Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office No. VIII (Eastern Visayas)

SANAYANG PAPEL SA ARALING PANLIPUNAN 4


IKA-APAT YUNIT-IKALIMANG LINGGO
PAGSASANAY BLG.5

Pangalan: ______________________________________________________
Baitang at Seksiyon: ____________________________________________

Layunin:
Naipaliliwanag ang mga gawaing lumilinang sa kagalingan pansibiko AP4KPB-IVd-
e-4

PANIMULANG GAWAIN

A. Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang Tama kung ang pa-
hayag ay tama at Mali naman kung hindi.

____________1. May iba’t- ibang uri ng gawaing pansibiko na maaring


gampanan ng kahit sinuman, bata man o matanda, batay sa kaniyang
kakayahan.

____________2. Ang pagtangkilik sa mga produkto ng iyong komunidad


at ng ating bansa ay gawaing pansibiko na hindi kayang gawin ng
batang tulad mo.

____________3. Ang pamamahala ng trapiko ay kayang gawin ng


batang iskawt.

____________4. Ang pagtatanim ng mga halaman sa bakuran ay


gawaing pansibiko na maaring gawin sa komunidad.
____________5. Walang mabuting naidudulot ang kagalingan pansibiko
lalo na sa tulad mo na nag-aaral pa lamang. Wala kang maiaambag dito
TANDAAN

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba.


Anong gawaing pansibiko ang ipinakikita ng bawat larawan?

https://tinyurl.com/4kphv238 https://tinyurl.com/jphe5z5a

https://2.bp.blogspot.com/
jvhtDBb6_sQ/WE6d6X4gHdI/AAAAAAA
AABc/ZL7dIQK7MhEO3RkM6IEnfwq
jdUHuyZYwCLcB/s320/518209534.jpg

https://lrmdsnegor.net/wp- https://www.sgs.ph/

content/uploads/2021/02/Magroad.png?6bfec1&6bfec1 -lola-crossing-the- /media/local/philippines/images/structuralimages/news-images/2019/sgs-


blood- -website-
donation.png?la=en
Ilan lamang ito sa gawaing pansibiko na nagawa na ninyo o hindi pa at maari rin niny-
ong umpisahang gawin.
May ibat-ibang uri ng gawaing pansibiko. Maari itong iayon sa kakayahan ng in -
dibidwal o grupo. Sa mga batang tulad mo, ang mga gawaing pansibiko ay
makikita sa payak na paggawa ng kabutihan. Halimbawa ay ang magalang na
pakikipag-usap sa matatanda, paggabay sa paglalakad sa may kapansanan at
pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran. Ang pagpapalabas o pagtulong sa mga
pagtatanghal na pampubliko ay isa pang gawain. Maging ang pagtulong sa pa-
mamahala sa trapiko ng mga batang iskawt ay isa ring gawaing pansibiko.

Maaring malawak ang sakop at pangmatagalan ang gawaing pansibiko na


sinasalihan lalo na ng nakakatanda. Ilang halimbawa ng mga
ito ay ang sumusunod

d;

Ang programa at proyekto sa literasi


ay isa sa mga sinasalihan ng
nakatatanda na itinuturing na
pangmatagalan ang benepisyo sa
mga mamamayan.

https://www.worldvision.org.ph/wp
-content/uploads/2019/09/11.jpg

Pagbuo ng mga liga, pagtuturo ng


isports at pagbibigay pasilidad .

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2020/sport
s/11/10/20201110-psl.jpg?ext=.jpg

Gayundin, maaring pagtuunan ng pansin ang usapin sa pera at kabuhayan. Maaaring


bumuo ng mga kooperatiba, sumali sa paggawa ng mga lokal na produkto o pagtitinda
ng mga ito.

Ang mga gawaing pangkabuhayan ay malaki ang pakinabang sa komunidad.


https://tinyurl.com/nkt2wa52
Sa kabuuan, maaaring tingnan sa
dalawang mukha ang naidudulot ng
gawaing pansibiko. Una ang pagbibigay
ng kagyat na lunas. Dahil sa mama-
mayang nagkukusang-loob na tumugon
sa panahon ng kagipitan, nagiging mabilis ang proseso ng pag-abot ng tulong sa mga
nasalanta ng mga kalamidad, pagsagip ng
buhay kapag may aksidente at pagbibigay
ng agarang lunas sa mga nakakaranas ng
gutom at sakit.

May mga pangkalusugan din kagaya ng pagsagip sa buhay, sa kalamidad, pagbibigay


ng agarang lunas sa mga nakararanas ng sakit at gutom. Ito ay kagyat na lunas at
agarang pagtugon.

https://www.sgs.ph/-/media/local/philippines/images/structural-
website-images/news-images/2019/sgs-blood-
donation.png?la=en

Pagsagip sa buhay kapag may aksidente.


https://calasiao.files.wordpress.com/
2018/05/picture32.png?w=313&h=188

Pangalawa, ang pangmatagalang


epekto ng mga gawain at proyekto.
Mga programang tulad ng pagbibi-
gay ng libreng pag-aaral sa mga kabataan, mga programang pang literasi sa mga
nakapag-aral, at pangkabuhayan para sa mga grupong etniko ang ilang halimbawa
nito. Nangyayari ito sa mahabang panahon kung saan ang resultang matatamasa ay
panghabambuhay.

Sa pangalawang mukha na ito ng kagalingang pansibiko , nabibigyang-so-


lusyon ang mga suliraning panlipunan tulad ng kamangmangan at kahirapan.

May iba pa ba na hindi nabanggit sa teksto? Ano-ano ang mga


ito?

https://lytsvp12.files.wordpress.com/2014/08/10545034_82211208448031
3_1250783618_n.jpg

Ang malasakit sa yamang tubig ba ay gawaing pansibiko? Bakit?

Ang dynamite fishing ba ay pagpapakita ng


gawaing pansibiko? Bakit hindi?
https://static01.nyt.com/images/2018/06/19/world/
00philippinespromo/merlin_139341618_5a68d04a-
2ec6-425c-a780-2b1af31923b-dynamite7- super-
Jumbo.jpg

GAWAIN 1
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng gawaing pansibikong inilalarawan sa bawat pahayag.
A- Kalikasan C- Pampalakasan
B- Kalusugan D- Edukasyon

_____1. Pagsasagawa ng palihan sa pagpipinta ng mga batang

lansangan.

_____2. Pagsasagawa ng libreng operasyon para sa mga may biyak sa

labi.

_____3. Pagbubuo ng liga para sa palaro sa inyong barangay.

_____4. Pagtatanim ng malilit na puno sa likod ng bahay.

_____5. Pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran.

GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay tama
at MALI kung hindi.
____________1. May iba’t- ibang uri ng gawaing pansibiko na maaring
gampanan ng kahit sinuman, bata man o matanda, batay sa kaniyang kakayahan.

____________2. Ang pagtangkilik sa mga produkto ng iyong komunidad at ng ating


bansa ay gawaing pansibiko na hindi kayang gawin ng batang tulad mo.

____________3. Ang pamamahala ng trapiko ay kayang gawin ng


batang iskawt.

____________4. Ang pagtatanim ng mga halaman sa bakuran ay


gawaing pansibiko na maaring gawin sa komunidad.
____________5. Walang mabuting naidudulot ang kagalingan pansibiko lalo na sa
tulad mo na nag-aaral pa lamang. Wala kang maiaambag dito
B. Panuto: Isulat sa notbuk kung panandalian o pangmatagalan ang mga sumusunod
na gawain.

______________1. Nagbibigay ng dugo si Aling Rowena sa Red Cross.


______________2. Nagtuturo ang sampung taong gulang na si Anna sa

Barangay Day Care Center.

_____________ 3. Nanguna sa paglalagay ng maliit na watawat ng

Pilipinas si Miguel para sa pagdiriwang ng Pambansang” Araw ng Kalayaan”.

______________4. Taon-taon, bumibisita sa bilangguan ang ilang piling


mag-aaral sa paaralan nila Jun upang magbigay ng kasiyahan sa mga preso. Ikaapat
na taon na siyang nagkukusang- loob na maghandog ng palabas para sa kanila.

______________5. Hinihikayat ni Aling Edna ang mga kapitbahay na

paghiwalayin ang mga basura sa kanilang komunidad. Ito ay bilang pagsuporta sa


proyekto ng munisipyo hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.

KARAGDAGAN GAWAIN: RUBRICS SA PAGWAWASTO


Pamantayan Puntos
Mabisang naibigay ang buong 4
ideya
Bahagyang naibigay ang ideya 3
May ideya ngunit malayo sa 2
paksa
Walang naibigay na ideya 1

SUSI SA PAGWAWASTO

Panimulang Gawain: Karagdagang Gawain:


1. Tama (Iba-iba nag maaaring sagot.)
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali
Gawain 1:
1.D
2.B
3.C
4.A
5.A
Gawain 2:
A.
1.TAMA
2. MALI
3.TAMA
4.TAMA
5.MALI
B.
1.PANANDALIAN
2.PANGMATAGALAN
3.PANANDALIAN
4.PANGMATAGALAN
5.PANGMATAGALAN

You might also like