Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN III

Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pang-unawa sa mga gawaing pangkabuhayanat bahaging ginagampanan
ng pamahalaan at ang mga kasapi nito, mga pinuno at iba pang naglilingkod tungo sa
pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

Pamantayan Sa Pagganap
Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlalawigan tungo sa
ikakaunlad ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

Pamantayan Sa Pagkatuto
Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pakikiisa,kaayusan at kaunlaran ng sariling lalawigan
sa kinabibilangang rehiyon.

I. Layunin
Pagkatapos ng apatnapung minuto ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. natutukoy ang iba’t ibang paraan sa pakikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan sa
lalawigan ng Isabela,
B. naisasagawa ang pakikiisa sa mga proyekto ng lalawigan ng Isabela sa malikhaing
pamamaraan; at
C. naipakikita ang pagpapahalaga ng magandang dulot ng mga Proyekto sa Lalawigan
ng Isabela.

II. Nilalaman

A. Paksa: Ibat Ibang Paraan sa Pakikiisa sa mga Proyekto ng Pamahalaan sa Lalawigan


ng Isabela

B. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro: pp 240-243
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral: pp.465-472 and Curriculum Guide
AP3EAP-IVh-15
3. Internet Info Sites (Mga Proyekto sa Lalawigan ng Isabela)

C. Iba pang Kagamitang Panturo: LCD, Projector, laptop, mga larawan, kartolina,
marker pen,plakards,metakards.
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin
Mga bata may mga metakard akong inihanda
para sa inyo.Basahin ninyo nang tahimik
ang mga ito habang pinapakinggan ang aking
nirekord.Itataas niyo lamang ang plakard na hawak
niyong masayang mukha kung ito ay
dapat gawin at itaas naman ang plakard
na malungkot ang mukha
kung ito naman ay hindi dapat gawin.
(Pagproseso sa sagot ng mga bata.)
Sumali sa mga paligsahan sa paaralan.

Magputol ng mga maliliit na puno.

Pumunta sa “health center” para sa libreng


pagpapagamot.

Lumiban sa klase kung may palatuntunin sa


paaralan.

Makiisa sa Brigada Eskwela.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


Mga bata, ang ating ginawa kanina ay
may kaugnayan sa pag-aaralan natin ngayon.
Matutunan natin sa araling ito, kung paanong
paraan natin maipakikita ang ating
pakikilahok sa mga proyekto sa lalawigan
ng Isabela.
Upang lalo nating maintindihan ang ating (Ang dayalogo ay ipakikita

bagong aralin ay ating basahin ang sa pamamagitan ng powerpoint).


isang dayalogo.Althea,ikaw ang gaganap
bilang Elsa. Si Mariella naman kay Ella.
Ngunit bago natin basahin ang dayalogo
muli nating alalahanin at isagawa ang mga
pamantayan sa pagbasa nang malakas
at sa pakikinig. Ano ang dapat nating isa
alang-alang kapag may nagbabasa? Huwag maingay sir.
Unawain ang binabasa.
Huwag makipag-usap sa katabi.
Basahin nang malakas.
Pakinggan na natin ang dayalogo
nina Elsa at Ella.
(Babasahin nina Althea at Mariella).
C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Base sa inyong napakinggang dayalogo,
tungkol saan ang pinag-uusapan nina
Elsa at Ella?
Sige nga, Jan Mhiel. Ang pinag-uusapan nina Elsa at Ella
ay tungkol sa proyekto na inilunsad
ng pamahalan sir.
Tumpak! At anong proyekto ito?
Sige nga, Emerald faye. Tungkol ito sa proyektong
reforestation.
Magaling. Ano ang ginawa nina Elsa at
Ella para makatulong sa kalikasan?
Maaari mo bang subukan, Jemimah.
Ang ginawa nina Elsa at Ella ay
sumali sa proyekto ng pamahalaan
na reforestation.
Tama!Ngayon sa susunod nating gagawin
ay aaralin natin ang mga proyekto ng ating
pamahalaan sa lalawigan.

D.Pagtatalakay ng bagong konsepto


May mga larawan akong ipapakita sa inyo.
Suriin ninyo itong mabuti.
Pero bago natin panoorin ang mga larawang ito,
ay papangkatin ko kayo sa tatlo. Bawat grupo
ay bibigyan ko ng mga materyales.
Isusulat ninyo dito ang mga proyekto ng lalawigan
gamit ang graphic organizer na Semantic Web.
Bibigyan ko kayo ng 10-minuto para gawin ito.

Unang Pangkat
Proyekto ng lalawigan
Libreng Bakuna
Libreng bunot ng ngipin Libreng Tuli
PANG-KALUSUGAN

Pagbibigay ng libreng gamot.


Pangalawang Pangkat
Proyekto ng lalawigan

Clean and Green Program

Earthquake
Tapat ko,Linis ko! Drill Drill
PANG-KALIKASAN

Reforestation Program

Pangatlong Pangkat

Proyekto ng lalawigan
Php10,000 libreng pang-negosyo

Pautang na PANG-KABUHAYAN Libreng


walang interes binhi

Libreng pagbibigay ng biik (baboy)

(Iwawasto ng guro ang ginawa ng mga

bata sa pamamagitan ng paggamit ng rubric)


Pamantayan 3-Mahusay na 2-Pwede na 1-
Pagbutihan pa
I II III
1.May angkop na
pamagat.
2.Maayos ang
pagkakabuo ng
semantic web.
3.Malinis ang
pagkakasulat ng
linya,kahon at
kaalaman.
4.Tama at
nauunawaan ang
nilalaman.
5.Wasto ang
baybay,bantas na
ginamit sa
pangungusap.
Kabuuan

E. Panlinang sa Kabihasaan
Ngayon ay bumalik kayo sa inyong
grupo. Bawat pangkat ay pipili ng isang
lider upang ipresenta ang kanilang gagawin
mamaya.

(Pagsasagawa ng mga bata sa gawain)

May mga proyekto ang ating pamahalaang


Isabela.Bilang mag-aaral, itala ninyo
kung paano ninyo maisasagawa ang
pakikiisa sa mga proyektong ito.

Unang Pangkat
Proyekto ng Lalawigan Ang Aking Magagawa
Clean and Green Project -Tumulong sa paglilinis
-Hinihiling ng lalawigan ng bakuran.
na maging malinis ang -Itapon ang basura sa
kapaligiran ng bawat tamang tapunan.
pamayanan. -Ihiwalay ang nabubulok
sa di-nabubulok.

Pangalawang Pangkat

Proyekto ng Lalawigan AngAking Magagawa


Medical Mission -Dadalo ako kasama ang
Program aking magulang para
-Hinihikayat ang mga magpabunot ng
Isabelino na makilahok ngipin,magpatuli at
sa libreng pagamutan, makakuha ng libreng
pagtutuli at pagbubunot gamot.
ng ngipin. -Iinumin ko ang vitamins
na bigay nila

(Pag-uulat ng mga bata)


(Iwawasto ng guro ang ginawa
ng mga bata sa pamamagitan
ng paggamit ng rubric).
Rubric sa Pag-uulat
Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong
5 3 mahusay
1
Paglalahad Malinaw na May May dalawa o
nailahad ang nakaligtaang higit pang
pakikiisa sa ilahad sa hindi nailahad
proyekto. proyekto. sa proyekto.
Nilalaman Tama ang May May dalawa o
nilalaman nakaligtaang higit pa ang
nilalaman. nawawala sa
nilalaman.

F. Paglalahat ng Aralin
Ano ang natutunan ninyo sa mga ginawa
natin kanina?
Ang natutunan ko sa ating mga
ginawa kanina ay ang iba’t ibang
proyekto sa ating lalawigan.
Magaling! Ano pa?
Natutunan ko rin na mahalaga ang
pakikipagtulungan sa mga programa
o proyekto ng Isabela.
Mahusay! Ano ang benepisyo ng mga
proyektong ito sa mga tao?
Subukan mo nga, Princess.
Ang benepisyo ng proyektong ito sa
mga tao ay mas lalo silang maging
masipag, at produktibo bilang isang
mamamayan.
Tama!Ano pa?
-Makakatulong po ito sa kalusugan,
kabuhayan ng mamamayan at mas
lalong madadagdagan ang kanilang
kaalaman.
Mahusay! Bilang bata,sa paanong
paraan ninyo maipapakita ang inyong
pakikilahok sa mga proyekto ng pamahalaan?
Sige nga, Mikaela.
Maipakikita ang pakikilahok sa mga
proyekto ng pamahalaan kung ang
lahat ay makikiisa at dumadalo sa
mga programa ng pamahalaan sa
lalawigan.
Bakit mahalaga ang pakikiisa at dumalo sa
programa ng pamahalaan sa lalawigan?
Sige nga, Jonas.
Mahalaga ang pakikiisa ng bawat isa
upang maging matagumpay ang mga
proyektong ito sa ikakaunlad ng
lalawigan.

Magaling! Ano pa? *Pagtutulungan rin po.

Tama!
Mahusay ang inyong mga sagot.
Lahat ng mamamayan ng lalawigan,
bata man o matanda ay makakaambag
sa pag-unlad ng lalawigan lalo na kapag
sasali at susunod tayo sa kanilang
programa o proyekto.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang Araw-Araw na Buhay

Magkakaroon ulit tayo ng pangkatang


gawain.Ano ulit klas,kapag may
pangkatang gawain? Magkaroon ng kooperasyon sir
Gawin ang aktibidad ng walang ingay.
(Ang mga bata ay gagawin ang aktibidad).

“Ang Aking Pakikiisa sa mga Proyekto ng


Pamahalaan.”
Ang pagtutulungan ng bawat mamamayan ng
lalawigan ay mahalaga sa kaunlaran sa
pagtutulungan, nagiging mas aktibo ang bawat isa.
Mabilis matapos ang gawain kung kaya marami pang
ibang gawain ang maaaring mapagtuunan ng pansin.

Unang Pangkat

Nakagagawa ng simpleng dula-


dulaan na makikita ang
pagtutulungan.

-Pag-uulat

Pangalawang Pangkat

Nakagagawa ng tula na may apat na


linya na may paksang
“Pakikiisa sa Proyekto ng
Isabela”.
“Tutulong Ako”

Proyekto ng Lalawigan
Aking Sasalihan
Upang Isabela, Aking Bayan
Ay uunlad para sa kinabukasan.

-Pag-uulat

( Ilalahad ng mga bata ang


kanilang ginawa).

(Iwawasto ng guro ang mga ginawa ng


mga bata sa pamamagitan ng rubrik)

Indikasyon ng Napakahusay naGawain


b. Ang gawain ay naipapakita ang pakikiisa sa mga proyekto
ng pamahalaan.
c. Abilidad sa pag-arte, at pagbigkas/pagsulat ng tula ay
nakikita.
d. Ang gawain ay mahusay, maganda, at malikhain.
Deskripsyon Puntos Indikasyon I II III
Napakahusay 4 Nagawa lahat a,b,c.
Mahusay 3 Nagawa lang ang a,b
hindi ang c.
Maganda 2 Nagawa ang a o b
hindi ang c.
Di-Maganda 1 Nagawa lang ang c
hindi ang a o b.
Walang 0 Walang ginawa o
Natapos natapos.
Kabuuan:

H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Ano ang iyong saloobin at mga paraan ng pakikiisa sa mga proyekto ng
lalawigan? Sumulat ng isang talata na binubuo ng 3-5 pangungusap.

Rubric sa Pagbibigay ng Puntos


Batayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos
Nilalaman Tama at Tama at Medyo tama Hindi gaanong Hindi tama at
napakaganda maganda ang at medyo tama at maganda hindi maganda
ng nilalaman nilalaman ng maganda ang ang nilalaman ang nilalaman
ng talata talata. nilalaman ng ng talata. ng talata.
talata.
Organisasyon Napaka ayos Maayos ang Medyo Hindi gaanong Hindi maayos
ng pagkakasunod maayos ang maayos ang ang
pagkakasunod- -sunod ng pagkakasunod pagkakakasunod pagkakasunod-
sunod ng mga mga -sunod ng -sunod ng mga sunod ng mga
pangungusap at pangungusap mga pangungusap at pangungusap at
napakalinis ng at malinis ang pangungusap hindi gaanong hindi malinis
pagkakagawa. pagkakagawa. at medyo malinis ang ang
malinis ang pagkakagawa. pagkakagawa.
pakakagawa.

I. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin


Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ipinakikita ang pakikiisa sa proyekto ng
pamahalaan at ekis ( ×) kung hindi.

____1.Sundin ang programa ng pamahalan.


____2.Aasa ako sa mga taong maglilinis ng tapat ng aming bahay.
____3. Makikiisa ako sa pagtatanim ng puno sa aming barangay.
____4. Umiwas sa pagpupulong ng mga organisasyon ng mag-aaral sa paaralan.
____5. Pumunta sa mga libreng Medical Mission.
____6.Sasabihin ko sa magulang ko na tumulong sa “Brigada Eskwela”.
____7. Hindi sasali sa mga paligsahan sa paaralan.
____8.Linisin ang tapat ng bahay araw-araw.
____9. Hindi makiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
____10.Dahil miyembro ako ng 4p’s ay mag-aaral ako ng mabuti.

IV. Mga Tala

V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na mahusay na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

You might also like