Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SANHI NG DIGMAAN

Malaki ang epekto ng digmaan sa pagbabago ng pulitikal na aspekto ng mundo. Tuluyang nabuwag ng
digmaan ang kapangyarihan ng mga nanghihinang imperyo ng Europa. Sa taong 1945, tanging dalawang
bansa lamang ang natirang nangingibabaw sa lahat: ang Estados Unidos at Unyong Sobyet. Mayroong
malakas na militar at pang-ekonomikong kapangyarihan ang Estados Unidos, habang nananig ang
Unyong Sobyet sa pagkakaroon ng Ideolohiya.

Ang Tensyon sa Pagitan ng Bagong Superpowers

Maituturing na simula ng tension sa pagitan ng dalawang bansa ang pagumpisa ng dalawang pagtitipon
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig: ang Yalta Conference at Potsdam Conference. Ito ay ilan sa mga
mga wartime conference na idinaos ng Big Three- ang Gran Britanya, Unyong Sobyet at Estados Unidos,
noong 1945 para pag usapan ang aksyon ng Allied Powers laban sa Alemanya at Hapon. Sa mga
pagpupulong hinarang ng Britanya at Estados Unidos ang Unyong Sobyet na isulong ang Komunismo sa
Poland (Yalta) at Alemanya (Potsdam).....

Nuclear Arm Race

Matapos gamitin ng estados Unidos ang atomic Bomb sa Hapon, pinapatuloy nila ang pag-aaral at
pagpapaunlad nito sa isang lihim na proyektong tinatawag na Manhattan Project. Noong 1945, tanging
Estados Unidos pa lamang ang mayroong Sandatang Atomiko. Tinapatan ito ng Unyong Sobyet sa
pamamagitan ng pagpapaunlad ng sarili nilang sandatang atomiko. Pagdating ng 1949, nakagawa na ang
Unyong Sobyet ng kanilang pinakaunang Atomic Bomb.....

Hidwaang Ideolohiya

Pagkatapos ng digmaan, humiwalay ang Unyong Sobyet at mga Estado nito sa anumang ugnayan sa
Kanluran. Dulot ito sa pagkakaiba sa kaisipang pulitikal, militar at ideyolohikal. Nakaugat sa komunismo
ang pamamahala ng Unyong Sobyet at taliwas ito sa demokratikong kaisapan ng Kanluran. Nakabatay sa
Kolektibismo ang Sobyet at pinapahalagahan ng mga Amerikano ang indibidwalismo....
Pagpapalawak ng Komunismo at Policy Containment

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaan, nagsagawa ng policy of containment ang Estados Unidos upang
pigilan ang pagkalat ng komunismo. Tinatawag din itong Truman Doctrine. Ilan sa mga hakbang na
ginawa nila sa pagpapatupad nito ang pagsasagawa ng Marshall Plan at pagtatag ng (NATO).

Sa Marshall Plan o European Recovery Program, Tinulungan ng Estados Unidos ang mga bansa ng
kanlurang Europa at Hapon na makabangon sa pinsala ng digmaan. Nagbigay sila ng ayuda upang
makabawi ang ekonomiya ng bansang ito. Layunin nila na umiwas ang mga bansang ito sa pagtanggap
ng komunismo. Ang NATO naman ang isang Alyansang militar na itinatag ng Estados Unidos at ilang
bansa sa Europa upang tapatan ang lumalakas na hukbong soviet sa Silangang Europa. Tinatapatan ito
ng Warsaw Treaty ng Unyong Sobyet upang palakasin ang militar ng kanyang estado.

Pagpapalawak ng Komunismo at Policy Containment

Sa Marshall Plan o European Recovery Program, Tinulungan ng Estados Unidos ang mga bansa ng
kanlurang Europa at Hapon na makabangon sa pinsala ng digmaan. Nagbigay sila ng ayuda upang
makabawi ang ekonomiya ng bansang ito. Layunin nila na uwiwas ang mga bansang ito sa pagtanggap ng
komunismo. Ang NATO naman ang isang Alyansang militar na itinatag ng Estados Unidos at ilng bansa sa
Europa upang tapatan ang lumalakas na hukbong soviet sa Silangang Europa. Tinatapatan ito ng Warsaw
Treaty ng Unyong Sobyet upang palakasin ang military o depensa ng kanyang estado.

Ang Polisiyang ito ang nagtulak sa Estados Unidos sa isang hindi direktang sagupaan laban sa Unyong
Sobyet sa pagpigil ng pagpapalwak nito ng komunismo. Una itong naipamalas sa kaganapang Berlin
Blockadenoong 1948.

Pagpapalawak ng Komunismo at Policy Containment

Tinangka ng Unyong Sobyet na limitahan ang abilidad ng Estados Unidos, Gran Britanya at Pransya na
lumakbay sa ilang bahagi ng Berlin, Alemanya na okupado ng ng mga Soviet. Hinarang nila ang lahat ng
mga daanan papunta sa kanlurang bahagi nang magsimula ng Marshall Plan ng Estados Unidos sa
Alemanya. Humantong ito sa pagtatayo ng Berlin Wall noong 1961.

Ang mga Anyo ng Cold War

Arms Race. Pagdating dekada '50, sapat na ang sandatang atomiko ng Estados Unidos at Unyong Sobyet
sa kanilang arsenal. Gayunpaman, takot sa pagkakaroon ng digmaang nukleyar ang pumipigil sa kanila.
Tinatawag itong Mutual Assured Distruction dahil alam nila na hahantong ito sa mas malawak na pinsala
sa kanilang mga bansa.
Proxy Wars. Kung papasok sa digmaan ang magkabilang panig, ito ay sa pamamagitan ng proxy wars.
Ang unang pagkakataon nito ay sa Korean War mula 1950 hanggang 1953 nang maglunsad ng atake ang
Hilagang Korea labansa Timog Korea sa layuning pagkaisahin ang bansa. Sinuportahan ng Unyong Sobyet
at Tsina ang hilagang Korea, habang nakuha ng basbas ang Estados Unidos mula sa United Nations na
bumuo ng alyansa upang suportahan ang timog Korea. Humantong sa isang Armistice ang Korean War
matapos ang tatlong taon na paghihirap sa magkabilang

Espoinage. Mahalaga ang ginampanan ng pag-iispiya sa Cold War at ipinakita ang patuloy na tension sa
pagitan ng Soviet Union at Estados Unidos. Pangkaraniwang hinahabol ang impormasyon militar,
particular ang tungkul sa sandatang nukleyar. Maraming espiya ang itinanim ng bawat bansa sa
mahahalagangh institusyon ng kalaban upang lihim na makakuha ng impormasyon, mgha military codes,
katauhan ng ibang espiya at marami pang iba.

Ang mga kilalang ahensya ng pag-iispiya ay ang Central Intelligence Agency (CIA) mng Estados Unidos,
Military Intelligence, Department 5 (MI-5) ng Gran Britanya; at KGB ng Unyong Sobyet. Aktibo ang mga
ito sa paglikom at pag-protekta ng kani-kanilang impormasyon noong Cold War.

Propaganda Warfare. Matindi ang Propaganda ng Cold war noong dekada '50 mhanggang dekada '60.
Itinaguyod ng bawat bansa ang ikinaganda at ikinabuting kanilang Sistema, habang sinisiraan ang kabila.
Nakapaloob ito sa edukasyon na hitik sa pagkamakabayan at pagpapahalaga sa pulitika na itinuturo sa
aralin ng Araling Panlipunan at Ingles.

Space Race. Nagdulot din ang Cold War ng "space race" o kompetisyon sa pagiging unang bansa na
makapunta sa kalawakan. Noong Oktubre 4, 1957 pinadala ng Unyong Sobyet ang "Sputnik," ang unang
satellite na ginawa ng tao sa kalwakan. Hindi ito ikinatuwa ng mgha Amerikano na nakikitang
panibagong lugar ng eksploirasyon ang kalawakan. Itinatag ng Estados Unidos ang NASA (National
Aeronotics and Space Administration) sa layuning alamin ang militaristikong potensyal ng kalawakan.
Pinadala ng Unyong Sobyet ang unang tao sa kalwakan, si Yuri Gagarin. Ang mga Amerikano naman ang
nanalo sa "space race" nsng magtagumpay silang magpadala ng unang tao sa buwan sa Apollo 11
mission noong Hulyo 1969.
Pagkatapos ng Cold War

Nagsimula humina ang hidwan sa pagitan ng dalawang bansa ng namatay si Stalin noong 1953. Taong
1963 nang magkaroon din ng Nuclear Test - Treaty sa pagitan ng dalawang bansa matapos nilang
mabatid ang malaking pinsala na dulot ng kanilang tindig sa komunismo. Sinubukan nila ang diplomasya
sa pamamagitan ng paghikayat sa United Nations na kilalanin ang Tsina at nagpataw ng mas maluwag na
polisiya sa Unyong Sobyetr. Kasabay din nito ang unti-unting pagguho ng komunismo sa Unyong Sobyet
at impluwensya nito sa silangang Europa. Pinakanagpahiwatig ditto ang pagbagsak ng Berlin Wall noong
1989 at ang paglipat ng isang estado sa gobyernong hindi komunista. Noong 1991, tuluyan ng nabuwag
ang Unyong Sobyet at nagtapos din ang Cold War.

Ang Pagpapaigting ng Neo- Kolonyalismo

Nakita rin sa panahon ng Cold War ang pagpapaigting ng neo kolonyalismo. Ito ay ang pagpapanatili ng
mga dating kolonyal na pinuno ng kanilang kapangyarihan sa paraang pulitikal at ekonomiko. Sa neo-
kolonyalismo, nagpapatuloy lamang ang hindi direktang pagpapasailalim, layunin ng neo kolonyalismo
ang hindi direktang pagsailalim sa pamamagitan ng pagpapakandili (dependence) ng mas mahinang
bansa. Sisiguraduhin ng isang bansa o korporasyon na mahihirapan makapagsarili ang isang bansa kung
walang tulong nila.

KOLONYALISMO

-Direkta (batas o alintuntunin).

-mayroong control sa politika -ginagacomitan ng karahasan

-kadalasan ang mananakot lamang ang nakikinabang

NEO-KOLONYALISMO

-hindi direkta (impluwensya)

-walang control sa pulitika

-modern

-nakikinabang ang parehong panig (bagama’t hindi ito pantay)

You might also like