Hopeful Fact-WPS Office

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Hopeful Fact

By:DarkInMode

Simula

"Crekong yung bubong"

Naalimpungatan ako sa pag bangon dahil sa sigaw na iyon ni Mama galing sa sala?
rinig ko ang malas na kulog ng ulan at hangin dito sa kwarto ko.

Anyari?End of the World naba?

Hayss ilang araw na rin kasing malakas talaga ang ulan lalo na ang hangin may
lupressure daw kasi magtagpo 'kuno' ang hangin Amihan galing sa silangan at sa
kanluran maging bagyo na ito BAGYONG RAI.

Agad akong bumangon para puntahan sila sa sala kung ano nang ganap!

Teka yung bubong daw! nilipad ba?

"Ma"sigaw ko habang naglalakad.

"Anak bumalik ka sa kwarto mo"sita niya sa akin.

"Ma naman kakabangon ko pa nga papabalikin mo na ako"reklamo ko at nag lakad


papalapit sa sala.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang sala naman na basa dahil sa ulan pano ba naman
kasi yung bubung ng sala namin ilan nalang ang naiwan,buti nalang matibay ang
bubung ng kwarto ko kundi baka pati ko nilipad na rin kasama ang atip namin.

Maloka naman ako nito si Papa ayon hinabol yung bubung naman,loko ba siya ang lakas
kaya ng hangin susko naman to.

"Diyos ko naman CREKONG~ bumalik ka dito"sigaw ni Mama habang tanaw si Papa na isa-
isang pinulot ang bubong namin mula sa labas ng bahay.

"Papa naman balik na"sigaw ko din.

Baka anong mangyari sa Papa, ko siya lang naman ang sandigan namin dito sa bahay
kahit may pagkaloko yan mahal namin yan,susko sana walang mangyayari.
Siguro naman naririnig niya kami na sumisigaw dito ni Mama dahil dali dali siyang
tumakbo papasok sa bahay namin na ilan nalang ang naiwang bubong.

"Loko ka,hinayaan mo nalang sana yan saka na natin yan pupulutin pag huminahon na
tong Ulan at Hangin"agad na binatukan ni Mama si Papa pag karating.

"Sayang kase baka pulutin to ng iba,kahit giba giba na to maayos pa naman"sagot


naman ni Papa habang napakamot sa batok.

Hindi na ako nagsasalita pumunta nalang ako sa kabilang kwarto para eh check ang
nakababatang kapatid ko, paniguradong tulog pa ito sa ganitong oras ang sarap pa
talaga kasing matulog pero paano ako makakabalik sa pagtulog eh bagyo na, baka pag
bangon ko nasa Mars na ako tinangay ng Bagyo hayys.

Nang makarating na ako agad ako pumasok sa giba gibang pintuan sa kwarto na ito,
umupo ako sa nakatabing silya sa gilid, pinagmasdan ko ang payapang tulog ni Deo,
naaawa ako sa kanya ang bata pa niya para makaranas ng ganitong klaseng buhay ang
paghihirap, nagpabuntong hininga nalang ako, kung may magagawa lang ako para maging
maayos ang buhay namin gagawin nagawa ko man pero hindi padin naging sapat para
makaramdam kami ng pagiging maayos na pamumuhay, na naniwala ako sa sinasabi ng
Guro ko na...

Hindi kasalanan ng tao na nabuhay ng Mahirap, kasalan ng tao ang mamatay na


Mahirap.

Kaya hangga't narito ang pamilya ko sila ang magiging lakas ko para lumaban kahit
pa harangan ko pa ang bagyong to wag lang masira ang kubo namin.

Nakakainis wala na nga kaming ibang bahay, may balak pa talagang sirain to ng
bagyo, ang swerte naman.

Laki ako sa hirap ng buhay kaya kahit saan ako pumunta walang problema kahit pa
taga linis lang ako ng inidoro ayos lang basta may sweldo syempre kakaiba na kung
walang sweldo yun.

Nasa bundok kami nakatira hindi naman masyadong malayo sa maraming mga kababayan sa
bario may isang kapitbahay naman kami dito sa bukid, kaya lang minsan lang mag tao
dahil iwan ko kung bakit haha.

Nag-aaral ako sa malapit na paaralan rito syempre Public lang probinsya rito eh may
Private School naman sa Lungsod alam niyo namang hindi yun afford ng pamilya namin
sakto sakto nga lang ang makakain namin sa isang araw saka na ako mangarap sa
makapag-aral sa ganun pag College na, yun nga lang kung makapag-aral pa.

Senior High ako ngayon Grade 11, nursing lang ang available dito eh kaya pilit
akong nag-aaral kahit hindi ko naman ramdam na yun nga talaga ang gusto kong kurso,
hayaan nalang basta dun komportable ang pamilya ko magiging maayos din ang lahat ng
to.

Napakurap kurap ako ng mapagtantong saan saan na lumipad ang utak ko sa pag-iisip,
pinilig ko ang aking ulo at tumayo mula sa pagkakaupo sa silya tumayo na ako at
lumabas, sinilip ko sina Mama nakita kung nagkakape sila nga black coffee original
trip nilang kape yun, napatingin naman ako sa itaas hays ganun parin malakas padin
ang Hangin at Ulan susko bagyo wala ka naman sigurong balak na sirain tong bahay
namin diba?

Kaya lumapit ako sa kanila, na nasa sulok ng barinda na ka upo habang hinihigop ang
kape...

"Pa,Ma" tawag ko.


Kaya napabaling sila sakin.

"Oh Nak ayos kalang ba?ang kapatid mo"tanong sakin ni Papa.

"Ayos lang po si Deo ayon tulog padin"sagot ko at umupo katabi ni Mama.

"Buti naman!"nakahinga ng maluwag na sabi ni Mama.

"Kailan raw ho titigil ang ulos ng hangin at lakas ng ulan Pa?"tanong ko sa kanya.

"Yan ang problema nak hindi ko alam kung kailan,...nabasa kasi sa ulan ng radyo
natin,.. kanina lang"napabuntong hininga niyang ani.

"Eh anong gagawin natin ngayon?Mag-antay kung kailan tayo malalanta sa kubong
to?"galit na sambit ng tao na nasa likuran namin.

"Pinang?ahm wag kang mag-aalala anak gagawa ako ng paraan!"sabi ni Papa kay Ate.

Siya ang Ate namin ni Deo, kakauwi lang niya noong isang araw, eh wala naman siyang
naitutulong dito sa bukid, wala siyang ibang alam kundi ang magpaganda buong
maghapon kakairita siya, minsan ang sarap na niyang sagutin pero pinigilan ko lang
ang sarili ko pero pag sumosobra na siya makakarinig na siya ng hindi maganda mula
sa akin.

"Oh siya Dalia balik kana na kwarto mo! mag-impake ka ng mga damit mo at kay Deo,
baka pupuntahan tayo nga mga Barangay Tanod dito para lumuwas sa bario"sabi ni
Mama.

Agad akong tumayo at naglalakad na papunta sa kwarto ng magtagpo ang mata namin ni
Ate binigyan ko siya ng walang ekspresyon sa mukha.Pero ang malandi inirapan lang
ako aba hindi ka maganda wag kang feelingera tss.

Nilampasan ko siya at nag-impake ng gamit na kailangan namin ni Deo,si Ate Sifina


bahala siya malaki na siya siguradong dala nun lahat ng gamit lalo na ang make-up
niya nga pala pake ko ba sa kanya.

Shete niya

Ng matapos ako lumabas ako para pumunta sa kwarto sa nakababata kung kapatid, apat
ang kwarto sa bahay na to pero maliit lang kasya lang sa isang tao,tapos walang
kama sa hapag lang matutulog yung tatlong kwarto 'kuno' samin tig isa ng mga
kapatid ko kay ate Sifin ang sa gitna kami naman ni Deo sa kaliwa at kanang bahagi.

Ng lumakad ako hindi ko alam kung ano ang naririnig ko mula sa kwarto ni Ate may
kausap siya o sarili niya ang kausap niya?

"Ano ba yan sa oras na matapos ang bagyo na ito hindi na ako babalik dito kailanman
letseng bagyo namiss ko na ang buhay Maynila tsaka miss ko na ang only love ko"inis
na sambit niya.

Yun ang narinig ko, tss sarili niya lang pala ang kausap niya baliw na nga malandi
pa.

Teka only love?sino kaya yun ahh tss pake ko

*-*-*

"Mang Crekong"sigaw ng kumatok sa pinto namin.

Agad naman akong napabalikwas ng bangon sa lakas ng boses nito.

Sino kaya ang mga yun?Baka Tanod

Kaya tumakbo ako palapit sa sala namin, at agad kong nakita na binuhat ng mga tanod
ang mga mahalagang gamit namin sa bahay.

"Anak buti naman at bumangon ka, gisingin mo si Deo at lumuwas tayong barrio dun
raw muna tayo ma nanatili sa Gym nila"pagpapaliwanag nila.

"Manong Tanod kailan po ba matapos ang bagyo?"kailan kong malaman mukha kase silang
nagmamadali.

"Sa Pebrero 26 pa Ija at nalaman namin sa PAG-ASA na lalakas ang hangin at ulan
ngayong alas kuwatro ng hapon at mag landfall mamayang madaling araw na kaya kami
na rito para maging ligtas kayo"sabi ng Manong Tanod.

Kaya pala, mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ni Deo para gisingin ng sumigaw
si Mama .......

"Gisingin mo rin Ate Pinang mo"sigaw nito.

Kahit rinig ko hindi na ako tumugon may tinga naman yun sa lakas ng sigaw ni Mama
paniguradong narinig niya.

Chapter 1

Gym

Lumabas ako sa kwarto ni Deo na kandong ko siya yung mga gamit namin na inimpake ko
ang Tanod na raw ang magdadala ng nasa gitna ako ng pinto ni Ate Sifin hindi ko
alam kung dapat ba siyang gisingin pero sige mabait naman ako.

"Ate gising na luluwas tayong barrio at dun muna mananatili hanggang sa mawala ang
bagyo!"sigaw ko sa pintuan niya at agad ng pumihit palayo.

Siguro naman narinig niya yun ginamit ko yung high voice ko para dun tss.

"Ma"ani ko papalapit kina Mama at sa mga Tanod na rin.

"Oh lika na"sabi niya at inalalayan ako sa pagkandong kay Deo medyo na hirapan ako
malaki na kase siya limang taon na tsaka mabigat na ang Deot namin.

Hinalikan siya ni Mama sa noo at nagtanong na nakatingin sa akin naman si Papa


tinatanong niya sa mata niya kung nasaan si Ate Sefina.

"Pinagsabihan ko na po!"sambit ko kay Papa.

"Eh saan siya?ang ilan sa mga Tanod ay nauna na, tatlo nalang ang naiwang tanod
para ihatid tayo, kailangan nating magmadali Liang"nag-alalang sambit ni Papa.

Tumingin ako sa banda ng pintuan namn tama nga si Papa tatlong tanod nalang ang
naiwan, para ihatid kami?kanina kasi marami sila mga Sampu silang narito kani-
kanina lang.

Kaya ibinigay ko muna si Deo na mahimbing na natutulog, kay Mama, tinanggap niya
naman ito, at tumakbo ako papunta sa kwarto ni Ate.

Bat ba ang tagal niya?shete naman

Wag mo sabihin nagpaganda pa langya

"Ate"sigaw ko hindi ko na hinintay na sasagot siya agad na kong pumasok sa kwarto


niya..

At na gulat ako ng makita kung.....

Nag toothbrush siya??

Mapula ang mukha ko sa galit putik bagyo may gana pa siyang mag toothbrush?

"Ate ano ba?bagyo na punta na tayong lungsod"mahinahon kong ani.

"Teka lang erss"Kimi niyang sambit.

Iwan ko talaga ang isang to sira talaga, walang utak gaga.

"Bilisan niyo na raw sabi ni Papa lalakas ngayon lalo ang Hangin at Ulan kaya
kailan nating magmadali"sabi ko

"Ano bayan ito na nga"nagmamadali niyang usal at dinala ang malalaking packbag
niya, damit siguro ang laman.
Sabay kaming lumabas nauna ako ayaw kung mahuli baka mapuno ko lang siya ng irap sa
likuran niya, dahil sa sobrang inis ko.

*-*-*
Hindi ko na pansin na madaling araw na pala pero ako heto hindi pa din makatulog,
wala na ang ulan ganun rin ang hangin, humupa ito ngayon lang alas dose ng madaling
araw, tiningnan ko ang relong pambisig mag aalas kwatro na?, pano ba naman kase
akong makatulog ang sikip ng higaan namin katabi ko si Deo, hindi naman kasi
pwedeng maghihiwalay kami sa pagtulog, sikipan na eh.

Kaninang alas tres kami, narating reto, akala nga namin hindi na kami makakasingit
pa, pero dahil mabait ang kapitan sa Lungsod na ito nagkaka-kasya rin kami kahit
papaano.

Laking pasasalamat ko nga ng mailagay ng maayos ang mga mahalagang mga gamit namin
pero yung masyadong mahalaga hindi na namin pa pinagka-kaabalahan pang ilabas,
mahirap na pag nakawin.

Awang awa ako sa Pamilya ko tinapunan ko ng tingin si Papa ang himbing ng tulog,
humihilik pa dahil siguro sa pagod kanina,Si Mama naman ganun rin habang naka-unan
ang ulo ni Deo sa braso niya,ng tapunan ko ng tingin si Ate Sifina tulog rin ito na
akala mo may ginawang naitulong kanina eh bag niya lang naman ang bitbit niya.

Kaloka

Tumayo ako ,kaya tanaw ko ang pagod sa mukha ng mga tao na naririto, hays buhay nga
naman "ang hirap pag mahirap".

Naglakad ako papunta sa gate na pintuan ng gym,sumandal ako at kitang-kita ko mula


sa aking kinaroroonan kung gaano ka ganda ang buwan ganun rin ang bituin sa
kalangitan.

Tingin ko wala na ang bagyo dahil may mga bituin na walang kasing ganda.

Kay payapang pagmasdan ang langit sana may kasing payapa rin akong buhay, kagaya ng
langit, alam kong hindi perpekto ang buhay ng tao pero umaasa parin ako na balang
araw sa akin na naman papabor ang mundo, na magiging maayos din ang lahat ng
pinagdaanan ko...ng pamilya ko.

Tulala lang akong nakatingala sa kalangitan,ganto pala ang pakiramdam ng makita ang
magandang liwanag mula sa langit at bituin,payapa yun ang naramdaman ko kasabay ng
pagsayaw ng malamig na hangin na humaplos sa aking balat.

"Hindi ka makatulog?"

Napaigtad ako ng marinig ang boses na iyon at nilingon ko ito.

Si Bigie yung baklang na sikat sa Miss Gay dito


"Oo, parang ang alanganin na naman kasing matulog,.... madaling araw na"kumento ko
sa kanya..

Napatango naman siya at kataga ng ginawa ko napa tingala rin siya sa langit.

"Ang ganda ng langit no, ito talaga ang magandang simbolo na wala na ang bagyo,
dahil tiyak na maraming mga kabahayan ang nasisira dahil dito"napa tsk naman siya
pero medyo mahina lang.

"Oo nga eh yung kubo namin paniguradong gibagiba na yun ngayon"buntong hininga king
sabi.

"Sya balik na ako magligpit baka mamayang umaga na ang alis natin dito sa
gym"paalam niya.

Tumango lang ako bilang tugon.

You might also like