Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

AMA NAMIN,

SUMASALANGIT KA SAMBAHIN ANG NGALAN MO


MAPASAAMIN ANG KAHARIAN MO SUNDIN ANG
LOOB MO DITO SA LUPA,
PARA NANG SA LANGIT.
BIGYAN MO KAMI NGAYON NG AMING KAKAININ
SA ARAW-ARAW.
AT PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA SALA,
PARA NG PAGPAPATAWAD NAMIN SA
NAGKAKASALA SA AMIN.
AT HUWAG MO KAMI IPAHINTULOT SA TUKSO,
AT IADYA MO KAMI SA LAHAT NG MASAMA.
AMEN
Ang Pabula
ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga
hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na
mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at kuneho, lobo
at kambing, kuneho at leon.
Ano-anong klaseng mga pabula ang inyong napakinggan at nabasa
noon?

Ano-anong klaseng mga tauhan ang nasa pabula na iyon?

Ano-anong aral puwede niyong matutunan sa pagbabasa ng mga


pabula?
Pabula

Mga mahahalagang detalye na makikita sa mga pabula.

1. Ang Tauhan- tumutukoy kung sino o ano ang gumaganap na karakter sa


tekstong binasa.
2. Ang Tagpuan- tumutukoy ng pook, oras, at panahon na pinangyayarihan ng
kuwento.
3. Ang Suliranin at Solusyon- ang magahalagang detalye na nararanasan ng
mga tauhan sa kuwento.
Si Kuneho at si Pagong
Isang araw ay nagkasalubong sa daan ang Kuneho
at ang Pagong.
Ngingisi-ngising inaglahi ng Kuneho ang Pagong.

Kuneho: “Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho,

Kuneho: “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at


pagkabagal-bagal mong lumakad.”

Hindi ipinahalata ng Pagong na siya ay nagdamdam. Upang patunayang may


maipagmamalaki din naman ay sinagot niya ang mayabang na kalaban.

Pagong: “Aba, Kuneho, maaaring mabagal nga akong maglakad pero nakasisiguro
akong matatalo kita sa palakasan. Baka gusto mong pabilisan tayong makaakyat sa
tuktok ng bundok pagsikat ng araw bukas. Tinatanggap mo ba ang hamon ko?”

Tuwang-tuwa ang Kuneho sa hamon ng Pagong. Nakasisiguro siyang sa bagal ng


Pagong ay tiyak na mananalo siya. Upang mapahiya ang Pagong ay pinagtatawag ng
Kuneho ang lahat ng kamag-anak niya.
Pinulong niya ang mga ito at inutusang
palakpakan siya kapag matagumpay na
naakyat na niya ang tuktok ng bundok. Iniutos
din niyang kantiyawan sa mabagal na pag-usad
ang kalaban.

Maagang-maaga dumating sa paanan ng bundok ang maglalaban.

Maaga ring dumating ang iba’t ibang hayop na tuwang-


tuwang makasasaksi ng isang tunggalian.
Kapansin-pansing kung maraming kamag-anak si
Pagong ay higit na maraming kamag-anak ni Kuneho
ang nagsulputan.
Nang sumisikat na ang araw ay pinaghanda na ng
Alamid ang maglalaban. Ang mabilis na pagbababa ng
kaniyang kanang kamay ang hudyat na simula na ang
laban.
Nang nagbigay hudyat sa pasimula ng paligsahan
sabay na gumalaw paakyat ng bundok ang
magkalaban. Mabilis na tumalun-talon ang
mayabang na Kuneho paitaas na parang hangin sa
bilis. Nang marating na niya ang kalahatian ng
bundok at lumingon paibaba ay natanawan niya
ang umiisud-isod na kalaban.

Maraming naawa sa mabagal na Pagong.

“Kaya mo yan! Kaya mo yan!” pagpapalakas ng loob na sigaw ng kaniyang tatay, nanay,
kuya, ate, at mga pinsan.

“Talo na yan! Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga kamag-anak


ni Kuneho.
Kahit kinukutya ay sumige pa rin si Pagong.
Buong loob siyang nagpatuloy sa pag-isod.

Kuneho: "O ano na pagong yan lang ba ang iyong


makakaya?"

Malayung-malayo na ang naakyat ni Kuneho. Nagpahinga ito ilang sandali upang


tanawin ang anino ng kalaban. Nang walang makitang anumang umuusad ay ngingisi-
ngising sumandal ito sa isang puno at umidlip.

Kahit na sabihing napakabagal umusad ay


pinagsikapan ng Pagong na ibigay ang lahat ng lakas
upang unti-unting makapanhik sa bundok at naabutan
ang natutulog na kuneho.
Nang matanawang himbing na himbing sa pagtulog ang
katunggali ay lalong nagsikap umisud-isod pataas ang
pawisang Pagong.

Palabas na ang araw nang magising si Kuneho. Nanlaki


ang mga mata nito nang matanawang isang dipa na
lamang ang layo ng Pagong sa tuktok ng bundok.

Kuneho: "Nako po nakatulog ako ng matagal hindi ko


inakalang mauunahan ako ni Pagong".

Sigaw ni Kuneho,

Litong nagtatalon paitaas ang Kuneho upang unahan si Pagong. Huli na ang lahat
sapagkat narating na ng masikap na Pagong ang tuktok ng tagumpay.

Wakas.
I.
Paglalapat.
Ipahayag sa buong klase ang mga nagaganap o pangyayari sa mga litratong
ipinakita sa mga sumusunod ayon sa pabulang "Si Kuneho at si Pagong".

1.
2.
3. 4.

7.
5. 6.
II.
Ipahayag sa klase ang mga
possibleng aral na
natutunan sa ibinasang
pabula.
Aral
Walang imposible sa taong nagsusumikap.

Huwag maging mayabang. Tandaan, ang taong nagmamataas ay


lalong bumababa at ang taong nagpapakababa ay siyang
tinataas.

Huwag magpaka-kampante sa isang labanan o tunggalian.


Huwag mong hamakin ang kakayahan ng iyong kalaban.
Magbigay ng isang halibawa ng pabula.
Ipahayag ang paksa at mga tauhan sa nasabing pabula.

Ibahagi ang mga nalalaman mo sa pabula (Pangyayari, Sitwasyon, at Solution sa


problema).
Ipahayag ang mga aral na puwede nating matutunan sa pagbasa ng ibinahagi na
pabula.

Anong detalye sa pabula ang tumutukoy kung sino o ano ang gumaganap na
karakter sa binasang kuwento?
Ano naman ang nagsasabi ng pook, oras, at panahon a pinangyarihan ng
kuwento?
At ano naman ang mga mahahalagng detalye na nararanasan ng mga tauhan sa
kuwento. problema na kinakaharap ng mga tauhan at paraan kung paano nalutas
ang suliranin?
Si Daga at si Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon.


Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos
siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang
leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa
buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin.
Natakot at nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo.


Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran.
Huwag mo akong kainin,” ang sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog
ko,” sabi ng leon.

“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,” sagot ng
daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa
puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang
leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng nangagaso
sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang


lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid
at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis
na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa
lambat.

“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa


kaibigang daga.

Wakas
Aral
Ang paghingi ng paumanhin ay hindi nakakapag-pababa sa dangal ng
isang tao.

Huwag maliitin ang kakayahan ng iba. Maliit man ang iyong kapwa ay may
kakayahan pa rin itong makatulong sa paraang hindi madalas inaasahan ng
iba.
1.Sino ang mga Tauhan sa binasang pabula?

A.Si Leon at si Pagong


B.Si Pagong at si Kuneho
C.Si Daga at si Leon
D.Si Daga at si Kuneho
2.Saan nakatuwaang naglaro si Daga?

A.sa ibabaw ng isang natutulog na leon.


B.Sa taas ng puno.
C.Sa baba ng isang natutulog na leon.
D.Sa tabi ng ilog.
3.Nang nagising ang leon at balak kainin ang Daga ano ang kaniyang ginawa?

A.Lumaban
B.Nagsigaw ng tulong
C.Natakot at nagmakaawa
D.Kinagat ang Leon
4.Matapos nagmakaawa ang daga sa leon ano ang ginawa nang leon?

A.Kinain parin ang Daga


B.Hindi pinakawalan
C.Ginawang alipin ang Daga
D.Pinakawalan ang daga at sinabihang huwag na dapat pang gambalain sa kaniyang
pagtulog

5.Nang nakita ng daga ang leon sa isang lambat na nakabitin sa isang puno ano ang
kaniyang ginawa upang matulungan ang leon?

A.Humanap nang tulong sa iba


B.Tinawanan ang leon
C.Inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat.
D.Tinulungan sapagkat may kondesyion

You might also like