Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Group 3

AP Report

Ano ang monopsonyo?


 Ito ang estruktura ng pamilihan na kabaliktaran ng monopolyo sapagkat ang
monopolyo ay may iisa lamang produsyer ngunit maraming mamimili samantala ang
Monopsonyo naman ay may iisa lamang mamimili ngunit maraming produsyer. Sa
kalagayang ito, ang may kapangyarihan ay ang consumer at maaari nilang
maipluwensyahan ang presyo sa pamilihan. Ibigsabihin maaari nilang pataasin o
pababain ang presyo ng bilihin.

 Ang magandang maidudulot ng istrukturang monopsonyo sa pamilihan ay ang


siguridad ng konsyumer sa produkto o serbisyo na tinatangkilik. Ang Konsyumer ay
nakapagdidikta din ng presyo at nakapipili ng dekalidad ng produkto.

 Kapag ayaw babaan ng prodyuser ang kaniyang presyo, maaring itigil muna ng nag-
iisang konsyumer ang kanyang pagkonsumo sa gayon ay mapipilitan ang produsyer
na bawasan ang presyo.

 Tulad ng sa monopolyo, ang epekto ng monopsonyo sa lipunan ay hindi nakabubuti


sa mabisa at episyenteng alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman dahil sa
pagkontrol sa dami at pagbabayad ng pinaka-mababang presyo, ang karagdagang
kasiyahan sa lipunan ng produkto ay mas mataas kaysa karagdagang sakripisyo sa
lipunan

 Ang mabisang halimbawa ng ganitong anyo ng pamilihan ay ang pamahalaan na


nag-iisang kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod sa mga pulis, sundalo, bumbero,
traffic enforcer, at iba pa. Dahil ang pamahalaan ang nag-iisang kumukuha ng
serbisyo ng mga nagbanggit bilang empleyado, ito ay may direktang kapangyarihan
sa pagtatakda ng halaga ng pasahod sa mga ito.
Ang mga larawan sa ibaba ay ibang halimbawa na magpapaliwanag sa estrukturang
monopsonyo:

GURO Traffic Enforcer

Question:
1. Ito ang estruktura na may iisa lamang mamimili ngunit maraming produsyer.
MONOPSONYO

2. Ito ang may kapangyarihan at impluwensyahan ang presyo sa pamilihan, maaari


nilang pataasin o pababain ang presyo ng bilihin? KONSYUMER

3. Ano ang epekto sa prodyuser kapag itinitigil ng konsyumer ang pagkonsomo ng


kanilang produkto. MAPIPILITAN ANG PRODYUSER NA BAWASAN ANG
PRESYO

You might also like