Reader:: Ito Ang Mga Salita NG Panginoon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Disyembre 21, 2019

Misa De Gallo 6 (O Rex Gentium)


1st Reading .( Isaias 7:10-17)

Reader:  Pagbasa sa Lumang Tipan hango sa Aklat ni


Propeta Isaias, kabanata pito, nagsisimula sa talata
sampu hanggang labing-pito

Ito naman ang ipinasasabi ni Yahweh kay Acaz:


“Humingi ka sa akin ng palatandaan, maging sa
kalaliman ng Sheol o sa kaitaasan ng langit.” Sumagot
si Acaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko susubukin si
Yahweh.” Sinabi ni Isaias: “Pakinggan mo,
sambahayan ni David, kulang pa ba ang galitin ninyo
ang mga tao na pati ang aking Diyos ay inyong
niyayamot? Kaya nga’t ang Panginoon na rin ang
magbibigay ng palatandaan: Maglilihi ang isang
dalaga at manganganak ng lalaki at ito’y tatawaging
Emmanuel. Ang kakainin niya’y gatas at pulot pag
siya’y marunong nang umiwas sa masama at gumawa
ng mabuti. Sapagkat bago matuto ang bata na
umiwas sa masama at gumawa ng mabuti, ang lupain
ng mga haring kinatatakutan mo ay magiging ilang.
Ang bayan mo at ang sambahayan ng iyong ama ay
ipasasakop niya sa hari ng Asiria. Pagdaranasin ka
nito ng paghihirap na kailanma’y hindi naranasan
mula nang tumiwalag sa Juda ang Israel.     
 
Ito ang mga Salita ng Panginoon
 
Disyembre 21, 2019
Misa De Gallo 6 (O Rex Gentium)
1st Reading ( Isaias 9:5-7)

Reader:  Pagbasa mula sa Lumang Tipan hango sa


Aklat ni Propeta Isaias, kabanata siyam, nagsisimula
sa talata lima hanggang pito.

Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma,


ang lahat ng kasuutang tigmak sa dugo ay
susunugin. Sapagkat ipapanganak ang isang
sanggol na lalaki at siya ang mamamahala sa
atin. Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo,
ang Makapangyarihang Diyos, Walang
Hanggang Ama, ang Prinsipe ng
Kapayapaan. Malawak na kapangyarihan at
walang katapusang kapayapaan ang
ipagkakaloob sa trono ni David at sa
katarungan at katwiran ngayon at
magpakailanman. Isasagawa ito ng
Makapangyarihang si Yahweh.

Mga kapatid, Ito ang salita ng Panginoon


Disyembre 21, 2019
Misa De Gallo 6 (O Rex Gentium)
2nd Reading Roma 1:1-7

Reader: Mula sa Bagong Tipan hango sa Sulat ni


Apostol Pablo sa mga taga-Roma, unang kabanata
nagsisimula sa unang talata hanggang pito.
Mula kay Pablo na alipin ni Cristo Jesus, tinawag
upang maging apostol at hinirang upang mangaral ng
Mabuting Balita ng Diyos. Sa inyong lahat na
minamahal ng Diyos na nangariyan sa Roma, na
tinawag upang maging mga banal: Sumainyo nawa
ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating
Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Ang mabuting
Balitang ito, na ipinangako niya noon pang una sa
pamamagitan ng mga propeta at nasasaad sa mga
banal na kasulatan, ay tungkol sa kanyang Anak, ang
ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa kanyang pagiging
tao, siya’y ipinanganak mula sa lipi ni David, at sa
likas na kabanalan ng kanyang espiritu, ipinahayag
siyang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng
makapangyarihang gawa- ang kanyang muling
pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, tinanggap namin
sa Diyos ang kaloob na maging apostol upang ang
lahat ng bansa ay akayin sa pananampalataya at
pagsunod sa kanya. Kabilang din kayo sa mga tinawag
na maging tagasunod ni Jesu-Cristo.  
Mga kapatid, Ito ang mga Salita ng Panginoon.

You might also like