Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pelikulang Filipino na pinamagatang "Billie and Emma" noong 2018 sa ilalim ng direskyon

ni Samantha Lee ay patungkol sa istorya kung paano kinaharap ng dalawang babae ang ilan sa mga
isyung panlipunan na mayroon hanggang ngayon patungkol sa kasarian at relihiyon. Si Zar Donata bilang
Isabelle “Billie” Santos ay isang tomboy na nagmula sa Manila at ipinadala ng kaniyang ama sa kaniyang
tiyahin at pinapasok sa isang Catholic School sa pagnanais na ito ay matauhan at "gumaling" mula sa
kaniyang pinagdaraanan samantalang si Gabby Pangilinan bilang Emma Cagandahan naman ay isang
popular at modelong estudyante sa naturang paaralan na nabuntis ng kanyang kasintahan na si Ryle Paolo
Santiago bilang Miguel at umibig kay Billie.

Ipinakita sa pelikulang ito ang mga pangyayari na taliwas man sa nakagawian ng iba ngunit tunay
at normal na nangyayari sa ating kapaligiran. At ipinakita ang mga pangyayari sa totoong buhay ng mga
guro, estudyanteng kabataan, at mga lesbian sa pamamagitan ng pagrerepresenta sa mga ito nang tapat at
totoo sa reyalidad. Naipakita sa pelikula ang pagkakaroon ng paboritong estudyante ng mga punong-guro
ng mga paaralan at kung paano nila sinusubukan na kontrolin ang mga buhay ng mga ito para sa
kapakanan ng imahe ng kanilang paaralan. Ito ay nakita sa parte kung saan nalaman na ng mga guro na si
Emma ay buntis. Pinakita rin ang mga kaugalian ng mga estudyante sa paaralan kung saan nasusunod ang
mga popular na estudyante. Mayroon ding nagpapabayad upang gumawa ng isang takdang-aralin. May
mga estudyante ring ipinakita na pinag-uusapan nila ang kanilang mga guro. Ang mga kapusukan ng mga
kabataan sa panahon ngayon ay naisalamin rin sa pelikulang ito kasama na ang mga gawain na kanilang
pinagdedesisyunan kapag sila ay nalagay sa isang alanganing sitwasyon.

Sa buhay naman ng mga lesbian ay sa umpisa ng pelikula naipakita kung ano ang tingin ng mga
karaniwang tao sa isang tao na naiiba ang ayos sa kanila kahit na magkapareho lamang ang kanilang
kasarian. Ito ay makikita sa umpisa ng pelikula kung saan naghihintay si Billie sa isang waiting shed kung
saan may dumating na babae na minamata si Billie at pinagtataasan siya ng kilay dahil sa ayos nito.
Nasabi ko rin na ang pelikulang ito ay matapat sa reyalidad dahil naipakita dito ang iba't ibang uri ng mga
lesbian na katulad ni Billie na totoo sa kaniyang sarili ngunit pinipilit na makibagay sa kaniyang lipunan
upang hindi maging kapansin-pansin at mayroon din naman katulad ng tiyahin ni Billie na pinipilit itago
ang totoong siya hanggang sa ito ay tumanda na. Naipakita sa pelikulang ito ang mga desisyon na
ginagawa ng iba katulad ng pagpapalaglag na mali man sa paningin ng iba ngunit kung iyong pag-
iisipang mabuti ay masasabi mong karapatan din nilang gawin dahil ito ay sarili nilang buhay. Ang sinabi

CANTA, RACHELLE JOY M.


“Hindi hadlang ang kasarian, sa pag-ibig”
Isang pagsusuring realismo sa pelikulang Billie and Emma
ng tiyahin ni Billie na ang ang pinakamasarap na pakiramdam para sa mga taong tulad nila ay ang
mahalin din ng mga taong gusto nila ay naipakita sa pag-iibigan ng mga karakter na sina Billie at Emma.

Para sa akin ang rating ng pelikulang ito ay 8/10 dahil maganda ang aral na ibinigay ng
pelikulaang ito sa akin. Inirerekomenda ko itong panoorin ng lahat bukod sa mga maiingay na isyu na
kinahaharap din ng mga parte ng grupo na LGBTQ+. Masasabi kong makatotohanan ang pelikulang
Billie and Emma sapagkat maka-realidad ang mga naipakita na eksena sa pelikulang ito dahil ito ay
nangyayare na tunay na buhay. At ang musika na ginamit sa pelikula ay maganda angkop na angkop ang
tunog sa bawat eksena na pinalabas. Talagang napadama ng pelikulamg ito ang makatotohanan na
nangyayare sa ating mundo.

CANTA, RACHELLE JOY M.


“Hindi hadlang ang kasarian, sa pag-ibig”
Isang pagsusuring realismo sa pelikulang Billie and Emma

You might also like