Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

JERAN O.

MANAOIS
III BSE FILIPINO
MARE ANONG LATEST?
(MG2)

Ang pagdadalang tao ba ni Maria at sinasabing si Juan daw ang ama ay maituturing na
nagbabagang balita sa umagang ito? o isa lang ito sa umiiral na gawing pinoy --- tsismis na liban
sa kape'y pampagising ng nakararami. para sa araw na ito, bago mo isipin ang kahulugan mo sa
buhay niya'y sabihin mo muna sa akin ang kahulugan ng balita, iyan ang unang panuto,
ikalawa'y tukuyin at itala mo ang mga elemento nito, maglagay ka rin ng mga halimbawa.

MARE ANO NGA BA ANG BALITA?


Alam mo ba Mars..nasabi sakin ni Marisol na ang balita raw ay isa sa sa mahalagang
bahagi pagdating sa industriya ng pamamahayag, ito ay mga lathalain ng mga iba’t ibang
impormasyon na nangyayari sa ating lipunan o mga pang-araw-araw na kaganapan natin
sa buhay mars! At alam mo ba Mars na ito yung pinaka-source natin ng tsimiss, at sa
pamamagitan nito Mars nakakapagpa-abot ng balita at impormasyon si Marisol sa akin
kaya lagi akong updated Marss, lalo ngayon nasiraan kami nang telebisyon ano bayan!
Nakakaasar lagi nalang nasisira telebisyon namin Mars!
At sabi naman ni pareng Tolets, sa akin naman Mars ang Balita raw ay napamabusisi daw
yan Mars at hindi basta basta, ibig sabihin masusing sinisiyasat ang bawat impormasyon
na makapagbibigay ng katotohanan sa lipunan, Ang balita ay naglalaman ng ulat tungkol
sa isang pangyayari. Ito ay napapanahon at nagbibigay impormasyon sa mga tao. Ang
pinakamahalagang impormasyon ay makikita sa unahang bahagi. Ang mga detalye ay
nasa gitna at dulong bahagi. Maaari itong naganap na, nagaganap o gaganapin pa lamang.
Ang balita ay may dalawang pormat - pasulat at pasalita. Pasulat kung ito ay makikita sa
mga pahayagan. Pasalita naman kung ito ay naririnig natin sa balita sa tv, radyo o sa
ibang tao.
MGA ELEMENTO NG BALITA

1. Kapanahunan/Napapanahon (Immediacy or Timeliness)--Kailangan ang


pagyayari'y kagaganap o katutuklas lamang. Napapanahon pa rin ang balita kung
ang pangyayari ay matagal nang naganap ngunit ngayon lamang nabunyag o
natuklasan.
Halimbawa:
Isyung Jeepney Modernization na kung saan napapanahon ngayon.

2. Kalapitan (Nearness or Proximity)--Higit na kinagigiliwan ng mga mambabasa ang


mga pangyayari sa kanilang paligid kaysa sa mga pangyayaring nagaganap sa
malalayong pook . Ang kalapitan ay maaring tumukoy rin sa kalagayang
heograpiya (geographical nearness), kaangkan (kinship), kapakanan (interest),
atbp.
Halimbawa:
Na lamang sa aming barangay may nagaganap na Programang Pangkalinisan sa
aming barangay ito ay hidni kalayuan sa amin kung kaya maaring kami ay
makilahok.

3. Katanyagan (Prominence)--Kung ang paksa ng balita ay bantog o tanyag, ito ay


nakaaakit at nakatatawag-pansin. Maaaring ito'y ukol sa isang pinuno ng
pamahalaan, lider ng purok, mgataong kilala o dakila o tanyag sa lipunan. Maaari
ring paksain ang isang matulaing pook.
Halimbawa:
Na lamang kung ang ating mahal na presidente ay nagpapahayag ng kaniyang
programang nagpapalakas sa kaniyang katanyagan bilang president.

4. Tunggalian (Conflict or Struggle)--Ano mang pangyayaring naglalarawan ng


paglalaban, pagpapaligsahan at pagsasapalaran ay balitang interesante. Ito'y
maaaring pagtutunggali ng katawng pisikal at mental; tao laban sa kapwa tao; tao
laban sa hayop; tao laban sa kalikasan; tao laban sa kanyang sarili.
Halimbawa:
Balitang Sports, na kung saan tayo ay nakakamit ng gintong medalya sa
pamamagitan ng ating mga atleta.
5. Kahulugan o Kalabasan (Significance or Consequence)--Kung ang isang pangyayari o
bagay ay may ibubungang kabutihan o kasamaan ay nakatatawag-pansin, ano ang
kahulugan o kalalabasan kung ang Komunismo ay ating tatangkilikin?

6. Di-karaniwan, Pambihira (Oddity, Unusualness)--Mga bagay na pambihirang mangyari


gaya ng isang tao na napabalitang nagdadalantao, o ng isang taong patay na nabuhay at
nang nakita niyang nasa loob siya ng ataol, siya'y namatay uli dahil sa takot.

7. Pagbabago (Change)--Ano mag pagbabago, maging sa pag-unlad o sa pagsama ay


nakatatawag-pansin.

8. Pamukaw-Damdamin o Kawilihan (Human Interest)--Ito'y umaantig ng damdamin at


kaukulang reaksyon ng mambabasa upang siya ay paiyakin, patawanin, pagalitan,
pahangain, atbp.

9. Romansa at Pakikipagsapalaran (Romance and Adventure)--Ang romansa ay hindi


nauukol sa pag-iibigan lamang. Isang halimbawa nito ay ang romansa ni Hemingway at ng
karagatan; mga astronauts at ng kalawakan.

10. Hayop (Animals)--Magandang paksa sa balita ang mga hayop na may katalinuhan.

11. Pangalan (Names)--Kung marami ang mga pangalang nakalathala na nasasangkot sa


balita, dumarami rin ang mga mambabasa.

12. Drama (Drama)--Ang daigdig ay isang dulaan at ang mga tao ay nagsisiganap ng dula
ng tunay na buhay. Ang misteryo, pag-aalinlangan (suspense) o komedya ay nagbibigay ng
kulay sa isang kuwento.

13. Kasarian (Sex)--Ito'y nagbibigay ng kawilihan na karaniwang natutunghayan sa


romansa, pag-aasawa, paghihiwalay at pagdidiborsiyo. Nailalarawann rin ang mga
kasarian, halimbawa kung ang isang babae ang pinuno ng mga bandido o kung ang
naihalal na pangulo ng isang bansa ay babae gaya ni Gloria M. Arroyo.
14. Pag-unlad o Pagsulong (Progress or Advancement)--Magandang paksa ng mga ito sa
balita.

15. Mga Bilang (Numbers)--Marami ang mahilig magbasa ng mga estatistiks tulad ng ulat
sa pananalapi, kinalabasan ng eleksyon, panalong numero sa sweepstakes, vital statistics
ng dalaga, atbp.

You might also like