Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kabanata 1

INTRODUKSYON

Ang Suliranin at Kaligiran nito


“Mahalaga ang pagkakaroon ng uniporme sapagkat ito ay sumisimbolo sa bawat paaralan na
kinakatawan ng mga mag-aaral. Maging ito ay isang tradisyonal na kasuotan hindi lamang
upang makilala ang paaralan kundi ito din ang nag-uudyok upang maihanda ang sarili at isipan
sa pag-aaral (Salvejo et al., 2018).” Isa sa mga pagkakakilanlan bilang isang mag-aaral ay ang
pagsusuot ng uniporme. Ito rin ay sinadya ng mga paaralan upang magdala ng pagkakapantay-
pantay sa mga mag-aaral ano man ang kanilang estado sa buhay. Nagsilbi na itong isang
malaking obligasyon sa mga estudyante upang maipakita ang kanilang respeto at disiplina sa
pagsunod sa mga alituntunin at patakaran ng paaralan.
Makalipas ang ilang taon ng Modular Distance Learning (MDL) dahil sa pandemya, nagsimula
na muling buksan ang mga paaralan para sa face-to-face classes. Hulyo taong dalawang libo
dalawampu’t dalawa, inanunsyo ni Bise-Presidente Sara Duterte, na siya ring kalihim ng
Department of Education (DepEd), na hindi na mandatoryo ang pagsuot ng uniporme sa mga
pampublikong paaralan sa akademikong taon 2022-2023, sa kadahilanang hindi na dapat
madagdagan pa ang gastusin sa pagbili ng uniporme sa problema ng mga estudyante at kanilang
mga pamilya, sa gitna nang tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, at kawalan ng
pagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.
Ngunit maging ang ilang pribadong paaralan ay mayroon ding ganitong patakaran. Ang JE
Mondejar Computer College ay kabilang sa mga pribadong paaralan na nagbibigay ng kalayaan
sa mga mag-aaral sa pagpili ng kanilang kasuotan, mapa-uniporme man o regular na damit,
basta’t ito ay naaayon sa pamantayang pananamit (dress code) ng paaralan. Bagama’t may iilang
mag-aaral sa kolehiyo sa nasabing paaralan na nagsusuot ng uniporme, ay mayroon din namang
mga mag-aaral na pinipiling mag sibilyan na lamang.
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pananaw ng ilang mag-aaral sa kolehiyo ng JE Mondejar
Computer College, taong 2022-2023 ukol sa hindi mandatoryang pagsusuot ng uniporme sa
paaralan. Nais malaman ng mga mananaliksik kung ano ang iba’t-ibang persepsyon ng mga
estudyante sa nasabing paaralan at kung sila ba ay sang-ayon dito o hindi. Napili ng mga
mananaliksik ang paksang ito dahil ito ay umani ng iba’t-ibang reaksyon at debate mula sa mga
magulang at mag-aaral matapos ang pahayag ni Bise-Presidente Sara Duterte.

You might also like