
11. C
12. A
13. D
14. C
15. D
16. D
17. B
18. D
19. C
20. C
21. D
22. B
23. D
24. C
25. A
26. D
27. C
28. A
29. B
30. D.

More downloads: https://www.depedtrends.com

You might also like