Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Written Report

(Group 5)

“Ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig”


Ikalawang Republika sa ilalim ng mga Hapones (Jose P. Laurel)

Ang pananakop ng bansang Hapon sa Pilipinas ay isang planadong hakbang.


Noong Enero 3, 1942, ideneklara ni Heneral Masaharu Homma na ang Maynila ay
tuluyan ng bumagsak sa kamay ng mga Hapones. Pinahayag din niya na ang Pilipinas
ay gagawing bahagi ng programa ng Hapon na sama-samang kaunlaran.

Samantala ang puwersang Amerikano at Pilipino ay nabuo sa Corregidor at Bataan


upang duon palakasin ang depensa ng Pilipinas. Ngunit sa lakasng Hapon at sa
papaubos na kagamitang pangmilitar ay napilitang isuko ni Heneral Edward King Jr.
ang pwersa sa Bataan at noong Abril 9, 1942, ang pwersa ng mga Pilipino at
Amerikano ay napasailalim sa pagpapahirap ng mga Hapon.

Death March – tawag sa pagpapahirap ng mga Hapon

Pangakong kalayaan ang isa sa ginagamit ng mga Hapones upang makuha ang
suporta ng mga Pilipino.

Jorge Vargas – nanungkulan bilang pangulo ex-officio

Sa ilalim ng Saligang Batas na ito ay isang malayang Pilipinas ang itinatag na may
tatlong sangay:

 Ehekutibo (sa ilalim ng Pangulo)


 Lehislatibo (Pambansang Asembleya)
 Hudikatibo (Korte Suprema)

Jose P. Laurel – nahalal bilang Pangulo ng Pilipinas noong Setyembre 23, 1943

Benigno S. Aquino – nahalal na Ispiker ng Pambansang Asembleya

Para sa marami isa lamang puppet ang Pangalawang Republika dahil si Quezon
pa rin ang kinikilala nilang pangulo.
Tugon ng mga Pilipino sa pag-sakop ng mga Hapon

Nagkaroon ng malawakang taggutom dahil sa mataas na halaga ng mga bilihin.


Nagkaroon din ng kempetai na patuloy na nagpalaganap ng kultura ng takot at
pangamba. Patuloy na nagkaroon ng tahasang paglabag sa karapatang pantao.

Kentai – Military Police noong panahon ng Hapon

Water cure at torture – uri ng parusa

Ang usapin ng mga Comfort Women kung saan pinagsasamantalahan ng mga


Hapon ang mga kababaihan.

Dahil sa kaapihan na natamasa ng mga Pilipino noong panahon ng Hapon ay


nagkaroon ng mga grupong geilya.

Paglaya ng Pilipinas mula sa Bansang Hapon

Noong Agosto 9, 1944, binomba ng Amerikano ang Davao, iba pang bahagi ng
Mindanao at iba pang base ng Hapon.

Noong Setyembre 21, 1944, ay nagsagawa sla ng air raid sa Maynila.

Noong Oktobre 20, 1944, ay dumaong ang puwersa ni MacArthur sa Leyte


kasama si Osmena.

Noong Oktobre 23, 1944, ay muling itinatag ni Pangulong Osmena ang


Komonwelt sa Leyte.

Noong Pebrero 3, 1945, muling nakapasok ang mga sundalong Amerikano sa


Maynila.

Warsaw of Asia – ang tawag sa Maynila

Noong Pebrero 27, 1945, ay pormal ng isinalin ni Heneral Douglas MacArthur


ang pamahalaang sibil kay Pangulong Osmena.

Noong Abril 27, 1945, nakuha ang Lungsod ng Baguio.


Noong Hunyo 4, 1945, inihayag ang paglaya ng buong Pilipinas mula sa mga
Hapones.

Noong Agosto 17, 1945, isang pormal na proklamasyon na bumubuwag sa


Ikalawang Republika ng Pilipinas ang ipinalabas ni Laurel.

Pagtatatag na muli ng Pamahalaang Komonwelt

Matapos na makuha ang Maynila sa kamay ng mga Hapones at makaraang


maisalin kay Osmena ang pamahalaang sibil. Ang pagsasaayos ng Pamahalaang
Komonwelt. Ang nasira sa mga bansa ay hindi lamang ang mga gusali ngunit
maging ang pagkatao at pagtitiwala ng mga mamamayan ay bumaba rin. Noong
1946, ginanap ang huling nalalan sa Pilipinas sa ilalim ng Komonwelt.

Manuel A. Roxas – ang huling Pangulo ng Komonwelt at unang Pangulo sa ilalim


ng Ikatlong Republika.

Elpidio Quirino – nahalal na pangalawang pangulo.

You might also like