Filipino 4 - Q2 Periodical Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 4

Pangalan: _______________________________ Iskor: __________

I. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit


sa bawat bilang sa tulong ng paglalarawan. Hanapin ang sagot sa
loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Napakarami ng kanilang mga paninda sapagkat bulto sila


kung mamili.
a. bundok
b. masagana
c. masaya
d. maramihan
2. Bawat tao ay nagnanais na magkaroon ng ligtas na kapaligiran
kung kaya’t tumutulong sila sa pagbabantay ng paligid.
a. gusto
b. hindi alam
c. malungkot
d. mahal
3. Iba’t ibang sakit ang dulot ng polusyon tulad ng hika at sakit
sa baga.
a. nais
b. bunga
c. malusog
d. gamot
4. Matagal na niyang naririnig ang tungkol sa recycling kaya’t
pamilyar na siya sa paraan ng pagsasagawa nito.
a. alam na alam
b. natulala
c. naabala
d. nalilito
5. Sa tulong ng mga humihikayat ay nagawa naming maisama
siya sa mga gawaing pangkalikasan.
a. nagtitinda
b. umaakyat
c. humihimok
d. naglalako
6. Ang __________ay salitang naglalarawan sa tao, hayop, bagay,
lugar, at pangyayari.
a. pandiwa
b. pang-uri
c. pang-abay
d. pasukdol
7. Ito ay naglalarawan ng isang pangngalan lamang at walang
paghahambing.
a. lantay
b. pang-uri
c. pang-abay
d. pasukdol
8. Ito ay naglalarawan ng dalawang pangngalan at may
paghahambing.
a. lantay
b. pang-uri
c. pahambing
d. pasukdol
9. Ang __________ ay mga salitang nagsasaad ng kilos.
a. pandiwa
b. pang-uri
c. pang-abay
d. pasukdol

II.Basahin at unawain. Sagutin mo naman ngayon ang mga


tanong base sa tekstong iyong binasa.

Naabot na Pangarap
Ni Ma. Theresa I. Cortez

Pinanganak si Che noong 1995 sa Mediatrix Hospital, Lungsod


Iriga. Nagsimula siyang pumasok sa Iriga Central School taing
1999. Dahil sa hilig niya ang pagsasayaw at pag awit, nagsimula
siyang magsanay noong 2003 at nakapagtapos siya sa
elementarya noong 2006 na nakakuha ng parangal na Best in
Performing Arts. Ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa
Sekondarya hanggang kolehiyo bilang iskolar sa isang pribadong
paaralan. Hindi nagtagal, nakapagtapos siya sa kursong
Bachelor of Secondary Education Major in MAPEH noong 2014.
Nagsimula siyang magturo taong 2018 sa isang pampublikong
paaralan sa Lungsod ng Iriga.

10. Anong taon ipinanganak si Che?


a. 1954
b. 1955
c. 1995
d. 2001
11. Kailan siya pumasok sa Iriga Central School?
a. 1999
b. 2001
c. 1954
d. 2009
12. Kailan siya nagsimulang magsanay umawit at sumayaw?
a. 2001
b. 2003
c. 1995
d. 1994
13. Anong taon siya nakapagtapos ng Elementarya?
a. 2001
b. 2005
c. 2003
d. 2006
14. Kailan siya nagtapos sa kursong Bachelor of Secondary
Education Major in MAPEH?
a. 2017
b. 2018
c. 2014
d. 2019
15. Kailan siya nagsimulang magturo sa pampublikong paaralan
sa Lungsod ng Iriga?
a. 2017
b. 2018
c. 2014
d. 2019
16. Ito ang tawag sa dahilan o paliwanag kung bakit nangyari
ang isang pangyayari.
a. sanhi
b. bunga
c. paghuhula
d. karanasan
17. ito ay naglalahad ng resulta o kinalabasan.
a. sanhi
b. bunga
c. paghuhula
d. karanasan

III. Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng S kung ang


mga salitang nakasalungguhit ay sanhi at B kung ito ay bunga.

______18. Umuulan nang malakas dahil may namumuong bagyo.

______19. Naiwan ni Aling Rosa na nakasindi ang kandila kaya


nasunog ang kanilang bahay.

______20. Bumaha sa ilang lugar dahil sa walang humpay na


pagputol ng puno ng mga tao.

______21. Aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan


dahil parehas na naka-inom

ng alak ang mga nagmamaneho.


______22. Araw-araw akong nagdidilig ng halaman kaya malalaki
at malulusog ang mga ito.

IV. Sundin at isulat ang panuto gamit ang diyagram ng


pagsisipilyo sa ibaba.

PAMAGAT: Pagsisipilyo ng Ngipin


Mga hakbang:

23._____________________________________

24._____________________________________
25._____________________________________

26._____________________________________

27._____________________________________

V. Basahin at unawain ang liham sa ibaba.


Iriga Central School
Lungsod Iriga
Setyembre 23, 2021
Juvy M. Cortez
Katiwala ng Aklatan

Mahal na Bb. Cortez,

Magandang araw po. Ang pangkat ng mag-aaral sa baitang


4 ng aming paaralan ay naatasang gumawa ng proyekto sa
paggamit ng mga sanggunian sa silid-aklatan.

Kaugnay nito, kami po ay humihingi nang pahintulot na


gumamit ng silid-aklatan upang makapanaliksik ng mga
impormasyong kailangan sa aming proyekto.

Umaasa po kami sa inyong pahintulot. Maraming salamat


po.

Lubos na gumagalang,

Regine Anne D. Andalis

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamamg sagot.

28. Sino ang sumulat ng liham?


A. Gng. Juvy Cortez
B. Reginne Anne Andalis
C. Gng. Girlie Penales
D. Iriga Central School
29. Kanino siya sumulat?
A. Gng. Juvy Cortez
B. Gng. Girlie Penales
C. Reginne Anne Andalis
D. Iriga Central School
30. Bakit siya sumulat ng liham sa katiwala ng aklatan?
A. para makigamit ng computer sa laboratory
B. para magbayad ng utang sa canteen
C. para makigamit ng silid-aklatan
D. para makapaglaro chess sa silid-aklatan
31. Paano niya sinulat ang kaniyang liham?
A. sa pamamagitan ng pagtawag sa kaklase
B. sa pamamagitan ng wasto at magalang na pagsulat ng
liham na humihingi ng pahintulot
C. sa pamamagitan ng pagsama sa magulang sa paaralan
D. sa pamamagitan ng pagdikit ng larawan sa silid-aklatan
32. Ano ang tawag sa liham na kaniyang sinulat?
A. liham imbitasyon
B. liham pangkaibigan
C. liham pahintulot
D. liham pagtanggap

Basahin ang awitin at sagutin ang mga tanong sa ibaba nito.

Dengue Tuldukan Na
(Regional Level Jingle Making Contest 2015- ICS 1st Place)

Basurang tinapon sa kung saan-saan,


dulot ay baradong kanal, tubig di makadaan.
Tubig na naipon sa tabi-tabi,
tinitirhan ng lamok at kiti-kiti.

Pasulpot-sulpot na lagnat,
sakit ng ulo at tiyan na di maintindihan,
maaaring ikamatay kapag hindi maagapan.
Oras na para magkaisa, dengue ay tuldukan!

Tayo na, kumilos na! Huwag nang patagalin pa,


paglaganap ng dengue ay solusyonan na.
Hihintayin pa ba natin na tayo’y mabiktima,
sa four o’ clock habit tayo ay magkaisa.

33. Sino ang maaaring mabiktima sa sakit na dengue?


A. ako
B. ikaw
C. tayo
D. mga batang tulad mo
34. Bakit nagiging barado ang mga kanal?
A. dahil sa basura
B. dahil maraming tubig
C. dahil walang daanan
D. dahil sa ulan
35. Ano ang maaaring mangyari kapag naiipon ang mga tubig sa
tabi-tabi?
A. babaho ang lugar
B. gagamitin sa oras nang pangangailangan
C. magkakaroon ng lamok at kiti-kiti
D. wala sa mga nabanggit
36. Dapat ba tayong mag-alaga ng lamok at kiti-kiti?
A. Hindi, maaari itong magdulot ng sakit.
B. Siguro po.
C. Hindi ko po alam.
D. Wala sa nabanggit

VI. Tukuyin kung ang salitang may salungguhit na ginamit sa


pangungusap ay Pandiwa, Pang-uri o Pang-abay. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
_____________ 37. Mabilis tumakbo ang kabayo.
_____________ 38. Taimtim na nanalangin ang mga tao sa loob
ngsimbahan.
_____________ 39. Ang simoy ng hanging amihan ay malamig.
_____________ 40. Binigyan namin ng mga pagkain at inumin ang
mga nasalanta ng bagyo.

You might also like