Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

REVIEWER IN ARALING PANLIPUNAN 7

UNANG MARKAHAN
Tukuyin mo kung saang rehiyon napapaloob ang sumusunod na bansa. Isulat ang HA para sa Hilagang
Asya, SA sa Silangang Asya, TSA sa Timog Silangang Asya, KA sa Kanlurang Asya at TA para sa Timog
Asya. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
__________1. Kazakhstan ___________6. Maldives
__________2. India ___________7. Japan
__________3. Saudi Arabia ___________8. Thailand
__________4. Vietnam ___________9. Lebanon
__________5. China ___________10. Tajikistan

Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang.


____ 1. Pinakamalaking kontinente sa daigdig
A. Asya B. Australia C. Central America
____ 2. Pinakamataas na bundok sa daigidig
A. Mt. Apo B. Mt. Fuji C. Mt. Everest
____ 3. Bansang tinagurian na “Roof of the World”
A. Tibet B. Kazakhstan C. Indonesia
____ 4. Ang sona o rehiyong binubuo ng magkakahanay na aktibong bulkan sa paligid ng Pacific Ocean
A. Active Ring B. Dangerous Zone C. Pacific Ring of Fire
____ 5. Malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamalaking lawa sa mundo na makikita sa kanlurang bahagi ng Asya?
A. Caspian Sea B. Lake Baikal C. Dead Sea
____ 6. Pinakamalalim na lawa sa buong daigdig
A. Caspian Sea B. Lake Baikal C. Dead Sea
____ 7. Pinakamaalat at pinakamababang bahagi ng tubig mula sa kapatagan ng dagat sa buong daigdig
A. Caspian Sea B. Lake Baikal C. Dead Sea
____ 8. Pinakamahabang ilog sa Asya
A. Yangtze River B. Huang River C. Mekong River
____ 9. Naniniwala ang mga Hindu na sagrado ang ilog na ito kaya’t ang pagligo rito ay itinuturing na
paglilinis ng isip at kalooban
A. Ganges River B. Cagayan River C. Ilog Trigris
____ 10. Karaniwang nababalutan lamang ng lumot at lichen
A. taiga B. tundra C. disyerto

1
____ 11. Karaniwang matitinik at mabababang palumpon ng mga halaman at punongkahoy ang
matatagpuan rito
A. tundra B. disyerto C. taiga
____ 12. Halamang herbaceous ang karaniwang tawag sa mga damuhang nabubuhay sa vegetation na ito.
A. steppe o grassland B. disyerto C. tropical rainforest
____ 13. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng
Asya?
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan.
D. Nagtataglay lamang ng iisang uri ng klima ang Asya.
____ 14. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t-ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan.
Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
A. Etniko B. Etnolingguwistiko C. Katutubo D. Nomad.
____ 15. Ang populasyon ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa. Alin sa mga sumusunod na
bansang Asyano ang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo?
A. China B. India C. Indonesia D. Japan
____ 16. Sa Japan, tinatayang hanggang 82 taon ang itinatagal ng buhay ng mga tao dito. Alin sa mga
sumusunodna terminolohiya ang tumutukoy sa inaasahang haba ng buhay ng tao?
A. Life Expectancy Rate B. Literacy Rate C. Population Rate D.Unemployment Rate
____ 17. Alin naman ang tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat?
A. Life Expectancy Rate B. Literacy Rate C. Population Rate D. Unemployment Rate
____ 18. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy
ang pagtaas ng populasyon?
A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas-paggawa.
B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang-yaman ng mga bansa.
C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.
____ 19. Ang pag-usad at pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa mga likas na yaman na maaaring
magamit ng mga mamamayan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng likas na yaman?
A. yamang-lupa B. yamang-tubig C. yamang-kasuotan
____ 20. Nasa Kanlurang Asya ang pinakamalaking deposito ng fossil fuel. Malaki ang kinikita ng mga
bansa sa Kanlurang Asya mula rito. Alin sa mga sumusunod ang pinakatanyag na produkto ng Kanlurang
Asya?
A. ginto B. gas/petrolyo C. produktong galling sa kagubatan
____ 21. Ang paglawak ng industriya ay simbolo ng isang maunlad na bansa. Ano ang negatibong epekto
ng modernisasyon sa ating kapaligiran?
A. Ang pagkakaroon ng polusyon sa lupa, tubig, at hangin.

2
B. Ang pagkaubos ng suplay ng mga pangunahing mineral.
C. Ang pagdagsa ng mga tao sa sentro ng industrayalisasyon.

____ 22. Kung ang vegetation cover sa Timog Silangang Asya ay rainforest, ano naman ang nasa mga
lupaingmalapit sa baybayin ng Arctic Ocean na may kakaunting halamang tumatakip at halos walang
punongnabubuhay dahil sa malamig na klima?
A. grassland B. savanna C. taiga D. tundra
____ 23. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa Silangang Asya?
A. China at Korea B. Georgia at Armenia C. Indonesia at Pilipinas D. Israel at Jordan

Mga Uri ng Klima sa Asya

____ 1. Sakop nito ang buong bahagi ng Asya na malapit A. Rehiyong Mediterranean
sa Arctic Ocean
____ 2. Nararanasan ang klimang ito sa mga lugar na malapit B. Tropical Monsoon
sa Mediterranean Seamula Turkey hanggang Syria.
____ 3. Bahagi ng mga lugar na may ganitong klima ang India C. Rehiyong Tundra
at ilang bahagi ng China at Japan na nakararanas ng
pag-ulan kahit tag-init.
____ 4. Ito ang klima sa mga lugar na nasa pagitan ng 10° hilaga D. Temperate Monsoon
at 10° timog ng Malaysia at Indonesia
____ 5. Kabilang sa mga lugar na may ganitong klima ang North E. Rehiyong Iran-Sindh
Korea, South Korea, Japan, at silangang bahagi ng China
na matatagpuan sa Tropic of Cancer.
____ 6. Sakop ng rehiyong ito ang Afghanistan, silangang Iran, at F. Rehiyong Tropical Desert
timog Pakistan na tinatawag na Sindh Province.
____ 7. Matatagpuan ito sa trade wind belt kung saan maliit lamang G. Rehiyong Equatorial
ang epekto ng monsoon at Meditaerranean Sea.

3
Tukuyin kung saang aspekto nabibilang ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.
A – Agrikultura E – Ekonomiya P – Panahanan

8. Ang mga magsasaka sa Timog silangang Asya ay nakatira sa mga nipa hut.
9. Ang South Korea ay kilala sa maunlad na industriya ng tela, plastic, abono, at mga kagamitang
elektroniks.
10. Ang Bangladesh ang pangunahing prodyuser ng hilaw na materyales na jute at mga produktong
nagagawa mula rito.

4
ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan, pagkatapos ay subukan mong


sagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa talino, kakayahan, lakas, dami, at iba pang katangian ng tao na magagamit sa
paggawa ng mga produkto at serbisyo?
A. yamang dagat C. yamang mineral
B. yamang lupa D. yamang tao
2. Ano ang maaaring magandang implikasyon o epekto ng malaking populasyon ng Asya sa pag-unlad ng
rehiyon?
A. Marami ang taong pakakainin sa bawat bansa sa Asya
B. Marami ang kailangang makapagtapos ng pag-aaral sa Asya
C. Marami ang magrereklamo sa pamahalaan ng mga bansa sa Asya
D. Marami ang yamang tao at lakas-paggawa na makapagpapaunlad sa Asya
3. Batay sa estadistika, normal ang hitsura ng population pyramid ng Pilipinas. Ibig sabihin, sapat ang dami
ng gitnang populasyon para matugunan ang mga pangangailangan ng buong populasyon. Ngunit sa kabila
nito ay mabagal pa rin ang pag-unlad ng bansa. Ano kaya ang maaaring dahilan?
A. Katamaran ng mga Pilipino C. Mataas na presyo ng mga bilihin
B. Kawalan ng trabahong mapapasukan D. Mabilis na paglaki ng populasyon
4. Ano ang tawag sa kakayahang magbasa, magsulat, at magbilang ng isang tao?
A. functional candidacy C. functional literacy
B. congenital literacy D. general education
5. Ano ang kahulugan ng positibong antas ng paglaki ng populasyon? Ang positibong antas ng paglaki ng
populasyon ay ______ ang mamamayan ng bansa.
A. tumatalino C. tumataba
B. dumarami D. umuunlad
6. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan
ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang
papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na
yaman ng Asya pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
B. Maprepreserba ang mga yamang likas ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
D. Higit na madaragdagan ang likas na yaman ng Asya.
7. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging
magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?
A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan.
5
B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan nang lubos.
D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay nang matiwasay at
mapaunlad ang pamumuhay.
8. Ang tao ay itinuturing na yaman ng isang bansa. Bilang isang kabataaan, paano mo maipakikita na ikaw
ay yaman ng bansa?
A. Pagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at maging produktibong mamamayan.
B. Pagsali sa mga rally upang maiparinig ang tinig ng kabataan.
C. Pakikibahagi sa mga gawain na magbibigay ng pansariling kasiyahan.
D. Sisikaping maragdagan ang kaalaman upang magamit sa pansariling kapakanan.
9. Ang yamang tao ay katuwang sa pagpapaunlad ng isang bansa at maituturing na kayamanan. Sa iyong
palagay, bakit itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa ang tao?
A. Dahil ang tao ang nangangalaga sa kaniyang kapaligiran ngunit inaabuso naman kalaunan.
B. Dahil ang tao ang lumilikha ng mga produkto para sa kanyang sariling interes at kasiyahan.
C. Dahil ang tao ay may kakayahang kilalanin ang pangangailangan ng iba ngunit walang sapat na
kaalaman upang tugunan ito.
D. Dahil ang tao ang nangangalaga at lumilinang ng likas na yaman para sa kapakinabangan ng
lahat.
10. Ang paglaki ng populasyon ay isa sa suliraning kinakaharap ng ilang bansa sa daigdig. Alin sa mga
sumusunod na bansa ang may pinakamalaking populasyon sa daigdig?
A. India B. Indonesia C. China D. Pakistan
11. Ang paglaki ng bilang ng populasyon sa Pilipinas ay pinangangambahan na magdulot ng ibayong
problema sa bansa. Ano ang magiging epekto ng patuloy na pagtaas ng populasyon sa ating bansa?
A. Mas darami ang manggagawang Pilipino.
B. Mas lalala ang kahirapan at negatibong epekto sa kalikasan.
C. Tataas ang antas ng pag-unlad ng mga tao.
D. Hindi na mahihirapan ang mga tao sa paghahanap ng trabaho.
12. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapataas sa antas ng karunungan sa pagbasa
at pagsulat sa iyong bansang kinabibilangan?
A. Maghahanap ako ng mga taong maaaring makatulong sa kanila.
B. Ibabahagi ko ang aking kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa mga kabataang hindi nakapag-aral.
C. Ibibigay ko ang kanilang pangangailangan upang makatulong sa kanilang pag-aaral.
D. Isusulong ko ang mga proyekto ng paaralan upang makatulong sa mga batang walang
kakayahang makapag-aral.
13. Kung ang populasyon ng isang bansa ay binubuo ng mga bata at matandang populasyon, ano ang
nakikita nating implikasyon sa usaping pang-ekonomiya ng isang bansa?
A. Magkakaroon ng maraming lakas-paggawa.
B. Magkakaroon ng kakulangan sa lakas-paggawa,

6
C. Mas marami ang dapat na bigyan ng atensiyon ng pamahalaan sa aspetong medikal.
D. Mas maraming mamamayan ang dapat mangibang bansa.
II. Ilagay sa tamang hanay ang mga sumusunod na pangkat etnoligguwistiko sa Asya.

Dravidian Tajik Uzbek Sino-Tibetan Malay


Indo-Aryan Hapones Sumerian Hittite Khmer
Persian Austro-Asiatic Hapones

Timog Silangang
Timog Asya Hilagang Asya Silangang Asya Kanlurang Asya
Asya
Malay Dravidian Tajik Sino-Tibetan Sumerian
Khmer Uzbek Hittite
Persian

III. Mga Wika sa Bawat Rehiyon ng Asya


1. Timog-silangang Asya • • Indo-Aryan, Dravidian
2. Timog Asya • • Austronesian, Sino-Tibetan, Mon Khmer
3. Silangang Asya • • Arabic at Semitic
4. Hilagang Asya • • Sino-Tibetan, Korean
5. Kanlurang Asya• • Slavic at Turkic

7
ANSWER KEY
Test I
D 1. A 8.
D 2. D 9.
D 3. C 10.
C 4. B 11.
D 5. B 12.
A 6. B 13.
D 7.

You might also like