Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO

Paunang Pagtataya
PILING LARANG (AKADEMIKS)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
Para sa bilang 1-4
Edukasyon!Talaga bang mahalaga ito? Ano ba ang maitutulong nito sa ating kinabukasan?
Maraming katanungan ang nais nating mabigyan ng kasagutan. Sinasabi na ang mga kabataan ang
pag-asa ng bayan, ngunit bakit maraming mga kabataan ang hindi nag-aaral, bagkus, sila ay nagiging
tambay? Pinatutunayan ito sa pananaliksik nina Orian et al. (2014) na umabot sa 83.7 % ang mga dropout
sa bansa. Totoong ang pagiging mahirap ay isa sa mga dahilan kung bakit wala sa paaralan ang isang
kabataan, ganoon pa man, maraming paraan upang masolusyunan ito. Maaaring makatulong ang pagiging
“working student”. Ayon nga sa isang awitin, “kung ayaw, may dahilan, kung gusto palaging mayroong
paraan.” Kung gusto mo talagang mag-aral ay gagawa at gagawa ka ng paraan upang maisakatuparan ito.
Ang edukasyon ang ating panlaban upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Kung
mapapansin natin, maraming mga kababayan natin sa ibang bansa ang inaalipusta dahil hindi
nakapagtapos ng pag-aaral. Ngayon, bakit natin hahayaang patuloy na mangyari ito? Tayong mga
kabataan, papayag ba tayong magpatuloy ang kahabag-habag na senaryong tulad nito? Ang edukasyon
ang tanging kayamanan na ipamamana ng ating mga magulang na kailanman man ay hinding-hindi
mananakaw sa atin ninuman.
Ang edukasyon ang susi tungo sa ating tagumpay. Ito ang makapagpapaahon sa atin mula sa
kahirapan. Huwag nating sayangin ang pagod, pagsusumikap, at pagkakataon na ibinigay sa atin ng ating
mga magulang upang makapagtapos ng pag-aral. Tayo’y mag-aral nang mabuti at magsumikap at isantabi
ang mga bagay na makasisira sa ating pag-aaral.
Edukasyon ang daan at solusyon sa ating kahirapan.

1. Ang sulating binasa ay isang halimbawa ng akademikong pagsulat. Alin sa mga pahayag na
sa ibaba ang nagpapakahulugan sa akademikong pagsulat?
A. Sulating gumagamit ng talinghaga at matatayog na salita
B. Ginagamit sa mga larangang panteknikal at pantrabaho
C. Tumutukoy sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag
D. Isinasagawa na nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat
2. Batay sa binasang seleksyon, anong katangian ng akademikong sulatin na makikita sa itaas
ang mas higit na nangingibabaw sa teksto?
A. Nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa partikular na paksa
B. Naglalarawan ng isang tiyak na katangian ng isang tao, bagay o pangyayari
C. Nagsasalaysay ng isang pangyayari sa nakaraan
D. Nanghihikayat upang panigan ang isang isyu
3. Batay sa mga inilahad na impormasyon, anong uri ng akademikong sulatin ang makikita sa
itaas?
A. posisyong papel C. talumpati
B. reflektibong sanaysay D. larawang sanaysay
4. Ang mga sumusunod ay mga deskripsyon na tumutukoy sa akademikong pagsulat
MALIBAN sa _____.
A. Ito ay nagbibigay ng sariling opinyon.
B. Hindi malinaw ang estruktura nito.
C. Tao at damdamin ang tinutukoy nito.
D. Nagtataglay ito ng magkaugnay na ideya
5. Ang mga sumusunod ay katuturan ng akademikong pagsulat. Alin ang HINDI?
Isang paraan ng pagsulat na/ng _______.
A. makabuluhang pagsasalaysay na nakabatay sa katotohanan
B. nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayan
C. walang isinasaalang-alang na alituntunin
D. ang layunin ay ilalahad nang maayos
6. Bakit itinuturing na intelektwal na pagsulat ang isang akademikong sulatin?
A. Naisasatitik ang kahulugang nakapaloob sa mga sulatin.
B. Gumagamit ng mga teknikal na mga salita ang sulating ito.
C. Nagsisilbing libangan ito upang mahubog ang ating isipan.
D. Ginagamit ito sa iba’t ibang larangan sa isang tiyak na pagkakataon.
Para sa bilang 7-9
Ang pag-aaral na ito ay nauukol sa pagsasalin at pagsusuri sa mga elementong nakapaloob sa
mga piling tulang Hiligaynon. Palarawang-pagsusuri ang ginamit na metodo sa pag-aaral na ito. Isinalin
sa Filipino at sinuri ang mga elementong nakapaloob sa mga piling tulang Hiligaynon. Sa pamamagitan
ng talatanungan, tiniyak ng tatlong tagataya ang kaangkupan ng pagsasalin. Batay sa kinalabasan ng
pagtataya, napakaangkop ng ginawang pagsasalin sa Filipino ng anim na tulang Hiligaynon. Taglay din
ng mga tula ang pagpapahalaga sa tuntuning panretorika, kawastuhang panggramatika, kalinawan,
katangiang pampanitikan, at kaangkupan sa tema, kaisipan, kayarian, at damdamin.

7. Ang tekstong makikita sa itaas ay isang halimbawa ng abstrak. Anong tiyak na katangian ng
isang abstrak ang makikita sa teksto? Naglalahad ng ____________.
A. tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pananaliksik
B. metodo na dapat sundin sa pagsasagawa ng pananaliksik
C. balangkas ng mga impormasyon sa paggawa ng abstrak
D. tamang teknik sa paggawa ng abstrak
8. Batay sa binasang teksto, anong antas ng wika ang ginamit?
A. balbal C. kolokyal
B. pormal D. lalawiganin
9. Paano isinusulat ang akademikong sulatin na abstrak?
A. malaya B. pasalaysay C. palarawan D. pabuod
10. Ang isang abstrak ay may tiyak na bilang ng salita. Batay sa panuntunang sinusunod sa
pagsulat ng abstrak, ilan ang dapat na bilang ng salita sa pagsulat dito?
A. 250 hanggang 300 na salita C. 350 hanggang 400 na salita
B. 150 hanggang 200 na salita D. 200 hanggang 250 na salita
11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI napabibilang sa akademikong sulatin?
A. bionote B. feasibility study C. lakbay sanaysay D. abstrak
Para sa bilang 12-15
I. Nahugot sa konteksto ng isyung panlipunan ang mga sumusunod: hindi lubusang
pagtanggap sa mga homosekswal sa lipunang Pilipino, mababang kalidad ng
edukasyon, diskriminasyon sa matatanda, patuloy na mukha ng kahirapan, pagkasira ng
kalikasan, pagpasok sa di-akmang trabaho dahil sa walang mapapasukang trabaho.
II. Lumabas na malawak ang saklaw ng mga TV ad at ang mga ito ay may malaking
kaugnayan sa gawi, paniniwala, at pamumuhay ng mga Pilipino.
III. Lumabas naman sa pagsusuri ang mga sumusunod na pagpapahalaga o value na
pinagtitibay: pagbibigay-halaga sa matatanda bilang kasapi ng pamilya at lipunan, ang
kasiyahan sa pagtulong sa kapwa, pagpapahalaga sa edukasyon, pagpapahalaga sa
bisa ng kasal, at pagsasalo-salo sa hapag-kainan.
IV. Ang pananaliksik na ito ay palarawang pag-aaral-dokumentaryong pagsusuri na
naglayong masuri ang tatlumpung (30) mga TV ad na lumabas sa tatlong malalaking
istasyon ng bansa, ang ABS-CBN, GMA7, at TV5 batay sa konteksto na ipinanukala ni
Torres-Yu (2011).

12. Ano-anong elemento ang dapat nakapaloob sa isang abstrak?


A. Panimula, katawan, konklusyon, at wakas
B. Layunin, konklusyon, rekomendasyon, at wakas
C. Panimula, metodolohiya, resulta, at rekomendasyon
D. Layunin, metodolohiya, resulta, konklusyon, at implikasyon
13. Batay sa teksto, aling talata ang nagpapakita ng kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan
ng paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik?
A. Talata I B. Talata IV C. Talata I & III D. Talata III & IV

14. Anong element ng pananaliksik ang tinataglay g Talata IV?


A. Layunin at desinyo ng pag-aaral C. Resulta at Implikasyon
B. Layunin at implikasyon D. Resulta at Konklusyon

15. Ano ang tamang pagkaka-ayos ng mga talata sa itaas para makabuo ng isang abstrak?
A. I-II-III-IV C. IV-I-III-II
B. IV-I-II-III D. IV-II-I-III
Para sa bilang 16-18

I. Nagtapos siya bilang Cum Laude sa Pamantasang Estado sa Kanlurang Bisayas (WVSU) sa
taong 2002 sa kursong Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya Medyor sa Filipino.
II. Sa kasalukuyan, siya ay Senior High School Teacher sa Mataas na Paaralang Nasyonal ng Ajuy
at nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Piling Larangan at Practical Research 1 at 2.
III. Kasalukuyan siyang kumukuha ng kanyang Master in Instructional Leadership Major sa Filipino sa
Iloilo State College of Fisheries, Barotac, Nuevo Iloilo. Dati siyang nagturo sa Ajuy Christian
Development Academy, isa sa mga pribadong paaralan sa bayan ng Ajuy sa loob ng isang taon.
IV. Si Ginoong Joeven Abenido Baludio ay isang guro at aktibong manunulat sa larangan ng Filipino.
Siya ay isinilang sa Brgy. San Antonio, Ajuy, Iloilo noong Disyembre 21,1980.
V. Nagsimula siyang magturo sa pampublikong paaralan noong Hunyo 13, 2006 sa Mataas na
Paaralang Nasyonal ng Ajuy bilang guro sa Filipino sa Ikawalong Baitang. Naging aktibong
tagapayo ng Supreme Student Government (SSG) sa loob ng anim na taon at Kapisanan ng mga
Mag-aaral sa Filipino (KAMAGFIL). Tagapayo siya ng Tambuli, ang opisyal na pamahayagang
pangkampus sa Filipino ng nasabing paaralan. Naging tagasanay rin siya ng iba’t ibang
patimpalak gaya ng deklamasyon, pagsasatao, pagsulat ng dagli, dagliang talumpati, at tagisan
ng talino sa Filipino.

16. Para makatugon sa estilong pangangailangan ng isang mahusay na bionote, may mga mga
katangiang dapat isaalang-alang sa pagsulat nito. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat
maihanay rito?
A. Tiyak ang layunin
B. Gumagamit ng unang panauhan
C. Makatotohanan ang mga impormasyon
D. Binibigyang tuon ang mga tagumpay

17. Batay sa teksto, ano-anong mga personal na impormasyon ang inilahad?


A. Pangalan, edad, petsa, at lugar ng kapanganakan
B. Ambag sa larangang kinabibilangan (kontribusyon at adbokasiya)
C. Seminar at kapulungang dinaluhan
D. Paaralan, digri, at karangalan
18. Ano ang tamang pagkakaayos ng mga talata sa itaas upang makabuo ng
isang bionote?
A. IV - I – III – V - II
B. I - II - III- IV – V C . IV - I – III - II – V
D. I - II - III – V – IV
19. Batay sa impormasyong inilahad sa bionote, ano ang ipinagkaiba ng isang talambuhay sa
bionote?
A. Ang talambuhay ay mas maikli kumpara sa bionote.
B. Mas detalyado ang paglalarawan sa bionote kumpara sa talambuhay.
C. Gumagamit ng di-pormal na salita ang talambuhay samantalang ang bionote ay
gumagamit ng pormal na salita.
D. Ang bionote ay mahalagang tala sa buhay ng isang tao samantala ang talambuhay ay
mas detalyadong buhay ng isang tao mula pagkasilang.

● Ang pangalan ng paaralan ay Bright Future High School na matatagpuan sa Alvior St.,
Balasan, Iloilo.
● Ang School memo bilang. 13 s. 2019 ay pinamamagatang TAGISAN NG TALENTO
SA FILIPINO.
● Ipinadala sa lahat ng mga guro ng Bright Future Integrated School ang memo.
● Ang paaralang ito ay magsasagawa ng 2019 Tagisan ng Talento sa Filipino kaugnay
sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2019 na may temang, “Wikang ng
Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” sa itinakdang petsa, Agosto 27, 2019.
● Ipinadala ni JASHPER D. CASTRO, Punungguro ng Bright Future Integrated School
● Nilagdaan noong Ika-30 ng Hulyo, 2019.

20. Batay sa mga impormasyong nakapaloob sa kahon, paano isusulat ang letterhead ng isang
memorandum?
A. Bright Future High School
Alvior St., Balasan, Iloilo
B. Bright Future High School
Alvior St., Balasan, Iloilo
Ika-30 ng Hulyo, 2019

C. TAGISAN NG TALENTO SA FILIPINO


School memo Blg. 13 s. 2019
D. Bright Future High School
Alvior St., Balasan, Iloilo
Agosto 27, 2019

21. Batay sa mga impormasyong nakapaloob sa kahon, paano ang tamang pagbuo ng heading
sa isang memorandum?

A. Para sa/kay: Sa lahat ng mga guro ng paaralan


Mula sa/kay: JASPHER D. CASTRO
Pungguro ng Paaralan
Petsa: Hulyo 30, 2019
Paksa: TAGISAN NG TALENTO SA FILIPINO

B. Paksa: TAGISAN NG TALENTO SA FILIPINO


Mula sa/kay: JASPHER D. CASTRO
Pungguro ng Paaralan
Para sa/kay: Sa lahat ng mga guro ng paaralan
Petsa: Hulyo 30, 2019

C. Petsa: Agosto 27, 2019


Para sa/kay: Sa lahat ng mga guro ng paaralan
Paksa: TAGISAN NG TALENTO SA FILIPINO
Mula sa/kay: JASPHER D. CASTRO
Pungguro ng Paaralan

D. Petsa: Agosto 27, 2019


Paksa: TAGISAN NG TALENTO SA FILIPINO
Mula sa/kay: JASPHER D. CASTRO
Pungguro ng Paaralan
Para sa/kay: Sa lahat ng mga guro ng paaralan

22. Ang mga sumusunod ay hakbang sa pagsulat ng adyenda MALIBAN sa isa:


A. Padalhan ng sipi ang mga hindi dadalo, dalawa o isang araw bago ang pulong.
B. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin batay sa adyenda .
C. Magpadala ng isang memo na para sa isang tiyak na paksa.
D. Ilahad sa memo na kailangang kumpirmahin ang pagdalo .

23. Batay sa impormasyong makikita sa ibaba, ano sa palagay mo ang kahalagahan ng


paglalagay ng oras sa isang adyenda?

Mga Adyenda Taong Tatalakay Oras

1. Mga Plano sa Taong-Panuruan 2022-2023 Gng. Roqueta Alenciaga 15 minuto

2. Mga natanggap na donasyon sa isinagawang G. Patricio Sorilla 10 minuto


Brigada Eskwela
3. Feedback sa mga iskedyul ng bawat guro Gng. Mary Jane Borra 15 minuto

A. Nagiging organisado ang isang pulong.


B. Ang bawat miyembro ay nagkakaroon ng gawain.
C. Nabibigyan ng pagkakataong magkaintindihan lahat ng miyembro.
D. Malayang makapagpapahayag ang pangulo ng kaniyang nilalayon.
24. “Ang pagpupulong ay itinayo ni Gng. Queta S. Umadhay, ang punungguro ng Sedum
Faciata NHS sa ganap ng ika-1:00 ng hapon at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang
panalangin (audio) at pag-aawit ng Cuspitada Hymn (audio). Kasunod ay roll call na
isinagawa ni Bb. Mary Yvonne Amar at pagkatapos ay ipinahayag na mayroong quorum.”
Nasa anong bahagi ng katitikan ng pulong ang nabanggit na pahayag?
A. talaan ng pagdalo C. adyenda
B. simula ng pulong D. lagda

25. Sa pagsulat ng katitikan ng pulong, bakit kailangang magtakda ng iskedyul ng susunod na


pulong?
A. makakuha ng iba’t ibang impormasyon
B. malaman kung kailan at saan ang susunod na pulong
C. makita nag mahahalagang tala hinggil sa paksang natalakay
D. makapagplano ng awting pagkatapos ng pulong

26. Bakit kinakailangang taglay ng katitikan ang talaan ng mga dumalo at hindi dumalo?
A. Upang makakuha ng halos kabuuang bilang upang maging pinal ang mapagkasunduan
B. Sapagkat may matatanggap na pabuya ang mga dumalo
C. May tatanunging tao sa mga naging adyenda
D May magiging penalty ang hindi dumalo
27. Ang mga sumusunod ang dapat itala sa katitikan ng pulong MALIBAN sa __________ .
A. paksa at bilang ng pagpupulong na nairaos
B. pook ng pinagdausan ng pulong
C. mga napagkasunduan sa pulong
D. pangalan ng mga dumalo

Para sa bilang 27- 31

Tukuyin kung anong bahagi ng panukala ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin ang titik
ng tamang sagot sa loob ng kahon.

A. Petsa
B. Badyet
C. Layunin
D. Pamagat
E. Pagpapahayag ng Suliranin
F. Paano Mapakikinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito

__A__28. Ika-3 ng Mayo, 2000


__E__29. Ang panukalang ito ay humihiling ng inyong tulong sa pag-aayos ng aming mga
kalsada upang maging mas mabilis at mas ligtas ang trasportasyon ng mga tao at ng
mga kalakal.
__F__ 30.Ang paglalagay ng palaruan para sa mga bata ay kapaki-pakinabang sa lahat ng mga
bata sa pamayanan. Mabibigyan sila ng pagkakataong makapaglaro sa labas ng
bahay nang ligtas at malaya.
__B__ 31. Ang kabuuang halaga na aming hinihiling para sa pagpapagawa ng mga
pangunahing kalsada sa aming baranggay ay P250,000.00 para sa loob ng
dalawang buwan.

Para sa bilang 32-36

Diborsyo sa Pilipinas: Nararapat na bang Isabatas?

Para sa dalawang taong nagmamahalan, ang pag-ibig ay mistulang pagkaing matamis na


panghabambuhay na pagsasaluhan. At ang kasal ay isang bagay na magtatali sa kanilang dalawa upang
maging hanggang wakas ang pagmamahalan. Isang sagradong matrimonya ang kasal na dapat
panatilihin. Ang mga taong ikinakasal ay humaharap sa Panginoon upang mangako na sila ay
magsasama sa hirap o ginhawa hanggang kamatayan. Ang pangako ng mag-asawa ay may basbas ng
pari at ito ay ginagawa nila sa harap ng Panginoon.
Dahil dito, walang sinuman ang may karapatang paghiwalayin ang mag-asawa. Wala namang mag-
asawang hindi nawawalan ng problema, lahat ng iyan ay nagagawan ng solusyon at napag-uusapan ang
lahat.
Diborsyo rin ang dahilan kung bakit nararamdaman ng isang nilalang ang kakulangan sa buhay.
Sumisira ito sa kanyang mga pangarap at pag-asa sa buhay. Nagiging dahilan ang diborsyo kung bakit
maraming mga anak ang nagrerebelde. Ito ang sanhi kung bakit lumalaki ang bata na may pakiramdam
na kulang at ito ang sumisimbolo na kailanma’y hindi na mabubuo ulit ang isang pamilya. Ito ang
sumisira sa mga pangarap at pag-asa ng isang bata na maging masaya at mabuo ulit ang kanyang
pamilya
Sa kasalukuyang panahon, lahat halos ng bansa sa buong mundo ay may ganitong batas. Bukod
tanging Pilipinas na lang ang bansang wala pang diborsyo. Noon pa man ay napakainit na ng usaping ito
dahil sa mahigpit na iringan ng magkaibang panig. Isa na rito ang Simbahang Katoliko dahil labag
diumano ito sa kanilang doktrina.
Hindi lamang ito ang makikitang solusyon upang malutas ang kahit na anong problemang darating
sa pagsasama ng mag-asawa.
Itaguyod ang pagiging isa at kompletong pamilya. Pahalagahan ang mga bata! Pahalagahan ang
pagiging buo ng pamilyang Pilipino. Huwag na nating pang isulong ang diborsyo! (SOURCE)

32. Ano ang ginamit na paraan para mapatunayan ang mga inilahad na argumento?
A. Nagbigay ng pansariling opinyon
B. Nagpalutang ng matinding damdamin
C. Nagsalaysay ng mga personal na karanasan
D. Naglahad ng mga katotohanan o mga patotoo

33. Ano ang ginamit na paraan ng may-akda sa pagsulat ng panimula ng teksto?


Inilahad ang _______.
A. patunay at ebidensya
B. paksa at ang tesis na pahayag
C. matatalinong pananaw at ebidensya
D. argumentong tutol sa tesis na pahayag

34. Paano inilahad ang mga opinyon sa binasang teksto? Inilalahad sa pamamagitan ng
______.
A larawan at mga pangyayari
B. pagsasalaysay ng karanasan
C. paglalahad ng mga pangyayari
D. pangangatwiran at paninindigan
35. Batay sa teksto, sa aling talata matatagpuan ang iminumungkahing solusyon ng may-akda?
A. Una B. Ikalima C. Ikatlo D. Ikaanim

36. Anong katangian ng posisyong papel ang masasalamin sa panghuling talata ng teksto?
A. Nagpapahayag ng napapanahong isyu
B. Gumagamit ng sistematikong paglalahad
C. Sumusuri sa kalakasan ng isang makatotohanang paksa
D. Naglalarawan ng paninindigan batay sa isang tiyak na isyu
Para sa bilang 37-44
Ang pagpili ay isang bagay na ginagawa ng tao halos araw-araw. Nagkaroon ng pagbabago
ang kahulugan ng salitang ito sa pagtuntong ko sa tamang edad.
Noon ang pagpili ay napakasimple lamang. Ito ay umiikot lamang sa mga pangyayaring tulad ng
mga sumusunod. Ako ba ay papasok sa paaralan o hindi? Kakain ngayon o mamaya na bibili ba o hindi
na? Magpapagupit o magpapahaba ng buhok, anong style? Libro o internet? Mag-aaral ba o mamaya na
lang? Ang mga ito ay ilan lamang sa mga simpleng bagay na aking pinagpipilian noong ako’y bata pa.
          Hanggang sa dumating sa punto na ang pagpili ay lumawak sa kung ano ang dapat kong
tahaking landas sa buhay-kolehiyo? Sa kung sino ang iboboto? Anong trabaho ang papasukin? At
humahantong sa pagpili ng makasasama habambuhay.
Napagtanto kong ang gagawing pagpili ay hindi lamang ordinaryong gawain o aksyong dapat
pahalagahan dahil ang pagpili ay may kaakibat na responsibilidad at paninindigan.
Napagtanto kong ang pagpili ay hindi lamang laging para sa sariling kapakanan. Ito ay isang bagay na
dapat pag-isipang mabuti, hindi lamang para sa sariling kapakanan kundi sa kapakanan din ng ibang
tao.
        Sa paglipas ng panahon, akin ding napagtanto na ang pagpili ay sumasaklaw sa mas malawak at
mas malalim na pagkatao at pagiging tao ng isang indibidwal.
Bukod sa may kamalayan ka hinggil sa mga karapatan, nararapat ding magkaroon ka ng
kabatiran sa paraan kung paano ito dapat gamitin. Ang kaalamang ito ay siya mong magagamit sa
pakikisalamuha sa iyong kapwa.
       Life is a choice wika nga sa Ingles. Ang buhay raw ng tao ay isang pagpili na minsa’y isang
masalimuot na gawain. Sa bawat araw ay humaharap ang tao sa iba’t ibang pagpili. Pagpili na maaring
makaapekto sa kapalaran maging sa kapalaran ng ibang tao. Isang pagpili na maaaring makapagdulot
ng napakahalagang pagbabago.
Ngunit ano’t ano pa man, tandaan na ang pinakamahalagang pagpili ng tao ay ang pagpili na
laging gumawa nang mabuti at sundin ang kalooban ng DIYOS.
Ni: Cheryl Anne P. Tuliao

37. Batay sa teksto, ano ang pinapaksa ng karanasang inilalahad ng may-akda?


A. pagpili tungo sa pagbabago
B. pagpili ng tatahaking landas
C. pagpili na sumasalamin sa pagkatao
D. pagpili ayon sa kagustuhan ng Diyos
38. Anong paraan ng pagsasalaysay ang ginamit ng may-akda?
A. anekdota C. pagbabalik-tanaw
B. paglalarawan D. sanhi at bunga

39. Aling talata sa teksto ang naglalahad ng epekto o bunga ng karanasan ng sumulat?
A. Una at Ikaapat C. Una at Ikalawa
B. Ikalawa at Ikatlo D. Ikatlo at Ikaapat
40. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng ebalwasyon ng may-akda
sa tesktong binasa?
A. Pag-isipang mabuti ang mga mahahalang desisyon sa buhay
B. Piliin ang kabutihan na naaayon sa utos ng Diyos.
C. Maging mapanuri sa mga gagawing desisyon
D. Pakinggan ang aral ng nakatatanda
41. Ang isang batang naglalaro ng luksong-tinik kapag kinunan ng litrato mula sa ibaba ay
isang halimbawa ng anong shot sa larawang sanaysay?
A. close-up C. high angle
B. planning D. low angle

42. Paano isinasaayos ang mga larawan sa isang larawang sanaysay?


Isinasaayos ayon sa ______.
A. laki ng larawan
B. kulay ng larawan
C. kahulugan ng mga larawan
D. pagkakasunod ng mga kaisipan

43. Mahilig magpalipad ng saranggola si Kaye tuwing hapon at isa sa nagbibigay ng saya sa
kanya ang makitang ito ay lumilipad nang napakataas. Gusto niyang i-dokumento sa
pamamagitan ng pagkuha ng litrato. Anong shot ang mainam niyang gamitin?
A. close-up C. high angle
B. extreme close-up D. aerial
44. Naging viral sa social media ang kakaibang taas ng lipad ng saranggola ni Kaye. Maging
ang kanyang kaibigan ay namangha rin kaya kaagad niyang tinawagan si Kaye upang
makita ang detalye nito. Anong shot ang mainam niyang gamitin?
A. close-up                              C. high angle
B.  extreme close-up         D. aerial

Para sa bilang 45
Nagsumite ng iskrip si Marian sa kaniyang propesor sa script writing. Humiram siya ng iskrip sa
isang kaibigan. Sinabi niyang gagamitin lamang niya ito upang gawan ng ebalwasyon at kritik sa
klase ngunit pinasa niya ang ito bilang kaniyang sariling gawa.
]

45. Batay sa sitwasyon, anong etika sa akademiya ang nilabag?


A. copyright C. paghuhuwad ng datos
B. plagiarism D. imbensiyon ng datos

46. Isa kang manunulat ng inyong campus paper. Paano ipaaabot nang may paggalang sa
administrasyon ang mga sirang pasilidad ng inyong paaralan?
A. Kunan ng litrato ang mga sirang silid-aralan at ilagay sa school paper.
B. Kausapin ang prinsipal at bigyan ng takdang panahon para ipagawa ito.
C. Hayaan ang mga sirang pasilidad at hintayin ang kinauukulan para ipagawa ito.
D. Sumulat ng pormal na liham sa prinsipal at hingin ang kanyang opinyon bago isulat.
47. Magsasagawa ang inyong klase ng isang lakbay–sanaysay at kailangan itong i-upload sa
internet. Isa sa mga lugar na inyong pupuntahan ay pagmamay-ari ng isang pribadong tao.
Ano ang nararapat mong gawin bilang isang manunulat?
A. Maghanap ng lugar na pagmamay-ari ng pamahalaan sa gagawing lakbay-sanaysay.
B. Gumawa ng pormal na liham para sa may-ari ng pribadong lugar at humingi ng permiso.
C. Ipagpaliban ang gagawing lakbay-sanaysay sa ibang pagkakataon.
D. Ipagpatuloy ang gagawing lakbay-sanaysay at huwag nang i-upload sa internet para
hindi magalit ang may-ari.
48. Inatasan si Joven na magsagawa ng isang pananaliksik na may kinalaman sa blended
learning. Kinakailangan niyang sumunod sa tamang pagbanggit ng mapananaligang
sanggunian. Anong paglabag ang maaaring kahaharapin ni Joven kung sakaling hindi niya
binanggit ang mga pinagkunan ng kanyang mga impormasyon?
A. Copyright infringement C. Libel
B. Plagiarism D. Oral Defamation

49. Si Jane ay isang mag-aaral sa Baitang 12. Isa sa mga naging paksa nila sa klase ay
tungkol sa tamang etika sa pagsulat ng mga akademikong sulatin. Ano ang maaari niyang
gawin upang maiwasan ang paglabag sa etika ng pagsulat?
A. Pagkopya ng mga sipi at datos nang hindi binibigyang-kredito ang pinagkukunan.
B. Kinopya ng mag-aaral ang halos kalahati ng papel sa isang artikulo sa internet.
C. Sumulat ng isang talumpati hango sa gawa ng kaklase na may pahintulot.
D. Paglathala nang ginawang maikling kwento ng isang matalik na kaibigan.
50. Mahalaga ang etika at pagpapahalaga sa pagsulat, alin sa mga sumusunod ang hihulma
nito?
A. integridad, pagkatao, at dignidad
B. integridad, popularid, at pagkatao C. integridad, respeto, at popularidad
D. kababaang-loob, respeto, at yaman

Inihanda nina:

SHANNON KHEY A. AMOYAN JOEVEN A. BALUDIO


Master Teacher II Teacher III
Alimodian NCHS Ajuy NHS

MARY CRIS B. PUERTAS JANE BRYL H. MONTIALBUCIO


Teacher III Teacher III
Balasan NHS Payao NHS

Editor PINAGTIBAY:
GEMMALYN J. MEDROSO MARITES C. CAPILITAN, PhD
Master Teacher II EPS, Filipino
Iloilo NHS

You might also like