Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sanaysay

Marso 1, 2023

Ako si HARRIS T. MANGIDUYOS may sapat na taong gulang, may asawa at tatlong
anak, naninirahan sa bayan ng Licab, Nueva Ecija sa kapahintulutan ng kinauukulan ay aking
buong puso at pawang totoo ang aking ginawang sanaynay na ito tungkol sa nasabing
insidenteng gulo na naganap sa loob ng Staff House ng ADL, Agritourism Farm, Inc.

Noong ika-23, ng Pebrero taong kasalukuyan sa oras na ikapito at kalahati ng gabi


(7:30PM) ay inabutan ko pong nag-iinuman sina ROMY “Lakay” GANANCIAL, JOEL
DOMINGO at ang isang pamangkin ni Romy Ganancial. Inaya nila akong tumagay at kami ay
nagkainuman na tumagal ng ilang oras. Nang kami ay nakaubos na ng aming iniinom mga
bandang ikasiyam at kalahati ng gabi (9:30PM) ay nagpaalam na sila Joel Domingo at ang
pamangkin ni Romy Ganacial na sila ay matutulog na. naiwan pa kaming dalawa dahil inaya pa
ako ni Romy Ganacial na bumili pa ng isa pang bote ng alak. Habang kaming dalawa nalang ang
umiinom kami ay nagkwentuhan at napag-usapan pa naming na tuturuan ko siyang magmaneho
dahil marami silang sasakyan sa Pangasinan. At sinabi ko sa kanya na tuturuan ko siya
magmaneho kapag mayroon akong libreng oras at pumayag naman siya at naging maganda
naman ang aming napagkasunduan. Mga bandang ika labing isa ng hating gabi (11:00PM)
malapit na maubos ang aming iniinom na alak ay nagpaalam ako sa kanya kay Romy Galancial
na ako ay iihi lang at sinabi niya habang kami ay magkatabi ng inuupuan:

ROMY:“HUWAG KANG TATAYO AT TATAMAAN KA”) at sumagot ako ng patanong na


HARRIS: “BAKIT NAMAN GANON LAKAY, BIGLA KANG NAGBAGO NG
PANANALITA, KAGANDA NG ATING USAPAN NA TUTURUAN KITA MAGMANEHO”
at sinabi niya ulit sa akin.
ROMY: HUWAG KANG TATAYO AT TATAMAAN KA TALAGA!
HARRIS: HUWAG GANON LAKAY, KAGANDA AT KAAYOS NAMAN NG USAPAN
NATIN BAKIT NAUWI SA GANYAN ANG MGA SINASABI MO?
(ng tatayo na ako… ay sinabi niyang muli…)
ROMY: PAGSINUBUKAN MONG TUMAYO, PAPATAYIN NA KITA!

Dahil sa aking takot na naramdaman ay inunahan ko na siya upang ipagtanggol ko ang


aking sarili sa kanyan masamang binabalak gawin sa akin at naitulak ko siya at nasuntok sa
mukha at dahil sa mas malaki siyang di hamak sa akin, hindi ko siya binigyan ng pagkakataon,
naipalo ko sa kanya ng isang beses ang upuang monoblock na naging sanhi ng pagputok ng
kanyang ulo. At nang siya ay bumagsak, iniwanan ko na siya at ginising ko na ang isa naming
kasama upang magkaroon ng mamagitan sa aming away at maitigil ito. At kasabay nito ay ang
pagdating dalawang security guard at tuluyan na ngang natigil ang nasabing gulo. Kami ay
dinala sa guardhouse at doon kami ay tinanong mga security guard at kapulisan kung siya ba ay
magsasampa ng reklamo laban sa akin, ngunit tahasan siyang sumagot ng “HINDI” sa harap ng
mga nasabing security guard at kapulisan. Pagkatapos naming mag-usap ay dinala siya ng mga
kapulisan sa hospital at sasamahan ko sana siya ngunit ang sabi nila’y “HUWAG NA” at dahil
dito ako ay nagpasya ng umuwi sa aming tirahan.

Ang sanaysay ko pong ito na nasa itaas ay pawang katotohanan at walang halong
anumang dagdag na kwento. At bilang patunay akin po itong lalagdaan.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Pagpalain po kayo ng ating Diyos.

Gumagalang,

HARRIS TAMALLANA-MANGIDUYOS
Maintenance Staff-Dressing Plant Department

You might also like