Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sarmiento John Lawrence L.

Bs Biology 2A

1. Ano ba ang Komposisyon?

 mabisang pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan,


pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga
nabasang akda o napanood na pagtatanghal ay nagagawa sa pamamagitan ng
pagsulat ng komposisyon.

2. Ano ang Komposisyong Pang-masa ?

 Di mahirap ihanda dahil di naman nangangailangan ng matatayog na pananalita


tulad din ng di pangangailangan ng mga kaisipang bunga ng pananaliksik.
Inilaan ito sa madla o sa masang mambabasa

3. Ibigay ang mga uri ng Komposisyong at uri ng Komposisyon Pang-masa:

Mga uri ng Komposisyon:

Deskriptibong Komposisyon
Gamit ang imahinasyon nakakabuo ng isang hugis o anyo ng isang tao, pook o
pangyayari.

Naratibong Komposisyon
Naglalayong magkwento o magsalaysay ng mga magkakaugnay-ugnay na pangyayari
at makapagbigay impormasyon o makapag-ulat tungkol sa pangyayari batay sa tamang
pagkakasunod-sunod ng mga detalye sa isang maayos, maliwanag at masining na
pamamaraan.
Ekpositoring Komposisyon :
Isang malinaw, sapat at walang pagkiling na pagpapaliwanag sa ano mang bagay na
nasasaklaw ng kaalaman ng tao.

Argumentatibong Komposisyon
Mapatunayan ang isang katotohanan, na makuhang mapaniwala at mahikayat ang mga
mambabasa sa paninindigan ng sumulat

Mga Komposisyon Pang-masa

Patalastas
 Uri ng komunikasyon para sa pagmemerkado. Ginagamit upang mahikayat ang
masa.
 Upang makuha ang atensyon at maimpluwensyahan ang ugali ng taga-konsumo.
 Pagpapakita o pagbebenta o tuwirang pag-aalok ng produkto
Islogan
 Kasabihan, motto o tema ng isang kumpanya o ng isang partikular na tao.
Jornal
 Talaan ng mga pansariling gawain,mga repleksyon,mga obserbasyon at mga
naiisip,repository ng mga lihim at karanasan at tinawag na pangkaraniwang aklat
noong ika-16 na siglo.
Salawikain (Proverb)
 Sumasalamin sa tradisyon at kultura. Maituturing na pilosopiya.
 Malalim ang pagpapakahulugan.
 Tinatawag ding katutubong karunungan.

Sawikain
 sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang
salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan
at kaugalian ng isang lugar.

Kasabihan
 pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan kung saan ang mga
salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan.

Tayutay
 Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing
mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

You might also like