Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Sa nagdaang mga taon ng pagsusunog ng kilay makamit lamang ang

propesyon na siyang gagabay sa paglalakbay ay taos pusong pasasalamat ng


walang humpay ang masasabi ko sa aking inay at itay.

Kaugnay nito ako si Gabriela Grace Alfonso Evangelista ay nangangako na


magsisilbing pader ng aking mga magiging estudyante na maaari nilang
masandigan sa mga pagkakataon na pakiramdam nila ay tinalikuran na sila ng
mundo, ako ay magsisilbing unan na sasalo sa kanilang mga luha kapag sila ay
nahihirapan sa pag intindi ng mga aralin at ako ang kanilang magiging hagdan
na aalalay sa kanila patungo sa rurok ng tagumpay.

Noong ako ay elementarya pa lamang ay nasaksihan ko ang sistema ng aming


paaralan kung paano ang naging kalakaran nito. Mayroong peyborit si titser at
mayroong ayaw si titser. Tumatak ito sa aking isipan at ipinangako ko sa sarili ko
na magsusumikap ako sa aking pag-aaral upang sa gayon ay mabigyan ko ng
patas na edukasyon ang aking mga estudyante. Maraming balakid, problema,
hadlang, at distraksyon upang makapagtapos ako pero sa tulong nang
maykapal ay napagtagumpayan ko ito. Ngayon ako ay isa ng ganap na guro at
kasalukuyang ipinagpapatuloy ang mga pangako ko sa aking sarili. Pinangako
ko na ako ay magkakaroon ng patas na pagtingin sa aking mga mag-aaral,
gayundin ang hindi pagmalabis sa kanila kahit na may mga pagkakataon na
makulit sila at mahirap pagsabihan, at ipinangako ko rin na sa abot ng aking
makakaya ay araw-araw kong ipadadama sa kanila ang aking pagmamahal at
pag-aalaga sa kanila bilang kanilang pangalawang magulang.

Ako, ikaw, tayo ay hindi basta guro lang, tayo ang puso ng lahat ng propesyon
dahil tayo ang unang bubuo sa kanilang pagkatao. Nawa’y gabayan ako ng
maykapal sa bawat desisyon na tatahakin ko sa araw-araw.

_____________________________
GABRIELA GRACE ALFONSO EVANGELISTA
2-BEED A

SIGNATURE

You might also like