Marianne Mahirap

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Marianne Jasmin C.

Manicia

12-ABM

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Kahirapan, Isang Pagsubok

Isang karangalan ang makaharap kayong lahat ngayong araw na ito. Magandang hapon sa
ating lahat. Nais ko lamang iparamdam sa inyo ang buhay ng mahihirap. Masasabi nga natin na
isang karangalan ang mabuhay ng mayaman, walang iniisip na problemang pinansyal,
nakakakain ng higit sa tatlong beses sa isang araw at may pangbili ng kanilang mga luho. Hindi
ko masabing kabilang ako ako dito dahil ang pamilya ko ay may kaya lamang ngunit sa awa ng
Diyos nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Sa tatlong antas ng pamumuhay,
mayaman, may kaya at mahirap, saan nga ba kayo nabibilang?

Marami sa atin ang mahirap at naghihirap. At labis na lamang ang kanilang


pinagdaraanan. Halos walang makain kahit sobrang sipag kumayod. Magsasaka, tricycle driver,
mangingisda at iba pa ang madalas na nasa pinakamababang antas ng pamumuhay. Sa tingin
niyo sino-sino pa ba ang nasa antas na ito?

Kadalasan ay toyo at mantika lamang ang inuulam ng mga nahihirapan sa buhay. Kahit
ano mang kayod nila ay hindi parin ito sapat para makabili ng ulam. Naranasan niyo na bang
ulamin ang asin, mantika, at toyo?

Kaya't karamihan ay hindi nakakapag-aral, kahit gustuhin man nila ay hindi sapat ang
kinikita ng kanilang mga magulang. Ito ay isang dahilan kung bakit ang nakakarami sa atin ay
walang trabaho, dahil sa mataas na kwalipikasyon lalo na sa edukasyon. Edukasyon ay isa sa
pinakadakilang regalo ng ating mga magulang ngunit nakakalungkot dahil hindi lahat tayo ay
nakakaranas nito.

Dapat lang siguro na bigyan sila ng sapat na atensiyon ng gobyerno upang mas
magkaroon sila ng pagkakataon na mamuhay ng maayos at makaangat sa kanilang kinalalagyan.
Hindi ko man masyadong nabanggit ang tunay na buhay ng mga mahihirap ay sana namulat kayo
kung gaano kayo kapalad sa kinatatayuan niyo. Nais kong ibatid na lahat tayo ay mapalad dahil
lahat tayo dito ay may pagkakataong makapag-aral at matuto. Maraming salamat sa inyong
pakikinig at sana patuloy tayong maghangad ng mas magandang buhay para sa ating mga sarili.

You might also like