Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Si Bubuyog at si Lamok

ni Grace F. Ompad

Sa Hardin na puno ng mga magaganda at mahahalimuyak na bulaklak ay palaging naglalaro ang


batang si Buyog. Ang lugar na ito ang nagsilbi niyang kanlungan at aliwan kung nais na mapag-isa. Ito
rin ay nagpapamalas ng kamangha-manghang tanawin dahil sa mga nakapalibot na bulaklak na
malabahaghari ang kulay.

Isang araw, ay naisipan ni Buyog na maglibot-libot sa hardin upang masilayan ang lahat na mga
nagtitingkadang bulaklak. "Hindi talaga ako magsasawang pagmasdan at hapyusin ang mga talulot
nito, para bang kendi na pagkatamis-tamis kainin”, ani ni Buyog. Ang mga bulaklak ang laging
nagpapaganda ng kanyang araw kaya't gayon na lamang ang pagka-ibig rito. Ayaw niyang may ibang
umaaligid na kapwa niya insekto sapagkat para sa kaniya ay nakasisira lamang at walang mabuting
maidudulot. Maya-maya'y napansin niyang may papalapit sa mga bulaklak at narinig ang sinabi.
"Naku! Napakaganda naman ng mga bulaklak sa lugar na ito at napakabango pa, ngayon lamang ako
nakasaksi ng ganitong klaseng tanawin", aniya ni Lamok. "Sino ka?" Tanong ni Buyog."Ah eh Ako nga
pala si lamok" sagot naman niya. "Bakit ka naparito, alam mo bang higit na ipinagbabawal ang mga
katulad mo sa harding ito?" galit na wika ni Buyog. "Paanong naging bawal? E wala naman pong
nakasulat na bawal ang Lamok dito?", pabirong sabi ni Lamok. Nag-uusok sa galit si Buyog sa tinuran ni
Lamok ayaw na ayaw pa naman niyang sinasagot siya ng ganoon. "Wala ngang nakasulat ngunit ako na
ang nagsasabi na bawal sapagkat ang mga katulad mo ay mabaho, madumi, at ang pangit-pangit mo!
Hindi nararapat sa mga ganitong lugar ang tulad mo! Umalis ka na nga baka maapektohan mo pa ang
mga bulaklak!" pang iinsulto naman ni Buyog. "Grabe! Nakakasakit ka naman ng damdamin! Hindi mo
naman siguro pagmamay-ari ito tsaka hindi mo naman kilala ang isang tulad ko, bakit ganoon na
lamang ang mga pananalita mo? May damdamin ring nasasaktan sa iyong mga sinasabi. Ako lamang ay
namamasyal at lubos na namamangha sa mga bulaklak kaya nilapitan ko. Sana naman ay kinilala mo
muna ako ng lubusan bago ka nagbitaw ng mga mapanakit na salita, hindi mo ba alam na baka'y
bumalik saiyo ang lahat ng iyong mga sinabi?" madamdamin at palaisipang wika ni Lamok, pagdaka'y
umalis na ito.
Labis namang napaisip si buyog sa mga salitang binitiwan ni Lamok napagtanto niyang naging
matalim ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. Upang makahingi ng tawad at makabawi kay Lamok
ay hinanap niya ito sa mga kalapit na lugar ng hardin at pagdaka'y natagpuan niya si Lamok malapit sa
basurahan na walang anu-ano'y nilapitan niya ito."Oh Buyog anong ginagawa mo dito?" bungad na
tanong ni Lamok. "Hinanap talaga kita Lamok." sambit naman ni Buyog. "Umalis ka na at baka
madumihan at maging mabaho ka pa, malapit pa naman ito sa basurahan." malungkot na sinabi ni
Lamok. "Humihingi ako ng paumanhin Lamok sapagkat naging matalas ang mga pananalita ko at nakuha
kitang insultuhin. Nagulat lamang kasi ako na may dumating doon sa hardin at hindi ko inaasahan na
isang katulad mo. Alam mo dati pa talaga na ayaw ko sa mga Lamok ngunit simula noong narinig ko ang
mga sinabi mo ay napaisip ako ng lubusan at nabago nito ang paniniwala ko na hindi ka lang basta isang
Lamok kundi Lamok na may mabuting kalooban." maluha-luhang sabi ni Buyog. Mabilis naman na
niyakap ni Lamok si buyog. "Wala iyon, mabuti naman at naitama mo ang iyong pagkakamali." sabi ni
Lamok. "Dahil dito maaari ba kitang maging kaibigan?" Tanong ni Buyog. "Oo Naman! Bakit hindi?"
masiglang sabi ni Lamok. Kalaunan ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa at lagi na itong nagkikita
at naglalaro sa Hardin.

You might also like