Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino

Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo. Bawat isa sa mga grupong ito ay may kani-kaniyang
sariling wika. Ayon kay Dr. Ernesto Constantino (Magracia at Santos, 1988:1) mahigit sa limandaang (500) mga wika at wikain ang ginagamit ng mga
Pilipino. Sa ganitong uri ng kaligiran, isang imperatibong pangangailangan para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng isang wikang pambansang magagamit
bilang instrumento ng bumibigkis at simbolo ng ating kabansaan o nasyonalidad.Sa panahon ng Kastila, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino.
Matagumpay na nahati at nasakop ng mga dayuhan ang mga katutubo. Napanatili nila sa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino nang humigit-
kumulang sa tatlongdaang taon. Hindi nila itinamin sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng kanilang mga damdamin. Sa
halip, ang mga prayleng Kastila ang mga nag-aral ng katutubong wika ng iba’t ibang etnikong grupo. Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng
komunikasyon sa panahong yaon; ang naturang wika ang siyang ginamit ng mga prayleng Kastila sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga
katutubong Pilipino.Hindi rin itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika, ang wikang Kastila, sa mga katutubo na takot na magkabuklud-buklod ang mga
damdamin ng mga mamamayan at mamulat sa tunay na mga pangyayaring nagaganap sa kanilang lipunan at tuloy matutong maghimagsik laban sa kanilang
pamamahala.Sa panahon ng Propaganda (1872), Tagalog ang wikang ginamit sa mga pahayagan. Pinagtibay ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899
ang wikang Tagalog bilang wikang opisyal.Sa panahon ng Amerikano, Ingles ang wikang ginamit na midyum ng pagt5uturo sa mga paaralang-pampubliko.
Bukod sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo, ang mga paksang pinag-aralan sa loob ng klase ay tungkol sa mga Amerikano, ang kanilang kasaysayan,
literatura, kultura, ekonomiya at pulitika. Sa panahong ito, ipinagbawal ang pag-aaral sa ano mang bagay na Pilipino kaya interesado ang mga estudyante sa
mga bagay na may kaugnayan sa Pilipino. Higit nilang tinangkilik ang mga bagay na Amerikano. Ito ang simula ng pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad
ng mga katutubong mamamayan na naman at itinaguyod ng mga Pilipinohanggang sa kasalukuyang henerasyon.Noong 1925, sa pamamagitan ng sarbey ng
Komisyong Monroe, napatunayang may kakulangan sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan, subalit wala namang pagbabagong
ginawa.

Noong 1931, si Butte, ang bise gobernador-heneral na siya ring kalihim ng pambayangt pagtuturo ay nagpanukalang gawing bernakular ang
pagtuturo sa primarya. Sa mga panahong pinagtatalunan ang problema tungkol sa wika, maraming sumulat tungkol sa gramar ng Tagalog, kasama na nag
paggawa ng diksyunaryo. Nais nilang ipakitang ang wikang Tagalog ay isang mayamang wika na maaaring gamitin bilang wikang panturo, at higit na lahat,
bilang wikang pambansa (Rubin at Silapan, 1989:6).Wala pa ring naging kalutasan sa problema tungkol sa wika dahil ipinaglaban at pinangatawanan ng
Kawanihan ng Pampublikong Paaralan ang paggamit ng wikang Ingles. Matatag namang sinalungat ito nina Rafael Palma at Cecilio Lopez.Hindi kayang
labanan ng mga tumatangkilik at nagmamahal sa wikang katutubo ang puwersang tumataguyod sa wikang Ingles sa dahilang walang pagkakaisa ang mga
nasabing grupo; watak-watak din sila dahil bawat isa’y sariling literatura at kani-kaniyang wika ang binibigyang-pansin. Kung tutuusin, Tagalog ang wikang
ipinanlaban sa wikang Ingles. Ang manunulat ay gumawa ng mga hakbang upang punahin ang wikang Ingles (Magracia at Santos, 1988).Una – bumuo sila ng
mga samahang pupuna sa wikang Ingles.Ikalawa- sumulat sila tungkol sa iba’t ibang sangay ng panitikan tulad ng: sanaysay, maikling kuwento, nobela, tula
at dula.Ikatlo – nahati ang mga manunulat sa dalawang grupo; manunulat sa panitikan at manunulat sa wika. Ang mga nasabing manunulat ay gumawa ng
librong panggramar sa Tagalog upang mapalaganap ang wika (Rubin at Silapin, 1989:7).Noong 1934, lubusang pinag-usapan sa Kumbensyong
Konstitusyunal ang hinggil sa wika. Sumasang-ayon ang maraming delegado sa iba’t ibang panig ng kapuluan na dapat wikang bernakular ang maging
wikang pambansa ngunit matatag na sinalungat ito ng mga tumataguyod sa wikang Ingles. Para sa mga maka-Ingles, ang nasabing wika ang magsisilbing –
daan sa paghahanap ng trabaho. Naniniwala ang maka-Ingles na kapag marunong kang magsalita ng banyagang wikang ito, makakamit mo ang mataas na
posisyon sa gobyerno. Kung komersiyo naman ang pag-uusapan, naniniwala pa rin silang ang mahuhusay lamang magsalita ng Ingles ang maaaring
makipagnegosasyon. Nakalimutan ng mga maka-Ingles ang naibibigay na kahalagahan ng isang bernakular na wika sa pagpapaunlad at pagpapasulong ng
kultural, ekonomiko at pulitikal na sistema ng buhay ng mga Pilipino.Ngunit nabanaagan ng tagumpay ang mga nagmalasakit sa sariling wika nang
magmungkahi ang grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa
Mga umiiral na wikain sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan naman ni G. Manuel L. Quezon na sa panahong yaon ay president ng
Komonwelt ng Pilipinas. Ang pagsusog na ginawang pangulo sa nasabing mungkahi ay nakasaad sa probisyon sa Artikulo XIV ng Konstitusyon ngPilipinas
ng 1935:“ Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na bata sa isa sa mga umiiral na wikang
katutubo. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na wika.”Nagkaroon ng maraming talakayan
hinggil sa isyung kung sa anong wika ibabatay ang pagpili ng wikang pambansa na hindi magkakaroon ng negatibong saloobin ang ibang etnikong
grupo.Ayon kina Prop. Emma Magracia at Prop. Angelina Santos ng MSU- IIT (1988.7) batay nga sa probisyon ng 1935 Konstitusyon, pinagtibay ng
Asemblea ng Komonwelt ng Pilipinas angBatas Komonwelt Bilang 184 na nagtatag ng isang Surian ng Wikang Pambansa na ang tanging gawain ay ang pag-
aaral ng mga wikang pangunahing ginagamit sa Pilipinas at pumili ng isang panlahat na wikang pambansa batay sa isa sa pinakamaunlad na umiiral na
katutubong wika ayonsa balangkas , mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.Ang mga miyembrong naatasan ng Surian
upang magsagawa ng pag-aaral ay binubuo nina:Jaime C. Veyra – tagapangulo, kumakatawan sa SamarCecilio Lopez – kalihim, kumakatawan sa rehiyong
TagalogSantiago A. Fonacier – Ilokano Filemon Sotto – CebuFelix S. Solas Rodriguez – HiligaynonHadji Butu – MuslimCasimiro F. Perfecto –
BicolMaoobserbahan na ang mga miyembro ng Surian ay mula sa iba-ibang rehiyon at kumakatawan sa ilang pangunahing wika sa Pilipinas.

Sa pag-aaral na isinagawa ng mga kagawad ng Surian, kanilang napagkasunduan na Tagalog ang gawing batayan ng wikang pambansa
dahil ang naturang wika ay tumugma, pumasaat umayon sa pamantayang kanilang binuo. Ang ilang pamantayang nabuo ng lupon na nasasabing maihahanay
ang Tagalog sa istandard nito ay tulad ng : ang wikang pipiliin ( Rubin atSilapan, 1989:9 ) ay wika ng sentro ng pamahalaan, wika ng sentro ng edukasyon,
sentro ng kalakalan at wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan. Noong Nobyembre9, 1937, isinubmite ng miyembro ng Surian ang
anilang rekomendasyon kay Presidente Quezon na Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang pambansa. Lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap
Bilang 134 noong Disyembre 30, 1939, makaraan ang dalawang taon, nagkabisa ang kautusang ito.Noong Abril 1, 1940, binigyang pahintulot ang
pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramar ng wikang pambansa. Noong Hunyo 19, 1940, sinimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa
Tagalog sa mga paarang pampubliko at pribado.Ang wikang pambansa sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay nagkaroon ng pagsulong dahil
ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa ano mang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinagbawal din ang paggamit ng lahat ng mga libro at peryodikal
nauukol sa Amerika. Nang magbukas ng paaralang pampubliko ang mga Hapones, wikang Tagalog ang ginamit na midyum ng pagtuturo. Itinuro rin ang
wikang NIponngo o Hapon sa lahat ng antas. Sabisa ng Ordinansa Bilang 13, ginawang mga opisyal na wika ang Tagalog at Niponggo. Masasabing naging
maningning, namulaklak at umunlad ang wikang pambansa sa panahon ng mga Hapones.Noong Hulyo 4, 1946, Araw ng Pagsasarili, ipinahayag na ang
wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog batay sa Batas Komonwelt Bilang 570. Sa panahong ito nabalam na naman ang pagpapaunlad sa wikang pambansa
dahil muling namayagpag ang wikang Ingles bilang midyum ng komunikasyon sa mga pahayagan at pamahalaan.Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang
12 na nilagdaan ni Presidente Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1951, ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa. Nagsimula ang pagdiriwang mula
Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon. Pinili ang linggong ito para sa pagdiriwang bilang parangal kay Francisco Balagtas dahil Abril 2 ang kaarawan ng
makata. Sa sumunod na taon, sa bisa ng Proklamasyon Bilang 186 na ipinalabas ni Presidente Ramon Magsaysay rin, ang pagdiiwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa ay inilipoat mula Agosto 13 hanggang Agosto 19 taun-taon bilang parangal sa dating Presidente Manuel L. Quezon na siyangitinuturing na Ama ng
Wikang Pambansa. Itinaon ang nasabing pagdiriwang sa araw ng kapanganakan niya.

Pinatasng katawagang Wikang Tagalog sa Wikang Pilipino Bilang wikang pambansa noong Agosto 13, 1959, sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 7 na ipinalabas ni G. Jose E. Romero, ang dating kalihim ng Edukasyon.Higit na binigyang-halaga ang paggamit ng wikang Pilipino
sa panahong ito. Naging popular na wika ito. Lahat ngtanggapan at gusali ng gobyerno ay pinangalanan sa Pilipino; ang mga dokumentong panggobyerno
tulad ng panunumpa sa trabaho, pasaporte at visa ay nakasaad sa Pilipino; ang pamuhatan ng mga korespondensya opisyal ay nakasulat sa Pilipino o d kaya
ay katumbas sa Pilipino. Ginamit na rin ang wikang Pilipino sa iba’t ibang lebel ng edukasyon pati na rin sa mass media tulad ng telebisyon, radio, komiks,
magasin at dyaryo.Sa kabila ng mga pagbabagong-ito, hindi pa rin matanggap ng ibang sector ang Pilipino bilang wikang pambansa. Marami pa ring
sumasalungat sda pagkakapili sa naturang wika bilang simbolo n gating kabansaan.Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa 1972 Kumbensyong
Konstitusyunal; naging mainit na isyu ang probisyong pangwika hanggang sa ang naging resulta ng maraming pagtatalo at pag-aartal ay ang probisyong
Seksyon 3 (2) ng Artikulo XV sa kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas:Samantalang ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na kikilalaning Filipino.Masasabing isinilang na ang Filipino, ang bagong
katawagan sa wikang pambansa ng Pilipinas simula pa noong 1972 sa Kumbensyong Konstitusyunal at pormal na pinagtibay noong 1973 Konstitusyon
ngunit hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay at pambansang pag-iimplementa nito.Sa panahon ni Presidente Aquino, binuo
niya ang Komisyong Konstitusyunal ng 1986. Ang nasabing komisyon ay may 48 miyembro. Noong Oktubre 12, 1986, pinagtibay ng Komisyon ang
implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.Matutunghayan sa Artikulo XIV, Seksyon 6, ang probisyon tungkol sa wika na nagsasaad:“Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.”

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa dapat pagpasiyahan ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang pagggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.Ang nasabing Artikulo IV, Seksyon 7, ay nagsasaad:“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon.”“Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic.”Noong Pebrero, 1987,
niratipika ng mga mamamayang Pilipino ang probisyon ng 1986 Konstitusyon at tinawag itong 1987 Konstitusyon. Noong Mayo 21, 1987, nagpalabas si Dr.
Lourdes Quisumbing, ang dating Sekretarya ng Edukasyon, Kultura at Isports ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 32, serye ng 1987, na pinamagatang
“Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987.” Ang nasabing patakaran ay nagsasaad ng “pagpapalaganap ng Filipino bilang wika ng literasi” at ang
paggamit ng Ingles bilang “di-eklusibong wika ng siyensya at teknolohiya.” Noong Mayo 27, 1987, lumabas ang kasunod na Kautusang Pangkagawaran
Bilang 54, serye ng 1987, na pinamagatang “Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa Edukasong Bilinggwal ng 1987” , at naglalahad ng mga dapat
isagawa ng iba-ibang ahensyang pang-edukasyon sa Pilipinas para sa implementasyon ng Patakaran sa edukasong bilinggwal ng bansa. Ang nasabing
patakaran ay may nakalaang mga insentibo at mga karagdagang sahod. Maypangangailangan ding matuto ang mga guro ng Filipino sa lahat ng lebel ng
edukasyon sa buong bansa, upang magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo ng anumang asignatura.Ang dating Presidente ng Pilipinas, si Gng. Corazon C.
Aquino ay nagpakita ng suporta sa pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng suporta sa pagpapalaganap at paggamit ng
Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng Atas Tagapagpaganap Bilang 333, serye ng 1988, na “nag-aatas sa lahat ng kagawaran, departamento,
kawanihan, opisina, at ahesya ng Pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kinakailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksyon, komunikasyon at korespondensya.” May utos din si Gng. Aquino noon na ang mga opisinang pampubliko, mga gusali at mga karatula sa mga
opisina ay dapat na isalin sa Filipino.Wika nga ng dating Presidente, “Ang pagpupunyaging gamitin ang Filipino sa pamahalaan ay makakatulong sa
sambayanan na maintindihan at lalong pahalagahan ang mga programa ng gobyerno kasama na ang mga proyekto.”Bilang pangwakas, ang malaking
katanungang nangangailangan ng kasagutan ay: Saan nakasalalay ang tagumpay ng pagkakasabatas ng Wikang Filipino?

Ayon kina Prop. Ligaya T. Rubin at Dr. Ofelia J. Silapan ng Unibersidad ng Pilipinas , “Ang tagumpay ng Wikang Pambansa ay nakasalalay
sa kamay ng mga namamahala ng bansa, sa Kongreso, sa mga korte, sa mga eskwelahan, at sa iba pang mga ahensya o institusyon.”

You might also like