Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Mga Magnanakaw

May isang pulubing nakapasok sa kaharian. Dahil siya ay gutom na gutom na, napilitan siyang nakawin
ang pagkain sa may kusina ng palasyo. Sa malas ay nahuli siya at dinala sa hari. Siya ay hinatulang
mapugutan ng ulo.

Bago pugutan ng ulo ang pulubi ay may iniabot sa hari na mahiwagang buto. Sinabi niyang ang butong
ito ay tumutubo at namumunga kaagad sa loob ng isang araw kung ang magtatanim ay isang taong kahit
kailan ay hindi kumuha ng bagay na hindi niya pag-aari.

Ibinigay niya ang buto sa kanyang ministro upang itanim. Malaki ang tiwala ng hari sa ministro dahil
kahit kailan ay hindi nito ninakaw ang gintong nasa korona ng kanyang ama noong siya ay prinsipe pa
lamang. Tumanggi ang ministro at inamin niyang minsan na niyang kinuha ang espada ang kanyang
kaibigan nang walang paalam.

Ipinasa niya ito sa ingat yaman ng palasyo ngunit tumanggi rin ito. Inamin niyang minsan ay kinupitan na
niya ang pondo ng kaharian. Sa kabila ng mga pagtatapat na ito ay pinatawad sila ng hari.

Naiyak ang pulubi at tinanong ang hari. "Bakit hindi sila parurusahan kahit na malaking bagay ang
kanilang mga kinuha? Pagkain lamang ang aking ninakaw, ngunit pupugutan kaagad ako ng ulo?"

Hindi nakakibo ang hari at hindi na rin nito itinuloy ang pagpugot sa ulo ng pulubi.

pinasa niya ito sa ingat-yaman ng palasyo ngunit tumanggi rin ito. Inamin niyang minsan ay kinupitan na
niya ang pondo ng kaharian. Sa kabila ng mga pagtatapat na ito ay pinatawad sila ng hari.

Naiyak ang pulubi at tinanong ang hari, "Bakit hindi sila parurusahan kahit na malaking bagay ang
kanilang mga kinuha? Pagkain lamang ang aking ninakaw, ngunit pupugutan kaagad ako ng ulo?"

Hindi nakakibo ang hari at hindi na rin nito itinuloy ang pagpugot sa ulo ng pulubi.

You might also like