Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region____
SCHOOLS DIVISION OF ________
__________ ELEMENTARY SCHOOL
DISTRICT

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5


Test Placement
C
r
Most Essential Reme Unde Ana Eva e
Appl
Learning No. of % Of No. of mberi rstan lyzi luat a
Code ying
Competencies Days Items Items ng ding ng ing ti
(MELCs) n
g
DIFFIC
EASY AVERAGE
ULT
Naipaliliwanag
ang mga paraan
ng
pagtugon ng mga
Pilipino sa
kolonyalismong
Espanyol (Hal.
6 14% 7 1-3 4-5 6-7
Pag
-
aalsa,
pagtanggap sa
kapangyarihang
kolonyal/
kooperasyon)
Napahahalagaha
n ang
pagtatanggol ng
mga Pilipino
6 14% 7 8 9-12 13 14
laban
sa
kolonyalismong
Espanyol.
Natatalakay ang
impluwensya ng
mga Espanyol sa
kultura ng mga
Pilipino 11 28% 14 15-22 23-28

Nasusuri ang 8 20% 10 29 30-31 32-37 38


kaugnayan ng
pakikipaglaban
ng mga Pilipino
sa
pag-usbong ng
nasyonalismong
Pilipino
Napahahalagaha
n ang mga
katutubong
Pilipinong
49-
lumaban 9 24% 12 39 40-41 42-48
50
upang
mapanatili ang
kanilang
kasarinlan
40 100% 50
TOTAL 15 15 8 7 5 0
ITEMS

Inihanda ni:

JUAN DELA CRUZ


Teacher I

Checked and Verified:

JUAN DELA CRUZ


xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Republic of the Philippines
Department of Education
Region____
SCHOOLS DIVISION OF ________
__________ ELEMENTARY SCHOOL
DISTRICT

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan:______________________________ Puntos:

Grade/Section:__________________ Date:______________
Panuto: Basahin nang mabuti ang nilalaman ng bawat bilang. Isulat sa sagutang papel
ang letra ng napiling sagot.

1. Anong katutubong pangkat sa Cordillera ang hindi nasakop ng mga Espanyol.


A. Malay B. Muslim C. Igorot D. Indones

2. Ito ang ginamit ng mga Prayle bilang simbolo ng Kristiyanismo upang baguhin ang
mga paniniwala ng mga Pilipino.
A. espada B. ginto C. krus D. sanduguan

3. Isa sa mga paraan ng pananakop ng mga espanyol, dito nakikipagkaibigan ang mga
kastila sa mga lokal na pinuno.
A. espada B. ginto C. krus D. sanduguan

4. Ano ang tawag sa serye ng digmaan sa pagitan ng Espanyol at Muslim noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?
A. commandancia B. digmaang moro C. kolonyalismo D. sanduguan

5. Lumaban ang mga katutubong Igorot sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pangangayaw.


Ano ang ibig sabihin ng pangangayaw?
A. pagtakas sa bilangguan C. pamumugot ng ulo sa mga kaaway
B. pamamaril sa mga kaaway D. paglusob sa mga kaaway.

6. Ano ang naging tugon ng mga Pilipino sa naranasang lupit ng mga patakarang
ipinatupad sa kolonya.
A. Nagsawalang-kibo ang nakararaming mga katutubo dahil sa takot sa mga
sundalong Espanyol
B. Tumutol sila sa pamamahala ng mga dayuhan at piniling takasan ang
kalupitan ng mga dayuhan.
C. Bumuo sila ng samahan upang simulan ang pag-aalsa.
D. Lahat ay tama

7. Naging matagumpay ba ang pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong Igorot at


Muslim?
A. Oo, tinanggap ng mga katutubo sa Cordillera ang Kristiyanismo at sila
ay nagpabinyag.
B. Oo dahil ginamit ng mga Espanyol ang armadong paraan ng pananakop upang
sila ay pilit na sakupin.
C. Hindi, dahil ipinamalas ng ating mga katutubo ang katapangan at
pagpapahalaga sa kalayaan.
D. Hindi dahil maraming armas ang ating mga katutubo.
8. Ano ang tawag sa katutubong pamayanang naninirahan sa Mindanao na hindi nasakop
ng mga Espanyol?
A. Badjao B. Muslim C. Malay D. Indones

9. Saang lugar sa Pilipinas naganap ang pag-aalsa tungkol sa monopolyo ng pamahalaan sa


paggawa ng basi.
A. Ilocos B. Vigan C. Cebu D. Leyte

10. Ano ang tunay na pakay ng mga Espanyol sa kanilang pagsalakay sa Cordillera?
A. lupa B. kristiyanismo C. ginto D. tabako

11. Maituturing na mahabang pag-aalsa dahil sa pagtatangi ni Padre Morales na ilibing ang
kanyang kapatid sa sementeryo ng Katoliko.
A. Pag-aalsa ni Maniago C. Pag-aalsa ni Bankaw
B. Pag-aalsa ni Dagohoy D. Pag-aalsa ni Lakandula
12. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagsasaad ng pag-aalsa at rebelyon ng mga
Pilipino laban sa mga Espanyol?
A. Pag-alis ng karapatan C. Pagdating ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas
B. Pagkakatatag ng KKK D. Pagpapakalat ng mga Bibliya sa mga Pilipino

13. Paano mo mailalarawan ang mga katutubo sa hindi pag-iwan nila sa mga ibang
kasamahan sa pag-aalsa laban sa mapang- abusong Espanyol hanggang sa makamit ang
kalayaang inaasam-asam.
A. Katalinuhan B. Katapatan C. Katapangan D. Kasipagan

14. Paano ipinakita ng mga katutubo ang kanilang pagkamalikhain laban sa mga Espanyol?
A. Nagnakaw sila ng mga armas sa mga Espanyol.
B. Gumawa ng sariling armas ang mga katutubo upang lumaban sa mga Espanyol.
C. Bumili sila ng armas sa mga kalapit bansa upang labanan ang mga mananakop.
D. Gumawa sila ng iba’t ibang bitag sa mga kabundukan.

15. Pagsasadula sa pagkikitang muli ng nabuhay na si Kristo at ni Birheng Maria.


A. pabasa B. salubong C. panunuluyan D. santacruzan

16. Unang aklat sa Pilipinas na naglalaman ng mga dasal na nasusulat sa Spanish at may
kasamang pagsasalin sa wikang Tagalog.
A. Doctrina Romano C. Doctrina Royal
B. Doctrina Christiana D. Doctrina Espanya

17. Ang tawag sa dula tungkol sa labanan ng mga Muslim at Kristiyano.


A. awit B. moro-moro C. korido D. sarsuwela

18. Unang paaralang itinayo para sa mga kababaihan.


A. Colegio de Sta. Isabel C. Colegio de Santa Potenciana
B. Colegio de ng Concordia D. Colegio de Santa Rosa

19. Ano ang tawag sa pinakasentro ng pamayanan noong panahon ng Espanyol .


A. plaza B. pueblo C. azotea D. komedor

20. Sila ang mga Pilipinong nakapag-aral at naging propesyonal.


A. Insulares B. Peninsulares C. Datu D. Illustrado

21. Bahagi ng bahay na kung saan tinatanggap ang mga panauhin.


A. kusina B. sala C. azotea D. banyo
22. Ito ang pinakamahalagang obra ni Juan Felipe
A. Sampaguita B. Noli Me Tangere C. Bayang Magiliw D. Lupang Hinirang

23. Dahil sa likas na mahilig sa musika ang mga Pilipino, nakalikha sila ng instrumento na
gawa sa kawayan na tanyag sa buong mundo, ano ang tawag sa instrumentong ito?
A. tambol B. kudyapi C. Organong Kawayan ng Las Piñas D. plautang kawayan

24. Alin ang naglalarawan sa paaralan noon?


A. Ito ay bukas para sa lahat.
B. Ito ay para sa katutubo
C. Ito ay katulad ng mga paaralan ngayon
D. Ito ay nakatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman.

25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI lutuing Espanyol na ipinakilala sa Pilipinas.
A. menudo B. mechado C. caldereta D. samgyeopsal

26. Alin sa mga sumusunod ay hindi naging bahagi ng impluwensiya ng mga Espanyol sa
Pilipinas?
A. Pag-usbong ng Katolisismo C. Pag-unlad ng wikang Espanyol
B. Pagbabago sa pagkain at kultura D. Pag-usbong ng komunismo

27. Alin ang hindi kabilang sa mga pangunahing dahilan ng mga pag- aalsang isinagawa ng
mga Pilipino?
A. panrelihiyon B. sosyal C. politikal D. ekonomiko

28. Ang mga babaylan at katalonan ay tinanggalan ng kapangyarihan bilang mga pinuno ng
aspektong ____________.
A. politikal B. espirituwal C. pisikal D. ekonomikal

29. Ito ay ang dalawang aklat na isinulat na Jose Rizal na Gumising sa kamalayan ng mga
Pilipino.
A. Romeo at Juliet C. Noli Me Tangere at El Filbusterismo
B. La Solidaridad D. Biblia at Koran

30. Sino-sino ang kabilang sa mga “Illustrado”?


A. Sila ay mayayaman na hindi nakapag-aral
B. Sila ay kabilang sa gitnang uri ng lipunan na nakapag-aral
C. Sila ay ipinanganak sa Europa ngunit nanirahan sa Pilipinas
D. Sila ay kabilang sa mahihirap na uri ng mamayan

31. Alin sa mga pahayag na ito ang naging mabuting epekto ng pamamahala ng mga
Espanyol sa Pilipinas?
A. Nawala ang kalayaan, katarungan at karapatang panta
B. Naging abusado ang pinuno ng Espanyol sa katagalan ng kanilang pamamahala
C. Mas tinangkilik ng mga Filipino ang imported na gamit
D. Paglaganap ng Kristiyanismo

32. Anong katangian ang ipinapakita ng mga Pilipino sa kanilang patuloy na pakikipaglaban
sa mga mananakop?
A. Maka-Diyos B. Makabansa C. Makakalikasan D. Makatao

33. Ano ang mahalagang gampanin ng mga Ilustrado sa paggising ng diwang makabayan
ng mga Pilipino?
A. Binigyan nila ng ilaw ang mga daan
B. Sila ang nagmulat sa atin ng mga tunay na karapatan ng mga Pilipino
C. Sila ang nangalakal mula sa Maynila hanggang Acapulco
D. Sila ang nagturo sa atin ng salitang Mandarin
34. Ano ang naging bunga ng pagtuturo ng mga Espanyol ng kanilang wika sa mga Pilipino?
A. Pagkakaroon ng mas malawak na kaalaman sa pagbabasa at pagsusulat
B. Pagkakaroon ng mas maraming oportunidad sa paglalakbay at pag-aaral sa ibang
bansa
C. Pagkakaroon ng mas magandang trabaho sa mga kumpanyang Espanyol
D. Pagkakaroon ng mas malawak na kaisipan at perspektiba sa pag-unlad ng bansa.

35. Bakit nabigo ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga mananakop?
A. Kakulangan ng pagkakaisa C. Wala silang sapat na dahilan
B. Wala silang armas D. Wala silang pinuno

36. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolyo ng tabako sa ating bansa?


A. Dahil mahilig manigarilyo ang mga Espanyol.
B. Naniniwala si Gob. Hen. Basco na mas tatatag ang ekonomiya dahil mataas ang
demand ng tabako sa kalakalan.
C. Mahilig magtanim ng tabako ang mga Ilocano.
D. Para maging sikat ang tabako sa bansa.

37. Bakit hindi nakinabang ang mga Filipino sa kalakalang galyong gayong kalahok ang mga
Filipino mula ika-16 hanggang ika-19 na siglo?
A. Hindi marunong sa merkado ang mga Filipino
B. Palaging nabubulok ang kanilang mga produkto
C. Palaging itinutumba ng mga bagyo ang sinasakyang galyon
D. Ang tanging gampanin lang ng mga Pilipino sa kalakalang galyon ay ang paggaa ng
galyon at hindi sa pakikipag-kalakalan

38. Alin sa sumusunod ang mga dahilan ng pagkakabigo ng mga isinasagawang pag-aalsa sa
Pilipinas?
1. Kakulangan ng Armas 3. Kakulangan ng Edukasyon
2. Kakulangan ng Pagkakaisa 4. Kakulangan ng Pagpaplano

A. 1,2,3 C. 1,3,4 B. 2,3,4 D. 1,2,4


39. Ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino ay nakapagdulot ng __________.
A. Paggising ng kamalayan ng mga Pilipino C. Pagrerebelde ng mga Pilipino
B. Pagkawala ng pag-asa ng mga Pilipino D. Pagwatak –watak ng mga Pilipino

40. Kilalanin ang mga nasa larawan.


Pillin ang salita o pahayag na tumutukoy dito.

A. Pangkat ng Dayuhan B. Muslim C. Pananakop D. Katutubong Pangkat

41. Sa harap ng armadong pakikipaglaban ng mga Espanyol sa mga katutubo, alin dito ang
reaksyiong ipinamalas ng mga katutubong pangkat.
A. Pagtanggap B. Pagtakas C. Paglaban D. lahat ng nabanggit

42. Ito ay ang tungkulin nating mapaunlad sapagkat ito ay nabibigay-buhay sa ating bansa at
isa ito sa nagiging batayan ng kaunlaran.
A. Pakikipagkapwa-tao
B. Pagtangkilik sa imported produkto
C. Pagmamahal sa ibang kultura.
D. Paggamit ng wasto sa ating likas na yaman

43. Anong mga halimbawa ng mga pambansang araw na ginugunita ng mga Pilipino bilang
pagpapahalaga sa kalayaan?
A. Araw ng Kalayaan at Araw ng Kagitingan
B. Araw ng mga Manggagawa at Araw ng Kasarinlan
C. Araw ng Kasarinlan at Araw ng mga Puso
D. Lahat ng nabanggit

44. Posible pa bang mawala ang kalayaang tinatamasa natin ngayon?


a. Oo, kaya dapat nating pahalagahan at ingatan ang kalayaang ito
b. Oo, dahil sa banta ng Amerika na sakupin tayo
c. Hindi, dahil sa sapat na kaalaman at kahandaan ng mga Pilipino sa digmaan
d. Hindi, dahil hindi na uso ngayon ang agawan ng teritoryo

45. Anong mga hakbang ang maaaring gawin ng bawat Pilipino upang maipakita ang
pagpapahalaga sa kalayaan ng Pilipinas?
A. Pagpapakita ng paggalang sa mga simbolo ng bansa, tulad ng watawat, pambansang
awit, at iba pang mga sagisag ng Kalayaan.
B. Pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng pagtulong ng
may hinihintay na kapalit.
C. Pagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga panahon ng pagsubok lamang.
D. Lahat ng nabanggit.

46. Ano ang papel ng bawat Pilipino sa pagpapahalaga sa kalayaan?


A. Maglingkod sa bayan at magpakabuti sa kanyang tungkulin
B. Magmartsa at magprotesta laban sa gobyerno
C. Sumali sa mga kilusan ng rebelyon
D. Lahat ng nabanggit

47. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa kasarinlan ng bansang Pilipinas?


A. Pagbili ng mga produktong gawa sa ibang bansa upang ipakita ang globalisasyon.
B. Pagpapakita ng paggalang sa mga opisyal ng gobyerno at pagsunod sa mga batas at
regulasyon nito.
C. Pagiging tahimik sa mga isyu ng politika at diplomasya upang maiwasan ang mga
kontrahan sa mga kaibigan ng bansa.
D. Pagtatapon ng basura sa kalsada dahil ito ay maliliit na bagay lamang at hindi
magiging epekto sa kasarinlan ng bansa.

48. Ano ang maaaring gawin ng isang mamamayan upang ipakita ang higit na pagpapahalaga
sa mga katutubo ng Pilipinas?

A. Pagpapalaganap ng mga kultura ng mga katutubo sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.


B. Pagbibigay ng pera sa mga organisasyon na nakakatulong sa mga katutubo.
C. Pagpapakita ng paggalang at pakikipagkaibigan sa mga katutubo.
D. Pagsasagawa ng mga programa at proyekto na nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan
ng mga katutubo.

49. Ano ang dahilan kung bakit hindi naimpluwensyahan ng kulturang kastila ang mga nasa
Mindanao?
A. Hindi tinanggap ng mga Muslim ang mga Espanyol
B. Hindi narating ng mga Espanyol ang Mindanao
C. Maraming Muslim ang nagpunta sa Luzon
D. Mahihirap ang mga Muslim kaya di nagkainteres sa kanila ang mga espanyol
50. Paano nakatutulong ang pagpapahalaga sa kalayaan sa pagpapalakas ng pagkakaisa
ng mga Pilipino?
A. Nagbibigay ito ng isang layunin at laya para sa mga Pilipino
B. Nagbubukod ang mga Pilipino upang mapanatili ang kanilang kalayaan
C. Nakatutulong ito sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino bilang isang bansa
D. Lahat ng nabanggit

Inihanda ni:

JUAN DELA CRUZ


Teacher I

Checked and Verified:

JUAN DELA CRUZ


xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
SUSI SA PAGWAWASTO SA AP 5

1 C 11 B 21 B 31 D 41 C
2 C 12 A 22 D 32 B 42 D
3 D 13 B 23 C 33 B 43 A
4 B 14 B 24 D 34 A 44 A
5 C 15 B 25 D 35 A 45 A
6 C 16 C 26 D 36 B 46 A
7 C 17 B 27 B 37 D 47 B
8 B 18 C 28 B 38 D 48 C
9 A 19 B 29 C 39 A 49 A
10 C 20 D 30 B 40 D 50 C

You might also like